"15 minutes for the first half as well as for the second half. So do your best boys and good luck." Masayang sabi ni Miss Mutya. The team coordinator of ASA Warrior or the soccer team.
"You are really smooth Mutya. Tss." Sabi naman ni Mr. Wowie who is the coach of soccer team. Tinarayan lang siya ni Miss Mutya.
"So kayong lahat!" Matigas na sabi ni Coach Wowie dahilan para lahat kami ay mapatayo ng deretso. Nakahilera kami dito sa gilid ng soccer field para sa gaganaping Try Out para makasali sa team.
"Tatlo lang ang kukunin namin sainyong labing apat. Kaya magpaka-lalaki kayo at ipakita niyo saamin na deserving kayong makasali sa soccer team ko. Naiintindihan niyo ba?" Dagdag ulit ni Coach Wowie at isa-isa kaming tiningnan ng seryoso. Nang makalagpas na siya saakin mga ilang sandali lang, bumalik ulit siya saakin at tiningnan ako ng may halong pagtataka.
"Anong pangalan mo?" Tanong nito saakin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang mga tingin nila saakin.
"Niko Lizondra sir." May malalim na boses na sagot ko sakanya. Napalunok pa ako ng sarili kong laway pagkatapos mag-salita. Medyo mahirap din pala magpalaki ng boses.
"Mr. Lizondra. Tirik na tirik ang araw pero bakit ka naka-jacket?"
Namawis naman ako bigla sa tanong niya. Teka anong isasagot ko? Hala. Napatingin ako sa mga katabi kong lalaki, lahat sila naka-sando at ako lang talaga ang naka-jacket.
"Mr. Lizondra?" Natauhan ako ng bigla ulit akong tinawag ni Coach Wowie.
"Allergic po kasi ako sa araw sir."
Napatingin naman silang lahat saakin. Ay tanga. Ba't yun ang dinahilan mo Nikki? I just mentally sapok myself.
"Allergic ka sa araw?" Nagtatakong tanong ni coach.
"J-joke lang sir. Hehehe." Sabi ko nalang sakanya at nag-peace sign pa ako, dahilan para mas lalo naman siyang napakunot ng noo. Boba ka talaga Nikki. Mag tratry out ka palang palpak na agad ang plano mo! Umayos ka nga kung gusto mong makalaro sa ISLCT.
"Sige na. Maghanda na kayo at magsisimula na ang try out nyo in five minutes." Pa-iling-iling na sabi nalang ni Coach Wowie kaya nagdali-dali na lang din akong akong pumunta ng CR.
Magbibihis na lang ako ng tshirt na loose. Pagka-pasok ko sa isa mga cubicle, inayos ko muna ang bandage na nakapulupot sa dibdib ko at nagsuot ng jersey.
After ko ma-i-suot 'yung dala kong jersey ay inayos ko yung wig ko kasi nangati ako bigla. Gustong gusto ko na tanggalin to. Hays naman. Bakit ito pa pinasuot saakin ni Arthur eh.
Lumabas na ako ng CR at dumeritso na sa field. Tumabi naman ako sa mga lalaking kasama ko rin mag try out para mag-warm up.
"Hi Liam. Maglalaro ka ba?"
"Ang pogi mo talaga Liam!"
"Akin ka nalang kasi Liam!"
Napatingin ako sa mga nag-ti-tilian at sumisigaw na mga babae habang may tatlong lalaki na nasa unahan nila na naglalakad papalapit sa pwesto namin.
Nagtama naman ang mata namin nung nasa gitna na lalaki. Teka. Sila yung ka-roomate ko ah?
"Nandito ka na pala Liam. Ikaw ang isa sa mga titingin at pipili ng bagong member ng team natin." Approach sakanya ni Ms. Mutya. Tumango lang ito at dumeritsong upo sa bench kasama yung dalawang lalaki.
Nagkibit-balikat na lang ako at nag-si-pwesto na kami nang narinig na namin ang pag-pito na hudyat para magsimula na ang laro. So dahil labing apat kami, seven sides yung game. Red team ako at Blue team yung kalaban namin. May isa kaming goalkeeper, tatlong defender, tatlong midfield at isang forward each team. So ako ang forward kasi kami naman mismo ang nag-pili kung anong gusto naming position, kaya nag-forward agad ako kasi kailangan ko talagang makipag-kitang gilas. Kailangan kong makapasok sa team at i will really make sure na makakapasok ako.
Nag-toss coin kami para malaman kung kanino ma-u-unang mapunta ang bola at kapag head ang lumabas kami ang ma-u-una. Nang i-toss na ang barya . . head ang lumabas which is saamin ang bola. Yes!
Nag-pito na ulit ang referee. Ito na talaga Nikki. Pakitaan mo na sila. Pagkarinig na pagkarinig ko ng pito ay agad kong dinala ang bola sa paa ko. Swabe ko itong dri-ni-ble habang agad namang pilit na inagaw sakin ng blue team ang bola. Madali ko namang ma-identify kung sino yung mga kakampi ko kasi may laso silang kulay pula sa binti at braso nila.
Nang makakita ako ng kakampi sa 'di kalayuan. . . agad kong sinipa sakanya ang bola at swabe naman niyang na-receive ito, kaya napangiti ako. Mukhang magaling siya ah. Relax lang siya maglaro pero magaling siya mag-dribble ng bola.
Nagtatakbo naman ako sa harap para maipasa niya ito saakin at para maka-goal na kami.
"Dito!" Sigaw ko sakanya kaya napatingin siya saakin. Nang sinipa na niya ang bola para ipasa saakin, bigla nalang may lalaki na sumulpot sa harap ko na nag-receive ng bola.
"Shit."
Napamura tuloy ako. Bat 'di ko siya napansin. Kainis.
Tumakbo ulit ako paatras sa area namin para suportahan 'yung mga ka-team ko, kaso halos mapa-nganga ako nang malapit na agad siya sa goal post. Nalagpasan niya yung mga midfield at defender ng ganon-ganun nalang?
I-sho-shot na sana niya ng biglang na-agaw ito ng kakampi ko--- 'yung magaling kanina na magdala ng bola. Tumingin siya sa'kin na parang sinasabi na ipapasa niya ang bola.
"Akin na!" Sigaw ko at agad naman niya itong pinasa saakin.
Habang dinadala ko na ulit ang bola, biglang sumigaw 'yung kakampi ko na nakapagpa-kaba saakin. Sigaw na ako lang yung pwedeng makarinig kasi nasa likuran ko lang naman siya. Sinusuportahan ako, incase na may kalaban.
"Ayusin mo boses mo. Napaghahalataan ka."
Shit. Alam ba niya?
Natauhan ako nang biglang may tumabi saakin para agawin yung bola kaya nagbody-body siya sakin pero punyeta. . .naniniko siya. Na-out of balance tuloy ako dahilan para kaya ako'y natumba.
"Kangina naman." Bulong ko sa sarili ko. Naagaw tuloy saakin. Punyeta. Tama na nga ang warm up Nikki. Naiinis na ako bwisit.
Agad akong tumayo at hinabol yung lalaki na umagaw sakin ng bola.
Mukhang nagulat siya nang bigla akong sumulpot sa gilid niya. Bwisit na kabayo to akala niya ganun ganun lang ako kadaling mapatumba? tsk.
Agad kong inagaw sakan'ya ang bola at dinala ulit ito sa side ng mga kalaban namin dahil kailangan ko nang i-goal ito. Sumuporta naman sakin yung isa kong kakampi para hindi na maagaw yung bola.
Nang malapit na ako sa goal post. . . huminga muna ako ng malalim bago ko sinipa ito ng malakas at. . .
"GOAL!" Narinig kong sigaw at pito ng referee.
Napangiti nalang ako. Pati ang mga ka-team ko ay nag-diwang rin. Ang kakampi kong magaling din ay lumapit din saakin. He tapped my shoulder and smiled at me. I just smiled back at him.
Well, soccer is my life, that's all.
Natapos ang try out at 1-0 ang score. 'Yung team namin ang panalo. Kaya ngayon nandito kami sa gilid ng field kasi mamimili na kung sino ang tatlo na makakapasok sa team.
"Well, all of you guys really did well. Congrats sainyong lahat." Sabi ni Ms. Mutya habang nagpapalakpak pa. "Pero siyempre may nakita pa rin kaming mas umangat. Kaya sasabihin na ng team captain natin na si Liam kung sino ang tatlo na makakapasok sa team."
Tumayo naman yung ka-roomate ko na si Liam. Seryoso lang 'yung mukha niya na parang bored na na-ta-tae na ewan.
"From the Blue Team. Christopher Andersen."
Napatingin naman ako sa lalaking tinawag, siya 'yung kanina na biglang sumulpot sa harapan ko at umagaw ng bola, na ka-muntikan ding maka-goal. Well magaling naman talaga siya.
Pero takte naman. Kinakabahan na ako. Paano kung hindi ako makapasok? Paano na pangarap ko? Jusko. Crossfingers.
"Yung pangalawa ay from the Red team. Dominic Garcia."
Nag-pa-palakpak naman ako ng makilala ko kung sino ang pangalawang naka-pasok. Siya yung kakampi ko na magaling magdala ng bola at 'yung nagsabi sakin na napag-ha-halataan daw yung boses ko. OMG. Tanga ko kasi, nakalimutan ko tuloy habang nasa loob ako ng field na lalaki pala ako. Tsk. Ang hirap din talagang mag-panggap.
"At yung pinakahuli. . ."
Kainis. Naiihi na ako sa kaba. Crossfinger. . . ako na sana.
"Niko Lizondra of Red team."
Agad akong napangiti ng sobrang lapad nang marinig ko ang pangalan ko. YES THANK YOU LORD! ISLCT HERE I COME!
Natauhan ako nang may tumapik sa balikat ko. 'Yung ka-roommate ko pala. Si Liam. Ang team captain.
"Congrats." Sabi lang nito at umalis na.
Ngumiti lang ako sakan'ya bilang pa-salamat, dahil hindi pa rin ako talaga ako maka-move on na nakapasok ako!
Makakapaglaro na ako sa International Soccer League Cup Tournament. Yes! Matutupad ko na ang pangarap ko.