When We Collide (When Trilogy...

By vousetesbeaux

1.3M 34.9K 7.4K

Beatrix Hayle Ponce de Leon always gets what she wants pero sa tuwing nakukuha niya kung ano ang mga gusto ni... More

When We Collide
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Last Chapter
Epilogue
When We Crash

Chapter 13

29K 940 117
By vousetesbeaux

Chapter 13

Goodmornight

3 PM ang oras ng duty ko pero 2:20 pa lang ay bihis na ako at palabas na ng unit para sigurado na hindi na ako aabutan ni Yael. Sigurado ako na 2:40 niya ako susunduin dahil hindi naman malayo dito ang ospital, wala man yatang kinse minutos ay makakarating na ako.

"Aalis ka na?" Halos mapatalon ako sa gulat nang pagkasara ko ng pintuan ng unit ni Colton ay ang kanya naman ang bumukas at kaagad niyang napansin ang uniporme na suot ko.

"Uhm... Oo e." I said, unsure.

"I'll just get the keys, wait for me here." Sabi niya at hindi na ako hinayaang makapag protesta pa dahil muli siyang pumasok sa unit niya at wala naman akong nagawa kung hindi maghintay dito. Hindi naman pwede na basta na lang ako tumakbo paalis.

Hindi nagtagal ay bumalik na siya dala-dala ang susi ng itim niyang vios at napalitan na ang t-shirt niya. Kanina ay asul ang suot niya pero ngayon ay nakaputing v-neck shirt na siya. Ini lock niya muna ang pintuan niya bago kami tuluyang umalis.

"Palagi ka na lang naabala." Sabi ko habang nasa loob kami ng elevator.

"Wala naman akong ginagawa." Iyan parati ang sagot niya saakin.

Tinignan ko siya. "Pero paano kapag meron na?" Paano kapag binisita siya ng girlfriend niya? Would he leave her for awhile para ihatid ako sa ospital?

"That depends if I have a flight to captain... Katulad na lang mamaya." sagot niya at tinignan ako.

"Hindi kita masusundo mamayang alas onse." He informs. I don't know but there's something in me that kind of feel low because of what he said. Hindi naman iyon dahil sa hindi niya ako masusundo. Bumukas bigla ang elevator at nauna na siyang lumabas ako naman ay humabol sa likod niya.

"Ilang araw kang mawawala?" Hindi ko mapigilang tanong.

"2-3 days. It depends." Sagot niya ng hindi ako nililingon at patuloy lang sa paglalakad.

Nang makarating kami sa loob ng vios niya ay bagsak pa rin ang balikat ko dahil mawawala siya ng dalawa hanggang tatlong araw at hindi pa siya sigurado doon. Hindi na ako nagsalita pa. I don't want to ask stupid questions. Hindi na rin naman siya nagsalita hanggang sa makarating na kami sa tapat ng ospital. I unfastened my seatbelt.

"Salamat ulit... Mag-iingat ka." Sabi ko ng hindi siya tinitignan. I was about to open the door pero bigla siyang nagsalita.

"What's bothering you, Beatrix?" Tanong niya bigla kaya awtomatiko akong napatingin sakanya. He's already looking at me.

I faked a smile again. "Wala... Ayos lang naman ako." Sabi ko at sinamahan pa ng pilit na tawa. "Sige, mauna na ako. Salamat ulit!" Pahabol ko pa bago tuluyang lumabas ng kotse niya.

God! Bakit kailangan niya akong tanungin ng ganoon? Hindi ba niya alam na mas lalo lang akong nahuhulog at nalulunod sakanya?

"Bakla!" Tawag ko kay Nick nang makita kong naglalakad siyang mag-isa. Hinarap niya ako at halos sakalin na niya ako dahil sa bigla-bigla kong pagtawag sakanya.

"H'wag kang maingay, leche ka! Kapag narinig ka ng Papa ko..." Pagbabanta niya saakin sa mahina ngunit mariin na boses.

"Nandito ba siya?" Gulat kong tanong. Pulis kasi ang Papa ni Nick at hindi pa nila alam sakanila na isa siyang gwapong miyembro ng LGBT community.

"Oo, na confine kasi ang lola ko dito," medyo kumalma na ang boses niya. "Teka, bakit ka ba bigla ka na lang sumusulpot!?" Tumaray nanaman ang kanyang mukha at sinamahan pa at inirapan pa ako. Hindi naman kami masyadong close ni Nick pero nakakasama ko rin siya minsan dahil kay Kaye.

"Wala sasabay lang sana ako. May pasyente akong iche-check sa 404." Sabi ko.

"K!" Yun lang ang sinabi niya at naglakad na ulit. Napairap na lang ako sa habang sinasabayan ang malalaki niyang hakbang sa paglalakad. May mga babaeng pasyente pang nakatingin sakanya dahil lalaking-lalaki nga naman ang datingan ni Nick. From his bulky body to his good looking face.

"Tinitignan ka no'ng babae, Nick." Bulong ko habang naglalakad kami.

"Ew!" ngumuwi pa siya. Natawa na lang ako at napailing.

"Sayang ang mala Nick Bateman mong katawan, Nick." Humagikgik ako.

"Sorry, mala Nick Bateman rin ang mga tipo ko." Sagot niya. Natawa naman ako. Hindi kami madalas mag-usap pero hindi ko maikakaila na nakakatawa siya. Hindi lang naman si Nick ang nurse dito na miyembro ng LGBT community pero siya lang talaga yung hindi masyadong ladlad dahil sa Papa niyang pulis.

Kahit siguro isang linggo mo ng kasama si Nick ay hindi mo pa rin mahahalata na sirena ito dahil kilos lalaki pa rin naman siya at lalaki rin kung manamit. No'ng una ko nga akala ko ay straight siya, kung hindi ko lang sila narinig mag-asaran ni Kaye ay hindi ko pa malalaman.

Mabilis na natapos ang shift ko at ngayon ay pauwi na ako. Nag commute lang ako pauwi at pagkadating ko ay nadatnan ko si Colton na nakatulog na sa sala at nasa center table pa ang mga pinagkainan niya.

"Colton..." I slightly budge his shoulder. Para naman siyang napaso at kaagad na bumangon. He was surprised when he saw me.

"Fuck, I forgot to fetch you." He said in a raspy voice. Umupo siya mula sa pagkakahiga at napakamot sa ulo niya.

I clicked my tongue. "Hindi mo naman kailangan gawin 'yon, Colton. Kaya nga ako lumipat dito dahil mas malapit lang ang ospital na pinagta-trabahuhan ko dito... H'wag mo na ring utusan si Yael para ihatid-sundo ako." Sabi ko at inilagay ko ang bag ko sa isang sofa at sinimulang ligpitin ang pinagkainan niya.

"I didn't ask him to do that... I just told him to look after you while I'm gone." Casual niyang sabi at kinuha ang remote control para patayin ang telebisyon na naiwan niyang nakabukas.

Hindi na ako sumagot at nagpunta na lang sa kusina para ilagay sa lababo ang mga pinagkainan ni Colton. I want to assume because of what Colton mentioned awhile ago... Pero siguro ginawa lang ni Yael iyon dahil nahihiya siya sa kapatid ko. Kung ako ang nasa pwesto ni Yael ay ganoon din naman ang gagawin ko.

You don't expect someone to just sit there after a close friend asked him to look after his younger sister.

Inihatid ako ni Colton sa ospital bago siya pumunta ng airport para magpalipad ulit ng eroplano. Mabilis lumipas ang dalawang araw na pag s-stay niya at ngayon naman ay balik na naman siya sa ere.

"Shit, this day is tiring." Nick whined habang hawak-hawak ang kape na binili niya sa vendo.

"True!" Kaye agrees. Hindi naman ako sumagot at tanging buntong hininga na lang ang aking nagawa.

"Ay wait, hintayin mo ako Kaye may nakalimutan ako sa loob." Nagmamadaling sabi ni Nick at ibinigay kay Kaye yung kape niya saka na patakbong pumasok sa loob.

"Ano na naman kaya ang nakalimutan no'n?" Medyo natatawa kong sabi. Makikisabay ako sakanila sa pag co-commute ngayong gabi dahil kaalis lang ni Colton.

"Ewan ko do'n, nakakainis. Ginawa pa akong taga hawak ng kape niya!" Reklamo ni Kaye. Natawa na lang ako ng bahagya. Siguradong magbabangayan nanaman sila mamaya. Nakakatawa silang dalawa kapag nagbabarahan, alam na alam mo talaga na close ang dalawa.

"Oh..." Pareho kaming natigilan ni Kaye nang tumigil sa harapan namin ang isang itim na Vios. Ang puso ko ay biglang bumilis sa pagtibok at hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Pasimple akong napahawak sa tiyan ko nang may maramdaman akong kung ano doon.

Lalo pang nagwala ang puso ko nang bumukas ang pintuan mula sa driver's seat at iniluwa si Yael na naka uniporme pa. What's with him always wearing his uniform?

"Oh my God, Beatrix Hayle Mary full of grace the Lord is with you!" Manghang sabi ni Kaye nang makita si Yael. Well, damn! Who wouldn't be amused to see this fine as hell pilot standing in front of you?

"H-hi! What are you doing here?" I couldn't even recognize my own voice. Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa stupid kong tanong.

"Pauwi na ako at dinaanan na kita..." aniya at tinignan ang wrist watch niya. Tumikhim naman si Kaye mula sa likod ko.

"Oh... By the way, this is Kaye— my friend." I introduced Kaye. "Kaye, this is Yael— my brother's friend." I did the same thing with Yael.

"Hi, nice to meet you." Ngising aso si Kaye.

"Nice to meet you too, Kaye." Casual siyang nginitian ni Yael at hindi naman nakatakas sa paningin ko na kinilig pa ito. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan bago nagpaalam. Ngumuso lang siya.

"Mauna na kami, Kaye. Ingat na lang sa pag-uwi!" Mabilis kong paalam sakanya at muling binalingan ng tingin si Yael para ayain ng umalis. Tumango lang siya sabay ngisi.

"How's work?" Casual kong tanong sa kanya habang diretso lang ang tingin sabay kagat sa ibabang labi ko.

It's so hard to act casual when it comes to him. Parang lahat ng confidence ko sa katawan ay nalulusaw sa tuwing siya na ang kasama ko. At dahil ayoko na siyang marindi sa mga "Sana ay hindi mo na ako sinundo. Naabala ka pa tuloy." Ay pinili ko na lang kausapin siya ng casual.

"Exhausting. I worked sixteen hours straight."

I gasped and automatically looked at him. "Kung gano'n dapat dumiretso ka lang sa pad mo!" Hindi ko maitago ang pag-aalala sa boses ko.

"Madadaanan ko rin naman ang ospital na pinag ta-trabahuhan mo pag-uwi."

"Thanks for the consideration, Yael but I don't want to be a burden to you." May halong inis sa aking tono. Sa tuwing inihahatid at sinusundo niya ako ay nandoon yung tuwa pero kalahati ng utak ko ay nagu-guilty dahil imbes na magpahinga siya ay sinusundo niya pa ako at inihahatid.

Tinignan niya ako. "You don't have to feel guilty... Ma guilty ka kung pati trabaho ko ay isinasantabi ko na sa paghatid-sundo sa'yo." sagot niya at muling ibinalik ang tingin sa daan.

Hindi ako kaagad nakasagot pero ilang sandali lang ay nakahanap na ako ng tapang para muli siyang sagutin.

"Pahinga mo naman ang naisasantabi mo." I fired back.

"Damn woman. Just shut up and let's go home in peace." Kunot noo niyang sabi habang diretso parin ang tingin sa daan. I pressed my lips together. Hindi na ako muling nagsalita pa hanggang sa makarating kami.

He was about to go inside his pad when I called him.

"Uhm... Yael." Tawag ko sa kanya. He glanced at me and raises both of his brows. His tired eyes are looking at me now.

Looks like he's really exhausted and I kind of feel bad. Kung ako lang ang nobya niya ay yayakapin ko siya nang mahigpit. I'll let him sleep in my arms hanggang sa mawala na ang pagod niya.... Kaso hindi e. Hindi ako ang girlfriend niya.

"Kung nagugutom ka ay dito ka na lang kumain. Nagluto ako kanina bago ako pumasok sa trabaho." Alok ko sakanya.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya pero nandon pa rin ang pungay sa mga mata niya. "Sure. I'll just change." There's a hint of exhaust in his voice.

I smiled at him. "I'll wait." Sabi ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob. I changed quickly before proceeding to the kitchen. Ipina-init ko sa microwave ang menudo na iniluto ko kanina.

Kumain rin si Colton nito bago umalis. Good thing ay naalala ko pa kahit papaano ang mga pinag-aralan ko sa culinary school noong nasa senior high pa ako.

Habang nakasalang ang tupperware sa microwave ay narinig ko na ang tatlong sunod-sunod na katok ni Yael at ang sumunod naman doon ay ang pagbukas ng pinto.

Sinalubong ko siya ng ngiti at muling itinuon ang atensyon ko sa ginagawa ko. He comfortably sat on the dining table as he watches me do my thing.

Naghanda na ako ng mga plato at inilabas ko na yung tupperware mula sa microwave. Naglabas rin ako ng malamig na tubig at fresh milk. He didn't help me prepare our food and the table, he's just watching me with his tired eyes.

That's okay though, I don't want him to help me anyway. I just want him to sit there and let me do all the work.

Umupo na ako sa harapan niya at sinumulan na namin ang pagkain.

We didn't talk. Tahimik lang kaming kumakain pero wala akong nararamdamang tensyon sa pagitan namin.

His presence and silence actually calms me. He doesn't need to say anything, him being just here makes me feel in peace... because the truth is I've missed him. His presence is enough for me to feel happy and contented.

Sa tatlong araw na hindi ko siya nakita ay sinubukan kong libangin ang sarili ko para h'wag siyang mamiss but I always end up missing him more... and I know what I feel for him is illegal.

"Yael!" Tawag ko sa kanya bago pa siya tuluyang makalabas. Nilingon niya ako at tinaas ang dalawang kilay niya para hintayin ang sasabihin ko.

"H'wag kang kaagad na hihiga. Baka hindi ka matunawan." Bilin ko sakanya.

Tipid siyang ngumiti at tinanguan ako. "Goodnight, Beatrix." Sabi niya.

"Goodmornight, Yael." I corrected and smiled widely.

He chuckled. "Goodmornight..."

Continue Reading

You'll Also Like

17.3K 573 49
Alice, a normal girl in town, mistakenly ride the pirate ship owned by Kapitan Lexus. The Sunset's Paradise (Piratas Series #1) Cover made on Wombo D...
6.7M 195K 48
Published under Precious Hearts Romances (PHR)
3.6M 41.6K 77
Napakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kwento ko, may twist. Kasi, I got accident...