Kez's
"Kez!Kez!Kez!" sunod-sunod na tawag sa akin ng isang babae.
"What now?It's too early!" sabi ko at itinaklob ang kumot sa aking katawan,tinakpan ko na rin ang aking ulo upang hindi na rin ako mabulabog.
Ngunit ilang sandali ang nakalipas ay tinanggal niya ang aking pagkataklob ng kumot,dali dali akong dumilat.
"What the?" napaupo ako dahil binasa ako ni Aey.
"Anong sinasabi mong maaga pa?Duh!" itinuro ni Aey ang wall clock ko.
"5:30?" I rolled my eyes as I said what time is it.Anong oras palang?
"Ang sabi ni men-men,kailangan nasa meeting place na tayo bago pa magkaroon ng araw!"
"Aish!"Naalala kong aalis nga pala kami ngayon.
Tumayo ako upang pag-ayos na.ngunit laking gulat ko nang makita ko ang tatlong lalaki na prenteng naka-upo sa sofa.
"Kit?Leo?Tin?" tanong ko sa isip ko,grabe nakakahiya lang dahil nakita ako ni Tin na ganito ang itsura ko.
"Cute" bago ako pumaosk sa Cr ay may narinig akong nag-salita.
Naalala kong aalis nga pala kami para sa gaganaping defense.mas binilisan ko pa ang pagkilos ko dahil nakakahiya naman sa mga kasamako na ayos na at aalis na lang,atsaka doon sa pupuntahan naming.
Ngayon na nga lang uli kami sasali mali-late pa kami.
*****
Aey's
Nagising ako dahil sa init na aking naramdaman sa aking pulsuhan,nag-set kasi ako ng alarm sa aking birthstone.
Nagsimula na rin akong kumilos para hindi ma-late,mahirap nab aka maging rapper nanaman si men-men sa amin kapag nahuli kami.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis at kumain na rin ako,naghahanda pa lang ako ng aking akakainin nang dumating si Leo.Sinabi niyang dito na lang daw siya kakain dahil tinatamad siyang mag-luto.
Nagtataka ako dahil habang kami ay kumakain ay napansin kong napakatahimik.
"Gising na ba iyong iba?" tanong ko dito sa mokong na ito.
"Susunod na lang daw sila" simpleng sabi niya hbang kumakain.
Pagkatapos kumain ay kinuha ko na ang mga gamit na aking gagamitin,muli kong sinulyapan ang aking dorm napabuntong hininga ako dahilhindi ko alam kung ito na ba ang huling pag-sulyap ko dito.
Hindi kasi natin alam ang mangyayari sa Battle.
"Babes,para kang tanga,umiiyak ka wala naman akong ginagaw sayo"
Hindi ko malalaman na umiiyak pala ako kung hindi sinabi ng mokong na ito.Pinunasan komuna ang pisngi ko bago siya binatukan.
Sa aming paglalakad,ay nakasalubong naming sina Kit at Tin dala dala ang kanilang mga gamit.Grabe sila Isang malaking bag at isang maliit ang dala-dala nila samantalang ko ay dalawang malaking bag.
Napagpasyahan naming pummunta muna kay Kez at isusunod na lamang si princess.
Nakailang katok na ako ngunit hindi pa rin sumasagot ang bruha.
"Kez!Kez!Kez!" sunod-sunod na tawag katok muli ang aking ginawa.Hindi siya muli sumagot kaya pwersahan ko na lang na pinasok ang pintuan.Baka tulog pa itong bruha na ito dahil ang tahimik sa loob.
Tama nga ang hinala ko dahil nakita ko ang babaeng ito na nakahiga pa sa kaniiyang kama,gulo-gulo ang kaniyang buhok pero bakit ganon!?
Ang ganda niya pa rin?Hustisya,please!
Tinawag kong muli siya.
"What now?It's too early!" sabi niya at tumingin sa akin,hinila niya ang kaniyang kumot at nagtaklob.Aba!?Wala ba itong balak na kumilos?
Ang unfair naman kung kami maagang nagising at siya ay nautulog pa rin hanggang ngayon diba?Pinilit kong tanggalin ang kumot,nang matanggal koi to ay gumawa ako ng isang maliit na water ball,at pinapunta ko sa kaniyang direksyon.
You left me no choice,Kez.
"What the?" napaupo naman siya dahil sa akin ginawa.
"Anong sinasabi mong maaga pa?Duh!" itinuro ko ang wall clock,tumingin din siya ngunit nakaukit sa kaniyang mukha ang pagka-lito.
"5:30?" Nakita ko naming pina-ikot nya ang kaniyang itim sa mata.Aba!?May gana pa siyang tumaray!Hindi ata alam nito ang gagawin naming ngayon or sadyang alam niya pero nakalimutan niya?
"Ang sabi ni men-men,kailangan nasa meeting place na tayo bago pa magkaroon ng araw!"pagpapa-alala ko sa kaniya.
"Aish!"Siguro'y nag-sink in na sa kaniyang utak ang mga sinabi ko kaya napabalikwas siya at dali daling pumuntang banyo.
"Cute" narinig kong sambit ni Tin,hay nako.Ako kinikilig sa kanilang dalawa eh.
Pagkatapos niyang maligo ay kumain na siya tinanong niya kami kung kumain na daw ba kami.Tumango ako pero itong si Leo ay sabi niya hindi pa nakisalo siya kay Kez.
Ibang klase talaga ito.Kumain na siya sa dorm ah?Balak niya bang makikain sa aming lahat?
"Miss Kez!Miss Kez narinig nmin ang pagkatok ng isang babae.
"Pasok" sabi ni Kez habang kumakain.
Pumasok naman ang babae---si Judy na hingal na hingal.
"*hinga* buti naman nandito na *hinga* kayo hindi ko na *hinga* kailangan pa mag isa isa ng*hinga* kwarto"sabi iya binigyan naman siya ni Leo ng tubig at agad niya itong iinom.
"Bakit ka ba hinihingal?"
"Ikaw ba naman ang tumakbo papunta dito eh" sabi niya at pinunasan ang kaniyang bibig.
Huh?
"Akala ko ba ay Speed ang main mo,bakit ka napapagod?" taking tanong ko sa kaniiya.
"Ay,oo nga ano?" napakamot pa siya sa batok.
What?!Ano iyon hindi niya ginamit ang main niya?Baliw.
"Ayun nga,pinapunta—este pinatakbo ang dito ni Miss Carmen para sunduin kayo kasi nandoon na daw ang laat para sa gaganaping program bago kayo umalis"
Dali dali naming tinapos ng dalawa ang kanilang kinakain.
Kaming lima na ang umalis,dahil nandoon na daw si princess kanina pa.Wew,nakakahiya.
"What the hell did you do!" singhal sa amin ni men-men,ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.
Hindi na lang naming siya pinansin,sinimulan na ang program.Nasa gitnang stage si Princess at katabi niya si Kit --- prince! Nakatingin lamang sila sa mga tao at hindi nag-uusap.Anong nangyari?
Sinabi ni men-men na maya maya lamang ay aalis na kami para sa defense.Sinabi niya na rin na para itong Farewell Program.
Maraming sinabi si men-men,maraming sinabi ang mga estudyante karamihan ay Matriarch students na mag-ingat kami at sana'y Manalo kami.
"BRING HOME THE TITLE,THE SPIX!"sabay sabay na sabi ng mga estudyante.
Yeah,WE will bring home the title that was taken from our University.
***
PRINCESS'
"Princess ako nap o" sabi ng isang alalay na kanina ding nagbuhat ng mga gamit ko.
"Ako na manang,isa lang naman po ito atsaka isang maliit" sabi ko at ngumiti na lang kay manang.Ang sabi niya ang main niya ay kaya niyang magbuhat ng mga mabibigat na bagay.
"Princess!" tawag sa ain ng isang estudyante mula sa crowd.
"Oh,Ysha!" nakangiti kong salubong sa kaniya.
"Princess,uhm,alam kong sobra itong itatanong ko pero..." nahihiya niyang sabi,kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at ngumiti sa akin.
"What's it?"nakangiting tanong ko,binuhat ko na ang mga gamit ko at nagsimulang maglakad,nakisabay naman siya sa akin.
"Ano kasi..Princess,pwede ba akong sumama sa inyo?" tanong niya nang makarating kami sa kinaroroonan nila men-men.
"Oh my gosh!Princess humiwalay ka nga diyan" hinila ako ni Kez nang makita niyang kasama ko si Ysha.
"Complete?" sigaw ni men-men.
"Saglit lang!Pwede ba nating isama si Ysha?" tanong ko sa kanila at nakita ko ang pagkakunot ng kanilang noo.
"What the!?"
"Baka anong gawin niya sa'yo!"
"Only The Spix"
Sabi nila.
"No,Princess.Sinabi na naming sa mga estudyante na walang ibang sasama kung hindi kayo lamang,kayong The Spix lamang.Hindi ko alam kung nakikinig iyang kasama mo"sinabi ni Men-men with authority.
Napayuko naman si Ysha at nakita ko ang kalungkutan sa kaniyang mukha.
"Hindi daw pwede Ysha eh,sorry" sabi ko sa kaniya at yinakap siya.
"Don't say sorry,Princess!" sabi ni Tin.Hindi ko naman siya pinansin bagkus ay hinagod ko ang likod ni Ysha.
Ngunit nagulat ako ng bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap at pinaikutan ako ng mata.Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin noon dahil hindi nagsalita si Kez o si Aey.
Baka siguro namamalikmata lang ako na tumaray siya,si Ysha tatarat?Eh ang bait bait non.Ang ganda pa.
Tumalikod ako paharap at nakita ko si Ysha na niyakap si Kit.
"Oh my dear Kit,bakit kasi kailangang kasama ka eh" malungkot niyang sabi.Isinisiksik iya ang mukha niya sa dbdib ni kit.
Eh?
"higad!" bulong ni Kez.
Wala naming ginawa si Kit,nakatingin lamang siya kay Ysha at parang nagdadalaang isip kung kakausapin niya ito.Tumingin sa akin si Kit at ako'y nag-ias agad ng tingin.
"Wala na tuloy tayong oras para sa isa' isa" sabi pa ni Ysha,ano ano bang pinag-sasabi niya?
Close ba sila ni Kit?
"Student,go away.We're going to leave" sabi ni Tin.Ngunit hindi siya pinansin ni Ysha,mas lalo pang hinigpitan ni Ysha ang pagkakayaap niya kay Kit,wala pa rin ginagawa si Kit.
"I hope I can go with you" sabi niya at tiningnanang mukha ni Kit ganon din ang ginawa ni Kit ngunit wala kang makikiang emosyon sa kaniyang mukha.
They look like a couple.
"Pwede bang ako na lang ang pumalit kay Princess? Tutal,Well-trained ako,at balita sa University na hindi pa nila nakikitang mag-training si Princess" nagulat ako sa sinabi ni Ysha habang nakatingin sa akin,nananatiling nakayakap kay Kit ang kaniyang mga kamay.
"Pwede naman,basta pwede din bang sabunutan ka?" sarkastikong sabi ni Aey,nakita ko rin si Kez na tumataas ang kaniyag buhok sign na naiinis siya sa isang tao.
Natamaan ako sa sinabi ni Ysha,tama naman siya eh,halos ilang beses lang ako nag-training.Atsaka mukha naman talagang malakas at hasa na niyang gamitin iyong main niya.
Eh ako?Ako nga ang may hawak ng pinakamakapangyarihan na main sa University pero hindi ko naman kaya itong kontrolin.
Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpauna na lang sa isang saskyan.Kasing laki lamang ito ng isang van kung tutuusin,mayroon naming sumunod sa akin na mga babae dala dala ang mga pagkaing pwede naming kainin si biyahe.
Humanap ako ng magandang pwedeng upuan,nakita ko ang isang upuan sa pinaka-likod ng sasakyan sa may bintana.Nilakad koi yon ngunit nakakailag hakbang na ako ay hindi ko pa rin ito nararating,Ilang sandal ay narrating ko na ito.
Nilaagay ko ang bag ko sa itaas,at umupo na.
"Thank you po" sabi ko sa mga babaeng nagdala ng pagkain.
"It's our pleasure,princess" sabaysabay nilang yuko.
I really hate it when they call me princess.
Akaramdam ako ng lambot sa aking pwetan ng umupo ako,naghanap ako ng pwedeng patungan ng aking paa.Ngunit wala akong makita.
Itinaas ko ang aking paa ngunit nagulat ako ng biglang humaba itong upuan na inuupuan ko.Sapat na para higaan ko.
"Am I that weak?" tanong ko sa sarili ko at tumingin sa bintana.
Oo nga,hindi ako masyadong nakapag-sanay,ibig sabihin lamang noon ay hindi ko masyadong hasa gamitin itong main ko.
Ito ang hirap ko sa main ko eh,masyadong malakas kaya kailangan ng puspusang training.Pero anong magagawa ko?Kababalik lang sa akin ng birthstone ko.
Bumalik sa aking isipan ang mga lectures na sinabi sa amin ni men-men.
"Kailangang kontrolin mo ang Complete Arsenal,kung hindi ang Complete Arsenal ang kokontrol sa iyo"
Nakakatakot pero totoo.
Naramdaman ko nanamang pumatak ang mga luha ko,nabasa na rin ang higaan sa aking gilid,kanina pa pala ako umiiyak.
"Silly" sabi ko sa sarili ko,naghanap ako ng kumot at nakita koi to sa may ulo ko.Inayos ko ang aking pwesto ngunit meron akong nakitang kumikinang sa aking gilid kung saan pumatak ang mga luha ko.
Kinuha ko ito at naramdamang edyo basa pa."Stones?" nasabi ko sa sarili ko.
Saan naman kaya ito galing?
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at isinawalang bahala lahaat ng nangyari kanina.
*****
"THE SPIX!" nagising ako dahil sa sigaw ng kung sino.
"Sinabi ko na sa inyo na mabilis lang ang biyahe natin pero nakatulognpa rin kayo!" pagalit sa amin ni men-men.
Kinusot kusot ko ang ga mata ko at umupo.
Nasaan na kami?
"We're here at University's Place,dito gaganapin ang Defense!"pinagmadali pa kami ni men-men,inayos ko na ang aking sarili.
Pinanatili kong naka-pony tail ang aking buhok,tumayo na ako para kunin ang mga gamit ko ngunit kasabay ng aking pagtayo ay ang pagkahulog ng mga kumikinang na mga bato galing siguro sa lap ko.
Pinulot koi to at naalala kong io iyong mga batong kumikinang kanina bago ako makatulog
"Princess!" inakbayan ako ni Kez.
:Hindi na kita napuntahan kanina ah?Kasi may mga invisible barriers sa bawat higaan eh!" naiinis na sabi ni Kez,invisible barriers?
Pumasok na kami sa loob,namangha ako dahil entrada pa lamang ay maganda na.Pagtapak ko papuntang loob ay may naramdaman akong parang may biglang nagbago sa aking katawan.
"What the?Naramdaman niyo iyon?" sabi ni Leo at tumingin siya sa amin,napatango na lamang kami at nagulat ko ng makita ko ang mata ni Leo na kulay Violet!
Sasabihin ko n asana sa kaniya ngunit inunahan na ako ni Aey."
"Oy!mokong!Kulay Violet yung mata mo!"
"huh?" taking tanong niya,tumingin naman siya kay Aey at nakita kong kulay ube na rin ang mata nito.
Ganoon din ang iba kaya namangha ako,iba nga lang ang kay Kez dahil hindi lamang mata niya ang nagkulay violet pati na rin ang buhok niya.
"Continue walking the Spix" sabi sa amin ni men-men,ganoon din ang ata niya naging kulay violet.
Pinagpatuloy namin ang aming paglalakad.Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at nakita ang iba pang mga nagsisidatingan na mga estudyante.
Merong iba't ibang mga kulay ang kanilang mga suot.
May blue,Green,white,reddish-brown at iba pa na na mga kulay na nagrerepresenta sa kanilang Birthstone University.
"Dito gaganapin ang defense niyo,as you can see,dumadating na rin ang ibang mga estudyante"
Sabi ni menmen.
Ang ganda naman dito.Feeling mo nasa isa kang palasyo na kung saan maraming gintong gamit.Grabe!Nakakahiya ngang tumapak dito ng naka sapatos eh.
Paano ba naman?Naka-red carpet kami.Kung hindi gold ang gamit dito-silver!
Iyong pintuan na pinasukan namin kanina,Silver siya pero may mga kumikinang kinang na gold.Meron ding mga pictures pag kapasok mo.
Siguro ito iyong mga pinakamalalakas.Naiiba ito dahil hindi lamang sa frame nila na iba-iba ang kulay bawat picture--- kung hindi dahil sa mismong picture!
Iyong picture kasi,gumagalaw!
"H'wag kayong masyadong tumitig diyan,baka mabuhay iyan at titigan din kayo" pananakot sa amin.
Oh.Patay na pala sila.
"Patay na pala sila!?How come?Bakit gumagalaw iyong picture sa frame?" Hirit ni Aey.
"Ganiyan ang picture dito.Kahit naman sa University natin at iba.Ica-capture nila iyong picture kahit na gumagalaw ka pa.Result,gumagalaw iyong picture,pero hanggang 3 seconds lang iyon at uulit ulit na"
Pero bakit naman hindi ko pa nata-try iyong camera na iyon?Pero astig ah.
"Iyang mga nakikita niyong mga taong iyan ay ang mga nakagawa o may nagawang gawain na nakapagpakilala sa University nila"
Habang nakatingin sa mga taong iyon ay nagsasalita si men men.Nagtataka tuloy ako kasi ang babata pa ng mga mukha nila.Mukhang mga kasing edad namin or kasing edad ng mga matriarch students.
Pero bakit patay na?
"As you've noticed.They're too young to die.Pero lagi niyong tatandaan na walang pinipiling oras ang kamatayan,kahit na bata ka pa,may possibility kang mamatay.Pero hindi ko naman sinasabing lahat ng iyan pagkatapos mamatay ay pinapa-frame" nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakatingin sa frames.
Marami din ang mga nakadikit--este nakalutang na frame dito.Nakalutang kasi sila,sa ibaba ng frame may makikita kang usok na para bang ito ang dahilan kung bakit nakalutan ang mga ito.
Bawat frame ay may iba't ibang usok.Merong Green,Reddish-brown,White,Blue etc. Na nasa ilalim.
"That smoke below the frame is the color of the Birthstone University where they came from"
Ah.Okay that explains.Merong mga frame na iisa lang ang tao na nandoon o kaya ay maramihan.
"Pero bakit yung iba madami?"
"It's because of the Battle"
Pagkarinig ko noon ay parang tinambol ang aking puso.Nakaramdam ako ng matinding takot at kaba nang malaman ko na dahil sa battle namatay ang grupong iyon.
Tiningnan ko ang usok sa ilalim pero mas nakadagdag pa sa aking takot nang makitang itim ito.
Topaz?Topaz University?
"That group is from Topaz University!their group won last battle.Naiiba sila sa dahil buhay pa sila" sabi ni men men habang nakatigil kami sa isang frame,kami'y medyo nakatingala dahil mas matangkad sa amin ang frame.
Talagang naiiba ang grupong ito dahil sa itaas ng frame ay mayroong crown.Ito siguro ang crown ng pagkapanalo nila sa Battle.
Grabe naman ang kanilang mukha.Ang grupo nila ay binubuo ng lima.Tatlong lalaki,dalawang babae.Iyong isang babae ay nakangiti ngunit makikita mo ang pagtaas ng kaniyang kanang kilay.
I think,mataray siya.
Iyong isa naman ay walang emosyon.Iyong tatlong lalaki ay nakangiti lang din.
Ipinagpatuloy na lang namin ang aming paglalakad dahil magsisimula na daw ang defense.Kailangan na naming ilapag ang gamit namin.
"Violet?Ngayon ko lang sila nakita ah"
"Oo nga,ano kayang university sila?"
"Color Violet is for Amethyst Birthstone"
"Oh my gosh!Amethyst University!?"
Sa aming paglalakad ay naririnig ko ang sinasabi ng mga tao.
Napapatingin naman ako sa nagsasalita,talaga naman kasing nakakaagaw sila ng atensyon dahil sa mga ginagawa nila.Meron kasing naghahampasan,kesyo ang guwapo daw ni Kit.
Halos paikutin ko na ang mga mata ko sa mga sinasabi nila.Hindi ko alam,tuwing naririnig ko ang mga sinasabi nila tungkol kay Kit eh bigla na lang nag-iinit ang ulo ko.
Anong nangyayari sa akin?
*****
"Good Afternoon to all of students here!"
Halos mabingi ako sa pagbati ng isang babae doon sa harapan.Hindi ko alam kung tuwang tuwa lang siya o talagang naninigaw siya eh.
May ilan namang sumagot may ilang hindi.Nandito kami ngayon sa Universities' Place.
Maraming sinabi si Miss Anne,si Miss Anne ay secretary ni Melvourne-- the most powerful Matra living.
Itong defense namin ay madali lang.Parang isang contest,pero walang Question and Answer portion.
First part ng Defense ay Introduction,dito mo ipakikilala ang sarili mo.Pero hindi mo sasabihin kung saang University ka galing.Sa Introduction din,tatanggalin muna iyong mga kulay sa mga mata namin.Kasi doon mo malalaman kung saan ka galing.
Second Part ay oras para i-describe ang University mo.
Last part,announcement na agad.Dito na sasabihin kung sino ang mga nanalo sa defense na pasok na sa BATTLE.Dito mo na rin ibubunyag kung saang University ka galing.Pasabog kung baga.
Kanina pa nagsimula ang Introduction siguro mga walo o pito na ang nagpakilala.I didn't bother to watch.Hindi ko naman kailangang kabisaduhin ang pangalan nila diba?
"Andrea" sabi ng isang babae.Familiar siya ah?
"Venus!" Masayang sabi naman ng sumunod sa kaniya.
"Amiel"
"Alex"
"Achille"
They all look familiar!
Madami pang nagpakilala.Hindi ko alam pero iyong kanina talaga familiar sa akin eh.
But,Achille?
Napatingin naman ako kay Kit pero imbis na tumingin ay bigla akong nakaramdam ng galit.
Is he angry?
We're number two.Yes,nagpakilalaa na kami.Kanina pa.Isinawalang bahala ko na lamang iyon.Nagpapasalamat pa nga ako dahil nakaligtas si Achille sa panaginip na iyon.
Pero nakakaramdam ako ng galit dahil sa lalaking iyon--kit!
Galit siya kaya nararamdaman ko ang galit niya.Mag ka-bond nga kami diba?!
"Now may we call on number 2!" Anunsyo ni Miss Anne.
Pumunta naman kami doon sa harapan.
"Yow!I'm the heartthrob of our school" panimula ni Leo.
Nakatanggap naman siya ng batok kay Aey.
"Quite"
"Powerful"
"Decade years ago"
"Nawala ang importante sa kanila"
"Quite yet the most powerful University,decade years ago.And yes,We lost the most important person in our University"pagtatapos ko.
Maraming nagulat sa kanila ngunit hindi sila naglabas ng kahit anong boses dahil kailangan ay tahimik lamang.
***
Ngayon naman ay ang huling part ng Defense.
"And to end our Defense.I'll announce the winners!"
Eh?Agad?I thought that Defense is a physical Combat.Akala ko lang pala iyon.
Ilang number na ang sinasabi ni Miss Anne.Kami'y nandito pa rin nakaupo sa aming mga upuan.Iyong iba ay nagsisi-sigawan dahil natawag ang kanilang mga numero.
"Oh my!" Sigaw ng isang babbae nang marinig ang kanilang numero.Nagyakapan sila ng kaniyang ma kasama.
Hindi ba tatawagin ang number namin?
"Number 11 also!" Sinabi ni Miss Anne,umaasa akong merong magre-react ngunit wala.
"Pasok nanaman tayo!" Meron pala.Napatayo ang isang lalaki,at nakipag-fist bump sa mga kasama niya.
Ow.Sila.Familiar talaga sila.
"Number 2,where are you?" Tawag pansin sa numero namin,agad kaming napalingon doon at mukhang nalaman naman ni Miss kung nasaan kami.
"Why are you sad!You should be glad because you also won!"
Panalo kami?
Panalo?
Ilang pagiisip ang aking ginawa bago mag-sink in sa aking utak na...
"Nanalo kami!" Kez shouted.
Oo,nanalo kami!
Grabeng saya ang aking nararamdaman,ang saya saya ko.Dahil sa pasok na kami.Nagpapasalamat ako sa kanila!Mailalaban na muli namin ang aming University!
"What the ef!?I can't believe this!" Sinabi pa ni Aey na maluha-luha.Naluluha siya pero natatawa.
Iyong mga lalaki ay nakkaupo at nakangiti lamang.Himala!Nanahimik si Leo.
"Mas pagbubutihin ko pa!" Sabi ni Kez na pinupunasan ang kaniyang mga luha.
Tears of Joy?Yes.
"I'm so happy!All of the members of Circle of Birthstone Universities won!" Sabi ni Miss Anne.
"Ang galing"
"Ngayon lang nangyari ito noh?"
Daing ng mga ibang estudyante.Iyong iba ay nakkatingin sa amin,nginingitian ko na lamang sila.Bakit ganon sila makatingin?
Tingin na para bang ngayon lang nila kami nakita.Tingin na para bang pinapatay nila kami sa kanilang isipan.
Wala pa iyong Battle pero natatakot na ako sa kanila.
"Number 11,wanna inform them what University you guys came from?"
"We don't want.Kahit naman hindi na kami magpakilala,alam niyo na kung saang University kami nagmula.Kami ang nanalo last Battle!" May authority sa lalaki ng sabihin niya iyon.
Ang number 11 pala.Sila ang nanalo noong last Battle.Grabe ka-cold ang boses noong nagsalita.Ang talim din ng mga tingin niya.
"TOPAZ UNIVERSITY!" Sigaw ng kung sino.
Topaz University!?
Pinigilan ko ang aking sarili sa pagtawa.Topaz University.Ang Univeruty na nagbigay ng mga threats sa amin.
Sila pala ang nanalo noong Last Battle?Pero bakit ganon,imbis na ako'y matakot sa kanila,natatawa pa ako?
I can't feel them.
Hindi sila nakakatakot.
Matapos ang sinabi ng isang lalaki mula sa Topaz University nagpatuloy sila sa pagbubunyag ng kanilang mga University.Totoo nga ang sinabi ni Miss Anne.Talagang kompleto ang Twelve Birthstone Universities.
"Number 2?Your faces is new to me.Is it okay to know your University?" Tanong niya sa amin.
Walang sumagot sa amin kaya ako na lang.Hindi na ako nagabalaang tumayo dahil nakakatamad.
"Well,It's for you to find out!" Sambit ko at kinindatan pa silang mga nakatingin sa amin.
"Mysterious ang mga nasa number 2!Its for us to find out!"
Natapos ang Defense at bumalik na kami sa kaniya kaniya naming kuwarto.Sabi ni men men aalis rin kami bukas upang makapag-training sa nalalapit na Battle.
Gumaan naman ang aking loob dahil makakapag-training ako.Alam ko naman sa sarili ko na hindi pa sapat ang training na ginawa ko,kaya talagang nagpapasalamat ako.
****
Kinaumagahan ay umalis na rin kami sa Universities' Place.
Muli kong sinulyapan ang gate nila at nakita ko ang isang hologram na nakalutang.
Ako'y nakaramdam ng tuwa,takot,excitement at kaba sa aking nabasa.
"BATTLE:CIRCLE OF BIRTHSTONE UNIVERSITIES"pagkabasa ko sa nakalagay.
***
We're 'The Spix' from Amethyst University and we'll make sure that we will bring home the title that's originally ours!
***
End of Season 1
***