BWCW University: He's Dating...

By btsonyeondumb

5.7K 142 13

Welcome to BWCW University. [ON-HOLD] sorry More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 7

227 6 0
By btsonyeondumb

Huhu. Goodluck talaga sa akin. Sana talaga may magbasa netong ginagawa ko. = ̄ω ̄= XD

P.S. Sorry kung sabaw ang update ngayon :3

--

Chapter 7:

Holding Hands While Running

< Annika's POV >

"Halika na! Tama na yang pagseselfie kasama nyang Hello Kitty mascot na yan."

Nakakainis na talaga.

Kasi nung papaalis na kami sa shop biglang lumabas yung Hello Kitty mascot. Ayun. Walang tigil kakaselfie  si Luhan kasama yung HK mascot hanggang ngayon.

"Last naaaaaa! Again KittyBaby. Last pose."

I took a deep deep breathe. Nauubos na talaga ang pasensya ko kay Luhan at sa HK na yan.

"Done already?" walang ganang tanong ko.

"Last na talaga! Promise. Last as in."

For nth time. Ilang beses na ba niyang nasabi yang "Last na" -_-

"Tapos na! Ay sandali. Gawin ko munang collage tapos ipost ko na sa IG."

*facepalm* Baegopa~ -O-

Gutom na talaga ako. Hindi pa ba nagugutom 'tong Luhan na 'to?

"Yan. Hoy nerd! Halika na kain na tayo."

YESSSSSS! TAPOS NA SI KITTY GUY SA KAARTEHAN NIYA. WHOOOO!

"Saan tayo kakain?" tanong ko.

"Syempre sa sosyal at mamahalin na restaurant."

"Libre mo?"

"Libre ko ba?"

*facepalm* "Malamang. Ikaw nag-aya diba?"

"Ah eh. Sige. Libre ko. Tara na Nerd."

--

"Wow. Eto na pala ang bagong sosyalin at mamahalin na restaurant." Sarcastic na sabi ko.

"Welcome to Food Court, ma'am and sir." Nakangiting sabi nung guard.

Oo. Sa Food court daw kami kakain. =_=

Taghirap ba ngayon? Sa pagkakaalam ko talaga, mayaman 'tong si Luhan eh. Kuripot nga lang -_-

"Aba! Maswerte ka dahil nilibre ka ng isang manly na katulad ko." pagyayabang niya.

Oo na. -_-

Manly manly. May Manly bang adik sa Hello Kitty?

Nag-order na siya. Oo siya. Pag ako daw kasi baka mahal yung iorder ko. -_- Kuripot talaga. Kawawa magiging girlfriend neto balang araw.

Wala namang masyadong nangyari sa pagkain namin. Actually magkahiwalay kami ng table dahil ayaw daw niya akong kasabay kumain. Kuripot na, maarte pa.

"Now showing na pala yung The Amazing Spiderman 2 no. Nuod tayo!" pag-aaya niya.

"Libre mo?"

"Aba. Masyado ka nang abusado ah. Nilibre na nga kita ng pagkain tapos pati sine libre rin kita?"

"Nagtatanong lang po ako."

"Nagtatanong lang rin ako. Ngayon, KKB tayo. Bahala ka sa ticket mo."

"Kuripot." bulong ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan, problema neto? Nakakailang ha. (>_<)

"Ano ba. Tanggalin mo nga yan." pilit kong tinatanggal yung braso niya. Ang bigat kaya ng braso niya. Aish.

"Wag ka nang umarte. Nakatingin yung tao ni Xander sa atin. Umacting ka nalang ng natural." bulong niya.

"Babe nuod tayong sine." panglalambing niya.

Err. Nakakapanibago. Nakakakilabot  Mas maganda pala yung maarteng Luhan.

"S-sige." Nakakailang talaga. Hindi ako sanay sa ganito.

"Babe, bakit ayaw mo kong tawaging babe? Kinakahiya mo ba ako babe?" At nagpout pa siya.

Ehem. Aaminin ko, ang cute pero nakakakilabot talaga. Huhu ╯︿╰

Ples. Sana umalis na yung tao ni Xander na yun. Ayoko ng ganito. Mama~ ╮(╯_╰)╭

"Hindi b-babe. Ayan na b-babe." Nginitian ko siya ng pilit. Hehe.

Pagakarating namin sa pilahan ng sinehan eh bigla nya ring tinanggal yung akbay niya sa akin. Whoo! Mas okay na yung ganito kesa sa kanina. Ang bigat ng braso niya eh.

"Bahala ka sa ticket mo. Tsaka pumila ka rin para sa ticket mo. KKP rin tayo. Kanya Kanyang Pila."

Tumango nalang ako. Kawawa talaga magiging girlfriend nito. Tsk tsk. Wala sigurong tumatagal na jowa dito. Sus. Hindi na ako magtataka.

"Luhan hyung!" Napatingin si Luhan sa tumawag ng pangalan niya. Pati rin nga ako eh -.-

Lumapit sa amin yung lalaking tumawag kay Luhan. May kasama siyang babae. Kadate niya siguro.

"Oh Kai! Bakit ka nandito? Tsaka sino yang kasama mo? Ikaw ah!"

Nilakihan ng mata nung Kai si Luhan. Ah. Siya pala yung Kai na sinasabi nilang Babaero.

"Ah eh. Manunuod kami ng sine ng kadate ko. Ikaw? Bakit ka rin nandito? Tsaka sino yang kasama mo? Ikaw ah! Pinagpapalit mo na si Aphrodite ah." Biglang namula si Luhan. Siningkitan naman ni Luhan si Kai.

Ay. Ano 'to? Palakihan at pasingkitan ng mata? May contest ba dito? Wait. Pupusta ako!

Binayaran ko na yung ticket ko tapos sinundan ko lang si Luhan papasok sa sinehan. Magkatabi ang upuan namin nila Luhan at nila Kai. The more the merrier daw kasi. Mas okay pag may kasama daw. At para rin makatipid si Luhan sa popcorn. Manghihingi nalang daw siya kila Kai. -_-

Himala nga at hindi ako pinalipat ni Luhan sa malayong upuan. Nakabantay pa rin daw kasi yung tao ni Xander. Pero feeling ko nga hindi tao ni Xander yun eh. Kahinahinala kasi yung kilos. Parang isang spy na may papatayin na tao. Or baka OA lang ako ngayon.

Hindi ko masyadong naenjoy yung movie. Hindi dahil sa english ha. Kundi dahil sa pakiramdam ko na may nakamasid sa amin. Baka naman tao ni Xander yun? Oo. Tama. Tao ni Xander yung nakamasid. Sana nga tao ni Xander.

Pagkatapos nung movie ay pumunta muna ako sa restroom kasama si Tricia, yung kadate ni Kai.

Habang nasa cubicle si Tricia ay tinanggal ko na yung kolerete ko sa mukha. Nakakairita na kasi. Mukha akong clown eh. -_-

"Halika na." Pag-aaya ni Tricia na nakangiti. Tumango lang ako sa kanya.

Pagkalabas namin ay may limang lalaki na parang nag-aabang sa harap ng restroom ng mga girls. Lahat sila ay nakablack.

Dire diretso lang si Tricia palabas. Ganun na din ang ginawa ko pero napatigil ako nung hinawakan ako sa balikat nung isa sa mga lalaki.

"Miss Unknown. Kamusta?" isang familiar na boses.

Tiningnan ko yung lalaking nagsalita. Hindi nga ako nagkamali. Sila nga.

Hinarap ko sila. "Ano kailangan nyo?"

"Buhay mo." Ngumisi yung lalaki sa akin. Tinutok niya sa akin yung hawak niyang kutsilyo.

"Tss." Agad ko siyang sinipa sa precious balls niya. At hindi lang basta sipa dahil yung sipang yun ay may hugot. Hugot kung hugot.

Kaya nabitawan nya yung hawak niya at napahiga sa akin. Kinuha ko na yung chance na tumakbo para makatakas sa kanila.

"Habulin nyo dali! Mga tanga!" sigaw nung lalaki habang namimilipit pa rin sa sakit. "Back up! Back up! Nakatakas siya." rinig kong sigaw nung lalaki sa phone niya.

Para tuloy akong nasa Temple Run. Ako yung hinahabol ng mga unggoy. Binilisan ko pa yung takbo ko para hindi nila ako mahabol.

Marami na akong nasasanggi na mga tao. Meron pa ngang minura ako eh.

Saan na ba kasi sila Luhan?

Ayun! Nakita ko sila nag-uusap sa gilid. Agad ko silang pinuntahan.

"Ang tagal mo naman Nerd." Sabi sa akin ni Luhan nung nakita niya ako.

"Oh? Bakit ganyan itsura mo? Parang may naghahabol sayo. Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Kai. Pero hindi ko na pinansin yung tanong niya.

"Luhan." sabi ko habang hinihingal. "Mauna na ako ha."

"Bakit?" Tanong ni Kai. Hindi na ako nakasagot dahil sa isang sigaw.

"Ayun! Ayun siya oh!" Turo nung lalaking nakablack sa akin. Tumakbo papalapit sa amin yung mga lalaki.

Dahil sa taranta ko eh napatakbo ako kaagad. Hindi na ako nakapagpaliwanag ng maayos kila Luhan. Basta ang alam ko ay kailangan kong mailagaw 'tong mga unggoy na humahabol sa akin.

Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko.

"Ang bagal mong tumakbo. Mahahabol na tayo oh." hila hila na niya ako ngayon. Nasa unahan ko siya habang hawak niya yung kamay ko

"Dali! Bilisan mo Nerd!" Binilisan ko yung takbo ko. Ngayon magkasabay na kami pero hawak pa rin niya yung kamay ko.

Marami na rin kaming nasasanggi pero takbo lang kami ng takbo.

Lumingon ako para tingnan kung naligaw na ba namin yung mga lalaking humahabol sa amin. Hindi pa namin sila naliligaw pero medyo malayo na kami sa kanila dahil nasa crowded na part ng mall na kami. Lumiko kami at lumabas na ng mall.

"Shit." bulong ni Luhan dahil muntik na siyang matapilok. Pfft.

Tumatakbo pa rin kami ngayon hanggang sa mapunta kami sa sakayan ng jeep. Agad kaming sumakay ng jeep.

Buti nung pagkasakay namin eh umandar agad yung jeep. Ngayon, hindi na kami nahabol ng mga unggoy na yun.

"Phew. Muntik na yun ah." sabi ni Luhan habang pinupunasan yung pawis niya. Binitawan na niya yung kamay ko.

"Bakit ka ba nila hinahabol?"

"Hindi ko alam." pero sa totoo lang alam ko yung dahilan kung bakit nila ako hinahabol.

"Sorry." bulong ko pero alam ko naman na narinig niya yun.

"Okay lang yun. Nag-enjoy naman ako eh. Mas nag-enjoy pa nga ako sa pagtakbo kesa sa pagnuod ng movie." sabi niya sabay tawa.

"Ganun pala feeling ng Holding Hands While Running. Mas masaya kesa sa walking." dagdag niya.

Continue Reading