Draw Me Close [DMC]

By kirimaru

17.9K 547 108

Alpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman... More

Draw Me Close #DMC
About the Author
Teaser
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XX
Kabanata XXI

Kabanata XIX

305 16 0
By kirimaru

Pirma

ANONG ibig niyang sabihin doon? Pipilitin niya bang umalis sa misyon si Ezekiela? Nahihibang na yata ang lalaking ito dahil gumagawa siya ng aksyong wala naman sa plano. Huli na ang lahat para umatras pa siya. Iilang araw na lang ang natitira para dito at hindi niya tatanggapin ang maaring maging tingin sakaniya ng mga tao lalo na ng mga kasamahan niya. Ang ninong niya. Pati na rin ang lolo niya. Hindi pa rin halos nalalaman ni Ezekiela ang tungkol sa Alejandro na dapat niyang kilalanin.

And why was I even bothered by that man?

Oo nga naman! Hindi naman dapat siyang mag-isip tungkol sa sinasabi ng binata lalo na at wala na itong pakialam sa gusto niyang gawin sa sarili niya. Wala itong karapatan! Hindi kayang isipin ni Ezekiela na concern ang binata dahil hindi naman talaga! Nakakakilabot. Ang kaaway niyang ito ay kahit kailan ay hindi magkakaroon ng pakialam sakaniya.

"Bitawan mo ko." Malamig na sabi ni En pagkatapos marinig at mapag-isip isip ang binitawang salita ng lalaki.

Lumuwag ang kapit sakaniya ni Junex ngunit hindi pa rin siya pinapakawalan.

"I said let me go!"

Hindi na naiwasan ni En na tumaas ang tono ng boses niya dahil sa kakulitang pinapakita ni Junex. Sinabi na nga niyang bitawan siya, ayaw pa rin bumitaw!

Kaya sa pagkairita ng dalaga ay marahas niyang winaksi ang kamay para alisin ang hawak ni Junex sa pisngi niya. Naiinis niyang tinitigan ito saka kaagad tinalikuran para umikot papuntang driver's seat para buksan ang pintuan. Ngunit sa mabilis na kilos ng binata, bago pa man ma-lock ni Eze ang lahat ng pintuan ay napasok na ni Junex ang shotgun seat sa tabi nito.

"What the f--" bago pa bumuga ng isang malakas na mura si Eze ay natigil na siya sa ginawa ng lalaki.

Isang mabilis na labi ang dumikit sa kaniya!

Sa gulat ni Eze ay nanlalaking matang muntik na masampal niya ang binata. Reflexes siguro ngunit nasapo ni Junex ang kamay ni Eze at hinigit palapit sakaniya para siya naman ang makahalik sa lalaki.

"Now, we're even."

Ngumisi lang si Junex pagkayari ng lahat. Ang lalaki ay malakas ang loob na tumitig pa sakaniya. Wala namang na ging reaksyon ang dalaga dahil sa gulat sa lahat ng nangyari. Hindi man lang niya mailarawan ang halik dahil sa bilis nito. Ni ang pakiramdam nga niya ay parang nawala. Pati ito ay natalo siya. Tanging mata niya lang ang may hawak ng ebidensya laban sa pangahas na binatang ito!

"I told you that you're not going to be happy on what I'm going to do to you." Nang-tutukso nitong sabi kay Ezekiela pero ang dalaga ay hindi pa rin makapagsalita.

Malalaki pa rin ang mata at namumula ang mga pisngi. Kitang kita siguro 'yon kung hindi lang dim ang liwanag na pumapasok sa kotse niya.

Nang makagising sa pagkakagulat ay tinitigan niya ng masama si Junex at sininghalan. "So, eto pala yung gagawin mo?!"

Parang batang tumango ang lalaki kaya mas lalo nag-init ang ulo ni Ezekiela at lumabas ng sasakyan niya. Para mapalayas na ang walang modong lalaking ito. Hihilahin niya ito palabas ng sapilitan!

Umikot siya at hinila ang kabilang pintuan ngunit hindi niya mabuksan! Ang damuhong lalaki ay ni-lock ang pinto!

"Junex!"

Sa unang pagkakataon ay tinawag niya ang pangalan ni Alpha. Kinabog niya ang bintana nang hindi na nag-alinlangan pa kung masira ang sariling sasakyan. Because her only concern now is to kick Junex' ass out of her car!

"Open this damn door! Now!"

Nanliliit ang mga mata namang inaninag ni Ezekiela ang salamin. Hindi niya masyadong makita ang itsura ng binata dahil sa tint ng sasakyan niya.

Bumungad ang nakangising itsura ni Junex nang ibaba nito ang bintana. Nakapaskil dito ang nakakalokong ngisi na gustong gustong burahin ni Ezekiela mula dito.

"You jerk!" Hinablot niya ang kwelyo nang lalaki at nilapit ito sakaniya. "Tigilan mo ko. Kanina pa ko nagpipigil sa'yo, Alpha."

"I like it when you call my name but I love Alpha better. It looked like I'm more dominant than you." Nagkibit balikat si Junex saka kumindat sakaniya.

That's it. Napigtas na ang pasensya ni Eze kaya kaagad niyang hinigpitan ang hawak sa kwelyo nito at halos masakal niya na ang binata ngunit hindi man lang nagpakita nang kahit na anong emosyon si Junex bukod sa nang-iinsultong ngising nakapinta sa mukha nito. Sa sobrang pagkainis ni Eze ay malakas niyang inuntog sa sariling noo ang binata. Halatang hindi inaasahan ang nangyari dahil nalukot ang mukha ni Junex nang bitawan ni Ezekiela sa kwelyo.

"You want to come with me? Then, go. Tiisin mo 'yang migraine mo."

"Fuck." Hawak hawak ni Junex ang masakit na ulo saka uminda pa lalo.

Si Ezekiela naman ay tinalikuran ang ang lalaki at umikot na sa driver's seat at nagmaneho na sa lugar na pinaplanong niyang puntahan.

NAG-PARK siya sa basement ng isang mall malapit sa lugar nila. Kasama pa rin niya si Junex na walang kibong nakahalukipkip. Binigyan niya ito ng isang tingin bago hinalungkat ang gamit niya para hanapin ang pang-retouch niya. Paniguradong mayroon siyang namumulang noo kaya kailangan niya itong takpan.

Napansin niyang tumingin din sakaniya si Junex ngunit hindi naman nagtagal ang titig. Sinindi ni Eze ang ilaw ng sasakyan saka naglagay ng kaunting press powder sa mukha niya. Inayos niya na rin ang kaniyang cheek tint at nag-apply nang manipis na lipstick saka isinauli ang make-up kit sa bag at pinatay ang ilaw.

Alam na ni Junex na aalis na sila kaya agad itong lumabas. Pinatay naman ni Eze ang aircon ng sasakyan saka ang makina nito bago kinuha naman ang bag at lumabas ng sasakyan. Napansin niyang nakatayo na si Junex sa gilid niya at naglakad na pauna sakanila. Pinindot niya muna ang lock ng sasakyan bago sumunod sa binata.

Hindi sila nagpapansinan. Good for Ezekiela dahil ayaw niyang makausap ang lalaking ito. Si Junex naman ay nauuna pa ring naglalakad sakaniya. Kakaiba naman ang pagtingin ng mga nakakasalubong nito.

May mga nakalagpas na mga batang babaeng humahagikgik nang makita si Junex na nakapagpadagdag sa pagkairita ni Ezekiela. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis samantalang pwede naman silang magpanggap na hindi mahkakakilala lalo na dahil hindi naman sila nag-uusap.

Hindi pinapansing lumiko si Eze sa isang shop na puro pambatang babae ang mga naka-display. Agad bumungad ang nakangiting saleslady at tinanong kaagad kung anong kailangan niya.

"Dresses. For young girls."

Iginaya naman siya nito sa mga nag-gagandahan mga bistida na kung susumahin ay halos kulay pink. Napangiti naman siya sa mga nakita. It's really good when you shop. Kaya kahit may mga kinaliitan siyang mga damit sa masyon ay hindi niya muna piannsin dahil gusto niya ang ideya ng pamimili.

"Can you help me to pick dresses for girls, ages 15 to 5?" Aniya sa saleslady na masaya namang pumili rin katulad niya.

"Para sa kapatid o mga pinsan po ba ito, Ma'am?" Nag-aalinlangan ang babaeng tanong kay Eze dahil imposible naman sa anak ito ni Eze dahil mahigit dalawampu ang bibilan niyang bistida. "Ano po ba ang hilig nilang kulay?"

"Ah, no." Ngumiti si Eze bago namili muli nang mga damit. "Para sa mga bata sa ampunan na pupuntahan ko."

"Ganun po ba? Siguro po ay pink na lang ang karamihan sa piliin na---"

Napansin ni Eze na nahinto ang dalaga kaya tinignan niya ito. Napnsin niyang tumagos lamang sakaniya ang mga mata nito at dumiretso sa likod niya.

Si Junex naman pala.

"I lost you."

Ngayon niya lang nakita ang ginawa niyang kalokohan sa binata. Pulang-pula ang noo nito gaya nang inaasahan ni Eze. Kala mo ito nauntog sa isang matigas na bagay. Kaya siguro ito pinagtitinginan kanina.

Napahawak naman sa bibig si Ezekiela nang matawa siya. Sinubukan niyang pigilan ang tawa ngunit di niya nagawa. Ang katabi ding saleslady ay may multo ng tawa sa mga labi na pinipigilan ring ilabas.

Kumunot ang noo ni Junex saka tumingin sa saleslady. Biglang namula ito at nagseryoso ang dalaga saka nauutal na nagtanong.

"W-What do you need, S-sir?

Tinuro naman ni Junex si Ezekiela kaya agad napabaling ang tingin sakaniya ang babae.

Ako ang kailangan niya?

Sa hindi kaalamanan ni Eze ay biglang nag-init ang pisngi niya sa ginawa ng binata. Double meaning.

"Ask her."

Or not.

Kontra agad ni Ezekiela bago pa manuot sa kaisipan niya ang kahibangang naisip. Marahas siyang umiling saka pinagtawanan ang sarili. Gaga ka, En!

Nataranta agad ang babae. "O-Okay po. Ma'am?"

Tinuro naman niya ang mga nagustuhang designs at pinakuha ng mga ilang sizes para sa iniisip niyang mga sukat nito. Nahihirapan pa siyang mag-isip nang sukat nito kaya ang tanging desisyon na lamang ni Eze ay magpasobra ng pili at itago na lamang ang hindi makukuha para sa susunod niyang pupuntahang orphanage. She just told the saleslady to pick those sizes who are for ages 15 to 5 only.

"Why don't you just pick everything with all the sizes? Para di ka na mahirapan mag-isip ng sukat nila."

Napatanga naman ang mga saleslady na nakarinig kay Junex. Halos malalaglag naman ang panga ng nasa harapan nilang dalaga.

"Tss. Shut up, Junex. You're not helping."

Inirapan na lamang siya ng dalaga saka humarap sa saleslady at magpakuha na naman ng isang size para sa isang design na nagustuhan niya.

Nang makaalis ang babae ay abot ang tahip ng dibdib ni Eze nang maramdaman ang mainit na braso ng isang lalaki sa likod niya. Lumapit pa lalo ito para magkapantay ang mga labi nito at ang kaniyang tenga.

"Damn. Stop saying my name, En. I'm having goosebumps here."

Pagkabanggit ni Junex ng mga salitang iyon ay nakaramdam din si Eze nang kaparehas nang nararamdaman ng binata. Tumindig ang balahibo niya sa nangyari kaya pumiglas siya at binigyan ito nang masamang tingin bago mas lalo pang lumayo nang makita ang papadating na saleslady.

Nang makita na ni En na marami-rami na rin ang napili nila. "Okay na lahat 'yan."

Tumango naman ito saka sinabing isusunod na lanabg nag mga pinili niya saknaiya. Saka siya nagmamadaling pumunta na ng counter. Tamad namang nakasunod sakaniya ang lalaki nang sinilip niya ito.

Kinalkal niya ang bag para hanapin ang wallet at kuhain ang mga cards niya ngunit bago pa mangyari iyon ay inabot naman ni Junex ang itim nitong card.

"Hey."

Pigil niya dito kaya nagulat naman ang nasa counter na babae. "Anong ginagawa mo? Ako ang bumili nito. Ako ang magbabayad."

"Take it." Malamig na sabi ni Junex sa kaharap at hindi man lang oinansin ang nasa gilid niya. Kaya nataranta ang babaeng ini-swipe ito para mabayaran ang mga pinamili ni Ezekiela.

"Arrgh. I really hate you." Marahas niyang sabi.

Sinilip niya ang mismong amount na nakalagay doon at hinalungkat ang wallet. Bumilang ng ilang cash doon kung sasakto iyon dahil ayaw niyang magkautang sa lalaking ito. Tumingin siya dito at naabutan naman niya na nakatalikod ito at tumitingin sa labas.

"Sir, kindly sign here."

Humarap si Junex kaya inirapan naman niya ang lalaki saka hinintay na matapos ang lahat ng mabayaran niya utang. Inabot naman nito ang pipirmahan. Pinatong ni Junex ang pipirmahan sa harapan ng counter. Kaya kitang kita ni Ezekiela.

Kitang kita ni Ezekiela ang malinis na pirma ni Junex ng kaniyang buong pangalan sa maliit na papel. Tumitig siya doon dahil sa ganda ng penmanship ng binata. Ayaw na niyang pansinin ito ngunit di nuya mapigilan. Hindi na rin niya sana papansin kung bakit buong pangalan pa talaga ang pirma nito dahil tuluyan nang natigilan si Eze. Kala mo siya natulos sa mismong kinatatayuan dahil sa naalala.

His full name. Includes his surname, of course...


Junex Kyren Alejandro


.

.

°•○●○•°

Author's Note: OMG! Haha Excited na ako sa mga mangyayari. And I'm so excited na gumawa ng bagong stories for this Series. Upcoming stories will be posted on Coming Soon, at my profile. I'll be publishing teasers for Edjan and Meek's stories there. Check it out, guys!

Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 507 10
Dark School Romance (Written in taglish) This is a work of fiction. Name, character, places, events and incidents are either the product of the Autho...
200K 8.9K 62
A personality that hides in her angelic face and a dangerous capability that hides in her sexy body. What is the biggest secret behind her innocent f...
7.7M 352K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
25.3M 632K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...