Chapter Twenty Eight

154K 2.5K 58
By purplenayi

Pitong building din ang layo ng restaurant na pupuntahan ko mula sa office. Nagc-crave kasi ako sa steak nila. Ilang buwan na rin ang nakakaraan nung huling punta ko roon. Naaalala ko pang si Maico ang nagpumilit na doon kami kumain isang beses at nagustuhan ko talaga ang steak doon.

Hindi ganun karami ang customers pagkarating ko. Halos kalahati ng mga mesa ang bakante. Pinili ko ang pandalawahang mesa sa sulok at doon naghintay ng waiter para kunin ang order ko. Saglit pa lang akong nakakaupo ay lumapit na rin agad ang isang babae at mabilis na sinabi kong steak ang kakainin ko.

Ilang sandali lang matapos makaalis ng waitress ay may pamilyar na bultong pumasok sa resturant. May nag-iba sa kanya pagdating sa pananamit at sa kilos pero wala namang nabago sa hitsura niya.

Si Anthony.

Nai-scan niya ang loob, malamang para humanap ng pupwestuhan nang magtama ang paningin namin. Sandaling kumunot ang noo niya pero ngumiti rin agad kapagkuwan. Naglakad siya palapit at tumigil sa gilid ng mesang kinauupuan ko.

"Jacky!" nakangiting bati niya sa akin. Tumingin siya sa bakanteng upuan sa harap ko. "Mag-isa ka lang?" tanong niya.

Tumango ko. "Yeah, naisipan ko lang naman kasing kumain dito," sagot ko.

"Uhm, do you mind if..." itinuro niya ang upuan sa harap ko. Alam kong sa tono niya, ibig niyang sabihin ay kung pwedeng sumabay na siya sa akin sa pagkain.

Sandaling nag-alangan ako saka umiling at iminwestra pa ang upuan para maupo siya. Wala namang masama. Kakain lang naman kami e. Saka magandang chance na rin siguro 'to para makapagkumustahan.

"Naka-order ka na?" tanong niya.

"Oo, kaka-alis lang nung waiter nung dumating ka, actually."

Tumango siya sa akin saka kumaway sa isang waiter na nakatayo sa 'di kalayuan. Mabilis na lumapit yun saka hiningi ang order ni Anthony.

"So... how are you? Looking good, huh?" aniya pagka-alis na pagka-alis ng waiter.

Ngumiti ako saka sumagot. "Happy," simpleng sagot ko. Maisa-summarize naman na kasi ng isang salita lang ang buhay ko ngayon e. Happy. Hindi man perfect ang buhay ko kasama si Maico at JM, ang mahalaga masaya ako.

"That's nice to hear. I know you'll be happy with him rather than with me." Walang bitterness sa boses niya pero tinignan ko pa rin siya nang may simpatya. Though nakapag-usap naman na kami at naayos ang namagitan sa amin, naroon pa rin ang katotohanang iniwan ko siya para kay Maico.

"'Wag mo nga akong tignan ng ganyan," natatawang sabi niya. "Okay lang ako. Naka-move on na kaya ako sayo."

Natawa ako sa sinabi niya. Para kasing simpleng bagay lang 'yun kung paano niya sinabi.

"I can see that," sabi ko.

"Really?" kumunot ang noo niya saka unconsciously humawak sa pisngi niya.

"You look happy too, I mean," sabi ko.

"Oh, I am." Isinuklay niya pa ang kamay niya sa buhok. "Gumwapo pati lalo ako, o. Pansin mo?" Tinaas-taas niya pa ang mga kilay niya kaya inirapan ko na lang siya. "What? Hindi ba? Pinagkakaguluhan kaya ako ng mga chicks ngayon!"

Naiiling na tumawa ako. "Whatever, Anthony."

"Well, dapat magsisi kang ipinagpalit mo ako kay Maico 'no. Mas gwapo na kaya ako sa kanya!" Alam kong biro lang 'yun. Pero kunsabagay, gumwapo nga siya (pero syempre hindi mas gwapo kay Maico). Siguro dahil mas mukha na siyang masaya ngayon.

Naisip ko tuloy noong kami. Madalas siyang uneasy. Kung minsan malalim ang iniisip. Para bang marami siyang problemang dinadala. Hindi tulad ngayon. Parang ang gaang-gaang ng aura niya. Pakiramdam ko tuloy ako 'yung mabigat na problemang bitbit niya noon. Ako lang naman kasi ang nawala sa buhay niya 'di ba?

Bago pa makapagsalita ulit si Anthony ay dumating na ang mga order namin. Doon ko naramdaman ulit ang gutom na nawala kaninang nawiwili akong makipag-usap kay Anthony.

Walang nagsasalita sa amin habang kumakain. Puro tunog lang ng pinggan ang naririnig ko at ang mga mahihinang boses ng ibang customers habang nag-uusap. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang may maisip.

"Bakit nga nga pala nandito, Tony?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakatungo sa kinakain.

"May interview ako d'yan kanina," aniya itinuro pa ang kabilang building.

"Oh, so may balak ka nang lumipat?"

Humigop muna siya ng juice saka sumagot. "Well, pinag-iisipan ko pa. Maganda ang offer nila, though, wala rin naman problema sa work ko ngayon so wala rin naman akong dahilan para umalis. The work is practically the same, so I can't see how taking the offer can help in my personal growth. Besides, napamahal na sakin ang kompayang pinagta-trabahuhan ko ngayon."

Tumango lang ako sa kanya at nagkibit ng balikat. I remembered noong kami pa, ang isina-suggest ko sa kanya ay magtayo siya ng sarili niyang business. Kahit maliit lang 'yun kasi kaya niya naman na. Pero hindi niya 'yun ikino-consider. And as I can see it, hanggang ngayon ganun pa rin ang sasabihin niya.

Nang matapos kaming kumain, nag-presinta siyang siya na lang ang magbabayad. Hindi sana ako papayag pero nagpumulit siya. And knowing Anthony, hindi ko siya mapipigilan sa gusto niya.

Pagkalabas ng restaurant, nasapo ko ang noo ko. Umuulan kasi at wala akong dalang payong. Kanina namang bumaba ako ng building medyo maaliwalas ang panahon. Wala mang araw pero hindi rin naman umuulan. Pero ngayon? Paano ako babalik sa opisina?

"I suppose wala kang payong?" si Anthony. Di ko namalayang nasa tabi ko na pala siya ulit. "Hanggang ngayon ba naman kinatatamaran mo pa ring magbitbit ng payong?" aniya pa.

"May payong ako, ang kaso, nasa bag ko. And as you can see, hindi ko bitbit ang bag ko." Pitaka at cellphone lang ang dinala ko. Malapit lang naman kasi at kakain lang naman ako.

"Well, kahit hindi umubra sa akin ang palusot mo, isasabay pa rin kita sa payong ko," aniya. Inilabas niya ang isang itim na payong galing sa bag na dala niya.

Sumukob agad ako roon at nagsimula na kaming maglakad.

"Anong palusot ka d'yan? May dala talaga akong payong 'no!" sabi ko nakakailang hakbang pa lang.

"Talagang hindi mo pa pinalagpas 'yun ha?"

"Syempre 'no! Hindi ako pinapaalis ni Maico ng bahay nang walang dalang payong kahit na may dala naman akong kotse," sabi ko.

Tumawa siya nang bahagya. "I thought so. Alam ko namang sobrang protective ng asawa mo e. Pupusta ako, may Off lotion ka pa sa bag."

"OA naman nung Off lotion!"

Bago pa ako makapag-isip, natulak ko na siya sa tagiliran kaya sandaling nawala ang pagkakatapat ng payong sa akin. Nabasa ako ng koti pero mabilis namang lumapit si Anthony at isinukob ulit ako habang tumatawa.

Pinupunasan ko ng kamay ko ang kaliwang balikat ko na napuruhan ng tubig. Pero syempre, walang effect 'yun kasi basa rin naman ang kamay ko. Nagulat pa ako nang iabot sa akin ni Anthony ang panyo niya.

"O, punasan mo nito," aniya.

Kinuha ko naman agad 'yun at pinunasan ang balikat at braso ko.

Hindi ko namalayan, nasa harap na pala kami ng building ng opisina ko. Hinarap ko agad si Anthony at iniabot ang panyo niya.

"Salamat sa libre," sabi ko. "Pati na rin sa paghatid."

"Walang problema. Take care."

Tumalikod na ako at pumasok sa loob. Pero bago ako tuluyang makalayo, lumingon ulit ako at kumaway sa kanya. Kumaway rin siya pabalik hanggang sa makapasok ako ng tuluyan sa loob.

~*~

From: Beast

I'll pick you up later.


Napakunot ang noo ko sa text ni Maico. Dala ko ang kotse ko at alam niya 'yun. Sabay kaming umalis ng bahay e.


To: Beast

You don't have to. Dala ko ang kotse ko.


Ano naman kayang naisipan nitong si Maico? Well, nakalimutan niya lang sigurong dala ko ang kotse?


From: Beast

Yeah, I know. Iwan mo na lang muna d'yan. Susunduin kita. Let's have dinner outside.


Napangiti ako doon. Kaya naman pala, gusto lang palang mag-dinner sa labas.


To: Beast

Oh, a date with my husband? Okay!


Ilang sandali lang pagka-send ko nun, tumawag si Maico.

"Date eh?" bungad niya pagkasagot ko.

"Yup, date nga. E anong tawag mo dun kung hindi date?"

"Hmmn, let's see, uhm... a celebration?" aniya.

Napatingin agad ako sa maliit na kalendaryo sa desk ko at napagiti.

"So... ice-celebrate natin ang second month na nati-tyaga kita ganun?" biro ko.

Biglang natahimik si Maico. Naghintay akong magsalita siya pero tahimik lang siya.

"Beast?"

"N-nati-tyaga." sabi niya. Hindi 'yun patanong at parang may narinig akong sakit sa boses niya.

Nag-panic agad ako. "Hey, I was joking!" Tumahimik ulit siya. Yung paghinga niya lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya. "Biro lang yun, beast. Hindi ako nagti-tyaga lang. Uy, magsalita ka naman d'yan."

With a sigh, he spoke. "Okay." Mahina lang ang pagkakasabi niya nun.

"I love you, Maico."

"I love you, too." Kahit na sinabi niya 'yun, alam kong hindi pa rin nawala sa isip niya ang sinabi ko kanina. Ngani-nganing sabunutan ko ang sarili ko. Bakit ko ba kasi nasabi 'yun? Sa dami ba naman kasi ng pwede kong i-joke 'yun pa?

Hindi ko lang maintindihan kay Maico kung bakit masyado niyang dinibdib 'yun. Obviously, hindi ako seryoso nang sinabi ko 'yun. He's the one who should know I'm happy with him at hindi ako nagti-tyaga lang.

Kinahapunan, gaya ng sabi ni Maico, sinundo niya ako sa opisina. Inaasahan kong nakasimangot na Maico ang sasalubong sa akin pero nagkamali ako. Malapad ang ngiti niya nang pagbuksan ako ng pinto. Binigyan niya pa ako ng isang bouquet ng white roses saka hinalikan sa kamay.

Masayang nakatingin ako sa labas ng napalingon ako kay Maico. Napakunot ang noo ko nang makitang malalim ang iniisip niya. Nang mapansin niyag nakatingin ako, saka siya biglang ngumiti. Pero halatang pilit lang yun.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo naman. Why wouldn't I?" Ngumiti siya ng bahagya. "I'm with the love of my life and we're going to celebrate our second month together. I should be happy right?"

Huminga ako ng malalim at hinawakan siya sa braso. "Kung dahil 'to sa nasabi ko kanina, I'm sorry. Nagbibiro lang talaga ako. I love you. You know that, right?"

Itinigil niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya saka hinarap ako.

"Yeah, I know, sorry rin kung masyado kong dinibdib 'yun."

Mabilis na hinalikan niya ako sa mga labi. Kapagkuwan, pinaandar niya na rin ang sasakyan.

Gusto ko pa sanang kausapin siya tungkol doon at ipaliwanag pa ang sarili ko pero halata sa gesture niya na tinatapos niya na ang topic na 'yun. Huminga na lang ako nang malalim at tumingin sa labas ng sasakyan.

Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 520K 51
[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Love's life takes a thrilling twist when sh...
366K 16K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...
9.1M 185K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...