"WWWOOOOOOWWWW!!!"
Ito ang mga reaksyon namin nong pumasok kami sa apartment ni Kastor.
Malaki ito at may second floor pa dahil pagpasok mo makikita mo kaagad ang second floor, kung baga may balcony. Yong mga gamit at displays nya dito may halong modern and ancient. Ito na ba ang maliit sa kanya!! Ano na pala tawag para sa kanya ang bahay namin?!! Rat house?!!!
"Grabe naman ito Jerome! Na saan ang liit dito?? Mga 20 to 30 pang tao yata pwedeng kumasya dito sa condominium nyo! At hindi mo naman sinasabi na ang yaman yaman nyo hahaha" ngayon pinakita na ni Jill ang totoong sya. Siguro komportable na sya kay Kastor.
"Ang laki nga dito" sabi na lang ni Rena with amazement, "at may chandelier ka pa"
"So anong meron sa second floor??" Tanong ni Ken kay Kastor.
"Puro mga libro ang nandoon sa second floor, kung baga isang mini library, at mga ilang kwarto rin" he just said it casually and again with the poker face.
"Talaga?!" Ken said it with excitement, halatang mahilig sa libro, "pwede ba naming makita???"
"Hala Ken! Hwag mo naman kami idamay, ikaw lang ang may gusto nyan eh" sabi ni Rena na halatang ayaw nya sa mga libro.
"Sige na! Magtingin na rin tayo ng mga libro na pwede nyong gamiti sa report nyo. Mas maganda pa ring source ang libro kesa sa internet" - Ken
"Oo tama yon, kaya tara na sa second floor!!" Feeling ko hindi ang mga libro ang aim ni Jill, gusto nya lang yatang mag-explore.
Agree ang lahat, except for Rena napinilitan lang sumama. Ayaw nya raw maiwan eh.
Papunta na kami sa second floor at nandoon na kami sa may hagdan, nangunguna si Kastor at kami naman nasa likod nya lang. Pero habang umaakyat kami, my eyes caught something shiny inside to another room.
Huminto ako para malaman kung ano yong kumikinam na yon pero....
"Alice bilisan mo dyaan!!" Tinawag ako ni Jill na nandoon na sa may tuktok.
"O - oo!" Sabi ko na lang bigla sa kanya at nagpatuloy na syang maglakad.
Naglakad na rin ako paakyat pero iniisip ko parin ang kinang na yon. Ano kaya yon?? At bakit ginagawa kong ka-big thing ang bagay na yon??? Hhhhaaaaayyyyy hayaan mo na yon Alice, ang paranoid mo masyado.
Pagdating ko doon sa tuktok, tumambad sa akin ang isang malalaking mga double wooden doors, ito yata ang sinasabi ni Kastor na 'mini' library, pero feeling ko hindi ito 'mini', sa mga pinto palang masasabing malaki ang lugar na ito.
Wala ang mga kasama ko dito sa labas, so I assume nandoon na sila sa loob. Grabe naman ang mga yon, hindi man naghintay -_-
Pumasok na ako sa loob, at doon na naman ako namangha sa apartment nila Kastor. SOBRANG DAMING MGA LIBRO!!!
I am speechless.
"Ang daming libro noh" sabi na lang ni Jill sa akin na bigla na lang sumulpot kung saan.
"Ye - yeah..." Still in amazement. "Teka na saan yong iba???" Paalala ko sa iba.
Hindi na lang sya nagsalita, tinuro nya ang isang corner ng library na to, at doon ko na kita si Rena, nakaupo doon sa may lapag habang yakap yakap nya ang mga tuhod nya. Halatang takot sya sa mga libro, nanginginig pa sya. Dinagan kasi sya noong bata pa kami ng mga libro, kaya nagkaroon sya ng phobia.
Nagturo ulit si Jill, doon naman sa mga shelf ng mga libro, at doon ko naman nakita si Ken, tumatakbo sa sobrang excitement, may mga sinasabi pa syang mga title ng book na ngayon ko lang narinig, na nandito raw ito at hihiramin nya raw ito kay Kastor. Ito naman, halatang gustong gusto nya ang mga libro.
How did I end up with friends that are totally different???
"And Kas - Jerome???" Tanong ko kay Jill kasi hindi ko mahanap si Kastor.
"Nanguha raw ng mga librong kakailanganin natin. Sinabi ko na kanina kung anong topic natin at sinabi nyang may libro raw sya ng ganon, kaya sya na raw bahala sa mga resources natin" - Jill
"I see...." Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
I look around the place. There are so many book shelves and of course books inside those shelves. They are organized and arranged very well, and there's no single dirt in this room.
"Ito na ang mga libro na gagamitin natin" sabi ni Kastor na biglang sulpot nya kung saan, and again, no emotion.
"Tingnan ko nga *sabay abot nya ang libro* oh teka, ito yong libro na ginagamit ni Ma'am ah, kailan mo ito binili??" - Jill
"Noong bago pa magsimula ang klase, at lagi ko nakakalimutan na meron na pala akong libro na ganya, kaya lagi ako bumibili ng ganyang libro, hindi ko na namamalayan na meron na pala akong tatlong kopya na libro" sabay labas nya ang dalawa pang libro.
"Wow tamang tama yan, pero paano yan? Tatlo lang yan" - Jill
"Ayos lang yan, saulo ko na ang mga nilalaman ng librong yan" sabay lakad nya papunta sa may pinto, "doon na tayo sa salas gumawa, may isa kasi dito na hindi kayang gumawa ng kahit na ano kung nandito sya" sabay tingin nya kay Rena, na hanggang ngayon nakaupo sa dati nyang pwesto at posisyon.
Well I agree with that, at sa tingin ko hindi nya narinig ang sinabi ni Kastor, pero kung narinig nya yon, bigla bigla na lang yon tatayo at hamunin si Kastor sa suntukan, at magkakagulo sila, hhaaaaayyyyyy buti nga hindi nya narinig yon.
"Oo, tama yon, wala rin kasi ditong mga mesa at upuan para makagawa ng report natin. Alice tawagin mo na si Ken, at ako naman kay Rena"
"Okay" pero bago pa ako pumunta kay Ken, binigyan na naman ako ng nakakaloka nyang ngiti, "Jill!!!!"
"Oh bakit?!!" Saying it like she doesn't know what she's doing.
Hindi ko na lang sya sinagot, tinutukso nya lang naman ako, so just ignore her and walk to where Ken is.
Pero akala mo alam mo kung saan sya, ang laki talaga itong 'mini' library nya. Paano kaya sya nagkaroon ng ganitong karaming libro?? Wala ba syang ginagawa habang nandito sya sa mundo ng mga tao kaya lagi sya nagbabasa?? At paano naman nya binibili itong mga librong ito?? May trabaho kaya sy-
*PLAK*
Nabigla ako dahil sa tunog na yon, parang tunog iyon ng nahulog na libro.
Nong lumingon ako sa tunog na yon, doon ko na nakita si Ken, na maraming dinadalang mga libro, abot leeg na nga nya ang mga librong yon, at sa tingin ko sya ang may dahilan kung bakit may nahulog na libro.
"Alice, tulong naman oh" - Ken
"Ikaw kasi, alam mo na nga mabigat, tuloy parin ang pagkuha ng mga libro" pagtataray ko, pero tinulungan ko parin sya.
"Ang dami mo pang sinasabi, tutulungan mo pala ako, hhhaaayyyy Alice"
"Tara na nga sa salas, nandoon na sila" sabi ko, just ignoring what he just said.
"Ganon ba, sayang, ang dami pang mga libro na gusto kong hiramin kay Jerome. Ang dami nyang mga magagandang libro, at ang mamahal pa yong iba, kaya hindi ko kayang bilhin ang mga yon. Grabe ang yayaman naman nila Jerome" - Ken
Oo nga noh. Yong ibang mga libro dito, mukhang mahal. Saan kaya sya kumukuha ng pero para bumili??
Naglalakad na kami pababa papunta doon sa may salas, at habang naglalakad kami...
"Bakit ang dami naman itong gusto mong hiramin?? Ayos lang kaya ito kay Ka - Jerome ito??" Reklamo ako nang reklamo kasi sa dami nyang dala at pati sa bigat nito. Alam kong mas marami ang dala nya kesa sa akin pero ang bigat parin eh!!
"Ang dami kasi nilang mga magagandang libro at sobrang tagal kong pinag-iipunan para makabili kahit isa sa mga ito, ang mahal kaya nito. At isa pa, alam kong pwede ko itong hiramin sa kanya, mabait naman sya eh" - Ken
"At paano mo alam yan??" Ang alam ko lang na magkaribal sila, at hindi ko naman sila nakikitang mag-usap.
"Alam mo yong time noong sa marathon natin noong high school?"
"Yong time ba na second place ka, at si Jerome naman ang nakakuha ng first place??" Sabi ko, giving him a teasingly smile. Ayaw nya kasi i-mention ang mga moment na laging panalo si Kastor.
"O...O..." Halatang pinipigilan nyang mainis, "so yon nga, nong time na yon pagod na pagod ako nong nandoon na kami sa finish line, muntik na ako ma-collapse non, pero tinulungan ako ni Jerome na pumunta sa may puno at binigyan nya pa ako ng tubig kahit hindi ko sinasabi sa kanya. Kaya mabait sya, kahit hindi mo alam kung bakit ganon sya na walang emosyong pinapakita" - Ken
"Talaga lang ha. Well...okay lang naman sya, hwag na lang sya magsalita" - Me
"Oo nga" he just agree with that thought. Kasi naman kung magsalita sya, ang yabang yabang nyang pakinggan, akala mo kung sino.
Nakarating na kami sa may salas at nandoon na sila.
"Grabe naman yan! Hindi naman natin kailangan ng ganyang karaming reference. Itong librong ito sapat na sa report natin" medyo na surprise si Jill sa dala dala naming mga libro.
"Hindi ito reference, gusto ko sana hiramin ito kay Jerome. Pwede ba Jerome?" sabay tingin ni Ken kay Kastor, at nilapag na muna namin sa lapag na tabi lang sa mesa, meron pala itong rag sa ilalim nito.
Tiningnan nya muna ang mga libro at bumalik sya sa ginagawa nya sa laptop ni Jill, "ayos lang, basta ingatan mo lang ang mga yan" sabi na lang nya na wala na namang emosyon. Bakit kaya sya ganyan?? Para tuloy syang walang emosyon talaga.
"Syempre naman, ako pa!" - Ken
"Meron pa yata ako mga inipit dyaan na ilang mga papel sa mga libro na yan, hwag mo na lang tanggalin" sabi nya habang may tinatayp sya.
"Oo sige" sobrang saya naman itong pagsagot.
Noong nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, namangha ulit ako, ang dami na namang mga magagandang mga displays, yong interior design ay modern na modern ang pagkaka-ayos. Sobrang ganda ang kwartong ito.
Nong tumingin ako kila Jill at Rena na nasa mini table nakaupo na sa lapag, nagmumukmok si Rena habang nagbabasa at nagsusulat, at si Jill naman, tahimik lang nagbabasa. At yong atmosphere, parang nararamdaman ko na naman ang intense air sa paligid. Ano na naman nangyari dito???
Pero simula muna tayo kay Kastor na nasa iisang mesa kila Jill, nakaupo sa lapag dn.
"Ano pala ang tinatayp mo Ka - Jerome??" Parang na sasanay akong tawagin syang Kastor kesa Jerome. Ilang beses na to eh.
"Powerpoint natin" sabi nya na hindi naman tumitingin sa akin.
"Sabi nya kasi, sya na raw ang gagawa ng powerpoint natin, kasi saulo nya naman na raw ang topic natin kaya alam nya kung anong mga mas importanteng ilalagay sa powerpoint" sabi ni Rena na naiinis pa. So yon pala ang dahilan kung bakit sya namumukmo doon, ayaw na naman nya maging 'bida' si Kastor sa report na ito.
"Rena, tama na yan. Makakabilis tayo ng gawa kung isa sa atin ang may alam na sa topic natin, kaya hwag ka na mainis dyaan" Jill said it as a leader. Marunong talaga sya mag-lead.
"Oo, alam ko yon, pero ayaw ko lang ang pagkasabi nya. Parang sinasabi nyang hindi tayo capable na gumawa ng maayos na powerpoint" - Rena
"Wala tayong magagawa doon Rena, gusto ko matapos na to at umuwi na para mapag-aralan pa natin ang mga report natin. Hintayin na lang natin si Jerome na matapos, pero habang ginagawa nya yon, pag-aralan na natin ang mga report natin" alam kong medyo na iinis na si Jill pero she's still in her composure state.
And Rena just ignore her, siguro ayaw na nya magsagutan pa kasi alam nyang mali ang inaasta nya.
Umupo na ako doon lang sa may lapag, sa may gilid ng mesa bandang kaliwa ni Kastor at kaharap ko naman si Jill, at ganon din si Ken na katabi ko at katabi naman nya si Rena. Kung baga ganito ang itsura ng sitting arrangement namin:
Kastor
Jill| |Ako
Rena Ken
Medyo ang awkward nga dito sa mesang ito, tumingin ako kay Ken at ganon din sya, nag-'anong-gagawin-natin?' face ako, at sya naman 'hindi-ko-alam' face. Ano ba yan Ken?!! Akala ko matalino ka.
Kailangang mawala itong awkwardness, "so.....ano pala ang topic ng bawat isa?"
"Ito, ginagawa ko na kung anu-ano ang mga topic natin" sabi na lang ni Rena, na medyo okay na sya, "ayan tapos na" tapos pinunit punit nya ang papel at tinupi ang bawat isa, "bumunot na kayo" at nilagay nya ang mga tinuping papel sa gitna.
So ito na ang mga topic namin. Bumunot na si Ken, tapos si Jill, tapos ako at ang natitira ay kay Rena.
Binuksan ko ang sa akin at ang kinuha ko ay shadowing and texture at may nakalagay sa baba ay number... ONE.
"Hala unang una ako?!!" - Me
"Parang ganon na nga, ako nga pangalawa hehe" Rena teasingly smile at me while showing me her paper.
"Ako ang 3!" Tuwang tuwa naman ito si Jill.
"So ibig sabihin number 4 si Jerome" - Rena
Tumingin kaming lahat kay Kastor. He didn't react instead he just look at us a bit and gone back in typing. He just used his 'obviously' face at us!! Well obvious na obvious na nga.
"Kung ganon, habang hindi pa tapos si Jerome, i-review na muna natin ang mga topic ng bawat isa, at kung tapos na si Jerome i-copy ninyo ang powerpoint para ma-review nyo ito sa bahay nyo. Mag-take notes kung kailangan, para hindi makalimutan ang mga sasabihin natin bukas, lalo ka na Alice, ikaw pa naman ang unang una" - Jill
"Oo alam ko. Hwag mo nga ako i-pressure" ayaw ko kasi na pina-pressure ako.
"Okay okay, hindi kita pina-pressure, chillax ka lang hahaha" sige tawa ka pa, "magsimula na tayo mag-review. Alas-kwatro na, matatapos natin to siguro mga isang oras lang" sabi nya habang tinitingnan nya ang wall clock.
Kaya nagsimula na kaming mag-review, si Ken naman, sinimulan na nyang basahin ang mga hiniram nyang libro. Pero syempre, hindi maiwasan na magdaldalan kami at tanungan, (except for Kastor, na focus na focus sya sa tinatayp nya), pero minsan naman tahimik din at sariyoso, si Jill lang ang nagsisimula sa usapan.
Nagpatuloy na ganon ang pagre-'review' namin, hanggang....
"Nagugutom na ako, kain muna tayo!!" Nagsalita ng ganyan si Rena.
"Oo nga gutom na rin ako, break muna tayo guys!" - Jill
At dahil doon napahiga ako bigla sa rag, medyo sumakit ang likod ko at gutom na rin. Si Ken, tinigilan nya muna magbasa, at himalang ganon din si Kastor, tumigil muna sya sa pagta-type.
"Bumili na kayo ng pagkain, tinatamad akong gumalaw" utos naman ni Rena, ang bossy talaga nito.
"Hindi yan pwede noh. Mag-jack'n poy tayo, ang matalo sya o sila ang pupunta sa 7 11 doon sa may kanto" - Jill
"Payag ako!" - Rena
"Okay" - Ken
"Sige" - Me
*nod* - Kastor
Tapos nilahad na namin ang mga kamay namin na naka-close sa gitna ng mesa.
"Okay. Jack'n poy!" Sigaw ni Jill at sabay saby na kami nag-jack'n poy.
Ang resulta:
Rena - scissors
Ken - scissors
Ako - rock
Kastor - rock
Jill - scissor
Kaya sina Ken, Rena at Jill ang pupunta sa 7 11. Maiiwan kami ni Kastor dito.
"Ano ba yan!! Tinatamad pa naman ako, kayo na lang ang bumili" Rena said referring Jill and Ken in going to the 7 11.
"Hindi pwede noh, you know the rules Rena" sabi na lang ni Jill na nakatayo na at pati si Ken, ready nang umalis, except for Rena na nakaupo parin.
"Okay okay, sasama na ako! Inaalala ko lang kasi na baka ma-jealous si Ken, dahil maiiwan dito ang karibal nya at ang crush nya sa iisang room hahaha" and again with the teasing -_-
"Ay oo nga noh, hindi ko na isip yan hahaha. Siguro maiwan ka na lang Ken at kaming dalawa na lang ang pumunta sa 7 11" - Jill
"Ewan ko sa inyo!! Mapunta pa kung saan ang mga sinasabi nyo. Ano ba gusto nyo??" At tumingin na lang sya sa amin ni Kastor.
"Hotdog, yon lang sa akin" tapos binigay ko sa kanya ang singkwenta "penge na lang ako ng tubig K - Jerome mamaya" sabay tingin sa kanya. He just nod while reading a book.
"Cup noodles spicy flavor, kahit ano basta maanghang" at binigay nya rin ang singkwenta nya.
Kinuha na nya ang mga singkwenta namin, "okay, tara na" at pumunta na nga sya sa exit. Hindi man nya hinitay sila Rena. Halatang nainis.
"Ito naman, hindi mabiro, iniwan pa nga nya tayo" sabi ni Rena at tumayo na rin sa wakas, "tara na nga Jill, baka mainis pa yon kung tumagal pa tayo dito"
"Oo tama tama, at para naman sa inyong dalawa, hwag kayo gumawa ng kung anu-ano dito ah" biro na lang ni Jill sa amin. Sariyoso, sino ba talaga ang pinagtutukso nyo sa akin?!! Kanina si Ken tapos si Kastor?!! Kung sino na lang ba??!!!!
"Umalis na nga kayo at bumili na kayo ng pagkain, nagugutom na kami!" medyo naiinis na rin ako sa mga pinagsasabi nila.
"Meant to be talaga kayo ni Ken, pareho kayong mainitin ang ulo hahaha" sabi ni Rena at naglakad na sila papunta doon sa pinto.
At naiwan na lang kami ni Kastor dito sa kwartong ito.
~AWKWARD~
Well ano pa ang inaasahan mo kung kasama mo si Kastor, alam kong tatahimik ang paligid kung kasama mo sya. Pero ayaw ko to, ano kaya magsimula ako ng pag-uusapan namin.
"Soooooo.....ganda ng apartment mo noh" ngayon sisimulan ko dito, at tatanungin ko kung paano nya ito binabayad.
"May trabaho ako" bigla nya na lang sinabi, habang nagbabasa parin sya.
"Huh?" Wait, parang nangyari na to ha. Ito yong sinasabi nya na madali akong 'basahin' base sa 'ekspresyon ng mukha' ko.
"Gusto mo malaman kung paano ko ito binabayad hindi ba?" Tapos tumingi ito sa akin while his glasses is still down. I just nod at his question.
Tapos bumalik ulit sya sa pagbabasa, "marami na akong pinasukan na trabaho habang nandito ako sa mundo ng mga tao... Hindi ako mabubuhay dito kung hindi ako kumain at magpahinga kaya nagtrabaho ako.... Isa kaming tao kapag nandito kami sa mundo ninyo, pero hindi kami tumatanda, ang oras namin ay bumagal kapag nandito kami" he just answer AGAIN of what am I going to ask to him AGAIN. Talaga bang wala itong mind reading powers?!!
"Kung ganon, anu-ano na ang mga naging trabaho mo??" Hindi nya pa ito sinagot kaya tatanungin ko na.
"Meroong janitor, cashier, waiter manager, guro, baker, assistant nurse, secretary, cook, driver, care ta -"
"Woah woah....woah, isa kang secretary?? Cook?? At nurse???"
"Assistant nurse" he corrected me.
"Okay. Paano ka nakatrabaho ang mga yon?? Di ba kailangan mong ma-gradute muna bago makatrabaho ng mga yon???"
"Kumuha ako ng short courses sa TESDA. Nakailang balik na ako doon, para makatrabaho sa mga yon... At kung paano yon, may kakayahan kami ng baguhin ang mga katauhan namin, kaya hindi ako nadidiskubre sa ilang beses ko nang pagpasok sa eskwelahan o sa trabaho man" he used it again, his 'wala-raw-syang-mind-reading' powers
[N/A: kung nagtataka kayo kung paanong malaman ang 'madaling-basahin-ang-ekspresyon' ni Kastor, may makikita kayong ganito "...." Ibig sabihin, huminto ng saglit si Kastor at bigla bigla na naman magsasalita bago magtanong si Alice sakanya. Sana po hindi kayo malito :) ]
Pero kung pag-iisipan mo mabuti, sa dami nya nga natrabaho noon, posible nga na nag-ipon sya at nakakabayad ng renta.
"So ano ang trabaho mo ngayon??"
"Bumalik ako sa pagiging isang waiter... Isa sa mga cafe doon sa Ayala... Dahil ginagamit ko ngayon na katauhan ay isang college student, kaya hindi ako makapasok sa mga profession na trabaho" is he really not reading my mind??!!!
Well, let just ignore that part of his personality, atleast na sasagot nya ang mga tanong ko, "ganon ba?? Hindi ko kasi aakalain na ganon pala ang sitwasyon nyo, mga anghel, kapag nandito kayo sa mundo namin. Akala ko talaga na sa mga ulap kayo tumitira"
"Malawak talaga ang mga imahenasyon ng mga tao. Kapag hindi nila masagot ang mga tanong nila, kung anu-ano ang mga naiisip nilang mga sagot" sinasabi nya yan habang nagbabasa parin sya ng libro. Mabuti naiintindihan nya pa yang binabasa nya.
"Na saan pala si Kuro??" Tinanong ko lang bigla dahil hindi ko pa sya nakikita.
"Nagtatrabaho rin sya bilang isang manager sa tinatrabahuan kong cafe... Dahil inutos ko yon na gawin nya"
"Oh so, tumutulong rin sya sa pagbayad ng mga bayarin dito"
He didn't respond. Well it's not a question anyway.
~AWKWARD~
At balik na naman tayo sa awkwardness. Manahimik na nga lang ako, halata naman na ayaw nya akong kausapin, busy sa pagbabasa eh. Matutulog muna ako, parang kulang pa ako sa tulog.
"Wala ka ba nararamdamang kakaiba?"
Bigla ko napaangat ang ulo ko dahil nagtanong sya, at nakita kong tumitingin na sya sa akin. Himala yon ah, sya naman ang nagtanong.
"Kakaiba?? Anong ibig mong sabihin??" Halatang hindi ko alam ang tinutukoy nya.
May binulong sya, pero hindi ko naman naintindihan kahit malapit kami sa isa't isa, "ano sinabi mo Kastor???"
"Wala, kalimutan mo ang sinabi ko" at nagpatuloy ulit sa pagbabasa. Ang hilig nya talaga magbasa.
Hindi ko na lang inintindi ang tinanong nya sa akin. Bumalik na ako sa pagtulog ko. Nakasandal lang ang ulo sa mga braso ko sa mesa, at sa ganong posisyon ako natulog.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagising ako dahil sa amoy ng usok, nakabangon ako at doon pa rin naman ako sa dati kong pwesto kanina pero ang buong paligid ko.....
My God!!!
What just happen here??!!
There are so many sand and pebbles in the ground.
Smoke scattered in the air.
Kastor's things are wreck into pieces.
The walls and ceilings are disappeared because they become little rocks.
And fire just appeared here out of nowhere.
Kastor's apartment is now...
DISTROYED!!!
Where is everybody??!!!
I don't know what happened, but I know we need to get out of here!!
Even though is dangerous, I still wounder around this apartment. Nagbabakasakaling makita ko sila.
"Rena! Jill! Ken! Kastor!" I shouted their names, but no respond.
That make me scared, knowing that they didn't respond let me think that they may be out of conscious or somewhere a place that they are trapped and can't hear me.
Why is this happening to us?!!!
Where is Kastor when I need him??!!!!
"Rena!" I shouted again...
"Jill!!" I won't stop until I hear them and know where they are....
"Ken!!!" I need to know if they're safe, but if not....
"Kas -" I stopped shouting their names, because I found them....
....in their worst state.
"HINDIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!"
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Fact #3 about MGA
Dahil sa busy ako sa college life at pati sa ibang bagay sa buhay ko. Tinatayp ko ito habang nababayahe.
Isang oras din ang byahe ko, galing bahay papuntang school, kaya sayang naman ang oras na yon kung hindi ko gagamitin di ba.
Kaya minsan kung may napapansin kayong typo o mga maling grammar, sisihin mo ang driver. Ang kalog kalog mag-drive ni kuya tapos ang lakas kung magpatugtog. Hahahaha nanisi pa sa ibang tao.
Pero minsan, dahil sa pagod at antok, hindi ako nakaka-type ng story, at minsan wala ako sa mood.
Kaya sorry talaga kung ang tagal ko mag-update, atleast hindi pa tapos ang linggo, so pasok pa rin ito sa once a week kong update hahahaha.
Always have a nice day :)