Wildest Dream Ni Miss Nerdy (...

By Natzu_24

119 9 0

Sabi nila ang tunay na pag ibig dumarating ng kusa, di pinipilit at di minamadali. Madalas yung iba gumagawa... More

Prologue
Chapter 1-Conan The Great!
Chapter 2 - The Exclusive Garden
Chapter 3 - Peter Pan
Chapter 4 - Raven Leandro Sandovall
Chapter 5 - Past With Regret
Chapter 6 - Damsel In Distress
Chapter 7 - Enter Of The Dragons

Chapter 8 - The First Two Signs

2 1 0
By Natzu_24

Conan

Kinabukasan ang aliwas ng muli sa school nanumbalik na ang kasiglahan ng mga estudyante at mga faculty staffs na animo'y walang nangyari kahapon. Masasabi kong ligtas na muli ang NEU. Natapos ang mga klase namin sa pang umaga at naging maayos at walang anumang aberya ang muling naganap. Mahaba habang hintayan na naman to dahil mamayang 4 pa ang resume ng klase namin. Pati si kyle nanumbalik na rin muli sa sigla. Gusto ko sanang itanong kung ano ang mga napag usapan nila kagabi nila papa pero magmumukha akong tsismosa pag sinimulan ko ang pagtatanong kaya minabuti kong wag nalang itong gawin.

"Conan gusto mo bang pumunta muna sa mall para magpalamig at mamasyal?" Anyaya sakin ni kyle.

"Ah sige wala naman na tayong klase mamayang hapon pa naman yung isa."Pag sang ayon ko.

Pumunta na nga kami sa may waiting area at naghintay ng masasakyan. Ilang sandali pa may dumating na taxi at sinabi na nga ni kyle kung saan kami pupunta. Nang makarating kami sa mall ay nag aya si kyle na sa may arcade kami pumunta para maglaro. Nagpapalit si kyle ng token at hayun, sinimulan na namin ang paglalaro. Una kaming pumunta sa may shooting area, ang galing talaga ni kyle mag shoot bagay na bagay niyang maging basketball player habang ako naman nakakashoot rin naman pero mas marami parin ang hindi ko naipapasok. Pagkatapos nun ay sinunod namin sa mga may baril baril, para itong counter stike na game, nakikita ko tong nilalaro ng mga kapatid ko sa bahay, baril sa mga zombie dito baril doon minsan napapahiyaw ako dahil sa hindi natatamaan yung mga kalaban namin at susugod sa akin yung mga zombie. Napapatawa naman si kyle sa tuwing napapahiyaw ako.

"Ano ka ba conan, hindi sila makakalabas sa screen."Biro ni kyle

"Eh basta."Nahihiyang sagot ko.

Niyaya ko sya na mag just dance kami pero ayaw ni kyle parehong kaliwa daw kasi yung paa niya kaya binigay niya nalang sa akin yung token at ako lang mag isa ang nagsayaw. Nakangiti lang siya habang pinapanood ako at pumapalakpak pa. Nahuli ko rin syang kinukuhanan niya ako ng video kaya lumalapit ako sakanya para pigilan pero dahil matangkad siya itinataas niya lang ang isang kamay niya at pilit kong kinukuha ito, tinatalon talon na parang pasabit sa mga birthday party pero hindi ko makuha kaya hinayaan ko nalang siya at itinuloy ang pagsasayaw ko. Ewan ko ba sa mga oras na yun dahil kahit may mga taong nanonood sa akin ay nawala ang hiya ko at patuloy parin sa pagsasayaw..

"Magaling ka palang sumayaw ah, bakit di ka sumasali sa mga dance contest nung high school?"Papuri at tanong ni kyle.

"Ah kasi walang nagsasali nun sakin. Kaya sa mga quiz bee at academic competitions nalang ako sumasali."Sagot ko.

"Eh bakit ikaw ang galing mo rin palang magbasketball ah bakit di ka sumali sa mga palaro nung high school aber?" Makulit na tanong ko kay kyle. Hindi sya sumagot at ngiti lang ang ibinigay sakin.

Pagkatapos naming maglaro ay niyaya niya akong kumain sa food court dahil gutom na siya.

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong niya sa akin.

"Ah hindi pa, ikaw ba?" Balik na tanong ko kay kyle.

"Halikana punta tayong food court at talagang gutom na ako."

May mga fast food chain naman kaso ang rationale ni kyle kung bakit ayaw niya dun, Fast food chain nga daw pero napakabagal naman daw ang service nila. Kaya mas maganda na raw sa food court at mas masaya. Pumayag na rin ako, bago kami makapunta roon ay napadaan kami sa isang store na ang tinda ay mga bake products at iba pa.

"Ah teka lang, bili tayo ng brownies namiss ko yung brownies ni tita eh."

Ibig ba niyang sabihin ay si mama?? Huminto kami para bumili.

"Miss dalawa nga pong brownies."Sabay turo niya rito.

Kumuha ang babae at binigay kay kyle. Binigay naman sa akin ni kyle yung isa. Pero bago pa kami umalis ay may inabot muli sa akin si kyle.

"Conan."Napatingin ako sa kanya, dahil abala ako sa pagkain ng brownies na bili niya.

Inabot niya sa akin ang tatlong piraso ng maliliit na kulay asul na mga rosas.

"Para saan to?"Tanong ko sakanya.

"Ah wala, regalo ko."Tipid niyang sagot.

"Hindi ko naman birthday ah."Tanong kong muli.

"Regalo dahil sinamahan mo ako ngayon dito, edible yan. Pastilyas raw yan."Paglalahad niya.

Biglang rumihistro sa akin ang binigay nya, Tatlong Asul na rosas.?Kinabahan ako at malalim na napaisip.

"Yung 1st sign!"Sabi sarili. Oo yun ang una kong Sign.

1. Bibigyan ako ng taong nakalaan sa akin ng Tatlong Asul na Rosas.

Naramdaman kong mabilis na pumintig ang puso ko.

Kahit na nawala kasi yung ginawa kong list ay tanda ko parin at inulit na sinulat sa isa sa mga libro ko.

"Huy! Conan halika na, kain na tayo." Yaya ni kyle.

Hindi ako agad na nakasagot, iniisip kong muli yung bigay niya. Pero bakit kay kyle? Kaibigan ko sya. Dibale una palang naman may lima pa ako.

"Wala, sige sige tara na at ako rin gutom na."

"Mas masarap parin yung brownies ng mama mo, walang wala yung binili ko."Paglalahad ni kyle habang nakangiti.

"Ah oo, may halo kasi yun."Tugon ko.

"May halo?"Curious na tanong ni kyle.

"Oo, hinaluan niya yun ng pagmamahal kaya extra special."Nakangiting sagot ko.

"Ah kaya pala."Napatawa naman si kyle.

"Hayaan mo pagkauwi ko sasabhin ko kay mama na bigyan ka."

"Naku wag na diba nagsisimula palang si tita?"Pagtatanggi ni kyle.

"Wag kang mag alala yun na yung pambawi ko sayo, oo kaya allowance ko pambibili ko. Dibale mapupunta rin kay mama."

"Oh sge na nga asahan ko yan ah."

"Oo kwits na tayo ah."Bawi ko sakanya.

"Deal."Tugon naman ni kyle.

Pumunta kami sa isang stall na ang tinitinda ay mga lutong probinsya, namiss ko tuloy ang ilocos, taga doon kasi ang mama ko sa Bangui. Meron silang dinengdeng, pinakbet at iba pa.

Dinakdakan ang kinuha ko at isang order din sa dinegdeng. Matagal na rin kasing hindi ako nag uulam nun.

"Ano yang ulam na yan?" tanong ni kyle na parang ngayon lang nya nakita ang ulam na yun.

"Inihaw na karne na hinaluaan ng suka,kalamansi at kung ano ano pang pampalasa."pag papaliwanag ko.

"Oh heto tikman mo"Sabay kuha sa ulam ko gamit ang tinidor ay akmang isusubo ko kay kyle, sa una napailing siya paraang ayaw niya pero ilang sandali pa ay isinubo niya rin ito.

"Aba, masarap nga."Napangiting sabi niya.

"Oh sige kukuha rin ako niyan." Sabay harap muli sa stall at nag order nga siya ng dinakdakan at isang order ng chop suey.

Tumuloy kami sa isang upuan at mesang bakante. Good for two lang yun. Habang kumakain kami ay nasagi muli sa isipan ko yung 3 blue roses. Bakit ba kasi gumagawa gawa pa ako nun sabi sa isipan. May lima pa naman, wala yun. Pilit na sinasabi sa sarilli na nagkataon lang yun. Para maalis sa isipan ko yun ay nagsimula akong magtanong kay kyle.

"Ah kyle, naniniwala ka ba sa mga love signs?"Pahinto hintong tanong ko.

"Ah hindi, kahit naman walang signs kung talagang kayo sa isa't isa kayo parin hanggang sa huli."Lalim ng mokong na to. Pero bago pa niya iyon isagot ay parang natigilan siya pati na rin sa pagkain niya, at ilang segundo rin siyang nakasagot.

"oo nga naman."Tangi kong naisagot sa kanya.

"Ikaw ba naniniwala ka?"Balik tanong niya sa akin. Naku, biglang tumaas ang dugo ko patungo sa ulo at mukha ko ramdam kong namumula na ito.

"Ah . . kasi ano."Hindi ko masabi.

"Anong ano?"Tanong niya muli.

"Wala, hindi rin. Hindi naman totoo yun."

Pagkakaila ko. At some point kasi parang naniniwala ako, destiny diba? Sa pamamagitan kasi ng mga signs na yun parang masasabi mong nahanap mo na talaga ang taong nakalaan para sayo.

"Ah ganun ba."Sabay tuloy sa pagkain si kyle.

Ilang minuto ring nagkaroon ng katahimikan, tanging ang mga tunog lamang ng pagkain na nilalasap namin ang naririnig. Walang umiimik, hanggang sa ialok ko sakanya yung isang ulam na inorder ko.

"Kyle tikman mo rin tong dinengdeng, masarap din to." Inilapit ko sakaya yung ulam. Kumuha naman siya.

Panandalian kong itinigil ang pagkain habang pinapanuod ko siyang kumakain nung ulam na bigay ko. Nagulat ako ng bigla niyang bitawan yung kutsara niya. Tuluyang napahinto ako sa pagkain. Palalim ng palalim ang kanyang paghinga. Natataranta ako.

"Huy, kyle anong nangyayari."

May pag aalala na tanong ko. Hindi siya sumagot kaya napatayo ako at lumapit sa kanya. Malalim na talaga siyang huminga.

"tulong! Tulong! Tulungan niyo po kami!"Tarantang sigaw ko. Napalingon lahat tao sa food court wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na nila ako.

"Anong nangyari?"

Nag aalalang tanong ng isang lalaki, hindi ko sinulyapan dahil kay kyle lang napako ang tingin ko. Parang nahihirapan huminga si kyle, Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga oras na yun kaya hindi ko na nasagot ang tanong ng lalaki. Inalalayang tumayo ng lalaki si kyle at itinungo sa may bandang right wing ng court. Kinuha ko yung gamit namin ni kyle kaya medyo nahuli ako at hinabol yung lalaking umalalay kay kyle. Nang makalapit ako sakanya ay nagulat ako ng makita kong si leandro yung umaalalay kay kyle, ipinasok niya ito sa isang clinic ng mall. May mga nurse namang nag assist sa kanya, hindi na ako pumasok pa sa loob. Napaupo nalang ako sa may upuan sa may labas ng clinic. Parang nararamdaman kong may lumalabas ng tubig mula sa dalawa kong mata, ewan ko pero naiiyak na ako. Nag aalala na talaga ako kay kyle. May umupong lalaki sa tabi ko.

"hey! Stop crying."

Malalim ang boses niya na parang nakakanginig rin dahil malamig rin ito.

Nilingon ko sya, si leandro. Nakasandal siya at nakcross arm. Nasa harapan ko siya

"He will be fine."

Sunod na sabi niya. Napahinto ako sa pag iyak, mababaw lang din talaga ang luha ko pagdating sa mga taong malalapit sa akin. Inabot niya sa akin ang isang asul na panyo. Kinuha ko naman iyon at pinampunas ko ng luha ko.

"Bigla nalang kasi siyang nahirapang huminga pagkatapos kumain nung dinengdeng na inalok ko sakanya." Pagpapaliwanag ko.

"It maybe nagkaroon siya ng allergic reaction." Sagot naman ni leandro.

"Allergic reaction? Pero wala namang peanuts yun ah? O seafoods?"

"Shrimps?"Tanong niya.

"Merong halong dried shrimps yun."Sagot ko naman. Marahil yun nga siguro ang dahilan.

"It may be the reason, baka may allergy siya sa shrimps. Isang signs ang paninikip ng dibdib at nahihirapang huminga." Pagpapaliwanag ni leandro. Pero pagkabanggit niya ng word na sign ay nalala kong muli yung ginawa ko. #3 sign!

3. A person with an Allergic Reactions sa Shrimps.

Panandalian akong nabinge, napaisip ng malalim. Oo yun nga ang pangatlong isinulat ko. Mga weird na bagay kasi ang naisip kong isulat. Ewan ko ba parang unti unting nagsisync in sa isipan ko na baka si kyle nga talaga ang taong nakalaan para sa akin. Dalawang signs na ang lumabas at nangyari. Hindi ko na alam.

"Hello, kayo ba yung kasama nung lalaki?" tanong ng isang babaeng nakaputi mula pantaas hanggang pababa.

"opo." Sagot ko habang napatayo ako sa kinauupuan ko. Nakikinig lang naman si leandro at ganun parin ang posisyon niya. Napakalalaki niyang tignan sa posisyon na yun.

"Nagkaroon lang siya ng mild allergic reaction, and he was okay now. Pero maghintay lang kayo ng ilan pang minuto at pwede na syang lumabas." Pagpapaliwanag ng babae. Tama nga ang sabi ni leandro.

"Pwede na po ba syang tignan"

Tanong ko sa nurse.

"Yuh."Sabi naman ng nurse.

"Hey, mauna na ako may kailangan pa akong tapusin."Paalam ni leandro.

"Ah sige, maraming salamat talaga ah." Sabi ko pero, tumalikod na siya ng walang sabi. Naglakad papalayo hanggang sa siya'y hindi na matanaw ng mga mata ko at naglaho.

Tumuloy na ako sa loob para tignan si kyle.

"huy! Hindi mo naman sinabi sa akin may allergy ka pala sa hipon. Sorry talaga kasalanan ko to."Apologetic ang itsura ko habang lumapit kay kyle na nakahiga.

"Ano ka ba wala kang kasalanan, hindi ko rin kasi alam na may sahog pang hipon yun." Nakangiting sabi lang ni kyle.

"Mabuti nalang at dumating si leandro." Pagpapasalamat ko.

"Oo nga eh, asan na pala siya at di ko pa siya napapasaalamatan."Tanong ni kyle.

"Wala umalis na may gagawin pa daw."Sabi ko naman.

"Ah ganun ba? Sige pag nakita ko nalang siya." Tugon naman niya.

"Hayaan mo hindi ka na makakain ng kung anong may sahog na hipon."Nakatingin akong sinasabi yun sa kanya. Bigla naman siyang nagpout.

"bakit naman?"Tanong ko.

"Masarap pa naman yun."Ibig niyang sabihin yung dinengdeng? Mokong talaga to. Halos mamatay na siya tapos gugustuhin niya pang kumain ulit ng ganun?

"Huwag ka nga, sira." Suway ko sakanya.

"Oh siya pwede na ata akong lumabas dito, nakakapagod mahiga lang eh."Napatayo sa kinahihigaan. Inalalayan ko siya pero tinanggal niya ang kamay ko.

"Okay na ako, kaya ko to."Sabi pa nya.

"Talaga? Sige." Binigay ko sakanya yung mga gamit niya. 

May klase pa kami mamaya. Lumabas na nga kami sa clinic at nagpasalamat sa mga staffs dun. Minabuti kong yayain na si kyle sa school, baka kasi kung ano na naman makita niyang pagkain eh bumil na naman, eh kahit kasi kakain lang niya bibili parin to. Sa taranta ko kanina nakalimutan kong kunin yung bigay ni kyle na blue roses. Gusto ko sanang kunin kaso nasa may ground floor na kami ni kyle at malapit na sa exit. Nang akma akong kukuha sa may bulsa ko ng pamasahe sumabit ang kung anong bagay pagkahugot ko at nahulog ng tinignan ko kung ano yun tumambad sa akin yung asul na panyo na inabot kanina ni leandro. Nakakahiya, hindi ko naibalik. . pero mas nakakahiya kung ibabalik ko rin sa mga oras na yun na may singa ko. What the fish conan! Hindi ko na rin alam ang ginagawa ko kanina eh. Iss. Pagkapulot ko ng panyo ay naisip kong palitan nalang nang bago yun, pero saan naman kaya ako makakahanap ng kahalintulad ng panyong yun at tyaka mukang mamahalin pa. Basta pag iipunan ko nalang. Mabait rin pala talaga yung lalaking yun, pero ano kayang ginagawa niya rin sa mall nung mga oras na yun? Ilang beses na niyang sinasagip ang buhay ko. Una nung mahulog ako sa hagdan sa may library, pangalawa nung tatamaan sana ako ng bola nung p.e. class at heto nga sya na naman. May kung ano sa sarili ko na hindi ko alam kung bakit pero gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing sasagi sa isipan ko si leandro.

"Huy conan, ano sasakay ka ba?"Tanong sakin ni kyle.

"ah oo . . "Biglang sagot ko nawala ako panandalian sa realidad.

Sumakay na nga kaming muli ni kyle at nagtungo muli ng school.


***

Leandro

After my class kanina ay nagkayayaan ang gangs na maglaro ng GUILDCRAFT. Liam's family owned an internet shop one of there branch was on the mall. Kaya nagkayayan na dun nalang kami. At naglaro nga kami, may mga players from SJU and CRIMSON ACAD. Pero hindi sa pagiging mayabang, taob sila sa amin naka limang set kami at 4-1 ang laban. Pagkatapos ng game ay tumuloy kami sa isang resto. Nila kenzo para kumain ilang oras din kaming naglaro kaya nagutom din kami.

"You're great talaga bro!"Xander said.

"Sh*t akalain niyo limang set, minsan lang sila nanalo.HAHAHA"Liam.

"Iba kasi talaga ang defense mo bro. magaling ka pang magsupport."Sabi naman ni Kenzo.

Tahimik lang ako at nakikinig lang sakanila they continue to chit chat, they talk like its their last.tux!

We ate and after that we decided to roam around muna sa mall, wala rin kasing magawa sa school. When we are on the arcade I've seen this weird girl na kulot together with her boyfriend I guess. . corrine, they are on the food court.

"Bro, sinong chix ang tinitignan mo jan."Pabirong sabi ni liam.

"Nothing bro, its not chix. Monster bro." then I continue to play. Humalakhak naman si liam ng pagkalakas lakas. Pero I can't explain why I keep on looking sa monster na yun. But I decided to ignore it nalang. After a while, narinig ko ang isang boses. Sumisigaw na parang mawawalan na ng bukas.

"tulong! Tulong! Tulungan niyo po kami!" that voice was familiar to me. The monster! I glance to them and I've seen her screaming. I don't know why but my first reaction was to run after her. And that's it. Tumakbo nga ako papunta sa kanya and nakita ko yung kasama niyang hindi makahinga.

"Anong nangyari?" I asked. Pero hindi ako sinagot ng babaeng to. Sh*t siya na nga tong tinutulungan may gana pa siyang snob'in ako. Tux! Inalalayan ko yung lalaki na tumayo, I think si kyle to. Nakita ko ang isang red cross sign sa may right wing, and I know that clinic yun ng mall at ipinunta ko dun.

"Anong nangyari?"The nurse asked.

"Hindi po sya makihinga ng mabuti." At inihiga ko sya sa bed. The nurse took over and I left the room. When I was on my way to exit, I've seen this monster sobbing.

"hey! Stop crying." At first hindi parin niya ako nililingon, tux! Tinulungan ko na nga siya ayaw parin akong pansinin.

"He will be fine." Napahinto siya sa pag iyak, and finally pinansin na ako. Inabot ko sakanya yung paborito kong panyo, sh*t siningahan niya pa. pagkatapos niyang punasan ang luha niya.

"Bigla nalang kasi siyang nahirapang huminga pagkatapos kumain nung dinengdeng na inalok ko sakanya." She explain. Dinengdeng ano yun?

"It maybe nagkaroon siya ng allergic reaction." I answered.

"Allergic reaction? Pero wala namang peanuts yun ah? O seafoods?" she's confused.

"Shrimps?"I asked.

"Merong halong dried shrimps yun."she answered.

"It maybe the reason, baka may allergy siya sa shrimps. Isang signs ang paninikip ng dibdib at nahihirapang huminga." Hindi ko alam why I am explaining. I hate explaining. After a while, a nurse came out.

"Hello, kayo ba yung kasama nung lalaki?"

"opo." Corrine answered.

"Nagkaroon lang siya ng mild allergic reaction, and he was okay now. Pero maghintay lang kayo ng ialan pang minuto at pwede na syang lumabas." Pagpapaliwanag ng babae. I knew it.

"Pwede na po ba syang tignan" Tanong ni corrine.

"Yes."Sabi naman ng nurse.

"Hey, mauna na ako may kailangan pa akong tapusin."

"Ah sige, maraming salamat talaga ah." Narinig kong sabi ni monster, tumalikod na ako sakanya pero rinig na rinig ko parin ang sabi niya. .

Habang naglalakad ako ay nakita ko ang isang bagay na nasa mesa na inupunan kanina nila monster, cursiousity sucks! I don't know why but dumeretcho ako para tignan kung ano yun. Baka it's an important thing to her. I saw a three blue roses like. May be its edible. Tux! some part of me is saying na hayaan nalang yun at bahala na yung weirdong babaeng yun ang manguha, the other is saying na I need and I must gave it to her. At the end I don't know but I picked up it and I'm planning to return to her.

Meanwhile, I saw my gangs na tumatakbo palapit sa akin.
"Bro what happened?" kenzo asked.

"Bigla ka nalang nawala?"Sabi naman ni xander.

"Ah wala, may tinignan lang ako." I answered.

"And what's that?"Xander asked, his pertaining sa kinuha ko sa mesang pinagkainan ng weirdong babae yun. Pero nagmadali akong itago to sa likod ko.

"Ah nothing bro." I lied.

"Bro, hinahanap ka pala kanina ni elize." Liam.

Tux! Hindi pa rin talaga ako tinatantanan ng bitch na yun.

Ayokong makita ang pagmumukha nun. Hindi ko nalang tinanong kong bakit at nasan. Sa halip ay naglakad nalang ako papalayo, sumunod lang naman ang tatlo. Nang naglalakad ako ay biglang may kung anong ilaw ang sumindi sa isipan ko, I have an idea para tigilan na talaga ako ni elize. . evily smile.

***

3rd Person's P.O.V.

Ano nga bang gagawin mo pag isang araw yung mga signs na hinigi mo bigla nalang nagsilabasan? Kung ikaw si conan ipapaubaya mo rin ba sa mga signs para mahanap mo ang the one mo? May mga bagay kasi sa atin na kahit itanggi natin pilit pa rin itong sasagi sa ating mga isipan. Dalawang signs na nga ang lumabas at ito'y nangyari kay kyle. Si kyle na kaya ang the one ni conan? At paano kaya ang apat pang nalalabing mga signs. Darating rin kaya kay conan na mamimili siya ng susundin? Alin ang mas pipiliin mo kung ikaw yun? Ang Isip ba o ang puso?


***

Kurama's Note

Sa mga sumusunod pong chapters, mas magiging mahigpit na po tayo. Lalabas na ang ilang mga secrets at abangan nyo rin po ang chapter para sa crimson academy. Sensya na po kung matagal ako mag update, may mga tinapos kasi ako ng mga nakaraang araw kaya babawi po ako sa inyo sa mga susunod na mga araw. Thank you pala sa mga bumasa, bumabasa at babasa pa. vote, commment and share na rin po.

#Kurama

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 55.1K 46
Diana is an 18 year old girl about to start her senior year until she bumps into a woman at the bookstore who has quite the personality. The woman ta...
498K 26.2K 49
Warning โš ๏ธ Party แ€แ€…แ€บแ€แ€ฏแ€™แ€พ แ€†แ€ฑแ€ธแ€™แ€ญแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€œแ€ฐแ€แ€…แ€บแ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€”แ€ฒแ€ทแ€กแ€ญแ€•แ€บแ€แ€ฒแ€ทแ€™แ€ญแ€แ€šแ€บแ‹ แ€กแ€ฒแ€œแ€ฐแ€€ แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€ทแ€กแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€พแ€„แ€บแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€”แ€ฑแ€แ€šแ€บ แŠ แ€€แ€ถแ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ธแ€แ€ฌแ€แ€…แ€บแ€แ€ฏแ€€ แ€žแ€ฐแ€€ แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€ทแ€€แ€ญแ€ฏ แ€™แ€™แ€พแ€แ€บแ€™แ€ญแ€–แ€ฐแ€ธ แ‹ ...
86.2K 1.9K 29
but i bet we'd have really good bะตd chem how you pick me up, pull 'em down, turn me 'round oh, it just makes sense how you talk so sweet when you're...
1.1M 10.8K 73
๐ข๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐๐ž๐ฌ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐จ๐ฒ๐ฌ โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ don't forget to vote, share and comment. ๐Ÿค