A Heart's Antidote (Diamond S...

By pixieblaire

607K 16.3K 1.8K

He doesn't have a heart. A literal heart. Not until one day... fate started doing experiment in their lives... More

A Heart's Antidote
1 - Identity
2 - The Root of Diamond
3 - Mutual Help
4 - Bagong Buhay
5 - Pangitain
6 - Nasaan Na
7 - Kiss of a Guardian
8 - Mission
9 - First Time
10 - Manliligaw
11 - I Love You
12 - Magic Dimension
14 - Accept Me
15 - Heavenly Bodies
16 - Ang Itlog
17 - Acceptance
18 - Love Feels
19 - The Owner
20 - Ang Prinsipe
21 - Darkness
22 - Compromise
23 - I Am
24 - Stone
25 - Final Battle
Epilogue
Announcement
Diamond Series Installment #2

13 - The Art of Doubt

16.9K 520 39
By pixieblaire

Note: Paumanhin po talaga. Kung pwede lang maging wizard din para super girl ako na limang update agad sa isang araw. Why not?! Haha.

Fanfic pic on the multimedia galing kay theweirdkidinside. Ang kyot kyot talaga nila Mond at Eni. Hahaha! Salamat muli ng bonggang-bongga! <3

The best kayo guyth! Love love ^.~
Vote / Comment xx

==========

Chapter 13
The Art of Doubt

Umahon kaming dalawa ni Kierre mula sa nagbabagang tirahan ni Sefrie. Siya para hanapin ang mahiwagang gansa, at ako naman para bumalik sa mundo ng mga mortal.

"Dia, imposible nang makalampas ka sa Cloud Castle. Paniguradong andoon na ang mga kawal ng dalawang kaharian at ang mga taga-Wingsen!"

Malapit-lapit na yatang magsugat ang mga palad ko sa sobrang pagkakakuyom ko dito. Kailangan kong makabalik. Hindi ako makakapayag na hindi ako makabalik ng mortal world. Tinawag ni Enikka ang ngalan ko. Siguradong may nangyaring hindi kanais-nais.

"Kierre, anong gagawin ko?" I broke my voice. Lost for thoughts. Pre-occupied. Mahirap palang combination ang stress, galit, at takot. This is an agony! And for a very unusual time like this, nakararamdam ako ng takot. Natatakot ako sa maaaring mangyari.

Nakita kong biglang umaliwalas ang muka ni Kierre, nagbabadya ng magandang suhestyon o ideya. "Patigilin mo ang oras!"

"It's a powerful spell."

"And you're powerful Dia."

"Mayroon ding wizards na makapangyarihan. Maaring naisip na nilang gumamit ng immunity laban sa anumang spell na banggitin ko. Maaari ding nakapagpalaganap na sila ng spell o curse na makakahuli sa akin pagbalik ko sa lagusan. 'Di ba? Dammit! I've never been this hopeless! I have to get back! ENIKKA'S... DAMMIT! THIS IS A BIG DEAL! ENIKKA'S IN TROUBLE! What to do?" sinabunutan ko na 'yung buhok ko sa halo-halong nararamdaman. I'm going to outburst at any moment!

Hindi umimik si Kierre. Malalim ring nag-iisip. "But you're an exception Dia. You are. I witnessed what power you've done a while ago. This is strange. Wala kang spell na binabanggit at wala ka ring hawak na wand pero napatay 'yung dalawang halimaw. You just focused on your thoughts then poof, you made it! Your words are extraordinary. All that composes you. Nakita mo kanina 'diba? Nagsalita ka lang, paulit-ulit na sinisigaw 'yung gusto mong mangyari at biglang lumandas sa pulso mo ang dalawang marka. Nagliwanag ito nang sobra at napasabog mo 'yung dalawang Drakkis. That's right! You can do it without spells! That's a priviledge of being a two-blooded wizard! Give it a try!" I was astounded sa sinabi ni Kierre. Can I really do that?

"You think, gagana ito this time?"

"We'll never know if you'll not try. Do it! Time's running! Oras ang kalaban natin dito. Dali!"

Pinikit ko ang mga mata ko't nagconcentrate. "Kaluluwa ng oras, panawagan ng iyong basbas. Intensyong malinis ang bahid, hiling na ligtas sa lahat ng panganib. Ako'y nangangailangan, pagkatiwalaang gantimpalaan. Sa taglay na kapangyariha'y, ngayon di'y patigilin! Sa taglay na kapangyarihan... parang awa na't iyong dinggin!" pagkamulat ko'y nakatungo si Kierre.

Walang nagyari.

Pero hindi ako sumuko. Paulit-ulit ko iyong isinisigaw hanggang sa nakita kong unti-unti nang gumuguhit ang mga marka.

Enikka.

Kaya ko ito. Mahal na Blaite, makisama ka please!

"Kaluluwa ng oras, panawagan ng iyong basbas. Intensyong malinis ang bahid, hiling na ligtas sa lahat ng panganib. Ako'y nangangailangan, pagkatiwalaang gantimpalaan. Sa taglay na kapangyariha'y, ngayon di'y patigilin! Sa taglay na kapangyariha'y...parang awa na't iyong dinggin...

Alay na dalangin, para sa taong... MAHALAGA SA AKIN!!!"

Nabalot muli ng liwananag ang paligid pagmulat ko.

"Now, let's get it on!" paghatak sa akin bigla ni Kierre at isinakay sa broomstick. "Kapit!"

"Ayoko nga. So gay!"

Pinaandar na niya yung broomstick kaya napakapit ako sa balikat niya. Napahalakhak naman siya. "Aarte pa eh. But, good job Dia. I knew it!"

Sa bilis ng paglipad nami'y hindi ko na alam kung may mga nasasagasaan na ba kami ni Kierre na mga nilalang ring nakatigil sa paglipad.

Pagkaapak muli sa ulap ay napatingin kami sa mga tila naestatwa.

"Si Pennelope 'yan. 'Yan naman ang mga pixies at sprites. Iyang mga may kapang kulay puti at 'yang mga nakahood na itim, mga Walt wizards." Nakita namin ni Kierre na nakalabas na ang mga wand nila na may mga ilaw na sa dulo nito. And by the looks of them, mukang bumabanggit na sila ng spells. Just the right time. Buti na lang at nakaabot.

"'Yung mga nasa ibaba naman na pasunod na sana dito sa itaas, mga Cryst wizards 'yan. Mukang tamang-tama lang ang dating natin. Nakaabot pa. At ito, gusto kong tandaan mong maiigi ang muka ng lalaking ito." Lumapit siya sa isang Soverthell na ito na nakanganga't nakataas ang dalawang braso, casting a spell ang pose niya.

"Kung hindi ako nagkakamali, siya si Prince Ralf Soverthell." Tinignan ko ang muka niya. Ang mga mata niyang kulay green at brown. Pati ang parang perfect cone na ilong. Matikas ang tindig. Mukang royalty. Hmm, enough for me to mark him on my mind.

"How'd you know?"

"Of course, the crown." at tinignan ko naman ang soot nitong korona. Ang mga hari't reyna'y kadalasang sa kaharian lang namamalagi kaya ang mga prinsipe't prinsesa ang laging handang lumabas sa kaharian.

"Okay! ENOUGH KIERRE! Nagmamadali ako 'di ba? Hanapin mo na ang gansang 'yun. And hey, get back in one piece." Tumango-tango siya na bagaman nagtawa'y ramdam ko ang kanyang pagkaseryoso.

Nakahakbang na ang mga paa ko sa transparent walls nang lingunin ko ulit si Kierre, "Hey. I'll kill you 'pag hindi ka nakabalik. O ako mismo ang maghuhukay ng libingan mo at sasapakin pa kita. Just..."

"Okay okay. Promise, I'll get back safe. Sige na, take care of Enikka."

"Ingatan mo ang sarili mo." Lumipad na ulit si Kierre gamit 'yung broomstick. Once kasing makabalik ako sa mortal world, babalik ang oras na itinigil ko.

Pinalabas ko na ang portal. Nagbuntong-hininga muna ako. Never pang nalayo ang guardian ko sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Kierre lalo na't delikado rin siya dito.

Tumalon na ako sa balon at nananalangin na ligtas naman ang aabutan ko doon. Hindi ko nga alam kung kanino ako nanalangin, kay Blaite ba o sa tinatawag na Diyos ng mga tao.

Pagkarating-rating ko sa mansyo'y nilibot agad ng mata ko ang paligid. Maayos ang sala pati kitchen. Aakyat pa sana ako sa itaas nang mapansin kong tila sinalanta ng bagyo ang garden. Bigla akong kinabahan. Naramdaman ko ang pintig sa dibdib ko.

What? Paano pipintig ang dibdib ko gayong wala akong puso para magpump ng dugo at tumibok kapag kinakabahan ako ng todo?

Isinantabi ko muna ang naisip ko't sinuri ang garden. Gulo lahat ng halaman, makalat, at muka talagang may nanira.

Pinulot ko ang isang tangkay ng white Daisy at red Chrysanthemum. Innocence... and love.

"Enikka, nasaan ka ba?" pagkausap ko sa mga bulaklak. Paniguradong hawak niya ito kanina. Saan ko ba siya sisimulang hanapin?

Tinakbo ko ang subdiv nami't tinungo ang bahay ng mga Tagle. "Tao po? TAO PO!!!" gusto ko nang gibain 'yung gate nila ngunit mukang walang tao roon. Wala rin ang kotse nila. Nasaan na sila?

My last ace. Kinuha ko ang cellphone kong pasasalamat kong nasa bulsa ko pa.

(DRIX... Si Enikka?)

(OH! ED! Nasa ospital siya, pabalik ako dyan sa bahay nila kasama 'yung mama ni Eni. Kukuhang gamit. San ka?)

(Nandito sa tapat.)

(Sige, malapit na kami.)

(Bilisan mo.) at pinatayan ko na ng tawag.

Dammit! Nasa ospital nanaman siya. Tinawagan ko na rin si Lindrenne na pumunta sa ospital.

Patuloy pa rin akong nababagabag, ano kaya ang nangyari kay Enikka. Okay lang kaya siya? Mabuti ba ang lagay niya? Nasaktan ba siya? May mga galos? Mayroon na kaya siyang malay ngayon?

Tinignan ko ang kalendaryo sa cellphone ko. Monday na pala. Iba kasi ang oras sa Fortress. At parang nung Sabado lang nasa ospital si Enikka. Ngayon, naroon nanaman siya. At lalo akong nagi-guilty dahil alam kong hindi na 'yon dahil sa sakit niya kundi dahil sa lintek na mga nilalang na 'yan.

Ngayon ko lang lalong narealize na hindi pala masayang maging si Diamond. Napakakomplikado ng buhay ko. Kahit may kapangyarihan, hindi ko naman mamanipula ang mga mangyayari. Hindi ko mapigilan ang mga nagbabadyang panganib. Kung mangyayari, talagang mangyayari. Ito na nga ang tinatawag nilang tadhana.

Ang tagal nina Quendrix! Hindi ko na kayang tumanga na lang dito't maghintay. Pinara ko agad ang unang taxi na dumaan.

"OSPITAL PO. NOW. QUICK."

***

Hawak-hawak pa rin 'yung dalawang bulaklak sa kamay ko, nanginginig akong lumapit kay Enikka na nakadextrose.

Hindi ko namalayang may nangingilid ng basa sa mga mata ko nang makita ko siya. Sobrang putla niya't nangingitim ang ilang parte ng katawan niya. Yung labi niya, pati mga kamay.

"E-Enikka..." hindi ko alam kung paano ako nakapagsalita gayong ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Parang inugatan yung mga paa ko, naestatwa ang mga lamang loob ko, at nagtatalo ang mga litid ko sa katawan. Hindi ko tanggap ang nangyaring ito sa kanya.

Sigurado akong muntik nang mahigop ang kaluluwa niya. Isa lang rin ang walanghiyang nilalang na naiisip kong gumawa sa kanya nito. Si Betas.

Muntikan na siyang... mamatay. Nang dahil sa'kin.

Pinahid ko ang luha ko't umupo para tignan siya. Ilang oras na ang nakalipas ngunit ganun pa rin siya. Wala pa ring malay. Hindi ko inialis ang tingin ko sa kanya, hindi pa rin siya gumagalaw.

Kwento ni Quendrix, naabutan niya si Enikka na nakahandusay na sa garden ko. Pumunta siya sa mansyon kahit alam niyang wala kami doon. Napakakulit talaga. Pero ayoko siyang sisihin, dahil ang bwisit lang naman dito ay yung Betas at mga Drakkis na 'yan. Buti na lang at naagapang dalhin dito ni Quendrix. Masasabi kong mabuti siyang kaibigan kay Enikka. Samantalang ako, mukang nakakasama. Ako ang naghahatid ng perwisyo kay Enikka.

Kinausap ko si Lindrenne na bukas ng umaga'y bumili siya ng kotse dahil nahihirapan na ako sa ganito. Lalo na't mukang kailangang-kailangan talaga namin ng sasakyan para mas mapadali. Bumalik muna siya sa condo, at si Quendrix nama'y babalik bukas para magbantay.

"Enikka... I'm sorry." Bulong ko habang hawak yung isa niyang kamay, umaasang magigising siya anumang sandali.

"Hijo, hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo."

"Wala po akong kasama sa bahay tita. Dito na lang po ako, magbabantay." Ngumiti ako kina tita Erika at tito Dante. Batid ko ang lungkot nila sa nangyayari sa kaisa-isa nilang anak. At pakiramdam ko'y nabigo ko rin sila dahil sa kapabayaan ko sa anak nila.

"Salamat hijo. Lagi kang ikinukwento sa amin ng batang 'yan. Mahal ka na anak namin. Ngunit kung hindi mo kaya, maiintindihan namin. Sadyang may katigasan lang ng ulo si Enikka." At nagtawa ng bahagya ang kanyang ama. "Pero kung magiging kayo man, masaya kami para sa inyo. Makakabuti ka para sa kanya." Ngumiti ang mag-asawa sa akin. Hindi ko alam ang irereact ko. Makakabuti daw ako sa kanya. Kung alam lang po ninyo na tadtad ng gulo ang pagkatao ko.

Nakita kong humiga na ang mag-asawa sa kamang nasa kabilang dulo nitong malaking kwarto ng ospital. Hinilig ko ang ulo ko sa kama ni Enikka't pumikit.

Isip-isip ko ang mga nangyari. Pinalabas ni Betas na hawak niya 'yung babaeng nagmamay-ari ng puso ko para mahuli ako sa Fortress. Pati si Enikka nadamay sa gulo. Maging 'yung naramdaman kong pagtibok sa dibdib ko sa sobrang kaba at takot. Noon hindi naman ako nakakaramdam ng tibok o kabog dito, nanlalamig lang ang mga kamay ko at hanggang utak ko lang ang pagkakaba. Pero anong nangyari ngayon? Napakakakaiba.

Gusto kong pagkabit-kabitin ang mga pangyayari pero hindi ko maorganisa. Hindi ko maintindihan. Lahat ba ng ito'y totohanan, o baka katulad lang ng ginawa ni Betas, lahat ay pagpapanggap lang. The art of doubt. At sobra itong big deal.

Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Enikka. Binangon ko ang ulo ko't tinignan siya.

Babangon sana siya pero pinigilan ko't pinahiga siya ulit. "Shhh. Magpahinga ka lang. I'm here."

Kitang-kita ko ang takot sa nangingislap niyang mga mata ngayon. Is this trauma? What the hell did those creatures have done to her? Gustong-gusto ko siyang tanungin kung anong nangyari pero gusto ko muna siyang papahingahin.

"Enikka, I want you to rest. I won't leave. Bukas paggising mo, ako ang una mong makikita."

Hinila niya ako sa braso kaya napayakap ako sa kanya. Hindi siya nagsasalita pero umiiyak siya. Hindi ko na malaman ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Para akong naiiyak na nalulungkot na nagagalit na natatakot na nagsisisi.

Pinahid ko ang mga luha niya't dinampi ang index finger ko sa labi niya para patahanin ang mga impit niyang pag-iyak. "Don't be scared. Dito lang ako sa tabi mo. I promise. I swear to Earth, I won't leave you. Aalis lang ako kapag kasama kita."

Nakatitig lang siya sakin at... bigla akong naalarma sa nangyayari sa akin ngayon pero ipinagpaliban ko muna ang naisip ko.

Hindi ko na pinakita ang halo-halo kong nararamdaman sa kanya dahil kung ipinaakita ko pa yun ay baka lalo lang siyang maiyak. "Now, sleep." Ngumiti ako sa kanya't ipinikit ko ang mga mata niya. Bumalik ako sa pwesto ko kanina. But this time, pinapanood ko siyang matulog.

Bumalik ako sa lubusang pagtataka... BAKIT HINDI KO NA MABASA ANG NASA ISIP NIYA?

Kung tutuusin, dapat alam ko na ang nangyari. Mababasa ko sana 'yun kanina pagkagising niya. Pero bakit... dammit! Nawawalan na rin ba ako ng powers? Dahil marahil ito doon sa paggamit ko ng sariling kapangyarihan, without spells. May effect nga siguro 'pag galing sa mga marka ko. Sana nga'y 'yun lang ang dahilan.

Habang tinitignan ko siya, gusto kong itanong sa tadhanang 'yan, bakit ako itinakdang maging ganito? Napakakompikado ng buhay ko.

'Yung pakiramdam na akala mo na sa'yo na ang mundo, pero parang unti-unti ka nitong pinagbabagsakan. I thought being a wizard is having the world-I can have anything I want, I can make everything easy, I can make anything possible as the word itself is concerned. But what now? Isa akong wizard na hindi matahimik. Takbo ako nang takbo palayo sa kanila pero sila itong pilit akong hinahabol. Kung anong gusto kong maramdaman, hindi ko magawa. 'Yung feeling na minsan gusto kong maranasang magmahal, pero may pwersang pumipigil sa'kin dahil sa mga katagang "delikado" at "mapanganib".

Ito ba ang masayang buhay?

Hindi ko namalayang may luha na palang bumagtas sa muka ko. Napakapait ng mga sitwasyon, at napakailap rin ng mga pagkakataon.

Blaite, Kaluluwa ng Tadhana, Espiritu ng Pagsubok, o Diyos ng mga Tao... alin ba ang tatawagin ko. Ayoko na ng ganito.

Gusto kong maging normal.

Gusto kong maging tao.

Continue Reading

You'll Also Like

231K 14.3K 69
[Royal Academy's 3rd book] When she thought things were finally coming to an end, that's when everything began crumbling. As she bid her goodbye and...
33.1K 1K 39
Welcome to St. Achelous Academy! In a secluded school, far away from mortals. No one knows about this except the gods and the goddesses. A school fu...
244K 11.4K 49
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #4 You lost you friends, family and love ones what...
514K 35.8K 55
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...