She Belongs with Him

By littlenarm

1.4K 91 3

Prologue: Riza Mae Licas defines to be HOT, SEXY, PRETTY, NICE (if she is your friend) but EVIL (if she’s yo... More

She Belongs with Him
Chapter 1: Nice Guy
Chapter 2: Temptation's pleasure
Chapter 3: CONTRACT
Chapter 4: BIMBOY
Chapter 5: Demon VS. Angel
Chapter 6: I need you
Chapter 7: Her date
Chapter 8: Condition
Chapter 9: Check my heart
Chapter 10: The QUIZ
Chapter 11: Wrecking KISS
Chapter 12: We are never ever getting back together
Chapter 13.5: The UNBELIEVABLE QUIZ
Chapter 14: Riza's indulgence
Chapter 15: Incredible DATE
Chapter 16: It's easy to fall but so difficult to move on
Chapter 17: University Festival Day p1
Chapter 18: Pare, I love you
Chapter 19: Walang NO choice

Chapter 13: Starting to move on

30 4 0
By littlenarm

Chapter 13: Starting to move on

(Chris’ POV)

Lumabas ako ng room na hindi alam kung dapat bang matawa o malungkot “Bakit ba kasi kailangan niya ipamukha sa akin na walang kwenta lang yung pagsisikap kong mag-aral” napatigil ako sa paglalakad habang napasinghal

*pak*

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Riza “Ano na naman ba?”

“tsk” nag-poker face siya “Ikaw na nga ‘tong tinulungan, ikaw pa iritang-irita”

“Oo na. Sige na. Edi ikaw na” inirapan ko lang siya pero hindi pa rin ako kumikilos sa kinatatayuan ko at ganun din siya.

Biglang tumahimik, hindi ko alam paano nagsimulang maging awkward ang pagsasama namin. Pero nakakasigurado ako na dahil ito kagabi.

“hmmm…” hindi namin alam dalawa kung paano babasagin ang katahimikan. First time ever in my life na matameme ako at walang masabi para lang matanggal yung awkwardness.

Tinignan ko lang siya at parang umiiwas siya ng tingin sa akin. Ganun din naman ako dahil nahihiya ako sa kaniya sa hindi ko maexplain na paraan.

Huminga ako ng malalim at nagipon ng lakas ng loob para hawakan ang kamay niya “T-tara.. Labas tayo!” I smile reluctantly just to put away that awkwardness

“a-aaahh..” hindi pa man nakaka-oo si Riza, kinaladkad ko na siya papuntang parking lot para sumakay kami ng kotse. “Teka, saan mo ba ako dadalhin?”

Hindi na maipinta yung mukha niya, siguro nagsisimula na siyang mainis “Tsk! Pwede ba wag ka na lang mag-tanong?”

“Sira talaga ulo mo, ano?” hinarap niya ako habang napapa-irap “Malay mo dalhin mo ako sa isang lugar na hindi kaaya-aya”

“Ako??” sabay turo ko sa sarili ko ng hindi makapaniwala “Ako? Dadalhin ka sa isang lugar na hindi kaaya-aya? Anong ibig mong sabihin? Na baka may gawin akong masama sayo?” I stop the car and look at her with disgrace

“Malamang, lalaki ka. Mabilis kang maakit lalo na maganda at sexy pa ako” nag-crossed arms siya habang pinagmamalaki ang katagang binanggit niya

“Aba!” napatitig ako saglit sa kaniya para suriin yung buong pagkatao niya para asarin siya na GGSS siya. Gandang-ganda sa sarili. Pero bago ko pa man masabi iyon.

*gulp*

Napatitig ako sa kaniya at hindi ko na maalis yung mga mata ko sa pagtitig sa kaniya. Ayos lang na GGSS siya dahil totoo naman talaga.

Na-distract ako sa pagtitig ko sa kaniya ng biglang magtagpo ang mga mata namin “a-ahhh…  hahahahah!” iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at pilit na tumawa habang kunwari napapasapak sa manibela “Kala mo ganda mo. HA-HA-HA…”

Liars go to HEAVEN.

Agad kong pinaandar yung kotse bago pa man siya makapagsalita “Sige, isa pang salita babawasan ko na sweldo mo” bubuka pa lang ung bibig niya pero tumigil na ito at umirap na lang.

Nakarating na kami sa destinasyon na gusto kong puntahan. Bago ako bumaba tinignan ko muna si Riza. Tumitingin-tingin ito sa kapaligiran, mukhang hindi ata niya alam na dito na kami bababa.

Agad akong bumaba ng kotse. Napansin kong hindi pa rin lumalabas ng kotse si Riza dahil mukhang na-star struck ata siya sa lugar na ito.

Binuksan ko ang pintuan sa may passenger seat “Labas,” agad siyang natauhan kaya naman nagmadali siyang lumabas ng kotse.

Umikot-ikot lang siya para ilibot yung mga mata siya sa lugar. “Sosyal ka, pinagbuksan pa kita ng kotse ko. Tindi mo talaga”

Nag-poker face lang siya habang sinusuot yung bag niya sa likod. “Halika na nga” kinuha ko ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa “Amanda Fort”

“Goodafternoon ma’am, sir. Please this way” agad kaming sinalubong ng mga pick-up boys at dinala kami sa harap ng receptionist

“Goodafternoon sir” magalang na sabi nung babae

“Book for two, please”  agad kong sagot. Napahigpit naman ng hawak si Riza sa kamay ko kaya naman napalingon ako sa kaniya “Ano?”

“Wag mong sabihin dito tayo matutulog?!” gulat niyang tanong sa akin kaya naman napapatawa ako

“Oo! Dito natin kakalimutan lahat ng masasamang bagay na nangyari kagabi” inilapit ko pa yung mukha ko sa kaniya. Pilit naman niya tinanggal yung pagkakahawak ng kamay ko pero hindi ko iyon hinayaan. “Bakit?” I smirk

“Gago ka ba?! Gusto kong makalimot pero hindi sa ganitong paraan! Sira ulo!” napahawak ako sa bibig ko para pigilan yung malakas kong tawa

“Excuse me, sir? Can I have you membership I.D.?” lumingon ako sa babae at inabot ang I.D. ko. Nagsimula naman itong mag-type para i-check ang membership account ko

Minsan comedy rin talaga si Riza, hindi naman purket fort ito puro condos and hotels na ang laman nito. Trip niyang magpa-book dito for one night stand? Sige pagbibigyan ko siya! Hahaha! Good vibes yun XD

“hoy ano ba?!” kinukulit na ako ni Riza “Uwi na tayo. May bahay naman ako”

Hindi ko siya pinansin at inintay matapos yung babae na receptionist sa ginagawa niya “Reservation for?”

“Salon and Spa”  napatigil si Riza sa pangungulit sa akin kaya naman nilingon ko siya “Oh bakit ka napatigil?” bigla siyang napasimangot at hinampas ako sa braso

“Napaka-ewan mo talaga! Tsk!!” pinipigilan ko lang yung pagtawa ko.

“Halika na” kinuha ko ulit yung kamay niya at naglakad na papuntang Spa “Wag kang makulit dun ah! Hindi purket Spa yung pupuntahan namin maglalaboy kana. Para sabihin ko sayo malaki yung loob nun baka maligaw ka” balala ko kay Riza

“Hindi na naman ako bata para mawala at isa pa hindi na rin ako bata para hawakan sa kamay” sarkastiko niyang sabi

Napahinto ako sa paglalakad at ganun din siya “Wag kang epal” ipinakita ko pa sa mukha yung kamay namin magka-holding hands “Bawas sweldo kapag nag-reklamo”

Nakarating na rin kami sa loob ng Spa. Agad kaming sinalubong ng mga ladies para ihatid sa receptionist “What promo sir?” pagtatanong ni Ate

“Body scrub and Shatzu, for couple” kahit hindi ko man tignan ang mukha ni Riza, ramdam ko naman na kinagulat niya yung salitang COUPLE

“Any request, sir?” tanong ni ate habang pinapunch na sa machine yung promo namin dalawa.

“Just the regulars,” ginalaw-galaw naman ni Riza yung kamay niya para kuhain ang attention ko “Oh bakit?”

“Anong couple?!!!” natatawa ako habang nakikita ko yung mukha niyang asar na asar sa akin “Nahihibang kana ba talaga?! Wag mong sabihin magkasama tayo sa iisang kwarto habang mina-massage?!!”

Tumango lang ako ng mapang-asar. Magrereklamo sana siya kaso biglang may sumundo sa amin masseuse “This way ma’am sir” kinaladkad ko na siya at sumunod sa babaeng yun

Nakapasok na kami sa loob ng couple room. At expected ang sarap ng aura sa loob ng kwartong ‘to dahil nakakarelax yung amoy pati na rin yung ambiance ng mga candlelight.

Habang nilalanghap ko ang masarap na vibes sa kapaligiran, napatigil ako sa pagtitig kay Riza. Dahil nakatitig lang ito sa dalawang kama na pang-massage na magkatabi lang.

“Hoy! Anong nangyayari sayo?” tinitigan niya ako ng masama

“Hinding-hindi mo ako mapapahubad ng kasama ka! Sira ulo ka talaga! Ang tino-tino mong kasama, talagang BODY SCRUB pa ang pinili mo!” nakita ko naman na nagsisimula ng mamula yung mga pisngi niya

“Ahahahaa!! Don’t worry, I won’t peek”  I stop a second “Oh, I can’t peek because of the bed. Look” inilahad ko ang kamay ko para ituro ang kama

Meron itong butas sa may ulunan para doon nakalagay ang ulo namin.

Pero mukhang hindi pa rin na-satisfied si Riza. “Miss?” tinawag ko yung masehista na mag-mamassage sa kaniya “Ikaw na pong bahala sa kaniya” bibitiw na sana ako sa pagkakahawak ko sa kamay niya ng pigilan niya ito

“Saan nila ako dadalhin?” natatakot niyang tanong

“pfft!!! HAHAHAAH!! Ayos ka lang? May toyo ka sa utak, te? Pwedeng sasamahan ka lang niya sa comfort room para mag-bathrobe at pumunta sa sauna para iguide, diba?” sarkastiko kong sabi sa kaniya

“M-may sauna dito?” tumigil ako sa pagtawa at tumango na lang. Bigla niyang binitiwan ang kamay ko “Tsk! Sige na!” naglakad na siya sa kabilang direksyon.

Pumunta naman ako sa locker room at doon nag-palit ng damit. Pagtapos nun tumuloy ako sa sauna ng panlalaki.

Ilang minutes akong nagpainit at pagtapos nun bumalik na ako sa couple room namin. Pagbalik ko agad kong nakita si Riza na nakaupo lang sa kama. “Oh bakit hindi ka pa nagpapa-massage?”

“Malamang, iniintay kita na mauna sa paghiga para hindi mo ako masilipan!” tinitigan ko naman siya na naka-white na bathrobe habang naka-crossed arms lang. Medyo mamasa pa yung buhok niya dahil sa pawis.

*GULP*

“Ano hindi ka pa ba hihiga?” napatayo siya sa pagkakaupo niya at dahil dun bumaba yung pawis niya papuntang leeg hanggang dibdib.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil bumilis ang tibok ng puso ko. “Shit!” pasigaw na bulong ko sa sarili ko sabay talikod.

Bigla akong hiningal, daig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro dahil sa hingal ko. “O-oy… ayos ka lang ba?” naramdam ko yung paghawak ni Riza sa braso ko

Sa paghawak niyang yun para akong kinuryente at ang kuryente ang dahilan kung bakit unti-unti ng tumataas si junior.

“Shit!”  hinawi ko kaagad palayo yung kamay ni Riza sa braso ko “Ha-halika na!! ay este, hihiga na pala ako! Ge, happy massage day!” agad na akong humiga sa kama.

Woooooh! Please, junior calm down!

-          To be continued    -

Continue Reading