Dream
Habang inaayusan ako para sa formal dinner ay panay kwento pa rin ang dalawa sa akin. Thanks to them, I learned a lot about the family I'm going to live with. Lalo na si Voyd.
I learned that he studied in Manila and that's where we met. So far, nagtutugma ang mga iyon sa kwento ni Voyd sa akin.
"Magaling ho kayong puminta, Miss Margo. Ang gaganda pa. Nakita ko ang ilan sa mga iyon sa kwarto ni Señorito Voyd at sa library." Cristina said while doing my hairdo.
Umangat ang kilay ko sa kanyang tinuran. So I was really an artist? Di ko tuloy mapigilan ang curiosity na tingnan ang mga likha ko.
"Wow,Miss! Ang ganda n'yo lalo!" bulalas si Analie na pumalakpak pa talaga.
Umirap ako sa kanya habang isinusuot ang diamond earrings. Analie was good. I'd give her that. Mahusay niyang naitago gamit ng concealer ang gasgas sa aking upper cheek.
"You're only saying that because you're the one who did my make up." Nakangiti kong saad sa kanya.
Nakatanga naman si Cristina sa akin. Na animo isang malaking milagro ang nakikita niya sa mukha ko.
"Hindi kita binobola, Miss. Ang ganda n'yo na kahit walang makeup. Mas gumanda pa lalo kayo ngayon! Hindi mababaliw sa inyo si Señorito kung hindi kayo ganyan kaganda!" aniya pa.
Napailing na lang ako. I can't think of any rebuttal for the term she just used.
Mababaliw! Mababaliw talaga!
Tikhim sa likod ang umagaw ng aming atensiyon. Napalingon ang dalawa kung kasama at naubo naman si Analie. Sumulyap ako sa salamin at nakumpirmang si Voyd iyon.
Dapper black tux suited him flawlessly. Yumakap sa kanyang balikat ang suot. Nadepina lalo ang tuwid at matikas niyang tindig. The color of his tie was of the same shade with my dress. Nakaayos at hindi masyadong magulo ang buhok niya ngayon.
Humakbang siya palapit. Hawak ng kanyang mga titig ang aking mata. He was too serious. His expression too cryptic.
"Ako nang magsusuot ng heels niya. You can go now." He ordered while still staring at me.
Mabilis namang tumalima ang dalawa at iniwan kami. Tahimik lang ako habang siya ay ganuon rin.
Maingat. Marahan. Malumanay kong pinakawalan ang hininga. I don't want him to notice how he's making me so damn breathless. Umiwas ako ng tinging at nagkunwaring abala sa paglalagay ng hikaw.
"Here. Let me." He offered when I was about to put the necklace on.
Tinitigan ko pa siya sandali bago pumayag. Kapag tatanggi ako ay baka mahalata niya ang paghuhuromentado ng aking sistema.
"Can you wear heels?" usisa niya.
Ngayon pa siya nagtanong gayong nadyan na?
Tumango ako. Sandaling dumampi ang balat niya sa likod ng aking leeg. Dumaloy ang hindi pamilyar na kuryente, kamuntik na akong mapasinghap. Napatayo tuloy ako kahit nahihirapan.
Napamura siya at mabilis agad akong nilapitan. Tangan na ng kamay ang heels.
"Sit down, Margo." Matiim niyang sabi.
"I can put it on myself..." giit ko. Hinarap siyang matalim na naman ang tingin sa akin. Nagwawala ang kabog ng dibdib ko.
"No, you can't."
Nakaalalay siya sa aking siko. Nanigas ako nang tuluyang lumapat ang likod ko sa matigas niyang dibdib. He felt so warm. And smell so damn good. Reeked with musk and natural manly scent.
"Sit." He murmured against my earlobe.
I didn't budge. Hindi ko kayang salubungin ang mata niya sa salamin kaya hanggang leeg lang ang tingin ko. His Adam's apple bobbed deliciously before he murmured beneath his breath. And start collecting me in his arms.
Kabaliktaran ng matigas niyang ekspresyon ang kanyang haplos. Magkasalubong ang kilay, mariing magkahugpong ang panga lumuhod siya sa aking harap. Maingat niyang ginagap ang aking bukung bukong.
"Next week naka-schedule ang pagtatanggal ng cast sa binti mo." He examined my cast before gently fitting the heels on me. "Let's go meet my family..."
How will I able to greet them? Maganda kaya ang impresyon nila sa akin? What if some of them doesn't like me?
Silently, I prayed that I'll survive the dinner.
Ang akala ko ay ilalapag niya ako sa wheelchair ngunit nagkamali ako. Tuloy-tuloy at sigurado ang kanyang mga hakbang patungong dining area.
"Voyd! Put me down!"
Nasa ibaba na kami ng hagdanan. Dinig ko ang ingay sa dining area. Hindi ko na tuloy na admire ang nadadaanan namin sa sobrang pagkataranta.
"This is embarrassing!" I hissed.
Hindi pa rin siya nakinig. Tuloy tuloy lang siya papasok.
Natigil sa pag uusap ang mga naroon sa hapag at natuon lahat ng tingin sa amin. Natahimik ang lahat. Pinapanood ang mabagal ngunit na paghakbang ni Voyd palapit sa 32-seater dining table.
Kumakalat na ang init sa aking buong mukha at leeg!
"You can put me down now." I growled at him.
He lightly chuckled.
"You're too beautiful to sit on a wheelchair." Bulong niya.
"And I look glamorous in your arms?" may bahid sarkastiko ang tono ko.
Hindi na siya sumagot. Sandali niya akong tinitigan at matipid na ngumiti. Inilapag ako sa upuan katabi ng kanya.
"Margo, I want you to meet my family. Again." he says.
Nakatingin sila lahat sa akin at hindi ko alam kung papaano bumati. Umurong ang lahat ng tapang ko. Even my rehearsed speech awhile back was totally blocked out of my brain. Naloko na.
"H-hi!" matipid akong ngumiti. "E-everyone..."
Hi? Really Margo?
"Wow!" bulalas noong blonde'ng nakita ko kanina. His eyes playful and wide. I can see mischief on those turquoise blue eyes. Pilyong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi pagkatapos. "I think I'm already dead. Am I in heaven? Are you an angel?" he asked.
Humagalpak iyong katabi niya. Nag init naman ang pisngi ko. This one is certainly a flirt.
Nabura ang ngisi ni Pavlo at naputol ang pagtitig sa akin nang walang paalam na sinapak ni Trigger ang kanyang batok.
"You dickhead! That's Voyd's fiancée!"
Bumaling naman siya sa nanapak sa kanya. Masama ang tingin. "I know you fucking war freak! I was just teasing!"
"It's not too late, Señorita. You can still back out from the engagement and choose me ins—" si Pavlo na humagalpak na lamang nang inambahan na ng kamao ni Voyd.
"Asshole." He said, chuckling. "Don't mind him."
"Hi ate Margo! Nice to meet you again!"
A girl sitting on my left was beaming at me. Nakapusod ang buhok. Her round innocent turquoise blue eyes smiling at me. Floral off shoulder and plaid skirt is what she's wearing.
"She's Cassiopeia. My cousin. She's the youngest here."
Isa-isang pinakilala ni Voyd ang kanyang mga pinsan. Wala pa roon sina Doña Dulce at mga magulang ni Voyd.
Una niyang pinakilala si Dane na kapatid niya. Chinito at prominente ang panga ni Dane. Tahimik rin ito at tingin ko ay seryoso.
Katabi niya ay si Trigger. Iyong may mahabang buhok at mukhang rebelde. He's Voyd's youngest brother. Itim na button down na nakatupi ang sleeves ang suot niya ngayon. Prenteng nakaupo ito habang abala sa cellphone.
Kasunod ni Trigger, ay si Pavlo. He's laughing his heart out again while talking to the twins. Puting long sleeved polo naman ang suot niya. Obviously he digs white outfits.
"Next to him were the twins." Voyd said. "That's Klay—"
"Zandrei." One of the twins cut him off. "I'm Zandrei. He's Klayton."
"Don't fool me, Klay. I know you're Klayton."
Humalakhak ito.
"He's Zandrei." Suporta naman noong isa. "Seriously Voyd, I'm Klayton."
Napanganga ako sa pagkamangha. They really look exactly alike. Sobrang identical. From their complexion to their voices, and tousled brown hair. Both of them even have cleft chins.
"Sorry. May bad." Voyd chuckled.
"Welcome to Hacienda Henares, Señorita Margo." Klayton greeted.
"Pasensiya ka na sa mga pinsan ni Voyd. The province always makes them insane." Sitting next to the twins was North.
"Shut the fuck up! You're Voyd's cousin, too!" Mura ni Pavlo. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa kakulitan niya.
Pagkatapos kay North ay ang mga babae naman sa aking hanay ang pinakilala ni Voyd.
After Cassi (Cassiopeia) is Tatiana. Morena si Tati. But so damn attractive with her high cheekbones, long curvy lashes and curly, black, waist-length hair. Nakangiti siya sa akin nang nagpakilala.
"Hello po, ate! I'm Karramina!" A girl with light brown hair and round eyes waved.
I think she's the most beautiful among the girls (though all of them were stunner). While Cassi got angelic feature and Tati is smoking hot, Karramina is an epitome of beauty. Parang dyosa ang kagandahan.
After Karra was Jaxie. She seemed very smart and confident with her shoulder-length hair. Katabi niya ang boyfriend na si Braxton na matipid na ngumiti sa akin.
"Silence, kids. This is dinner not a killing arena." Magiliw na suway ni Doña Dulce sa mga apo pagkapasok. Matamis ang kanyang ngiti pagkaupo. "Hija you looked so beautiful! Did you have a good rest?"
"Yes po."
Tumahimik ang nasa hapag pagkaupo ni Don Gabriel sa kabisera. Then Voyd's parents entered the dining area few minutes after.
Voyd looked so much like Señor Raphael. Seryoso. Matiim ang titig. Nakapulupot ang braso sa beywang ng mommy ni Voyd.
"Margo! Welcome home, darling." Voyd's mother looked very regal and very beautiful.
Umupo ito sa bangkong hinila ng asawa.
"Nice to meet you, Senyora."
"Call me Mama, darling." Aniya. Nakangiti. "I'm sorry I wasn't able to fetch you guys on Dipolog. Nagkaroon lang ng aberya sa Bangco."
"Everything alright, Mom?" si Voyd sa aking tabi.
Her loving eyes landed on her son. "Don't worry, hijo. Everything's fine."
"No it's not, Voyd. Maraming aberya sa pag-export ng mga bigas sa Vietnam. You know your mom hasn't handled transactions for years. I expect you to fix the problem as soon as possible." Malamig at puno ng awtoridad ang tono ni Senyor Raphael. Sumulyap siya sa akin.
"That's enough business talk Raphael nasa hapag tayo." Ani Doña Dulce.
"Sorry, Mama."
Pavlo lead the prayer. Afterwards, different Filipino homemade dishes were immediately served on the long table. Sumandok si Voyd ng rice sa plato ko.
"This is your favorite. Eat up." He gently said as he put chicken adobo on my plate.
Dama ko ang titig nang mga naroon. Shit! This is freaking embarrassing. Kung ganito bawat gabi ay hindi ko na alam.
"Voyd I can manage." I told him.
Matipid siyang ngumiti at hinayaan ako. Naagaw ang kanyang atensiyon ng kausapin ni Don Gabriel at Senyor Raphael ukol sa negosyo.
I silently ate while answering Cassi's questions. Magigiliw sa akin ang mga pinsan ni Voyd kaya hindi ako masyadong na out of place habang kumakain. Panaka-naka naman ang pagsulyap niya sa akin.
We went to their grand Sala after dinner. Doon ay naghain pa ng wine at champagne habang patuloy ang pag-uusap. I can't help laughing while watching Pavlo and his boy cousins fighting and joking to each other.
"Ate Margo will you come with us tomorrow?" si Karra sabay abot ng champagne glass sa akin.
"We'll tour you around. That is... if you like." Nakangiting sabi ni Tati.
Excited akong tumango-tango. Paniguradong mabuburo lang ako sa kwarto bukas. And besides, I have been planning on touring the place around.
"Labas tayo after breakfast. Para malibot mo na rin ang buong hacienda." Si Jaxie.
Ilang minutong pakikipag-usap kina Tati ay napalagay na ako. They're so easy to get along with. Walang snob sa kanilang magpipinsan. Pero kahit ganuon ay nadama ko na ang antok at pagod.
"You tired?" Lumingon sa akin si Voyd. Namumungay ang mata.
Hindi pa ako nakasagot ay ipinagpaalam na niya ako. Tahimik kami habang kinakarga niya ako paakyat ng hagdan.
Hindi ko mapigilan ang titigan siya. I think the champagne got me. Himalang nagkaroon ako ng lakas ng loob para kausapin siya ng walang inhibisyon.
"Am I heavy?"
I have been meaning to ask him that every time he carries me. Kahit wala kahirap-hirap niya akong sikupin sa mga bisig niya. Pabigat pa rin ang tingin ko sa sarili.
"What kind of question is that?" he chuckled.
Hindi niya ako sinagot hanggang sa kwarto. Maingat niya ako nilapag sa kama. I sighed when my back felt the soft mattress. Hindi ko napigilan ang pagsara ng talukap. Talagang inaantok na ako.
"You didn't answer me." I murmured. My senses slowly drifting to sleep.
I felt him took off my heels. Stupid heels! Ni hindi ko man lang nagamit. I desperately hope that I could walk again. Kahit sa ganuong paraan man lang ay makatulong ako.
I heard the switch flicked. Then I felt the comforter covering me up. Before I my senses drifted away I felt Voyd's kiss on my forehead.
"It doesn't matter if you're heavy or not. I would gladly carry you every day..."
Then I heard the door closed. And my dream began...
Gusto kong sumigaw ng tulong pero tanging ungol lang ang lumalabas dahil sa nakabusal na tela sa aking bibig. Nagpumiglas ako baka sakaling makawala mula sa mahigpit na pagkakagapos. But my efforts were futile.
Sa aking magkabilang gilid ay dalawang lalaking malaki ang bulto. Ang pangatlo'y nagmamaneho habang nag uusap sila sa kung saan ang aming tungo. Umungol akong muli. Sumulyap sa akin ang isa, kilala ko ang mga ito pero hindi ko maalala ang kanilang pangalan.
"Pasensya na, Ma'am. Napag utusan lang." ani noong nakablack shirt at gusgusing maong pants na lalaki sa aking kanan. Ang sinabi niya ay lalong nagpaningas ng galit ko.
How can he even have the guts to apologize! Napag utusan lang? Sinong nag utos? Nagpumiglas ako at buong lakas na sinipa siya. Napadaing siya sa aking malakas na tadyak. Yumuko habang sapo ang tinamaang tagiliran.
Mabilis ko namang binalingan ang sa aking kaliwa. My long platform heels landed on his abdomen making him grunt in pain. Kakatwang kahit sa ginawa nila ay wala akong makitang baril na kanilang dala.
Ang driver naman ang sunod kung pinuntirya. I kicked the back of his head with all my might. Paulit ulit para mawalan siya ng malay. Nakabawi naman ang dalawa sa aking tabi at mabilis akong pinigilan.
"Ma'am! Ma'am!"
The cloth stuck on my mouth fell off. Giving me a chance to shout for help. Ngunit kasabay ng mga desperadong sigaw ko ay ang malakas ng busina sasakyan.
"Help! Tulong! Please tulungan n'yo ako!!" Sigaw ko sa sasakyang nakasunod sa amin. Hindi sigurado kung naririnig ba ako o hindi.
Malalaki ang kanilang braso, kaya sa isang kilos lang ay naparalisa nila ang paa kong walang gapos. But I won't give up just yet. Nagpumiglas pa rin ako. Trying to escape even though it seem impossible.
Natutok ang atensiyon ng dalawa sa akin. Walang nakapansin sa driver na unti unti ay nawawalan na ng malay. Before we knew it, the car rolled down the cliff. It rolled in a very frantic speed, not giving us a chance to escape.
Loud clanging of metals, sound of shattered glass and grunting of the men is all that I heard. Damang-dama ko ang sakit ng buong katawan at kirot sa ulo kong paulit ulit na nabagok. Ang isip ko ay lutang, tila nawala sa sarili. I couldn't brace myself for the impact.
Huli na ang lahat. Kasabay ng tunog na pagkayupi ng metal sa pagkakatama sa bato ay ang pasgsunod ng aking katawan patungo roon. I crashed myself forward. Against the metal, the shattered glass and chairs—head first.
Matapos ang malakas na salpukan ay katahimikan. I felt numb all over. Blood gushing from my head and I'm positive every part of my body is bleeding too. Kalahati ng aking katawan ay nakalabas sa basag na bintana sa driver seat.
The metal felt cold in my back. I look in front of me and saw a hawk flying in a round pattern in the sky.
Dahan dahan, parang may sariling isip na sumara ang aking mata kahit anong pigil kong manatiling nakabuka. Before I surrendered, I heard a familiar voice from the top of the cliff. He looked very horrified while screaming words I couldn't make out.
'SIA!'
I frantically rose from the bed, chest still heaving from my shallow breaths. Basa ako at nanlalamig sa sariling pawis. Dinama ko ang nanalalamig na pisngi at napagtantong umiiyak na pala ako.
What was that? The dream felt so real. The fear felt so real. I can still feel the terror while I was being held captive. My body parts ache while my brain was reliving the accident in my dream.
It's just a dream and yet, the details were so vivid. The emotions were so intense. The terror was so vivid as if it really happened!
Voyd said I was driving when the car fell off the cliff. He never mentioned about me being kidnapped. Voyd is telling a different version of the story.
Was that a dream? Or a memory?
Kaninong bersyon ang paniniwalaan ko? Alin ang nagsasabi ng totoo?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This is the updated and edited version.
~JLBM