Nakaupo ako sa isang mesa
Maraming kasama
Ngunit hindi masaya
Dahali lahat sila ay hindi ko na kilala
Halos lahat sila ay nagtataka
Kung bakit ako ay hindi masaya
Sinabi nila na ako'y nagbago na
Sinabi nila ako ay hindi na nila kilala
Ngayon ako'y nagtaka
Dahil sa lahat ng sinabi nila
Sino ba talaga ang nagbago ha
Ako ba ako sila?
Umalis sa harap nila
Sinubukan kong huminga
Habang hinihinuha
Ang lahat ng sita
Lumamig ang ulo
At nagsimula tumakbo
Dahil sa pagpupursigi ko
Ako pala ay nagsimula magbago
Hindi na maibabalik ang mga sandali
Nung panahon ako pa ay kasapi
May kasama sa pagdadalamhati
At kasama sa masasayang sandali
Ako ay nagbago
Ako ay nagsimula lumayo
Ako ay nagbago
Ako nag simula mabigo
Unti-unting lalayo
Unti-unting magbabago
Unti-unting lalago
Unti-unting magsusumamo