Perfect Opposites (Book 1 and...

By KaeJune

1.5M 37.6K 1.4K

Marianne Joyce Galve. A woman from a province who has dreams. Her hardships in life didn't hinder her to rea... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Family Info
Chapter 2: First Day
Chapter 3: New Playmate
Chapter 4: First Impression
Chapter 5: His Attitude
Chapter 6: First Woman
Chapter 7: She's Falling
Chapter 8: First and Last
Chapter 9: Optimistic
Chapter 10: Stay Focus
Chapter 11: Missing People
Chapter 12: Sadness
Chapter 13: Family Getaway
Chapter 14: Weird Feelings
Chapter 15: Like A Family
Chapter 16: Clueless
Chapter 17: Overheard
Chapter 18: True Blood
Chapter 19: Admitting Past
Chapter 20: Dollhouse
Chapter 21: Spoiling Her
Chapter 22: She's Okay
Chapter 23: Excuses
Chapter 24: Uncomfortable
Chapter 25: Next Spot
Chapter 26: Quick Meet
Chapter 27: Worries
Chapter 28: Mommy
Chapter 29: Disagreed
Chapter 30: Bye
Perfect Opposites Book 2
Chapter 1: Accomplished
Chapter 2: Tied a Knot
Chapter 3: New Things to Deal
Chapter 4: New Chapter
Chapter 5: The Reason Behind
Chapter 6: Taking It Back
Chapter 7: Klyde
Chapter 8: I Told You
Chapter 9: Small Issue
Chapter 10: I'm Back
Chapter 11: Still No
Chapter 12: New Friend
Chapter 13: Wifely Duties
Chapter 14: Family Matter
Chapter 15: Incompatible
Chapter 16: Back to Work
Chapter 17: False Hope
Chapter 18: Insensitive
Chapter 19: Losing Grip
Chapter 20: Feels Empty
Chapter 21: Strong Woman
Chapter 22: Pride Speaks
Chapter 24: More Damage
Chapter 25: Big Decision
Chapter 26: Unfolding
Chapter 27: Planned
Chapter 28: Consistent
Chapter 29: Disappointments
Chapter 30: Finality
Chapter 31: Relieved
Chapter 32: Problems
Chapter 33: Newspaper
Chapter 34: Condo Visit
Chapter 35: Catching Up
Chapter 36: Vote Out
Chapter 37: Happier
Chapter 38: Surprised
Chapter 39: A Gift
Epilogue

Chapter 23: Sympathy

16.1K 408 3
By KaeJune


Ria's POV

"Ria."

Huminto ako at nilingon ang lalaking tumawag sa akin.

"Doc." I smiled at him.

Tumigil siya sa harap ko saka ako binati.

"I just want to give you my gifts to the kids."

Inabot niya sakin ang paperbag na hawak niya. Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa hawak niya. "Huwag mong sabihin na galing ito kay Keith at ikaw ang pinapaabot?"

Natawa siya sa sinabi ko saka umiling. "No. It's from Vanessa and I. I am Klyde's godfather, so I want to give him a gift and I also have one for Kelly."

"Joke lang. Alam ko naman na saiyo galing 'to," natatawang sabi ko saka kinuha ang paperbag. "Thanks, Doc Terrence. I'm sure matutuwa sila sa bigay mo."

Tumango siya saka nagsalita ulit, "Hindi pa rin ba kayo nagkakabalikan?"

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong niya. Gusto ko mang maging okay kami ay parang malabo na mangyari lalo na at hindi siya marunong magpakumbaba lalo na pagkausap niya ako at hindi rin niya kami sinusuyo ng mga bata para bumalik sa bahay.

Napailing ako bilang sagot.

"I know, someday, you both will," nakangiting sabi niya sabay mahinang tapik ng balikat ko.

Nagpaalam na siyang aalis na. Nagpasalamat ulit ako sa kanya saka ako umalis na din.

Nagcommute ako papunta sa school. Sinundo ko si Kelly sa school niya saka sumakay kaming dalawa ng jeep pauwi.

"Bayad po," sabi ni Kelly na nakangiti habang inaabot sa babae ang pamasahe naming dalawa.

Natutuwa ako na nag e-enjoy siya sa mga ganitong bagay na hindi niya naranasan noon nung kay Keith pa kami nakatira. Siguro nga may rason bakit nangyayari ito sa amin. Isa na doon ay para matutunan ng mga bata ang mamuhay ng simple lang.

"Ang ganda mo namang bata, hija."

"Thank you po," sagot ni Kelly sa babaeng katabi niya.

"Anak mo, miss?" Tanong sa akin ng babae na medyo may kaedaran na. Namamangha siya habang nakatingin kay Kelly. Sabagay mestiza kasi si Kelly, makinis ang kutis at  matangos ang ilong. Napakaganda niyang bata. Kamukha niya ang daddy niya at siguro konti mula sa mommy niya.

"Opo."

"Siguro kamukha siya ng tatay niya no?" tanong ng babae na kinakunot ng noo ko.

Nahalata niya na hindi ko kamukha si Kelly lalo na at hindi ako mestiza. Kayumanggi lang ang kulay ko at maganda naman ako kahit papano. Hindi lang kasing ganda ni Kelly. Mahaba ang buhok ko at medyo may katangkaran. Siguro sa height lang kami nagkapareho ni Kelly. Tanggap ko naman yun. Alam ko naman na hindi ako ang totoong nanay niya.

May mga tao talaga na tinatanong ako kung anak ko ba siya at oo lagi ang sagot ko dahil totoo naman, anak ko naman talaga siya. Hindi lang kami magkadugo.

Pero pagkasama namin si Keith, hindi naman sila nagtatanong dahil nakikita naman nila ang similarities ng dalawa. Alam nila agad na kay Keith namana ni Kelly ang magandang mukha nito.

Tumango lang ako sa babae saka hindi na nagsalita. Mabuti at tumahimik na din ang babae.

Bumaba kami sa kanto saka sumakay ng tricycle papunta sa bahay namin. Nung tumigil kami sa tapat ng bahay ay nagbayad ako agad sa driver bago bumaba.

Nasa pinto palang ako ng apartment ay naririnig ko na ang boses ni Klyde. Ang daldal na talaga niya ngayon.

"Hi baby—!" Napatigil ako sa pagbati sa anak ko nung makita ko kung sino ang humahawak sa kanya.

"N-Nay?"

Hindi siya ngumiti man lang sa akin. Tiningnan lang niya ako ng seryoso pati rin si tatay ay ganun din ang ginawa. Tahimik itong nakaupo sa couch habang nakatingin sa akin.

Tumingin ako kay Marjorie at Mario. Napaiwas agad sila ng tingin sa akin.

"Marjorie, dalhin niyo muna ni Mario ang mga pamangkin niyo sa loob ng kwarto," mahinahon na sabi ni nanay na agad namang sinunod ng mga kapatid ko.

Nung wala na sa harapan namin ang mga bata pati na rin ang mga kapatid ko ay nagsimula ng sumeryoso lalo si nanay. Tumayo siya saka napabuntong-hininga ng malalim bago lumapit sa akin.

"Alam ko na ang nangyari." Nag-angat ako ng tingin kay nanay dahil gusto ko makita ang reaksyon niya. Kalmado lang siya pero alam ko na may dinadala siya sa puso niya. "At hindi ako masaya sa nalaman ko, Marianne Joyce," madiin na pagkakasabi ni nanay sa pangalan ko.

"Ako rin. Bakit mo nilihim sa amin ito? Halos isang buwan na pala yun. Nagawa mo itong itago samin ng nanay mo. Kung hindi pa tumawag si Claudia ay hindi ko pa malalaman," nagtatampo na sabi ni tatay.

"Nay, tay, sorry na po. Hindi ko po masabi sainyo ang nangyari dahil alam ko po na magagalit kayo saka ayaw ko din po kayong mag-alala sa amin."

"At sa tingin mo ngayon ay hindi kami galit at nag-aalala lalo na at ngayon lang namin nalaman? Hindi man lang namin alam ng tatay mo kung paano na kayo ng mga apo ko dahil wala kang sinasabi sa amin."

Napalunok ako sa sinabi ni nanay.

"Sorry, nay. Sorry din, tay," mahinang sabi ko saka yumuko.

Agad na tumalikod si nanay kaya napatingin ako sa kanya. Nakapamewang siya sabay sabing, "Yan na nga ba ang sinasabi ko. Darating ang panahon na hindi kayo magkakaunawaan ni Keith sa mga bagay-bagay," sabi niya saka humarap siya sa akin. "Kaya ayoko na magpakasal ka kay Keith noon dahil sa napakaiba niyo sa isa't-isa. May pakiramdam na akong hahantong kayo sa ganito, anak."

Napayuko ulit ako. Tama si nanay. Tama siya sa sinabi niya noon. Alam ko na mahirap ang pinasok ko pero hindi ako nagsisisi na siya ang pinakasalan ko. Hindi ako nagsisisi na bumuo ako ng pamilya kay Keith. Mahal ko kasi siya at lahat ng meron ako ngayon ay pinapasalamat ko lalo na ang isa sa malaking blessings ko, si Klyde.

"Tinanong kita noon bago ka ikasal, tinanong ko kung gusto mo pa bang umatras dahil may oras pa, pero ayaw mo. Dahil sabi mo, sigurado kana kaya hinayaan kita. Alam ko kasi na mahal mo siya. Pero sa nakikita ko ngayon? Sana pala hindi nalang kita hinayaan doon sa damuhong Keith na yun. Hindi kaman lang ba niya sinuyo na bumalik? Hinayaan lang ba niya kayo dito ng mga bata? Anong plano niya? Padalhan lang kayo ng sustento at sumama sa ibang babae jan??"

Napintig ang tenga ko sa huling sinabi ni nanay. Wag naman sana mangyari yun. Malakas naman ang kutob ko na walang babaeng may kinalaman sa nangyayari sa amin ngayon.

"Rebecca, tama na yan. Nangyari na ito," sabi ni tatay. "Ang magagawa nalang natin ngayon ay tulungan yang anak mo."

Napabuntong-hininga si nanay saka nakakunot-noong tumingin sakin. "Tumira nalang kayo sa amin. May kwarto kanaman don na pinagawa mo. Kasya naman siguro kayo doon ng mga bata."

Umiling ako. "Gustuhin ko man na umuwi doon, nay, ay hindi pwede. Malapit dito ang school ni Kelly saka malapit din dito ang trabaho ko."

Napaisip si nanay bago ulit nagsalita.

"Paano kung umuwi nalang tayo sa probinsya, anak? Ang rason lang naman na lumipat tayo dito ay para malapit kami sayo dahil dito kana nag-asawa. Ngayon na hindi na kayo magkasama, pwede na siguro tayong bumalik sa probinsya?"

"Hindi po ako pwedeng umuwi ng probinsya. Hindi po sapat ang kikitain ko doon, nay."

"Eh uuwi kami ng tatay mo sa susunod na linggo. Walang tutulong saiyo dito kung may kailangan ka. Malayo kami ng tatay mo."

"Nay, okay lang hu kami dito—"

"Ako."

Napatingin kami sa nagsalita.

"Claudia?"

Ngumiti si lola. "Ako nga." Lumapit siya sa amin at tumigil sa tabi ko. "Nandito naman ako para tulungan sila kung sakali. I always tell Ria na huwag mahihiyang lumapit sa akin pag may kailangan sila ng mga apo ko."

"Salamat, Claudia," sabi ni nanay. "Pero paano na ngayon ito? Wala nabang plano yang apo mo na ayusin ang kung anong meron sila ng anak ko?"

"Sorry, Rebecca. Pumunta narin ako sa kanya kahapon at masyadong makitid ang isip ng batang yun. Wag kang mag-alala, darating ang araw na magigising din siya. Sa ngayon, magulo pa ang isip niya. Alam ko na mahal na mahal niya si Ria at yun ang pinanghahawakan ko na pwede pang maayos ang pagiging mag asawa nila. Saka kawawa ang mga bata pag hindi nila naayos ito. Ayoko na wala silang pamilya na buo."

Sana nga mahal na mahal parin ako ni Keith. Sana hindi masagi sa isipan niya na iwanan ako. Dahil alam ko na mahihirapan ako pag nangyari yun. Pero sanay naman ako sa hirap eh. Makakaya ko naman siguro yun.

"Sana nga po. Ayoko rin na magkahiwalay ang dalawa. Mas maaapektuhan dito ang mga bata. Lalo na si Kelly. Nawalan na siya ng totoong ina, masakit pag pati ang pagkakaroon ng buong pamilya ay mawala pa sa kanya."

Mabilis na pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko dahil sa sinabi ni nanay. Alam ko na masakit yun para sa kanya dahil nawalan din ng ina si nanay nung bata pa siya at mag-isa rin niyang tinaguyod ang sarili niya. Lumaki man ako na buo ang pamilya, alam ko na mabigat sa pakiramdam pag nawalan ka ng mahal sa buhay.

Umaasa parin ako na susuyuin niya ako at kunin na kami ng mga bata.

21 June 2017
Miss Kae 💋

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 501K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
4.1M 65.4K 63
SELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner...
224K 1.1K 5
Trisha has a life in the Philippines. She is a part owner of Bridal Magazine and Max Magazine together with her silent partner, her twin brother. She...
631K 26.6K 64
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...