Day five na ni Elmo sa loob ng ospital kung saan siya nakalagi ngayon. May improvements ng nakikita ang doktor sa kanya, unti-unti ng lumalabas ang mga sagot na kailangan niyang malaman. Hindi parin maiwasan ni Elmo ang hindi magmatigas pero namamanage naman ng doktor ang pasunurin siya.
Ngayon nasa empty room na naman sila ng kanyang doktor. There’s a sofa for him and a chair for his doctor. Nagsasawa na siya sa ganoong set-up, ni wala nga siyang idea kung nagagamot na ba siya o hindi pa.
“So Elmo, how are you feeling today?”
“Better than before doc.” He answered in an instant.
“Ginugulo ka parin ba ng babae sa panaginip mo?”
“I am ignoring her.”
“Pero naririnig mo parin siya?”
“Yes.”
“Elmo, what if it’s all in the mind?”
His forehead wrinkled. “What do you mean?”
“It’s all in the mind-” She paused. “Baka lahat yan naiisip mo lang dahil may gusto kang balikan na hindi mo mabalik-balikan.”
“I don’t understand.”
Pinagmasdan saglit ng doktor si Elmo, ito na naman ang isang side niya. Nagmamaang-maangan sa mga bagay na pwede naman niyang isipin. “Pwede bang ipikit mo ang mga mata mo?” Sumunod naman kaagad ito sa utos niya. “Now, I want you to go back to the day when your twins were born.”
“Okay.” Elmo said.
“Wag ka ng magsalita, just concentrate.” Nakatingin parin siya kay Elmo habang nakapikit ito. “Ano ang nakikita mo Elmo?”
“Wala.”
“Concentrate. Don’t be scared. Go back to that day.”
Dahil iyon ang request ng kanyang doktor ay ginawa niya na lamang iyon. Ang normal na nasa isip niya ay makikita niya ang kanyang sarili sa ospital kung saan ipinanganak ang kanyang kambal pero hindi ganun ang nangyari, tulad ng panaginip niya nakita na naman niya ang kanyang sarili sa paborito niyang flowershop kaya muli niyang iminulat ang mga mata niya.
“Weird.” Takot na sambit niya habang nakatingin siya sa kanyang doctor.
“What did you see?”
“It’s the same flowershop.” Bulong niya sapat para marinig din iyon ng doktor na kanyang kausap.
“Sige lang, ipikit mo lang ang mga mata. Baka there’s something in there.”
“Ayoko na.” Tumayo na si Elmo ng hindi na niya magustuhan ang pinapagawa sa kanya.
“Elmo sit down.”
“Don’t talk to me as if I am your kid!”
“Elmo, please take your sit.” Kalmadong sambit ng psychiatrist niya. “Malapit na tayo, kaya please makipagcooperate ka sakin. Please.” Pakiusap nito sa kanya.
Elmo’s a good man. Alam niya rin na may good cause ang ginagawa sa kanya ng kanyang doktor but he’s scared of what’s bound to happen next. Hindi niya kasi alam kung ano ang pwede niyang makita. Kung ano ang pwede niyang malaman at the end of the process.
Pero sa kanila ng lahat ng iyon ay nakuha niya paring umupo muli sa sofa at ipikit ang kanyang mga mata. Natatakot man siya sa magiging resulta pero wala na siyang magagawa pa dahil sa ayaw niya o sa hindi kailangan niya iyong gawin.
“Baliw na ba ako?”
“No Elmo.” Mabilis na sagot ng doktor. “Kailangan mo lang imulat ang mga mata mo, hanapin mo ang sagot sa isip mo. Ngayong nakapikit ka na ulit, I want to to think about the flowershop, go inside and look around you.”
“Puro bulaklak lang ang nakikita ko.”
“Magmasid ka pa, there’s something in there.”
Iginala niya ang kanyang mga mata sa lugar kung nasaan siya. Puro bulaklak lang talaga ang nakikita niya kaya sinubukan niyang mag-ikot-ikot. Sa kanyang pag-iikot-ikot ay may nakita siyang isang card, and it says ‘Everything will work out because it has to. You have to get better. Please.’
At dahil doon, iminulat muli ni Elmo ang kanyang mata. Nanahimik siya saglit habang pinoprocess niya ang kanyang mga nakita. Kasabay nito ay ang babaeng nakikita niya sa kanyang panaginip at paminsan-minsan ay nakakausap niya rin. Kasama narin sa lahat ng iniisip niya ay ang pagpupumilit ni Julie na mag-undergo siya ng treatment na iyon. Ang pagbablangko ng isip niya at higit sa lahat ang pagpunta niya sa mga lugar na halos hindi niya malaman kung paano siya nakarating doon.
“Am I forgetting people in my life? The people I had memories with?”
“You think so?” His psychiatrist said calmly.
“Meron nga?”
“Paano kung meron talaga? May naaalala ka ba?”
Umiling si Elmo sa tanong na iyon sa kanya. ”I know I have memories with those people but I can’t remember anything. I can’t seem to bring them back.” He heaved a deep sigh. “It’s frustrating and at the same time scary because I know that someday I will not remember people that came into my life, the people that changed me.”
“May mga natanong na ba sayo ang mga anak mo na pinagwalang bahala mo?”
“I don’t know.”
“Just be honest with yourself Elmo. Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. I know deep down, you know what the answers are.” Tumayo ang doktor niya para makapaglakad-lakad. Finally malayo-layo na ang progress nila at alam niya kaunting proseso nalang ay matutulungan niya narin si Elmo na ibalik ang nawawalang memorya nito. “Tatanungin kita ulit, ano ang pinakakinatatakutan mong mangyari?”
“Paano kung nangyari na?”
Napatigil ang psychiatrist niya sa tanong na iyon ni Elmo. Napatingin ito sa kanyang pasyente dahil hindi niya inaasang ganoon kabilis nila makukuha ang solusyon sa problema.
“Anong nangyari? Tell me.”
“It’s when the day Lexa started to ask me about their mom.”
Napaupo muli ang doktor nito sa kinauupuan nito kanina ng macurious sa mga susunod pang sasabihin sa kanya ni Elmo. “What about their mom?”
“That’s my main problem, I don’t know anything about their mom. I can’t even tell them her name, because I can’t remember who she is. And it scares me.” He sincerely looked at the doctor infront of him. “I am scared because I don’t have anything to tell to my children.”
“Hindi ka man lang ba nagtaka?”
“Nagtaka ako, that day nagsimula ng maguluhan ang isip ko kung sino ba ako, paano ako nagkaanak, sino ang asawa ko o may asawa ba talaga ako. The only memory I know is when my twins were born.”
“Have you tried searching for answers?”
Tumango naman siya kaagad. “I kept on searching for the answers but I failed.”
“This is getting hard Elmo.”
“I know.” Nakipag-eye to eye contact muli siya sa kanyang doktor. “Can you please invite Julie to go over here? I want to talk to her.”
“Yes of course.” Ngumiti ito sa kanya. “Gusto mo ba ngayon na?” He just nodded.
***
Inililipat ni Julie isa-isa ang mga litrato sa isang photo album. She was down to the last photograph she has on her hand. Nang successfully niya na iyong mailagay sa loob ng photo album ay kinuha niya na ang kahon at itinupi-tupi iyon para maitapon niya na. Nang papalapit na siya sa basurahan ay may narinig siyang isang tunog na metal, marahil nahulog iyon sa kahon kaya kaagad niyang hinanap kung saan nanggaling ang huling tunog noon.
Luckily, hindi siya pinahirapan ng bagay na iyon. Nakita niya ang isang kumikinang na gold ring na sumiksik sa ilalim ng closet ni Elmo. Pinagmasdan niya ito ng paulit-ulit sa kanyang mga kamay habang pinapaikot niya iyon.
Sa sobrang pagtitig niya sa singsing na iyon ay napansin niya ang nakaukit dito na Catherine Magalona. Muli siyang kinilabutan habang hawak niya ang singsing, hindi niya alam kung kay Catherine ba iyon pero napag-isip isip niya na malabo iyong mangyari dahil hindi naman umattend ng lamay o libing si Elmo ng asawa nito kaya inassume niya nalang naElmo Magalona ang singsing na nasa kamay ng yumao niyang bestfriend.
Naputol ang iniisip niya ng marinig niyang tumutunog ang kanyang cellphone. Nakaregister ang caller na iyon kaya naman hindi siya nagdalawang isip na sagutin ang tawag nito.
“Hello doc?” Malumanay na sambit niya.
“Julie, Elmo wants to see you. Pwede ka ba ngayon?”
“Doc, about that.” She paused for a moment. “Pwede bang iuwi ko na ngayon si Elmo? I think I know hot to help him remember his wife.”
“Are you sure? Kasi Julie, we’re close.”
“Ano pong ibig niyong sabihin doc?”
“Alam na niya na ang tungkol sa nanay ng mga bata.”
“Alam niya na po ang pangalan ng asawa niya?”
“Not yet, yan pa ang problem ko kasi nahihirapan parin siyang alalahanin ang memory niya with her wife.”
“I see doc. Iuuwi ko nalang siya ngayon, I have plans at kung hindi to gagana ibabalik ko po siya sayo right away.”
“Kilala mo na ang asawa niya?”
“May lead na po ako, sana makatulong ang gagawin kong ito sa kanya.” She sighed. “I’ll try to make him remember besides his mind may forget his memories with his wife but his heart won’t.”
“Okay then, I trust you Julie.” The doctor smiled while talking to Julie. “Sige na, you can pick him up already.”
“Sige doc, magbibihis lang po ako tapos didiretso na ako dyan. And doc-”
“Yes Julie?”
“Thank you for taking care of him.”
“It’s my job Julie. Anyway, may mga pinapainom ako sa kanyang sleeping pills para umayos ang body clock niya. Wag mo lang kalimutan na ipainom okay?”
“Sure doc, salamat po ulit.”
***
Hindi mawala sa isip ni Julie ang mga pinagtagpi-tagping impormasyon na nakukuha niya habang siya’y nagda-drive. Hindi man siya sigurado sa plano niya pero sigurado naman siya sa intensyon na matulungan si Elmo na makabalik sa dating siya.
Wala pang isang oras ay nakarating na siya sa ospital. Naroroon na si Elmo naghihintay sa kanya. Nang makalabas siya ng sasakyan ay kaagad niyang sinalubong si Elmo ng yakap at halik. Medyo pumayat ito, marahil sa sobrang pag-iisip.
“Okay ka lang ba? Mukhang pumayat ka.” Nag-aalalang sambit niya habang pinagmamasdan niya si Elmo.
“I’m okay. Buti nalang ilalabas mo na ako dito, they’re driving me crazy inside Julie.”
“I know and I’m sorry.” Hinalikan niyang muli si Elmo. “Uwi na tayo?”
“Yes please.” Pakiusap nito sa kanya.
Nang mailagay na ni Elmo ang traveling bag nito sa compartment ng kanyang kotse at nang pareho na silang makasakay sa loob nito ay nagsimula na silang bumyahe papauwi.
Still, she finds Elmo lost with his thoughts.What hurts her is that she couldn’t help him at the moment. Mahirap para sa kanya na makita si Elmo na ganoon, tila ba’y napapagod na sa sobrang pag-iisip dahil dito ay nabigyan pa siya ng mas marami pang rason para ituloy ang plano niya.
Hindi niya ginagawa ito para lang kay Elmo, ginagawa niya rin ito para kay Catherine, sa mga bata at sa mga magulang nito. She wanted to reunite them. Nangako siya kay Catherine na gagawin niyang maayos ang lahat… na ibabalik niya sa dati ang lahat. At ang pangakong iyon na binitawan niya sa puntod ng kanyang matalik na kaibigan ay nagsisimula… ngayon.
To be continued…