Yuan Eduardo:
Good morning.
Napanguso ako nang mabasa ang text n'ya. Nakakapanibago lang na bumungad sa 'kin ang text n'ya. Ilang buwan na rin kasi nang huli akong makatanggap ng text sa kanya except syempre 'yung sa kagabi.
It's too early yet gising na gising na ang mga butterflies sa stomach ko. Geez. I think I'm going to eat cheese for breakfast!
Me:
Morning, too.
Hindi ba parang ang cold ng reply ko? Hay! 'Di bale na nga.
Pero nakatapos na akong mag-almusal at lahat, there's still no reply from him. Para tuloy may gumuho sa kalooban ko.
"Kisses?"
Napalingon ako kay Ate Karen nang tawagin n'ya ako.
"Yes, ate?"
"Naghihintay na 'yung boyfriend mo sa labas." Anunsyo nya na halos ikatumba ko.
"Boyfriend po?" Imagine how surprised I am! "Si Yuan?"
She frowned. "May iba pa ba?"
Alanganin akong tumawa. "Di ko pa siya boyfriend, ate."
Napatawa na rin siya. "Nandun s'ya sa may labas. Pinapapasok ko nga pero tinanong lang n'ya kung nandito ba sila Ma'am at Sir. Nung nalaman na wala eh 'wag na daw, hihintayin ka na lang daw n'ya dun." Mahaba n'yang explanation.
"Ate, you're joking, right?"
Nagtataka na naman siyang tumingin sa 'kin, "Huh? Bakit naman ako magbibiro?"
Napasinghap ako at nagkukumahog na pumunta sa kwarto ko para kunin na ang bag ko. Ni hindi ko na na-check kung ano ba ang itsura ko.
I'm not excited to see him, okay? Nahihiya lang talaga akong paghintayin siya!
Yeah right, Kisses.
Geez. Tingin ko malapit na talaga akong mabaliw!
Napahinto ako nang matanaw ang sasakyan niya sa labas ng gate namin. Hingang malalim, Kisses. Wooh!
Agad siyang lumabas nang mamataan ako. He looks serious even when he offered me a small smile.
"Hi." Bati niya.
"Uh, hi. Bakit ka nga pala nandito?" Naiilang na tanong ko. Here he is again with his intense stare. Gosh!
"Gusto lang sana kitang makasabay papuntang school."
Bahagya akong natigilan. The last time na nangyari 'to, he ended up hurting me.
"You sure?" Seryoso kong tanong. Halata ang pagkalito sa mukha niya. Iniwas ko ang tingin ko. "Baka kasi mamaya, you're acting like that tapos biglang magbabago na naman ang ihip ng hangin. You'll turn cold again."
Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit niyang kamay na dahan-dahang bumalot sa kamay ko.
"I'm sorry." He whispered. "Let's go?" Masuyo niyang sabi na halos ikalusaw ko.
How dare he to make me follow his commands?! How dare he to have that effect on me?
How dare you, self, for letting him have that effect on you.
Tahimik akong sumakay sa kotse n'ya. Familiar feeling. Familiar scent. It's suffocating yet very refreshing.
"What's your plan for today?"
"Papasok sa mga klase ko. Ano pa nga ba?" Napapairap ko pang sabi.
"Anong date ngayon?" Biglang tanong niya.
"Do I look like a calendar? Psh. Today's September, 21."
Napatango naman siya sa sagot ko. "Any other plans bukod sa pagpasok sa klase?"
"Why do you ask?"
Sumulyap siya sa 'kin. "I just want to know..."
"Magpapamigay kami ng flyers mamaya." Sabi ko.
"Flyers? For what?"
"Mental awareness."
"Oh. That's great, huh?" He commented.
"Yeah. Over thinking kills, 'di ba. Dapat maremind tayo to stay positive kahit anong mangyari."
These days kasi, sobrang taas ng suicidal rate sa bansa. Iba talaga 'pag isip na ang inatake ng kaaway.
"Of course. Kung ano man ang gagawin n'yo, surely that would be a great help." Nakangiti niyang sabi tsaka tumingin sa 'kin. "I'm proud of you."
Pakiramdam ko nablangko ang utak ko sa sobrang feels! Iba pala talaga sa pakiramdam kapag may nagsabi sa 'yo ng ganun lalo na at isa pa sa pinakamahalagang tao sa buhay mo.
"Uh, umm... Thank you?" Di siguradong sagot ko. Binalik niya sa daan ang tingin niya but the amusement in his eyes didn't go unnoticed.
Napakunot ako ng noo nang iparada n'ya ang kotse sa may harap ng drugstore. "May bibilhin lang ako, okay?" Paalam niya.
"Ah, okay."
May sakit ba s'ya? I can't help but be bothered.
Hindi naman nagtagal ay bumalik rin siya. Nilagay niya ang binili sa may backseat at muli nang pinaandar ang kotse.
"You okay?" Tanong niya nang mapansin ang pananahimik ko.
"Ah, yes of course." Tumikhim ako. He's looking straight on the road but I can feel that his attention is all on me. "Ikaw? Okay ka lang?"
"Of course."
Napatango na lang ako at 'di na nagsalita pa.
Aftet few minutes, nakarating na kami sa school namin. I immediately removed my seatbelt at hinarap siya para magpasalamat but when I shifted on my seat to face him, nakaharap na siya sa akin na tila hinihintay lang ang pagharap ko.
"Uh, thank you." Awkward kong sabi.
"Salamat din. Uhm, pwede ba tayong mag-sabay kumain mamayang lunch?" Nahihiya niyang tanong.
Here's my heart again thumping so loudly in excitement! "I'm... not sure. Baka kasi late na ako makapaglunch?"
"That's okay!" Agad niyang sagot. "I can wait..."
I bit my lip to suppress a smile and nod at him.
Napatango rin siya at ngumiti. "By the way," kinuha niya ang binili kanina at inabot sa 'kin. "I bought this for you. Baka kailanganin mo."
"Huh?" I looked inside the paper bag and felt my cheeks heat up in embarrassment!
Asdfhjkll!!! Whisper with wings?!!! Whaaaaaat theeeeeeee?????!!!!
"A-ano... Um, teka... Ba... Para saan... I mean bakit?" Imagine my face full of question marks!!!
"You have your period now, right?" He asked like it's no big deal!
Sobrang nagtataka pa rin ako lalo na at alam niya! Nakakahiya!
"Paano mo nalaman?"
Bahagya siyang natawa sa ekspresyon ko. "Of course. Every detail about you is important to me." Napailing siya at muling natawa nang hindi ako kumibo. "You should go now. Baka ma-late ka pa. As much as I want to walk you sa klase mo, I know that would be so uncomfortable for you so..."
"Ah. Um, thanks for this then. See you later?" Wala sa loob na tanong ko at halos mawindang ako nang marealize ko ang nasabi ko! Sinabi ko talaga 'yun?!
Mas lalong lumaki ang ngiti niya. "Of course. See you."
Tila lutang pa rin akong lumabas ng kotse niya at naglakad papunta sa classroom namin. I want to slap myself or sabunutan ang buhok ko!
Masyado akong kinikilig! Nakakainis!
***
"Here." I looked to my side and saw Niel offering me a bottle of water.
"Ui, salamat."
Nagulat ako nang punasan niya ang pawis ko sa noo.
Medyo awkward na iniwas ko ang mukha ko. "S-Salamat."
"Dito ka muna sa tabi ko para mapayungan kita." Nakangiti niyang sabi.
Pilit naman akong ngumiti at tumango. Inalis ko ang pagkailang at saka pinagpatuloy ang pamimigay ng flyers.
"Tara maglunch na tayo?" Yaya ni Niel sa amin nang halos matapos na namin ang pamimigay ng flyers. It's already 12:30 at ramdam ko na rin ang gutom. Plus the heat of the sun is almost unbearable. I can feel the sweats on my forehead. Pakiramdam ko ay amoy araw na ako!
"Tara." Sang-ayon ng iba.
Napanguso ako at muling naalala si Yuan. I guess he forgot that we're supposed to eat lunch together. Ni walang text galing sa kanya. Oh, well, I'm disappointed pero kasalanan ko naman na nag-expect ako.
Sasama na sana ako kila Niel nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko.
Yuan's calling. I cleared my throat at saka sinagot ang tawag niya.
"Hello?"
"Hey."
"Oh?" I can't help but be masungit again.
"Tapos na kayo?"
"Hindi pa. Pero magla-lunch muna kami." Pilit na kaswal kong sabi.
"Kisses, tara!" Muling yaya ni Niel.
Tiningnan ko lang siya at tinanguan.
"Sasabay ka maglunch sa kanila?"
"Yeah. Why?" Paasa ka lang naman kasi, 'di ba?
I heard him sighed on the other line. "Akala ko sabay tayong magla-lunch?"
"Kisses!" Muling tawag ni Niel.
"Hindi ka pa nagla-lunch?" Gulat kong tanong.
"I was waiting for you." He answered coldly.
Luminga ako at sobrang nagulat talaga ako nang makita siya sa ilalim ng puno sa 'di kalayuan.
"I want to help you distribute those flyers. I want to wipe your sweat and hold an umbrella for you. I want to show them badly that you're my girl. But I am afraid that you might tell me that I don't have the right to do those things."
Napasinghap ako sa kirot na naramdaman ko sa puso ko.
"Bakit hindi ka pa naunang mag-lunch?" Bahagyang nanginig ang boses ko.
He lifted his other hand, showing me a plastic containing, I assume, our lunch.
"I bought lunch for us. Can you come to me now, please, baby?"