BE MY GIRL (COMPLETED)

By BethanySyLove27

111K 2.9K 134

"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kam... More

Trivia
CHAPTER 1 part 1
CHAPTER 1 part 2
CHAPTER 1 part 3
CHAPTER 2 part 2
CHAPTER 3 PART 1
CHAPTER 3 PART 2
CHAPTER 4 PART 1
CHAPTER 4 PART 2
CHAPTER 4 PART 3
CHAPTER 5 PART 1
CHAPTER 5 PART 2
CHAPTER 5 PART 3
CHAPTER 6 PART 1
CHAPTER 6 PART 2
CHAPTER 6 PART 3
CHAPTER 7 PART 1
CHAPTER 7 PART 2 (revelation)
CHAPTER 7 PART 3
CHAPTER 7 PART 3
CHAPTER 8 PART 1
CHAPTER 8 PART 2
4 years later.......
CHAPTER 9 PART 1
CHAPTER 9 PART 2
CHAPTER 9 PART 3
CHAPTER 9 PART 4
CHAPTER 10 PART 1
CHAPTER 10 PART 2
***WAKAS***
about the book

CHAPTER 2 part 1

3.6K 98 3
By BethanySyLove27

Bandang alas tres ng madaling araw ng maalimpungatan si Chari sa pag iingay ng alarm clock. Inaantok man ay napilitan na siyang bumangon kaagad. Dahan dahan niyang iniunat ang mga braso at naghikab. Nang maalala na marami pa siyang gagawin ngayon ay nagmamadaling kumilos na siya.

Inayos niya ang nagulong kama at nagtungo sa kabilang silid kung saan natutulog ang ama. Napangiti siya ng marinig ang malakas na paghilik nito. Mahimbing pa ang tulog nito. Nilapitan niya ang ama at inayos ang kumot na nakabalot sa katawan nito.

Saglit na pinagmasdan niya ang ama. Marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig niya dito. Madalas na biruin siya noon ng mga kamag anak niya na mahihirapan siyang hanapin ang nanay niya dahil wala siyang ideya kung ano ang hitsura nito, hindi raw kasi sila magkamukha ng ina.

Simula rin ng hindi na nagpakita sa kanilang mag ama ang nanay niya ay itinapon na ng tatay niya ang mga bagay na maaaring makapagpaalala pa dito. Ultimo ang mga litrato ng nanay niya ay sinunog nito.

Kahit anong gawin niya ay hindi niya alam kung papaano hahanapin ang ina. Wala naman kasi itong kamag anak dahil lumaki ito sa isang bahay ampunan. Ang tanging alam lamang niya ay may kakambal na babae ang nanay niya. Nagkahiwalay ang magkapatid nang masunog ang maliit na bahay ng pamilya ng mga ito. Namatay ang mga magulang ng kaniyang ina kaya ito napadpad sa isang bahay ampunan noong tatlong gulang pa lamang ito. Kung buhay man o nasawi din sa sunog ang kakambal ng ina ay wala na rin itong balita.

Hindi niya mapigilan ang paninikip ng dibdib dahil sa sitwasyon nilang mag ama. Siguro kung hindi sila iniwan ng nanay niya ay hindi ganoon ang magiging buhay nila. Marahil ay may katuwang siya ngayon sa pagtataguyod ng pamilya nila.

Wala ng lunas ang sakit ng tatay niya at ang higit na mas masakit sa kaniya ay hindi na siya nito makilala. Kaya nga hindi niya ito hinahayaan na lumabas ng bahay mag isa. Madalas ay nag aasal bata na kasi ito, mabuti na lamang at may mga kapitbahay at kamag anak siya na tumitingin dito kapag nasa school o trabaho siya. Mabibilang lamang sa daliri ang pagkakataon na bumalik sa dati ang memorya ng kaniyang ama. Bumigat ang paghinga niya nang maalala na ang huling beses na nakilala siya nito ay noong kaarawan niya.

Naipikit niya ang mga mata kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. Kahit mahirap ay wala siyang hindi kakayanin para sa ama. Iminulat niya ang mga mata at pilit na ngumiti.

"Hay! kayang kaya ko ito. Ako pa, pinalaki mo yata akong malakas ang loob, 'di ba tay?" sabi niya sa natutulog na ama. Masuyong hinaplos niya ang pisngi nito at tumayo na.

Marami pa siyang gagawin at dapat ay makapagsimula na siya. Kailangan bago sumikat ang araw ay matapos na niya ang mga labada dahil magrereview pa siya. Alas siyete ng umaga ang schedule ng exam niya.

Nagtungo na siya sa kusina at kinuha ang malaki at lumang planggana. Inihahanda na niya ang mga damit na lalabhan nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya.

"Sino naman kaya ang magtetext sa akin ng ganito kaaga?" nakakunot noong tanong niya sa sarili. Bumalik siya sa silid at kinuha sa ibabaw ng mesa ang cellphone niya.

Message 1: witch! Humanda ka sa akin kapag nagkita tayo!

Message 2: natatakot ka na noh? Sa oras na makita ulit kita hindi lang yun ang aabutin mo sa akin. Sisiguruhin ko na pagsisihan mo ang ginawa mo!

Napakamot na siya sa batok nang mabasa ang iba pang mensahe. Parang bigla ay gustong sumakit ng ulo niya. Wala naman siyang kaaway o naargabyadong tao pero bakit ganoon ang mga text message na natatanggap niya sa loob ng ilang araw? At ang higit na nakapagtataka ay iisang numero lamang ang nagtetext sa kaniya ng ganoon.

Napakibit balikat si Chari at ibinalik muli ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Hindi siya mag aabalang magtext o sagutin ang tawag ng weirdong sender dahil masyado siyang abala sa buhay. Sayang lang ang oras niya kung papatol pa siya dito.

"Hay! bakit ba ang daming mga tao ang walang magawa sa buhay at nanggugulo ng iba," naiiling na wika niya at kumilos na.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 17.2K 43
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) Bethany Cagliostro is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by a powe...
28.7K 1.6K 40
Black Eclipse-ang bandang namamayagpag noong highschool si Ran. Di niya sukat akalaing magiging malapit sila ni Francis Van Robles-ang lead guitarist...
49.6M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
127M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...