Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

717K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in Parañaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One With The First Kiss

12.7K 407 38
By AlbertLang

CHAPTER 11

Natapos ba ang lahat sa pagtatapat ni Gabriel?

Dumaan ang weekend, hindi nagtext, nag PM, o kahit nag poke man lang sa FB si Gabriel. Iyun na ba yun? Hanggang sa dumating ang araw ng klase.  Wala pang alas-singko ay gising na ako. Naghihintay sa busina ng kotse ni Gabriel.

Antagal na, wala. baka wala na talaga. Hayaan mo na. Gusto ko mang mauna sa pagkontak sa kanya, e baka sabihing, ako na ang naghahabol. Hayaan mo na lang siya.

Nang magring ang phone ko.

Agad kong kinuha ang telepono ko sa baso na sa pagmamadali ay nalaglag, mabuti at hindi nabasag.

"Hello," sabi ko na gising na gising.

"Did i wake you up?"

Si Gabriel. Napataas ang dalawa kong paa at napapadyak na naman sa ere. Pero kaialngang magpanggap na hindi ako masaya.

"Uhm, oo," nagpanggap akong bagong gising. "Bakit."

"I don't wanna wake your neighbors up," sabi ni Gabriel. "Kaya tinawagan na lang kita. I'm outside. Prepare ka na, pasok na tayo."

Hala, sinundo pa rin niya ako. 

So katulad nang dati naming ritwal, pinapasok ko siya, tapos nag-ayos ako ng sarili. Tapos sabay kaming kumain ng ininit kong breakfast na niluto ni Mama bago siya matulog pagkauwi niya mula sa opisina kanina. 

Medyo walang masyadong usapan habang kumakain. Hindi niya na-bring up ang nangyaring pagtatapat. at ang ilang araw na walang paramdaman. 

"Ma, alis na ako," sigaw ko. "I love you!"

Tapos tinuktok ni Mama ang sahig. Go na yun.

Pagkalabas, pinagbuksan ako ni Gabriel ng kotse. At muli, hindi ko napigilan. Napasinghot ako nang mapadaan ako sa kanya. Ang bango ng buhok ni Gabriel. 

Patay. In love na nga siguro ako. Pero baka hindi naman tama ang theory na ito ni Mama.

Inamoy ko lang ang buhok, in love na agad? Paano pa kung sinabi ko kay mama na ambango ng hininga ni Gabriel. Na okay na sa akin kahit yung oxygen-turned-into-carbon-dioxide niya ang hingahin ko tuwing kausap ko siya. Ano pa ang itatawag dun?

Bahala na. padala na lang ulit sa agos. Hindi naman kailangang may magbago. Tuloy lang ito. Ayoko rin naman kasing matapos. Balik kami sa dating ritwal. Araw-araw na ulit kaming nagkikita at gabi-gabing nagkukwentuhan.

"Nasa gym na tayo, nakatulala ka pa diyan?" at naamoy ko ulit ang parang laging bagong sipilyong hininga ni Gabriel, at naisip ko, medyo nakakadiri itong iniisip ko. 

Not cool, Alex, not cool.

"Male-late ka na Alex," paalala ni Gabriel.

"Sorry," at nagising ako sa mga kung anu-anong tumatakbo sa isip ko. 

Kaya pala ako nakashorts at Shirt na may nakalagay na PE, e para mag-PE at hindi magmuni-muni. 

"Sorry Gab. Oo nga pala. Thanks!" sabi ko.

Agad akong nag unbuckle ng seatbelt at lumabas. Binaba ni Gabriel ang bintana at pinanood akong pumunta sa gym. Nakalingon ako sa kanya. 

"Salamat ulit! Ingat ka papunta sa class," sigaw ko.

Nagmamadali na ako kaya't hindi ko na nalingon ang pag-alis ng sasakyan. Alam ko lang sa tunog nang pag-arangkada ng kanyang kotse na umalis na siya.

Pagdating sa loob ng gym, wala na ang mga classmates ko. May nakasulat lang sa board.

"PE 1 class, dissolved, go to your new respective PE class."

Sa ilalim ay may listahan ng mga pangalan namin. Cruz, Alexander Miguel. Swimming. Ha, bakit ako nasa swimming?

Matapos ko i-text si Gabriel na lumipat na ako ng PE, dumeretso na ako sa swimming pool. Isang sakay din iyun, at medyo iikutin ang buong campus bago makarating, kaya naman late na ako.

Nakita kong kumakaway si Arvin sa akin at nasa pool na, nakababad nang dumating ako. May kalakihan ang pool, pero maliit pa rin ito sa dami ng students na nadoon, siguro, nasa 20 na ang nandoon.

"Galing ka rin sa class ni Coach Noel?" tanong ng isang lalaking naka-trunks.

"Opo," sagot ko.

"Punta ka muna dun sa shower room, tingnan mo kung may magpapahiram sa iyo?"

"Po?" narinig ko pero hindi ko naintindihan kung para saan ang sinabi niya.

"Marami na'ng students ko, isa na lang ang tatanggpin ko," sabi ng coach. "Ikaw ang pinakahuling dumating, pero hindi lang ikaw ang nag-iisang walang trunks. May dalawang nauna sa iyo. Naghahanap na rin..."

Nagmadali na akong pumunta sa shower room. May naunang nagswimming kanina. Sana may ibang students pa na nagsho-shower.

Dalawang lalaking nakaupo sa bench sa may locker area ang naabutan ko. Pamilyar ang mukha nila. Isang naka PE Uniform pa, isang nakabrief na lang. Parang handa nang magpakita sa pool kahit brief lang ang suot.

"Wala na," sabi nung naka-uniform. "Isa lang ang naliligo dun, at ayaw magpahiram."

"Sino naman kasi ang magpapahiram sa atin ng trunks, hindi naman tayo kilala nun," sagot nung isa pa.

"Ano bang nangyari kay Coach Noel?"

"Pumunta na daw sa Singapore. Dun na lang daw magtuturo."

Tumuloy pa ang usapan ng dalawa. Habang nililinga-linga ko ang paligid, sinisipat kung sino yung naliligo. Patuloy pa rin kasi ang lagaslas ng tubig. Baka lalong magdamot kung papasukin ko.

Umupo na lang muna ako sa tabi ng dalawang lalaking napanghinaan na ng loob. Nakakahawa pala yun. Nanlumo na rin ako. Hay, goodluck na lang sa pangarap kong maging Laude. Dapat kumpleto daw ang PE sa first two years ng class.

Tapos naisip ko, hindi. Hindi ko pwedeng biguin si Inay. Hindi ko maaaring hayaan si Itay na ipamukha sa akin na hindi koi to magagawa na wala ang tulong niya. Hindi ko hahayaang maapi ang mga katulad kong mahihina at silang mga malalakas ang manatiling nasa kapangyarihan.

"Brod, okay ka lang?" tanong nung naka-brief lang. 

Nagsusuot na siya ng damit at parang handa nang umalis.

Hindi ko napansin na nagpupuyos na ako. Mahigpit na ang pagkakasara ng aking kamao, at parang maiiyak na ako sa galit.

"Sorry," sagot ko. 

Tumayo na ako at napahiya, napalakad tuloy ako doon sa shower area. Tumayo na rin ang dalawa. Tumakbo yung naka PE uniform habang nagmamadaling nagbihis yung isa at humabol, sumisigaw na siya ang nakaisip na bumili na lang ng trunks sa shopping center.

Hahabol sana ako. Mabilis naman akong tumakbo. Napatunayan ko na. Pero tumigil na ang paglagaslas ng tubig. Baka maaari ko nang hiramin yung trunks nung naliligo.

Nakasalubong ko ang isang lalaking nakahubad. May nakatapis na towel sa kanyang balakang. Matangkad siya at matipuno. Malaki ang dibdib. Kapag humihinga siya ay nagkakaroon ng division ang kanyang flat na tiyan. Masyadong mababa ang kanyang towel at kitang kita kung paano tumuloy ang mga guhit  ng kanyang tiyan pababa at papasok sa natatakpang bahagi ng kanyang katawan.

"Hoy bakla, sa mukha ko ikaw tumingin."

Nanlaki ang mga mata ko. Kilala ko ang boses na iyun. Paanong pag-aari ng lalaking iyun ang katawan na ito? Bakit naman parehas pa kami ng PE ni Jessie.

"Kung saan-saan gumagala ang mga mata mo. Gusto mo ba ito?"

Tinanggal ni Jessie ang towel. Hindi ako tumingin, lumingon ako sa may locker room. Higit pa sa pag-iwas ko sa ipinapakita niya, gusto kong tiyaking wala ang dalawang kaklase ko. Ayokong may makakita sa kung ano man ang gagawin sa akin ni Jessie.

Binato ni Jessie ang twalya sa mukha ko. Napaatras ako habang papalapit siya sa akin. Binaba ko ang twalya mula sa aking mukha at nakita ko si Jessie. Hubad at tanging blue na trunks lang ang suot. Tama siya, yun ang gusto ko, hindi pala gusto, kailangan ko. Pero hindi na lang kung sa kanya manggagaling.

Ngunit lalong lumapit sa akin si Jessie. Habang naglalakad siya ay hinila niya ang garter ng trunks at agad binitawan. Tumunog ang pagtama ng garter sa kanyang balat kaya't muli akong napatingin doon.

"Huhubarin ko sana ito, pero parang mas gusto kong ikaw na lang ang magtanggal, ikaw naman ang may kailangan, di'ba?"

Tatakbo na ako ngunit mabilis niyang naharang ang kanyang braso. Napasandal tuloy ako sa pader katabi nang malaki niyang brasong nakaharang sa kaliwa kong pisngi. Lilingon sana ako sa kabila, pero humarang naman ang kaliwa niyang kamay. Unti-unti lumapit ang basa niyang hubad na katawan sa akin.

"Ano? Tanggalin mo na."

Giniling niya ang balakang niya papalapit sa akin. Tumama ang harapan niya sa harapan ko. Napayuko na lang ako sa hiya, ngunit inangat ni Jessie ang mukha ko at kahit anong pilit kong iiwas ang ulo ko ay ipinipihit niya ito papaharap sa kanya. 

Mahigpit ang hawak niya sa panga ko. Nasasaktan ako, ngunit hindi ako makalaban. Hindi dahil sa ayaw ko, masyado siyang malakas talaga. Hindi rin ako makasigaw, maiiskandalo lang ako. Anong iisipin ng mga kaklase ko kapag may isang lalakng hubad na halos nakapatong na sa akin?

Hinarap ko na lang si Jessie. Ito ang gusto niya, titigan ko siya? Tinitigan ko siya. Mata sa mata. Hanggang sa bitawan niya ang mukha ko. Pero masyadong malapit ang mukha niya sa mukha ko. Walang isang pulgada ang layo ng ilong niya sa akin. 

Nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga. Pinilit kong hindi langhapin ang hanging nanggagaling sa kanya, ayokong magkaroon ng kahit anong nanggaling sa kanya.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay sa balakang niya. Muli akong lumaban ngunit mahigpit ang hawak niya sa mga braso ko. Pilit niyang naidikit ang palad ko sa katawan niya. Mainit ang kanyang balat, at inihagod niya ang kamay ko pababa sa kanyang trunks. Doon niya inilapat ang mga kamay niya sa mga kamay ko.

"Tanggalin mo na," utos niya. "Baka mas magustuhan mo pa ang nasa ilalim nyan."

Nakakainsulto ang yabang ni Jessie. Lalo pa nang unti-unti niyang naibababa ang garter ng trunks niya gamit ang aking mga kamay.

Sa pagkakataong ito, lumalaban ang kamay ko, kahit gaano pa kasakit ang paglaban na iyun.

"Ang arte mo naman," bulong ni Jessie sa mukha ko. "Ikaw na nga ang pinagbibigyan, lumalaban ka pa."

Sobra na.

Iniangat ko ang kanan kong paa at itinapak ko kanya. Wala siyang suot kaya't alam kong mas masakit ang pagdiin ko ng sapatos sa paa niya.

Pero parang lalo siyang nagalit. Dahil habang idinidiin ko ang pagtapak sa kanya ay lalong dumidiin ang paghawak niya sa akin.

Nagtiim ang bagang ko sa sakit. Hanggang sa may mga impit na tinig na, na lumalabas ang aking bibig.

"Yan lang pala ang kaya mo e," sabi ni Jessie na lalong lumalapit ang bibig sa akin.

Nararamdaman kong may mga namumuo na akong luha. Ayokong makita ni Jessie ang mga ito. Hindi ko ibibigay sa kanya ang saya na makita akong nasasaktan na at umiiyak pa.

Nasasanay na ang braso ko sa kamay niya, ngunit muli ay lalo pa itong sumakit. May ihihigpit pa rin ang kanyang pagkakahawak sa akin.

Napapalakas na ang pag-aray ko. Papatak na ang luha ko.

Hindi ito pwede.

Hanggang sa may isang kamao akong nakita na dumaan sa harap ko. Tumama sa panga ni Jessie.

Nabitawan ako ni Jessie. Humarap siya sa sumapak sa kanya. Kay Gabriel. Gumanti si Jessie. Sinapak niya si Gabriel. Napatumba si Gabriel. Hindi ako makakilos sa mga nakikita ko.

Natawa si Jessie. 

"Yan muna. Quits lang."

Pinulot ni Jessie ang towel niya at lumakad papunta sa locker area.

Nanginginig pa rin ako, hindi ko alam kung sa takot o sa galit. Sinundan ko lang ng tingin si Jessie.

Tumayo si Gabriel at lumapit sa akin. Yumakap.

"Sige na, umalis na siya" sabi ni Gabriel.

Hinintay ni Gabriel na kumalma ako. Na mawala ang panginginig ko. 

Mas hinigpitan pa niya ang hawak niya para lalong mawala ang kung anomang iniwan ni Jessie. Hanggang sa mapaiyak na lang ako.

Yumakap na rin ako kay Gabriel. Hanggang sa maubos ang mga hikbi ko.

"Last na ito, promise," sabi ko.

Isang mahigpit pang yakap bago kami magbitiw.

"Now go to your class," sabi ni Gabriel sabay abot ng trunks. "Just show him that you have a trunks na, so you can get the slot. Go."

Muli akong yumakap kay Gabriel.

"Thank you," sabi ko.

"May kapalit 'yan," sabi niya.

"Ano?" napalingon ako sa sinabi niya.

"Kidding, just go," sabi ni Gabriel na may pahabol pang bulong. "Akala ko, may mauuna pa sa akin sa'yo e."

Papalayo na ako pero napatigil ulit ako.

Bumalik ako kay Gabriel. Hinawakan ko ang kanyang mukha at idinikit ko ang mga labi ko sa mga labi niya.

Ito na ang simula. 



-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

237K 10.3K 47
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
218K 8.2K 37
Jakob Raje Buenavista is not your typical bachelor. He's subtle and aloof of the limelight. His family comes from a long line of old money hailing fr...
301K 10.8K 44
Yakob Alcuzar was a mess and a bully but everything change when he meet Cloy Linel Martinez, a first year architecture student.
1.6K 226 45
UNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking ca...