maagang nagising si hannah ng araw na yun.. kaya pinasya nya na mag jogging muna sa labas.. wala pa masyadong tao dahil halos 5:00 am palang ng mga oras na yun..
nagpatugtog na sya ng ipod nya at sinimulang mag jogging.. lumabas sya sa village nila dahil balak nyang pumunta sa may plaza at doon ituloy ang pag jojogging..
may ilan ilan din syang nakitang mga busy sa pag jo-jogging.. yung iba naman nag e-exercise..sinimulan nya ng umikot sa oval ng plaza..
mga naka limang ikot na din sya nang may maramdaman syang kasabay sa pag jo-jogging..laking gulat nya ng makita nya si dandreb..
"what the!..." napatigil sya bigla..
marahil hindi naman sinasadya nito na makasabay sya dahil mukhang hindi naman sya nito napansin. tuloy tuloy lang ito sa pag jo-jogging while naka pasak sa tenga nito ang earphone..tinignan lang nya itong papalayo sa kanya..
"ano naman kaya ang ginagawa ng mokong na ito dito? ang pagkaka alam ko.. may sarili syang gym sa loob ng bahay nila.. dapat doon sya mag jogging?!" sabi ni hannah sa sarili..
napagpasyahan na lang nya umalis sa plaza dahil biglang nagtext sa kanya ang ina..
"anak, mamaya nga pala may pupuntahan tayo after mo mag breakfast.. tutal sinabihan ko na si sonya na sya na muna bahala sa shop".. sabi sa kanya ng ina habang sya ay kumakain ng agahan.
okay ma.. saan naman tayo pupunta?" sinabi nya habang sya'y ngumunguya..
"that's a secret my dear." tila may halong excitement na tinig ng ina.
"sabihin mo na kasi ma. mukhang excited ka po eh." naka ngiti na din nyang tugon dito..
kinindatan sya ng ina..
"sekreto muna yun anak.. mamaya malalaman mo din.." sabi nito at umalis na sa kusina..
agad syang natapos sa kinakain at naligo..
napansin ni hannah na papasok ng subdivision nila claudette ang sasakyan nilang maliit. honda jazz ito at kulay puti.
"ma,what are we doing here?" maang nyang tanong sa ina..
"you'll see baby." tanging tugon nito sa kanya..
nag park ang sasakyan nila sa tapat ng isang malaking bahay. two storey ito at kulay grey na may touch of brown.. mataas ang gate nito..na halatang pang mayaman talaga ang disenyo..
"ma, sino ang bibisitahin natin dito? malapit lang ang bahay dito nila claudette." anya habang nakatingin sa malaking bahay..
napangiti naman ang ina sa kanya..
may kinuha itong susi sa bag nito at binuksan ang gate na nakasara na ngayon ay pinagtakahan nya.. pagka pasok na pagka pasok nila sa loob.. agad nyang nakita sa bandang kanan ang swimming pool na tama lang ang laki...naka palibot dito ang garden na maraming bulaklak at.. dwarfs?.. alam nya mahilig sa dwarfs ang mama nya..buti nga at hindi sya nito pinag lihi sa mga ganong bagay.. sunod naman ay tinignan nya yung bandang kaliwa na nandoon ay may daan patungo sa garahe..na pwede na yatang magkaroon ng children's party sa laki..
binuksan ng ina nya ang main twin main door na gawa sa narra na pininturahan ng kulay puti..at agad silang pumasok doon.
nakita nya ang malawak na living room na may touch of red,black at white na kulay. malalaki ang leather sofa dito. L-shape at madaming pillow..malaki ang flat screen t.v sa harap nito na may pagka european ang design ang mga nakapalibot dito..
"wow! ma, who owns this place?" manghang tanong nya dito..
"its our new home baby." naka ngiti nitong sabi sa kanya..
natulala sya sa ina..
"ma?! hwag mo nga ako biruin. its not funny!." hindi makapaniwalang tugon nya dito..
"well baby, im not.. nabile ko sa murang halaga ang bahay na ito.. can you believe it?" excited na tanong sa kanya ng ina..
napaluha sya sa harap ng ina.. at lumapit sa kanya at niyakap sya..
"i still cant believe this ma.. this is so... awesome!."
"i know baby.. i know.. this is my gift for you.. naka pangalan ito sayo.." naka ngiti pa din sabi ito na ngayon ay hinihimas himas na nito ang buhok nya..
tumingin sya bigla sa ina..at lalo syang nabigla sa sinabi nito sa kanya..
"wha-t?! fo-for me?!" ..
marahang tumango ang ina at niyakap ulit sya..
"im so thankful sa kaibigan mo dahil naging maalwan ang ibang trabaho ko. malaking tulong ang ginawa nya at dahil na rin kay sonya."..
dagdag ng ina..
lihim syang nagpasalamat sa kaibigang si claudette..
nilibot nila ang buong kabahayan at nalaman nyang 3 ang kwarto nito sa taas na may kanya kanyang cr at balkonahe.. may kanya kanya ding walk-in closet ito. pinaka malaki ang kwarto nya.
may isa ding kwarto sa baba. maids quarter ika nga. may double deck doon na malaki. malaki din ang kusina nila. higit na mas malaki kesa dati.. sabi ng kanyang ina makakalipat na sila dito kinabukasan dahil dadalhin na daw ang ibang gamit nila ng araw na yun. nalaman nyang ibenenta na ng kanyang ina ang lumang bahay na idinagdag pambayad sa bago nilang bahay..
"sis, sure ka?" tanong ni hannah kay glo habang sila ay nasa isang driving academy..
"ako pa!.. gorabels na ito mga sisteret.. we need this.. di pwedeng puro magulang na lang ang marunong mag drive."
nag aya ito na mag aral daw sila ng driving.. masaya kasama ito. dahil gusto nito ang ang adventure sa buhay.. alam nilang malungkot ito dahil hindi nag paalam si nathaniel dito nang umalis ito.. hindi nila alam kung ano ang dahilan nito. business matters daw sabi nila ross.
sabay-sabay silang nagpaturo mag drive.one month ang inenroll nila.. may ilang linggo lang naman kaso sila ang nagpilit na 1month..
after nila sa driving school, pumunta naman sila isang mamahaling restaurant at doon sila kumain ng lunch..
malayo pa lang nakita nya na si Dandreb na may kausap itong mukhang mga negosyante din..
ibang iba ito sa iba. mukha talagang seryoso ito sa mga ginagawa.. napaka bata pa nito para sa pakikipag harap sa mga negosyante pero training na din pala ito sa kanya ng magulang..
he seems he loves of what he's doing..
"it seems that your brother is here too." anya ni glo habang papasok na sila ng restaurant..
"yeah.. nasabi nya nga sakin kanina.. may meeting sya with thise businessman. ewan ko ba kay kuya.. masyadong busy.. akala ko nung una masyado na syang tinotorture nila mom and dad.. pero sya talaga ang may gusto nyan. naku-naku.. mukhang matatagalan bago yan makapag asawa. tsk!.. " naiiling na kwento ni claudette habang sila ay naka-upo na sa isang table..
"grabe naman yan. workaholic lang ang peg ng kuya mo?. hays... sabi ni glo na ngayon ay tumitingin ng oordering pagkain..
"hmmm..sya nga pala.. kumusta na ang puso?" pukaw naman ni hannah sa kaibigan na ngayon ay natigilan sa paghahanap ng oorderin..
"wala na ako masyadong balita dyan sa puso na yan ah.. pwedeng pwede mag share.." dagdag naman ni claudette..
"he called!"
sabay nagkatinginan si hannah at claudette sa isat-isa..
"oh, anong sabi nung tumawag? kelan tumawag?".. usisa ni hannah..
"last night.. he called.. he's... he's getting married!." mahina nitong sagot sa kanila.. anumang sandali ay maari itong lumuha..
"what?! ka-kanino naman?para namang napaka bata nya pa para maikasal.. " sabi ni claudette sa nalaman..nadismaya sya.
nakita nilang napapaluha na ito pero pinipigilan lang nito..
"i dont know.. business matters daw..".. dagdag pa ni glo..
"shemay namang business matters na yan!. paano ka na?"
"at saka akala namin talaga na kayo na.. i mean you know.. boyfriend-girlfriend thingy!."dagdag naman ni hannah..
madiing napapikit si glo at maya maya lang masigla na naman ito..
"nothing to worry my friends.. life must go on..even..even without him..madami naman dyan.. pero siguro its not the right time for me para sa ganyang bagay.." nakangiti nitong sabi..
naunawaan ni hannah kung anong sitwasyon ang pinagdadaanan ng kaibigan.. naawa sya dito sa kabila ng kalungkutan at kabiguan.. matatag pa din ito.. iyon marahil kung bakit napalapit ito sa kanila ni claudette.. halos kaparehas nila ito ng ugali..
after nila kumain.. nagpaiwan na lang si hannah sa mga kaibigan dahil may dadaanan pa syang store malapit lang sa restaurant na yun.. may pinapadaanan ang ina nya na maari nyang magamit sa pag didesenyo ng bags na gagawin.. kaya minabuti nyang lakarin na din yun..dahil dalawang buildings lang naman ang layo nito.. lalakad na sana sya nang may nag salita sa likod nya na ikinagulat nya..
"where are you going lady?" tanong nito sa kanya.
"gee! ano ba? sinasadya mo bang mang gulat?! bigla ka nalang sumusulpot dyan..para kang kabute.!" sabi nya na sapo sapo nya ang bandang puso..
" i'm sorry if nagulat kita!. its not my intention." seryoso nitong sagot sa kanya..
"tsk! may dadaanan lang ako malapit dito.." maikli nyang sagot dito..
nagtaka naman si hannah sa kausap. napaka bipolar talaga ng taong ito..
"okay.. sige.. mauna na ako sayo..". mahinahon nyang sabi dito at nagsimula na syang maglakad..
hindi pa sya nakakalayo nang maramdaman nyang kasabay nya ito..
tumigil sya sa harap nito..
"sinusundan mo ba ako?"
nagkibit balikat lang ito..at nilampasan sya..
"arghh! nakakainis ang lalakeng yun..ang yaman-yaman.. nag lalakad?!.impusibleng hindi nya ako sinusundan.. tsk. nakakatawa.. supladong bipolar.."
sabi nya habang sinusundan nya na lang ito ng tingin habang papalayo sa kanya.
nagpasya na din syang puntahan ang sadya.. pagka pasok nya doon sinalubong sya ng isang babaeng may edad na.
"hi!" ikaw marahil si hannah tama ba ako?" naka ngiti nitong tanong..
ginantihan nya din ito ng ngiti..
"opo!. ako nga po." magalang nyang sagot dito..
"inaasahan na kita.. tumawag sakin ang mama mo..papunta ka na daw dito.."..
"oh!. okay po.."
"sya nga pala.. sandali lang hah? bago ko ipakita sayo yung mga bagong telang dumating.. ipapa ayos ko muna sa secretary ko.. " paalam nito sa kanya..
agad naman syang tumango dito.. napansin nyang napaka ganda ng loob ng store. malaki din ito at malinis... may mga manequins na may suot na mga pinasadyang damit..kasalukuyan nyang pinagmamasdan ang paligid ng may nakita syang bumukas na pinto at nagulat sya sa taong lumabas doon..
agad naman syang nakita nito at papunta ito sa kanya..
"so..may i ask you something?" seroso pa ding tanong nito..
inirapan nya ito at sinagot..
"oh?! ano?" inis nyang sagot..
"are you my following me?"
sukat sa sinabi nito napa buga sya sa hangin..
"hoy!feeler na lalake!. hinding hindi kita susundan.. isa pa may sadya ako dito.nauna ka lang dumating dito.isa pa,bakit ka naman nandito?" mataray nyang tanong dito..
napa smirk ito at nagsalita..
"as you can see ganito yan.. i also own this place.. kaya hwag ka na magtaka.." ganti nito sa kanya.. na ngayon ay malapit na naman ang mukha sa kanya..
"oh! ano ngayon kung-kung ikaw may-ari nito?" nasabi na lang nya sa kabila ng pagka bigla..this time.. hindi nya inilayo ang mukha..
halos mag titigan na lang silang dalawa.. hindi nya binawi ang kanyang tingin dahil naiinis na rin sya dito kaya nakipag laban na din sya ng titigan dito..
"f*ck! bakit ba ang ganda ng mata nya!.." sabi nya sa loob loob nya na para syang nahihipnotismo..
iba ang nararamdaman ni dandreb sa pakikipag titigan sa babeng nasa harap nya.. para syang nahihipnotismo sa paraan ng pag tingin nito sa kanya..kapag natititigan nya ang mukha nito iba ang nararamdaman nya para dito.. simple lang ang ganda nito yet catching.. na parang ayaw mo mawalay ang mga mata mo sa pag tingin dahil may iba ka pang inaabangan.. kaya.. agad nya ding binawi ang tingin at umalis..
"friend! ang ganda ng kwarto mo ah.. " usisa ni glo kay hannah na ngayon ay nasa bahay nila.. susunod na lang daw si claudette.. may bonding kasi silang magkakaibigan.. at kasama doon sina ross,cain at dandreb..mamaya pa ang dating ng mga ito..may night swimming party sila sa bahay nila hannah. mas okay na daw sa bahay nila para naman daw mabinyagan ang pool nila..
nginitian nya ang kaibigan..
" hindi naman.. simple lang kumpara sa room nyo ni claudette."
"sus! pero like ko room mo.. simple yet.. elegant.. all white.. wow! paano mo na ma-maintain na malinis ito? sakin yan naku! baka madumi na kaya nga purple ang theme ng kwarto ko.." sabi nito na ngayon ay pumunta sa walk-in closet nya..
"nasanay lang talaga ako na puti ang kulay ng kwarto ko.. simula kasi bata ako ganoon na. para naman maaliwalas tignan.. "sabi nya dito..
"sabagay tama ka.. may progress na ba kayo ni dandreb?" agad na tanong nito..
napatigil naman sya sa ginagawa..
"progress?.. napaka bipolar ng isang yun hindi katulad ng kapatid nya.."
"hay naku!.. may pakiramdam ako sa taong yun eh.. believe me girl.." pag tutudyo nito sa kanya..
binato nya ito ng isang unan nya..
"tigilan mo nga yang pag ma-match saming dalawa.. honestly.. ang weird nya.. nakaka inis ang pagka bipolar nya. susulpot tapos aalis.. ewan ko ba sa taong yun.."..
"asus!sya nga pala, ano susuotin mo mamayang swim suit?" excited na tanong nya dito..
"hmm.. honestly.. wala.. " sinpleng sagot nya dito..
"what? as in wala? ! pano sayo maiinlove si dandreb kung wala?" takang tanong nito na ngayon ay naka bangon na sa pagkakahiga sa kama nya..
"eh sa wala.. hindi ako nag susuot ng mga ganoon.. hindi kaya ng sikmura ko. pakiramdam ko wala akong damit."
"tsk!. ikaw din.. bahala ka hindi ma in love si dandreb.. baka sakin ma in lobe yun." biro nito..
agad naman syang natulala..
"aysus!nagulat ka noh?! natakot ka na baka ma inlove sakin yung bipolar na yun? joke lang.. single forever to.".. tawang tawang sigaw nito na ngayon ay naka labas na sa kwarto nya.
napailing na lang sya sa sinabi nito at sumunod na dito. inayos nila ang mga pagkaing kakainin nila mamaya. may kasam bahay na din silang nakuha ng ina kaya medyo napadali ang gawain nila.
sabay-sabay dumating ang mga kaibigang lalake.. sina ross,cain,dandreb at... nathaniel?..
nagulat silang mga babae..
"oh wow! look who's here?.. sigaw ni claudette..
"nathaniel?!" mahinang sambit ni glory..
"wow! hannah. your house is cute.. " sabi ni cain habang papunta sa mga naka haing pagkain..
"salamat.. sige kain lang ng kain cain..para talaga sayo yan." biro ni hannah sa kaibigan..
"pero,what's with that leggings i think and...lousy tshirt?.. dagdag naman ni ross.
nagkibit balikat lang sya..
"well, ito na ngayon ang pang swimming attire ko eh." sabi nya na akala ng mga kaibigan ay nagbibiro lang sya..
natawa naman sina cain at ross na ngayon ay kausap si claudette.. ito kasi ang tumutulong sa paghain ng pagkain.. si glo naman busy sa pag lalangoy sa pool..
nakita nya si dandreb at nathaniel na umupo sa mga bench sa tabi ng pool..maya maya lang lumusong na si nathaniel at mukhang balak puntahan si glory na ngayon ay busy sa pag lalangoy..
inasikaso nya ang mga kaibigan.. habang nasa barbecue grill sya.. namalayan nyang lumapit si dandreb..
"akala ko night swimming ito.. bakit nandito ka pa?" tanong nito sa kanya na hindi naman nakatingin sa kanya..
"mamaya na ako pupunta dun..tatapusin ko na muna ito.. " pagsisinungaling nya.. sa totoo lang hindi talaga sya marunong lumangoy kaya nga may binile syang timbulan kaninang umaga sa mall.
"okay.. pero hwag mo sabihing yan na ang suot mo?" seryoso nitong tanong sa kanya na ngayon ay nanginginain na ng barbecue na luto na..
"ano naman ang problema mo kung ito nga ang suot ko? " inis na sabi nya dito..
"wala lang naman.. tama yan.. hwag ka na mag swimsuit.. hindi kasi bagay sa payat na tulad mo." sabi nito at saka umalis..
iniwan na naman sya nitong asar na asar..
"shete de mansinilyang taong yun ah! lumalabas ang sungay ko! konting konti na lang talaga.. naku!.."
sa tingin naman nya ay ayos lang ang night swimming nilang magkakaibigan.. maliban na lang kina nathaniel at glory.. masyado kasi seryoso ang mga ito mag usap at medyo nag-iiwasan..
hinahanap ni hannah ang kanyang cellphone.. hindi nya alam kung saan nya nailapag yun..
humiram muna sya ng cellphone kay glory at tinawagan nya ang cellphone.. may nakita syang umiilaw sa gilid ng pool. baka yun na nga yung cellphone.. naalala nyang nagkakwentuhan silang mga babae kanina bago dumating ang mga hearthrobs..
agad nyang nilapag ang cellphone ni glory sa table na malapit sa kanya.. at pinuntahan ang cellphone nya.. agad nyang pinulot yun.. medyo nadulas sya ng konti at sa di inaasahan.. nahulog sya sa pool..
kawag sya ng kawag..
"he-help! he-hel-elp!" patuloy na impit na sigaw nya habang nagtataas baba sya sa tubig..
hindi na sya halos makahinga sa ilalim ng tubig..masyado na syang nag papanic..
"dude! kumusta kayo ni glo?" tanong naman ni cain kay nathaniel.. kasalukuyan silang naguusap nito.
"nah!.. i think its for the better!." tanging nasambit nito...
kasalukuyan silang naguusap ng napansin nilang biglang tumakbo si dandreb mula kung saan. agad silang lahat nagtaka at sinundan na lang ito..
nakita nilang lahat na lumusong ito sa pool at maya maya lang ay buhat buhat na nito si hannah!
nagkagulo silang magkakabarkada..
"dude,pano nangyari?" agad na tanong ni ross kay dandreb..
"i dont know too!.. " maikling sagot nito na ngayon ay naayos na nito ang higa ni hannah..
"oh! hannah! my gosh!" sigaw ni claudette. na ngayon ay nakayakap kay ross.
binigyan na ni dandreb ito ng mouth to mouth recicitation.. after two minutes..nailabas na din ni hannah ang tubig na nainum..
agad binuhat ni dandreb ito at ipinasok sa kwarto nya..
kasunod nito sila glo at claudette.. samantalang ang mga lalake ay nasa sala na..
"pakipalitan muna sya" sabi ni dandreb na ngayon ay lumabas na muna ng kwarto..
agad nilang tinulungan si hannah na magpalit ng damit.. at halatang nag panic talaga ang mga ito dahil nanginginig pa ang mga ito..
"girl, grabe! sobra kaming kinabahan!" nanghihinang sabi ni claudette na ngayon ay nakaupo sa bedside chair nya..
"oo nga,sh*t! until now nanginginig ako.. ano ba naman kasi ang nangyari friend?".. dagdag ni glory dito..
agad nyang kinuwentonsa mga ito.. iniwan na muna sya para makapag pahinga..
pero maya maya lang may kumatok sa pinto nya..
hindi nya inaasahan na si dandreb ang kumatok.
"sa-salamat pala." nahihiya nyang sabi dito..alam nyang ito ang sumagip sa kanya.
"tss!.. punta ka ng punta sa may pool. hindi ka naman pala marunong lumangoy.".. parang balewalang sabi nito sa kanya na nakatayo pa rin sa may tabi ng pinto..
"nadulas lang talaga ako doon kaya napapunta ako sa pool". paliwanag na dito..
"hindi mo sinabing hindi ka pala marunong lumangoy.kaya pala may nakita akong pambatang bagay doon sa likod ng halaman.."..
naalala nya yung timbulan nya na itinago doon. nakakahiya.. nakita pala nito..
mataman syang tinignan nito.. wala silang imikan ng mga sumunod na segundo..
"next time mag-iingat ka.. " halos pabulong na lang na sabi nito sa hina at agad na ding umalis..
"tama ba ang narinig ko? himala.. hindi nya ako inasar ngayon.." sabi nya sa loob loob nya..
"pero.. oh my gosh! hindi ba kumain ako kanina ng barbecue? baka nalasahan nya yun nung ginawa nya yun?! hayst! nakakahiya naman!.. nahihiya nyang sabi sa sarili..