CHARACTERS:
Maria
Mario
Jun
***Jun***
"Mine, pangako ko sayo. Hinding-hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Pakakasalan kita at sabay nating palalakihin ang mga magiging anak natin."
Nag-uusap kami nang girlfrnd ko sa loob nang kotse, tumigil muna kami sandali sa tabi nang dagat dahil pareho naming gustong maka-langhap ng sariwang hangin.
"Jun, mahal na mahal kita."
"Mahal din kita."
Hinalikan ko na sya sa noo at binigyan ng isang smack sa lips.
Nung ginawa ko yun, kumunot naman ang noo nya.
"Oh? Bakit smack lang?"
"Eh.. ano ba ang gusto mo?"
"kahit 10-seconds kiss man lang."
Nag-pout sya na parang isang bata na naghihintay na mapagbigyan ang gusto nya.
"Ikaw naman, msyado ka nmang naglalambing ngayon. Ihu-hug na lang kita."
Niyakap ko na sya nang mahigpit na mahigpit at maya-maya, ngumiti na rin sya.
Pagkatapos naming mag-aliw sa view nang dagat, nagpasya na akong dalhin sya sa "Golden Cowrie" para kumain at matapos mabusog, hinatid ko na sya sa bahay nila.
***Mario***
"Hi, ate. Kumusta naman ang date nyo ni Kuya Jun?"
"Ok naman. Anong ginagawa mo dito habang wala ako?"
Napa-tingin ako sa paanan ni Ate at napansin ko na hindi nya nahubad ang sandals nya.
"Teka.. Ate, suot mo pa rin ang sandals mo. Diba lagi mo namang hinuhubad yan bago ka pumasok dito?"
"Ha?? Anong hindi? Hinubad ko na yun kanina."
"Ayan ate oh. Suot mo pa rin naman eh."
Bigla syang napatingin sa paanan nya at tumakbo pabalik sa front door. Pinatong nya na sa shoe tray ang sandals nya at nagmadaling pumasok sa kwarto.
'Anong nangyari dun???'
Binalewala ko na lang ang mga naging kilos ni Ate at nagpatuloy sa aking research para sa report ko bukas.
***Maria***
Hay naku! Nakakahiya talaga!!! Nakakainis!!!
Bakit ko ba kasi nakalimutan ang mga maliliit na bagay tulad nang paghubad ng sandals ko???
Ttttssss.... Siguro, stress lang ako.
Makatulog na nga -__-.... ....... ....... ............... .................... ............................... ................................... .... ........ ....... ...................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................
"Jun, honey..... anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita."
"Hoy! Sino ka ba, ha??!! Hindi naman kita kilala eh."
"Honey... Ako ito.... Si Maria, ang asawa mo."
"What??!! Nag-asawa na ba ako?? Sa pagkaka-alam ko,, hindi pa. Oo, hindi pa talaga kaya, Umalis ka na nga dyan!!! "
(Kkkrrrrrrriiiiiiiiinngggg--krrrriinnggg!!!!!!!)
O___O?????
=___= ....
Panaginip lang pala yun akala ko naman totoo na. Pero,,, ang weird ng panaginip na yun.
Bumangon na ako sa higaan at naghilamos tapos, pumunta na ako nang kusina. Magluluto pa ako nang umagahan.
***Mario***
(9:00 am)
Nang magising na ako mula sa mahimbing na pagkakatulog, naligo na ako, nagbihis nang school uniform at pumunta nang kusina para mag-breakfast.
Alam ko naman na hinanda na nang pinaka-love kong ate ang breakfast ko.
Pagkalabas ko sa kwarto, agad kong nakita si Ate na nagtatahi nang crochet. Teka- Monday na man ngayon ah??
Bakit hindi pumasok si Ate sa work nya?
"Ate, hindi ka ba papasok?"
"Huh? Bakit naman? Wala naman akong work ngayon ehh.."
"Nagbago na ba ang day-off mo?"
"Hindi. Ganun pa rin naman ang day-off ko, Sunday."
Ang gulo-gulo ni Ate. Pati na rin ako, nalilito.
"Ate, Monday kaya ngayon. Male-late ka nyan sa work mo."
Pagkasabi ko nun, bigla syang napatayo at napatingin sa relo. Nung makita nya na pasado alas nuwebe na, agad syang napatakbo sa kwarto nya para magbihis.
Pagkalabas nya,
"Ate naman eh. Ano? Nagiging ulyanin ka na ba? Pati ang pumasok sa trabaho, nakalimutan mo na?"
"Tse! Mind your own business."
Hindi naman talaga dapat yun ang sabihin nya eh... Dapat pa nga syang magpa-salamat dahil pinaaalahanan ko pa sya.
Lalabas na sana ako nang pintuan nang marinig ko si Ate na nagtatatakbo nang mabilis. Daig pa si Flash.
"Ate, yung kotse mo!"
Hayy.. si Ate tlaga. Parati na lang may nakakalimutan. Tsk-tsk! Tatakbuhin ba talaga nya ang daan patungo sa work nya? Ehh.. may kotse naman sya. Ang labo tlaga nun.
***Maria***
Mabilis akong nakapag-harurot nang takbo na hindi lumilingon.
Male-late na talaga ako sa trabaho nito.
(Beeeeeepppp!!!!! Beeeeeeepppp!!!!)
"Miss, mag-ingat ka naman! Wag ka ngang basta-basta tumawid!!"
"Pasensya na po."
Muntik na tlaga akong masagasaan dahil sa pagmamadali ko. ..... ........ .......... ..............
"Sir, pasensya na po, late ako."
"Hindi ka lang late, Miss Rodriguez, super late. Hindi ka nman ganyan dati ah? May problema ba?"
"Wala po, sir."
"Sana naman wag mong dalasan ang pagiging late."
Tumango na lang ako.
"Congratulations nga pala sa article mo, marami tayong natanggap na magagandang feedbacks dahil dun. Naisip ko ngang i-promote ka because you are among the best writer in my company kaya, I really hope na pagbubutihin mo ang work."
"Salamat po, Sir. Alam nyo naman po na I always put my heart on this job kaya, I will do my best para hindi kayo ma-disappoint sa akin, Sir."
"Mabuti naman kung ganun. You can start your remaining job."
"Opo."
Nagsimula na akong mag-type sa computer nang bago kong estorya entitled: "A Million Decade".
Sa kwentong ito, may dalawang taong nagmamahalan at nangako sila na hindi nila iiwan ang isa't-isa. Ikinasal sila sa simbahan at nagkaroon ng anak pero yung babae ay--
"Friend, lunch tayo?"
"Ahmm-"
"Oh? Napaka-seryoso mo naman dyan! Mag-lunch na muna tayo. There's a lot of time in this world pa naman para matapos yan."
"Ok."
Nagpunta na kami nang kasamahan ko sa trabaho na kaibigan ko rin sa cafeteria at kasalukuyan syang tumitingin sa menu.
"Anong o-orderin mo, friend?"
"Ahm, yung ano nalang.... yung may yellow na sauce? Yung.... chi- chi-
Ano nga ba yun?"
"Chicken curry?"
"Ahh..Oo, yun na ang o-orderin ko."
Pagkatapos naming makuha ang lunch namin, agad na kaming pumunta sa table.
"Friend, ang weird mo ngayon."
Ha?? Weird? Ano naman ang weird sakin?
"Weird?"
"Ehh. kasi,,, kanina -"
"Kumain na nga lang tayo."
Gutom na kasi talaga ako eh. Dal-dal pa nang dal-dal itong kaibigan ko, kung anu-ano pa ang pinagsasabi.
Sa kalagitnaan nang pagla-lunch namin, nag-vibrate ang phone ko. Tumatawag pala si Jun.
"Hello, Jun?"
"Ahh.. Mine, Advance happy anniversary. Wag mong kalimutan ang usapan natin bukas, ha?"
"Advance happy anniversary din. Saan nga pala tayo kakain bukas?"
"Ano ka ba.. Edi, syempre sa Pino. Nakalimutan mo na ba?"
"Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko eh, pasensya na."
"Sige, bye. Basta kita tayo bukas, 4:00 pm. See you!"
"Ok, bye."
"I Love you, Mine."
"I Love you, too."
Hayy.. 5th anniversary nga pala namin bukas, nakalimutan ko pa >.<
//Kinabukasan...//
(3:00 pm)
Pagkatapos kong magbihis ay nagmaneho na ako papuntang Pino Restaurant, malayo-layo pa naman yun.
(30 minutes after...)
Huh?? Nasaan na ako? Naliligaw na ako, for sure.
Sa daan, may nakita akong matandang lalaki kaya, naisip kong magtanong.
"Ahh.. manong, saan po pala ang patungo sa Pino Restaurant?"
"Pino Restaurant ba kamo?"
"Oho."
"Ay! Naku, iha... naligaw ka yata?"
"Oo nga po eh."
"Bumalik ka sa dinaanan mo kanina, sa kabilang daan. Dumiretso ka lang at kapag may nakita kang Gas Station, lumiko ka sa kaliwa at diretso ulit, may simbahan... sa tapat nun ay yun na ang hinahanap mo."
"Salamat po, manong."
"Walang anuman, iha. At isa pa, mukhang nakalimutan mong ayusin ang buhok mo."
Bigla naman akong napatingin sa salamin at nakita ko na hindi ko pa pala natanggal ang hair curler sa buhok ko. Tsk-tsk!
"Naku, salamat po talaga, Manong."
"Oo, sige, iha. Mag-iingat ka."
"Cge po."
NagU-turn na ako at nagsimula nang mag-maneho nang diretso hanggang sa malapit na akong makarating sa Pino Restaurant.
***Manong matanda***
"Sino ba yun, ha?"
Biglang sumulpot sa likod ko ang aking asawa.
"Nagtatanong lang nang direksyon. Sa tingin ko nga eh... makakalimutin ang batang iyon, daig pa nga ako sa pagka-ulyanin eh, hahahaha!"
"Ah, ganun ba? Nasaan na ba ang pinabili kong mantika?"
"Ay! Oo nga pala, nakalimutan ko."
"Ayan ka na naman! Matanda ka na nga, ulyanin ka pa! "
Mali pala ako. Mas ulyanin na tlaga ako kaysa dun sa batang yun, hahahaha!!
***Jun***
Mahigit kalahating oras na akong naghihintay pero, hindi pa rin sya dumadating kaya tinawagan ko na sya, ring lang ng ring ang phone nya. Nasaan na ba sya? Ang tagal namang dumating nun, naiinip na ako.
"Jun. Sorry, I'm late."
"Bakit ka ba na-late??"
"Ahh.... aa-ano kasi eh.. naligaw ako tapos na-traffic pa ako kanina. Nakalimutan ko rin ang daan patungo dito, mabuti na lang at may nakapag-turo sakin nang direksyon..Sorry na tlaga."
"Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo?? Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot ang phone mo."
"Pasensya na, Jun. Nakalimutan ko rin kasing dalhin ang cellphone ko."
Aish!! Parati nalang ba syang nakakalimot??? Una, ang usapan namin ngayon. Ikalawa, yung papunta dito sa Pino Restaurant at ngayon naman ang phone nya??!
"Bakit ba ang dami mong nakakalimutan??!! Sinabi ko naman sayo na napaka-importante ng cellphone, diba??!!!"
Napasigaw na lang ako nang bigla. Nag-alala na kasi ako ehh..
"Sorry na talaga... Patawarin mo na ako, please?"
Nakayuko sya nung sabihin yun habang umiiyak. Hala?? Parang ang sama ko naman, pina-iyak ko pa tuloy sya.
"Oo na, matitiis ba kita? Tsaka... wag ka nang umiyak dyan, sorry na rin kasi nasigawan kita. Nag-alala lang kasi talaga ako eh."
"Kaya nga.. mahal kita, Jun ehh."
Tumahan na rin sya sa pag-iyak at ngumiti.
"Mahal din kita, Mine. Happy Anniversary."
"Happy Anniversary. Teka... bakit walang tao dito?"
"Ha? Anong wala? Ano tayo?"
Pagkasabi ko nun, sinamaan lang nya ako nang tingin.
"Wag ka ngang pilosopo."
"Biro lang, pina-reserve ko kasi ang lugar na'to para lang sa atin. Dito kaya tayo unang nag-date nung sinagot mo ako bilang boyfrnd mo."
"Talaga? Uhh.. ang sweet naman nang boyfrnd ko."
Ngumiti ako habang sya? malapit na namang umiyak kaya, agad ko syang niyakap. Habang nag-yayakapan kami, pa-sekreto kong nilagay ang singsing sa loob ng baso nya na may red wine. Oo, tama ang iniisip nyo. Magpo-propose na ako sa knya at sana naman hindi nya ako i-reject, dba? Nakakahiya naman yun. Pero.. kung hindi pa tlaga sya handa, makakapag-hintay naman ako :) ...
"Kain na tayo?"
Niyaya ko na syang kumain dahil nakikita ko sa mukha nya na kanina pa sya takam na takam na matikman ang mga naka-hain sa lamesa: ang main course na chili crab at ang paborito nyang dessert, ang carrot cake na may kasamang dessert wine. Na-una nyang inumin yung wine kung saan ko nilagay ang singsing. Nung na-ubos na nya ang wine, bigla syang nasamid, na-feel nya na siguro yung singsing.
"Ano ba naman 'to?? Tsk-tsk. May libre na ba ngayon na singsing ang wine nila? Siguro, naiwan nung chef dito? Dyan ka--
Napatigil sya sa pagsasalita nung hinawakan ko ang braso nya.
"Teka.. Jun, wag mo nga akong pigilan i-susuli ko lang naman 'to eh.."
Tatalikod na sana sya pero napigilan ko sya at kinuha ko na ang singsing mula sa knya.
"Akin na nga yan."
"Jun, bakit? Hindi naman sayo ito eh."
Hindi na ako nagsalitang muli, bagkus tumingin lang ako nang diretso sa mga mata nya... At, lumuhod na ako.....
Gulat na gulat sya at nakatakip na ang kamay nya sa mga bibig nya..
"Maria, will you .....
Marry me???"
***Maria***
Kinabahan talaga ako nung bigla syang lumuhod sa harapan ko. Magpo-propose na ba sya sakin????
"Maria, will you....
Marry me???"
Tama nga ako, magpo-propose nga sya...
O___O Tttt-tt-teka???
Magpo-propose??
Napa-iyak na ako. Ewan ko ba! Ang saya-saya ko tlaga ngayon, hindi ko tlaga akalain na gusto nya na pala akong maka-sama nang panghabang-buhay...
"Jun... mahal na mahal kita... kaya ... wala akong nakikitang dahilan kung bakit hindi kita pakakasalan."
Nung sinabi ko yun, lumiwanag ang mukha nya at nagning-ning ang mga mata nya.. ^__^..
"Talaga? Pumapayag ka nang pakasalan kita?"
Ang kulit tlaga neto. Kailangan ko pa bang sabihin ang salitang OO?
"Oo nga."
"YESSS!!! Pakakasalan na ako nang mahal ko!!! Yes! Yes! Yes!"
Nagtata-talon na sya sa tuwa.
"Wag ka ngang sumigaw dyan. Oh? Ano pang ginagawa mo?? Isuot mo na nga yang singsing sa daliri ko."
Napakamot naman sya sa batok nya habang naka-ngisi.
"Ay! Oo nga pala. Pasensya na, masyado lang akong naging masaya."
Pagkalagay nya nang singsing sa ring finger ko, niyaya ko na syang kumain.
"Kumain na tayo, Jun. Kanina pa ako gutom eh, hehe."
Napa-tango na sya at pinagtulak nya ako nang upuan.
Matapos kumain at mag-celebrate sa dalawang okasyon: ang 5th year anniversary namin at syempre..... ang pagka-engage namin ^__^, hinatid na nya ako sa bahay.
"Bye, Mine. Ingat ka, ok? Take care, pakakasalan pa kita."
Napa-ngiti naman ako dun.
"Ok, para sayo. Ikaw din, mag-ingat ka. Bye!"
Na-una na akong pumasok sa bahay, alam ko naman na hindi aalis si Jun kapag hindi nya pa ako nakikitang pumasok sa pintuan nang bahay. Ang saya-saya ko talaga ngayon. Ito na yata ang pinaka-magandang araw sa buhay ko. Sabik na akong magpakasal kay Jun.
***Mario***
"Oh, ate? Parang ang saya-saya natin ah?? Anong meron?"
"Wala naman. Masaya lang kasi ako dahil nga nakapag-celebrate na kami nang anniversary namin at saka ..."
"Ano? Teka- naiintriga ako. Sabihin mo na nga, ate."
"Nagpropose kasi sya kanina."
"Oh, tapos? Sinagot mo ba o baka naman...... O__O binusted mo si Kuya Jun???"
"Hindi noh! Sinagot ko na sya. "
Pinakita nya sa akin ang suot nyang singsing, mukhang mamahalin.
"Wow! Ate, Congrats. Kailan naman ang kasal nyo?"
"Sa May na daw."
"Masaya ako para sayo , te. ^__^"
"Salamat, Mario, ha? Salamat dahil pinapaalala mo sakin ang mga bagay na nakakalimutan ko. Salamat rin dahil kahit na sinisigawan kita paminsan-minsan, naiintindihan mo pa rin ako."
Nagulat ako sa mga sinabi ni Ate. First time kong marinig mula sa knya ang mga salitang yun.
"Ate naman eh... magkapatid tayo kaya dapat lang na alagaan natin ang isa't-isa lalo na't tayo na lang ang natitira simula nung mawala sina mama at papa."
"Ikaw ba.... Mario, may girlfrnd na?"
Bakit naman bigla syang nagtanong nang ganyan??
"Naku, Ate. Wala pa sa buka-bularyo ko ang pagkakaroon nang grlfrnd noh.. Tatapusin ko muna ang pag-aaral ko. Baka maka-abala pa yan sa buhay ko."
Sa mga sinabi ko, biglang napa-ngiti si Ate.
"Ang gusto ko lang naman, may mag-alaga sayo kahit papaano lalo na kapag wala na ako sa tabi mo."
Huh? Ang weird nang feeling ko sa mga sinabi ni Ate >,<...
"Ate, hindi nyo na kailangang mag-alala sa akin. Hindi na ako bata, malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko noh."
Napa-ngiti sya ulit habang pina-pat ang ulo ko.
" :) malaki ka na nga. May tiwala ako sayo.."
Si ate talaga, tinuturing pa akong bata.
"Ginugulo mo naman ang buhok ko ate eh!!"
"Alam mo.. sa tingin ko, dapat ka nang magbago ng hairstyle."
Tumayo na sya at pumasok sa kwarto nya. Napatingin ako sa salamin at napabulong ako sa sarili ko,,,,
"Tama nga si Ate. Kailangan ko nang magpa-gupit."
Alam nyo... Masaya talaga ako para kay Ate at saka pati na rin kay Kuya Jun.
Masaya ako dahil nahanap nya na ang lalaki na magpapa-saya sa knya. Nung sabay kasing mamatay yung parents namin, si Ate na ang kumayod sa trabaho para mapag-aral ako. Dahil sa kasipagan nya, nakapag-tapos sya nang kolehiyo at nakahanap nang maganda at kagalang-galang na trabaho. Kaya... masaya talaga ako na sa wakas! Si Ate naman ang liligaya. Alam ko naman na marami syang hirap na pinagdaanan. It is not bad to give her a break some time.
***Jun***
(After 2 months...)
Ito na yata ang pinaka-masayang araw sa buhay ko dahil ikinasal na kami ni Maria, ang pinaka-mamahal kong girlfrnd noon na asawa ko na ngayon ^__^¡
"Jun, pare, Congrats! Ang ganda nang bride mo."
"Salamat, pare. Naku ha? Mukhang may balak ka pa yatang agawin ang asawa ko?" , pabiro kong sabi.
"Hahahahaha!!! Ikaw naman, pre! May asawa na rin kaya ako."
"Honey, halika na sa loob. Pinapatawag ka kasi nina mama't papa."
"Ok, susunod na ako, honey."
Tumango lang sya at pumasok ulit sa loob nang bahay. Sa bahay lang kasi namin ginanap ang reception.
Pagkatapos naming mag-usap ni Michael ay pumasok na rin ako sa loob.
"Oh? Anak, kumain ka muna dito."
Niyaya na ako ni papa na kumain kasama sina mama at syempre.. nandoon din ang asawa ko.
"Oo nga, nak. Kami na muna ang bahala na mag-asikaso sa mga bisita, dapat.. ang asawa mo ang inaasikaso mo."
Pabirong kumindat si mama kay papa at sabay na lumabas nang bahay para asikasuhin ang kanilang mga kaibigan at pati na rin ang iba pang mga guests.
Nung lumapit na ako kay Maria, biglang sumulpot si Mario mula sa likod.
"Ate, Kuya, congrats nga pala ^__^.... Masaya ako para sa inyo."
"Salamat, Mario."
Pagkasabi ko nun, napangiti lang si Mario habang naka-tingin sa akin. Mabait syang bata, mana sa ate nya.
"Ahm, lalabas na muna ako, kuya. Ate, dyan na muna kayong dalawa."
Napatingin si Maria sa kpatid nya at ngumiti. Pagkatapos, tumalikod na si Mario at umalis. Ako naman? Nilapitan ko na ang aking napaka-gandang asawa.
"Honey..."
Tumabi na ako sa knya sa may sofa habang naka-tingin sa isa't-isa.
Maya-maya, bigla syang napayuko.
"Oh? Bakit ka nman naka-yuko? May problema ba, honey ko?"
Umiiling-iling lang sya nang nakayuko pa rin.
"Ahm.. hindi lang kasi tlaga ako sanay na ganito na ang magiging set-up natin... Kasi nga,,,, mag-asawa na tayo."
Nung sabihin nya yun, napa-ngiti lang ako at ini-angat ko na ang ulo nya kaya napa-tingin sya sakin.
"Honey, masasanay ka rin. " Ngumiti sya. Hinipo ko ang likod nya at pagkatapos, kumain na rin kami.
Matapos kumain, lumabas na kami at nagsimula na ang closing remarks nang reception. Napili naman ako bilang last speaker dahil ako ang groom.
Pumunta na ako sa harapan at naiwan naman si Maria doon sa aming table.
"Ehem.. Excuse me. Good evening, everyone. First of all, I want to give my warm and heart-felt gratitude to all: to my parents, to my friends, to my relatives and especially to my beautiful bride, Mrs. Maria Rodriguez Parco. I also want to thank God for such blessing that He had given me a wonderful family.
Alam nyo? Hindi ko inaasahang makakakita pa ako nang babaeng magmamahal sa akin at mamahalin ko rin nang totoo. Noon, akala ko na wala na akong mahihiling pa dahil lahat naman nang achievements sa buhay ay naabot ko na pati na rin ang kayamanan, but when I found her, I realize that money is not the real wealth.
She is the real definition of wealth, Siya ang kayamanan ko. She is more precious than diamond; She is worth more than money. Mas kakayanin ko pa na mawala ang pera ko, basta nandyan lang sya parati sa tabi ko.
Kaya...When I had the chance to propose to her, I grabbed it kahit na hindi ako sigurado sa isasagot nya, but we are truly destined for each other kaya, pati ang panahon ay hindi na makapag-hintay na maikasal kami. Hanggang sa.. dumating nga ang araw na ito at naging saksi kayong lahat.
To my wife, I can not promise you a happy life dahil alam ko naman na susubukin at susubukin pa rin tayo nang panahon, but one thing is for sure, I will always love you no matter what. Wag mong kakalimutan, ha?"
Nung sabihin ko ang mga salitang iyon, naka-tingin lang sya sa mga mata ko at tumango-tango habang naka-ngiti.
"I love you so much, honey."
Yun na ang pinaka-huling salita na sinabi ko sa harap nang mga tao. Agad na akong lumapit sa table namin at niyakap sya.
"I love you too, honey."
Hinalikan nya ako sa cheeks.
Pagkatapos ng mahabang speech, oras na para ihagis nang asawa ko ang boquet nya........... .........
Nasalo naman iyon nang isa sa mga guests. Matapos naming mag-paalam sa lahat, pumunta na kami sa garahe kung saan nandoon ang sasakyan namin patungo sa hotel para sa aming honeymoon. Excited na ako, hehe .
***Maria***
Nakatulala lang ako ngayon sa loob nang kotse habang si Jun, nagda-drive. Hindi ko nga alam kung saan kami patungo,, tlagang.....
walang laman ang isip ko ngayon.
"Teka, saan ba tayo?"
"Ha? Ano bang klaseng tanong yan? Edi, papunta sa isang lugar para sa honeymoon natin."
Tumahimik na lang ako, alam ko nman tlaga na hindi nya sasabihin ang exact place kung saan kami magho-honeymoon.
"Aray!"
Napa-inda ako sa sakit nang ulo ko, gulat na gulat naman si Jun, kaya napahinto sya sa pagda-drive at itinabi nya muna ang sasakyan.
"Anong nangyari sayo? May masakit ba?"
Hinipo nya ang noo ko na para bang chini-check nya ang tempereture.
"Wala lang 'to, bigla lang kasing sumakit ang ulo ko."
"Ahh.. matulog ka na lang muna."
"Ok."
Isinandal ko na ang ulo ko sa bintana nang sasakyan habang nagsimula ulit syang mag-drive. Di nagtagal, naka-tulog na ako, hindi ko na tlaga makayanan ang migraine ko...,................. ............ .
................ ....... ..
.................. ............. .
...................
-___- ....
O__- ...
-__O ....
O__O ...
Hayy... ang sarap pala nang tulog ko kanina. Ang lambot pa nang medium na kama na syang hinihigaan ko ngayon ..
Nag-unat na ako nang katawan at bumangon na.
Pagkatayo ko, napansin ko... ang daming rose petals na nakakalat sa sahig. Bakit parang... ang romantic??
"Honey, okay ka na ba? Hindi na ba masakit ang ulo mo?"
May isang lalaki na lumapit sakin kaya, tinitigan ko ang mukha nya. Nakalimutan ko kung sino sya... Pilit kong inaalala dahil alam ko na mahalaga sa akin ang taong ito, kilala sya nang puso ko. Nang biglang....................
ARAY!!
Sumakit ang ulo ko at dahil dun, pumikit ako para kahit papaano, mawala ang sakit.
"Mukhang hindi ka pa nga magaling. Heto oh., inumin mo para naman mabawasan yang migraine mo."
Tumango lang ako at ininom ang gamot na ini-abot nya sa akin.
Pagka-inom ko nang tubig, may bigla akong naalala.... nag-flashback sa isip ko: wine, singsing, date, kasal..........
............
TAMA! Siya! Siya si Jun, ang asawa ko at nandito kami para sa honeymoon.
Dahil sa mga naalala ko, bigla akong napa-yakap sa knya.
***Jun***
Ininom nya na ang gamot na binigay ko sa knya. 5 minutes lang at gagaan na rin ang pakiramdan nya. Tatayo na sana ako nung bigla syang yumakap sa akin na ikinagulat ko.
"Honey??"
"Bakit?"
"Honey, wag mo kong iiwan kahit anong mangyari, ha?"
Ano kayang nangyari sa knya? Bakit parang...ang lambing nya ngayon? ^__^ ...
"Bakit naman kita iiwan? Eh.. ikaw nga ang pinaka-mamahal ko."
Pumiglas na sya sa yakap at umayos na nang upo.
"Talaga? Baka naman -- hmmmmmm....
Hindi na sya nakatapos sa pagsasalita dahil hinalikan ko na sya.
"Baka... ano?"
Tinanong ko sya tungkol sa sasabihin nya SANA. Alam nyo? Tinutukso ko lang naman sya eh.
"Baka kasii --"
Hinalikan ko ulit sya at mas passionate pa kaysa sa kanina.
"Baka kasi ano??"
Tinukso ko sya ulit matapos naming mag-kiss.
Sa pagkakataong iyon, iba na ang knyang sinabi.....
"I love you, Jun."
Kaya naman,,, napa-ngiti ako. Yun nman kasi ang hinihintay kong sabihin nya ehh.. Lumapit ako sa tenga nya at bumulong,
"I love you too."
"Iihh.. hahahaha, wag ka ngang bumulong sa tenga ko, nakaka-kiliti."
Tumatawa pa rin sya hanggang sa humiga na sya sa kama at ibinalot nya nang kumot ang sarili nya. :) Humiga na rin ako, after all... matagal pa naman bago mag-umaga, 3:30 am pa kaya. Nagising lang naman ako dahil bigla syang bumangon, akala nya siguro na umaga na.
"Teka.. Jun, diba naka-dress ako nung papunta tayo dito? Bakit ngayon, naka-pantulog na ako?"
"Oo, masyadong masarap ang tulog mo kanina kaya... binihisan na kita."
"WhAtt??!! You mean.... hinubaran mo ako??"
Phffftt.... hahahahahaha!!! Natatawa ako sa reaction nya pero, syempre hindi ako tumawa sa harap nya. Baka ma-offend pa sya. Ang dali-dali pa namang ma-asar nyan.
"Ano naman ngayon? Eh, mag-asawa na tayo, diba?"
"Alam ko naman yun, Jun ehhh... P-P-Pero, nakita mo na ang katawan ko???!!"
XD, nakakatawa tlaga sya.
"Makikita at makikita ko rin nman yang katawan mo noh."
"Tss.....Napaka-
"Maria, pwede na ba nating gawin yung- yung .... basta! Alam mo na yun. "
"O_o ..Huh? Ang alin?"
Aish! Sinasadya nya ba tlaga na magpaka-innosente o wala talga syang alam tungkol dun? Ang hirap naman kasi, hindi ko masabi ang salitang yun.
"Yung.. ahm..yung ano, Yun bang ....... gagawin ng mag-asawa sa unang araw nila.."
"Anong gagawin?"
Hayy... =__= Wala ba tlaga syang alam??
"Honeymoon.... ^__________^ " Nginitian ko na sya nang malapad na malapad. Sana naman ma-gets nya. Ang slow kasi .... >.<
***Maria***
Kanina pa sya hindi mapakali. Hayy.... ano ba tlaga ang gustong gawin nang lalaking ito?? Baka naman gusto nyang matulog na kami?
"Honeymoon.... ^__________^"
Ngumiti sya nang malapad na malapad.
0///0....
Ahyytt...
>///<
Nakaka-ilang naman! Alam ko na kasi ang gusto nyang gawin kanina pa. Kaya pala hindi sya mapakali.
Napatago ulit ako sa ilalim nang kumot .... nakakahiya! Namumula na yata ako. Kasi naman ehhh!!!! First time kaya namin gagawin ang bagay na yun. Nakaka-ilang...
"Oy.... ano na? "
Hindi ko lang sya kinibo habang pilit nyang kinukuha ang kumot na nakabalot sa akin pero, hindi ko sya hinahayaan na makita akong ganito.. Nagpanggap na lang akong natutulog.
*Zzzzzzzz-Zzzzzzzz-Zzzzzzz*
"Ikaw tlaga,honey... Nagpapanggap ka pang humihilik, alam ko naman na nahihiya ka lang sakin.. "
Ahyyttt >o< .. hindi man lang tumalab sa knya ang pagpapanggap ko. Dahil hindi na ako nakahawak sa kumot, agad nya yung hinila, kaya na-expose na ang mukha kong pulang-pula na parang kamatis.
"Ang cute mo tlaga ..."
Mahinahon nyang pinisil ang pisngi ko.
Tatalikod na sana ako sa knya pero, nahawakan nya ang braso ko at nahila na ako nang tuluyan palapit sa knya. Pumikit na lang ako.
Maya-maya... nararamdaman ko na hinahalikan nya ang leeg ko.....
Hindi na rin ako maka-piglas sa mga hawak nya at unti-unti na rin akong bumibigay hanggang sa wala na kaming damit sa ilalim nang kumot.
Ehhh........ Ano naman ang masama kung gawin namin ang bagay na yun?? Kasal na kami noh ....... .................... .
......................
//Kinaumagahan..//
Dilat na dilat na ang mga mata ko, pero ang diwa ko? Hindi pa rin maka-recover sa nangyari kagabi. Pagod na pagod ang katawan ko pero.. napapa-ngiti pa rin ako ^__^ ..
Bumangon na ako at isinuot ko na ang pink bath robe, syempre noh! Alangan namang maglalakad ako sa kwartong ito na nakahubad?
Nung unti-unti nang gumising ang diwa ko, nag-decide ako na maligo muna. Pagkapasok ko sa banyo, napa-ngiti na naman ako dahil nakita ko na punong-puno ng milk soap at rose petals ang bath tub. Ang bango nung aroma :)..
Matapos maligo, lumabas na akong banyo at sinalubong agad ako ni Jun nang kiss.
*tsup!*
"Good morning, honey ko :)"
Naka-suot rin sya nang bath robe, blue ang color.
"Good morning ^__^"
"Breakast??"
Tumango na ako.
Sa ikatlong pagkakataon, napa-ngiti na naman ako dahil sa mga paborito kong pagkain na naka-hain sa maliit na mesa.
"Ikaw ang nagluto?"
"Nope, ni-request ko lang ang mga yan sa chef nang hotel na 'to."
Ahh... akala ko nman sya ang nagluto. Pero, okay na rin, mukhang masarap din naman. Habang kumakain kami....
"Ahm...Hon, may bago nga palang binili sina mama at papa na bahay, gift nila para sa'tin. Pwede mo ring patirahin dun si Mario para nman may makaka-sama ka pag wala ako sa bahay. Pag-uwi natin, magiging busy ulit ako, alam mo naman na ako ang magmamana sa company ni Papa."
"Jun.... Salamat talaga dahil naiintindihan mo ang sitwasyon nmin nang kapatid ko. Naiintindihan ko rin naman na marami kang aasikasuhin... tsaka pati rin naman ako ehh... may tatapusin pa kasi akong estorya at alam mo ba kung ano ang sabi nang boss ko? Mapo-promote daw ako pag mas lalo ko pang pag-bubutihin ang work ko."
"Really? Edi, mabuti kung ganun :)"
Natapos na kaming kumain at nagbihis na kami, last stay na kasi namin ngayon.
"Hon, maiwan muna kita dito. Aasikasuhin ko na muna ang lahat nang charges natin dito, okay?"
"Ok, hon."
Pagkalabas nya ay inihanda ko na ang lahat nang gamit namin at isinilid ang mga iyon sa isang bag. Hindi naman masyadong marami ang mga gamit namin.
***Mario***
*kring!kring!*
Si Kuya Jun tumatawag.
"Hello, Kuya?"
"Mario, mauna ka na ngayon sa bagong bahay. Susunod na kami ng ate mo. Sayo ko nman binilin ang susi, dba?"
"Opo."
"Cge, bye."
"Bye. Ingat kayo sa byahe, Kuya."
"Ok, ikaw rin."
Binaba na nya ang cellphone. Nag-bihis na ako. Handa na rin ang mga gamit ko at kay Ate. Sabi kasi ni Kuya na lilipat na kami sa bagong bahay ngayong mag-asawa na sila. Ang bahay na ito ay iiwan na namin, nagre-renta lang kasi kami dito.
Pagkadating ko sa bagong bahay, namangha ako sa laki. Hindi ko akalain na may kalakihan rin pala ito. Sigurado ako na masu-surprise si Ate sa ganda nang bahay na ito at alam ko na magiging kumportable kaming lahat :)
Naglibot muna ako sa loob nang bahay at pati na rin ang second floor. Nakita ko na rin ang lahat nang kwarto. Alin kaya yung kina Ate? Pare-pareho kasi ang laki nang mga kwarto.
Ilang sandali lang ay dumating na si Kuya Jun at nakasunod naman sa knya si Ate. Nasa taas lang ako nakadungaw sa kanila sa ibaba.
"Hon, aanhin naman natin ang ganito kalaking bahay?"
Nakita ko si Ate na manghang-mangha pagkapasok nya pa lang.
"Magkakaroon kasi tayo nang maraming-maraming anak at dito natin sila palalakihin."
Natawa ako sa sinabi ni Kuya lalong-lalo na sa naging reaksyon ni Ate.
"JUN???!!! Wag ka ngang magbiro nang gnyan! Di ko yata kaya ang umire nang umire noh!! Nakaka-inis ka tlga!!"
Hinampas-hampas na ni Ate ang balikat ni Kuya. Para tlagang bata si Ate pero, masaya ako na masaya si Ate sa piling ni Kuya Jun ^__^¡
Bumaba na ako sa kinalalagyan nilang dalawa.
"Oh, Mario? Nandito ka na?" Si ate tlaga, nagtatanong pa sya kung nandito na ba ako, ehh.. nakikita naman nya ako, dba?
"Hindi, Ate. Sa totoo nyan.. wala talaga ako dito."
Biniro ko na si Ate, sure ako na naa-asar na sya XD.
"Pilosopo ka tlga!"
"Hahaha!! Mana sakin yang kapatid mo, Honey."
Umakyat na si Kuya Jun patungo sa ikalawang palapag nang bahay.
"Yun nga Jun ehh.. Hinawaan mo na itong kapatid ko."
Sumunod na rin si Ate sa itaas habang ako ay na-iwan dito sa ibaba. Lilibutin ko pa ang labas nitong bahay.
***Jun***
Hayy.. Ang cute tlagang ma-asar nang misis ko, hindi kasi mabiro.
Pumasok na ako sa magiging kwarto nming dalawa at sumunod na rin sya sa akin sa loob.
"Jun, ito na ba ang magiging kwarto natin?"
Naka-ngiti sya sakin habang nagtatanong.
"Oo, nagustuhan mo ba?"
"Oo naman! Kaya lang... masyadong malaki, nakaka-lula."
"Ok nga eh. Para maging kumportable ka."
Pumasok sya sa banyo. Habang nagmamasid pa sya sa loob, inaayos ko na ang lahat nang mga gamit namin sa loob nang closet at drawer.
***Maria***
Ang laki pala talaga nang bagong bahay namin. Hindi lang kasi ako sanay. Alam nyo naman na maliit lang ang ni-rentahan naming bahay. Pero.. ang ganda tlaga ^__^¡ Ganitong klase ang dream house ko.
Pagkapasok ko sa banyo, namangha ulit ako sa nakita kong bath tub at shower. Ang ganda talaga... Dahil manghang-mangha na ako saking mga nakikita, hindi ko napansin na sinundan pala ako ni Jun sa loob nang banyo.
"Honey, ligo tayo?"
Niyakap nya ako mula sa likod.
"Jun, wag ka ngang ganyan! Kakaligo ko lang kanina sa hotel noh."
"Edi, maligo ka ulit."
"Psh! Baliw! Dyan ka na nga!"
Iniwan ko na sya sa banyo at lumabas na rin ako sa kwarto namin.
Bumaba na ako para libutin ang labas nitong bahay, napansin ko rin kasi na may maliit na garden dun na may iba-ibang bulaklak. Nung lumabas ako, nakita ko si Mario na naglilibot rin sa harap nang bahay kung saan makikita ang maliit na garden na may swing.
"Mario, nandito ka rin pala."
"Oh? Ate, naglibot ka rin?"
Tumango lang ako habang ang mga mata ko ay naka-tuon lang sa mga magagandang bulaklak na may iba't-ibang kulay at klase: may white tulips, pink and red roses, lavender at marami pang iba na hindi ko alam.
"Si Kuya?"
"Nandun sa taas, sa kwarto nmin.. Maliligo yata."
"Ahh.."
"Teka... Mario, nakalimutan ko palang itanong. Saan na yung kotse ko?"
"Nandun na sa garahe, Ate. Si Kuya ang nagdala nun kahapon, tulog na tulog ka kaya hindi mo napansin na umalis sya."
Ahh ... na-una nya na palang ihatid ang kotse ko, mabuti naman kung ganun.
"Ate, nakita mo na ba yung pond?"
"Ha? May pond pala dito?"
"Oo, ate. Malapit sa garahe. Tara! Ipapakita ko sayo."
Tuluyan na akong hinila ni Mario papunta sa sinasabi nyang pond.
Pagkarating namin dun, nakita ko ang fountain at sa ibaba nun ay may pond kung saan naglalanguyan ang mga maliliit na isda.
"Ang ganda Ate noh?"
"Oo."
Kinuha nya yung pagkain para sa mga isda at ibinigay sa akin.
"Ano 'to?"
"Edi, pagkain para sa isda."
"Pilisopo ka tlga, Mario."
"Biro lang, te. Paka-inin natin ang mga isda."
Sabay na kaming nag-feed nang mga isda habang pareho rin naming minamasdan ang mga nag-uunahang isda.
"Nandito lang pala kayo."
Sabay kaming napa-lingon nung may nagsalita sa likod namin.
"Jun :)"
"Pwede ko bang hiramin ang kapatid mo, hon?"
"Sure ^__^¡"
"San tayo, Kuya?"
"Ipapakita ko ang magiging kwarto mo."
Mas sumigla pa si Mario dahil sa sinabi ni Jun kaya, na-una na itong maglakad kaysa sa knya. Ang kulit tlaga nang kapatid ko.
"Hon, dyan ka muna. Enjoy!"
*tsup!*
^////^.... Si Jun tlaga... pinapakilig nya pa rin ako hanggang ngayon kahit na mag-asawa na kami. Mas lumala pa yata??
***Mario***
Excited na tlaga akong makita ang magiging kwarto ko. Pagka-akyat namin ni Kuya Jun, may kinuha syang susi galing sa bulsa nya at ginamit nya yun para buksan ang isang pintuan. Ito kaya ang kwarto ko? Hindi ko ito alam ehh, naka-kandado kasi. Sinadya siguro ni Kuya para hindi ko makita. Nung pumasok na kami sa kwarto at ini-on na nya yung ilaw, abot tenga ang ngiti ko. Blue kasi ang kulay nang kwarto.
"Ang ganda naman Kuya ^_____^"
"Tlaga? Salamat naman at nagustuhan mo."
"Syempre naman!"
Agad na akong pumasok sa kwarto ko at minasdan ang bawat sulok nito pati na rin yung banyo.
"Salamat, Kuya :)"
"Wala yun, Mario. Kapatid ka naman nang asawa ko ehh.. kaya kahit papaano, kargo na rin kita."
Ang bait talaga ni Kuya. No wonder kung bakit nagustuhan sya ni Ate. Alam na alam talaga ni Ate kung sino ang dapat nyang piliin at dahil dun, maswerte ako dahil naging kapatid nya ako.
***Jun***
Ang bait talaga nang batang ito, manang-mana sa Ate nya. Pareho sila nang ugali.
Matapos kong maipakita ang kwarto kay Mario, pumunta na ako sa kwarto namin nang honey ko. Nung pumasok ako, nakita ko sya na naka-higa sa kama namin..
"Tulog ka, hon?"
"Hindi, bakit?"
"Tabi tayo."
Tinabihan ko na sya sa kama at hinarap nya ako.
0__0 ............ >//< Ganyan ang mga naging reaksyon nya nung makita nya ako na walang damit pang-itaas.
"Ba't ka naman nakahubad dyan?"
"Nai-initan kasi ako, ang hot mo kasi."
"Phfftt... Baliw ka talaga! "
"Oo, baliw na tlaga ako. Baliw sayo."
Alam kong kinikilig na sya sa mga banat ko, namumula na kasi sya.
Nagulat ako nang bigla syang tumawa.
"Hahahahahahaha!!!! Seryoso ka ba sa mga banat mo, honey ko? Ang corny kasi!"
"Assuuss, kinilig ka naman."
"Tss.. Oo! Kinikilig ako, ina-amin ko na. Ikaw lang kaya ang nakaka-gawa nun. >//< "
Ang cute nya tlaga. Kahit mag-asawa na kami ngayon, nanggi-gigil pa rin ako sa knya.
"Halika nga dito.. Hon.."
Niyakap ko na sya habang naka-higa.
"Jun -
"I love you, Hon."
Napatahimik sya nung sabihin ko yun at unti-unti nyang bina-baon ang ulo nya sa dibdib ko. Nahihiya siguro? ^____^¡
Kiniliti ko na sya sa may bewang, para naman mabasag ang katahimakan.
Nung ginawa ko yun, bigla syang nagalit.
"Jun! Tama na, nakaka-inis ka na tlaga."
O__O.... Patay! Ang bipolar naman pala neto ehh..
"Oy... galit ka, hon?"
"Obvious ba??"
Patay na tlaga. Galit na sya nang tuluyan >,<..
"Oy... Hon, Sorry na. Nilalambing lang nman kita eh."
Imbes na patawarin nya ako, tinaasan nya lang ako ng kilay.
"Psh! Sobra ka namang mag-lambing."
"Sorry na... "
Niyakap ko sya, pero hindi lang nya ako kinibo.
"Hon... Sorry na oh? Please?? "
Nag-makaawa na ako sa knya. Hindi ko kayang hindi nya ako kibu-in.
"Hahahahahahahahahahahahahah!! Hahahahahaha!!! Hahahahahaha!!!! Nagbibiro lang naman ako, hon."
Aish! Ka-asar!!! Hindi magandang biro yun. Akala ko totoong galit sya sakin. Pwes, magbabayad sya sa ginawa nya >:) ..
Hindi na ako nagsalita ulit. Iginapos ko na ang mga maliliit nyang braso gamit ang mga kamay ko, kaya nagulat sya.
"Ahh.. Jun -"
Then, I kissed her torridly, kaya hindi na sya nakapagsalita pa.
Unti-unti ko na ring niluluwagan ang hawak ko sa braso nya at Nagre-respond na rin sya sa mga halik ko.
"I love you, Jun."
Sinabi nya ang mga yun in between our kisses hanggang sa... pareho na kaming bumibigay. Hinahaplos ko ang bawat parte nang katawan nya habang niyayakap nya ako. Mahal na mahal ko tlaga sya.
***Mario***
(10 months later..)
"Kuya!!! Si Ate, manganganak na yata."
"Ha?? Ss-s-Si ate mo? Manganganak na?"
Kitang-kita ko sa mukha ni Kuya na sabik sya na kinakabahan. Pati na rin ako, hindi ko maiwasang kabahan.
"Tara! Dali! Dalhin na natin ang Ate mo sa ospital."
Isinakay na namin si Ate sa kotse at nagsimula nang mag-maneho si Kuya.
Pagkadating namin sa ospital, agad itinakbo ni Kuya si Ate patungo sa mga nurse doon.
"Miss! Manganganak na ang asawa ko. Please, paki-tawag nang doktor."
Natataranta na kaming pareho ni Kuya.
"Ah..Sir, huminahon muna kayo. Heto po, ihiga nyo na muna ang misis nyo sa strecher para maihatid natin sya sa delivery room."
Inihiga na rin ni Kuya Jun si Ate gaya nang sabi nung nurse.
"Mario, dito ka na muna. Sasamahan ko pa ang Ate mo sa delivery room, ok?"
"Ok,po."
Umupo na ako sa bench sa harap nung delivery room. ............... .................................. ....................................... ......... . . ......... ...............................
Ilang minuto lang ay lumabas na rin si Kuya nang naka-ngiti.
"Sucess, Mario."
Sa sinabi ni Kuya, napa-ngiti na rin ako.
***Jun***
Sa wakas! Magiging ama na ako. Hindi ko lubos maisip na balang-araw dadating ang araw na ito. Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako makapaghintay na mai-karga ko ang baby namin sa bisig ko.
"Mr. Parco?"
Agad akong napatayo nung lumabas na ang doktor.
"Dok."
":) Mister, isang malusog at magandang batang babae ang anak ninyo. Congratulations."
Kinamayan na ako nang doktor.
"Pwede nyo na pong makita ang baby nyo kasama ang misis nyo, nagpapahinga."
"Salamat po, doktora."
"Oh, cge. Maiwan ko na muna kayo."
Pumasok na kami ni Mario sa kwarto at nakita ko na si Maria, katabi nya ang baby namin.
"Wow.. Ate, ang cute-cute naman nang baby. "
Inaaliw-aliw na ni Mario ang pamangkin nya.
"Hon, kumusta ang pakiramdam mo?"
"Masakit ang ulo ko."
"Natural lang siguro yun ate, kapapanganak mo lang kasi."
"Baka nga."
Kinuha ko si baby at ikinarga ko na sya sa mga bisig ko katulad nang pangarap ko.
"Uhh.. ang ganda naman ni baby... mana sa mama nya at syempre pati sa papa nya... uhh... Natutulog ang prinsesa namin.... ang cute-cute, cute-cute...."
Ang saya-saya ko tlaga. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag ama ka na :)
***Maria***
Ikinarga na ni Jun si baby habang masaya ko naman silang minamasdan.
Maya-maya..Biglang gumrabe ang sakit ng ulo ko.
"Mario, paki-abot naman nung gamot ko sa migraine, nasa loob ng bag ko."
"Ate, oh."
Ininom ko na nang diretso ang gamot ko. Hindi ko na tlaga matagalan ang sakit ng ulo ko.
"Hon, bakit parating sumasakit yang ulo mo? "
"Oo nga, ate."
"Ewan ko rin eh. Mas sumasakit pa nga sya ngayon eh."
"Baka nman hindi na yan ordinaryong sakit nang ulo lang. Kailangan mo na yatang magpa-check up, hon."
"Tama si Kuya, Ate. Kailangan mo na ngang magpa-check sa doktor."
"Hindi na. Pagod lang naman ito at kapag naitulog ko, mawawala rin ang sakit."
"Siguro nga. Magpahinga ka na muna, honey."
Tumango na ako at pumikit.
Nakakapagod palang manganak, pero maganda sa pakiramdam kapag kapiling mo na ang anak mo.
Hindi nagtagal, naka-tulog na rin ako. ..............
Nung gumising na ako, nasa bahay na ako at nakahiga sa kama namin ni Jun. May naririnig akong ingay sa baba kaya bumangon na ako at bumaba. Pagkababa, nakita ko sina Jun, Mario at ang mga biyanan ko na aliw na aliw kay baby.
"Oy... ang ganda nang apo ko oh."
"Tama ka dyan, sweetheart. Yung mga mata nya, kapareho nung sayo."
"Oo nga, Ma."
***Mario***
"Ate, gising ka na pala."
"Iha, umupo ka na muna dito."
Kunot lang ang noo ni Ate na para bang naguguluhan sya sa mga pangyayari.
"Ano ba ang meron dito? Bakit para kayong nagce-celebrate?"
Ang weird na naman ni Ate at sa harap pa naming lahat sya nagkakaganyan. Hindi ko maiwasang mag-alala sa knya.
"Ate, nanganak ka na kaya nagce-celebrate ang lahat."
Sa ikalawang pagkakataon, hindi pa sya nalinawan at naka-kunot pa rin ang noo nya.
Lumapit na si Kuya Jun sa knya, hawak-hawak ang baby nila.
"Hon, ano bang nangyayari sayo?"
Nakita ko na nagtataka ang lahat sa mga ikinikilos ni Ate ngayon.
"Ahh.. Kuya, pagpasensyahan mo na si Ate , lagi kasi yang gnyan. Ate, sya yung anak nyo ni Kuya ^_^ ."
Nung sinabi ko yun, unti-unti nang napa-ngiti si Ate at ikinarga na nya si baby.
"Pasensya na tlaga Jun pati rin sa inyo mama, papa. Naba-blangko lang kasi minsan ang isip ko lalo na kakagaling lang sa migraine."
"Naiintindihan ka naman namin, iha. Ganyan rin kasi ako dati nung kapapa-nganak ko pa lang kay Jun. Natural lang yan, talagang hindi ka lang sanay na may anak ka na."
"Masasanay rin po ako, ma."
Ina-aliw na ni Ate at Kuya si baby habang ako ay naka-upo sa may sofa kasama ang mama at papa ni Kuya Jun.
"Hon, Marian nga pala ang ipinangalan ko sa knya. Diba yun nman ang dati mo pang binabanggit nung gusto mong magka-anak ng babae?"
"Oo, sinunod mo pala.? Salamat. Maganda kasi ang kahulugan nang pangalang Marian."
"Yeah, it means queen, right?"
"Hm."
"Ang ganda talaga ni baby, mana sayo, honey."
"Hayy... baby, nambobola na naman ang daddy mo."
Nung napagod na silang aliwin si baby, inihiga na lang nila ito sa kanyang crib. Kumain na kaming lahat dahil nagdala kasi nang mga masasarap na pagkain ang mga magulang ni Kuya Jun. Sa tingin ko nga eh.., mana si Kuya sa mama nya, maalaga at mapagbigay. Kanina nga, nilagyan nya pa nang ulam ang plato ni Ate. Matapos naming mabusog, nagpasya nang umalis ang parents ni Kuya at naiwan na kami dito sa bahay pero, hindi na kagaya nang dati dahil nadagdagan na kami nang isa, si Baby Marian ^___^.. Ang cute tlaga nya.
***Maria***
//Kinabukasan...//
Pumasok na ulit ako sa trabaho matapos mag-maternity leave. Naiwan naman sa bahay sina Mario ksama si baby at ang bago naming yaya.
Habang nagmamaneho ako nang kotse ko, sumakit bigla ang ulo ko. Tiningnan ko ang bag ko kung may gamot pa ba ako para sa migraine pero wala na pala, kaya dumaan muna ako sa botika bago dumiretso sa trabaho.
Ako ang pinakaunang dumating sa office, kaya naisipan kong magtimpla nang kape para sa mga gustong uminom nito mamaya.
"Oh? You're earlier than me, Mrs. Parco. Congratulations nga pala sa panganganak mo. How does it feel to be a mother?"
"Thank you po, sir. Masaya po ang maging mother pero alam ko naman hindi ganun kadaling gawin yun dahil isa iyon sa pinaka-mahirap na responsibility ng mga babae."
"But, for sure.. makakayanan mo ang mga hirap na yan."
"Thanks for the support, Sir. Sya nga pala.. may inihanda akong kape kanina, baka gustong nyong uminom?"
"Yes, of course. Ako na lang ang kukuha. Magpaka-busy ka na dyan sa work mo."
Tumango na ako sa sinabi nya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Ahm, Mrs. Parco, do you know how to use a coffee-maker?"
Nagtaka ako kung bakit nya ako tinanong nang ganung klaseng tanong, kaya sinagot ko na lang sya nang matino.
"Yes, Sir."
"Really? Ehh.. bakit naman wala kang coffee na inilagay?"
Gosh.. nakalimutan ko na naman!
"Ay! Sorry po, Sir. Nakalimutan ko yata yung coffee.. Teka lang po, ako na po ang maglalagay."
"No, no, no.. Please, go on with your work. Ako na lang ang maglalagay, okay? Anyway, thank you for your effort."
Napahiya talaga ako dun. Nakaka-inis naman ang sarili ko! Palagi na lang talaga ako nakakalimot. Parang... araw-araw syang lumalala. Baka tama sina Jun at Mario, mukhang kailangan ko na itong ipatingin sa specialized doctor.
Pagka-off na pagka-off ko sa work, nagpunta agad ako sa clinic para ipatingin ang kakaibang migraine na nararanasan ko.
"Iha, ano ba ang mga dinaramdam mo?" "Dok, ano kasi eh.. madalas pong sumasakit ang ulo ko pero, pag iniinom ko po nang gamot at itinulog, pansamantalang nawawala yung sakit."
"Bukod ba sa sakit nang ulo, may iba ka pa bang iniinda?"
Napaisip ako sa tanong nung doktor: Ano pa ba yung iba ko pang nararamdaman???
Hhhmmm...... ......... .........
Ahh.. tama! Meron pang iba.
"Meron po, dok. Hindi ko po sya nararamdaman. Yun pong.... Yung may mga ilang bagay akong nakakalimutan at kapag pinapaalahanan ako, saka ko pa po maaalala ang nakalimutan ko... ..... Posible po bang may koneksyon yun sa sakit nang ulo ko, dok?"
Nag-alala na ako sa naging reaksyon nung doktor. Kinabahan ako na ... baka ... na baka may malala na akong sakit.
"Ano po, dok? May sakit po ba ako?"
"Iha, sa ngayon... hindi pa tayo makaka-siguro kung ano yang karamdaman mo. Dadaan ka muna sa proseso para malaman natin kung may sakit ka ba tlaga o wala."
Tumango lang ako.
Pagkatapos, ginawa na namin ang lahat nang mga proseso na sinabi nang doktor. NagpaCT-scan na rin ako. Sinabi nang doktor na bukas ko daw makukuha ang mga resulta, kaya kailangan kong bumalik bukas.
***Jun***
(8:30 pm)
Pagka-uwi ko sa bahay, nalaman ko na wala pa pala si Maria.
"Mario, hindi pa ba dumating ang ate mo?"
"Hindi pa, Kuya. Bakit po? May problema ba?"
"Wala naman. Nagtataka lang kasi ako kung bakit hindi pa sya umuuwi. Kaninang alas-6 pa ang off nya, dba?"
"Ahm, Oo. Baka naman may inasikaso lang yung importante, Kuya. Uuwi din yun mamaya."
"Siguro nga."
Umupo na ako sa sofa at hinubad ko na ang sapatos ko, ang coat ko at ang necktie ko.
"Sir, dumating na po si Ma'am."
Pumasok na yung katulong namin dala ang mga supot nang plastic.
"Ahh.. sige."
"Hon, Im here. Dinalhan ko nga pala kayo nang mga prutas, pinalagay ko na kay yaya sa ref."
"Ahh.. Hon, bakit ka nga pala natagalan sa pag-uwi?"
"Pasensya na,.Jun. Inasikaso ko pa kasi yung bago kong ginagawa na estorya at saka.... nagpunta rin ako nang market para mamili nang mga prutas."
"Ok lang, hon. Pero wag mong masyadong dalasan, ha? Alam mo naman na mag-aalala ako pag gabing-gabi ka na nakaka-uwi. Mabuti kung kasama mo ako."
"Yes, sir!" Nag-salute sya sa akin na parang policewoman.
"Ate, Kuya, dinner is ready."
Niyaya na kami ni Mario na kumain kaya tumayo na kami at agad nagtungo sa hapag-kainan.
Nagsubuan kami nang honey ko, kaya nag-react na ang kapatid netong asawa ko. "Tsk-tsk.. Ate, Kuya, ang sweet nyo naman dyan...... nakaka-inggit."
Nginiti-an ko lang sya.
"Para hindi ka ma-inggit, mag-gf ka na kasi."
Kinamot nya lang ang batok nya.
"Kuya naman eh.. "
"Tama ang kuya mo, Mario. Nasa tamang edad ka na naman eh."
"Ate, sinabi ko naman sayo na wala pa yan sa isipan ko."
"Ok, sinabi mo eh.."
*Unga!!Unga! Ungngngaaaaaa!!!!*
"Excuse me po, Ma'am.. Si baby po, umiiyak."
"Akin na si baby, yaya.
Uhhh.. wag ka na iyak baby ko. Nandito na si mommy, na-miss mo ko noh? ~Nanana~~nanana~~nanana..."
*Ungaaa! Ungaaaa! Ungaaaa!*
"Shhh. . Shh... Baby, tahan ka na. "
Hindi pa rin tumatahimik si baby kahit anong gawin nang mommy nya.
"Hon, baka naman gusto nya sakin?"
"Baka nga."
Ibinigay na ni Maria si baby sa akin at pagkatapos, tumigil na sya sa pag-iyak. Isinasayaw ko na sya..
Maya-maya lang....
*Ungngngaaaaa!! Ungngngaaa!!!*
Hay... umiiyak na naman si baby.
"Hon, baka nagugutom?"
Tumayo na sya at kinuha ulit si baby mula sa akin.
"Shh.. Gutom ba si baby?"
*Ungngngaaaa!!*
"Mukhang gutom sya. Jun, Mario, dun muna ako sa sala. Ibebreast-feed ko lang si baby."
Pumunta na sya sa sala at nagpatuloy kami ni Mario sa pagkain. Ang hirap pala talagang maging magulang.
***Maria***
Nagpunta na akong sala. Gutom na kasi si baby. Alangan naman dun ako sa kainan, edi.. mae-expose yung breast ko? Nakakahiya, hindi pa rin ako sanay ehh.
"Baby, gutom ka na noh? Eto na oh, milk mo."
Agad nang tumahan si baby. Habang nagbebreast-feed ako sa knya, nakatingin naman sya sa akin na tuwang-tuwa.
"Ang cute-cute mo tlaga, baby Marian... Bagay na bagay sayo ang name mo."
Pagkasabi ko nun, ngumiti sya sa akin at nag-beautiful eyes pa... Nanggi-gigil ako sa knya. Matapos nyang mabusog ay nakatulog na ulit sya. Umakyat na ako sa itaas at inihiga sya sa crib.
"Tulog na si baby, hon?"
"Oo, eh.. parang anghel na natutulog."
"Matulog na rin tayo."
"Ok, magc-cr muna ako."
"Alright, take your time."
Pumasok na ako sa banyo at nagbawas na. Naghalf-bath na rin ako at nag-toothbrush.
Matapos ang lahat, humiga na rin ako sa kama, katabi si Jun.
"Hon, gusto mo bang dagdagan natin si baby? Lalaki naman?"
Ngumiti lang ako sa sinabi nya. Ang dami lang kasing bumabagabag sa isipan ko ngayon.
"Jun, kung magkakasakit ako, anong gagawin mo?"
Napakunot-noo sya sa naging tanong ko na malayong-malayo sa gusto nyang pag-usapan namin. Nag-aalala lang kasi ako eh..
"Hon, syempre ipapagamot kita. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka. Naalala mo ba yung sinabi ko sa wedding reception natin?"
"Hmm... Alin dun? Ang dami kaya nun."
"Yung... sinabi ko na, Ok lang na mawala sa akin ang pera ko, basta't manatili ka lang sa tabi ko because you are my wealth, kayo nang baby Marian natin."
Napa-ngiti lang ako sa mga sinabi nya. Masaya ako na kahit nagka-anak na kami, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nya sa akin.
"Pero... iba na kasi ngayon, may anak na tayo at mas kailangan nya ang pera mo, ang pera natin lalong-lalo na't lumalaki na sya at di magtatagal, mag-aaral na sya."
"Hon, alam ko naman yun. Pero, sa tingin mo ba.. magiging maayos ang buhay nya kung wala ka sa tabi nya? Kailangan ka nang anak natin, kaya hangga't maaari, manatili ka sa tabi nya bilang ina nya."
Alam kong... magiging mabuting bata ang anak namin na si Marian dahil may mabuting puso ang ama nya. Hindi ko mapigilang maiyak.
"Honey... mahimbing na ang tulog ni baby, kaya matulog na rin tayo."
"Ok, gud nyt."
"Gud nyt."
Sana bukas... Sana maging maayos ang resulta nang check-up ko, sana wala akong sakit. Please, sana pagbigyan nyo po ako,Lord kahit para lang sa anak at asawa ko.
//Kinabukasan..//
Nung gumising na ako, sinalubong ako ni Jun na may dala-dalang tray.
"Good morning, hon. Breakfast in bed is ready."
"Morning din :) Bakit mo pa ako dinalhan nang almusal dito? Eh, kaya ko nmang bumaba para kumain."
"I just want to take care of you. Masama ba??"
Napa-ngiti na lang ako sa sinabi nya. Kahit na mag-asawa na kami at may anak, ang sweet nya pa rin. ^___^ ..
"Thanks *^__^*"
"Oh.. say ah..."
Napa-nganga na ako, hinayaan ko na syang subuan ako.
"Ikaw naman."
Sinubuan ko na rin sya :)
"Your turn, hon."
Matapos ko syang subuan ay ako nman ang sinubuan nya.
Pagkatapos nang "subuan" portion, umalis na sya papuntang work dahil may ime-meet pa daw syang client habang ako nman ay maliligo pa lang.
Nung nakaligo na ako, bumaba na ako at ibinilin kay yaya ang pagbabantay kay baby. Si Mario naman? Hinatid ko na muna sya sa school nya.
"Ingat ka, Mario. Ito na pala ang baon mo."
"Salamat, Ate. Cge, pasok na ako."
"Cge, bye."
Nung nakapasok na si Mario sa school nya, umalis na ako papuntang office.
Dumating ako nang maaga sa work kaya, natuwa na nman si boss. Gusto nya na rin akong i-promote pagkatapos nang ginagawa kong libro.
Habang nagta-type ako sa tinatapos kong story, bigla na lang dumungaw ang isa sa mga kasama ko sa trabaho.
"Friend, Congrats nga pala sa inyo nang asawa mo dahil nagka-anak na kayo. Narinig ko rin pala na.. ipo-promote ka ni Sir?"
"Ah, Oo.."
"Wow,,, ang swerte mo talaga! Sana maging kagaya mo ako."
"Ikaw nman! Hindi magiging mahirap para sayo ang maging kagaya ko, matalino ka rin nman."
"Sana nga. Let's get back to work na nga lang."
"Sure :)"
Nung humarap na ulit ako sa monitor ng computer ko, bigla kong naalala na mamaya ko na pala malalaman ang resulta nang pagpapa-check up ko kahapon. Kinakabahan tuloy ako.
Pagka-off ko sa work, agad akong pumunta sa clinic.
"Oh? Iha, nandito ka na pala."
"Ahm, dok... pwede ko na po bang malaman ang resulta nang mga tests?"
Nung nag-tanong na ako tungkol sa resulta, tumayo yung doktor at may kinuha sa drawer nya, parang mga papeles.
Pagkatapos, bumalik na sya sa pagkaka-upo.
"May tanong lang ako sayo, iha. May nalalaman ka bang history nang mga magulang mo o mga relatives?"
Huh?? Bakit kailangan nya pang malaman ang history nang mga kadugo ko?
"Wala po eh. Maaga rin kasing nawala ang mga magulang namin ng kapatid ko."
"Oh, I'm sorry to hear that."
"Dok, may sakit po ba ako?"
"Iha, wag ka sanang magbibigla sa sasabihin ko ....."
Nung sinabi yun nang doktor, bigla na lang lumakas ang tibok nang puso ko...
*Dug.Dug.Dug.Dugudugdugdug.Dug*
"Alam mo nman siguro yung nakakalimot ang mga matatanda....
yung nagiging ulyanin sila...."
"Magiging ulyanin po ba ako?"
"Iha, mas malala pa ang sakit mo sa pagiging ulyanin.. You have......
alzhemer's disease."
O___O ..
"A-aa-alzhemer's disease?"
"Oo, iha. Sa tuwing sumasakit ang ulo mo, inaatake ka nang pagkalimot. Pwede ring paggising mo sa umaga, makakalimutan mo na ang lahat ng bagay."
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko...
"Mm-m-may gamot naman po sa sakit na yun, dba?"
"Unfortunately, palala na nang palala ang sakit mo. Kahit pa ang world's best doctor ay walang magagawa para malunasan yan."
"D-dd-dok, baka nagkamali lang kayo. Baka may pwede pa akong gawin para ma-ibsan ang karamdaman kong ito. P-please,, sabihin nyo nman po... "
Tuluyan na akong umiyak. Ang bigat-bigat nang pakiramdam ko ngayon. Bakit ako pa ang napili na bigyan nang sakit na ito?? Bakit sa lahat nang tao sa mundo, ako pa???!!
BAKIT???!!! :( :( :( :( ....
"Hindi ako pwedeng magka-mali dahil kitang-kita sa mga symptoms at ito ang makakapag-patunay." Ibinigay na nya sa akin ang medical result na kanina pa nya hawak. Nung nakita mismo nang mga mata ko ang nakalagay dun, napa-iyak na naman ako at napa-hagulgol.
"Pasensya ka na tlaga iha... Kahit ako, wala akong magagawa para tulungan ka sa sakit mo. Maaaring paggising mo sa umaga, makakalimutan mo na ang maliliit na bagay sa buhay mo at pati na rin ang pinaka-importanteng bagay. Ang mas malala pa dun ay ang pagka-limot mo sa mga mahal mo sa buhay."
Habang nandito ako sa kotse, inaalala ko ang mga sinabi nung doktor kanina. Hindi ko na tuloy mapigilan ang pag-iyak. Bakit nangyari sa akin to??
Paano na ang pamilya ko: si Jun, si Mario pati na ang anak ko na si Marian?
Ano ang mangyayari sa knila pag wala na ako sa tabi nila???? :( :( :( :( ....
Marami-rami na rin akong naiyak ngayong araw na ito at alam ko na namamaga na ang mata ko.
Bago ako umuwi sa bahay, nilagyan ko muna nang concealer ang ilalim nang mata ko, baka makahalata sila na umiyak ako at worst, malaman pa nila na may sakit ako. Ayokong mangyari yun, ayokong malaman nila ang tungkol sa malala kong sakit dahil alam ko na.... makulungkot lang sila at makaka-dagdag pa ako sa mga problema nila.
Pagdating ko sa bahay, ngumiti lang ako para maitago ko ang kalagayan ko.
"Oh? Nandito ka na pala, ate. Kumain na tayo, nandun na si Kuya sa dine."
"Ok."
As usual, sabay-sabay pa rin kaming kumain nang hapunan at naging maayos nman ang lahat sa kabila nang katotohanan na may sakit ako na hindi nila nalalaman.
***Mario***
//Kina-umagahan..//
(5:00 am)
Sunday ngayon, wala akong pasok kaya naisip kong linisan ang kotse ni Kuya at Ate.
Habang nililinisan ko ang salamin ng kotse ni Ate, may nakita akong mga papel sa loob.
Binuksan ko na yung kotse at kinuha iyon. Nung tiningnan ko na yun, nalaman ko na isa pala yung medical result.
Name: Maria Rodriguez Parco
Age: 27
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nung tumingin ako sa ibaba, nakita ko ang salitang:
Alzhemer's disease.
Huh??!! May sakit si Ate???
Alzhemer's disease? Paano nangyari yun?
Bakit hindi sinabi ni Ate na may sakit na pala sya?
Ginagawa nya ba ito para hindi kami mag-alala at malungkot??
Bakit, Ate????
Kung totoo tlaga ito, pupuntahan ko si Kuya, dapat nyang malaman ang tungkol dito.
Aakyat na sana ako sa hagdanan patungo sa kwarto nina Kuya't Ate nang may naalala ako.
------------------
(12:00 am)
"Alam mo... Mario, hindi ko tlaga kaya kapag may nangyaring masama sa Ate mo."
Nandito kami ngayon ni Kuya sa sala, nag-uusap habang si Ate ay mahimbing na natutulog sa itaas. Pareho rin kasi kami ni Kuya, hindi dinadalaw nang antok ng mga oras na yun.
"Ganun mo talaga ka-mahal si Ate, noh?"
"Oo nman. Mahal na mahal ko sya, higit pa sa buhay ko."
------------------
Nung maalala ko ang naging usapan nmin ni Kuya, nagpasya na ako na hindi ko muna sasabihin kay Kuya ang tungkol sa sakit ni Ate. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nya, alam kong masasaktan sya at malulungkot.
Nag-research na ako tungkol sa alzhemer's disease. Natuklasan ko na maaari mo palang ma-inherit ang sakit na yan mula sa mga ninuno mo; Nalaman ko rin na sakit ito ng mga matatanda, pero maaari rin itong maramdaman ng mga bata dahil sa madalas na pagka-stress at pagsakit ng ulo.
Kaya pala..... napapansin kong sumasakit ang ulo ni Ate. Sa lahat ng mga nalaman ko, ito ang nagpa-iyak sa akin:
"Alzhemer's disease is incurable."
Ibig sabihin.... wala nang pag-asa na gumaling si Ate.
Kahit pa malaman ko nang maaga ang tungkol dito, wala rin pala akong magagawa.
Bakit naman ganun??
Bakit ang Ate ko pa???!!
Akala ko... magiging masaya na kaming lahat..
Akala ko, okay na ang lahat.
Totoo nga siguro ang sinabi nila na walang bagay sa mundong ito ang pang-habang buhay :( :( :(
Ate........
"Ano yan?"
Napatigil ako nung biglang dumungaw si Kuya sa laptop ko.
"Alzhemer's disease?"
"Ahm.. Kuya, assignment ko po."
"Ah, ok."
Naglakad na si Kuya patungo sa kusina.
Nung bumalik na sya at umupo sa tabi ko, napa-tingin ako sa kanya....
Maya-maya, napa-isip ako na kahit na hindi ko pa sabihin kay Kuya, malalaman at malalaman pa rin nya. Habang tumatagal, mas lalo syang nasasaktan.
"K-k-kuya?"
"Ano yun, Mario?"
Tumingin na sa akin si Kuya, kaya hindi ko maiwasang malungkot para sa knya.
"May sasabihin lang po ako sa inyo."
"Tungkol saan?"
"Tt-t-tungkol po kay Ate."
Nung sabihin ko yun, nanlaki ang mata ni Kuya at para syang kinabahan. Wala na akong magagawa, dapat na nyang malaman kahit na malungkot pa sya. Ako rin nman eh, hindi ko rin kayang mawala si Ate.
"Ano naman ang tungkol sa knya?"
"Kasi po..... ano...
kasi si Ate.....
M-mm-may sakit sya."
"Ano?? Kailan pa?"
"Kuya, huhuhuhuhuhu :( Palala na nang palala ang sakit nya :("
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, napahagulgol na ako sa harap ni Kuya.
"Mario, ano bang pinagsasabi mong sakit ng Ate mo?"
"Si ate, Kuya .. may.....
alzhemer's disease ...."
Nakita kong tumulo din ang luha ni Kuya.
"T-tt-totoo ba yang sinasabi mo?"
Tumango lang ako at ibinigay sa knya ang nakita kong medical results ni Ate.
"Kuya, nag-research ako tungkol sa sakit nya at nalaman ko na wala yung lunas. Wala nang pag-asa na gumaling si Ate..."
Napa-yuko na ako at tumulo na naman ang mga luha ko. Naririnig ko na rin si Kuya na humihikbi. Nasasaktan ako para sa knya dahil alam ko kung gaano nya ka-mahal ang ate ko.
"Mario... maaari bang magpanggap na lang tayo na walang alam sa sakit nya?? Ayokong malaman nya na alam na natin ang kalagayan nya, baka lumala pa ang sakit nya."
"P-pp-pero Kuya..."
"Mario, please.... gawin natin ito para sa knya."
"Ok, kung yun ang gusto mo .. Kuya."
Alam kong mahirap ang magpanggap sa harap ni Ate na okay lang ang lahat, pero.. tama si Kuya.
"Oh? Mario, Jun, anong nangyari sa inyo? Umagang-umaga, nalulungkot kayo... may nangyari bang masama?"
Bumaba na nang hagdanan si Ate at pumunta sa kinalalagyan namin ni Kuya.
"Hon, wala ito. May napag-usapan lang kami nang kapatid mo."
"Ah.. Ano nman yun? May problema ka ba, Mario? Sabihin mo,, tungkol ba yan sa babae?"
Dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha, baka makita pa ni ate.
"Ate, It's something personal, kaya hindi mo na pwedeng malaman yun."
Matapos kong sabihin yun, napa-tingin ako kay Kuya at naka-ngiti sya sa akin, pero kahit ganun .......
nakikita ko pa rin ang kalungkutan sa mga mata nya.
"Ok, sinabi mo eh. Nasaan nga pala si yaya?"
"Ahm, nandoon sya sa garden. Bakit te?"
"Ahh.. ako na lang ang magluluto nang umagahan."
"Ok, ate. Gutom na rin kasi ako eh.. hehe.."
Pumiki na ako nang tawa.
"Cge, punta na ako sa kitchen."
***Maria***
Nagpunta na akong kusina para ipag-handa sila Jun at Mario nang almusal.
Maghahanda ako nang ham, bacon, egg, fried rice, bread, pancakes at mango juice! ^___^ .....
"Ma'am, good morning. Tulungan ko na po kayo?"
"Oh? Yaya, tamang-tama ang dating mo. Paki-lagay na lang nang mga yan dun sa dine. Paki-set na rin nang table for breakfast."
"Opo."
Naluto ko na ang lahat nang pagkain maliban sa pancakes. Ilang sandali lang ay bumalik na si yaya sa kusina.
"Handa na po ang lahat sa hapag-kainan, Ma'am."
"Salamat, ya."
Nung aalis na sana sya, tinawag ko ulit sya dahil nakalimutan kong ibigay ang almusal nya.
"Ahm.. Yaya, para sayo nga pala ito pati yang natirang juice."
Ibinigay ko na sa knya ang 3 piraso nang pancakes at isang baso nang juice.
"Naku. Salamat po, ma'am."
"Walang anuman. Cge, kumain ka na muna, alam ko naman na hindi ka pa nag-aalmusal."
"Salamat po ulit, ma'am."
Matapos kong maluto ang lahat, nagpunta na ako sa sala para yaya-in sila na kumain nang umagahan.
"Wow... Hon, ang sarap naman nang mga hinanda mo."
"Haha, talagang masarap yan. Para sa inyo yan. Tara, kain na tayo."
Ewan ko ba kung bakit bigla akong na-inspire na magluto ngayon.
"Ate, totoo nga. Ang sarap-sarap. Mapapa-kain ako nang marami nito."
Nakaka-tuwa talaga na makita sila na nasasarapan sa mga luto ko.
"Tama lang yan, para palagi kayong malusog at para iwas sa sakit."
Nung nasabi ko ang salitang 'sakit', bigla na lang napayuko si Mario. Bakit kaya?
"Cge, kumain lang kayo ng marami. Hon, ikaw rin."
"Thanks, hon."
"Salamat tlaga, ate. Salamat...."
Nabigla ako nang makita ko na umiiyak si Mario.
"Oh? Ba't ka nman umiiyak dyan?"
"Ahh.. ehh.. kasi.. "
Napayuko lang sya. Napa-tingin naman ako kay Jun na naka-tingin rin kay Mario.
"Wala ito... Ate, masaya ako na ikaw ang naging ate ko dahil napaka-maalaga mo at mapagmahal ka sa amin ni Kuya Jun, kaya... salamat sa lahat :)"
"Asuss... ang drama mo naman! Kumain ka na nga lang dyan."
Nagpatuloy na rin ako sa pagkain. Maski ako... nagpapa-salamat rin na siya ang naging kapatid ko at pati na rin kay Jun dahil minahal nya talaga ako nang totoo. Kahit na dumating pa ang araw na malilimutan ko sila at kahit na sa pagdating ng araw ay makalimutan sila nang isip ko , mananatili pa rin sila sa puso ko. Sabi nga nila, hindi nakakalimot ang puso.
***Jun***
(Monday)
Gumising na ako at bumangon. Ginawa ko na ang lahat ng kailangan kong gawin.
Bago pumasok sa trabaho, minasdan ko muna ang mukha nang pinaka-mamahal kong babae. Kahit na alam ko na ang tungkol sa karamdaman nya, hindi pa rin ako nagsisisi na siya ang naging asawa ko.
Kahit na... dadating ang araw na sumumpong ang sakit nya, hindi pa rin ako mapapagod na alagaan sya kahit na habang-buhay ko pang gawin yun.
Matapos ko syang pagmasdan, hinalikan ko na sya sa noo at bumaba na.
"Kuya, papasok ka na sa trabaho?"
"Oo, Mario. Ikaw?"
"Ahm.... Kuya, hindi po muna ako papasok sa eskwela. Gusto kong bantayan si ate, baka sumpungin sya nang sakit nya."
"Mario, hindi pwde. Baka bumagsak ka nyan sa eskwela."
"Kuya... please? Payagan nyo na ako. 1 week lang naman ako aabsent eh.. Tsaka, madali lang ang maka-bawi sa eskwela pero si Ate, ito lang ang magagawa ko para sa kanya."
"Mario.."
"Kuya, sige na po. Please?????"
Hayyyy... ang kulit talaga nang batang ito, hindi nagpapapigil. Pero... sa bagay , tama naman sya kasi walang mag-aalaga sa Ate nya dahil may trabaho rin nman ako.
"Ok, cge na nga. Basta ba,, aalagaan mo nang mabuti ang ate mo, ok?"
"Opo, Kuya."
"Cge, alis na ako. Mag-ingat kayo dito."
"Kayo rin po."
Sumakay na ako nang kotse at nagsimula nang mag-drive papuntang opisina.
***Mario***
Hindi na muna ako papasok sa eskwela.
Simula kasi nang malaman ko na may malalang sakit si Ate, nag-alala na ako.
Paano kung bigla syang makalimot at kahit ano pa ang gawin ko na paalalahanan sya ay hindi pa rin nya maaalala hanggsang sa lumala ang sakit nya??
Paano kung mangyari ang lahat nang yun na wala ako sa tabi nya??
Ayokong masayang ang mga oras.
Ayokong mawala sya na wala man lang akong nagawa para alagaan sya.
Kung pwede ko lang sana malunasan ang sakit nya, gagawin ko ang lahat kahit na magbuwis pa ako ng buhay ko dahil nung bata pa ako, halos i-buwis nya rin ang buhay nya para alagaan ako, kaya... sinadya siguro ito nang panahon para ako nman ang mag-alaga sa knya.
Nandito ako sa aking kwarto, kasalukuyan akong gumagawa nang excuse letter para hindi na ako mahirapan sa paggawa nito. Maiintindihan nman siguro nang mga professor ko ang ginawa kong rason. Alam nman nang lahat nang mga guro ko ang napagdaanan nmin nang ate ko.
Matapos kong gumawa nang excuse letter, pinuntahan ko na si ate sa kwarto nya.
Pagkapasok ko sa kwarto nya, wala sya.
'Siguro nasa baba na yun.'
Bumaba na ako para i-check si ate.
Pagkababa ko, nakita ko si yaya.
"Ya, nakita mo ba si ate na bumaba?"
"Ah.. Sir, hindi po eh. Baka nman po nasa kwarto nya."
"Wala sya dun eh. Chi-neck ko na."
"Talaga po? Kakalabas ko lang po ngayon eh, baka po hindi ko lang sya napansin."
"Ah, cge. Salamat na lang. Baka nasa garden sya."
Lumabas na ako sa bahay at pumunta na nang garden. Pagkapunta ko dun, wala sya. Sinubukan ko ring puntahan ang pond at ang garahe, wala din sya dun. Nasaan kaya sya? Sigurado naman ako na hindi sya umalis dahil nandito pa nman ang kotse nya.
O___O ... Ah! Alam ko na, may isang lugar ako na hindi na-check-ang banyo nya! Napatakbo na ako sa kwarto nya.
Pumasok ako sa kwarto nya at pinihit ko na ang door knob ng banyo nya. Pagka-pihit ko, hindi ito bumukas. Naka-lock kasi.
"Ate! Nandyan ka ba sa loob?"
Walang sumasagot. Inilapit ko ang tenga ko sa pinto at nakinig.....
Nagtaka ako nung wala akong ingay na naririnig.
"Ate!! Nandyan ka ba sa loob?? Si Mario ito, sumagot ka please."
Wala pa ring sumasagot.
Dahil dun, nag-umpisa na akong kabahan. Baka kung ano na ang nangyari kay ate sa loob, nag-aalala na ako.
"Ate!! Nandyan ka ba sa loob? Please... sumagot ka naman! Ate!! "
Katok lang ako nang katok, hindi pa rin sya sumasagot.
"Ate!!"
Naalala ko na may separate key nga pala ako sa lahat nang pintuan dito. Ibinigay sa akin ni Kuya ito dahil magagamit ko ito kung may emergency katulad nito.
Tumakbo na ako sa kwarto ko at kinuha ko na sa drawer ang separate key at bumalik sa kwarto ni ate.
Nung nabuksan ko na ang banyo, nagulat ako ...
O______________________O!!!!!!!!!!!
"AAATTTEEEE!!!!!!"
***Jun***
Maaga ako sa opisina, marami pa kasi akong aasikasuhing mga papeles at mga meetings.
"Excuse me. Sir, Mr. Alonzo called that he wanted to have a lunch meeting with you. He also want to remind you about the contract for his agreement."
"Ok. Please tell him that I'll be going."
"Right now, sir."
Hay.. ang dami ko pa talagang gagawin. Lalong-lalo na kapag ako na ang magiging chairman. Sinabi kasi ni Papa na ipapa-mana nya sa akin ang company na ito pagdating nang tamang panahon.
*kriiiinng-kriiinngg!!*
"Hello?"
"Kuya, si ate.."
O_____O
... .......................
Pina-cancel ko na ang lahat nang meetings ko at nagmadaling pumunta kay Mario. Nakita ko sya na naka-upo sa bleachers.
"Ano ba ang nangyari sa knya??"
Tumingin sa akin si Mario na mangiyak-ngiyak.
"Kuya, hindi ko alam. Nakita ko lang sya sa loob nang banyo nya, naka-bulagta. Nataranta na ako, kaya dinala ko sya dito... Kuya..."
"Mario, akala ko ba aalagaan mo sya nang mabuti???!!! Akala ko ba babantayan mo sya???!!!"
Dahil sa galit ko, bigla ko na syang nasigawan.
"K-kk-kuya, pasensya na... hindi ko naman sinadya ehh.... S-ss-sandali lang naman akong gumawa nang excuse letter para next week. Pagkatapos nun, p-p-pinuntahan ko sya sa kwarto nya pero wala sya, kaya hinanap ko sya sa buong bahay, hindi ko pa rin sya nakita.. Nung tiningnan ko na ang banyo nya, nakita ko sya na walang malay. H-hh-hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Kuya... s-ss-sorry... :( :( :( :( :( ..."
Napa-upo na lang ako..
"Mario, wag ka nang umiyak. Wala tayong magagawa kung iiyak lang tayo dito. Ipagdasal na lang natin na maayos ang kalagayan nang Ate mo."
Napayuko na rin ako. Ilang sandali lang ay lumabas na ang doktor.
"Mr. Parco, maayos na po sa ngayon ang kalagayan nang asawa nyo. Inilipat na po namin sya sa ibang kwarto dahil kailangan pa nyang magpahinga dito sa hospital. And.. I'm afraid na baka hindi na nya kayo maalala paggising nya. May sakit pala sya, alam nyo na ba ang tungkol dun?"
Tumango lang ako.
"Well, for now.. all we can do is to believe in miracle dahil incurable ang sakit nya. I have to go, Mr. Parco. Take care of her."
Napa-iyak na ako nung umalis ang doktor. Natatakot na ako dahil anumang oras ay maaari na syang kunin sa akin.
Pero ngayon.... Please, Lord... wag po sana ngayon....
"Kuya, tama na po ang pag-iyak. Puntahan na natin si ate sa kwarto nya."
"Cge."
Pumunta na kami sa kwarto kung saan nila inilipat si Maria. Nung makita ko na sya na maayos na naka-higa sa kama at may dextrose na naka-kabit sa braso nya, parang ...... kinurot ang puso ko.
Nasasaktan ako dahil nahihirapan sya nang ganyan.
Sana .... sana ako na lang ang nasa sitwasyon nya.
Parang..... tinutusok nang kutsilyo ang dibdib ko.
Hindi ko kaya...... :( :( :( :( :(
"Kuya, lalabas lang po ako. Bibili ako nang pagkain para kay ate."
Tumango lang ako sa sinabi ni Mario. Pagkalabas nya, naiwan ako sa kwarto na naka-upo sa tabi ni Maria habang minamasdan sya.
"Hon, mahal na mahal kita...."
Muli na namang sumakit ang mga mata ko at ilang segundo lang ay tumulo na nman ang mga luha ko kaya... isinandal ko na muna ang ulo ko sa gilid nang kama nya habang hinahawakan ko ang kamay nya.
Maya-maya lang ay dinalaw na ako nang antok, napagod na kasi ako sa pag-iyak. . . . . . . . . . . . . .
-___- ,,, 0_____0 ....
Nagising ako nung may gumagalaw sa kamay ko.
"Hmm.."
Pagkadilat ko, nakita ko na gising na pala ang honey ko.
"Oh? Honey ko, gising ka na pala. Teka, gutom ka na ba?"
"Nasaan ako??"
Inilibot nya ang mga mata nya sa paligid.
"Nasa hospital ka."
Kinusot ko na ang mata ko. Bumangon na rin sya mula sa pagkaka-higa at ang sunod nyang sinabi ay ang nagpatigil nang ikot nang mundo ko...... ...... .. ... .. ...
"Sino ka??"
May kurot na naman akong naramdaman sa puso ko. Kahit na alam ko na mangyayari ito, nagulat pa rin ako na hindi na nya ako maalala. Hindi na nya ako nakikilala, maski pangalan ko..... natanggal na rin sa isip nya. Hindi nya na rin maalala kung sino ako sa buhay nya at ano ang naging papel ko.
Bakit nasasaktan ako???
"Ahmm... hindi mo na ba ako naaalala??"
Pilit akong tumingin sa knya nang diretso. Tumingin na rin sya sa akin na para akong sinusuri at pilit na inaalala sa isip nya. Ilang sandali lang ay kumunot ang noo nya at umiling. Napayuko na ako dahil kahit ano pa ang gawin nya, hindi na nya ako maaalala.
"Oh? Ate, gising ka na pala. Binilhan na kita nang pagkain. Kumain ka na."
"Ahh... Ate??"
Kumunot na nman ang noo nya habang nakatingin sa kapatid nya. Tinuturo pa nya ang sarili nya.
"Mario, hindi na nya tayo matandaan."
Nung sinabi ko yun, may nakita akong konting kalungkutan sa mga mata ni Mario. Hindi ko nman sya masisisi.
"Kumain ka na lang,.te :)"
Nginiti-an nya lang ang ate nya, pero alam ko na pilit lang yun.
"O-ok ^___^"
Kahit na hindi na nya kami maalala, hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nya na nagpatibok nang puso ko.
***Mario***
Masakit marinig kay ate ang mga salitang yun. Hindi nya na pala kami maalala. Masakit pala.... Ang sakit-sakit.. :( :(
Pero.... Ate , wag kang mag-alala, hindi pa rin kita iiwan..
Lumipas ang mga araw, nakalabas na rin si ate sa hospital... Akala namin ni kuya na magiging maayos ang lahat pati na ang kalagayan ni ate.
Pero... maraming araw na ang nagdaan, mas lalo pang lumala ang sitwasyon nya.. Ang mga bagay sa bahay, hindi na nya alam kung paano gamitin..
May araw rin na... hindi na sya marunong mag-suot ng damit nya kaya... tinutulungan sya ni Kuya na magbihis. Lalong-lalo na pag nilalapit ni Kuya kay ate ang anak nila, nagagalit sya.
Dahil sa kalagayan ni Ate, madalas na ring lumiliban sa trabaho si Kuya Jun dahil ayaw nya na rin akong umabsent sa eskwela.
Saturday ngayon, nasa trabaho si Kuya at nandito muna ako sa eskwela. May klase kasi ako ngayon pero half-day lang. (10:30 am) Kasalukuyan akong nakikinig sa leksyon namin nang .....
*Bzztt-Bzzzzttt-Bzzttt-Bzztt.*
Nung tiningnan ko ang cellphone ko, number sa bahay ang naka-register. Kinutuban na ako na....
baka may nangyaring masama sa bahay..
kay Ate....
Agad na akong tumayo at pumunta sa harapan.
"Excuse me, Ma'am, Can I answer this call for a while?? It's an emergency."
"Ok, Mr. Rodriguez. Don't take too long; you'll going to miss important points in this lecture."
"Yes, ma'am."
Lumabas na ako sa room ko at dali-daling sinagot ang phone ko.
"Hello??"
"Ahmm.. S-S-Sir, ang ate nyo po....."
"Bakit? ? Anong nangyari kay ate?????"
"Ss-ssir, tumawag na po ako nang ambulansya, dinala na po sya sa ospital. Nagpa--
*toot-toot*
Ini-off ko na ang phone ko at tumakbo agad sa ospital kung saan dinala si Ate. Natataranta na talaga ako. Nanginginig na rin ang lahat nang parte nang katawan ko at pinagpapawisan na ako nang malamig na malamig. Ewan ko ba... parang ... feeling ko ,,, may mangyayaring masama.
"Nurse, excuse me... may dinala po bang pasyente dito, Maria Parco ang pangalan."
"Ah, teka.. iche-check ko lang po, Sir."
Tiningnan na nung nurse ang mga names na nakalagay sa monitor nang computer.
"Ahm.. Sir, hindi nyo po sya pwedeng dalawin ngayon, nasa ICU po kasi sya, ino--
Napatakbo na ako patungo sa ICU at nakita ko si Kuya Jun na naka-upo sa isa sa mga upuan sa harap nang operating room. Nakayuko sya at rinig na rinig ko ang mga hikbi nya. Kinabahan na ako at maya-maya lang... nakaramdam na ako nang malamig na tubig sa mga mata ko, luha pala iyon.
"Kuya, anong nangyari kay ate?"
"Mario, aksidente syang naka-inom nang muriatic acid. Nakalimutan kasi ni yaya na i-lock ang bodega kaya nakapasok sya dun.. Kasalanan ko tong lahat ehh... kung hindi lang sana ako pumasok sa trabaho para mabantayan sya nang maayos, edi sana... hindi nangyari ang lahat nang ito... kasalanan ko to... huhuhuhuhu... :( :( naiinis ako sa sarili ko!!!!!!!
Bakit?? Bakit kailangang mangyari ang lahat nang ito????"
Napa-hikbi na lang ako. Nasasaktan ako dahil nakikita ko ngayon na sinisisi ni Kuya ang sarili nya..
"K-k-kuya, wala kang kasalanan.... Sana, tumigil na lang ako sa pag-aaral para kay ate mapunta ang lahat nang atensyon ko. "
"Mario, sa tingin mo ba... Sasaya ang ate mo kung titigil ka sa pag-aaral mo? Hindi, dba? Kaya.. please, wag mong sisihin ang sarili mo, dahil ako ang tunay na may kasalanan."
Napa-yuko na lang ako habang umiiyak.
Si Kuya naman... kahit alam ko na nasasaktan sya sa mga pangyayari, hindi nya pa rin nakakalimutan ang magpaka-kuya sa akin.
After an hour, lumabas na ang doktor kaya, napatayo na kami ni Kuya.
Nung nakita ko ang reaksyon nang doktor, lumakas ang tibok nang dibdib ko.
"Dok, okay na po ba ang misis ko? Pwede na po ba namin syang dalawin??"
Tumingin lang ako sa doktor at naghintay sa isasagot nya sa tanong ni Kuya.
Bumuntong-hininga muna sya bago sya nagsalita, "Wag kayong magulat sa sasabihin ko. Ang misis nyo po, naka-inom nang nakaka-lason na bagay at hindi basta-basta iyon. At dahil dun.... tumigil nang permanente ang tibok nang puso nya."
O____O!!!!!
"Dok, anong ibig nyong sabihin? Hindi nyo nailigtas ang ate ko??"
Tumango lang yung doktora.
"I'm sorry for what happened. We did everything that we can and-
"Ano???!!! Hindi ako naniniwala na ginawa nyo ang lahat nang kaya nyong gawin! Dahil kung ginawa nyo ang lahat, nailigtas nyo ang buhay nang asawa ko pero HINDI DBA???!!! HINDI, DBA???!! Anong klaseng mga doktor kayo???!!!"
Hindi na napigilan ni Kuya ang galit nya. Napa-upo na lang ako at napa-iyak habang pilit na inaalala ang mga bondings namin ni Ate nung wala pa syang sakit... ang mga ngiti nya.... :( :( :(
"Mr. Parco, I apologize for what happened. I'm a doctor, not a powerful God that could do miracles. Imposible na ang gusto nyong mangyari na buhayin sya dahil tuluyan nang kumalat sa mga delicate organs nya ang lason. I'm very sorry."
Tinakip na nung doktor ang likod ni Kuya Jun na tuluyan nang humagulgol. Wala naman talagang himala ehh..
Dahil kung meron man, sana... dati pa sya gumaling kahit na imposible.. Yun naman talaga ang tunay na kahulugan nang himala, dba? Ang mangyari ang imposibleng mangyari.
Pero.... Bakit ipinagkait sa amin yun??
Bakit maagang kinuha si Ate mula kay Kuya lalong-lalo na ang baby nila na si Marian, ang bata-bata pa nya para mawalan nang mommy.
Ate... :(
Bakit mo kami iniwan??? Ang daya-daya mo naman!!!!!!! .... :( :( :(
***Jun***
//Pagkalipas nang limang taon..//
Matagal-tagal na rin nung mangyari ang insidenteng yun pero.. sariwa pa rin sa aking mga ala-ala.. Mahal na mahal ko pa rin sya kahit na wala na sya sa tabi ko. Naaalala ko pa rin ang masasayang araw namin..
--------------------
"Jun, honey.. anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita."
Kaka-gising ko pa lang, agad na akong sinalubong nang napaka-ganda kong asawa.
"^___^ .... Hindi pa ako gutom, ayoko pang kumain. Ang gusto ko good morning kiss mula sayo.."
Ngumuso na ako at napa-ngiti na rin sya..
"Ganun ba?? Edi... i-good morning kiss mo yang sarili mo. Hmp!"
Tumalikod na sya at maglalakad na sana nang hinila ko sya kaya, napa-harap sya sa akin. Nagba-blush pa sya, ang cute tlaga. Kahit mag-asawa na kami, nanggi-gigil pa rin ako sa knya.
*tsup!*
"Ayan.. ki-niss na kita, masaya ka na?"
"Hahahaha, syempre naman!"
Niyakap ko na sya at niyakap nya na rin ako.
*Unga! Ungngngngaaaaa!!!*
"Hala? Teka lang, hon, nagseselos yata si baby."
Pumiglas na sya sa yakap namin at pinuntahan si baby para i-karga sa bisig nya.
"Uhh... nagseselos ba ang baby ko sa daddy nya?? Halika... ikaw naman ang yayakapin ko... uuhhh.. ..... sshhh. "
Isina-sayaw na nya ang anak namin at kinakantahan habang ako ay naka-upo lang sa kama, masayang minamasdan ang mag-ina ko.
-------------------
Sa tuwing naaalala ko ang lahat nang iyon, napapa-ngiti na lang ako. Wala akong pinagsisihan na sya ang pinili kong mahalin. Masaya naman ang naging pagsasama namin kahit na.... hindi gaano katagal.
"Daddy... dadalawin po ba natin si mommy??"
"Yes, baby :) Dadalawin natin ang puntod nang mommy mo dahil 10th anniversary namin ngayon."
"Talaga po?? Yey!! May iku-kwento po ako kay mommy tungkol sa nangyari sa school."
"Ok,baby."
Nagmaneho na ako papuntang cemetery.
Kasama ko ang anak namin, si Marian. 5 years old na nga pala sya at ang kulit-kulit, manang-mana sa mama nya.
R.I.P.
*Maria Rodriguez Parco*
1988-2015
"Honey, flowers for you. Happy Anniversary :) miss na miss na kita. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang tinitibok nang puso ko.
Ahhh.. sya nga pala, may iba-balita ako tungkol kay Mario, ang kapatid mo. Manang-mana nga sya sayo ehh, matalino at masipag. Nasa America na sya, nag-aaral. 1 year na lang makakapagtapos na sya. Gusto nya nga raw tumulong sa pagpapatakbo ko sa kompanya. Proud na proud ako sa knya. Sigurado ako,, na.. masaya ka rin para sa knya. Bilib rin ako dun eh. Hanggang ngayon, wala pang grlfrnd. Kahit wala ka na.. pina-prioritize nya pa rin ang mga pangako nya sayo na tatapusin nya muna ang pag-aaral nya para maka-bawi sa mga sakripisyo mo sa knya noon. Ang bait talaga nang batang yun, maaalahanin sa pamilya nya.
Teka- ang baby nga pala natin, may gustong i-kwento sayo.."
"Mommy! Kahit na hindi ko po kayo nakita, alam ko po na mahal na mahal mo kami ni Daddy. Alam ko na ikaw ang guardian angel namin dyan sa heaven..... ^___^ ...... May iku-kwento nga po pala ako tungkol sa school ko.. alam nyo po?? Ang dami-dami ko pong friends. Marami rin po akong stars na nakuha kanina sa school... Eto po oh... Mommy, I love you po... "
Matapos ang pagdalaw namin, umuwi na kami sa bahay habang mahimbing na naka-tulog si Marian sa kotse. Inihiga ko na si Marian sa kwarto nya at umalis.
Pumunta na ulit ako sa kwarto ko at binuksan ang cabinet para magbihis.
Matapos magbihis, naisipan kong buksan ang secret drawer ni Maria na ipinagkakait nyang ipakita sa akin. Na-curious rin kasi ako kung ano ang laman nun.
"Maria, honey... wag ka sanang magagalit ah? Gusto ko lang buksan ang secret drawer mo, okay lang ba?"
Para na tlaga akong baliw dito, kina-kausap ang taong wala na dito. Tsk! Tsk! Pero... mabuti na rin ang magpaalam ako sa knya, ang tindi rin kasi magalit nun.
Nung kinuha ko na ang susi na nakalagay sa maliit na box na naka-patong sa ibabaw nang secret drawer, binuksan ko na yun.
Nung nabuksan ko na, may nakita akong isang malaking box na may lamang isang maliit at makapal na libro.
Binuksan ko na yun...
Ahh.. Scrapbook nya pala, nakadikit doon ang mga larawan na kinuha mula nung nililigawan ko pa lang sya hanggang sa naging kami, ikinasal at nagkaroon nang baby. :) Mahilig talaga sya sa mga ganitong bagay...
Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti.
Nakita ko rin sa kahon ang mga gifts na ibinigay ko sa knya: mga stuff toys, roses na lanta na at iba-iba pa. May nakita rin akong isang sobre na hindi pa yata nabubuksan kaya....
binuksan ko yun at nalaman ko na para sa akin pala.
TO: Jun, honey ko.
Hi :) Isinulat ko ang sulat na ito nung nalaman ko na may alzhemer's disease pala ako at sa araw na yun, nagpasya ako sa sarili ko na hindi ko sasabihin sa inyo ang tungkol sa karamdaman ko dahil ayokong mag-alala kayo sa akin kaya,, nagpanggap ako na wlang sakit kahit na alam ko na dadating ang araw na mawawala ako sa buhay nyo.
Siguro..... Kung nababasa mo na ito ngayon, tiyak ako na wala na ako sa mundo dahil hindi ka naman magkaka-lakas loob na buksan ang secret drawer ko. Hehe.. :) sensya na, nagagalit kasi ako pag binubuksan mo ito ehh... dahil hindi pa tama ang oras para mabasa mo ang sulat ko.
Pero.. kung nababasa mo na ito ngayon, I'm sure... sakto na yung panahon. Humihingi ako nang tawad sa inyo dahil hindi ko agad sinabi sa inyo ang tungkol sa sakit ko dahil ayokong mag-alala kayo sa akin.
Honey ko, paki-sabi na rin kay Mario na mahal na mahal ko sya at sana naman... magka-gf na sya o di kaya'y mag-asawa na para naman may mag-alaga sa knya ngayong hindi ko na sya pwdeng alagaan, baka kasi.. tumandang binata yun. Hahahaha!! Hindi ko tuloy ma-imagine.
Kay baby Marian naman,,, kung malaki na sya, maiintindihan nya na wala na ang mama nya pero kahit ganun, mahal na mahal ko pa rin sya.
Jun, honey... mahaba-haba na rin ang sulat kong ito. Marami-rami pa sana akong sasabihin sa inyo pero parang.... mauubos na ang tinta nang bolpen ko. Haha, Nagbibiro lang! :D
Yung ginagawa ko nga palang story, kapareho pala nang estorya ko?? Akalain mo yun, hon? Magkapareho nga kami nang kapalaran nung babae ehh, namatay rin kasi sya sa huli.
Pero kahit na namatay sya, kuntento pa rin sya sa naging buhay nya kagaya ko. Masaya na rin ako na kahit papaano'y naka-hanap ako nang pamilya na nagmamahal talaga sa akin nang tunay.
Honey, last na talaga ito..
Nung nalaman ko kasi na balang-araw maaari akong mamatay, naniwala ako sa sinabi nang iba na walang FoREVEr.
Pero.,, Nung napagisip-isip ko, na-realize ko na may FOREVER pala...
Parang-God's love...
Dahil sa pagmamahal Niya sa atin, inalay Nya ang sarili Nya para mailigtas Nya tayo sa ating mga kasalanan.
Kahit na namatay na Sya, nanatili pa rin Sya sa langit para bantayan tayo at alam kong nabubuhay pa rin Sya sa puso nang mga taong naniniwala sa Knya..
Kahit na hindi natin Sya nakikita with our own eyes, naipapa-dama Nya pa rin ang pagmamahal Nya sa atin at ang pagmamahal na yun ay TRUE at UNCONDITIONAL na nananatili .........
FOREVER.
Gaya nang pagmamahal Niya sa atin, minamahal ko rin kayo truly and unconditionally forever.
Tandaan nyo, kahit na wala na ako sa tabi nyo ngayon, mahal na mahal ko pa rin kayong lahat. Kahit na nabura na kayo sa isipan ko, naka-ukit pa rin kayo sa puso ko.
I love you, honey ko.
I love you, baby Marian ko.
I love you, kapatid ko.
I Love You all!!! ^___^
-WAKAS-
A/N: Thank you po sa lahat ng mga nagbasa sa story kong ito. Please vote and comment para mas lalo pa po akong ma-inspire sa paggawa nang bagong estorya and also, please do follow me ChocolatesAreHeaven is my username :) and also please tour in my profile and read my other stories. Thanks a lot! Mwah! :* GOD BLESS!