Kabanata 13
Third Person's Pov
"Sapphire!" Sigaw ni Scarlet ng makitang bumagsak ang kaibigan. Nagsitakbuhan sila papunta sa gawi nina Miss Celestine at Sapphire, agad namang kinuha ni Froze si Sapphire at inisandal sa dibdib niya habang gumagawa naman ng hangin si Karlos upang mahanginan at magkamalay ang kaibigan.
"Anong nangyari, Miss?" Saad ni Froze habang tinatapik sa pisngi si Sapphire.
"Pagod lang talaga siya, kailangan niya ng pahinga kasi may nalaman siya tungkol sa sarili niya."
"May alam ko tungkol kay Sapphire?" Tankng ni Alexander, ngumisi naman si Miss Celestine.
"Napanaginipan ko yung nangyari noong panahon ng reyna noon. Dahil sa kapangyarihan ko, nagtravel ako papuntang past. Kaya nalaman ko kung ano at sino talaga si Sapphire." Sagot niya. Napatango naman sila Scarlet at tiningnan ulit si Sapphire.
"Osya, dalhin niyo na 'yan sa kaniyang silid. Masyadong napagod sa pangyayari si Sapphire, kailangan niyang magpahinga." Saad nitong muli at iniwan ang mga estudyante kasama si Sapphire.
-
"Sapalagay mo, ano ang nakita ni Sapphire?" Tanong ni Scarlet habang tinatahak nila ang daan papuntang building nila.
"Hindi ko alam, alam rin nating ayaw iopen topic ni Mis Celestine 'yon kasi halata namang iniwasan niya yung mga tanong natin kanina kasi kita mo naman, iniwan tayo sa quad." Sagot ni Joanne.
"Ikaw Froze? Nababasa mo ba ang utak ni Miss Celestine kanina?" Umiling naman agad si Froze na karga karga si Sapphire.
"Sa tingin mo ba hibang si Miss Celestine? Malamang naisipan niyang saraduhin 'yung isip niya para hindi mabasa ni Froze." Sagot ni Ivonne. Umirap naman si Scarlet at humarap kay Scarlet.
"FYI, fake princess. Kayang magbasa ni Froze ng utak na nakasarado. Baka hindi ka informed." Sagot ni Scarlet kaya naman hindi nakasagot si Ivonne. At nanatili nalang na tahimik.
Nakaakyat na sila sa building nila, pero ni isa talaga sakanila walang balak magsalita. Tahimik lang si Froze na nakatingin sa bulsa ni Sapphire, unti unti namang lumabas yung susi ni Sapphire sa bulsa nito.
Inabot naman ni Froze ito at hinawakan. Napatingin naman si Scarlet kay Froze, maging sina Ivonne at Joanne napatingin sakaniya ng hawakan niya ang susi ni Sapphire na may nakaukit na apoy. Napatingin naman ang mga lalaki sakanila na parang nagtataka.
"Anong meron? Bakit ganiyan kayo makatingin kay Froze?" Saad ni Alexander. Tumngo naman si Jillian at Karlos.
"Hindi ka ba naiinitan?" Tanong ni Scarlet kay Froze. Humagalpak naman ng tawa si Alexander.
"Paanong maiinitan si Froze e taong yelo 'yan? [/laughs; patawa ka talaga Scarlet!" Napataas naman ang kilay ni Ivonne at binatukan ang kaniyang kapatid.
"Tanga! Hindi mo kasi maintindihan." Saad nito kaya si Joanne naman ang tumawa sa katangahan ng mga kaibigan.
"Hawakan niyo yung susi ni Sapphire para malaman ninyo, diba ganun naman yung mga susi natin?" Saad ni Joanne. Sumunod naman sina Karlos sa utos ng kaibigan. Hinawakan ni Alexander yung susi ni Sapphire pero agad niya ring naibato 'yon dahil sa init na naramdaman niya.
"Tangina, nakakapaso pala 'yon." Saad ni Alexander at pinalutang ang susi ni Sappgire at pinahawak kay Karlos at Jillian, kagaya ng kay Alexander, ganun rin ang naging reaksyon ng dalawa. Napataas naman ang kilay ni Froze sa inasta ng mga kaibigan.
"Anong problema niyo? Hindi naman mainit e." Saad nito at hinawakan muli ang susi ng kaibigan. Nagkatinginan naman silang lahat.
"May relasyon ba kayo ni Sapphire?" Halos mapatid sa gulat ang binata dahil sa biglaang pagtatanong ng mga kaibigan niya, lumabas na sila ng elevator at naglakad papuntabg kwarto ni Sapphire. Inilapag niya sa kama ng dalaga ang kaibigan at umupo sa tabi nito. Hindi niya sinagot ang tanong ng mga kaibigan, pero hindi naman sumuko ang mga ito sa pangungulit.
"Hoy, ano nga kasi? Bakit ayaw mong sagutin?" Tanong ni Scarlet.
"Wala, masaya na kayo? Bakit niyo ba naitanong?" Iritang tanong nito. Humalakhak naman si Karlos sa naging emosyon ng binata.
"Masyado kang defensive, halatang halata ka." Pang aasar nito kaya naman mas lalong nainis ang binata.
"Wala naman talaga, ano palang isasagot ko kung wala talaga?" Tanong nito kaya napatahimik ang magkakaibigan.
Froze's
Ngumisi ako ng palihim at tiningnan si Sapphire habang natutulog. Nabasa ko lahat, alam ko kung ano siya. Nakikinig ako kanina sakanila ni Miss Celestine, at pumasok ako sa isip nito habang pinapakita niya ang mga eksenang nangyari noon kay Sapphire. Kaya alam ko, hindi lang ako nagsasalita, gusto ko sakaniya mismo manggaling. Ayokong pangunahan siya.
Noon pa man, alam kong may kakaiba na sakaniya. Dahil hindi basta basta isang normal na katulad niya ang makakapasok sa elemental family. Bihira ang taong makakapasok sa amin. Kaya no'ng nalaman kong hindi niya alam ang kapangyarihan niya nagduda na 'ko.
Noong mas gusto niyang magisa, at ayaw niya kaming makasama alam ko nang may gusto siyang malaman sa sarili niya. Kaya mas minabuti kong manmanan siya ng palihim at hindi niya nalalaman. Mas minabuti kong ako lang yung makaalam kasi yun din ang gusto niyang mangyari, maitago kung ano siya.
Yung pagpunta niya ng goblin's nest, alam ko 'yon. Kaya nasundan ko siya, madalas siyang nasa Garden's, kaya sinusundan ko siya. Ginagamit ko ang invisibility ko para hindi niya ko makita.
Yung paglalaro niya ng itim na apoy sa goblin's nest, nakita ko rin yon. Hindi lang ako nagsalita kasi alam kong tinatago niya yung kapangyarihan niya. Nagtaka ako kung bakit siya nagkaganung kapangyarihan, pero hindi ako nagtanong sakaniya. Gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin para malaman ko, pero kanina ko lang nalaman lahat ng sagot. Ngayon, iniintay ko nalang na siya mismo ang magsabi sa amin. Kung ayaw niya, kahit sa akin nalang.
"Hindi kaya matunaw si Sapphire niyan?" Naalis ang tingin ko kay Sapphire dahil sa biglaang pagsasalita ni Jillian. Tumawa pa si Alex ng marinig 'yon, tulog ang mga babae kaya kami lang ang gising ngayon. Sinamaan ko naman sila ng tingin kaya mas lalo silang natawa.
"Pre, may gusto ka ba kay Sapphire?" Napaubo ako sa daretsahang pagtatanong sa akin ni Karlos. Direct to the point talaga itong lalaking 'to. Minsan ang sarap nalang niyang sapakin bigla. Hindi ako sumagot kaya tumawa nanaman si Alex. Sa aming lahat, si Alex talaga ang pinakamasiyahing anghel.
"Silent means yes pare, tsaka Karlos, hindi ba obvious na may gusto 'tong bestfriend ko kay Sapphire? Kung titigan akala mo mawawala eh no." Pang aasar naman ni Alexander kaya hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong dahilan, pero kapag si Sapphire ang pinaguusapan nabubuhayan ako ng loob.
"Totoo ba 'yan pre? Tumawa ka?" Gatong naman ni Jillian kaya umiling nalang ako habang nakangiti. Kung si Alex ang pinakamadaldal at masayahin sa amin, ako naman ang pinakatahimik. At masungit daw.
"Nako pare, delikado na 'yan. Ibang iba ang Froze na kaharap natin ngayon ahil kay Sapphire. May mabuting dulot talaga ang pagdating ni Sapphire." Dagdag ni Alex. Naramdaman ko namang gumalaw ang katabi ko kaya tumingin ako dito. Nagpupungas pungas siya ng mata niya at humawak sa ulo bago umupo. Ang ganda niya kahit bagong gising.
Hinawakan niya yung braso ko para makabuwelo sa oagtayo, inalalayan ko naman siya para maging maayos yung pwesto niya. Hinawakan niya parin yung ulo niya kaya napakunot yung noo ko at tinaasan siya ng kilay.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ko.
"Ayos lang, kanina pa ba 'ko natutulog?" Tanong niya at ngumiti kina Alex, kumaway naman si Alex at tumango naman sina Karlos at Jillian.
"Mga tatlong oras lang naman, pero ayos lang. Masakit ba 'yung ulo mo? Gusto mo bigyan kita ng gamot?" Tanong ko, nakarinig namn ako ng mga ubo ng mga kaibigan ko kaya sinamaan ko sila ng tingin. Mabuti nalang at hindi naintindihan ni Sapphire ang gusto nilang palabasin.
"Naku, hindi na ayos lang ako. Salamat." Ngumiti siya tapos sinandal yung ulo niya sa balikat ko, nakita kong pumikit ulit siya, siguro inaantok pa. Sumenyas naman sina Alex sa akin na para bang inaasar ako. Nagtatawanan pa ang mga gago pero walang ingay. Tumigil sila ng lumayo sa akin si Sapphire at humiga ulit sa kama pero ang ginawa niya ay tumitig sa kisame.
"Sapphire, ano bang nangyari?" Tanong ni Karlos. Hindi nagsalita si Sapphire, nakatitig lang siya sa kisame na para bang may malalim na iniisip. Nagukat kaming lahat ng bigla siyang tumayo at nagpunta ng banyo, paglabas niya ay bagong ligo na ulit siya tapos nakabihis na rin. May kinuha siya sa bag niya tapos umaktong lalabas.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Karlos.
"Hahanapin ko 'yung sarili ko. Aalamin ko kung ano ba talaga ako." Mabilis na salita niya at lumabas ng kwarto niya. Napatayo ako at sinundan siya pero paglingon ko wala na kagad, saan ko hahanapin yung babaeng 'yon?!
Hahanaoin niya yung sarili niya? Aalamin niya kung ano talaga siya? Ano bang klaseng anghel ang makakatulong sakaniya kapag 'yun ang nasa isip niya. Binalibag ko yung pinto at nagbalikbalik ng lakad.
"Pre, chill. Lagi namang ganun si Sapphire, hayaan mo na muna. Baka naguluhan lang siya sa nangyari sakaniya kanina. Maupo ka na muna—" hindi ko pinatapos si Karlos,nagteleport na kagad ako palabas ng building, tumakbo ako sa lugar kung saan alam kong mahahanap ko siya.
Garden's...