Let Me Know

By Shiejhayyy

2.1K 200 20

When you thought having in a relationship is a bad idea. You're against it, until you fell in love because of... More

Chapter 1 - Key Chain
Chapter 2 - WHAT?!
Chapter 3 - Change
Chapter 4 - The Deal
Chapter 5 - Plan
Chapter 6 - Slam Book
Chapter 7 -Yes No Yes?
Chapter 8 - New Girl In Town?
Chapter 9 - Announcement
Chapter 10 - Status
Chapter 11 - 1st Day
Chapter 12 - Research?
Chapter 13 - Caught in a Confession
Chapter 14 - Back Out?
Chapter 15 - Alone Together? Or Not?
Chapter 16 - Good Night Like Yesterday
Chapter 17 - Coffee
Chapter 18 - Skit
Chapter 19 - For You
Chapter 20 - Boyz With Fun
Chapter 21 - Good Day?
Chapter 22 - Does That Make Sense?
Chapter 23 - Fire
Chapter 24 - Begin
Chapter 25 - House of Cards
Chapter 26 - 2 Cool 4 Skool
Chapter 27 - Girl in Luv?
Chapter 29 - Butterfly
Chapter 30 - Skool Luv Affair
Chapter 31 - Youth
Chapter 32 - Not Today
Chapter 33 - Boys In Luv
Chapter 34 - Fire...Works
Chapter 35 - Confession
Chapter 36 - Rain
Chapter 37 - Hold Me Tight
Chapter 38 - Whalien 52
Chapter 39 - One Night In A Strange City
Chapter 40 - Look At Me
Chapter 41 - Delight
Chapter 42 - Getaway
Chapter 43 - Am I Wrong
Chapter 44 - Am I Wrong Pt. 2
Chapter 45 - Whalien Pt.2
Chapter 46 - Hide and Seek
Chapter 47 - Stranger
Chapter 48 - Nothing Left To Say
Chapter 49 - Circle Room Talk
Chapter 50 - Countdown to D-day
Chapter 51 - Nothing Like Us
Chapter 52 - Last Dance
Chapter 53 - The Curse
Chapter 54 - Assumptions
Chapter 55 - Save me
Chapter 56 - Rewind
Chapter 57
Chapter 58 - Reflection
Chapter 59 - Lost N Found
Chapter 60 - The Truth Untold

Chapter 28 - I Like You

32 4 0
By Shiejhayyy



Let Me Know Chapter 28



I Like You



"Tumingin, sa aking mata. Magtapat ng nadarama. Di gustong ika'y mawala..." Bungad sa akin ni Ate. Nakaspeaker pa itong nagpapatugtug sa loob ng bahay.


Pagkauwing-pagkauwi ko, naglilinis siya ng bahay sabay soundtrip. Kakaiba din ang trip niya. Minsanan ko lang siya marinig na OPM ang pinapatugtug.


"Oh, musta? Musta ang date niyo ni Ken?" Tanong niya sa akin habang pinupunasan ang center table. Anong trip niya at siya ang naglinis eh meron naman si Manang at si Yaya. Baka naman nag off muna sila sa trabaho.


"Hindi po 'yun date Ate. Nilibre niya lang ako." Sabi ko sabay tanggal ng sapatos at nilagay ito sa rack.


"Sus, okay lang namang sabihin niyo sa aking date 'yun. Wala namang masama doon eh. Legal naman kayo." Tapos tumawa pa siya. Halakhak pala. Nababaliw na naman siya.


Umakyat na lang ako para hindi ako maalaska. Hindi ko alam kung anong sumapi sa kanya at naisipan niyang maglinis ng bahay.


Nagshower muna ako bago ako mahilata sa kama. Pagkahilata ko, nakipagtitigan muna ako sa kisame. Ewan ko ba at biglang nagflash sa utak ko ang ngumingiting Ken. Napailing na lang ako. Biglang nagflash back ang mga nangyari kanina. Ramdam ko na naman ang pagpula ng pisngi ko. Napaupo ako bigla. Ano bang nasa isip ko? Siya? Bakit siya nasa isip ko?


Bigla namang tumunog ang phone ko. A notification from messenger.


Blue: Hi.


Napaupo ako. Ewan ko ba pero naeexcite ako kapag nagchachat na siya sa akin.


Andrey: BLUEEEEE. I MISS YOUUUU.


Maingay talaga ako kapag si Blue na ang kausap ko. At higit sa lahat sa kanya lang ata ako hindi naawkward. Kahit siguro matagal na kaming hindi nagkita, I still feel comfortable around him. Para ko na din kasi siyang Kuya since wala naman akong Kuya.


Blue: Really?


Andrey: Yup. Ang tagal mo kayang hindi nagparamdam.


Blue: Well, you know, school.


Di pa man ako nakakareply nang magchat ulit siya.


Blue: Got to go, next class ko na. Bye Andrey.


Then nag offline na siya. Akala ko pa naman makakachat ko na ulit siya. Napahilata nalang ako sa kama at naisipan kong magfacebook. Ano na naman kayang ganap sa timeline ko? Inoff ko na kasi ang notification ng Facebook ko. Pano ba naman, kada pagdating ko sa bahay, walang humpay na notifs ang natatanggap ko once na makaconnect na ako sa wifi.


Bumungad sa akin ang article na.... How Will You Know If You Like Someone? Napailing ako. Ano ba 'to? Pati ba naman sa facebook ko.


"Andrey! Kakain na!" Sigaw ni Ate sa akin. Bumangon naman ako at bumaba.


Wala na naman sila Mama ngayon dahil may business dinner sila. Minsanan na lang namin sila makasabay kumain pagdinner pero bumabawi naman sila sa maabot ng makakaya nila.


Dahil wala sila Manang, si Ate ang nagluto. Excited pa siyang nilapag ang ulam sa table.


Tinitigan ko ng mabuti ang tinola na niluto niya. "Edible ba 'to Ate?" Tanong ko sa kanya.


Naupo siya kasabay ng pagkurot niya sa balikat ko. "A-aray." Sabi ko naman.


"Anong akala mo sa akin, lalasunin kita?" Pagtataray niya. Kumuha na lang ako ng kanin at ulam na niluto niya. "Nag effort akong magsearch niyan sa internet so better be thankful." Dagdag pa niya.


Okay naman siya. Medyo maalat nga lang pero all in all, okay naman.


"Pwede ka na mag-asawa." Sabi ko nang mukhang hinihintay niya ang comment ko dahil nakatingin lang siya sa akin at hindi pa kumakain.


Napapalakpak naman siya. "I knew it! Hahahaha. Hindi ka talaga nagsisinungaling." Bigla namang tumunog ang phone niya kaya natigilan siya.


"Ah, hello baby? Oo, kakain pa lang. Uhm..guess what, ako nagluto. Hahaha. Naman. Ako pa. Soon to be your wife eh. Hmm. Sige. See you tomorrow. Yup. Uhuh. Good Night. I Love You."


Naubo ako sa last sentence na sinabi ni Ate kaya napatingin siya sa akin.


"May problema?" Tanong niya sa akin as soon na binaba niya ang tawag. "Nagcocornyhan ka lang eh. Palibhasa wala kayo 'nun ni Ken."


Ewan ko ba pero napatitig na lang ako kay Ate. Sasabihin ko ba sa kanya? Hindi. Hindi pa naman ako sigurado eh. Tatanungin ko na lang sa kanya. Pero baka kung ano namang isipin niya. Pagmalisyahan niya. Napabuntong hininga ako. Eh hindi ko na nga alam itong nararamdaman ko eh.


"Bakit? May gusto kang itanong?" Sabi ni Ate habang kumakain.


"Ah..."


"Spill." Tumitig pa siya sa akin.


"K-kasi, p-pano ko ba 'to sasabihin." Napatingin ako sa paligid. "Ate, p-pano mo ba nasabing gusto mo si Kuya?" Referring to her boyfriend.


"Hindi gusto, mahal. Well, to answer that, I don't know why I love him. Ganun naman di ba, no reason kapag mahal mo ang isang tao. Mahal mo siya dahil mahal mo siya. 'Yun lang 'yun. Pero pagsinabing gusto, may dahilan pa rin 'yun." Muka pa siyang nagdaday dream habang sinasabi ito. "Bakit mo natanong?"


"Ah, wala wala." Napiling ako.


Sumeryoso ang mukha niya. Ito na nga bang sinasabi ko. "You want further explanation?"


"Ah...pano mo malalaman na gusto mo na ang isang tao?" Nahihiya ko pang tanong sa kanya. Usually, ang mga tinatanong ko kay Ate ay about school things, pero ito, iba.


"Bakit? Assignment niyo? Search it in the internet. Marami namang lalabas."


"Eh, nagsusurvey lang ako for now." Liar Andrey!


Napaisip siya. "Hmmm. Paggusto mo ang isang tao? Minsan, biglaan na lang 'yan eh. Nang hindi mo namamalayan, may gusto ka na pala sa kanya. Iniisip mo siya lagi. Kapag andiyan siya, it's either natutuwa ka or kinakabahan. Bumibilis din heartbeat mo. Lalo na pagnagkaskin contact kayo, may spark kang mararamdaman o kaya naman maawkward ka. Kapag andiyan siya, todo effort ka magpaganda or iniisip mo kung okay lang ba ang appearance mo, mga ganun."


Hindi naman ako nag-aalala sa hitsura ko kapag andiyan siya. Wala naman akong pakealam kung mukha ba akong maayos o hindi.


"Masaya ka. Gusto mo lang siyang tignan palagi. Ayaw mo siyang mawala sa paningin mo. Mga ganung type."


Napayuko ako. Iba naman itong nararamdaman ko eh. Awkward, oo. Iniisip, oo din. Pero sa mga sinabi ni Ate, the rest, hindi na. Di ko pa rin talaga alam kung pano ko ngang masasabi na may gusto ako sa kanya? Hindi pwede 'to. Baka iba naman itong nararamdaman ko.


Nagulat na lang ako nang pagtingin ko kay Ate, nakapangalumbaba siya at nakatitig sa akin.


"Kahit kailan, hindi mo ako maloloko Sis. Wag ako. Okay? It's obvious na hindi 'yan school matter." Seryoso ang mukha niya. Napalunok na lang ako sa takot. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Tell me, you like him?" Nagtaas baba pa ang kilay niya.


Natameme ako. Hindi ko alam kung bakit. "H-hindi!" Napasigaw na lang ako. Nagulat pa ako sa sigaw ko.


"Defensive? Nagtatanong lang, Sis. Kalma." Napabuntong hininga siya. "Sabagay, gwapo si Ken. Mabait pa. Magaling sumayaw, balita ko, magaling din siyang kumanta. Isa pa, kita mo 'yung nose bridge niya?" Tinuro niya ang ilong niya. "Grabe, naiinsecure ako sa tangos at laki ng ilong niya. Kapag nakikita ko siya, ilong niya agad ang napapansin ko." Umiling-iling pa siya. Bilib na bilib kay Ken. Tumingin ulit siya sa akin at ngumiti. "Nagkakatotoo na ba?"


Hindi ako sumagot sa tanong ni Ate. Hindi naman siguro di ba? Baka naawkward lang talaga ako sa kanya. Hindi pwede eh. Ayoko.


"O ayaw mo lang aminin sa sarili mo na nahuhulog ka na nga?" Sumeryoso ang mukha niya. "Sis." She paused. "Alam kong loko loko ako minsan, or sabihin na nating palagi, hindi naman masamang magsabi sa akin ng nararamdaman mo. Alam kong late bloomer ka at ngayon mo lang nararamdaman ang mga ganyan. Ayos lang naman sa akin na magshare ka sa akin ng mga nararamdaman mo. Lalo't mukhang confuse ka sa nararamdaman mo ngayon. Kapatid mo ako, Ate mo ako. Kung may problem aka, sabihin mo lang sa akin." Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa table. "Don't worry, your secret is safe with me."


Sasabihin ko ba sa kanya? Kaso naman, nahihiya ako. Napapikit na lang ako at huminga ng malalim. Bumebwelo lang.


"Ate, kasi...hindi ko alam." Napayuko ako. "Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Kapag may ginagawa siya, I don't know if he's just being gentleman pero bumibilis ang tibok ng puso ko kapag ginagawa niya ang mga bagay na 'yun. Tapos minsan, napapatingin din ako sa kanya. I don't know. Pagnagkakadikit kami, bigla bang parang may kuryente kaya napapalayo ako sa kanya. Iniisip ko na baka kasi awkward lang dahil I'm not used to being with boys. Pero sa kanya lang. Kay Ace, kay Clay, Dice, hindi naman ganito. Sa kanya lang talaga. Iniisip ko, sa mga fictional characters ko, kinikilig ako sa kanila, baka ganun 'yung inlove. Kaya natanong ko sa'yo ang tungkol doon, dahil baka mali lang itong nararamdaman ko. Baka nasa isip ko lang 'yun."


"Kalma sis. Namumula ka na." Sabi niya kaya napahawak ako sa pisngi ko. Ang init nga ng pisngi ko. I looked at her. Mata sa mata. "You like him."


After namin kumain, hindi na ako hinayaan ni Ate na magligpit ng pinagkainan. Dapat ako nga ang maghuhugas at mag-aayos dahil siya ang nagluto pero she insist. Kailangan ko daw mag-isip isip at magliwaliw tungkol sa nararamdaman ko. Kung ano ano na lang nalalaman ng Ate ko.


Umakyat na lang ako at nagreview ng mga notes ko. May bigla namang nang istorbo sa kalagitnaan ng pagrereview ko.



Speaking of... Hay. Bakit ngayon pa?


From: Ken


Hi Andrey!


Ano, rereplayan ko ba? Wag na kaya. May load ba ako? Wala siguro. Ba't ba di ako mapakali? Ganito ba pakiramdam nung mga fictional characters na babae kapag nagtext sa kanila ang gusto nila or crush nila? Hindi alam kung anong irereply? Kung magrereply ba?


From: Ken


Wala ka bang load? Tatawag na lang ako.


Mas lalong di ako mapakali. Bakit naman siya magtetext? Bakit siya tatawag? Anong kailangan niya? Bakit? Bakit ako nagkakaganito?


Try ko na nga lang reply'an. Baka may load ako.


Typing...


"Bakit?" Then send. Napapikit pa ako nung pinindot ko ang send button. Nasend ko na. Mukha ba akong ewan? Maski ako naweweirduhan sa sarili ko ngayon.


Nagulat pa ako sa tunog ng phone ko nung nagreply na siya. Agad kong binuksan ito.


From: Ken

Gusto mo ba ng cupcake? Nagbake kasi si Mama kanina eh. Pinilit niya akong tulungan siya eh. Medyo natuto na din ako. So, nagbake din ako on my own. Bibigyan sana kita kung gusto mo.


Biglang nag-init ang mukha ko. Kinabahan na naman ako. I bit my lower lip.


"Ah. Yes. Okay lang." I replied. Ang tipid ba masyado ng reply ko? Wala kasi akong ibang masabi. Maboboring ba siyang katext ako.


"Really? Okay. Bukas. J" He said. May smiley pa! Teka, bakit napakabig deal nun sa akin? Umayos ka Andrey. Bumalik ka sa dati mong senses.


Ano nang irereply ko? Wala na akong masabi. Ang hina ko talaga pagdating sa mga conversation. Mas gusto ko pa atang kausapin ang sarili ko. Hay nako.


"Mukhang busy ka ata. Good Night. See you tomorrow." Nagreply ulit siya. Sa tagal ko ba namang hindi nagreply. Pasensya ka na, wala lang talaga akong masabi eh.


"Good Night din." Reply ko agad. Tinapon ko ang phone ko sa kama ko. Magrereview na nga lang ako. Tama yan Andrey. Tutol ka dapat sa pag-aaral mo.


At dahil sa mga simpleng text niyang 'yun, ewan ko ba at di ako nakatulog. OA ko na ba masyado? First conversation namin 'yun sa text, 'yung hindi dahil sa plan, hindi dahil sa may dapat gawin na ganito ganyan, kundi dahil sa cupcake.


Nakatingin lang ako sa kisame. Grabe pala ako kung magkagusto. Ngayon ko lang nadidiscover ang sarili. Ganito ba ang sinasabi nilang when puberty hits you. Late bloomer nga ba ako? Para akong baliw.



Bumangon na ako at kinuha ang towel ko. Maaga pa para sa reguar na gising ko. Wala kong magawa eh. Dumiretso na ako ng banyo. Pagtingin ko sa salamin...


Ano 'tong maliit na something sa gitna ng ilong ko? Hindi pa ko nagkakaroon ng ganito. Wag mong sabihing pimples 'to?




Nilapit ko ang mukha ko sa salamin. Pimple nga. Nanlaki ang mata ko. Bakit sa gitna pa? 

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
242K 7.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
1.7K 229 21
It's a game, and somehow, they're both losing.
109K 2.8K 77
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...