ANG LAGUSAN

By MilfeulHancock

43.4K 673 33

Isang kwento na magdadala sa inyong imahinasyon sa mundo ng mga engkanto,diablo, mythical creatures, angels a... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
FINALE

CHAPTER 13

1.1K 15 0
By MilfeulHancock

Hindi malaman ni Cass kung ano ba ang kakaibang nararamdaman niyang ito kaya bago pa man siya mawala sa sarili ay inayos niya ang kanyang pag iisip at iniwasan ang mga mata ng 3 binatang nakatingin sa kanya.


''Ah kasi! ano! kasi!'' nabubulol na wika ni Cass, habang nakayuko at pilit na iniiwas ang pag tingin sa 3 binata.

''Hay naku ako na nga magsabi, kasi kuya may incubus na nakapasok sa kwarto ni Cass sa knya. Gusto sanang malaman ni Cass kung nagalaw ba nito ang katawan niya.'' tugon ni Sashka

''Ano? Incubus? papaanong nakapasok ang isang walang kwentang nilalang sa palasyo ko.Teka nga muna, Mga kawal!'' wika ni Vladimir

''Maaring ang mundo ng mga demonyo ang may kagagawan nito, gusto ka nilang kunin Cass.'' paliwanag ni Apollo

''Ha? bakit? at para ano mapangasawa?'' tugon ni Cass

''Hindi ko rin alam pero mas mabuti ay doblehin ntn ang pagiingat.'' tugon ni Apollo

''Mas mabuti ay pumunta na tayo sa kinaroroonan ni Tandang Mawi, habang tayo ay nagtatagal parami ng parami ang nagkakainteres sa mahal na prinses.''wika ni Mushka

''Pero kuya papaano kung sa paglalakbay natin ay may humadlang at magtangkang kunin si Cass.'' pag aalalang tugon ni Sashka

''Hindi magiging problema iyon andito ako at ikaw para protektahan siya.''wika ni Mushka

''Maasahan niyo rin ako sa pagtatanggol sa prinsesa, Huwag lang mag alala Cass iaalay ko ang buhay ko para sa iyong dakilang layunin.''tugon ni Apollo sabay yukod sa ating bida.

'' Aba count me in, wag kang mag alala mahal ko andito ako para protektahan ka sa kahit anong panganib.''pagmamayabang ni Vladimir sabay halik sa mga palad nito.

Parang nakuryente ang buong katawan ni Cass sa ginawang paghalik sa kanya ni Vladimir at sa pagbbgay ng assurance ng 2 pang binata sa kanyang kaligtasan. Hindi niya malaman kung bakit nagkakaganito ang kanyang pakiramdam kayat bago pa siya malunod sa kasiyahan na kanyang nadarama ay inayos nito ang kanyang sarili at nagpasalamat sa kabutihan ng 3 binata.

Samantala sa mundo ng mga demonyo ay nagkaroon ng malaking pagpupulong ang mga ito kasama ang kaanib nilang mga mangkukulam, manggagaway at mga taong nakulong sa netopia dahil sa paghahangad ng masamang kapangyarihan.,

''Budlat nagawa mo ba ang pinapagawa ko sayo?'' tugon ng punong demonyo na si Gaston

''Opo master, nalagyan ko po ng gayuma ang mahal na prinsesang si Cassiopea.'' tugon ng halimaw.

''Magaling, magaling dahil sa ginawa mong iyan ay ang tanging maiisip lang ng kamahalan ay ang pagligtas sa kanyang magulang at ang pag ibig sa kapwa niya nilalang. Hindi dpt siya makaramdam ng awa sa mga tao o maisip lamang na mag dalawang isip na huwag ituloy ang itinakda sa kanya na palayaain tayo sa mundong ito.''tugon ng demonyo

''Papaano kung hindi tumalab ang plano nito Gaton.'' wika ng mangkukulam na si Matilda

''May iba pa nmn akong paraan para lamang magawa niya ang kanyang kapalaran, mga kampon subaybayan niyo ang mahal na prinsesa kailangan niya taong mapalaya sa lalong madaling panahon.''utos ng demonyo

Nagpatuloy sa paglalakbay si Cass kasama ang kanyang mga kasama, gmit ang karwahe na pinapatakdo ng kabayo sila ang nagtungo sa lugar na kung saan 
naroroon si Tandang Mawi. Sa karwahe ni Cass kasama niya si Musha sa loob at sa labas nmn ay sila Vladimir at Sashka na siyang nagmamaneho sa sasakyan at si Apolo na nasa bubungan ng sasakyan na tumutugtog bilang pang aliw sa kaniyang mga kasama habang nag lalakbay.

''Cass ok ka lang?.'' tanong ni Mushka sa dalaga habang nakatingin sa malayo at malalim ang iniisip.

'' Ah wala , di ko kasi namalayan na nag bday ako kahapon, hehe first time kasi na di ko naalaal na kaarawan ko pala sa dinami dami ng problemang dapat kong harapin.''malungkot na tugon ni Cass

Ramdam ni Mushka ang paghihirap at kalungkutan ni Cass, kayat lumapit ito tumabi sa kanya at nilagay nito ang ulo ng dalaga sa kanyang mga balikat.

''Pasencia ka na, alam ko ang bgat ng tungkuln na dapat mong harapin pero wag kang mag alala andito ako para sau huwag kang matakot na sumandig sa balikat ko, huwag kang mahihiya na lumapit at umiyak sa tabi ko, lagi akong nandito para sau Cass, i am born to serve you.'' sabay himas sa buhok ng lumuluhang si Cass

''Thank u Mushka, kung wala ka di ko na cguro alam kung ano gagawin ko at malamang napano na ako sa mundong ito.'' tugon ni Cass

Tumingala si Cass ay nagtama ang kanyang mga mata sa mata ni Mushka. Napako ang tingin ng binata sa mga bata ng dalaga, dahan dahang naglapat ang kanilang mga labi at isang maalab na pagpapalitan ng mga emosyon. Ngunit biglang naputol ang paghahalikan ng biglng kumalabog ang karwahe na sanhi ng pagkakabunggo sa isang bato.

''Im sorry Cass, nadala ako im really sorry.'' wika ni Mushka

''Its ok.'' sabay layo ng kanyang pagtingin sa mga nakatitig na mata ni Mushka.

''Anong nangyayari sakin?my god!.'' tugon nito sa sarli.

ITUTULOY... 
 

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 63.9K 21
- Best friends since elementary. - Grew up and seen each other's naked body parts. - Accompanied the other in his circumcision. - Slept wasted in t...
38.8K 402 45
[Filipino] Si Lolita Santos, isang trabahadora ng Hacienda de Guevarra, ay may tinatagong malagkit na pagtingin--este, pagmamahal kay Leonardo Raphae...
182K 1.8K 31
Pinag-isa ko na po ang Book 1, Book 2 at Book 3. Title ng book ay Ang Girlfriend Kong Secret Agent (Book 1, 2, 3) Thank you:)
24.8K 2.7K 62
The GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay...