PLEASE CLICK THE EXTERNAL LINK---> LIKE NIYO PAGE KO SA FB (kunyare artista haha lol). Thanks.
~*~
Ngiting aso ako habang lumalabas ng klase. Naginat ako at bumuga ng hininga.
“Sa wakas at tapos na rin!” sabi ko at napapasuntok sa ere.
Final exams are so over. Goodbye exams hello Christmas. At oo nga pala at dahil last day of exams ngayon, which is Friday, ay basketball game na pala nila Nathan ngayon.
“Saya natin ah.” Biglang sabi ni Nathan at inakbayan ako.
Tumawa naman ako at tumango. This ends my paghihirap sa mga acads at sa wakas sa isang buwan ay puro saya na lang! Yes!
“Syempre naman, eh tapos na. Haha, good luck nga pala sa basketball game niyo later. Manunuod ako.”
Inalis naman ni Nathan ang kanyang kamay na naka akbay at humarap sa akin ng nakangiti.
“Really? Well, that’s good. See you later then.” Sabi niya at kumaway.
Kumaway ako pabalik at hinatid siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Siguradong busy sila para magpractice para sa laro. Tumalikod ako habang suot pa rin ang ngiting ngiti kong labi nang nakita ko ang mala demonyong lalake sa harap kong kunot ang noo at nakatitig lang sa akin.
“Ano?” tanong ko.
He suddenly smirked and left. What the? Ano ba talagang problema ng lalakeng to? Nung Sabado pa siya nito eh. Tapos nitong nakaraang araw hindi na niya ako pinapansin at parati na lang niyang kasama si Paula. Oo yung mahaliporot niyang babae. Shit. So ano? Narealize niya na ngayon na hindi niya ako mahal kaya kay Paula na lang siya? Damn, ano bang problema niya? Ginagawa na niya akong sira sa kakaisip.
“Tss, jerk.” Bulong ko sa sarili habang tinitignan ang likod niyang naglalakad papalayo.
What’s happening?
___
“Girl’s pustahan kung sino ang mananalo ngayon!” excited na sabi ni Jade habang nilalapag ang order naming milk tea.
Andito kami sa coffee shop. May tatlong oras pa kasi bago ang game kaya dito na lang kami magpapalipas ng oras at magkwentuhan.
“Do we really have to? Aksaya ng pera yan.” Sabi ko at uminom ng milk tea.
Tumango naman si Charlotte.
“Rien’s right.” Ani ni Char.
“Ee, gusto kong magpustahan. Last year kasi Black Stones ang nanalo kaya syempre hindi natin alam kung sino ang mananalo ngayon.” Sabi ni Jade at nagkibit balikat.
Tinaas ko naman ang kilay ko. Champion ang Black Stones last year? Bakit?
“Bakit sila champion last year?” tanong ko.
“Girl, normal na sa Black Stones na magchampion. Parang give and take lang yung panalo ng Black Stones at Black Horizon. Paminsan sila paminsan hindi. Ganoon lang yun. Sa galing ba naman ng dalawa eh syempre hindi mo maprepredict kung sino ang mananalo.” Paliwanag ni Jade.
“Kulelat kasi yang Black Horizon pagdating sa basketball. Hanggang bugbugan lang yan sila magaling!” agad na sabi ni Char.
Oh I thought palaging champion tong Horizon? Akala ko bang walang makakatalo sa kanila? Eh pagdating sa basketball mga kulelat. Kaya naman pala ang Black Stones ang mahigpit nilang kalaban dahil anytime ay pwede silang palitan nito.
“Heh! Ang sabihin mo Black Stones ka dahil andun si Dylan.” Sabi ni Jade at biglag humalukipkip.
“Hindi ah! Ikaw nga dyan yung bias eh kasi Black Horizon si Pierce.” Sabi ni Char at biglang nag make faces.
Padabog niya namang nilapag ang kanyang milk tea sa lamesa at sinamaan si Char ng tingin. Oh no, away boys nanaman tong mga ito.
“Anong Bias? Hello, from the very start supporter na ako ng Black Horizon. Eh ikaw? Palipat lipat! Che.” Sabi ni Jade.
Tumawa naman ako at inawat na sila. Baka magsambunutan pa to sa harap ko, mahirap na.
“Relax guys, wag niyo na nga yan pagawayan at baka makalimutan niyong magkaibigan kayo. Ibang topic na lang.” sabi ko.
“Fine, oh ready for the Grand Masquerade Ball?” Tanong ni Jade.
Sabay naman kaming dalawa ni Char na umiling. Uhm, it’s 2 weeks from now at katatapos lang ng exam so what do you expect?
“What? Oh my god, seriously girls? Shocks, I need to call my personal designer for your gowns! Phew, I’m so kind.” Sabi niya at biglang kinuha ang phone sa bag niya at may kung dinial dito. Designer niya ata.
Ngumiti na lang kami. What can you expect? That’s Jade.
___
“Prrrrt!” biglang sipol ng referee at biglang hinagis ang bola, sabay namang tumalon si Tyler at Jecko pero mas matangkad at mas mataas ang talon ni Tyler kaya siya ang nakakuha nito. Tumakbo namang papuntang ring si Tyler at nilalagpasan ang bawat kalaban nito. God, he’s good. Nang makarating na si Tyler sa a ibaba ng ring ay bigla siyang tumalon at shinoot ito. 2 points for Black Horizon!
Nagsitayuan naman at sigawan ang mga tao sa loob ng gym. Sumali na rin sa pagchicheer sina Char at Jade. Ngumiti na lang ako at nanatiling nakaupo. I want to cheer for him too but I’m too afraid to do that. Parang may mali kasi sa amin ngayon. Ni hindi niya na ako pinapansin at palagi na niyang kasama si Paula. Nagsawa na ba siya?
“Horizon! Horizon! Horizon!”
Rinig na rinig ko ang mga nakakabinging hiyawan ng mga tao. Nakapuntos nanaman kasi ang Black Horizon. Napatingin ako sa score board 23-18. Lamang ang Horizon ng limang puntos, siguro ngayon ay pinaghandaan na nila. Malamang huling laro na nila to sa Academy.
Nakisabay na rin ako sa paghihiyawan ng tao dahil nadadala na ako sa intense game nila. Napapatalon ako pagsila Nathan ang nakakapuntos. Of course, I want them to win. Pero syempre hindi ko babaliin ang pangako ko kay Dylan na susuportahan ko siya.
“DYLAN! DON’T BE SUCH A GAY OUT THERE! FIGHT A GOOD GAME YOU STUPID!” I shouted on top of my lungs.
Nakita ko namang napatigil ng bahagya si Dylan at tumingin banda sa amin. Hinanap niya naman ako sa gitna ng mga tao at ng mahagip na niya ako ay bigla siyang ngumiti at kumindat. Ngumiti naman din ako sa kanya at kumaway. Nasa likod lang kasi kami ng mga benches ng Black Horizon.
Nahagip ko naman ang mga madidilim na tingin sa akin ni Tyler. Nakita ko pang nagigting ang kanyang panga. Tinaasan ko naman siya kilay at inirapan. Ayan nanaman yan siya sa masasama nyang titig. May panahon pa siyang mabadtrip sa akin.
“That’s how you do it, boy.” Bulong ko sa sarili ng maka three points si Dylan.
Sa 3rd Quarter ay bumagsak si Nathan at Jecko sa court nang marahas itong tinulak ni Jecko para manakaw ang bola. Napangiwi ako sa bagsak ni Nathan. Gosh, he’s hurt. Pesteng Jecko, palaging nandadaya kaya ayun na foul at out na sa laro.
“Don’t worry Nathan, you can do it!” Sigaw ko.
Akala ko ay hindi maririnig ni Nathan ang mga sasabihin ko pero ngumiti siya at tumango. Siniko siko naman ako nila Jade at bahagyang inasar.
“Oy ikaw ha...” sabi ni Charlotte at kiniliti ako sa tagiliran.
Hinawi ko naman ang kamay ni Char at pinalo siya sa kanyang braso.
“You shut up.” Sabi ko at tumingin ulit sa laro.
Tatlong minuto na lang at matatapos na ang laro. Mainit na ang laban lalo na’t lamang ng dalawang puntos ang Black Stones. Hindi ko nga alam kung anong nangyari at bakit nahabol pa nila ang Horizon. Basta ang alam ko lang sa buong 4th Quarter ay hindi nakapuntos si Tyler.
“What’s the problem dude? You need to damn focus!” galit na sigaw ni Pierce habang tumatakbo sa loob ng court.
Kinakausap niya si Tyler. Katulad ko ay naguguluhan din si Pierce kung bakit hindi na siya makapuntos. Eh sa tingin ko siya pa naman ang point guard. Nakita ko namang suminghap si Tyler at biglang tumingin sa akin. Nagulat ako ng bigla niya ako titigan bago ulit naglaro. His eyes were so heavy. Ang dilim ng tingin niya sa akin at parang galit na galit.
What did I do?
“I think Tyler wants to hear you cheer for him.” Sabi ni Jade at nagkibit balikat.
Napatingin naman ako sa kanya na parang nagtataka.Mind Reader?
“Not a mind reader, masyadong halata ang pinapakita ni Tyler. Dapat kanina mo pa yun na papansin.” Sabi ni Jade sa akin na nasa court pa rin at diretsong nakatingin.
I think Jade just answered my question. Alam kong gusto niyang suportahan ko siya. Pero as far as I can remember hindi pa kami bati. Simula nung Sabado ay iniwasan niya ako at puro Paula na lang ang inaatupag. Tapos ngayon sasabihin niya na gusto niyang suportahan ko siya? Parang masyadong awkward naman nun.
Isang minuto na lang at na kay Nathan ang bola. Tumakbo na siya papunta sa ring nila habang drinidribble ang bola. Hinarang naman siya ni Dylan at isa pang player ng Black Stones kaya nahirapang lumusot si Nathan. Naghanap naman si Nathan ng kamyembro niyang pwede niyang mapasahan.
“Tyler!” sigaw ni Nathan at mabilis na pinasa ito ni Tyler.
Mabuti naman at free siya at agad niya itong nakuha. Pigil ang hininga ng mga tao ng umaksyon na si Tyler na ishoo-shoot ito. Parang slow motion ang lahat na nagyayari at parang bigla kong nakita si Tyler na parang natigilan. The heck why is he not shooting the damn ball? 10 seconds na lang ang naiwan.
Mabilis akong tumayo at nilagay ang aking mga kamay sa tabi ng akin bibig, “JUST SHOOT THE DAMN BALL MONTEREAL!” sigaw ko na umalingawngaw sa buong court.
Nakita ko naman siyang biglang ngumisi at agad naitinapon ang bola papuntang ring at blam.
“THREE POINTS FROM TYLER MONTEREAL!” sigaw ng announcer.
Nagshiwan naman ang buong tao sa gym. 91-88 ang kabuuang score. Panalo ang Horizon! I can’t believe it.
“Shit, they damn won! Sa wakas!” Biglang sigaw ni Char.
“Asus, tapos mamaya icocomfort si Dylan dahil natalo.” Asar ni Jade.
Ngumuso naman si Char at inirapan na lang si Jade. Bigla akong napatawa haha, well I ship them so pati ako ay nakikisama sa pag asar.
“Let’s go girls lapitan na natin sila!” sabi ni Jade.
Tumango naman ako at nagangat ng tingin sa court. Bababa na sana ako ng bleachers ng mahagip ng tingin ko ang ngiting ngiting si Tyler na hawak ang trophy. He deserves it. Tumingin naman siya sa direksyon ko at mas lumaki pa ang ngisi niya. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at mabilis na naramdaman ang naghuhuramentado kong puso.
Pinilit ko namang ngumiti pabalik sa kanya. Of course, I’m happy to see him win his last game versus Black Stones. Pero bigla itong nawala ng makita ko si Paula na tumitili sa harap ni Tyler at biglang niyakap ang leeg nito at hinalikan.
Parang sa isang iglap ay nawala yung saya na naramdaman ko kanina. Habang tinitignan ko sila ay biglang nanikip ang dibdib ko at parang bigla akong sinaksak ng matulis na kutsilyo. Worse is he’s kissing back. I guess masyado akong assuming para sabihin na ako yung nginingitian niya kanina. Si Paula pala.
Napapikit ako sa dala ng sakit na nararamdaman ko. Damn, it kills me to see him with somebody else. I’m in deep pain right now cause it kills me seeing him kissing some other damn girl. It really kills me. But who am I to complain? Wala namang kami.
Mabilis na lumandas sa aking mga mata ang luha ko kaya agad ko tong pinunasan. Alam kong ako na lang ang nagiisa sa bleachers dahil lahat sila ay nasa gitna na. Wala akong pake kung nagmumukha na akong tanga dito na nakatayo habang nakapikit. Ayaw ko lang talaga saksikhn ang lamutakan nila sa gitna ng court. May bigla ulit akong naramdaman na sakit ng mavisualize ko sa aking isip ang nakita ko kanina. Shit, bakit ang sakit sakit?
This pain I’m feeling is not what I expected. It’s more painful than I expected that any moment right now I can just self destruct.