Deadend

By kmabini

11K 386 156

"We are each other's dead end." Hindi pa isinisilang ay nakaplano na ang lahat sa buhay ni Kristina. Mula sa... More

Book 1
2003
2004
2006
Get lost
Have you ever been
Quitting
Trapped
She hates me
Freed
30-year plan
Doomed
Fit in
Spoiled rebel
Bound to be
Book 2
House rules
Not interesting
Kapit sa patalim
Pautang
Deal
Interesting
Birthday
No show
Failed proposal
Confusion
Confidant
'Wag mo akong iiwan
Wrong move
Way out
Old home
The lucky one
Outcast
Unexpected care
Hidden
The one that got away
Betrayed
Game plan
Intruder
Backfired
Jazz
Rivals
Foul
Tell me something
Peace offering
Sandalan
Changes
How are you?
Closer
I heard that
Unconsciously
Isa lang
Someone important
Payback time
Parang totoo
Talo na
Already inlove
Unleash the bitch
Pains, insults
Kuntento
Feel the moment
Mahal mo ba ako?
Tanong bago sagot
Confusion to confession
Block screening
Say it
Not a battle you could always win
Fallen
Walang laban
Masakit na masyado
Let's go home
Don't leave
Ang hirap bumitaw
Stay
Book 3
Abangan
Left behind
Owe it all to her
Reckless Kristina
Falling late
Aches, scars
Just this once
Lost meaning
Hidden damages
'Unrequited'
Back to zero
Rivals, again
Feels from the past
Ask me to stay
Pagbabalik
Author's Note
In for a date
Exclusivity
Indefinite
I need help
Going home
Guest of honor
Bliss and then...
Dead end
Special Chapter

Kirot at kurot

87 3 29
By kmabini


Mabigat na pakiramdam ang epekto noon kay Kristina. Ang mga kurot sa tiyan niya ay biglang naging kirot sa puso.

Tumahimik na lang siya at nakiramdam. Nakiramdam hanggang sa bumigat ang balikat niya. Nang lingunin niya ay tulog na pala roon si Tristan.

Umupo siya ng diretso at iniunan ang ulo nito sa hita niya. Hindi na niya pinigilan ang sariling hawiin ang buhok nito, titigan ang mukhang payapang natutulog, hawakan ang matangos nitong ilong, ang papausbong nitong balbas at ang panga niyang bahagyang namamaga. Gusto na niya itong halikan pero iyon ang pinigilan niya.

"Wala namang nagbago, mahal pa rin pala kita kaya lang, hindi ko alam, takot na yata ako, ayoko na yata. Okay na siguro ako sa ganito na lang, masaya na 'ko sa buhay ko, malayo sa lahat, walang nanghuhusga, walang nandidikta," hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Pinunasan niya iyon bago pa pumatak ang mga iyon sa mukha ni Tristan.

"Thankful lang ako kasi you showed me the way out. Pinaramdam mo na kaya ko pa lang talikuran ang lahat, pati ang pinakaimportante sa'kin. Kaya ko pa lang umalis, tumakbo, maglaho. Pwede pala akong sumuko at matakot."

"Sana puwede ko rin sabihin sa'yo na, dito ka lang, na huwag mo 'kong iiwan. Dito ka lang sa tabi ko hanggang sa kaya ko na uling ibalik ang sarili ko sa'yo. Hindi ko kaya kasi alam ko kung gaano kasakit magpakatanga at umasa, ayokong maranasan mo 'yun," paliwanag niya sa tulog na kasama.

Lumipas ang ilang minuto siya naman ang nakatulog. Ngunit kahit tulog ay hawak hawak niya si Tristan.

Si Tristan naman ang nagising pagkaraan. Natagpuan ang sarili sa kandungan ni Kristina. Naghatid iyon ng kakaibang kasiyahan sa kanya. Ang kamay nito ay nasa batok niya, ang isa ay nakapatong sa dibdib niya. Kinuha niya iyon, hinawakan, at dinala sa labi upang halikan. Nasa ganoong pwesto lamang sila sa loob pa ng isang oras.

Pagkalipas ay nagpasya na rin siyang dalhin sa kwarto si Kristina at doon patulugin. Tinabihan niya ito at niyakap na para bang kapag binitawan ay tatakbo ito palayo sa kanya.

Iyon na yata ang pinakamasaya at payapang gabi ni Tristan sa loob ng matagal na panahon.

--

Nagising si Kristina na nasa kwarto na, walang katabi. Pinagmasdan ang kapiligiran, tahimik, payapa, at napakaganda. Nahinto ang paningin niya sa kamay na may suot na singsing. Nang kilatisin ay napagtantong iyon ang wedding ring niya na iniwan niya bago siya umalis noon.

Isa lang ang naiisip niyang nagsuot niyon sa kanya - si Tristan.

Nang makabangon ay napansin naman niya ang maliit na papel na nakapatong sa cellphone niya.

"Call this (may numerong nakalagay doon), just say good morning, they'll know what to do. I'll see you in an hour. I love you."

Napahinga siya nang malalim doon para bang bumalik na naman ang mag kurot sa tiyan niya na siyang pinigilan niya.

Sinunod niya ang bilin sa sulat at wala pang limang minuto ay may naghatid na ng almusal sa kanya.

"Almusal lang pala," sambit niya nang makalabas na  ang naghatid ng pagkain. May malamig na kape roon, umatake na naman ang mga nangungurot sa tiyan niya.

Bago pa siya makaupo para kumain na ay tumunog ang cellphone niya. Galing iyon sa hindi niya kilalang numero.

"In case you want to ask where I am," ika ng text. Napailing siya roon at napangiti nang bahagya.

"I'm asking," sinagot niya ang text.

"There. In your heart," mabilis na sagot ni Tristan sa mensahe niya.

Muntik siyang mapamura pagkabasa ng sagot nito.

"Seryoso ba 'to? Ang baduy, ah," kumento niya kahit hindi naririnig ni Tristan.

"Answer. Properly," iyon ang ipinambara niya sa banat ni Tristan.

"That was a proper answer. I think, I'm trapped in here, baby. Pakibuksan naman 'tong puso mo, lalabas lang ako. I want to see you," hindi pa pala tapos sa mga hirit si Tristan.

Pinili na lang niyang hindi sagutin iyon dahil wala namang dapat isagot. Nagpatuloy siya sa pagkain.

"May kausap lang ako. I'll drive you home after this," hindi nakatiis si Tristan at sinagot iyon nang matino.

Napangisi si Kristina nang mabasa ang mensahe.

"Sasagot ka rin pala e, dami mo pang banat," kumento na naman niya.

"You don't have to drive me home," sagot niya sa text.

"No. I'll drive you home. You just have to choose which home do you want to go," text na naman ni Tristan.

Gusto pa sanang barahin ni Kristina si Tristan pero pinigilan na lang niya ang sarili dahil ang pagkabog ng dibdib niya ang hindi niya kayang pigilan.

"You've been very good at ignoring me," maya maya pa ay text ni Tristan.

Hindi na napigilan ni Kristina ang sumagot.

"I learned it from you, first hand."

Nang mabasa iyon ni Tristan ay parang nasabuyan siya ng bloke blokeng yelo. Napahilot siya sa sentido, hindi alam ang mararamdaman dahil sa pitong salitang iyon nagising siya sa katotohanang sa kanilang dalawa, siya nga pala ang unang bumalewala.

"I'm sorry, Tin. I love you."

Mabilis na sagot niya, umaasang mabura na sana sa alaala ni Kristina ang mga nakalipas.

Hindi naman maintindihan ni Kristina kung iiyak na siya o matutuwa o manghihinayang. Hindi na siya sumagot at minabuting maghanda para sa pag-uwi.

--

Pagbaba niya sa lobby ay naroon na si Tristan, nakaupo sa sopa, nag-aabang. Nayuko ito at nakapatong ang dalawang braso sa hita.

Naka-itim ito na t-shirt, nakaitim rin na pantalon, pinaresan ng combat shoes, kaswal pero nakamamangha sa ganda.

Nilapitan niya ito na umiiling, pareho kasi sila ng suot. Lahat itim at combat shoes, suot niya lang ang jacket niya kaya medyo naiba.

Hindi naman agad bumitaw ng titig sa kanya si Tristan, malamang napagtantong iisa lang sila ng porma.

"I know right," biglang basag ni Kristina sa katahimikan.

Hindi na napigilan ni Tristan ang sarili at kinuhanan ng litrato si Kristina.

"Tss," iyon na lang ang lumabas sa bibig ni Kristina. "Tara na!"

"So, where do you wanna go home?" may ngiting tanong ni Tristan habang kinukuha ang bag ni Kristina bago umakbay rito.

Hindi na pumalag pa si Kristina.

"Isa pang tanong mo, papantayin ko 'yang panga mo," mahinahon ngunit may pananakot sa tonong iyon ni Kristina.

"God, you didn't change a bit, babe."

Siniko na lang siya ni Kristina para makahiwalay nang bahagya.

Nasa expressway na sila nang maalalang tanungin ni Kristina kung bakit nasa kanya ang singsing.

"It should be with its owner, Tin," paalala ni Tristan.

"Pero -"

"Please. Just wear it. I just want you to wear it.  So no one could ever think of taking you away from me," seryoso at punong punong nang pagsusumamong pahayag ni Tristan.

"Kung ayaw mo naman just think of it as an ordinary ring. Please don't say right in my face that you don't want to wear it," dagdag niya pa na may halong kaparehong intensidad sa nauna.

Hindi na lang sumagot doon si Kristina. Nanahimik siya dahil ngayon niya lang uli nakita ang ganoong intensidad kay Tristan.

Hindi niya maintindihan pero napatahimik siya nito.

Ibinaling na lang niya ang atensyon sa labas. Natatakot siya dahil baka kung saan na naman siya dalhin ng puso niya kapag sinunod niya iyon.

Sa isang tunog natigil ang pagkatulala niya.

"Mike, bakit? Oo, pauwi na. Si Knight? Nagtext kanina sabi maaga raw sila umuwi, baka nasa Baguio na 'yun ngayon... Ha? Basta pag-uwi ko na lang tayo mag-usap," sagot niya sa mga tanong ni Mike sa kabilang linya saka ibinaba rin kaagad ang tawag.

Nagpasya rin siyang tawagan si Knight pagkatapos ng tawag ni Mike.

"Knight, nasaan na kayo? Wala tinatanong ni Mike. Kumusta na pala si Red? Sige. Magkita na lang tayo. Okay. Bye," pinutol niya rin kaagad ang tawag nang marinig na tumitikhim na si Tristan.

"Why do you have to call him?" naiiritang bato sa kanya ni Tristan.

"Because I have to call him," hindi niya ito nilingon.

"Bakit?" tanong uli ni Tristan.

"Bakit?" ganti rin ni Kristina.

"Bakit kayo magkikita?" panibago na namang tanong ni Tristan.

"Bakit ba?" naiirita na ring bato ni Kristina.

Naghintay siya ng igaganti ni Tristan pero wala. Para naman siyang natauhan sa inasta kaya sinagot na lang niya iyon nang maayos.

"Si Knight, kailangan kong makipagkita sa kanya dahil may pag-uusapan kami tungkol sa motocross nila sa susunod. Videograher, alam mo na," paliwanag niya rito.

"Motocross? That's too dangerous, Kristina," palag ni Tristan.

"Trabaho ko 'to and you don't meddle with what I do," may pinalidad sa sinabing iyon ni Kristina na ikinatahimik ni Tristan.

"Fine," iritableng bitaw ni Tristan.

Doon napatingin si Kristina sa kanya. Tinitigan niya ito.

"Kumusta na 'yang panga mo?" malumanay na tanong niya habang ang mga tingin ay hindi na maalis sa mukha ni Tristan.

"Stop staring, lalong sumasakit," ani Tristan na hindi naman siya kahit kailan nilingon habang tinititigan niya ito.

Hindi siya natinag, tinitigan niya pa rin iyon kaya nakita niya kung paanong hinilot ni Tristan ang pa mga mata niya.

"Kung inaantok ka, palit na lang muna tayo. Ako na muna magda-drive," alok ni Kristina.

Para namang biglang bumuhos kay Tristan ang mga alaala ng nakalipas.

"Sa next stop, magpalit tayo," si Kristina ulit.

"No need. I can manage," masungit pa ring pahayag ni Tristan.

"Huwag ka nang ano, basta magpapalit tayo sa susunod na stop."

--

Nang makarating sila ng Baguio ay tinotoo nga ni Kristina ang alok niya na makipagpalit ng puwesto kay Tristan. Samantalang si Tristan ay hindi natitinag.

Umikot na si Kristina at papunta na iyon sa pwesto niya ay hindi pa rin siya gumagalaw.

Binuksan ni Kristina ang pintuan ng driver's seat, magsasalita na sana siya ngunit mabilis siyang hinablot ni Tristan, ang kaliwang kamay nito ay nasa likuran ng ulo niya ang isa hinigit ang baywang niya.

Hindi na rin niya napigilan ang sunod nitong ginawa. Sinisisi ang sarili, maling siya pa ang nagbukas ng pinto. Sana ay hinintay na lang niya itong makalabas sana ay hindi siya nito hinahalikan ngayon.

Sa una'y marahas hanggang sa naging banayad, nanunuyo, at mukhang nagmamakaawa.

Tinatanong ni Tristan kung bakit ngayon niya lang naisipang gawin ito kay Kristina samantalang nagkaroon na siya ng maraming pagkakataon.

Napapangiti siya nang maramdamang hinahalikan na rin siya ni Kristina, nagpapaubaya.

Ayaw niyang mabigla ito kaya kahit gusto man niyang igala ang kamay ay pinanatili niya iyon sa kinalalagyan. Ayaw niyang mabigla si Kristina.

Nang kapusin ng hininga ay bahagyang naghiwalay ang mga labi nila. Ang akala niya ay natunaw na ng mga halik niya ang tapang ni Kristina ngunit hindi.

"Baba," matigas na utos nito sa kanya.

Sa loob loob niya, hindi ba dapat siya ang galit sa kanilang dalawa ngayon?

"No, baby, not until you get what you deserve," hinamon niya ito saka mabilis na bumaba at binuhat si Kristina papunta sa driver's seat.

Namangha roon si Kristina. Mabilis na napagpalit no Tristan ang pwesto nila at nang akmang hahalikan siya ulit ay nakapagsalita pa siya.

"I wonder kung ilang beses mo na 'yang nagawa sa iba," may ngisi niyang bitaw.

"Once and more to come," ani Tristan saka muling pinaglapat ang mga labi nila.

Ang akala ni Kristina ay hindi na siya maaapektuhan ngunit bawat halik ni Tristan ay parang 'sing tamis ng unang beses. Alam niyang kaunti na lang ay bibigay na naman siya.

Nasa leeg na niya ang parehong kamay ni Tristan samantalang siya ay nakakapit sa isa nitong kamay at ang isa ay sa manibela.

Unti-unti ay nabibingi siya ng mga kalabog ng dibdib niya. Unti-unti ay tinatangay ng mga halik ni Tristan ang mga takot at iniiwan ang mga masasayang pakiramdam.

Hingal na hingal siya nang itigil ni Tristan ang paghalik ngunit akala niya lang pala iyon dahil nagsimula itong mag-iwan ng magagaan na dampi sa kanya pisngi, mata, ilong, sa noo, at bumalik sa labi.

Parang naiiyak na roon si Kristina sa hindi malamang dahilan. Hindi lang basta panghihina dahil sa halik ang nararamdaman niya kundi panghihinang dahil sa bumigay na naman siya.

"Please no beating the red light this time, Tin."

--


Continue Reading

You'll Also Like

792 270 34
[Completed] Zackary Rios Lafuente ay pinanganak sa marangyang angkan.Everything on his life are perfect .Mahal siya ng pamilya niya at mahal din niya...
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
169K 3.2K 55
When two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.
85.6K 3.4K 75
"it's hard to live with them but i am happy because i meet them" reanna ay isang mayaman, pero bigla na lang siyang naging poor, mas mahirap pa sa da...