⪼ S A P P H I R E
It's almost 10 PM pero ngayon lang natapos ang monthly evaluation. The three of us, we're on our way to the cafeteria to eat dinner. I'm hungry as hell, I think I can eat a whole cow. Fuck diet, I will never do that anymore.
When we arrived there, we sat on our usual spot. Near the main dishes' stall, beside the large glass window. I sat while the two left to order foods for us.
The cafeteria's interior was pretty amazing, actually the school in general. The whole place was huge, really huge as if you're entering a fine dining or a fancy restaurant. You could still see the signature color, crimson red, everywhere and it adds a vampirical touch. There are different stalls for different type of foods; there's one for main dishes, fruits, salads, desserts, and beverages and there's at least one skilled chef to give us free portion of anything that we want.
Everything's free. We are free to get what we need to survive everyday. We have no problem in tuition fees because the institution was handled by the government. Why? Because the government needs us, they will benefit from us, not now but someday.
Actually, there's no such thing as prohibited here. Everything is your choice. If you did something wrong, then face the consequences all by yourself.
You have a failing mark on midterms? Work harder.
You trust the wrong people? Then witness your walls falling apart.
Might feel a little scary and risky to just decide all by yourself, but that's the reality. If you can't stand on your own, who's gonna do it for you?
"Binugbog mo na nga ako kanina, ginawa mo pa akong waiter," reklamo ni Ford sabay lapag ng tray sa table ko. I only shrugged at him.
"Ford, this is not beef steak. It's pork!" Hadley looked devastated and disappointed at the same time. I looked at her plate. She couly easily identify just by glancing once?
"Well, I told you na ikaw na ang kumuha sa main dishes. Oh, saan ka pumunta? Sa dessert area dahil lang sa favorite mong red velvet cake," singhal ni Ford. "Tapos ngayon magrereklamo," he continued by making faces.
"Hate you."
"Bagay sa 'yo 'yan, baboy ka naman."
"Excuse me, Hendrix? Ang sexy ko namang baboy."
"Baboy ka pa rin, Farell." Pang-aasar ni Ford at inilabas ang dila niya para mas lalo pang maasar si Hadley. Napapikit ako sa inis, kanina pa nagtatalo ang dalawang 'to. They're getting on my nerves! Why are they bickering all the time?
"Fuck you, Ford."
Ibinaba ko ang kutsara ko sa pinggan matapos magsalita ni Hadley, nakalikha lamang ng munting ingay ang ginawa ko ngunit sapat na 'yon para tumigil sa pagsasalita ang dalawa. Diretsyo lamang akong nakatingin pero kitang-kita ko sa gilid ng mata ko kung paano nila ako tingnan. Umiwas rin sila agad ng tingin at itinuon na lamang ang atensyon sa pagkain.
At least they know how to stop when I show a sign of irritation.
"Silver's here."
"Oh? Should we leave?"
Napatingin ako sa entrance ng cafeteria dahil sa bulungan.
Then I saw Silver Inferno, the student who was the most horrible in this hell. In the sea of crimson red, his distinctive silver comma haircut stood out; although a little messier than normal, it still looked amazing. He was wearing a black simple shirt that was imperfectly perfect tucked under his ripped slacks. His eyes were frigid and black, sharp enought to catch your breath. I could sense the authority in him. His aura embodies ice in all its forms.
But wait, something's a bit strange.
There's a blood stain on his nape and wrist.
Dumating ang gabi. Nawala na rin sa isip ko ang nakita ko kanina. Nawalan na ako ng pakialam. So what if there's blood? Maybe Silver experienced being stupid for once and hurt himself accidentally. Shit happens you know?
I groaned in frustration when my phone started ringing. I removed my sleeping mask and checked who the hell is calling. It was Hadley. The hell. Ano na namang kailangan niya? Ang hilig niyang tumawag ng ganitong oras!
"Disturbing someone's sleep is not a personality trait, Farell."
"Angelo and Denise." I could hear her breathing heavily from the other line.
"Did they broke up?" Sinakyan ko na lang ang trip niya para matigil na kaso hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sinabi.
"No, they are dead."
⪼ B L A K E
"Blake, may nag-doorbell! Pakibuksan naman ang gate!" Sigaw ng pinsan ko na si Dannah na kasalukuyang gumagawa ng assignments niya. Kinunot ko na lamang ang noo ko at nag-iba ng pwesto. Nalaglag pa ang isang throw pillow mula rito sa hinihigaan kong sofa pero hindi ko 'yon pinansin dahil masyado akong tutok sa panunuod.
Isang malakas na halakhak ang dahilan para masamid ako sa nginuguya kong chichirya. "Blake, yung gate kako!" Sigaw muli ni Dannah kaya nawala ang saya sa mukha ko. Naman! Ayos ayos na ng higa ko rito tapos uutusan niya pa ako!
"Hindi dapat inuutusan ang bisita!" Sigaw ko sa kaniya at muling ibinaling ang atensyon sa TV.
"Blake Winter!" Napapitlag pa ako nang makita ko bigla si Dannah na nakapamewang. May hawak pa siyang ballpen na halata mong nagmadali pang bumaba mula sa hagdanan para lang manindak.
"Oo na! Heto na!" Labag man sa loob ko ay tumayo na ako. Mahirap na, baka tusukin pa niya ako gamit ang matulis niyang ballpen. 0.3 'yon panigurado, mas manipis pa sa utak ko.
Pagbukas ko ng pinto, wala naman akong naabutang tao sa labas. Na-doorbell and run yata kami? Ano ba 'yan! Hating-gabi na pero may nantitrip pa rin! "Wala namang tao!" Kumamot pa ako sa ulo ko. Akmang isasara ko na ang pinto pero isang bagay ang nakaagaw ng aking pansin. Parang isang papel na naka-ipit sa gate.
"Then who pressed the doorbell?" Tanong ni Dannah na ngayon ay nasa gilid ko na. Sa pagkakaalam ko, ako ang pinsan niya hindi naman si Flash.
"Malay ko, Dannah. Kasi sa pagkaka-alam ko parehas tayong nasa loob." Pananarkastiko ko at naglakad palapit sa gate para kunin iyon.
"What's that?" Takang tanong niya habang sinusuri ang hawak ko. Matalino sana 'tong si insan kung hindi lang kinulang ng isang litrong common sense.
"Baka sulat. Tanong mo diyan." Nilapit ko pa ang mukha ko doon sa papel na hawak ni Dannah. "Ano ka ba—" Napapikit na lang ako nang marahas na tumama sa mukha ko ang bagay na 'yon.
Nakasimangot ko iyong pinulot at sinundan si pinsan sa loob. Umupo siya sa sofa at sinenyasan akong basahin ang papel.
Greetings, Ms. Dannah Baeford,
It would be an honour if you took this chance to join our educational and training institution. Those who are willing to be courageous enough to confront their fears will learn a lot. We care about our students, we assist them in learning more about any matter; mentally and physically.
We choose you because we are aware of your worry. Never let this opportunity pass you by.
Bakit naman parang iba ang tono ng sulat na 'to? Parang kilala siya ng nagpadala niyan ah?
Binaliktad ko ang kulay pulang card at nakita ko ang kulay gintong pangalan ng institution—Infernio Academy. Nakalagay rin sa ibaba ang isang contact number pero walang address.
"Anong balak mo?" Tiningnan ko ang nakatulalang si Dannah. "Try mo kaya?"
"Might be a scam, better be safe than sorry," nakaramdam ako ng pagkadismaya nang iligpit niya ang sulat. Mukhang hindi siya interesado.
"Ikaw na nga ang nagsabing never waste opportunities," sana tumalab ang pangongonsensya ko. Hindi ko alam, may kakaiba kasi talaga doon sa sulat. "Dannah, we'll be in college soon pero wala pang university na nagcocontact sa atin." Nakakapagtaka nga, si Dannah matalino naman 'yan sa lahat ng subject kaya imposibleng hindi siya makapasa. Kahit right minus wrong pa 'yan, she can ace it. Gano'n siya katalino. Pero ako? Medyo understandable pa na hindi ako makatanggap ng email.
"I never heard of that school and kulang sa informations, hindi reliable ang kahit ano." Trust issues again.
"May dahilan kung bakit may google." Binuksan ko ang phone ko at sinimulang magsearch. Pero habang nagpipindot ako dito sa cellphone, pakunot nang pakunot ang noo ko at doon napabuntong-hininga si Dannah.
Your search - Infernio Academy - did not match any documents.
"See?"
Sabagay, baka nga scam lang. Sige hindi ko na ipipilit. May punto din naman siya kasi nga naman wala kaming ka-alam-alam sa institution na 'yon pero ewan ko ha? Para kasi sa akin may kakaiba sa sulat.
Mabibigat tuloy ang mga hakbang na ginagawa ko habang naglalakad ako pauwi sa amin. Inangat ko ang ulo ko nang mapagtanto kong gate na pala namin 'tong nasa gilid ko. Kapansin-pansin ang isang bagay na naka-ipit rin sa gate namin katulad ng nakita ko sa gate nila Dannah.
Nakatanggap rin ba ako ng scam?
Kaagad ko iyong kinuha at binuklat. "Good day, Blake Winter..." Pagbasa ko. At talagang may mga sari-sarili pang pangalan ang mga letters na 'to? What if isa lang sa mga kapitbahay namin ang nagtitrip? Mga wala ba silang magawa?
Pero para sa katulad nilang walang magawa ang effort nito ah? Ang ganda ng quality ng papel. May pag-engraved pang nalalaman sa pangalan kuno ng institution.
Papasok na sana ako sa loob nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang unregistered number.
"Sino ito?"
"Meet me at the Urban Grinder tomorow, 4 PM sharp. I know you're interested."
"Saglit!" Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at sakto ang biglang malakas na paghangin. Ako lang ang nandito sa labas kaya medyo nakakataas ng balahibo. "Sino ka ba? Scammer ka 'no?"
"Ako ang nagpadala ng sulat. We have no time to joke around, mister. Time is very precious."
"Hindi reliable ang kung anong binigay mo, wala rin ang Infernio Academy na 'yan sa internet. Paano kami papayag kung wala ni katiting na information?"
"Have you heard about Del Fuego?"
"According to Mr. Google it is the city of the damned?" Hindi ako sigurado pero iyon kasi ang nakita ko sa google dati, iyon rin ang sinasabi ng ilan. Delikado raw ang lugar na 'yon.
Nakarinig ako ng mabagal na pagtawa. "That's why you shouldn't trust everything on the internet. Even technology can lie. Minsan mas mabuti pa ang walang nakalagay na information, walang makakabahid."
"Alam mo? Magulo ka."
"Sa ngayon. Try to understand, Mr. Winter."
"Bababaan kita!"
"Kung hindi ka talaga naniniwala, kanina mo pa ginawa. Looks like I found another curious cat."
I've heard about Del Fuego at hindi talaga maganda ang sinasabi ng lahat tungkol roon. Kung doon man naka-locate ang sinasabi niyang institution, papatayin pala ako ng curiousity na namumuo sa akin.
"Never let this opportunity pass you by."
Then he hung up.
_