Ashter
"Ashter naman,e!"malakas niyang sigaw habang na humahabol sa akin.
Hindi ko siya pinapansin.Dire diretso lang akong naglalakad na tila walang kasama.Hindi ko alam kung paano mawawala ang inis ko kaya heto kahit tawag tawagin niya ako ay dire diretso lang akong naglalakad palabas ng mall na ito.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng mall ng bigla akong matigilan dahil may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko.Agad nadako ang aking tingin sa may paanan ko ng makita ang isang pares ng sapatos.Kasabay noon ay ang muli kung narinig ang matining na boses ni lilo.I guess mukhang siya ang bumato sa akin ng sapatos niya na dati na niyang ginagawa.
"Ashter!"tawag niya sa akin habang naglalakad na palapit.
Napapikit ako ng mariin bago mabilis na dinampot ang sapatos niya saka siya nilingon.Umayos ako ng tayo upang matitigan ko siyang mabuti.
"Bakit ka ba ganyan? Ang hilig mong mag walk out kapag naiinis ka?"iritado niyang sabi.
"Ikaw bakit ka ganyan? Lagi mo kung binabato ng sapatos mo.Lagi mong ginagawa sa akin iyan."nakasimangot kung sabi sabay luhod upang isuot sa kaniya ang sapatos niya.
Sa tuwing maiinis ako sa kaniya na magtatangka akong iwan siya sa isang lugar ay binabato niya sa akin iyong sapatos niya.Ganyan ang ginawa niya sa akin nung nakaraang buwan na dumalo kami sa anniversary party ng Top Famiglias.
Nang maisuot ko sa kaniya ito ay agad na akong tumayo.
"Nakakainis ka kasi,bigla kang umaalis."
"Naiinis ako dahil sa ginawa mo."diretsahang sabi ko.
Sinong hindi maiinis kapag nakita mo na may kayakap na ibang lalaki ang girlfriend mo.Okay lang sana kung kakilala ko na masasabi kung friends naming dalawa.Iyon alam kung walang malisya iyon.Pero hindi,e.Kayakap lang naman niya ang mayabang na si Damon Symon Moretti.Ang isa sa apat na bagong Warlords na magmumula sa Magnium Guild.
Si Damon na sinabihan niyang gwapo.Si Damon na naging dahilan para makaramdam ako ulit ng insecurities sa buhay ko.Bihira makapansin ng kagwapuhan ng isang lalaki si lilo at naiinis ako dahil napansin niya si Damon.Alam kung wala akong dapat ikainis dun dahil engot si lilo.Sabi nga niya na appreciate lang daw niya na gwapo si Damon.Pero naasar ako dun.Asar na asar.
"Sorry na,wala lang naman iyon. Nayakap ko siya bigla dahil natutuwa ako.Akalain mo iyong makikita natin siya dito.Hindi na tayo mahihirapan sa paghahanap."
"What? Niyakap mo siya dahil natutuwa ka?"hindi makapaniwalang tanong ko.
Nakangiting tumango tango siya bilang sagot.
"Kahit hindi mo pa siya ganun kakilala?"tanong ko pa.
"Oo naman.Bakit may problems ba dun? Mabait naman siya."
Bumuga ako ng hangin bago umiling iling.Mahirap talaga kapag engot ang girlfriend mo.Madaling mauto ng kung sino.Dahil nga sa engot siya ay gagamitin ito ng masasamang demonyo sa paligid upang maisahan siya.
"Lilo,ayoko ng ganun.Huwag ka nangyayakap ng kung sino sino.Pangalan lang ang kilala natin sa Damon na iyon. Hindi pa natin siya lubos na kilala.O kaya kahit sinong lalaki,huwag na huwag mong niyayakap.Alalahanin mo,nandito na ako.Ayokong makikitang may kayakap na ibang lalaki ang girlfriend ko.Naiintindihan mo?"mahabang paliwanag ko.
Ngumiti siya ng tipid bago tumango.
"Okay,hindi na mauulit."sagot niya sabay yakap sa akin.
Dahil hindi ko naman kayang mainis sa kaniya ng matagal ay niyakap ko din siya pabalik.
"I love you,boyfriend."narinig kung sabi niya habang magkayakap kami.
Hindi ko mapigilang mapahalakhak doon.Lalo na at napansin kung kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang customer dito sa mall.
"I love you too,girlfriend."nakangiting sagot ko at mas mahigpit siyang niyakap.
Ilang segundo lang din ay siya na ang kumalas ng yakap sa akin.
"Teka nga pala.Paano si Damon? Hinayaan natin siyang makaalis.Paano natin siya hahanapin ngayon? Lilibutin natin ang buong Mackenzie City?"sunod sunod na tanong niya.
"Dont worry,nakakuha na akong info kung saan siya nakatira ngayon."sagot ko.
Bago kami pumunta dito ay inatasan ko na si kiba na maghanap ng kumpletong inpormasyon kung nasaan ang apat na bagong Warlords na hahanapin namin.Kaya kahit hindi nakita ni lilo si Damon kanina ay ayos lang.
"Nakaisip na rin akong plano para diyan kay Damon Symon Moretti."
"Anong plano?"agad na tanong ni lilo.
Nakangiting hinawakan ko ang isang kamay niya bago sinagot ang kaniyang tanong.
"Malalaman mo kapag nandun na tayo."makahulugang sagot ko at hinila na siya palabas ng mall.
--------------------------------
--------------------
Rosales Karinderya:
"Ash,anong gagawin natin diyan? Kakain tayo?"tanong ni lilo habang titig na titig sa karinderya na nasa harapan namin.
"Pwede din kung nagugutom ka na.Pero ang importanteng sadya natin kaya tayo nandito ay dahil kay Damon.Dito natin siya makikita."sagot ko.
Pasado alas kwatro na ng hapon ng makarating kami sa lugar na tinitirahan ni Damon.Tulad ng inaasahan ko ay sa ganitong pamumuhay naninirahan ang magiging Warlord ng Mackenzie City.Tama nga si kareshi,kakaiba ang mga Warlords na magmumula sa Magnium Guild.Sa pamumuhay palang na kinalakihan ay ibang iba na sila sa amin.
"Diyan natin makikita si Damon?"gulat niyang tanong.
"Yeah, ayon sa info na nakuha ni kiba.Kasalukuyan siyang nakatira dito sa Morgell Street.Ang kaniyang lolo at lola nalang ang kasama niya sa buhay.Ang karinderyang iyan ang pagmamay ari ng pamilya nila."paliwanag ko kay lilo.
Kitang kita ko sa mga mata ni lilo ang pagkalito ng marinig ang sinabi ko.
"Dito siya lugar na ito nakatira? Paanong nangyari iyon? Hindi ba siya mayaman? Hindi ba siya nanggaling sa mafian family? Bakit mahirap siya? Hindi ba ang pinipiling maging Warlords ay iyong anak ng mga mayayamang mafian boss?"
Napangiwi ako sa mga tanong ni lilo.Naalala ko na hindi ko pa pala napapaliwanag sa kaniya ang tungkol doon.
"Ipaliliwanag ko saiyo mamaya.Sa ngayon ay pumasok na tayo sa loob."sabi ko.
"Sige."sabi niya sabay tango.
Sabay kaming naglakad papasok doon sa karinderya na magka-hawak ang kamay.Isang tahimik at maaliwalas na paligid ang tumambad sa amin ng makapasok kami sa loob.
Hindi kalakihan ang kanilang karindeya ngunit maganda naman ang pagkaka-ayos ng mga gamit.Nang igala ko pa ang aking tingin ay napansin kung may ilang customer na kumakain sa isang gilid.
"Welcome po sa Rosales Karinderya!"
Napaigtad ako sa gulat ng may matabang babae na sumulpot sa harapan namin ni lilo.Base sa suot niyang uniform ay tindera siya sa karinderyang ito.
"Magandang hapon po.Kakain po ba kayo?"tanong nito.
"Yes."tipid kung sagot.
Bakas sa mukha ng tindera ang saya ng marinig ang naging sagot ko.
"Upo na po kayo."nakangiting sabi niya sabay turo sa bakanteng lamesa na may dalawang upuan na nasa harapan lang namin.
Ngumiti lang ako bago tumango.Agad na upo si lilo dahil sa sobrang excited. Im sure kumakalam na naman ang tiyan niyan.Kahit hindi ko tanungin ay alam kung gutom na siya.
"Ash,order ka na."biglang sabi ni lilo na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Yeah."natatawang sagot ko bago umupo na rin sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.
----------------------------
----------------
"Nabusog na ako."masayang sabi ni lilo bago sumandal sa kaniyang kinauupuan.
"Buti naman."nakangiti kung sabi.
More than two hours na yata ang nakalipas simula ng maka-order ako ng mga kakainin namin ni lilo at halos lahat iyon ay naubos niya.
"Anong susunod nating gagawin? Dont tell me kaya lang tayo pumunta dito para kumain? Akala ko ba may plano ka?"
"Wait lang,hintayin natin ang lolo at lola ni Damon.Ngayon natin sisimulan ang first plan.Once na mameet natin sila."sagot ko.
Kanina habang kumakain kami ay ipinatawag ko na sa mga tinderang nandito ang dalawang matanda upang makausap ito.
"Excuse me po,nandito na po si lolo anding at lola didang."sabi ni Mercy.Iyong matabang babae na tindera nila dito.Nagpakilala siya sa amin ni lilo kanina kaya ko nalaman ang pangalan niya.
Dalawang matanda ang bumungad sa harapan namin ni lilo na kasama ni Mercy.Sa aking palagay ay nasa mid 60's or 70's na ang dalawang ito.
"Magandang hapon sa inyo."nakangiting bati ni lolo anding sa amin ni lilo.Habang si lola didang naman ay ngumiti lang bago tumango.
"Hello po."bati ko.
"Ano po bang maipaglilingkod namin?"magalang na tanong ni lolo anding na ngayon ay inaalalayan ang kaniyang asawa sa pag upo sa dalawang upuan na nasa tapat lang namin ni lilo.
Hinintay ko muna silang makaupo ng maayos bago ko sagutin ang kaniyang tanong.
"Hindi po ba kayo ang may ari nitong karinderya?"tanong ko.
"Kami nga iho.Ako at aking asawa ang namamahala dito."sagot naman ni lolo anding.
"May problema ba? Hindi ninyo ba nagustuhan iyong mga pagkaing kinain ninyo?"tanong naman ni lola didang.
"No of course not! Hindi po iyon."natatawang sabi ko.
"Oo nga po,hindi iyon.Ang sarap nga po ng mga pagkain ninyo eh.Lutong bahay talaga."sabat ni lilo sa usapan.
Humugot ako ng malalim na pag hinga upang makapag isip ng maayos.Kailangan ko ng simulan ang plano.
"Bago po kami pumasok dito ay nakita namin iyong karatulang nakalagay sa labas.Mayroon pa po ba kayong kwartong pinauupahan?"sa wakas na itanong ko rin.
Bago kami pumasok ni lilo dito sa Karinderya nila ay nakita ko na ang karatulang naka-paskil sa labas.
- Wanted Bed Spacer
Ayon sa inpormasyon na nakuha ni kiba.Bukod sa karinderya na kanilang negosyo ay may paupahan silang mga kwarto sa itaas ng bahay nila.Nang makarating kami ni lilo dito kanina ay agad ko ng napansin iyon.Kung titignan mo mula sa labas ay makikita mo ang kabuuan nitong building nila.Hindi masyadong malaki,hindi rin masyadong maliit.Para itong munting mansion na may tatlong palapag.Sa first floor,nandoon ang kanilang karinderya.Sa second floor ay doon ang kanilang mga kwartong paupahan.Habang ang ikatlong palapag naman ay ang kanilang kwarto.Doon din matatagouan ang kwarto ng kanilang apo na si Damon.
"Oo naman,may lima pa kaming kwarto doon sa taas.Balak ninyo bang umupa?"tanong ni lola didang.
"Opo,kailangan po kasi namin ng matitirahan ng girlfriend ko habang nandito kami sa Mackenzie City"sagot ko sabay tingin kay lilo.
Wala namang kibo si lilo.Seryoso lang itong nakatingin sa akin.
"Bakasyunista ba kayo? Ngayon lang ba kayo nakapunta dito sa Mackenzie City?"usisang tanong ni lolo anding.
Balak ko na sanang sumagot.Ngunit hindi ko na nagawa ng maunahan ako ni lilo.
"Opo! First time namin dito."natatawang sabi ni lilo.
Napatigil lamang siya sa pagtawa ng senyasan ko siyang tumahimik.Nakangiting ibinalik ko ang aking tingin sa dalawang matanda.
"Uupa po kami ng kwarto."sabi ko.
Nagkatinginan ang dalawang matanda bago parehas na nakangiting ibinalik ang tingin sa akin.
"Sure,welcome na welcome kayo dito."sabi ni lolo anding.
"Bakit hindi nalang kayo sa hotel uumupa ng kwarto? Tutal mukha naman kayong mayaman."
Sabay kaming napatingin ni lilo kay Mercy dahil sa tanong nito.
Nawala sa isip ko na kanina pa pala nandiyan sa tabi ng dalawang matanda ang kanilang tindera.
"Excuse me lang,ah? Hindi kami mayaman ng boyfriend ko.Mukha lang kaming mayaman dahil gwapo siya at maganda ako.Pero mahirap lang kami.Hindi namin afford ang hotel.Tignan ninyo nga kakaunti lang ang mga dala naming gamit.Iyan ba ang mayaman?"sagot ni lilo kay Mercy sabay nguso sa kaiisa isang bag na dala namin.
Lihim akong napangiti sa sinabing iyon ni lilo.Mukhang tumatalino na ang babaeng ito.Hindi ko expected na makakaisip siya ng palusot.Infairness kay mercy matalas ang mga mata niya.Madali siyang makapuna ng mga bagay bagay sa paligid niya.
Sa unang tingin kasi hindi mo aakalain na mahirap lang kami ni lilo kahit nakasuot na kami ng simpleng damit lang.Kahit saang angulo mo kasi tignan ay hindi kami paasang mahirap.Lalo na si lilo na mas maputi sa akin at walang kagaspang gaspang ang mga kamay.Halatang hindi sanay sa hirap ng buhay.
Naputol ang masamang titig ni Mercy kay lilo ng biglang tumawa ang dalawang matanda.
"Pagpasensyahan ninyo na iyang si Mercy.Hindi lang kasi kami sanay sa mga bakasyunistang tulad ninyo.Nag iingat kasi kami sa mga pumupunta dito.Karamihan kasi mga mafian na walang alam gawin kung hindi manggulo."sabi ni lolo anding dahilan para mapakunot ang aking noo.
"Ginugulo kayo ng mga mafian dito?"naisip kung tanong.
Napansin kung lumungkot ang mukha ng dalawang matanda.Doon palang nakutuban ko na ng may hindi magandang nangyayari sa kanila dito.
"Huwag ninyong intindihin iyon.Mabalik tayo sa usapan kanina. Ilang kwarto ba ang uupuhan ninyo?"pag iiba ni lola didang ng usapan.
Tumango nalang ako.
"Isa lang po."sagot ko sabay tingin kay lilo.
Gusto kung matawa ng mapanguso si lilo sa aking naging sagot.
"Tama na po sa amin ang isang kwarto.Hindi naman po kami magtatagal dito.Siguro mga one week lang depende sa mood namin."paliwanag ko.
Alam kung maiilang na naman si lilo dahil sa iisang kwarto lang kami matutulog.Pero tingin ko naman masasanay na rin siya.Napag usapan naman na namin ang tungkol doon.Isa pa,hindi ako sanay na hindi ko nakikita si lilo pag gising ko.Ayoko ngang malayo siya sa akin.
"Sige,ipapahatid na namin kayo kay Mercy sa magiging kwarto ninyo."sabi ni lola didang.
"Magkano po ba ang bayad sa upa?"tanong ni lilo sa dalawang matanda.
"Ang singil kasi namin sa upa kada buwan ay humigit kumulang 15 000.Pero kung isang linggo lang kayong mananatili ay aabot lamang sa 5000." sagot ni lolo anding.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.Mabilis akong kumuha ng ilang libong pera mula sa bulsa ko.Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na bilangin iyon. Agad ko iyong inilapag sa harapan ng dalawang matanda.
"Babayaran ko na po pang isang linggo."kahit hindi ko nabilang ang pera ay alam kung sobra iyon.
"Teka,sobra itong ibinayad mo."manghang sabi ni lola didang na hawak hawak na ang perang ibinayad ko.
"Ayos lang po iyon. Iyong sobra ay bayad nalang sa pagkain naming dalawa.Anim na beses po kasi sa isang araw kumain itong girlfriend ko.Naisip ko na pong mag advance ng bayad.Kung ano man ang nais niyang kainin dito sa karinderya ninyo."sabi ko.
Sa takaw nitong si lilo ay alam kung lagi niya akong kukulitin sa pagkain niya.Sakto dahil nasa kainin kami mananatili.Siguradong laging tatambay dito ang babaeng ito.Sa takaw ba naman niyang kumain.
Napatingin ako kay lilo ng marinig ko ang pagtikhim nito. Mahina akong natawa ng makitang nakasimangot siya habang titig na titig sa akin.
"Itsinismis mo pa talaga ako."mahinang sabi niya.
"Ayos lang iyon para alam na nila kung gaano ka siba kumain."sagot ko.
"So,ayos na ang lahat? Ipapahatid na namin kayo sa magiging kwarto ninyo."sabi ni lolo anding dahilan para muling mapabaling sa kanila ang aming tingin.
"Sige po."sagot ko sabay tayo na sa aking kinaupuan.
Sinenyasan ko na rin si lilo na tumayo na agad naman niyang sinunod.Mabilis kung hinawakan ang isang kamay niya.
"Mercy,ihatid mo na sila sa itaas."utos ni lolo anding kay Mercy.
Magalang nalang tumango si Mercy bilang sagot.
"Sumunod kayo sa akin."sabi ni Mercy sa aming dalawa ni lilo.
Akmang ihahakbang palang niya ang kaniyang mga paa ng bigla siyang matigilan dahil sa pag dating ni Damon.Pati kami ni lilo ay natigilan din.
"Nandito na ako!"malakas na sabi ni Damon na ngayon ay kapapasok palang dito sa karinderya.
Dire diretso itong naglakad palapit sa amin.Unang nadako ang tingin nito sa lolo at lola niyang nakaupo.
"Good Eve lolo at lola.Anong pagkain natin ngayon? Naguguto—"hindi na niya natapos pa ang kaniyang sasabihin ng biglang mapatingin siya sa amin ni lilo.
"Shit! Anong ginagawa ninyo dito?!"gulat na naibulalas niya habang papalit palit ang tingin sa amin ni lilo.
"Obvious ba,kumain kami dito sa karinderya at dito na kami sa inyo titira."nakangiting sabi ni lilo sabay sulyap sa akin.
Tumango ako bilang pag sang ayon.
"Nice to see you again, Mr.Moretti."nakangising sabi ko.
This is it,umubra na ang una kung Plano.Humanda ka Damon Symon Moretti dahil magbabago na ang kinagisnan mong buhay sa pag dating namin ni lilo.Sa ayaw at sa gusto mo.Ikaw ang magiging Warlord king dito sa Mackenzie City.
Iyan ay mangyayari dahil sa tulong namin ni lilo.
---------------------------------------------------------------------------------
- Kapag nagkatampuhan kayo ng girlfriend or boyfriend mo.Gumawa ka agad para hindi lumala.Mahirap na,baka hindi na iyan masolusyunan at mauwi sa hiwalayan.
_Ashter
******
salamat sa reads and votes-
© Akio