Never Again

By _gette_

5.8K 337 192

Complete. [ Again series book 1 of 4 ] "β„Œπ”žπ”­π”­π”¦π”«π”’π”°π”° 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔒 π”ž π”‘π”¦π”žπ”ͺ𝔬𝔫𝔑--π”―π”žπ”―π”’ π”žπ”«π”‘ π”₯... More

Backstory
Backstory II
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Announcement
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Final Chapter
Epilogue
Thank you

Chapter 32

84 5 1
By _gette_


"Kung papauwi na ba kita, uuwi ka na sa inyo?"


Nagbuffer ang isip ko kasabay ng bahagyang pagbagsak ng panga ko. Parang may biglang sumakal sa puso ko dahil sa tanong niya.


"U-Uuwi na ako?" I stupidly asked. Parehong hindi sumang-ayon ang isip at puso ko sa sinabi niya pero hindi ko agad naisatinig 'yon.


Biglang siyang umiling, tapos nalilitong nagkibit-balikat. "Gusto ko lang malaman kung gusto mo na ba?"


"Paano ako makakauwi kung sakali?" tanong ko, misleading him in a way.


Nakita ko ang sandaling pagkurap ng mata niya at ang biglang pag-ilap nito.


"T-Tawagan natin ang pamilya mo. Magpapasundo ka na sa kanila. Naniniwala akong kahit nanakaw sa'yo ang cellphone mo eh alam mo naman ang numero sa bahay niyo. Sinasadya mo lang na hindi sila kontakin."


Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kabisado ang number ni mom at dad pero kabisado ko ang landline sa bahay, in a snap of a finger I can call someone at home at magpasundo dito. Pero sa loob ng halos limang buwan ko dito ay hindi ko ginawa iyon ni minsan.


Bigla akong nalungkot, binibigyan ako ni Ikoy bigla ng ideya na umuwi na. Why, hindi niya na ba ako kayang isama sa responsibility niya?


Ang lungkot na nararamdaman ko ay agad na napatungan ng guilt dahil sa naisip ko. 


Hindi ako nakasagot agad, hindi ko napansin na naghihintay pala siya ng sagot. Nang walang makuha mula sa akin ay nagsalita uli siya.


"Pero hindi kita pinapaalis ah. Gusto ko lang magtanong."


Ayoko pang iwan sila dito, not in this kind of situation. Sila ang sumalo sa'kin noong wala ako, ayokong bitawan sila dahil sila naman ang wala ngayon.


Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Let's talk about it some other time, sa ngayon, problemahin muna natin kung paano natin masusurvive itong araw na 'to pati 'yung mga araw pang darating."


He smiled as an approval and for the first time since this morning, I saw him genuinely smiled. 


Nang matahimik kami ay napaisip ako, kailangan ko mag-isip ng paraan para imbis na makabigat at makadagdag sa alalahanin ni Ikoy ay makatulong ako sa kanila. Pero wala naman akong ibang alam na gawin maliban sa kumilos dito sa pwesto.


Maya maya lang ay bumalik na rin si kuya Mario dala ang hinihiram namin. Agad na sinira ni Ikoy ang lock, sa tatlong malakas na pukpok ay nasira ang padlock. Una niya akong pinapasok, dumiretso ako sa lalagyan namin ng buns at kumuha ng 3 packs.


"Pwede na ba 'to?" I asked him. Every pack naman is may 6 pieces and malalaki bawat piraso.


Tumango siya. Chineck ko 'yung mga saging namin, baka kasi masira na sila eh mukhang hindi pa naman kami magbubukas ngayong araw. Good thing at halos karamihan doon ay hilaw pa, may isa o dalawang araw pa bago sila mahinog.


"May kailangan pa ba tayo dito?" tanong ko uli sa kanya.


"Wala na, kung ayos na 'yan, tara na." nauna siyang lumabas at sumunod ako.


"Paano mo ibabalik 'yan?" tanong ko sa kanya na ang tinutukoy ay ang pagkakalock ng pwesto.


Tinignan niya ako na para bang sinasabing, 'ako pa tinanong mo.' Pinanood ko siyang ibalik ang kadena sa kaninang pwesto nito, pero imbis na padlock ay pinagbuhol niya lang ang magkabilang dulo.


"Mabilis lang na matatanggal 'yan ng kahit sino eh." puna ko. Bibilib na sana ako sa kanya ang kaso, iyon lang pala ang gagawin niya, kahit ako kaya kong gawin 'yan, hindi ko lang naisip.


Tinignan niya ako uli. "Wala kang tiwala?"


"Dyan? Wala."


Ngumisi siya ng malaki, "Pwes sa pangalan ko, magtiwala ka."


"Huh?"


Pero imbis na linawin iyon ay bumalik na siya kay kuya Mario bitbit ang martilyo na hiniram namin. Nanghingi rin siya ng papel at nanghiram ng pentel pen, hindi ko alam kung para saan ang mga iyon.


May sinulat siya sa papel na hindi ko mabasa dahil bahagya siyang nakatalikod sa'kin. Pero maya maya lang ay bumalik siya sa pintuan ng tindahan at idinikit ang papel doon, nang umalis siya sa harap ay saka ko lang nabasa kung anong nakasulat doon.


ANG MAGTANGKA, HAHAMPASIN NG BAWAT BUTO KO SA KATAWAN

-Ikoy


Bigla akong natawa ng malakas. Tinignan niya ako ng masama na parang insulto ako malakas na pagtawa ko... pero baka nga insulto naman talaga. Napatingin ako sa buong katawan niya.


Buto-buto nga.


Mas lalo akong natawa.


"Manahimik ka na." saway niya saka bahagyang tumingin sa paligid. Medyo napapreno ako sa pagtawa dahil may ilang nakatingin sa'min, mukhang napalingon nang marinig 'yung malakas na tawa ko.


Tumingin ako sa kanya, nagpipigil na. "I'm scared, I really am." I mock. 


Umingos siya. "Sinasabi ko sa'yo, bawat tambay sa bawat kanto kilala ako. Payat lang ako pero kaya kong manapak ng doble ang lakas kesa sa normal."


Tumawa uli ako. "Tara na nga, gutom lang 'yan." nauna akong maglakad at sumunod siya.


"Hindi ka naniniwala?" taka niya pang tanong.


"Sino bang maniniwala?" balik tanong ko rin. Hindi siya sobrang payat pero feeling ko sa isang malakas na bangga lang eh tatalsik na siya. "Sa isang malakas na sapak mo, baka imbis na bungo ng tao ang mapuruhan, buto mo ang mabasag." biro-totoo ko saka natawa uli.


"Sira ulo ka ah." seryoso niyang sita pero alam mong pabiro.


Nanahimik na kami habang pabalik sa court. Tinanaw ko ang pinanggagalingan ng usok, mula sa nilalakaran namin ay natatanaw namin ang apoy. 


"Lumiliit na." puna ko, I felt a little joy in my heart. Habang tumatagal kasi ay mas maraming napipinsala ang apoy.


"Dapat nga ay kanina pa eh, mahigit tatlong oras na eh."


Tumango ako. Walang pagbabago nang makabalik kami sa covered court, magulo pa rin ang lahat. Dumiretso kami sa mga bata. Nang makalapit ay inabot ko kay Abby ang mga tinapay at saka tumabi kay Ina.


"Hey, kain na muna."


Mula sa pagkakatingin sa sahig ay lumingon siya sa'kin. "Nandyan na pala kayo."


Tumango lang ako. Mula sa tabi ay lumapit si Ikoy. "Kumain ka na rin."


Tumango ako sa kanya. Sabay kaming tumayo ni Ina at lumapit kina Abby na kumakain na. Kung kanina ay shocked ang mga bata, ngayon nagagawa na uli nilang maglaro at ngumiti.


Sana bata nalang kaming lahat.


Lumipas ang ilang oras na naghihintay lang kami ng balita tungkol sa sunog. May media na sa bungad ng court at sa pinangyayarihan ng sunog, good thing at nasa dulo kami, hindi na sila umaabot dito.


My family knew some people from media industry, kinakabahan ako na baka may makakita sa'kin at mamukhaan ako. 


Bandang tanghali ay may dumating na relief goods na hindi ko alam kung saan mismo galing. Sina Ina, Abby, at Intoy ang pumunta doon, ako at si Gab ang naiwan sa mga bata habang si Ikoy ay nakikibalita sa nangyayari sa labas.


"Kumusta, ayos ka lang?" Gab asked out of the blue. Napalingon ako sa kanya mula sa paglalaro kay Anitha, nasa lap niya si Carl at nasa tabi naman niya si Nathan.


Tumango ako. "A little shocked but I'm okay."


"Pansamantala tayong titira dito sa court, siguro pinakamatagal na 'yung isang buwan. Napag-usapan na namin nina Intoy na sa oras na ma-fire out na 'yang pesteng apoy na 'yan, hahanap agad kami ng materyales na magagamit para magtayo ng bagong bahay. Hindi rin kasi tayo pwedeng magtagal dito at baka magkakuha pa tayo ng mga sakit."


Tumango ako. "Saan niyo balak itayo 'yung bagong bahay, doon pa rin ba sa dating kinatatayuan no'n?"


"Mukhang doon pa rin, sana pwede pa."


Kumunot ang noo ko at nalito sa sagot niya. "Bakit 'sana pwede pa'? Hindi na ba pwede?"


"Naaalala mo 'yung tungkol sa demolisyon?"


Kumunot ang noo ko at pilit inisip ang tungkol doon. Nang hindi ko maalala ay saka ako umiling sa kanya.


"Lahat tayo illegal squatters sa street natin, meron talagang nagmamay-ari ng lupa na kinatatayuan ng mga bahay natin. Pero yung may-ari ng lupa na 'yon, libre tayong pinatira sa lupa nila. Hindi ko naabutan kung sino 'yon pero sabi ni papa noong buhay pa siya, mabait saka sobrang mayaman 'yung matandang lalaki na 'yon at nakatiwangwang lang 'yung lupa niya kaya pinatira nalang niya dito yung mga tao na nakatira sa tabi ng ilog pasig pati 'yung mga walang matirhan. Pero kahit libre siyang nagpatira dito, hindi naman niya ibinigay yung titulo ng lupa. Ayos lang naman kasi kalabisan na nga naman kung ibibigay pa niya iyon eh ipinangako naman niyang walang magpapaalis sa'min dito. Patay na 'yung matandang 'yon ngayon ang kaso may mga gahaman siyang mga kamag-anak na nakakuha ng titulo ng lupa at ngayon pinapaalis na tayo kasi papatayuan daw nila ng building ito."


Wait, what?


"So, kelan pala dapat mangyayari 'yung demolition?"


"Baka sa susunod na buwan."


Napaisip ako. "Isn't this kind of an arson?"


"Arson?"


Tumango ako. "Baka sinadyang simulan 'yung sunog para kusa nang umalis ang mga tao sa bahay nila. I bet maraming nagmamatigas at ayaw umalis sa mga bahay nila, ano?"


"Marami nga." tatangu-tango niyang sagot. "May posibilidad 'yang sinabi mo pero para sigurado ay intayin nalang natin ang resulta ng imbestigasyon. Hindi rin naman kasi imposible na magkaroon ng sunog dito, taon taon laging nagkakasunog pero ngayon nalang uli nadamay ang bahay namin."


Huminga ako ng malalim. Napapagod akong tignan ang bawat tao na pabalik balik ng lakad. Napapagod akong intidihin 'yung gulo pero alam ko mas dapat akong lalong maging malakas.


Hapon na nang tuluyang ma-fire out ang sunog. Milyon milyon ang naging casualties na sunog at sadly, may limang namatay. Kinagabihan ay mas lalong naging siksikan sa covered court. May mga relief good pa ring dumarating but I know these foods and clothing will only last for a few days. 


Kung anong suot namin nang magising kami nang umagang iyon ay iyon pa rin ang suot namin kinabukasan. Halos wala akong tulog magdamag. Hindi ko magawang makatulog dahil sa mga insekto, ingay ng paligid, alinsangan, at mabahong amoy na parang galing sa imburnal. 


"Ate, nakatulog ka ba?" Abby asked that morning. 


Umiling ako. "Hindi nga eh, sumasakit tuloy ang ulo ko ngayon."


"Parehas tayo, pabiling bili ako kagabi, hindi ko makuha ang tulog ko. Ang dami kong iniisip. Hindi ko alam kung paano natin masusurvive 'yung mga susunod na araw. Nakakaiyak."


"Wag kang umiyak, makikita ka ng mga kapatid mo."


"Eh, parang pinanghihinaan ako ng loob bigla, ate, eh. Nagiguilty nga ako kina kuya kasi alam ko namang ginagawa at gagawin nila lahat para sa'tin pero pakiramdam ko hindi nila kaya, parang wala akong tiwala na kaya nila."


Bigla siyang napatalikod nang may tumulong luha sa mata niya. Agad niyang pinunasan iyon at pinigil ang iba pang luha mula sa pagtulo, tinabihan ko siya as I tap her shoulder.


"Magtiwala tayo sa mga kuya mo dahil sa ngayon ay sila lang ang maaasahan natin."


"P-Pero pakiramdam ko iba pa rin kapag magulang mo ang nandito. Nagagalit na naman ako kay mama. Bakit hindi niya pa kami pinupuntahan? Hindi ba niya nabalitaan? Kung kabisado ko lang ang numero niya, tatawagan ko na siya kahit galit ako sa kanya. Ayokong makita sina Tinay, sina Kaloy sa ganitong sitwasyon. Naaawa ako sa kanila, ate."


Hindi ko alam kung ano pa ang isasagot sa kanya.


"Matatapos din 'to. One day will come at aalalahanin mo 'tong araw na 'to at magiging proud ka sa sarili mo dahil nalampasan mo 'yung sitwasyon na akala mo hindi mo na matatakasan."


Ngumiti siya kahit may luha pa sa mata niya.

***

4 days passed in a blur. Hindi muna pumasok sina Ina at ang mga bata sa school. Bumalik na kami ni Abby sa pagbubukas ng tindahan. Sina Ikoy, Gab, at Intoy ay nagtrabaho na uli. Salamat sa ilang mababait na mga kapit-tindahan namin ay nagkaroon kami ng ilang damit, paminsan minsan ay nag-aabot din sila ng mga ulam ulam. 


Mahirap pa rin ang sitwasyon namin sa covered court pero wala naman kaming magawa. Hindi masimulan nina Ikoy ang pagsasaayos ng bahay dahil hindi na hinayaan ng bagong may-ari ng lupa na matirhan pa uli ang lupa niya. Maraming umaalma at marami ang walang magawa. 


Sa ngayon ay sa covered court muna pa rin kami tutuloy hangga't hindi pa alam ng magkakapatid kung saan kami pwedeng magtayo ng panibagong bahay. Kailangan ng pera para doon kahit na ba pawid lang at kahoy ang kakailanganing materyales kaya pinagsasama sama na ng magkakapatid ang kinikita naming lahat sa isang araw. Maswerte na kapag umabot ng 800 iyon, ang kaso mababawasan pa dahil ipangbibili pa ng pagkain at ilang importanteng gamit.


Nangyari rin ang kinatatakutan ni Gab, iyong may magkasakit na tao sa covered court at mahawa ang lahat. Nag-umpisa nang ubuhin at lagnatin ang ibang bata na kasama namin, si Carl ay nahawa na ng ubo. Si Anitha ay nilagnat na.


Para hindi na mahawa sina Heidie at Nathan ay bumili kami ni Abby ng ilang facemask sa drugstore at pinagamit sa dalawa. Meron din si Carl para hindi na siya makahawa ng ubo sa iba. Pero kay Anitha kami nag-aalala.


"Be strong, baby, okay?" I talked to her one night. Mataas pa rin ang lagnat niya kahit nasa oras naman ang pag-inom niya ng gamot. 


"Bebi." she murmured. Tumango ako sa kanya.


"Yes, baby. Be strong dapat si baby, okay?"


Ginaya niya ang sinabi ko pero puro murmur iyon dahil hindi pa naman siya nakakapagsalita. Mainit ang balat niya at mapungay ang mata. Hindi namin malaman kung babalutan ba siya ng damit dahil gabi na at mahamog o pagsasanduhin lang para hindi makulong ang init sa katawan niya, pangatlong gabi na niya itong nilalagnat. Sa umaga ay bumababa ang temperatura niya sa normal pero pagkagabi ay saka uli tumataas ng sobra.


Matapos siya painumin ng gamot ni Abby ay pinatulog ko na siya sa balikat ko. Almost 10pm na kaya tulog na ang mga bata, kami naman nina Abby ay hinihintay sina Ikoy. 


"Mainit pa rin si Tinay, ate Alex." Ina stated matapos niyang salatin ang leeg ni Anitha. Dahan dahan ko nang ibinaba ang bata sa higaan niya.


"Yes. Dapat na siyang ipacheck-up."


"Sasabihin ko 'yan kina kuya mamaya pagdating nila. Bukas dalhin na natin siya sa center."


Tumango ako. Ilang sandali ko pang pinanood si Tinay na matulog. Bukod sa nilalagnat ay inuubo at sinisipon din siya. Paminsan minsan ay umuungol siya at kaming tatlo nina Abby ang nahihirapan kapag nakikita namin siyang nahihirapan.


"Pupunasan ko nalang muna siya para maibsan 'yung init niya." prisinta ni Abby.


"Sige 'Ging, lalabas muna ako para bilhan siya ng gamot. Hindi na aabot 'yung nandyan hanggang sa sunod na inom niya eh." lumingon sa'kin ni Ina pagkasabi no'n. "Ate Alex, samahan mo ako."


Tumango ako. "Sure. Tara na."


Maraming tao muna kaming dadaanan ni Ina bago makalabas ng court. Nang makalabas ay dumiretso kami sa may botika na ilang minuto rin ang lakaran mula sa pinanggalingan namin. Sa daan ay nakasalubong namin sina Ikoy at Intoy.


"Ate Ina, saan kayo?" Intoy asked. Sinalubong namin sila. Sa'kin nakatingin si Ikoy, nagtatanong ang mata.


"Sa botika, bibili ng gamot ni Tinay, paubos na eh." sagot ni Ina.


"Ano, bumaba na ba ang lagnat niya?" Ikoy asked, sa'kin pa rin nakatingin. Umiling ako.


"Mataas pa rin eh. Kaya nga ipagpapaalam na nina Ina na bukas dalhin na siya sa clinic para ipacheck up."


Humarap si Ikoy sa kapatid niya. "Mga anong oras? Para masamahan ko kayo."


"Hindi na kuya, kaya na namin ni ate Alex 'yon. Si Abby nalang muna ang tatao sa pwesto bukas."


"Sige. Ano bang gamot 'yung bibilhin niyo. Kami nang bibili." prisinta ni Ikoy. Inabot sa kanya ni Ina 'yung karton na pinaglagyan ng gamot. 


"Ipapakita niyo lang 'yan, sila nang bahala."


Tumango si Ikoy saka humarap sa'kin. "Tara, samahan mo ako."


Biglang napataas ang isang kilay ko. "Ako?"


Tumango siya. "Di'ba doon kayo papunta?"


Biglang natawa si Intoy habang si Ina ay tinaasan din ng kilay ang kapatid niya, pero natawa rin siya maya-maya.


"Bahala nga kayo dyan. Babalik na kami doon, kuya, ate Alex." paalam niya saka hinila si Intoy at sabay na silang bumalik sa court.


Kami naman ni Ikoy ay naglakad na papunta sa drugstore. 


"Where's Gab?" I asked habang nasa daan. 


"Wala pa ba doon?"


"Wala pa."


"Baka hindi pa nakakauwi."


Muntik na akong matawa. Obviously. Hindi nalang ako umimik hanggang sa makarating kami sa botika at makabili siya ng gamot.


Pabalik palang kami sa court ay sinalubong na kami ni Abby. Nakangiti pa ako noong una pero nawala iyon nang makitang iba ang itsura niya kesa sa kanina noong iniwan namin siya. Namumutla siya.


Bigla akong kinabahan ng matindi, parang may hindi siya magandang sasabihin eh.


"Abby, anong nangyari?" tanong ko sa kanya.


"A-Ate, k-kuya Ikoy, si Tinay ang daming rashes tapos nagdudugo 'yung ilong niya."


Na-justify bigla yung kabang naramdaman ko. 

________________________

Continue Reading

You'll Also Like

666K 1.1K 6
RATED SPG:[R-18) Highest Rating: #1 UnexpectedLove As a child, Elaina Ramirez almost had everything! She had a family, who owns furniture business. S...
8.8M 276K 76
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
36.1K 861 22
BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pang...
2.1K 868 46
Original date Published- (05/31/18-11/18/18) Date Revised- (06/17/22‐??) Language: Filipino, English