11
✍
k e t a n a
Sin Rheox won the fight!
Sino bang hindi mag-aakala sa katapangan niya. He had almost punched Ebmar's nose and if he continued to do so, it would probably look like rotten fruit. Now, that the fight is over - everyone still shouting and beating their chest like they received mercy.
"We'll have to see Sin, for now, Ketana," my ears widened after hearing the word Sin. It seems like he's invading my mind.
"Tama ba ang narinig ko?" masigla kong sabi.
Kumunot naman ang noo ni Nathan sa akin. Ano bang mali sa sinabi ko? Baka ayaw niya na makita akong naglalandi sa Sin na 'yun?
"Insane," maikli niyang pakli.
He then reached for my wrist and locked it by his embrace. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin, tila bang ayaw niya akong pakawalan.
"Nathan, may galit ka ba sa akin?" I asked him because I wasn't comfortable with his tight grip.
"Why would you ask me that?" palagi na lang magkasalubong ang makakapal na kilay nito. I found him nice despite it. Well, like I always said, Nathan is my knight for a lifetime.
Tama na, baka mahalata niya na pinag-iisipan ko siya ng ganito.
"Hey Ketana, did you enjoy the night?" halos mapatalon ako sa biglaang paglitaw ni Bryan sa aming likuran.
He still wearing his outfit, hands were inside the pockets of his pants. If I will have to describe him, Bryan got the strong builds of presence. Maputi siya at halos magkasingtangkad lang sila ni Nathan. He can easily catch a woman because of his jaw-dropping smile. His teeth are perfectly and firmly crafted. Matangos din ang ilong at may konting kasingkitan ang kanyang mga mata.
I am surrounded by hunks! Gosh, it would be hard for me to sleep deeply after these.
"Ketana, we're asking you! You're turning crazy, you hadn't noticed?" nagkatinginan pa sila ni Bryan.
Magkasalubong ang kilay ko nang tumingin ako sa kanya. Madalas ganito ang guhit ng mukha ko kung siya ang aking kaharap. Unlike Bryan, I keep on smiling back.
Nakakapagtaka lang kasi dahil palagi na lang tumataas ang ala presyon ko kay Nathan, hindi naman ako ganito rati. Ito na ba ang sinasabi nilang 'The more you hate, the more you love?'
He's right, I'm turning crazy!
"Kinakabahan lang kasi ako," ibig kong parusahan ang bibig ko dahil hindi man lang nakikiayon sa sinasabi ng isip ko.
I wanted to answer him, sino bang baliw sa atin? 'Di ba ikaw? Pero nabigla na lang ako na iyon ang lumabas sa bibig ko. Sometimes, it's hard to control our mouth over what's inside our head. It's been very hard for me also because sometimes I always follow my mind than my heart prevails.
"Baka may iniisip na iba, Nathan," nakangisi pang sabi ni Bryan.
I wanted to plant him a gaze that will sore his eyes but again, I found myself smiling back. Gusto ko na talagang sabunutan ang sarili ko. It's an awkward feeling since I'm in the gap between Nathan and Bryan. Pero kahit nasa gilid ko lang si Bryan, hindi pa rin nawawala ang pagkakahawak ni Nathan sa wrist ko.
"Are you thinking someone behind your head, Ketana?" halos masunog ako sa mga tingin ni Nathan.
Parang sinasabi ng mga mata niya na 'you'll suffer after this' na siya namang madalas niyang sinasabi sa akin.
"Wala akong iniisip, no!" malakas ang pagkakasabi ko dahilan na marinig ng iba.
Napatuon ng atensiyon ang mga nasa paligid, parang nasa gitna kami ng ring at marami ang nag-aabang sa amin.
"I think we'll have to transfer for now, Nathan. Mukhang marami nang nakakakita sa iyo." seryosong sabi ni Bryan.
Tumango lamang si Nathan at mas lalo ko pang naramdaman ang mahigpit niyang pagkakahawak sa akin. Pinisil niya pa ito na ibig niyang iparating na huwag na akong gumawa ng kahit anong eksena.
"Why Nathan need to hide, Bryan?" pagtatanong ko sa kanya.
Wala akong nakuhang sagot galing dito. He just showed me a smile, shrug his shoulders afterward.
Napakamot ang isa kong kamay sa aking ulo dahil doon. Nathan began to hide his identity from me. Feeling ko parang total stranger na siya sa akin.
Nagpatianod lamang ako sa kanya ng walang imik. Bago pa kami lumiko ay napasulyap pa ako sa mga nandoon sa labas ng barricade. May umaakyat doon na may hawak na bote ng alak. He's shouting like he won almost an arm and a leg.
May mga iba ring tumigil sa pagsigaw, siguro'y nabigo dahil natalo sa pustahan. Tumingala ako sa itaas, doon ko nakita na may kasunod pala itong laban.
Syndrox vs Rhelm
Iyon ang nakalagay sa malaking screen sa itaas nang dumako ang mga mata ko. Muli kong pinuzzle ang mukha ng Rhelm na iyon.
"And who is this pathetic you'd brought here?"
I can still remember her. The way her gazes met mine, it's almost clear to my mind.
"Hindi niyo pala nabanggit sa akin na lumalaban pala si Rhelm," naibulalas ko.
Sabay pa silang napatingin sa akin matapos nilang marinig ang pangalan ni Rhelm.
"Kasinglakas at talino ni Sin si Rhelm pagdating sa loob ng ring na 'yan," Bryan answered me.
Tahimik lamang akong napatango sa sinabi niya, wala naman akong pakialam sa babaeng 'yan. Hindi ko gusto siya, wala akong interes sa kanya.
Hindi na ako nagsalita pa. Nagpatuloy lamang ako sa paglakad.
Now, that the first fight has come to close, the exits are crowded. Napuno ito ng tao, hindi pa rin nawawala ang kaunting bangayan matapos ng laban. May nagtutulakan at nagkakaasaran, mayroon ding naghihiyaw dahil sa laki ng kinita galing sa pustahan kanina. Hindi pa rin nawawala ang mga usok na nanggagaling sa ibang naninigarilyo. Nakita ko pa na pinagtripan ng isa sa kanila ang nasa harapan nito, sinunog niya ang buhok gamit ang dupong ng sigarilyo. Napaismid ako nang mapansin kong naliligo ng alak ang lalaking hibang na hibang sa kanyang ginagawa. Halos lahat ng naroon o nakakita ay walang pakialam. Kahit maghubad ka man, ihagis ang suot mong panty o bra, walang pipigil sayo.
Maya-maya lang ay napunta kami sa ibang parte ng warehouse na 'to. The place is also dim which I can say that I feel shit here, again. Napatakip ako ng aking ilong nang may nadaanan kaming naninigarilyo.
"Hindi ko gusto ang mga narito, Nathan," halos pabulong na sabi ko sa kanya.
Sinulyapan niya lamang ako at bumalik din naman ulit sa dati.
Nang makapasok kami sa loob kung saan nagpapahinga ang mga fighters — agad na may sumalubong sa amin.
"Hey, I've been waiting for you, Nathan," doon ko lamang namukhaan na si Sin pala ang nagsasalita.
"Mukhang mapanganib pa rin ang kamandag mo, Nathan," dugdong pa nito at nag-shake hands sila pagkatapos. Sin slightly tapped Nathan's shoulder. Pareho silang may kataasan at malalaki ang hubog ng katawan.
"Of course, siya pa rin ang tinaguriang Nathan the great!" inakbayan naman kaagad ni Bryan si Sin.
Ang layo nila sa isa't isa dahil halata namang hindi lumalaban sa loob ng ring si Bryan. Although, they are with the same height, Sin still much bolder compared to him.
"Who is this woman you brought here?" his gazes landed on me. I shoved off my head because I don't want to look into his eyes like what I always did to Nathan.
Unti-unti itong lumapit sa akin at pinantayan ang height ko. Magkalevel na kami ngayon, kaya imposible naman na hindi niya makita ang mukha ko.
"Did we met before?" napalaki ang mga bilugang mata ko sa tanong niya.
From my peripheral vision, Nathan's waiting for my answer while Bryan still smiling to us. Halos bumaliktad ang pandinig ko dahil doon. Sino bang hindi makakalimot sa kanya?
"You're the waitress who approached me, you even managed to provide my order last time!" sabi pa nito.
Napapikit pa ako pagkatapos.
"Nathan, she's working as waitress in a restaurant. I can still remember her because of the nevus in the left side of her ear," he aimed his hands to touch my ear, it was a fail since Nathan stopped him.
Tama siya, may mga nunal ako sa left side ng aking tainga. At kung ako ang inyong tatanungin about him, isa lamang sa sasabihin ko. Hunk.
"Such a small world," singit ni Bryan.
Naghuhurementado sa kaba ang dibdib ko. Naalala ko siya dahil ako mismo ang nag-asikaso sa kanya noon. Humingi pa siya ng tubig sa akin kahit kakarating pa lang niya.
Hindi ko na talaga kaya ang tumayo pa rito, mas gustuhin ko pa na lamunin ako ng lupa.
"We have the same...." huminto ito at kumindat sa'kin bago dinugtungan ang sasabihin. Napaiwas ako ng tingin. Humalukipkip.
"...taste, Nathan." Kahit hindi ko man tingnan si Sin, alam kong nakangiti siya ngayon.
"I need to go out for a while," kinuha ko ang nakahawak na kamay ni Nathan at saka umalis.
Habang papalayo ako ay dinig na dinig ko pa rin sila.
"Marami pa namang bangus diyan, maghanap ka na lang ng iba," halos natatawa pang sabi ni Bryan.
Narinig ko pang inawat ni Nathan si Sin para huwag itong subulin ng suntok.
"She's mine, Sin."
Iyon ang huling narinig ko mula sa kanila. Kahit malayo ako, alam na alam ko kung sino ang nagsabi ng iyon.
Nathan.
✍
One
More
Drink
Copyright © Claw Marks