14. Enchanted Kingdom
Natsumi's Point of View
Kasalukuyan akong nandito sa puntod ni Andy at ng mga magulang ko. Balak kong dito ubusin ang isang araw ko.
Kanina ko pa sila kinukwentuhan ng tungkol sa mga nangyari sa'kin, at kanina pa rin ako umiiyak. Miss na miss ko na sila.
"Mahirap umiyak mag-isa, baka gusto mo kaming isama." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Spair, kasama nila ang Archer.
Naupo sa tabi ko si Shikiro, habang si Spair naman sa kabilang side. Nagulat ako ng isinandal ni Shikiro ang ulo ko sa balikat n'ya.
"Everything will be alright." Sabi n'ya, nilingon ko sila Spair at sila Timothy. Napangiti ako ng makitang nakangiti silang lahat.
"EK tayoooo! Sige naaa sige naaa pleaseeee!" Sigaw ni Stephanie at Hanelli na ikinatawa namin ng bahagya. Tumango ako bilang pag-sang ayon. Pagdating ng bukas, haharapin na namin ang totoong laban.
"EK! EK! EK! We're cooooming!!" Sigaw ni Hanelli habang nakasakay sa kotse, sumabay na ko sa kanila dahil nagcommute lang ako papunta sa libingan ng pamilya ko.
"Sakay tayo EKstreme Tower ah!" Sigaw ni Steph, nakita ko namang namutla ang mga lalaki. Lalo na si Shikiro.
"Takot ka ba? It's written all over your face." Natawa naman sila Spair ng marinig ang sinabi ko. Napatingin ako sa iba pang kaibigan ni Shikiro.
"Wag na kayo magpanggap, kalalaki nyong tao takot kayo sa EKstreme Tower? Unbelievable, expert kayo sa pagpatay pero duwag sa EKstreme Tower." Lumakas ang tawa nila Hanelli dahil sa sinabi ko. Isang masamang tingin naman ang binigay sakin ng apat na lalaki, nginisian ko lang sila.
"At dahil takot kayo sa Ekstreme Tower..." nagliwag ang mukha ng apat, "2 times tayong sasakay dun." Humahagikhik na sabi ni Hanelli. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mga mukha nila.
Tinignan ko sila isa isa. Si Shikiro na nagdadrive katabi ko, sila Hanelli at Blake na naglalandian sa dulo, sila Spair at Timothy na nakikinig ng music gamit ang iisang earphone at si Stephanie na nakasandal sa balikat ni Kurt.
Kapag dumating ang pagkakataong kailangan kong ibuwis ang buhay ko para sa inyo, gagawin ko.
Hanelli's Point of View
Mabilis lang kaming nakarating sa Enchanted Kingdom kahit pa medyo malayo kami dito. Gusto kong sulitin ang araw na ito, dahil hindi namin alam ang mangyayari bukas.
"Mabait naman ako boys, kaya pang finale ang EKstreme Tower." Matamis na ngiti ang binigay ko sa kanila, habang sila Steph ay tatawa tawa lang.
Una kaming pumunta sa mga kabayo, oo kabayo baket? Alam kong masyado na kaming matanda para sa kabayong yon, pero gusto ko don kaya wala silang magagawa.
"Tabi tayo Queen!" Hinila ko siya malapit sa'kin, hindi na nakaangal pa si Shikiro dahil napaupo ko na si Queen sa tabi ko. Nakangiti naman si Queen habang iiling iling.
Nagsimula na ang pagikot ng mga kabayo, kasabay namin ang mga batang tuwang tuwa sa nangyayari. Tinitigan ko ang mga kaibigan kong unti unti na ding nasisiyahan sa mga nangyayari.
Hindi ko inakalang magkakaroroon ako ng kaibigang katulad nila, ung solid. May mga di pagkakaintindihan pero naayos naman. Sana matapos na lahat ito, para lahat kami ay maging maayos na ang kalagayan.
Nang matapos ang pagikot ay bumaba na kami, naglakad lakad pa kami hanggang sa makita ang stall na puro stuffed toys. Agad kaming nagtakbuhan papunta don, napatingin ako kay Queen. She's laughing, laughing like there is no tomorrow.
Ang mga lalaki ang naglaro para makakuha ng laruan, pag-alis naman namin sa stall na yun ay may kanya kanya na kaming hawak na stuffed toy.
Inabot kami na kami ng dilim dahil halos lahat ay nasakyan na namin, maliban sa isa. Ang EKstreme Tower. Nakatayo kami ngayon sa harap nito at nakapila.
"Guys are you ready?!" Sigaw ko ng makaharap ako sa kanila, tumango naman sila Queen habang sila Blake ay hindi na maipinta ang mga mukha. Natawa naman ako sa itsura nila.
Nauna na kong pumasok ng buksan na ni manong ung mini gate, nilingon ko naman sila. Ganun pa din ang itsura ng mga lalaki.
Hanggang sa makaupo na kami ay para na silang naubusan ng dugo sa katawan. Ngayon ay umaakyat na ang inuupuan namin, kita ko sa peripheral vision ko ang isa isang pagsasign of the cross ng boys habang sila Queen naman ay natatawa sa ginagawa nila.
Nakapikit lang ako ng biglang dumating ang exciting na part, narinig ko ang sigaw nila Kurt.
"AHHHHHH! AYOKO NAAAA!"
Tawa lang kami ng tawa habang naririnig sila. Papaakyat na naman ang inuupuan namin, kita kong parang lantang gulay na sila. Habang kaming girls ay chill lang.
Malalakas na sigaw na naman nila ang narinig ko na ikinahagalpak ko ng tawa. Nang makababa kami ay isa isa silang nagsitakbuhan sa cr para sumuka, habang kaming mga babae ay tawa ng tawa.
Shikiro's Point of View
"Uwiaaan naaaa!" Sigaw ni Blake. Finally, natapos na ang kalbaryo namin. Hindi na namin kailangan pang sumakay sa kung saan saan, pero aaminin ko ang saya nila kasama. Nawala lahat ng iniisip ko.
"Sakay na, hatid na namin kayo." Nakatingin kay Natsumi kong sabi. Nagsimula naman silang mang-asar. Tsk, 'to talang mga 'to.
Sumakay na sila at pinagbuksan ko naman ng pinto si Natsumi, nakangiti akong pumasok sa driver seat.
"Ang saya talagaaa! Sana maulit natin ito!" Pagkukwento ni Hanelli sa'min. Natawa naman si Steph sa inasal n'ya, para kasi syang 10 years old sa inaasal n'ya.
"Mauulit lang to kung wala nang EKstreme Tower." Nakabusangot na sabi ni Blake, tahimik lang si Kurt at ung dalawa ni Spair at Timothy.
"Ang saya kaya sa EKstreme Tower!" Sigaw naman ni Hanelli.
"Shut up Hany! Nakakarindi ka na." Natawa ako dahil maging si Natsumi pala ay naririndi na din sa kaibigan n'ya.
Nagfocus nalang ako sa pagdadrive dahil malayo layo pa ang babyahiin namin.
Isang oras na ang nakalipas at natahimik na sa loob ng sasakyan, tinignan ko sila isa isa at pare pareho silang nakikinig sa music samantalang si Spair at Timothy ay natutulog na ata.
Tumingin na ulit ako sa daan at kanina pa ko nagtataka sa nasa unahan naming sasakyan, kung saan ang liko namin ay dun din s'ya.
"Be ready, something is wrong here." Maging si Natsumi ay napansin din na may mali, naramdaman ko naman ang pagiging alerto ng mga kasama namin.
Sinubukan kong unahan ang sasakyang itim pero walang nangyari, magkasabay na kami ngayon.
"Yuko!" Sigaw ko ng makitang bumukas ang bintana at may hawak na baril ang lalaking nasa loob. Nagpreno ako para mahuli at mauna sila. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa tahimik na daan.
"Change route! Sa quarters tayo!" Sabi ni Natsumi, agad ko namang niliko ang sasakyan. Binilisan ko ang pagmamaneho at sa tingin ko naman ay hindi na nila kami nasundan pa.
"Ready yourselves, hindi na natin papatagalin ito. We'll attack tonight." Huling salitang sinabi ni Natsumi bago kami makarating sa quarters.
---
The end is near. Are we all ready?
Don't forget to Vote, Comment and Share!
I love y'all Mysties. ♡