AMBON presents2 - 3

4.3K 174 9
By my_love_letter

Ito ang first day ko sa trabaho kaya medyo kinakabahan ako dahil mga bagong tao ang makakasalamuha ko.

Lumabas na 'ko ng kwarto ko tsaka ako pumunta ng sala para mag paalam kay Mama

Lumapit siya sa'kin at inayos ang necktie ko. "Goodluck hijo."

"Thanks Ma."

"By the way, pwede mo ba 'kong samahan sa Gallery ni Ms. Tuazon Gusto ko kasing bumili ulit ng painting niya."

"Wow, Ma... iba na 'yang pagka adik mo sa kanya a! Baka ipagpalit na 'ko bilang anak sa kanya." I joke making her laugh.

"Hindi mangyayari 'yon, anak." She kisses my cheek. "Ingat sa trabaho."

I smiled at her. "Opo."

Nag simula na 'kong mag lakad palabas ng bahay. Sumakay agad ako sa kotse ko at sinimulan ang byahe ko papunta sa opisina ko.

Nang makarating naman ako dumiretso na 'ko ng office ko.

Ipinakilala ako ng Secretary ng CEO sa lahat ng empleyadong hahawakan ko lahat naman sila nakangiti sa'kin bilang pagbati.

Pinakilala niya din sa'kin si Mario Matias ang magiging Secretary ko. Pati secretary ko sila ang kumuha, baka gusto nilang bantayan ang kilos ko.

After akong ipakilala sa kanila pumunta na ulit ako sa office ko tsaka ko inutusan si Mario para hingiin ang mga papeles na kailangan trabahuhin para makapag simula na.

Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho kahit na first day palang. Gusto ko maging maganda ang first impression sa trabaho ko ng mga Boss ko.

Dahil sa sobrang subsob ko sa trabaho hindi ko na namalayan ang oras at lunch break na pala.

Lumabas ako ng office ko. Tumayo si Mario at sinundan akong maglakad.

"Saan dito ang employees canteen?" tanong ko sa kanya.

"Do'n kayo kakain, Sir?" Gulat niyang tanong.

"Oo may masama ba? Empleyado lang din naman ako dito a." Hindi siguro sila sanay na sa canteen kakain ang Operational Manager.

"Okay sir." Siya na ang nag lead sa'min papunta sa canteen.

Habang papunta ng Canteen narinig kong may tumawag sa'king isang babae nang lingunin ko 'yon ang nakita ko ay ang unang babaeng nag paasa sa'kin-- I mean, una kong niligawan pero nabasted ako.

Si Kelly...

"Oh my God... how are you? " Tanong niya habang naglalakad papalapit sa'kin habang ako hindi makapagsalita sa gulat ng makita siya.

Napaka ganda niya padin. Wow!

She smiled, waving her hand infront of my face. "Are you okay?"

"I-I’m sorry hindi lang ako makapaniwalang n-nakita kita, dito."

She laughed. "Me too! What are you doing here?"

"I’m working here."

"Really?!" Gulat niyang tanong. I just nodded my head. "My husband is working here too."

Oh great she’s married! Mukhang malas talaga ako sa girls. Una kay Ms. Tuazon na may boyfriend na, sunod naman ang una kong niligawan may asawa na.

"He’s the Vice President." She added.

My mouth drops open. "Wow!" That’s all i can say.

"Pababa na siya, ipapakilala kita."

"Okay." Chance ko na ding makita at makilala ang anak ni Mr. Sonny Gonzales.

Nilingon ko si Mario. "Susunod nalang ako sa Canteen. " I told hin.

He just bow, formally.

"Honey." Dinig naming boses ng isang lalake. Sabay kaming tumingin sa nag salita at laking gulat ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. It’s Sam... Ms. Tuazon’s boyfriend.

What the...

Siya ang asawa ni Kelly?

Halata din sa Sam na 'yon  ang gulat na makita ako, for sure na mumukhaan niya ako.

Inangkla ni Kelly ang kamay niya kay Sam at hinalikan ito sa pinge. "He’s my husband." Kelly said.

What the hell is going on?

"Honey, high school friend ko siya. Siya si Damon Lawrence he’s working here too."

"Yah i know him. Nabanggit na siya ni Papa." Nabanggit ng Papa niya o dahil nakilala niya ko noon no'ng mag kasama sila ni Amber.

He offered his hand, inabot ko 'yon at nakipag shake hands naman sa kanya.

"Nice to finally meet you Mr. Lawrence." Pormal niyang sabi pero hindi siya makatingin sa mga mata ko.

"Me too, Sir."

"Ano ba, ang pormal nyo naman." Kelly scolded us. "Damon sumabay ka na sa'ming kumain."

I shake my head. "'Wag na, bonding nyong mag asawa yan e."

"Are you sure?" I just nodded. "Okay... kunin ko nalang ang number mo para makapag hangout tayong tatlo or kung gusto mo mag sama ka din ng date mo."

I chuckled. "Sige." Binigyan ko siya ng calling card tsaka na 'ko nag paalam sa kanila para papunta namang Employees Canteen.

Hindi ako makapaniwala sa nakita at nalaman ko. Kung tama ako ng iniisip Ms. Tuazon ay isang mistress.

Hindi ako naniniwala dahil wala sa itsura niya ang papayag na maging isang mistress. 'Yong Sam na 'yon ibang klase, paano niyang nagagawang ipagsabay ang dalawang babae?

Kawawang Kelly, siguradong hindi niya alam ang pangloloko ng asawa niya sa kanya.

Ang malaking katanungan ngayon, alam kaya ni Ms. Tuazon na ang boyfriend niya ay may asawa na?

Nang matapos ang Lunch break bumalik din naman agad ako ng office ko para mag trabaho na lang.

Mga ilang oras lang may dumating sa office ko at sinabing pinatawag ako sa office ng vice president.

Medyo nagkaroon na 'ko ng idea na mangyayari 'to.

Paguusapan siguro namin ang tungkol sa pakikipag relasyon niya sa iba maliban sa asawa niya.

"Have a seat Mr. Lawrence." Sabi sa'kin ni Sam pagkapasok ko ng office niya. Ginawa ko din naman agad ang sinabi niya.

"Alam ko namang busy ka kaya di-diretsuhin na kita." Tinanggal niya ang pagkakabotones ng suit niya atsaka siya umupo.

"It’s about Amber."

I chuckled. "Gusto mong itago ko 'to kay Ms. Tuazon?"

He shakes his head. "Alam naman niya ang tungkol dito, alam niyang may asawa ako. Ang gusto ko lang sabihin sana satin nalang ang alam mo tungkol sa'min ni Amber."

"Alam ni Ms. Tuazon na may asawa ka?" Gulat kong tanong. He just nodded. "Gusto mong mag sinungaling din ako sa asawa mo na
wala akong alam?"

He nodded again.

Masasapak ko na 'tong lalakeng 'to. Anong tingin niya sa mga babae laruan?

"Mr. Gonzales okay lang ba na mag salita ako ng hindi pormal sa'yo?" Tanong ko.

Tumingin lang siya sa'kin at kalmadong nakaupo. Siguro yes na ang ibig sabihin ng pananahimik niya. "Una sa lahat ayaw kong magsinungaling sa asawa mo, pangalawa hindi ko gusto na niloloko mo siya, pangatlo hindi siya laruan. Even si Ms.Tuazon, kaya kung wala kang bibitawan isa man sa kanila 'wag mo na ding asahan na pagtatakpan ko 'yang kalokohan mo!" Inis kong sabi.

Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil sinamaan niya ako ng tingin pero nakipag titigan lang ako sa kanya.

Siraulo siya kung iniisip niyang kukunsintihin ko ang kalokohan niya sa dalawang babae.

To be continued...

Inform ko lang po ulit, bagong story 'to. Hindi continuation ng story na Vacation Partner. Ang title nitong bagong story ay
Her Secret. 😂

Ang AMBON Presents ay compilation ng AMBON story para hindi nyo sila masyadong ma-miss. 😁

Continue Reading

You'll Also Like

354K 15.8K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...