Labyrinth of Us

By YukiJicia

36.5K 2.6K 777

Their story's like a labyrinth, there are many twists and turns. Sometimes they think that this is the end bu... More

Labyrinth of Us
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Characters (Mark of Season 2)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Wakas
Author's Note
The Other Side
1
2

Chapter 38

490 33 3
By YukiJicia


Bumalik si Mom and Dad sa province nung saturday, kaya kami nalang ulit ni Kuya Leander ang nandito sa bahay.

Tuwing nakikita ko si Kuya Leander naaalala ko yung pag-amin ni Maize na crush niya ito. Minsan natatawa nalang ako kasi ano namang nakita niya sa Kuya ko

"Will you stop looking? You're seriously creeping me out" he made a grossed expression and I just laughed at him

Siguro kailangan ko sabihan si Maize tungkol sa kawirduhan ni Kuya

"Feeler, I'm not looking at you. I'm just thinking about something"
"Whatever. Diba sports fest niyo na sa monday?"

"Yap, bakit?" Tinignan ko siya ng nagdududa.

Baka kasi may masama nanaman siyang balak dahil hindi naman siya masyadong nagtatanong about school stuff tapos parang ngayon curious na curious siya

"Alam mo, princess, kanina ka pa! Kanina yung tingin mo sa akin parang may mali sa mukha ko tapos naman ngayon parang may masama akong gagawin. Masama bang magtanong?" Medyo tumaas ang boses niyang tanong pero imbis na matakot ay natawa pa ako

"Sa totoo lang Kuya, oo, kasi hindi ka naman masyadong nagtatanong" I told him truthfully

"Pssh, sama mo sa akin. Gusto ko lang sanang manood, titignan ko kung magagawa mo yung sport na mapupunta sa'yo" ngumiti siya ng parang demonyo kaya napailing nalang ako

"Ilang taon ko bang dapat sabihin sa'yo,Kuya, na for students lang yung event na yun"

Nakaraan kasing taon gusto niya rin pumunta pero hindi tulad ng debut fest ay exclusive lang ang sports fest sa mga Rinlee students.

"Nagbabakasakali lang ako, baka nagbago isip ng headmaster niyo"

Nagpatuloy siya sa pagkain kaya ganun nalang din ako.

Malapit lang ang university nila Kuya sa Rinlee. Nag-aaral siya sa St. Therese' University, prestigious school din at hindi lang basta basta nakakapasok dun. You'll need money and intelligence to study there and fortunately, Kuya Leander got both.

Dun din dapat ako mag-aaral bago ko naisipan na mag-art school.

"May mga event naman kayo sa St.Therese' pero bakit ba laging yung sa amin yung pinagdidiskitahan mo?"

"Mas interesting yung inyo" simple niyang sagot

Hindi ko nalang siya kinausap ulit at hinayaan na siyang tumahimik. Pagkatapos namin kain ay pumasok agad siya sa kwarto niya para mag-aral. Kahit naman makulit si Kuya Leander, seryoso pa rin siya sa pag-aaral. Sa totoo lang dean's lister nga siya palagi.

Nang mahiga ako sa kama ko ay chineck ko ulit ang phone ko.

"Wala pa rin" dissapointed kong sabi

Mula pa kasi kahapon ay hindi man lang nagpaparamdam sa akin si Timothy. Nagsend ako ng message sa kanya kanina dahil nag-aalala na ako kasi kahit naman gaano siya kabusy hindi siya pumapalya sa pagmessage sa akin, kaya tinanong ko na siya. Pero hanggang ngayon wala pa ring reply.

Nagsend ulit ako ng message sa kanya, simpleng 'good night' lang bago ko tinago yun phone ko.

Makikita ko naman siguro siya bukas

Maaga palang ay sinimulan na ang sports fest. Iisang team lang kami nila Shane kaya magkakasama kami ngayon at nanonood. So far ay hindi pa natatawag ang pangalan namin sa kahit anong sports.

Track and Field ang ginaganap ngayon. Pangalawang sport na 'to at sa isang araw ay apat na sports lang ang gaganapin, dalawa sa umaga at dalawa sa hapon.

Last sport na sa umaga pero hindi ko pa rin nakikita ni anino ng S.Rain.

He clearly told me that they will be here but I haven't seen even pne of them.

At bawal mawala ang mga estudyante sa kahit anong sports na gaganapin kasi nga on the spot yung mga lalaban and you'll never know when your name will be called.

"May hinahanap ka ba, Claire?" Tanong sa akin ni Steph

Busy sila Shane, Eros, Lake at Maize sa kakacheer sa kabatch namin. Sa batch namin ay lima ang lumalaban tapos yung average score ng lima ang magiging final score.

"Wala naman, hindi ko pa kasi nakikita yung S.Rain"

"Baka busy pa rin sila. Hayaan mo na. Mag-enjoy ka nalang muna" sabi niya bago niya itinuon ulit ang pansin sa mga tumatakbo

Gusto kong sabihin na dapat hindi na busy ngayon ang S.Rain dahil ang alam ko tinapos na nila lahat next week pero hindi ko sinabi. Baka nga kasi may biglang sumulpot na schedule.

Sinunod ko nalang yung sinabi ni Steph na mag-enjoy.

"Bilis!" Rinig kong sigaw ni Shane kasi yung isa sa runner na kayear namin nahuhuli na

Pati ako napacheer dahil sa sobrang tense, pero sa huli yung isa pa din sa 3rs year yung nahuli.

"Sayang talaga, sana lang mabawi nung apat yung time nung nahuli" puno ng panghihinayang na sabi ni Lake habang kumakain kami ng lunch

"Mababawi siguro yun. Mabilis naman yung apat" sagot ni Eros sa kanya

Nag-usap pa sila tungkol sa nangyari kanina samantalang ako naman ay naging busy sa pagkalikot ng phone ko nang matapos akong kumain

"Ang tahimik mo ata, Claire?" Pansin sa akin ni Lake

Tinago ko ulit ang phone ko sa bulsa ko.

Hindi na rin naman kasi ata talaga siya nagtitext

"Wala, kinakabahan lang ako ku saang sport ako mapupunta at kung kailan" palusot ko nalang, mukhang naniwala naman siya dahil tumango siya

"Sana sa baseball ako!" Biglang sabi ni Maize

Sumasama na kasi siya sa amin, okay lang naman dahil tanggap naman siya sa group.

"Bakit? Mahirap kaya yun! Nakakaduling yung bola" nakangusong sabi ni Shane habang pinaglalaruan yung mga tiranpagkain sa plato niya, sinaway naman agad siya ni Eros

"Wala lang, para maiba naman"

"Diba, Claire, baseball ka napunta nung first year mo?" Baling sa akin ni Lake at tumango naman ako

Naaalala ko pa rin yun. Hindi ako marunong magbaseball pero alam ko naman yung mechanics kaya kahit papaano ay nagawa ko ng maayos

"Talaga? Kumusta naman? Masaya ba?" Excited na tanongsa akin ni Maize

"Masaya naman lalo na kapag natamaan mo yung bola" nakangiti kong sabi

Ngayon hindi ko muna iisipin kung bakit wala pa ang S.Rain, baka busy lang talaga.

"Really? Mas na-excite tuloy ako!" Ngumiti ng malaki si Maize kaya natawa nalang ako

Kapag ngumingiti kasi siya pati yung mata niya kasama. Naisip ko tuloy bigla na kung makikita siya ni Kuya siguradong mapapansin din siya.

"May picture pa ako ni Claire nun" nilabas ni Lake ang phone niya at pinakita yun sa kanila

Hindi pa sana ako maniniwala sa kanya kasi sobrang tagal na nun pero nanlaki yung mata ko pagtingin ko sa phone niya dahil meron nga

"Hala ang cute mo dito, Clairey! Hindi mo man lang sinasabi Lake na meron ka pala nito"

"Syempre naman! Marami yan pero syempre yung iba binura ko na" kinuha ulit ni Lake yung phone niya at tinago yun

Binura niya na yung iba

Siguro binura niya nung binasted ko siya

Kinahapunan ay natawag na ang pangalan ni Steph sa sport na badminton, naglalaro na siya nun kaya madali nalang sa kanya at napanalo niya pa nga.

Natapos ang first day ng sports fest ng hindi ko pa rin nakikita ang S.Rain

Akala ko sa second day ay makakapunta na sila pero wala pa rin.

"Lake Xander Fortalejo!" Tumayo si Lake sa pagkakatayo niya at pumunta agad siya sa gitna nang matawag ang pangalan niya.

Swimming yung sport at alam naming yun yung isa sa mga gusto niya kaya todo cheer talaga kami sa kanya.

Nang magsimula ang competition ay napatayo ako sa upuan para mapanood siya ng maayos.

Mabilis lumangoy si Lake kaya hindi nakapagtataka na yung team nila yung nanalo

Sinalubong namin siya agad at kinongratulate habang nagpupunas siya ng buhok niya

"Good job, Lake!" Bati ko sa kanya at inilahad ang kamay ko para sa high five

Ngumiti muna siya bago nakipag-high five sa akin

Nagpaalam siyang magbibihis muna siya kaya nauna na kami sa sunod na gaganapan ng sport which is basketball.

Maganda yung napwestuhan namin kaya kitang kita namin yung court.

Women's basketball na muna ngayon dahil yung sa mga lalaki ay last day ata.

Habang nagtatawag sila ng pangalan ay grabe ang dasal ko na sana hindi matawag ang pangalan ko dahil wala talaga akong alam sa basketball.

At mukhang sinwerte naman ako dahil hindi ako tinawag pero....

"Waaahh!! Bakit ako? Huhuhu" kumapit si Shane sa braso ni Eros at ayaw kumawala dun

Natawag kasi ang pangalan niya, pinakahuling tinawag.

"Shane" tinatanggal ni Eros yung kapit sa kanya ni Shane pero ayaw nito bumitaw

"Shane, look at me" nang magawa niya nang pahiwalayin sa kanya si Shane ay hinawakan niya 'to sa mukha at pinaharap sa kanya

"You can do it, okay? Just remember what I told you" he smiled at Shane reassuringly and she nodded at him before standing up

"Kaya mo yan, Shane!" I cheered for her and she smiled at me

Nag-usap usap sila nung coach kung anong gagawin. Tinignan ko si Eros at tutok na tutok ito sa kanya.

"What's up?" Biglang tumabi sa akin si Lake na nakapagbihis na

Tinuro ko sa kanya si Shane na nasa court na at nanlaki ang mata niya

"Seriously?" Tanong niya kay Eros na tumango lang

Nang magsimula na ang laro ay lahat kami nagulat dahil akala namin tatayo lang sa gitna si Shane but what she did was the opposite. Nakikipag-agawan siya sa bola at hindi kapani-paniwalang nakakashoot pa siya

Nakanganga kaming lahat na pinapanood siya habang si Eros ay nakangiti ng sobrang laki na parang proud na proud kay Shane.

Natapos ang laro at unbelievably na nanalo sila Shane.

"How did she do that?" Hindi makapaniwalang tanong ko

Grabe ang bilib ko kay Shane ngayon.

"I taught her that" proud na sabi ni Eros bago niya pinuntahan si Shane na sinalubong agad siya ng yakap

Pumunta na rin kami sa kanya at binati siya.

"Grabe, Shane! Marunong ka palang magbasket" si Lake na ginulo gulo pa ang buhok ni Shane, tumigil lang siya ng hampasin ni Eros yung kamay niya

"Ang galing mo, Shane. I'm so proud of you" nakangiti konsabi sa kanya at nagulat ako ng bigla niya kaming niyakap ni Steph

"Waahh! Salamat! Huhuhu akala ko talaga papalpak ako, buti nalang tinuruan ako ni Ero-ero dati" natawa nalang kaming lahat dahil takagang umiiyak siya

Last game yun sa araw na yun kaya dumiretso kami sa isang fast food chain para mag-celebrate.

Fast food chain kasi dun gusto ni Shane kumain. At dahil napabilib niya kami ay siya ang nasunod.

Masaya yung maging araw ko kaya nakalimutan ko na hindi pa rin nagpaparamdam si Timothy. Pero pagdating ko sa bahay, bago ako matulog ay tinignan ko ulit ang phone ko pero wala. Wala pa ring kahit ano sa kanya.

Tumingin din ako sa mga articles at nagulat ako ng may nabasa ako na nasa ibang bansa na daw ang S.Rain para sa world tour nila

World tour?

"How come he didn't tell me anything about this?" Naghanap ako ng mga pictures pero wala pa masyadong nakapost kaya halos wala rin akong napala

Halos hindi ako makatulog dahil sa nabasa ko.

Alam kong hindi niya responsibilidad na magpaalam sa akin pero masama ba naman na kahit sabihin niya man lang. Lalo na't nangako siya na nasa school sila ngayong week

By wednesday ay pansin na pansin na kulang ako sa tulog.

Ilang beses akong tinanong nila Shane kung okay lang ako at tumatanong lang ako sa kanila.

Medyo na lift lang yung mood ko nang natawag si Maize sa baseball, tuwang tuwa siya kaya pati ako nadamay sa tuwa niya.

Kahit hindi siya nakatama ng bola ay masayang masaya pa rin siya na parang sila yung nanalo.

"Swerte ko naman ngayong year!" Nakangiti niya nanamang sabi habang pauwi kami.

Paulit-ulit na siya kanina pa pero hindi namin siya kinokontra dahil hindi naman namin pwedeng i cut off yung saya niya. At maganda rin yun kasi nadadala niya ako sa mood niya

"Dahil masaya ako ngayon manlilibre ako!" Announce niya sa amin na ikinatuwa naman naming lahat.

Habang kumakain kami ay napunta sa topic yung S.Rain kaya natahimik ako

"Nakita ko nga sa facebook na nagsimula na yung world tour nila. Akala ko next month pa yun " sabi ni Maize habang ngumungiya ng fried chicken niya

"Kaya pala wala sila sa sports fest. Alam niyo ba yun Clairey? Stephie? Eh ikaw Lake? Diba close ka na sa kanila?" Tanong sa amin ni Shane af sabay sabay kaming umiling

"Baka biglaan kaya hindi sila nakapagsabi" si Eros

Natahimik ako dahil sa sinabi niya.

Oo nga, baka biglaan kaya hindi siya nakapagtext. At kaya baka nhanggang ngayon hindi siya nagpaparamdam ay dahil baka sobrang dami lang nilang ginagawa.

Bakit hindi ko ba yun naisip agad? Tapos nagtampo kaagad ako

Pssh minsan talaga hindi ako nag-iisip

Medyo gumaan yung loob ko dahil sa pag-uusap namin kaya pag-uwi ko ay hindi na muna ako nagsend ng message kay Timothy dahil baka makagulo ako.

Thursday was my day dahil natawag ang pangalan ko sa archery.

"Kaya mo yan, Claire" bulong sa akin ni Lake habang pababa ako

Ako nalang yung hindi nakakalaban sa amin dahil kanina sa men's volleyball ay lumaban na si Eros.

Pagkababa ko ay may inabot sa aking mga gears na susuotin ko kaya sinuot ko kaagad yun

May sinabi lang sa amin ng kaunti yung coach bago niya kami pinapwesto.

My palms were sweating the whole time while I was waiting for my turn.

Hindi ko naman kasi ini-expect na mapupunta ako sa archery. Wala akong alam dito.

Nanood ako sa mga nauna sa akin at hinawakan ko na ng maayos ang bow ko nang yung sa tabi ko na ang titira

Sinundan ko ng tingin yung tira niya at mas kinabahan ako ng makitang naka 7 points siya.

Nang turn ko na ay huminga ako ng malalim at pumwesto na

Meron akong 30 seconds para umasinta kaya tinitigan kong mabuti yung target

Bago ko binitawan.

Feeling ko nag slow motion yung paglipad ng arrow papunta sa target.

At napasinghap nalang ako ng tumama yun sa 9 points. Sa sobrang tuwa ko ay napatalon ako sa pwesto ko. Narinig ko pa yung sigaw nila Lake galing sa mga nanonood.

"Wooo! Galing mo, Claire!" Ngumiti ako sa kanila

Tatlong shot per player kaya may dalawa pa ako. Yung mga natira kong tira ay hindi naging kasing swerte nung una, 7 at 8, pero okay na rin.

10 kaming player sa team namin kaya kahit hindi ako masyadong magaling ay nabawi naman ng mga kasama ko.

Hindi muna pinakita kung sino yung nanalo pero sobrang saya namin kasi sabi nila sa amin daw yung may pinakamagagandang scores.

"Marunong ka palang mag-archery, Claire?" Tanong sa akin ni Maize habang naglalakad kami pauwi.

Nag-aya kasi akong tumambay muna kami sa bahay dahil nga naging masaya ako sa sport ko kaya gusto kong magcelebrate

"Sa totoo lang hindi talaga kaya nga nagulat din ako na hindi lumabas sa target yung tira ko"

Kinakabahan talaga ako kanina dahil first time kong hunawak ng bow at arrow. Napapanood ko minsan dahil mahilig si Kuya Paris dati manood ng mga olympics pero I never tried it before.

Sheer luck maybe.

"Manood pa ba tayo bukas? Nakapaglaro na rin tayo 'e, maglakad lakad nalang tayo sa mall" suggestion ni Shane.

"Bukas ang announcement ng winners at kailangan nandoon tayo" sabi ni Steph na nagpanguso sa kanya.

Kung hindi pa sinabi ni Eros na sila nalang ang maglakad lakad sa saturday ay hindi pa siya ngingiti. Para tuloy siyang bata na kailangan pa ng suhol.

Wala si Kuya sa bahay pagdating namin, busy siguro sa school o kaya naman ay naglakwatsa pa.

Nagpaluto ako sa mga maids ng snacks namin bago sumunod sa kanila sa E-room.

Hindi matigil si Maize sa pagpansin ng loob ng bahay namin, may it be the furnitures, the structures at kung anu-ano pa. First time niya kasi makapunta sa bahay pero ang nakapagtataka ay si Shane at Lake na sinasabayan din siya, akala mo naman mga bagong salta lang sa bahay.

Balak sana naming magmovie pero nagsuggest si Shane na karaoke daw kaya pinagbigyan naman namin.

"Claire, nandito na ang meryenda niyo" ngumiti ako kay manang at kinuha ang mga dala niyang pagkain at nilagay yun sa mesa bago ako nagpasalamat

"Nandiyan na sa baba ang Kuya mo, hinahanap ka, sinabi kong nandito ka kasama ang mga kaibigan mo at sa tingin ko ay susunod siya pagkatapos niyang magbihis siguro" napatingin agad ako kay Maize dahil sa sinabi ni Manang pero hindi niya ata narinig dahil busy siya sa pagkanta

"Sige po, salamat po sa meryenda"

"Wala yun. Magsaya lang kayo jan" sabi ni Manang bago siya lumabas.

Matagal na naming kasama sa bahay si Manang, galing pa siya sa bahay namin sa province at kasabay namin siyang pumunta dito sa Manila para alagaan kami.

Bumalik ulit ako sa tabi ni Steph at naisip ko kung sasabihin ko ba kay Maize na pupunta dito si Kuya o hindi. Sa huli ay hindi ko sinabi, I'd like to keep the element of surprise.

Naiisip ko pa lang yung magiging reaksyon niya ay natatawa na ako

Hindi rin nagtagal ay bigla ngang pumasok si Kuya sa E-room, tumabi siya sa akin at tinanong kung anong naisipan namin at nagkaraoke kami.

Hindi pa rin siya napapansin ni Maize na kanina pa aligaga sa pagkanta, pangatlong kanta niya na ata yan at birit na birit pa siya

"Archery yung napunta sa aking sport" nakangit kong sagot sa kanya

Kumunot ang noo niya saglit bago siya tumawa ng malakas

"Seriously?" Tanong niya habang pinipigil pa rin ang pagtawa

Hindi ko na naririnig yung pagkanta kaya alam kong tumigil na si Maize dahil siguro sa tawa ni Kuya, but I'll look at her reaction later. I'll deal with Kuya muna

"What's so funny about that? It's my first time and I did really well that's why I want to celebrate" proud na sabi ko sa kanya

Mukhang hindi pa rin siya naniniwala sa akin kaya humarap ako sa mga kaibigan ko at sinabing patunayan nila kay Kuya

"Totoo, Leander! Amazing yan si Claire!" Nakangising sabi ni Lake pagkatapos ay tinaas taas niya ang kilay niya sa akin

"Sige na maniniwala nalang ako" dumapo bigla ang tingin niya kay Maize na nakatulala na sa kanya ngayon habang nakanganga

Siguro nagtataka aiya kung sino yung bago naming kasama

"Kuya Leander, si Maize nga pala, same department ko at bagong part ng barkada namin. Maize, si Kuya Leander" nakangisi kong pakilala sa kanilang dalawa

Tumango lang sa kanya si Kuya at binati siya bago ito nakipag-usap kay Lake. Si Maize naman mukhang na-starstruck pa ata at hindi pa sana magbabalik sa katinuan niya kung hindi pa siya siniko ni Shane

Sa buong maghapon na yun ay hindi ko mabilang kung ilang beses sumulyap si Maize kay Kuya. Hindi niya na rin hinawakan yung mic dahil nahihiya daw siya

"Anong department ka,Maize?" Nanlaki ang mata ni Maize nng bigla siyang kausapin ni Kuya. Kami ni Steph ay nagkatinginan nalang at pinigilan na matawa

Mahilig naman kasing makipag-usap si Kuya dahil normal lang sa kanyang maging madaldal pero mukhang hindi ata yun ini-expect ni Maize dahil parang naistatwa na siya at hindi makasalita kaya ako nalang ang sumago para sa kanya

"Same kami,Kuya. Parehas din kaming napili para sa show"

"Talaga?" Tanong niya kay Maize, hirap na hirap pang tumango ito

Hindi na siya kinausap ni Kuya after nun pero si Maize ay mukhang hindi pa makamove-on hanggang umalis sila sa bahay dahil parang wala pa rim siya sa sarili niya.

Mukhang nasa dreamland niya na ata siya.

Pumanhik agad ako sa kwarto pagkaalis nila dahil nakapag-dinner na rin kami. Ganun din naman ang ginawa ni Kuya dahil gagawa pa raw siya ng thesis nila.

Nag-linis lang ako ng sarili ko at nag sketch ng kaunti sa pad ko at nang makaramdam ako ng antok ay bago ako humiga.

Hindi ko na sana ichecheck ang phone ko but I did it out of hobby, nakasanayan ko na kasi na gawin gabi-gabi.

But tonight was not like the other nights. Dahil pag-open ko pa lang ng email ko ay nabasa ko na agad ang pangalan ni Timothy na nangunguna, we rarely chat on email at madalas sa messenger lang kaya medyo nagtaka ako kung bakit dito siya nagsend ng message.

Kahit nagtataka ay medyo excited akong binuksan ang email, pero nadissapoint ako ng mabasa yun

Skype

Yan lang yung nakalagay.

Wala man lang "Kumusta ka na?"

"Pssh namumuro na 'to sa akin!" Pikon na nag log in ako sa skype at ibubuzz na sana siya pero naunahan niya ako

Napalunok ako ng makita ang pangalan niya na nagre-request ng video call. Mabilis na lumapit ako sa vanity mirror at chineck ang sarili ko. Mabilis din naman akong bumalik sa kama at niyakap ang isang unan bago in-accept ang viseo call

Bumungad agad sa akin ang mukha ni Timothy na nakangiti sa akin, pero ako tinignan ko lang siya ng seryoso.

"Hi, love! Miss na kita" halata sa tingin niya na sincere siya sa sinabi niya

I can't deny the fact that I've missed him too. Pero mas lamang sa akin ngayon yung tampo, dahil hindi man lang siya nagparamdam sa akin

Ganun ba siya kabusy para makaligtaan yun?

"Galit ka ba?" Tanong niya nang hindi ako nagsalita

Hindi ako sumagot at tumingin lang sa kanya.

Ayokong humingi ng explanations, gusto kong siya mismo yung magbigay nun sa akin

Ilang araw kaming walang koneksyon, ni ha ni ho wala akong nakuha sa kanya. Halos mabaliw na ako sa kaiisip kung ano bang nangyari, tapos malalaman ko pa galing sa iba na umalis na pala sila.

"Claire, I'm sorry. I really want to keep my promise to you that we will go to the sports fest but then our world tour suddenly got pulled back. Kinailangan na naming umalis nung sunday ng madaling-araw" huminga siya ng malalim habang ako ay naghihintay ng kasunod niyang sasabihin

I already know this, I just want to hear more from him

I just missed his voice

"Tatawagan na sana kita, gusto kitang i-contact agad pero kinuha ni manager lahat ng gadget namin for three days para daw makafocus kami. Monday ay nagpractice lang kami tapos nagsimula yung 2 days concert nung tuesday at kagabi yung last day. Pinagbigyan lang kami saglit ngayon na gumamit ng gadget at dapat hindi kami mag open ng ibang social media kaya sa email ako nagsend sayo ng message. Bukas kukuhain na ulit yung mga gadgets namin kaya hinintay ko talagang makausap kita" mahabang pagpapaliwanag niya

Halatang nahihirapan din siya dahil sa nangyari kaya natanggal ang tampo at inis ko.

Hindi niya naman pala ginusto na hindi makatawag sa akin.

Napagod siya ng sobra sigurado tapos ako may oatampo tampo pang nalalaman.

Bakit ba ang isip bata ko?

"Sa totoo lang nainis talaga ako sa'yo pero okay lang, naiintindihan ko naman" lumiwanag ang mukha niya bigla dahil sa sinabi ko. Ibang iba sa mukha niya kaninang mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

"I miss you too" I bit my lip after saying that

Ngumuso siya para pigilan ang pagngiti niya pero napansin pa rin yun kaya napangiti nalang rin ako.

"Damn! I miss you so much!" Exaggerated na sabi niya kaya napatawa ako na sinabayan niya naman

Nagkwento siya sa akin ng nangyari sa kanya sa mga nagdaang araw, kung gaano sila kasaya dahil sa support ng mga fans at kung paano kahit pagod na pagod ay hindi niya maramdaman lahat.

Ako naman ay nagkwento rin sa kanya tungkol sa nangyari sa sports fest. Simula monday ay sinabi ko at wala akong kinaligtaan. Nung nalaman niyang nag-archery ako ay tawa siya ng tawa.

Pssh ano ba talagang nakakatawa dun at parehas sila ng reaksyon ni Kuya?

"Ahh I should've seen that!" May panghihinayang niyang sabi habang pinipigilan pa rin ang tawa niya

"FYI, ang galing ko kaya" may pagmamayabang na sabi ko.

Totoo rin naman kasi kahit first time ko ay nakascore pa rin ako ng mataas sa five

"Kaya nga dapat nakita ko, ang cute mo siguro habang may hawak kang bow and arrow"

Pinigilan ko ang ngiti ko dahil sa sinabi niya at iniba nalang agad ang topic.

Kahit kailan talaga ay hindi ako masanay sanay sa mga compliments niya

"Gaano kayo katagal sa world tour niyo?" Tanong ko

Ang alam ko kasi ay sobrang tagal ng mga ganun, yung iba ay umaabot pa ng taon

"More or less six months. Pero makakaabot naman kami sa graduation at kung hindi man ay sure pa rin kaming makakagraduate kami"

More or less six months?

Sobrang tagal nun.

That means matagal kaming hindi magkikita.

Naiisip ko pa lang parang nahihirapan na ako.

"That long?" Kahit pinilit kong itago ang lungkot sa boses ko ay hindi ko nagawa

Halata namang napansin niya yun dahil lumambot ang ekspresyon niya

"Pipilitin kong humanap ng pagkakataon para makabalik kahit ilang araw lang. Sobrang mamimiss kita" malambing niyang sabi

"Diba kukunin yung gadgets niyo? How can we stay in touch?"

"Gagawa ako ng paraan. Just leave everything to me. Hindi ko hahayaan na hindi tayo makapag-usap sa loob ng six months"

Tumango ako sa sinabi niya at hindi nalang muna inisip yun dahil kapag naisip ko ay nalulungkot lang ako.

I don't know when's the next time we'll be able to talk to each other so we made every second counts.

Kung hindi ko pa napansin na inaantok na talaga siya at dun ko lang narealize na marami pa siyang gagawin kinabipukasan at kailangan niya ng pahinga, ay hindi ko pa ititigil ang pag-uusap namin

"Later" pangungulit niya. Ayaw niya pang patayin yung video call

"You need to rest. And I'm already sleepy too" sabi ko nalang kahit sa totoo ay kaya konpa talagang makipag-usap sa kanya

Dahil sa sinabi ko ay pumayag na rin siya.

"Okay, goodnight, love. Sleep tight and dream of me"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya dahil halata sa boses niya na ilang saglit nalang babagsak na siya

"Good night to you too. Rest well, okay? Sweetdreams"

Pagkatapos naming magpaalam ay ako na ang pumatay sa video call at tinago ko na rin ang laptop ko.

Humiga ako sa kama ng nakangiti.

Parang yung mga araw na hindi kami nag-usap ni Timothy ay biglang nakalimutan ko dahil lang sa pag-uusap namin ngayon.

Pinikit ko ang mata ko at nakangiting nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

533K 13.1K 33
I am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020
63.9M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
28.2M 713K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
8.2M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."