Might of Alibata (Published)

By risingservant

2.6M 93K 17.3K

AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking... More

Might of Alibata
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90 (part 1)
Chapter 90 (part 2)
Epilogue
Special Chapter
Announcement
Special Chapter II
Special Chapter III
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 68

17.7K 696 112
By risingservant

Morixette's POV


Nanlulumo ako nang makarating kami ni Ate Ginny sa may rest house. Napaupo na lamang ako sa may sofa habang si Ate Ginny naman ay nakatayo lang habang sapo-sapo ang kaniyang ulo. Itinago ko na muna ang ABaKaDa sa loob ng aking bag.


Pareho kaming nanghihinayang dahil sa pagsasakripisyong ginawa ni Ate Arianne. Nakapatay ang ilaw dito sa may sala at tanging sinag lang mula sa buwan ang nagbibigay tanglaw sa amin.


Akmang tatayo na ako para lapitan si Ate Ginny nang biglang bumukas ang ilaw.


"Ma'am Ginny? Morixette?" sambit ni Eder. Nakatayo siya malapit sa pindutan ng ilaw habang kinukusot-kusot ang kaniyang mata.


"Kami nga," malumanay kong tugon. Naglakad siya papalapit sa amin.


"Mabuti na lang at nandito na kayo," aniya. Nagulat ako at tila ba nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong yakapin. Muli ko na namang nahawakan ang likod at braso niya.


Ang ganda talaga ng hubog ng kaniyang katawan. Mantakin mo pang nakasando lang siya kaya nadaupa ko ang kaniyang balat. Ilang saglit pa, kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at tumungo kay Ate Ginny at niyakap din ito.


Medyo nabitin ako do'n pero p'wede na. Bakas naman sa mukha ni Ate Ginny ang matamlay na ekspresiyon. Para siyang sundalong hindi mangiti.


"Kumusta na kayo rito?" tanong ni Ate Ginny matapos kumalas sa kanilang yakapan.


"Okay naman po kami rito, Ma'am. Wala naman pong masamang nangyari. Maliban na lang po kay Sir Ethan," pahayag ni Eder.


"Anong nangyari kay Kuya Ethan?" naghuhuramentado kong tugon. Nag-aalala ako para sa boyfriend ng ate ko.


Hindi kaagad nagsalita si Eder. Bagkus, minabuti niya na lang na yumuko at umiling-iling.


"Don't tell me na..." hindi na natuloy pa ni Ate Ginny ang kaniyang sasabihin dahil sumingit ako.


"Hindi maaaring mamatay si Kuya Ethan!" giit ko.


"Mahunos-dili ka, Morx. Hayaan muna nating magpaliwanag si Eder," saad ni Ate Ginny. Kinalma ko ang aking sarili para makinig sa ikukuwento ni Eder. Minabuti naming tatlo na maupo muna.


Tumayo rin naman agad si Eder at tumungo sa kusina. Ilang saglit pa, bumalik siya sa amin na may dalang isang pitsel ng tubig at dalawang baso.


"Uminom na muna kayo. Mukhang napagod kasi kayo sa biyahe," bungad niya pagkalapit sa amin.


Kung alam niya lang na hindi kami bumiyahe patungo rito... At kung alam niya lang kung ano ang mga pinagdaanan namin... Hay, kailangan talaga namin ang tubig para mahimasmasan ang aming pakiramdam.


Hindi na kami nagdalawang-isip pa ni Ate Ginny at minabuti na muna naming uminom ng tubig. Lagok lang ako nang lagok, refreshing sa pakiramdam. Mayamaya pa, nagsimula ng magkuwento si Eder sa amin.


"Simula nang umalis kayo rito sa bahay, hindi na lumalabas si Sir Ethan sa kaniyang silid. Dalawang araw siyang hindi kumakain at tanging tubig lang ang laman ng kaniyang tiyan. Masyado siyang naghinagpis sa hindi pagpapaalam ni Ma'am Roxette at dinibdib ito masyado. Wala kaming magawa nina Nanay at Tatay para matulungan siya. Iyak lang siya nang iyak at nagwawala sa loob ng kaniyang silid hanggang sa puro Roxette na lang ang lagi niyang sinasambit habang nakatingin sa kawalan. Sa tuwing nag-iiwan po ako ng pagkain sa kaniyang silid, tatawa-tawa lang siya sa kawalan tapos biglang magwawala at hahandusay sa sahig habang sinasambit ang pangalan ni Ma'am Roxette. Halatang mahal na mahal ni Sir Ethan si Ma'am kaya po siguro siya nagkaganoon," paliwanag ni Eder.


"Nabaliw na si Kuya Ethan?" tanong ko. Hindi talaga ako makapaniwala na tatakasan siya ng bait.


"Sad to say, oo. Mas mabuti kung kayo mismo ang tumungo sa kaniyang silid bukas ng umaga," aniya.


"Kawawa naman si Ethan. E sina Hannah at Grace? Kumusta sila?" ani Ate Ginny.


"Ahm, 'yung dalawa po tuwing umaga ay nanunuod lang sila ng TV dito sa sala. Pagkatapos kumain ng tanghalian, nag-aayos na silang dalawa at umaalis. Minsan, napansin kong parang nag-shopping pa sila. Madalas, madaling araw na silang umuwi at nagpaparty-party po yata sa bar," paliwanag niya.


"Paano nila naaatim na magsaya pa? Alam naman nila ang sitwasiyon tapos gano'n pa sila!" giit ni Ate Ginny.


Kamukatmukat namin, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Hannah at Grace. Napadako ang tingin ko sa may wall clock at nakita kong alas dose pasado na pala.


"Hi guys! Kailan pa kayo nakauwi?" ani Hannah na pupungay-pungay habang naglalakad papalapit sa amin.


"Na-miss namin kayo!" turan naman ni Grace at akmang yayakap siya sa amin. tatlong dangkal pa lang ang layo nila sa amin ngunit amoy na namin sa kanila ang chico.


Tinampal ni Ate Ginny ang kamay ni Grace kaya napapirme siya sa kaniyang kinatatayuan. Kinuha naman niya ang baso niyang naglalaman pa ng kalahating tubig saka isinaboy sa mukha ni Hannah para magisawan.


"Mga wala kayong utak! Walang utang na loob! Dapat hindi na kayo lumalabas ng bahay, e!" singhal ni Ate Ginny. Hindi naman umiimik 'yung dalawa at natameme lang sila sa kanilang kinatitirikan.


"Paano ninyo naaatim na magsaya pa? Hindi n'yo ba alam kung gaano kahirap ang mga pinagdadaanan namin? Ginagawa naman namin ito para sa inyo! Para sa atin! Kaya pakiusap, makisama naman kayo!" giit pa ni Ate Ginny.


"Tapos ano? Buburuhin lang namin ang sarili namin sa pamamahay na 'to? No way!" anas ni Hannah sabay irap kay Ate Ginny.


"Sasagot ka pa talaga, a? Baluktot naman iyang katwiran mo!" sigaw ni Ate Ginny na gigil na gigil na.


"Tumigil ka na nga! Lalong sumasakit ang ulo ko sa iyo, e. Grace, akyat na tayo sa taas," aniya. Tumalikod na siya at akmang hahakbang na palayo habang nakasunod sa kaniya si Grace nang biglang hablutin ni Ate Ginny buhok nilang dalawa.


"Mga hayop! Walang pakundangan! Hindi na lang sana kayo nabuhay!" panggagalaiti ni Ate Ginny habang sinasabunutan ang dalawa. Napaupo na sina Hannah at Grace sa sahig at aray lang nang aray sa ginagawa ni Ginny. Kumilos na kami ni Eder at inawat si Ate Ginny para lubayan na ang dalawa.


"Hannah, Grace, tumungo na muna kayo sa silid n'yo. Saka na natin pag-usapan 'to pagkagising n'yo," saad ko sa dalawa. Tila ba nawala ang kanilang pagkalasing dahil sa ginawa ni Ate Ginny.


"Hindi pa tayo tapos!" giit ni Hannah bago nagtatakbo papaakyat sa may hagdan habang nakasunod si Grace.


"Ma'am Ginny, magpahinga na muna po kayo." Nakaalalay si Eder kay Ate Ginny kahit kaya namang maglakad ni Ate Ginny mag-isa. Nagselos tuloy ako nang slight.


"Bakit si Ate Ginny lang? Hindi mo ba ako aalalayan?" pagsingit ko.


"Malakas ka naman. Isa pa, si Ma'am Ginny talaga ang amo ko. Siya ang dapat na pagsilbihan ko lalo pa't stressed siya masyado," ani Eder.


"Tse! Bisita naman ako rito..." mahina kong sambit.


"Eder, kaya ko na ang sarili ko. Na-miss ka ni Morixette kaya naglalambing lang iyan sa iyo," sambit ni Ate Ginny at naglakad na palayo habang nakangiti nang nakakaloko.


"Hindi totoo iyan, Ate Ginny!" pagtaliwas ko. Pero totoo naman talaga, na-miss ko rin si eder kahit papaano.


Kami na lang ni Eder ang naiwan dito sa sala kaya moment of truth na.


"Buhatin mo naman ako kahit hanggang sa labas lang ng silid namin ni Ate Ginny," request ko habang inaayos ni Eder ang pitsel at baso pinaggamitan namin.


"Buhatin? Luno ka ba? Mas malakas ka pa nga sa kalabaw, e." Napangiwi ako dahil sa tugon niyang iyon.


"Hala na, please?" pa-cute ko.


"Hindi mo ako madadaan sa ganiyan-ganiyan. Sige na, good night!" paalam niya at pumasok na sa kanilang silid.


Hindi epektibo ang plano ko, syaks talaga! Nakakahiya! Buti na lang at wala na rito si Ate Ginny. May next time pa naman kaya sisiguraduhin kong magtatagumpay ako.


Pinatay ko na ang ilaw bago tumungo sa silid namin ni Ate Ginny.

Continue Reading

You'll Also Like

347K 10.4K 25
PUBLISHED UNDER LIB (DARK). GRAB YOUR COPIES NOW AT YOUR NEAREST PRECIOUS PAGES CORP. STORES [08-02-19]. • BOOK 1 • Horror • Mystery • Thriller • P...
2.3M 62.1K 53
"How can we make this world better?" St Venille High just got blooder! A fresh batch of students got enrolled in the 6th class. In the bizarre world...
2M 106K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
980K 60.4K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...