My Innocent Girl (COMPLETED)

By paujhoe

1.9M 40.9K 1.7K

Side story of My Playboy Boss Marco and Kyla Cover by: PANANABELS More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
thirty-nine
Forty
Epilogue

Seventeen

35.2K 902 47
By paujhoe

Seventeen

Marco...

Gusto niyang kutusan ang sarili niya kanina pa.

"Hey babe, another round?"mapang-akit na tanong sa kanya ng babaeng kanina lang ay kaniig niya.

Para siyang robot na tumayo mula sa kama niya at dinampot ang mga damit niyang nakakalat sa sahig.

Pinapagalitan niya ang sarili niya sa nagawa niya.

Hindi lang naman siya nakapagpigil at sa mismong birthday party pa ng ina niya naisipan makipag one night stand. Ang malala pa kasama niya si Kyla ngayon, at nasa baba lang ito.

"Nah, I had enough. thanks"iyon lang ang sinabi niya sa dalagang nakahiga pa hanggang ngayon sa kama.

Ewan ba naman niya kung bakit hindi siya nakapagpigil, nakita niya lang ito kanina pagpasok nila ni Kyla sa loob ng bakuran niya. hindi niya sana ito papansin kaso lang nagpakita din ng motibo ang dalaga kaya ng makita niyang hinila ng ina niya si Kyla nakita niya ang pagkakataon na iyon para malapitan ang dalaga.

Anak ito ng isa sa mga business associate ng daddy niya.

Gaya niya no string attach ang usapan just sex.

"Kuya"napaigtad pa siya sa gulat ng tawagin siya ni Mateo.

Kakalabas lang niya ng kwarto niya dito sa bahay ng magulang niya.

Nilingon niya ang kapatid niya at nakita niyang pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Alam niyang may hinala na ito dahil sa itsura niya kaya naman kahit di na siya magpaliwanag alam niyang nakuha na nito ang sitwasyon niya.

"Tsk follow me"utos sa kanya ng kapatid.

Tangina ako ang panganay dito ahh, kung makapag-utos naman ito kala mo siya ang panganay. Reklamo niya sa isipan niya.

Kahit nagpoprotesta ang utak niya sumunod pa din naman siya sa kapatid niya.

"Ang akala ko ba you stop being a playboy?"agad na tanong sa kanya ng kapatid niya ng makapasok sila sa isa sa mga guest room nila sa baba malapit sa kusina.

Naupo muna siya sa isa sa mga couch doon, nanlalata pa ang katawan niya matapos ang maiinit na tagpo nila ng babaeng kaniig niya kanina.

Matagal din siyang napahinga, mula noong nagpasya siyang ligawan si Kyla ngayon nalang siya ulit nakipag one night stand.

"Who told you that? Hindi pa ako commited kay Kyla. So I can do what ever I want"prente niyang sagot sa kapatid.

Parang gusto niyang masuka sa sinabi niyang sagot, he oath to be faithful to Kyla kahit pa hindi niya iyon sinabi ng literal.

"Mom thought you change"para namang hindi makapaniwala ang kapatid niya sa sagot niya.

"I change, hindi na lantaran ang pangbabae ko."nasagot nalang niya.

He was caught off guard, nahihiya man siyang aminin pero alam niya sa sarili niya may mali sa nagawa niya.

"Nasisiraan ka na, anong plano mo sa babaeng pinakilala mo kila mommy?"inis na tanong sa kanya ni Mateo.

Napaisip siya ano nga ba ang plano niya, kanina habang kaniig niya ang babae hindi niya itatanggi si Kyla ang nasa isip niyang kasiping niya. kaya nga kahit parang gusto pa ng katawan niya feeling niya sobrang guity siya sa mga pinaggagawa niya.

Pero hindi niya ito maamin, lalo pa ang kumukompronta sa kaniya ay ang kapatid niyang nakababata sa kanya.

"I don't know either"seryosong sagot niya.

Safe answer o lame answer. Hindi niya alam kung may lusot pa ba siya sa nagawa niya.

"You don't know, pero nililigawan mo?"manghang tanong na naman ni Mateo sa kanya.

Naririndi na siya sa kapatid niya, para itong Mommy nila, sabagay sabi nga nakararami ito ang nagmana sa mommy nila na pinaglihi yata sa sermon.

"Pwede ba Mateo, wag mo akong pangaralan dito. I'm older than you baka nakakalimutan mo na"inis niyang sagot dito.

"Oo, mas matanda ka nga sakin pero wala ka naman pinagkatandaan"

Doon siya napuno sa kapatid niya, pero dahil kapatid niya ito hindi niya magawang bangasan ang pagmumukha nito. mas matimbang pa din ang dugong nananalaytay sa kanilang dalawa kaysa sa galit na nararamdaman niya ngayon.

"I will pretend na hindi ko narinig ang sinabi mo na iyan"tiim bangang na sagot niya dito.

"Nah, you don't have to. Itigil mo na kung ano man ang balak mo sa nililigawan mo its not worth it Kuya. Tanggap ka naman nila mommy kahit pa playboy ka you don't have to put that innocent girl heart into mess"pang-aasar pa nito sa kanya.

"Gagawin ko kung anong gusto ko"matigas na pahayag niya.

"Tsk...ano bang nakita mo sa babaeng iyon?"

Bakit ba ang daming tanong ng kapatid niyang ito ngayon. Ang nakakainis pa kanina pa ito mention ng mention ng salitang babae, Kyla has a name.

"She has a name, Kyla. Wala akong makitang dahilan, maybe because she's innocent and pure"

Sinabi ba niyang innocent and pure. Damn it naloloko na siya.

"And virgin"pahabol ban g kapatid.

Natigilan siya, kinapa niya ang puso niya kung ano ang naramdaman niya ng sabihin ito ng kapatid.

Oo 101% sure siyang virgin pa si Kyla, at wala pa siyang naikakama na virgin. Pero hindi naman big deal sa kanya ang virginity ng isang babae, kung talagang gusto niya ito kahit hindi na ito virgin pakakasalan at pakakasalan niya ito.

Pero iba ang kaso ni Kyla, sabi nga niya she innocent and pure.

Malaking karangalan sa kanya kung siya ang babasag ng kainosentehan ng dalaga pagdating sa ganoong bagay, lalo pa at pinagkakatiwala sa kanya ni Kyla ang buong pagkatao nito ngayon.

Konting push nalang alam niya pasasaan bat mapapasagot na din niya ito.

"Yeah, I never had a virgin. Challenge sakin na pasagot si Kyla and have her at once. Kaya siguro hindi ko din mabitiwan basta"aniya.

Nakatitig lang sa kanya si Mateo na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Pero iba si Kyla, hindi siya ang tipo na ikinakama lang. I might made a mistake tonight pero wala na akong balak na ulitin pa. kanina while doing it kala ko namiss ko ang pagiging playboy pero habang tumatagal mukha ni Kyla ang nakikita. At nagi-gulty ako ng sobra. Hindi ko gagawin ang iniisip mo kay Kyla. I'm serious to her, kaya nga nagti-tyaga ako na ligawan siya kahit na I can have any girl I want without any hardship."aniya.

"Inlove ka na kuya?"tanong nito sa kanya.

Isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

Mahal na ba talaga niya si Kyla?

"To be honest bro, hindi ko pa din alam. Pero I always say I love her almost everyday. Siguro nga mahal ko na siya. Hirap lang aminin"pag-amin niya sa kapatid.

Nilapitan siya nito at tinapik sa balikat.

"Yan tayo eh, playboy kasi kaya hirap malaman kung love ba o lust lang"kantiyaw pa nito sa kanya.

Sinamaan niya ng tingin ito at tinabig ang kamay nitong nasa balikat niya ngayon.

Tumayo na siya at nagsimula ng ayusin ang damit niyang magulo dahil sa kalokohan niya.

"Kuya, go walang makakaalam ng nangyari ngayong gabi tayo lang at ang babaeng kasama mo kanina. Ako na bahala sa babaeng iyon"sabi pa nito ng nasa pintuan na siya.

Nginitian lang niya ito at tinanguan.

Hindi niya alam kung paano niya ngayon pakikiharapan si Kyla.

Fvck you ka kasi Marco, hindi ka nag-iisip.

Nang nasa garden na siya agad niyang hinanap ang dalaga. Nakita niya itong kasama ang nakababata niyang kapatid at ang mga kaibigan nila na nagtatawanan.

Nakailang lunok, punas ng pawis, tikhim ang nagawa niya habang papalapit siya sa mga ito.

Act normal Marco, hindi dapat makaramdam si Kyla na may kasalanan ka sa kanya ngayon. Remember you have to own her trust first bago ka umamin sa mali mo.pangaral niya sa sirili niya.

Nang makaupo na siya sa tabi ng dalaga inakbayan niya ito.

Playing cool lang siya pero sa totoo lang pinagpapawisan na siya ng malapot ngayong katabi na niya si Kyla.

"Did I miss something?"tanong nalang niya sa mga kaibigan niya para madivert ang attensyon niya.

Kailangan niyang makalimutan muna pansamantala ang lahat ngayong gabi. Hindi pwedeng masira ang gabing ito kahit na nasira na talaga niya ito.

Napuno ng kantiyawan ang lamesang iniukupa nilang grupo, kinakantiyawan siya ng mga kaibigan niya kasi MIA daw siya. Missing in Action.

Hindi alam ng mga ito, gumawa lang naman siya ng kakaibang action kani-kanina lang.

"Gusto ko ng umuwi"bulong sa kanya ni Kyla.

Halos kakaupo pa lang niya nagyayaya na itong umuwi. Ganoon na ba siya katagal na wala, nainip ba ito kaya nagyayaya na itong umalis.

Damn dapat kasi hindi ko siya inawanan.

Hindi na yata siya matatapos sa kakasermon siya sa sarili niya ngayong gabi.

"Huh, that early. Mamaya na hindi mo pa yata nakikilala si Daddy"gusto pa niyang makasama si Kyla.

Pinagsisisihan na niya ng sobra ang pang-iiwan dito kanina, kung hindi siya nilapitan ng tukso sana hindi siya nakakaramdam ng ganito ngayon.

Guilty, panghihinayang, awa at kung anu-ano pa.

"Nakilala na siya ni Daddy, pinakilala ko na"nakairap na singit naman ni Madison sa usapan nila.

"Inaantok na kasi ako medyo late na din naman na"dagdag pa ni Kyla.

Putik, kasalanan mong lahat ito Marco.

Wala naman siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto nito, wala siyang karapatan na ipilit ang gusto niya.

Nagpaalam sila sa magulang niya, ayaw pa nga pauwiin ng mommy niya si Kyla.

Sa nakikita niyang closeness ng mommy, kapatid niya at ni Kyla mas nakaramdam siya ng guilty sa nagawa niya.

Lalo pa ng mahagip ng mata niya ang babaeng kasama niya sa kasalanan na nakatitig sa kanila at mapang-akit pa na nakangiti sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin at pinagtuuanan nalang ng pansin si Kyla.

Hanggang sa makalabas sila doon nakay Kyla lang ang lahat ng attensyon niya na dapat ay kanina pa niya ginawa edi sana hindi siya nakakaramdam ng guilty feeling ngayon.

Buong biyahe nila tahimik lang si Kyla, nakatanaw lang ito sa labas ng bintana na para bang ang lalim ng iniisip. Ayaw naman niyang magsimula ng pag-uusapan nila kasi naman baka hindi niya mapigilan ang sarili niya bigla siyang mapaamin ng wala sa oras.

Daig pa niya ang ngaliwang mister sa inaasal niya ngayon.

Hanggang sa makarating sila sa boarding house nila Kyla hindi talaga sila nag-usap na dalawa.

Hindi niya natiis kaya naman binalingan niya ito habang nagtatanggal ito ng seat belt.

"Kyla"mahinang tawag niya dito.

"Goodnight ingat sa biyahe"iyon lang ang sinabi nito at nagmamadali na itong bumaba sa sasakyan niya.

Feeling niya may mali.

Talagang may mali gago, ikaw pa nga gumawa. Sermon na naman niya sa sarili niya.

Hindi naman siya nagtagal doon, inisip niya lang na baka nga inaantok na ito kaya nagmamadaling pumasok sa loob ng boarding house nito.

Pero pakiramdam niya ito na din ang huli nilang pagkikita ni Kyla.

Tangina hindi naman siguro

................

Papikit na ang mata niya pero pilit pa din niya dinidilat ang mga ito.

He stay all night sa labas ng boarding house nila Kyla.

Isang linggo na niyang hindi naabutan si Kyla, sa boarding house man o sa eskwelahan nito.

Palaging maaga kung umalis sa boarding house at hindi naman niya matyempuhan ang labasan nito dahil finals daw ng eskwelahan kaya depende kung gaano kabilis sasagot ang mga estudyante sa test papers nito.

Hindi din niya makontak ang cellphone nito na binigay niya laging nakapatay iyon. Kaya wala siyang ideya kung ano na ang nangyayari sa dalaga.

Kaya naman nagpasya siyang hindi umuwi ngayon para mabantayan si Kyla at mahintay niya kung anong oras ito umaalis sa boarding house.

Hindi nga siya nagkamali, nakita niya si Kyla na palabas nan g boarding house ng mga sandaling iyon.

Nang silipit niya kung anong oras na alas sinco pa lang ng madaling araw. Hindi pa ngatumitirik ang araw sa labas pero si Kyla bihis na bihis na at papasok na sa eskwelahan.

Hindi naman nito kasama ni Carla.

Dali-dali siyang bumaba sa sasakyan niya at hinabol ang dalaga. Gulat itong napatingin sa kanya ng mahawakan niya ang braso nito.

"Marco?"gulat na tanong nito.

"The one and only"pinilit niyang pasayahin ang boses niya.

Ayaw niyang maisip ni Kyla na naiinis siya o galit siya o kaya naman puyat siya.

"Anong ginagaw mo dito?"tanong nito ng umiwas ito ng tingin sa kanya.

"Ihahatid ka"masaya pa din niyang sagot.

"No need kaya ko ang sarili ko"malamig nitong tugon.

"Are you avoiding me?"hindi na siya nakatiis pang tanong niya.

"Hindi, busy lang ako kasi finals namin"pagdadahilan nito pero alam niyang nagsisinungaling lang ito.

Ganito naman ito kapag nagsisinungaling hindi makatingin ng deretso sa mata niya.

"Your lying Kyla, iniiwasan mo ako alam ko, ramdam ko"may diin ang bawat salitang binibitiwan niya.

"Alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa"nanlaki ang mata niya sa naging sagot ni Kyla sa kanya.

Hindi pa niya narinig na naging sarcastic ang sagot nito ngayon lang.

"Ano sabi mo?"hindi siya makapaniwala na nagawang sumagot ng ganoon si Kyla.

"Tigilan mo na ito Marco, ayoko na"

Para naman siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig niya. hindi siya nakakilos o nakapagsalita man lang.

Kaya ng may dumaan na taxi hindi niya nagawang pigilan si Kyla ng parahin nito ang taxi at sumakay doon.

Malayo na ang sasakyan kinalululanan ni Kyla ng makabawi siya sa pagkabigla niya.

Dali-dali siyang tumakbo papunta sa sasakyan niya at hinabol ang dalaga.

Hindi pwedeng ganon nalang, ngayon pa kung kailan sigurado na siya sa nararamdaman niya.

Alam niya ang problema nila, aaminin na nga niya kay Kyla ang nagawa niya noong birthday ng mommy niya para mabawasan kahit kaunti ang guilty na nararamdaman niya.

Aaminin niya na lahat kay Kyla.

Tapos ganon nalang ayaw na ni Kyla at pinatitigil na siya.

"No, hindi pwede Kyla...hindi ako pwedeng sumoko ng ganon nalang..."pinaghahampas niya ang manibela ng sasakyan niya ng hindi niya naabutan ang taxi na sinakyan ni Kyla.

Alam naman niyang sa eskwelahan lang naman ang punta ng dalaga kaya naman kampante siya.

Pero laking panlulumo niya ng hindi niya nakita si Kyla sa eskwelahan.

Sabado pala ngayon, walang pasok.

Sinikatan na siya ng araw sa kakahanap sa dalaga ng maalala kung anong araw na ngayon.

Bakit ba hindi niya naisip na sabado ngayon.

Ngayon lang din niya naalala na may dalang bag si Kyla.

Ibig sabihin uuwi ito sa kanila ngayon kasi weekend na.

Kaya naman nagmamadali siyang nagtungo sa parking lot kung nasaan ang kanyang sasakyan. Susundan niya si Kyla sa bahay ng mga magulang nito.

Kung kinakailangan na umakyat siya ng pormal na ligaw sa mga magulang ni Kyla gagawin niya makita lang ni Kyla ang senseridad niya sa nararamdaman niya.

..........................

a/n : wooooo.....

bangang na pero hindi pa din ako makatulog...

sa mga nagpupuyat dyan at nagbabasa ng Wattpad stories...

saludo ako sa inyo...

tara magkape...

comment pa po...

vote din...

para kong kape iyan..

energy ko sa pagsusulat ang comment at vote niyo...

Continue Reading

You'll Also Like

590K 14.8K 38
Walton Series: Harrison Walton-Swift Started: December 23, 2018 Ended: April 13, 2019
329K 9.8K 26
Sabi sa kasabihan don't judge the book by it's cover. Si Mikaelo Dela Costa ay isang tao na nasa loob ang kulo. Siya ang tipo ng lalaki na hindi mak...
2.2M 30.6K 52
Dice and Madisson
468K 8.1K 39
Hindi kailanman nagkaroon ng official girlfriend ang pinakabunsong anak na lalake ng pamilya Montero. Pinakamatagal na ang hangang dalawang date at k...