Rain & Snow

By DianeJeremiah

1.1M 30.9K 5.4K

Cheated by her boyfriend, ruined by a scandal, and a rotten tomatoe movie. Pretty sure, Rain Scarlet Medina's... More

Author's Note
Chapter 1 Rain-ing Issues
Chapter 2 Snow meets Fame
Chapter 3 Drifting Away
Chapter 4 Heaven's Sent
Chapter 5 Encounter
Chapter 6 Test the Water
Chapter 7 Friend-zone
Chapter 8 Stay In
Chapter 9 Unjust?
Chapter 10 Toe to Toe
Chapter 11 Bigger Stage
Chapter 13 Ghost of You
Chapter 14 With A Smile
Chapter 15 Getting Along
Chapter 16 A Dinner Date with the Goddess
Chapter 17 Her World
Chapter 18 Rain-ing Beauties
Chapter 19 All About Her
Chapter 20 House Rules
Chapter 21 Aftermath
Chapter 23 Hide Away
Chapter 24 Yearning
Chapter 26 Better With You
Chapter 27 Heart Afire
Chapter 28 Safe Keeping
Chapter 29 State of Undress
Chapter 30 Lost in You
Chapter 31 The Magic Ball
Chapter 32 Love Bug
Chapter 33 Hate that Idea
Chapter 34 Real or Not?
Chapter 35 Birthday Blast

Chapter 12 Can't Keep

21.8K 838 138
By DianeJeremiah

"Can't keep myself from thinking of you..."


Rain POV


"Ihahatid pa ba kita sa taas ate?" Tanong sa akin ni Marie ng makababa ako ng van.

"Hindi na." Sagot ko.

Pagod na pagod ako. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng last shooting kanina bumiyahe na ulit kami pabalik ng Manila. May pictorials pa ako sa isang sikat na magazine bukas ng hapon. Ako kasi ang kinuha nilang cover girl sa next issue nila.

"May nakasunod kaya sa atin kanina." Pabulong na sabi niya.

"Hayaan mo sila." Tugon ko.

The last thing I want to do right now is to entertain the press. Isa pa, past eleven na ng gabi. Gusto ko ng magpahinga.

"Sige, ingat kayo. Daanan niyo na lang ulit ako dito bukas mga one." Two thirty pa yung photoshoot pero syempre kailangan ko pumunta ng mas maaga baka traffic.

"Okay 'te." Tugon ni Marie.

Kumaway pa siya sa akin bago sila umalis sa harapan ng condominium building ni Snow.

Bitbit ang pasalubong ko para kay Miranda, naglakad na ako papasok ng building. Alam kong may photographer na kumukuha na sa akin ngayon ng mga pictures habang papasok sa building. And no wonder kung isa sa mga araw na 'to, laman na naman kami ni Snow ng balita.

"Magandang gabi, Miss Rain." Bati sa akin nung guard na naka-duty. Naka-smile pa.

Ngumiti din ako sa kanya. "Magandang gabi din."

Saka tumuloy na papuntang elevator. Pumasok na ako sa loob nun at pagkapindot ko sa floor ng tinutuluyan ko ay napasandal ako sa pader ng elevator. Napasapo ako sa ulo ko. Antok na antok na talaga ako. Pakiramdam ko nga nakaidlip ako at nagulat pa nung tumunog yung elevator ng marating ko yung floor ko.

Lumabas na ako dun at naglakad na papunta sa pintuan ng condo. Si Miranda nagbigay at nag-asikaso para dito sa card key ko dahil para namang walang balak yung masungit na kaibigan niya para ikuhanan ako ng extra'ng card key.

Pumasok na ako sa loob at ni-lock yung pinto. Papunta na sana ako sa hagdan ng masulyapan kong may nakahiga sa couch sa may living room. Kunot-noong lumapit ako para tingnan kung sino yung nakahiga doon.

"Snow?" Mahinang sambit ko ng makilala ko kung sino yung nakahiga dun.

Himbing na himbing yung tulog niya. Bahagya ko pa ngang naririnig yung mahinang paghilik niya. At bahagya pang nakaawang yung bibig niya.

Naupo ako sa gilid niya pagkalapag ko ng dala ko sa may center table at pinagmasdan siyang maigi. Relax yung itsura niya ngayon. Hindi katulad ng palagi kong nakikita na masungit at kulang na lang mag-isang linya na lang yung mga kilay niya.

Bumaba yung mga mata ko sa labi niya. Naalala ko na naman yung nangyare sa amin sa loob ng shower room nung isang araw. Aba, ginulo niya ang isip ko dahil dun. Nakailang takes ba ako kahapon at kanina sa mga eksena ko? Pilit kasi siyang sumasagi sa isipan ko kahit di naman dapat.

Haist. Dalawang araw ko lang 'tong mokong na 'to na di nakita pero bakit parang na-miss ko yung pag-aaway namin? Yung mga pagsasagutan namin?

Napahikab ako. Mag-aalas dose na. Wala sa sariling humiga ako sa tabi ni Snow at pumikit na para matulog. Sa mga braso niya ako nag-unan at nakisiksik sa di naman ganun kalapad na couch.

Dinig na dinig ko yung pagtibok ng puso niya, at pati na din yung mabining paghinga niya. Napangiti ako ng maamoy ko yung pabango niya.

Nasa ganun akong ayos ng bigla siyang gumalaw dahilan para mahulog ako sa couch at tumama yung puwet ko sa sahig.

"Aray!" Nakangiwing daing ko habang nakaupo sa sahig hawak-hawak yung nasaktang pigi ko.

"Rain?" Tawag niya sa akin sa inaantok na boses at unti-unting nagmulat ng mga mata.

"Aray ko po." Mahinang daing ko.

Dun siya tuluyang nagising at napatingin sa ayos ko. Bahagya siyang bumangon.

"Nangyare sayo?" Tanong niya.

"Kailangan mo pa ba talagang tanungin sa akin kung anong nangyare?" Singhal ko sa kanya.

Napakunot noo siya at naguguluhang tumingin sa akin. "Eh malay ko ba kung anong ginagawa mo diyan sa sahig at kung anong nangyare sayo ba't ka umaaray."

"Inihulog mo lang naman ako!" Mataray na sagot ko.

"Inihulog?!" Tuluyan na siyang bumangon at naupo sa couch. "Paanong inihulog eh nakatulog ako dito sa couch?"

Inirapan ko siya. Di man lang siya magmagandang loob para tulungan akong makatayo. Halimaw na 'to, hmp!

Eh teka, ano nga ba idadahilan ko? Napangiwi ako lalo sa isiping iyon.

"Masakit ba?" Tanong niya.

Kinuha ko yung throw pillo na ginawa niyang unan kanina at hinampas ko siya gamit nun.

"Nagtanong ka pa talaga kung masakit!" Inis na sabi ko. Kahit man lang sana pabalat bunga na tulungan ako makatayo. "Nakakainis ka!" Singhal ko pa.

"Ano bang kasalanan ko sayo?" Naguguluhang tanong niya.

"Inihulog mo nga ako!" Ganti ko.

"Paano kita inihulog?" Puzzled na tanong niya. "At tsaka ano bang ginagawa mo dito sa couch?"

"G-gigisingin lang sana kita eh." Sinubukan kong makatayo.

"Let me help you." Sabi niya at hinawakan ako sa braso.

"Hmp!" Iwinaksi ko yung kamay niya. "Kung gusto mo talaga akong tulungan makatayo, eh di sana kanina mo pa ginawa!" Ang sama ng tinging ipinukol ko sa kanya.

Napakamot siya sa kilay. "Kadarating mo pa lang ang sungit sungit mo na." Reklamo niya.

"Ewan ko sayo!" Kahit masakit yung pigi ko pinilit kong makatayo at naglakad.

"Sa akin ba 'to?" Tanong niya sa mga dala ko kanina na nasa center table. Inisusyo niya yung laman nun.

"Hindi 'no!" Masungit na inagaw ko yun sa kanya at naglakad na papuntang hagdan.

"Ang sungit." Iiling iling na bigkas niya habang nagkakamot ng ulo.

"Hmp." Inirapan ko lang siya at umakyat na ako ng hagdan at pumasok sa kuwarto.

Inilapag ko muna dun sa may couch sa gilid yung dala ko at pumasok sa banyo para maghilamos. Wala naman akong make up ngayon kaya madali lang ako nakapaghugas ng katawan at nakapagpalit ng undies. Naka-brassiere at panties lang na sumampa ako sa kama.

Saktong pasampa na ako sa kama ng pumasok si Snow. Parang saglit pa siyang natigilan ng makita ako.

"Ba't nandito ka na naman?" Tanong niya.

"Matutulog na ako syempre." Ganti ko.

"Di ba sabi ko sa kabilang kuwarto ka na matulog." Lumapit siya sa may study table niya at inilagay dun yung bag niya.

"Bukas mo na lang ako awayin." Humiga na ako sa kama at nagkumot hanggang tiyan. "Antok na antok na ako at pagod na pagod." Saka pumikit na.

Narinig ko siyang napapalatak. "Rain." Tawag niya sa akin pero di ako nagmulat ng mata at di rin ako sumagot. "Naman 'to o!" Mahinang reklamo niya.

Hinayaan ko lang siyang maghimutok. Narinig ko pa yung pagbukas sara nung pintuan sa banyo. Tumunog naman yung cellphone ko. Hindi ko na sana yun sasagutin kaya lang baka si Jona yung tumatawag.

"Hello?" Nakapikit at antok na tanong ko at napatihaya ng higa sa kama.

"Nasa bahay ka na ba?" Tanong sa akin ni Jona.

"Yes." Saka napahikab. "Jona antok na antok na ako."

"Sige matulog ka na. Kailangan mo yan may pictorials ka pa bukas." Saad niya. "And please, Rain. Hit the gym tomorrow before the pictorials."

"Okay." Antok na sagot ko.

Ibinaba na niya yung tawag. Nakapikit na ipinatong ko yung cellphone sa may bedside table. Bahagya ko na lang na namalayan yung paglundo ng kama.

"Next time wear something less revealing." Bahagya ko na ring narinig na sinabi ni Snow at yung pagtaas niya ng kumot ko hanggang sa itaas ng dibdib.

Hindi ko alam kung hinalikan ba niya ako sa noo or what kasi may mainit at malambot na bagay na dumampi dun bago ako tuluyang iginupo ng antok.

--------------------------------

"Don't!"

Sigaw ko at kasabay nun ay ang pagbagsak ko na naman sa sahig. Agad akong napamulat ng mata ng padapa akong bumagsak sa carpeted floor.

"Aray ko." Daing ko habang mabagal akong tumayo.

Tanghali na pala. Antok pang napatingin ako sa digital clock sa may bedside table. Eight thirty na ng umaga. Naupo ako sa gilid ng kama sandali para gisingin yung natutulog ko pang utak.

Tsk. Pati ba naman sa panaginip si Snow pa rin?

Napapailing sa sariling tumayo na ulit ako at naglakad patungong banyo to do my morning rituals. Kumuha ako ng pamalit at pupunta ako ng gym.

Pagbaba ko ng hagdan, wala akong nakitang Snow o Miranda. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Siguro maaga silang umalis na dalawa.

Past nine na ng makarating ako sa gym na dati ko ng pinupuntahan, especially nung pasikat pa lang ako. May sarili na kasi akong mini gym sa bahay para di na ako lalabas pa.

Pagpasok ko sa gym, agad akong napansin ng dati kong gym instructor na si Marcus. Inasikaso naman niya ako agad.

"Nadalaw ka?" Tanong niya sa akin nung nagwa-warm up ako.

Yung ibang nandun kanya kanya nang kuha ng kanilang mga cellphone at kinuhanan ako ng pictures at video habang nagwo-workout. Na hindi ko na lang pinagkaabalahang pansinin.

"Dating gawi." Makahulugang sabi ko sa kanya.

Natawa lang siya ng bahagya sa akin at ipinagpatuloy na ang pag-alalay sa iba. Ako naman alam ko na ang mga basics at yung dating routine ng workout ko.

Mag-eeleven na ng umaga ng makabalik ako ng condo. Naabutan ko sila Snow at Miranda sa may living room at busy'ng busy sa kanya kanyang binabasa.

Nagtanggal ako ng jacket dahil pinagpapawisan pa ako. Nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig. Lumabas din ako pagkatapos.

"Ang laki..." Nakatulalang sabi ni Miranda.

Nang nagbaling ako ng tingin sa kanya, sa may dibdib ko siya nakatingin. Parang bigla naman itong natauhan ng namaywang ako sa harapan nilang dalawa.

"Ah... ano." Napakamot pa ito sa ulo. "Ang laki ng future ko kapag naipasa ko yung exam ko." Saka napangisi sa akin.

Pilit na ngisi naman ang ibinigay ko sa kanya. Tumayo siya sa kinasasalampakan sa sahig at kinuha yung mga notes niya.

"Sa taas muna ako." Sabi niya at nagsimula ng maglakad patungong hagdan. "Rain." Tawag niya sa akin at napalingon naman ako sa kanya. "Ang sexy mo." Sabay thumbs up pa sa akin.

Bumabawi ang loko.

Tumango lang ako sa kanya. Tumuloy na siya sa taas at ako naman ay pabagsak na naupo sa single sofa. Magpapahinga lang ako sandali bago mag-shower.

Abala ako sa pagpupunas ng pawis sa noo ng mapadako yung tingin ko kay Snow na nakaupo sa mahabang couch. Ngingiti-ngiti siyang nakayuko. Napakunot noo naman ako.

"Nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong ko. "Para kang sira."

Nag-angat siya ng tingin ngunit pigil na yung ngiti. "Wala." Sabay iling na tanggi niya.

Pero ng muling yumuko, mas lalo pang lumawak yung ngiti niya. Mas lalo tuloy akong naghinala sa mga ngiti niyang iyon.

"Hoy, Snow." Malapit ng magsalubong yung kilay ko. "Ano bang iniisip mo diyan at ngiting ngiti ka?"

Muli siyang nag-angat ng tingin mula sa hawak na papel at ang lawak na ng ngiti.

"Ang laki naman talaga eh." Saka pasimpleng tumingin sa dibdib ko.

Ako naman awtomatikong napatingin sa dibdib ko. Nakasuot lang kasi ako ng sports bra eh.

Kinuha ko yung throw pillow sa likod ko at binato siya. Sapul siya sa mukha.

"Bastos! Buti nga sayo." Nakasimangot na sabi ko sabay tayo mula sa kinauupuan.

Nagdadabog na naglakad na ako papuntang hagdanan. Nakakainis siya kagabi pa.

"Makapag-shower na nga lang." Bubulong bulong na sabi ko.

"Rain!" Tawag niya sa akin dahilan para matigilan ako sa may puno ng hagdan. "Gusto mo samahan kita?" Saka may nakakalokong ngiti sa labi.

"Manyak!" Inis na sabi ko at padabog na umakyat na ng hagdan.

Malakas na tawa lang niya ang isinagot niya sa akin. Pumasok na ako ng kuwarto at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng shower room.

May araw ka ding Snow ka! Hmp! Lagot ka sa akin pag nagkataon!

Himutok ko habang naliligo. Makikita niya!




-Rain & Snow on media. Parang may hawig sila 'no? 😍😍😍

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 407 36
One story can tell a million tale, and it's up to us if we let some parts to be known or remain a mystery to the world. Second book of She's a Pheno...
2.2M 67.9K 52
Book two of Kissing Reese Santillan. Reese ❤ Maddy
788K 31.1K 33
[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at...
717K 28.7K 48
[FILIPINO] Published date: February 07, 2020 Mars and Nike are best friends since diapers, they are inseparable and treated each other like sister's...