Naging mabilis ang takbo ng araw at ngayon ang alis ni Ashley papuntang Manila. 1 week before ng kasal ni Ian at Tina.
"Hey, just call me once na nakalapag na ang plane mo sa Manila ah?" Paalala ni Jane kay Ashley
"Opo!" Nakangiting sagot ni Ashley "Basta pag naarrange mo na ang mga dapat ayusin dito, sumunod ka na sa akin para maayos naman natin yung sa Manila,Ok?"
"I will! Don't worry,AC" sagot ni Jane saka niyakap ang kaibigan para magpaalam
"Magiingat ka dito, wag ka masyadong magpagod,OK?" Paalala ni Ashley
"Wow, sayo pa nanggaling yan ah" natatawang sabi ni Jane "Magenjoy ka dun, magiingat ka!"
Tumango si Ashley "I will!" Saka niyakap ni Ashley si Jane
"Sige na, magcheck in ka na. I'll see you soon in Manila"
"Bye!" Paalam ni Ashley kay Jane saka pumasok na sa Airport
Habang sa Manila ay excited si Tristan na makita ulit si Ashley.
"Ahm, Jass please cancel my afternoon meeting. Maaga akong aalis dito." Sabi ni Tristan sa assistant nya
"Pero Sir, ngayon po yung appointment nyo kay Sir Martin para sa Monthly Financial Report" sagot ni Jass
Napaisip si Tristan "Can you call his assistant baka pwede before lunch ako magpresent kay Martin"
"I'll try what I can do,Sir" saka lumabas ng opisina ni Tristan
Kinuha ni Tristan ang cellphone nya at dinaial ang number ni Ashley.
"Yes, Mr. Tolentino?" Sagot ni Ashley sa kabilang linya
"What's with formality, Ms. Cassandra? Anyways, anong oras ng flight mo?"
"Actually, tinatawag na yung flight ko,papasok na sana ako kaya lang nahiya ako na hindi sagutin ang tawag mo, baka walang sumundo sa akin mamaya" natatawang sabi ni Ashley
"Ofcourse not. Bakante na ang afternoon schedule ko para sa pagsundo ko sayo. Sige na, I'll just see you after 5 hours. And I can't wait to see you"
"Sige sige. I'll see you later, Tristan" saka niya inend call ang tawag
Nakangiti si Tristan na ibinaba ang cellphone. Na saktong pagbukas ng pintuan ng opisina na. Biglang syang napatayo ng makita si JM na papasok
"Martin!" Bati niya dito
Nakapamulsang nakatayo si JM sa harapan nya "Pinareschedule mo daw ang presentation mo?"
"Yah! My prior commitment kase ako mamaya, na nawala sa isip ko" sagot ni Tristan
"Mas importante sa trabaho? Hindi ba makakapaghintay yun? Masisira ang schedule ko pag sinunod ko ang gusto mo"
Tumingin ng deretso si Tristan kay JM "So, you're acting now as a my real boss! Martin, let me remind you, title lang ang meron ka, we both all know that Im more than deserve to be in your position. Kaya wag mo akong pinagyayabangan ngayon!"
Natawa ng bahagya si JM "You think you're more than deserving to this position? So bakit ako ngayon ang nasa ganitong position? Because Dad knows that you can't handle this position. At dahil sa pinapakita mo ngayon, nakita ko na ang dahilan ni Dad kung bakit hindi nya sayo binigay to"
"Masyado ka ng mayabang, ni wala ka pa ngang napapatunayan!" Madiing sagot ni Tristan
"Then,wait and see!" Matapang na sagot ni JM "hindi ko pwedeng iadjust ang schedule ko para sayo, Tristan. Kung hindi mo kayang gampanan ang trabaho mo, let your assistant do your reponsibility!" Saka ito tumalikod at lumabas ng opisina ni Tristan
"Lubos lubusin mo na lahat,Martin! Dahil sisiguraduhin ko na darating ang araw na mararamdaman mong natalo kita!"
Hindi nagpapigil si Tristan sa galit ni JM, umalis parin sya sa opisina at sinundo si Ashley. Habang nagdadrive hindi nya maiwasan ang mapasuntok sa manibela dahil sa galit sa kapatid.
"That Bastard guy!"
Bago dumeretso sa airport si Tristan at dumaan muna sya sa isang flower shop para bilhan ng welcome bouquet si Ashley. Habang naghihintay sya sa arrival ay hindi maalis ni Tristan ang ngiti sa twing maiisip nya na makakasama at makikita na nya ang dalaga. Parang tumigil ang oras para kay Tristan ng makita si Ashley na palabas ng Arrival area
Parang nawala ang lahat ng kabadtripan ni Tristan ng maghapon na yun nung finally nakita na nya si Ashley. Agad nya itong nilapitan at sinalubong.
"Hi!" Nakangiting bati ni Tristan kay Ashley
Ngumiti si Ashley "Tinotoo mo talaga kung pagsundo mo ah! Di ka ba busy?"
Umiling si Tristan "Pinacancel ko lahat ng afternoon commitment ko. It's nice to see you again,Cassandra! For you!" Sabay abot ng bouquet of flowers
Tinanggap ni Ashley ang bulaklak "Wow, thanks for this! Im happy to see you again,Tristan" nakangiting sabi ni Ashley
Hindi na pinigilan ni Tristan ang sarili at niyakap na ang dalaga "I missed you. So much!" Malambinh nitong sabi
"Namiss din kita. Salamat sa pageffort ng pagsundo ah!"
"Anything, basta ikaw" kinuha ni Tristan ang gamit ni Ashley "Let's go! May utang ka pang date sakin" sabay kindat ni Tristan
"Im willing to pay,Mr. Tolentino"
Saka sila naglakad papunta sa parking area.
Habang byahe ay hindi maalis ang ngiti ni Tristan at panay ang sulyap sa katabi nyang dalaga "By the way, san ka magiistay dito sa Manila?"
"I have my unit sa BGC, dun ako tutuloy while Im staying here" sagot ni Ashley habang busy ito sa paglalagay ng bago nyang sim card na kabibili lang nya
"First thing to do, Ph Simcard agad?" Natatawang sabi ni Tristan ng mapansin nito ang ginagawa ng dalaga
Natawa si Ashley "Yah. I need to call Jane. Ayokong magalala yun. At the same time, I promised to my friends na sasabihan ko agad sila once na nasa Manila na ko. Gusto nilang magkita agad kami"
"Wow, busy agad schedule mo ah. Akala ko pa naman pwede kitang masolo today" birong sabi ni Tristan
"Baka bukas pa kami magkita kita ng mga friends ko. So, we have tine until dinner. Is that Ok with you?" Nakangiting tanong ni Ashley
"That's definitely OK with me" saka kumindat si Tristan kay Ashley
Sa isang Pinoy Restaurant ang nirequest ni Ashley kay Tristan sila kumain. Habang kumakain, hindi sila maubusan ng kwentuhan
"So ayun nga, Jane and I decided to try our luck here in Manila. Pero that's depend kung may potential client kaming makikita. Jane will be here maybe by next week" kwento ni Ashley habang enjoy na enjoy sa paghigop ng sabaw ng sinigang na hipon
Napapangiti si Tristan pag pinagmamasdan nya si Ashley. Walang kaaarte arte sa katawan ang dalaga "Don't worry, I'll help you to have your client. I'll use my connections"
Umiling si Ashley "Naku, hindi na no. Wag mo ng isipin yun, hayaan mo ba kami ni Jane sa part na yun. I know na may company ka ding inaasikaso, lalo na at ikaw ang inaasahan ng Dad mo para ihandle ang kapatid mo"
Natahimik si Tristan ng maalala ang paguusap nila ni Martin. Napansin ni Ashley pag pagtahimik nito
"Hey! Did I say something wrong? Are you OK? Natahimik ka?" Nagaalalang tanong ni Ashley
Umiling si Tristan "Wala. We just have a little argument ni Martin kanina. Magiisang bwan palang sya sa position nya,pinapaandaran na nya ako ng kayabangan nya. Imagine, harap harapan nyang ipinagmalaki sa akin na sa kanya ipinaubaya ni Dad ang position na yun" saka bumunting hiningga ito
Ibinaba ni Ashley ang hawak na kutsara at hinawakan ang kamay ni Tristan na nasa ibabaw ng lamesa "Tristan, ikaw ang mas matanda. Just understand your brother nalang. And regarding sa position nya, isipin mo nalang gusto ng Dad mo na makabawi sa kapatid mo, like what you've said before matagal nyobg hindi nakasama ang kapatid mo. Bakit hindi mo kunin ang time na to na makilala mo pa lalo ang kapatid mo. Maswerte ka, you have a brother. May kapatid ka. Kahit anong mangyari, hindi ka magiisa" nakangiting sabi ni Ashley
Napangiti si Tristan at hinawakan din ang kamay ni Ashley "Thanks Cass! Feeling ko tuloy nagkaroon ako ng kakampi ngayon you're here na. Lahat nalang ng negativity sa buhay ko, pakiramdam ko nagagawa mong positive pag ikaw ang magaadvice"
"Aysus! Namiss mo lang ako eh!" Saka nito inalis ang kamay sa pagkakahawak ni Tristan at uminom ng shake "Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko na naman"
Natawa si Tristan "Sige na, oo na maganda ka na sa paningin ko kase namiss kita. Ewan ko lang sa paningin ng iba ah!" Mapangasar na sabi ni Tristan
Sumimangot si Ashley "Grabe ka dun ah!"
"Im just kidding! You're really pretty" seryosong sabi ni Tristan habang nakatitig kay Ashley
Nagsmile si Ashley "Thank you"
Biglang nagring ang cellphone ni Tristan. Napailing nalang sya ng makita na si JM ang tumatawag. " Yes, Martin?" Sagot nya sa tawag
"I need you here at the office now,Tristan. May question ako sa Monthly Financial Report na hindi masagot ng assistant mo!"
"I can't,Martin. Let's discuss it tom. If you don't mind!"
"Really? You're really that irresponsible?"
Parang nagpintig ang tenga ni Tristan sa narinig "How dare you!" Galit na sabi ni Tristan saka inend call
"Hey! Are you OK?" Nagaalalang tanong ni Ashley
Napabuntong hingga si Tristan saka uminom ng tubig "Masyado ng mapapel ang lalaking yun. Pati ako kinakaya kaya nya!"
"If you are needed to your office, just go. Don't worry about me. Magkita nalang tayo pag wala ka ng masyadong ginagawang trabaho"
"Ihahatid na muna kita sa condo mo. I want to make sure na you're safe"
Napangiti si Ashley "wala kang dapat ipagalala, I'll be okey. Hindi mo an ako kaylangan ihatid sa unit ko. I can manage,Tristan!"
Umiling si Tristan "No,Cassandra. Ihahatid kita" pagpupumilit ni Tristan
"Fine Fine! Sige na, much better if we go na para makabalik ka na sa opisina" yaya ni Ashley
Hindi nagtagal ang byahe nila, nakarating agad sila sa condo unit ni Ashley.
"I have to go, okey ka lang ba dito?" Tanong ni Tristan kay Ashley
"Ofcourse, you don't have to worry about me,Tristan. Salamat sa pagsundo sa akin,naabala tuloy ang work mo"
Umiling si Tristan "Ofcourse Not. Wag mong isipin na abala ka. Is it Ok if I visit you after work?"
Nagsmile si Ashley "Oo naman. Message mo lang ako para makapagprepare ako ng meal for us. Magiingat ka."
"I will! I'll go now." Paalam ni Tristan saka ito humalik sa pisngi ni Ashley
"Bye! Thanks again!" Paalam ni Ashley bago lumabas ng unit nya si Tristan.
Nilibot ni Ashley ang paningin nya sa condo nya, the last time she's here Matt was with her. Hindi man sila nagstay ng matagal ni Matt sa unit nya noong nasa Pinas sila, minsan nyang nadala ang dating nobyo dito. Pumunta sya sa veranda na tanaw ang ilang parte ng Taguig. "Hello,Manila. Im back. Please be good to me this time" natatawang sabi ni Ashley habang nakatanaw sa mga buildings
Kinuha nya ang cellphone nya na nasa bulsa nya at kinontak si Irene. Magmula kase nag maexplain nya sa kaibigan ang nangyari sa kanya sa US ay hindi pa ulit sila nagkikita.
"Hi,Irene!" Bati ni Ashley ng may sumagot sa kabilang linya
"OM! Ashley is that you? Nasa Pinas ka na?" Gulat na sagot ni Irene
"Yes,Irene. Kakarating ko lang dito sa condo. Are you free today?"
"I'm at the office right now, but matatapos ako at around 4:00. You want me to go there?" Tanong ni Irene
"No! Ako nalang pupunta sayo para we can have also coffee, is that ok with you?"
"Ofcourse! That will be great. I'll send you my office address, hindi ka naman siguro maliligaw dito sa Manila? Yun nga lang ingat sa one way dito sa Makati" pabirong sabi ni Irene
"I won't use my car. Medyo may jetlog pa ko, I'll take a cab,maybe!"
"Oh! Okey sige I'll see you later,OK? I'll try to call Leo also"
"Sige,Irene. I'll see you later. Bye" paalam ni Ashley saka inend call
Pagdating ni Tristan sa TCS agad syang dumeretso sa opisina ni JM.Pagpasok nya sa loob ng opisina ni JM ay naabutan nya itong nagbabasa ng mga papeles.
"What do you want from me,Mr. CEO?!" Galit na sabi ni Tristan habang nakatayo sa harapan ni JM
Tumayo si JM at hinarap ang kapatid. "Kaylangan pa kitang personal na tawagan para humarap sa akin. Hindi ko akalain na ganan ka pala talaga kairesponsable!" Sagot ni JM habang nakapamulsa
Tumawang pangasar si Tristan "Really? You think Im irresponsible? Well baka nakakalimutan mo,itong iresponsableng sinasabi mo ay ang isa sa mga nagpalago ng kumpanyang to,Martin!"
"Well thank you for reminding me,Mr. Tristan Tolentino. Siguro it's the best time para patunayan yun!" May kinuha itong folder at inilapag sa harapan ni Tristan "Explain this!"
Masamang tiningnan ni Tristan si JM bago kuhanin at buklatin ang folder at binasa.
"May malaking halaga ang nawawala sa kumpanya for almost a year na. May mga expenses na walang liquidity. As far as I know kahit nasa London ka, sayo parin inirereport ang lahat. So tell me, bakit may ganito? Did Dad know this?" Nakapamewang na sabi ni JM
"Ito lang ba ang kaylangan mo? I'll present it to you by tom if that's what you want. Hindi ko alam kung bakit may ganito,kung paano nakalusot to. Pero para sa ikatatahimik mo, I'll solve this for you,Mr. CEO!" Galit na sabi ni Tristan
"Well, I need this as soon as posible. Ayoko ng kahit anong anumalya sa kumpanya sa ilalim ng pamamahala ko!"
Hindi na sumagot si Tristan at galit na lumabas ng opisina ni JM.
Napahilot ng sintido si JM at napabuntong hiningga. Bago sagutin ang cellphone nya na nagriring. Napakunot ang noo nya ng makita kung sino ang tumatawag. Ang Daddy nya.
"Yes, Dad" sagot nito
"How's TCS,Hijo? Did Tristan discuss you everything?" Tanong ni Edward,ang Daddy nya
"Dad, madami pa kong dapat malaman. Masyadong maikli ang 3 weeks para matutunan ang lahat,Dad. But,so far naexplain na naman sa akin ni Tristan ang karamihan"
"That's good. Well, how about your Brother? Is he doing his job?"
Napabuntong hiningga si JM "Dad, regarding to Tristan. Im having a hard time with him. Hindi nya masyadong pinapriority ang trabaho nya" parang batang nagsusumbong si JM
"That Man!" Galit na sabi ng Daddy nya "For sure may kinahuhumalingan na namang babae yan. Ganan sya 2 years ago. Napabayaan nya ang trabaho nya ng dahil sa babae nya. Martin, gusto kong bantayan mo ang kapatid mo. Make sure na walang makakdistract sa kanya lalo na at kaylangan mo ng guidance nya. Hindi pwedeng mawala na naman sya sa focus ng dahil sa babae."
"I'll try what I can do,Dad."
"Good! Balitaan mo ko kung meron kang updates."
"Yes, Dad!" Sagot ni JM saka nya narinig ang pagend ng tawag. Naibagsak nya ang cellphone sa table nya at napaupo sa swivel chair nya "Gawin ba kong baby sitter!" Asar na sabi nito habang napapikit para ipahinga ang isip.
Napamulat ang mata ni JM ng marinig nya ang pagbukas ng pintuan nya. Napangiti nalang sya ng makita nya ang pagpasok ni Dina.
"Are you OK?" Tanong ni Dina habang papalapit ito kay JM
Sinalubong ito ni JM at kinabit para halikan. Napakapit sa leeg ni JM si Dina para tugunin ang halik ng binata. Nang maghiwalay ang mga labi nila,ngumiti si JM na nakatingin kay Dina "Mabuti at naisipan mong dalawin ako" sabi ni JM sa nobya
"Im sorry,Hon. Hindi ko mahindian sina Mom. Masyado nila akong namiss" malambing na sabi ni Dina
"That's OK. Let's have dinner later. Tatapusin ko lang tong huling binabasa ko then we can go na" inalalayan na makaupo ni JM si Dina sa sofa saka hinalikan ulit sa labi bago ito bumalik aa upuan nya.
Tahimik na nagbabasa ng documents si JM ng magsalita si Dina "She's back!" Nakatitig na sabi ni Dina kay JM
Natigilan si JM sa narinig. Alam nya kung sino ang tinutukoy ni Dina. Hindi sya umimik at ipinagpatuloy ang pagpirma ng mga dokumento. Pero sa simpleng sinabi na iyon ni Dina ay ang biglang pagbilis ng tibok ng puso nya, at ang halo halong nararamdaman.
"According sa inutusan ko, dumating sya ng Manila kaninang tanghali. She's staying in her condo in BGC" patuloy na pagsasalita ni Dina
Alam ni Dina ang plano ni JM na revenge kay Ashley. Pero hindi man sabihin ni JM kay Dina, ay ramdam parin ng dalaga na may nararamdaman parin ito kay Ashley na pagmamahal. Pero dahil mahal talaga nya si JM ay tinanggap na lang nya ito, kesa mawala sa kanya ang binatang pinakamamahal. She's been with JM sa lahat ng hirap na pinagdaanan nito. Lahat kinaya nya para kay JM, kaya labis labis nalang ang kasiyahan ni Dina nang maengage sila ni JM, at malaki ang pasasalamat nya sa Ama ni JM dahil malaki ang tulong nito sa relasyon nito sa anak.
Hindi parin nagsasalita si JM sa ibinalita ni Dina. Isinarado nito ang folder na pinipirmahan saka tumayo. "Im already done. MagCCr lang ako then we can go na" sabi ni JM kay Dina na dumeretso sa labas ng opisina
Pagdating ni JM sa CR ay humarap sya saglit sa salamin at tinitigan ang sarili "Sinaktan ka nya, pinagmukha ka nyang tanga, galit ka sa kanya, pero bakit ngayon nalaman mo lang na she's back naguunahan na naman yang kaba mo sa dibdib? Galit ka dapat sa kanya, wala ka ng pagmamahal na dapat nararamdaman,Martin!" Sabi ni JM sa sarili