π€π—πˆπ’ πŽπ… 𝐌𝐘 π–πŽπ‘π‹πƒ...

By Ateng_MACHIKA

5.5K 969 408

'π‘«π’‚π’šπ’” π’˜π’Šπ’•π’‰ π’π’†π’˜ 𝒕𝒓𝒖𝒕𝒉' A girl with Peachiest life. She has everything: wealth, moolah and anyt... More

Author Note
PROLOGUE
πŸ‘₯Characters Profile (AOMW)πŸ‘₯
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
CHAPTER 5
Chapter 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
Chapter 9
Chapter 10:
Must Read
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
SPECIAL ANNOUNCEMENT
Chapter 16: CEO's EVENT PARTY
Chapter 17: CEO's EVENT PARTY
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
CHIKA TIME NI Ateng Machika❀
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32: (𝑷𝒐𝒐𝒍 π‘·π’‚π’“π’•π’š)
Chapter 33: (π‘·π’‚π’“π’•π’š 𝑷𝒐𝒐𝒍)

Chapter 24

53 11 4
By Ateng_MACHIKA

KEMP's POV

"Sigurado ka ba na magaling ka na tropx?" Luxx asked. Mukhang nag-aalala rin ang mokong.

Ngumiti ako ng tipid bilang tugon. Nasa music room kami para sa Final practice ng aming banda. Tumingin silang lahat sa direksyon ko kaya ngumiti ulit ako.

Aaminin ko na medyo masama pa rin ang pakiramdam ko ngayon pero kailangan ko ng pumasok para gawin ang ilang pending documents para sa event. Ayokong ipasa kay Cyrus dahil alam kong marami din itong inaasikaso.

"Wala pa rin bang venue date? tropx, baka next year pa yan darating ang Antabel na yan!" Inis na tanong naman sa akin ni Tristan.

Tinaasan niya ako ng kilay at mukhang naiinip na rin sa gaganapin event.

"Nag text sa akin si Ma'am Venice, mag-uusap kami mamaya, I hope may sagot na rin siya, regarding sa concern na iyan." Kaswal kong tugon.

Inirapan niya ako at muling itinuon ang pansin sa song lyrics niya. Lahat kami nag-aantay na lang sa venue date para maisagawa ang engrandeng event sa school ng Deckosian ngayong taon 2020.

Nagsimula ng umingay ang loob, lahat ng kanta kabisado na namin lima, seryoso ang lahat maliban kay Olive na nakatingin sa kawalan. So.. weired, bihira lang siyang maging ganyan, sigurado akong importante ang iniisip niya.

"Hang out tayo mamaya." Sabi ni Olive pagkalabas namin sa music room. Seryoso ito kaya napatingin kaming lahat.

"Wow! For the last time, ikaw na ang nag-aaya ngayon ah, ano bang nabasa mo tropx?" asar na tanong ni Tristan habang nakangiting malapad sa harap ni Olive. Inirapan siya nito at hindi na tumugon.

Bihira lang si Olive mag-aya ng ganitong trip kaya gayon nalang ang pagtataka namin. Sigurado akong malaking problema ang kargo niya ngayon.

"Where?" Agap na tanong ni Cyrus, interesado din ang mokong.

"Text ko kayo maya." Olive said seriously, Ano kayang nangyayari sakanya?

"Sige, una na ako." Paalam naman ni Cyrus, sumunod yung dalawa kaya naglakad na rin akong patungong S.O.O office.

"Hoy! Why are you here? And who told you na pwedi ka ng pumasok hah!"

Tumambad sa akin si C.A na nakasimangot at nakacross ang kanyang kamay sa dibdib habang nakataas ang kilay.

Natatawa ako dahil bulol pa rin ito sa Tagalog word.

"Malakas ako." Sambit ko ng nakangiti para kumbinsihin siya, inilapag ko na ang bag sa mesa kaya umarap ako sa kanya

"Aray!" Napa- daing ako ng batukan niya ako ng malakas sa batok. Ganon pa rin ang itsura nito kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

"Are you insane? Do you want to kick your ass? According to nurse Ruby, you need to rest almost a week, that's why I ac--."

"Nag-aalala ka ba sa akin?" Pagpuputol kong tanong, lumapit ako sakanya at tinitigan siya sa mukha, napaurong naman ito at halatang nagulat sa ginawa ko. Hindi ko siya binitawan ng tingin hanggang sa, siya na mismo ang kumalas.

"Damn! You!" padabog niyang kinuha ang bag sa upuan, mas lalong nakataas ang kilay niya kumpara kanina at akma na itong aalis ng bigla kong hawakan ang braso niya, dahilan upang mapahinto ito at muling tumingin sa akin.

"Can we lunch? boss?" Tanong ko habang nakangiti pa rin. Hindi ko alam pero mas napapangiti ako sa inaasal niya. Alam ko rin na nag-aalala siya ng sobra dahil simula ng ma-himatay ako, panay text at tawag nito sa akin na labis ko namang ikinatutuwa.

"Anong gusto mo boss? It's my treat, para naman maibsan ang pag-aalala mo sa boyfriend mo." I teased.

Nanlaki naman ang mata niya at pinalo ako sa balikat. Nasa canteen kami malapit lang sa may cashier area. Isang table with 2 seat na magkaharap.

"Our favorite food, that's it." Turan niya, nakangiti na rin ito kaya mas gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Worth it ang lahat basta't kasama ko siya.

Tumayo na ako at lumapit sa cashier area, hindi ko na kailangan pumili gaya ng iba dahil nga sa posisyon ko sa school, bentahe rin dito ang may katungkulan kapag ganitong scenario.

Pinili ko ang favorite food namin ni C.A at agad din akong bumalik sa table. After a minutes mismong service crew ng school ang nag-serve sa mesa ng pagkain.

"Thank you!" C.A said sa lalaking service crew. Nagpa-cute pa ito kaya tinaasan ko ito ng kilay, mabilis itong umalis kaya sinimulan na naming kumain.

"Party pool pala ang naisip niyo?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain. Uminom ako ng tubig bago nagsalita.

"Council agree, kaya iyon ang masusunod." Tumango ito at muling sinubo ang pagkain.

"Alam mo ba ang gamot sa nararamdaman ko ngayon?" I whispered in her ear pagkadating namin sa Engineering department.

Napakunot noo ito na parang nag-iisip sa sinabi ko.

"What?" Minuto bago ito tumugon.

I gave her a beautiful smile.

"Yakapsul and Kissperen." I shrugged.

"Corny mo!" Agap niya.

Hinampas niya ang balikat ko habang tumatawa, nakatingin ang ilang estudyante sa paligid dahil sa lakas ng tawa niya.

With her, komportable akong kasama siya and with her, masaya ako sa tabi niya.

Naisipan kong pumasok sa classroom, pagkahatid ko sa kanya, tapos ko na rin gawin ang ilang documents at venue date nalang ang kulang para ma finalize ang lahat.

Medyo na disappoint ako ng makita kong bakante ang upuan ni Hannah, nasaan naman kaya ang babaeng iyon? Ni hindi ko siya nakita simula kaninang umaga.

Kumusta na kaya siya? Haist! Bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon? Kahit na May kaunting galit ako sa kanya dahil iniwan niya ako ng biglaan sa clinic pero mas nanaig parin ang awa ko kahapon, hindi ko alam pero biglang nakaramdam ako ng galit ng makita ko siyang nasasaktan, I tried to comfort her, pero umalis din ito kaagad.

Natapos ang dalawang subjects sa hapon pero walang pumasok sa isipan ko, tinungo ko agad ang Dean's office para sa meeting namin ni Ma'am Venice, pagkapasok ko tumambad sa akin ang mukha ni Cyrus, sinama siya ni ma'am dahil siya ang nag-represent sa akin last time sa meeting.

Umupo ako sa couch katabi lang ni Cyrus, nagsimula ng magsalita si Ma'am Venice about sa meeting, she talked about the positive feedback na nakuha niya sa shareholders batay sa naging meeting nila yesterday.

"We still waiting for the confirmation of Lhiro Hansul, if he will joined to our event. Out of 4 shareholders, 3 already confirmed their presence and they also approved the budget and other activities will performed in the said day." Sambit niya pagkatapos ipakita ang ilang emailed galing sa mga shareholders.

Nagtaka naman ako ng malaman na si Lhiro na lang ang hindi nagco-confirmed, bakit kaya? Active siya pagdating sa school activities kaya gayon nalang ang pagkadismaya ko sa sinabi ni Ma'am Venice.

I sighed.

"We need to convinced Lhiro, to joined, lalo't pa isa siya sa nakatuka sa budget ng activities, may tanong ba siya with regards sa presentation ni Hannahsil? O may hindi ba siya nagustuhan sa proposal?" Napalingon ako kay Cyrus. Maging siya nagtataka rin siguro.

"Not typically have a question, but I thinking about the emailed of Mrs. Lhayka Hansul about the presentation of Ms. Hannahsil, she feedback negative that's why I text Hannah with regards of this concern but until now, she have no reply." Ma'am Venice argued. She rolled her eyes between me and Cyrus.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Cyrus dahil sa sinabi ni Ma'am Venice, iniisip ko pa rin kung bakit naging interest si tita Lhayka sa ganitong activities sa school, usually si Lhiro lang ang nagha-handle ng ganitong event sa school.

"Where running out of time, next Saturday will be the date of event." Dugtong ni Ma'am.

I bit my lower lip at muling tumingin kay Ma'am Venice, kalmado itong tingnan pero bakas pa rin sa awra niya ang kaba dahil may isang shareholder pa ang hindi nag-aapproved. Kapag nagkataon, mahihirapan kaming mapasa lahat ng activities para sa event. At higit sa lahat nag-aalala rin ako kay Hannah, maaari siyang ma-terminate as a Decko-secretary kapag hindi niya napapayag si tita.

"Call her!" sambit ni Cyrus pagkalabas namin sa opisina, wala na kaming napag-usapan ng iba bagkus yung problema lang pagdating sa isang shareholder.

" Tinignan mo ba yung presentation ni Hannah?" Balik kong tanong. Sumandal ito sa pader habang nakatingin sa kawalan.

" Jayrone reviewed the presentation, I trusted him and all data are good when I saw it during the meeting. Also, do you think other shareholders will approved? if the presentation are not totally well? think about it. That's why I didn't know the reason if why he/she rejected it." Tugon niya ng seryoso, tinignan niya ako at agad ng naglakad palayo sa akin.

He's right, Malaking ang tiwala ko kay Jayrone, lalo't na kay Hannah, hindi ko siya ilalagay sa ganitong posisyon kung hindi ko siya nakitaan ng potential. Kaya napapa-isip ako kung bakit ni reject nila Lhiro at Tita Lhayka.

Pagkadating ko sa S.O.O, agad na tumambad sa phone ko ang text ni Olive. Binanggit niya ang place  para mamaya. Seryoso talaga ang mokong.

"Where's Cyrus? Wala pa ba? Inip na akong uminom!" Atat na tanong ni Tristan, nasa parking lot kami ngayon at hinihintay na lang si Cyrus. Nakasuot lang ako ng pajamas with printed t-shirt habang yung tatlo naka-short with printed t-shirt din.

Nakasakay ako sa sasakyan ni Luxx habang si Tristan naman nakisakay sa kotse ni Olive.

"Ang tagal mo tropx! Para kang babae!" Bungad ni Tristan pagkadating ni Cyrus. Naiinis na ang mokong! He's wearing a pajamas with white sando. Hindi siya pinansin nito kaya agaran na kaming pumasok sa loob ng bar.

Maraming tao na ang nasa loob kahit pasado alas siyete pa lang ng gabi, sikat itong bar dito sa lugar namin kaya maraming tao ang pumupunta.

"Let's party tropx! Girls anywhere kaya enjoy tayo!" Sigaw ni Tristan pagkalapag ng mga in-order naming alak.

"Your ultimate chickboy tropx!" Ngiting sambit ni Luxx kay Tristan habang pinagnanasaan ng tingin ang babaeng sumasayaw sa dancefloor.

"I'm not chickboy Luxx, babae ang lumalapit, tatanggihan ko pa ba? At tsaka, ako ata ang pinaka-gwapo sa ating lima kaya no doubts!"

Halos ma-iluwal ko ang alak dahil sa hambog na tugon ni Tristan, hindi na bago ang ganitong talas ng dila niya kaya walang naging reaksyon ang tatlo.

"Dahan-dahan lang tropx, baka magka-AIDS ka niyan!" Natatawang saad ni Luxx.

"Fuck you ka tropx!" Tugon ni Tristan.

Tumingin ako kay Cyrus, iba't ibang alak ang tinitikman niya, simula kanina tahimik lang ito pati si Olive, pwera lang kay Tristan at Luxx na panay asaran ang dalawa.

"What's the problem tropx?" Tinapik ko ang balikat ni Olive na seryosong umiinom ng alak.

Kaming tatlo nalang ang nasa mesa dahil yung dalawa, nakikisayaw na sa dancefloor, ayaw sanang sumama ni Luxx kaya lang hinatak siya ni Tristan kaya napilitan na lang ito.

"What the fucking question?" He shrugged at muling uminon ng alak.

"Alam kong meron, nung mga nakaraang araw napapansin ko ang panay tingin mo sa registrar office, ano bang pakay mo doon? Sunod-sunod kung sambit sa kanya. Napalingon naman sa akin si Cyrus habang tahimik lang itong umiinom ng alak.

"Nothing about it! Just forget it!" Inis niyang tugon.

Sinalin ko ang tequila sa shot glass. "Trust me," sambit ko sa kanya, bago ko tuluyang ininom ang alak.

" The girl?" Cyrus teased.

Napatigil si Olive sa pag-inom at tumingin sa amin ni Cyrus.

"If I say so, pagtatawanan niyo ba ako?" Minuto bago ito tumugon, napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya, for the first time, May babaeng gumugulo sa isipan niya ngayon, akala ko puro libro lang ang laman ng utak nito.

"Who's the lucky girl?" Dugtong ko.

"Engineering department." Sabad naman ni Cyrus na parang May alam sa problema ni Olive, sabagay silang dalawa ang palaging magkasama dahil iisa lang ang course nila.

"I'll try to contact her but she didn't reply me, even just once." Concerned niyang sabi.

Sino kaya ang babaeng iyon? Bakas sa itsura ni Olive ang sakit at hinagpis na nararamdaman naman niya dahil lang sa babae.

"Did you asked Hannahsil?" Nagulat ako ng banggitin ni Cyrus ang pangalan ng babaeng kanina pa sumasagi sa isipan ko.

"Wait? Sino bang babae ang tinutukoy niyo? At tsaka bakit nadamay ang pangalan ni Hannah?" Interesado kong tanong sa dalawa, hindi ko alam pero kapag nadidinig ko ang pangalan ni Hannah, mas naiintriga ako. Tinignan ako ni Cyrus at ngumiti ng nakakaloko.

"Cheska Ruvles." Mahinang sambit ni Olive bago niya ininom ang natitirang alak sa shot glass.

Napalunok ako, that girl, siya ang babaeng nakikita kong kasama ni Hannahsil sa school, at sigurado akong malapit na kaibigan niya ito.

Siya rin ang babaeng nag-file ng absences sa school. I signed the explanation letter immediately  because urgent concerned Ang nilagay niya. So, ano naman ang kinalaman ng babaeng iyon sa iniisip ni Olive?

" Mahigit isang Linggo lang naman ang filling niya para sa absences, makikita mo naman siya after."

I sighed. Natatawa pa rin ako sa reaksyon ni Olive sa sinabi ko.

"Huwag ka kasing torpe tropx." Dugtong ni Cyrus.

Huminga ng malalim si Olive at nilantakan naman ang isang vodka. Ang lakas ng tama niya sa babaeng iyon, halata ang concern nito batay sa ikinikilos niya.

"I didn't know, but I think, there's something wrong about her." Olive relief while rolling his eyes between us.

"Something wrong? Praning ka lang tropx! Dahil umaaligid din yung ultimate boy na ex ni Cheska." Cyrus chuckled.

Napakunot noo si Olive, he raised her middle finger para balaan si Cyrus, tumawa naman ito kaya mas lalong naasar si Olive, I guess, si Jayrone ang tinutukoy ni Cyrus, May kaunting alam ako sa lovelife ng mokong iyon kaya I know the name of his ex, bago dumating si Samantha.

Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik yung dalawa, habang kaming tatlo tahimik na lang na nagmamasid sa paligid, ang ingay na sa loob, halos sigawan at tawanan ang maririnig habang nagsasayaw at umiinom ang lahat ng tao.

Napatigil ako sa pag-inom ng makita ko ang grupong papasok sa bar, sina Justin at Chamber, halos maibuga ko ang alak ng masilayan ang babaeng nasa likuran nila,Fuck! Hannah?

------

AOMW❤️

HANNAHSIL's POV

"What's your drink? Order ka na!" Tanong ni Chamber pagkaupo namin sa private table. 

"Anything." Walang gana kong tugon, nag-sign si Chamber kay Justin na umorder na kaya kami na lang ang nasa table.

"Punta mo na ako doon." Kinalabit ako ni Chamber at tinuro ang cashiering area. Tumango naman ako at hindi na nagtanong pa.

Gusto kong tumanggi sa kanila pero subrang mapilit si Chamber, si Cheska sana ang yayayain nila kaya lang nalaman nila na nasa Bicol ito kaya pinuntahan nila ako para ako daw ang magproxy kuno! Saktong nasa business trip si dadoo kaya pumayag na rin ako, gusto ko rin magunwine kahit papaano.

Nakasuot ako ng white pajamas na pantulog with stripes long sleeves turtle necked, habang si Chamber naka-short lang and couple shirt sila ni Justin.

"Let's drink!" Nagulat naman ako sa lakas ng boses ni Chamber, may hawak na itong bote ng tequila at mariin niyang iniinom pagkaupo sa couch.

Marami ring alak ang bitbit ni Justin kaya napa-sapo nalang ako sa ulo. Langya! Mapapasabak ata ako sa dalawang ito.

" Anong bang nangyayari kay Cheska? Bakit siya pumunta ng Bicol?" Justin started the conversation while drinking alcohol.

"Family business trip." Sagot ko.

" At kailan pa mahilig ang bruha sa business?" Agap na tanong ni Chamber.

Kaya ayoko sumama sa mag-asawang ito dahil gigisahin naman ako sa walang kwentang tanong.

" I don't know." I shrugged.

Honestly, iyon din ang bumabagabag sa sarili ko, lalo na ng makausap ko si Olive.

"Forget about it, let's toss na lang." Nanggigigil na sambit ni Chamber kaya tinaas ko na rin ang wine glass para saluhan silang dalawa.

"Cheers!" We shouted.

Napaawang ang labi ko dahil sa subrang pait ng alak, naninibago siguro ang lalamunan ko dahil ngayon lang ulit ako nakatikim ng alak sa loob ng apat na buwan pamamalagi ko sa Pilipinas.

"Oh, maiba ako, kumusta na pala ang lovelife mo, Ms. Trouble gurl?" Tanong ni Chamber habang tinuturo ako gamit ang isang daliri niya.

She called me trouble girl dahil iyon ang tawag sa amin ni frenny  noon, Ms. Troublemaker.

"Change topic." Kaswal kong sabi

Tinaasan niya ako ng kilay bago isinalin ang bote ng tequila sa wine glass ko, napakunot noo ako ng damihan niya ang tagay, mukhang May planong lasingin ako ng gaga!

"Hoy! Alam mo, napaka-killjoy mo talaga gurl!" Pa-maldita niyang sambit, habang naka-middle finger ang kanang daliri niya, habang si Justin tahimik lang na nagpa-pasalin salin ang tingin sa amin dalawa.

I gave her a fake smile.

Ininom ko ng buo ang alak, napa-ubo ako ng biglang ma-samid ang lalamunan ko dahil sa subrang pait ng lasa. Na miss ko ng subra ang alak, ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakakainom.

"Kayo, kumusta naman ang buhay mag-asawa?" Change topic ko sakanya, alam ko naman kung saan hahantong ang tanong niya kaya uunahan ko na lang siya. Ngumiti naman itong napatitig sa mukha ni Justin.

"Ito, I'm super duper happy with him." malambing niyang saad habang ipinatong ang ulo niya sa dibdib ni Justin. I sighed before I give them a smile.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mag-asawa na ang isang lalaking santo at demonyitang  babae. Tadhana nga naman!

Nag-usap pa kami tungkol sa buhay nilang mag-asawa, mukhang naging interesado si Chamber kaya hindi na niya natanong ako tungkol sa buhay pag-ibig. And I hate that topic ever, Lalo na kapag kasama ko ang babaeng ito. Baka maungkat na naman ang fucking dare!

"Babe, let's dance!" sigaw ni Chamber kay Justin, malakas ang tugtog sa loob kaya kailangan lakasan ang boses.

"Lasing ka na, baka maduwal ka." Concerned na tugon ni Justin habang hinahaplos ang ulo ni Chamber na nakasandal sa dibdib niya.

Sana all.

"Kaya ko pa naman, please, gusto ko talagang sumayaw." Ayaw magpa-awat ni Chamber dahil siya mismo ang unang tumayo at hinahatak si Justin papunta sa dancefloor, nakayakap ang kanang kamay nito kay Justin habang yung kaliwa ay nakataas habang winawagay-way at nagsisigaw sa gitna ng dancefloor.

Ang swerte ng gaga kay Justin dahil sinasabayan ito sa kalokohan.

Lumipas ang ilang oras, mag-isa na lang ako sa table, iniinom ko pa rin ang vodka na naiwan ng dalawa, medyo maaga pa naman, kaya mamaya na lang ako uuwi, pinaalam ako ng dalawa kay tita Gemma, kaya malaya akong makakauwi ano man gusto kong oras.

Halos maubos ko na ang laman ng wine glass ng masapo ng tingin ko ang isang kaha ng sigarilyo sa kinauupuan ni Justin kanina.

Kinuha ko ito at kumuha ako ng isa, saktong may lighter sa mesa kaya nagmadali akong lumabas para pumunta sa smoking area, matagal ko na itong hindi natikman, wala naman masama kung ita-try ko ngayon, isa lang naman! Nakaka-relieve din ito ng stress.

"Alam mo ba kung gaano karami ng kemikal ang laman ng isang sigarilyo?"

Halos malaglag ang panga ko sa itsura ni Epal, pati ba naman dito makikita ko siya, nakasandal ito habang nakapamulsa, seryoso itong nakatingin sa akin kaya tumingin na lang ako sa ibang direksyon.

Awkwardness alert! Hindi ko tuloy masindihan yung sigarilyo, napaka-epal talaga ni Epal!

"Uminom ka rin?" Inosente kong tanong. Obvious ba self?

Ayokong sagutin ang tanong niyang  walang kwenta!He's not my  teacher, why should I?. Hawak ko pa rin ang sigarilyo at nilaro laro ko ito sa daliri, mamaya ko lang sisindihan kapag nakaalis na siya sa harapan ko.

"Tsk! Ayos ka rin noh? Hindi ka pumasok kanina pero may lakas kang loob para pumasok sa bar." He teased, medyo nainis ako sa tono ng boses niya.

Nakatingala ito kaya pinagmasdan ko rin siya. Langya! Pareho pala kaming nakasuot ng pajamas.

I liked wearing a pajamas kapag nagba-bar, mas komportable akong hindi na ba-bastos kapag ganito ang suot ko.

"Trip ko lang," balga ko, wala akong pakialaman kung ano man ang maging reaksyon niya. Medyo may amats na rin ako kaya ganito ako sumagot.

"Ayos ng trip mo." He shrugged. Tumawa ito kaya mas lalo akong naasar sa inaasal niya.

"Thanks," I gave him a fake smile, nag-tama ang mata namin kaya napalunok ako ng laway.

"Did you received Ma'am Venice text?" Naka-busangot ako sa tanong niya.

Hanggang dito ba naman, school related pa rin ang tanong niya.

"No! I haven't opened my phone, since yesterday." Iniligay ko ang sigarilyo sa bibig ko para sindihan.

Subrang inis ko kahapon, kaya pati phone ko pinatay ko rin dahil sa isang number panay tawag sa akin.

"What the fuck! Anong bang problema mo! Hah!" Sinigawan ko siya ng agawin niya ang sigarilyo sa bibig ko. Itinapon niya ito sa gilid at muling tumitig sa akin ng seryoso.

"Open your phone!" He raised his eyebrows, ramdam ko ang pigil niyang inis.

"Hindi ko dala yung phone, bukas nalang." I defended myself. He rolled his eyes at nagulat na lang ako ng hampasin niya ang pader kung saan ako nakasandal.

Hindi ko ito dinala dahil gusto ko lang talaga mag-uwine ngayong gabi.

He bit his lower lip and try to calm down while staring at my eyes.

"Hansul rejected your proposal, Mrs. Lhayka, commented a negative feedback with regards the data, do you think, there's a proble-"

"I did my best! Kung hindi niya nagustuhan, wala na akong magagawa doon." pagpuputol ko.

Inaasahan ko na ang ganitong scenario, malaki ang galit sa akin ng mommy ni Lhiro kaya hindi malabong pati position ko sa school pag-iinterisan niya. Umabante sa akin si Epal at halatang inis sa sinabi ko.

"Lasing ka na nga, bukas nalang tayo mag-usap." He suggested.

"Hindi ako lasing," tinaasan ko siya ng kilay. Lumapit ako sa kanya na agad niyang ikinagulat, natawa ako ng mapalunok ito ng laway.

"Kung lasing ako, kanina pa sana kita hinalikan." I bit my lower lip habang nakatingin sa labi niya. Ghad! Self! Lasing kana talaga!

He pushed me away that's why I stepped backward from him. Umubo ako para itago ang pigil kong tawa sa reaksyon niya. Hindi pa ba siya nakahalik kahit isa? I felt his nervous when I staring at his lip, he looked innocent interms of fling alert! Ghad!Epal!

"Hindi mo naman sinabi na kasama mo pala ang boyfriend mo!"

Sabay kaming napalingon ni Epal  sa babaeng nagsalita. Napa-sapo ako sa ulo ng makita ko si Chamber na may dalang alak habang paikaikang papalapit sa akin, lakas na ng amats nito.

"Nakabingwit ka ng poging boylet, kung ako sa'yo, tikman mo na, baka makawala pa!" She whispered.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa bulgar niyang salita , ang talas talaga ng dila niya pagdating sa kabastusan.

I reverted my attention to Epal, nakapamulsa ito habang nakakunot noo nakatingin sa amin ni Chamber, I'll never imagined myself with him.



Ever!

____________________________________

AOMW❤️

Continue Reading

You'll Also Like

116K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...