A Knight's Confession

By JadeGo_

50K 1.6K 319

All her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang p... More

AKC
Simula
Kabanata 1 : Si Eros
Kabanata 2 : Muling Pagsasama-sama
Kabanata 3 : Unang Banta
Kabanata 4 : Sa Loob ng Elevator
Kabanata 5 : Bianca at Tyrell
Kabanata 6 : Tagahanga
Kabanata 7 : Hindi Pagbalik
Kabanata 8 : Sa Gitna ng Dagat
Kabanata 9 : Takot sa Tubig
Kabanata 10 : Pool Party
Kabanata 11 : Unang Halik
Kabanata 12 : Ingay sa Kwarto
Kabanata 13 : I'll be the Bait
Kabanata 14 : Towards a New Place
Kabanata 15 : Lucky Girl
Kabanata 16: New Beginning
Kabanata 17 : Meet Mirna Dimalanta
Kabanata 18 : Psyche
Kabanata 19: Motorcycle
Kabanata 20 : Sa Gitna ng Kagubatan
Kabanata 21 : Their Last Day
Kabanata 22 : Eros' Downfall
Kabanata 23: Knowing Tyrell
Kabanata 24: The Rise of the Dead
Kabanata 25: To Live or To Leave?
Kabanata 26: Goodbye Ever Rose See
Kabanata 27: STAY
Kabanata 28: Mom!
Kabanata 29: She's Gone
Kabanata 30: Dalawang Surpresang Bisita
Kabanata 31: Everlister & An Intruder
Kabanata 32: With Her Knight
Kabanata 33: The Farewell Party
Kabanata 34: Paninikip ng Dibdib
Kabanata 35: CharMaine Court
Kabanata 36: Alastair Entertainment Productions
Kabanata 37: Ex-Heiress
Kabanata 38: Bianca's Ex
Kabanata 39: New Home
Kabanata 40: Ang Pagbabalik sa Laban
Kabanata 41: Tama ng Bala ng Baril
Kabanata 42: Leaving is not a Choice
Kabanata 43: Panahon Para Lumaban
Kabanata 44: Ang Pagsulpot ng Ebidensya
Kabanata 45: The Moment Before Her Downfall
Kabanata 46: Ang Pagbagsak ni Tita Felicia
Kabanata 47: Agos ng Dugo
Kabanata 48: Ang Damdamin Para Kay Eros
Kabanata 49: Welcome Back Ever Rose See!
Kabanata 50: Ang Pagtataksil ni Emily
Kabanata 51: Isang Surpresa
Kabanata 52: A Day to Cherish
Kabanata 53: Putok ng Baril
Kabanata 54: Si Tanjiro, Ang Dakilang Kartero
Kabanata 55: Ang Masakit na Katotohanan
Kabanata 56: Madilim na Pagtatagpo
Kababata 57: Pagsiklab ng Apoy
Kabanata 58: Patibong para sa Daga
Kabanata 59: Knight into Theif
Kabanata 60: Galit, Pagmamahal o Takot?
Kabanata 61: Sa Likod ng Maskara
Kabanata 62: Ang Pagsugpo
Kabanata 64: Edward Limen
Kabanata 65: Her Fan
Kabanata 66: Being His Inspiration
Kabanata 67: Greek Myth Corp.
Kabanata 68: Her Kryptonite
Kabanata 69: Finding Tyrell in Him
Kabanata 70: The Truth
Wakas

Kabanata 63: Secret Knight

378 15 6
By JadeGo_

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kagabi pero ang tanging nararamdaman ko ngayon ay ginhawa dahil sa naging mahimbing ang tulog ko. Marahil dala ito ng sobrang kalasingan. Bumangon ako mula sa kama at tiningnan ang sarili sa salamin.

I wore my pajama last night? Well, I don't remember what I did after drinking so much but thank God that I was able to change clothes. I hate the smell of me when I'm drunk...

Humikab ako at sandaling nag-inat. Hinanap ko ang phone ko at nagtext kina Drix at Emily na maayos naman ako ngayon. Ito ang ginagawa ko parati para lang hindi sila magalala tungkol sa akin. Kung tutuusin ay parang tumayo na silang magulang ko sa sobrang pagaalala at pagaalaga nila sa akin pero syempre ay hindi naman ako pwedeng tumira sa kanila. Ayoko ring magkaroon ng lamat ang kanilang relasyon ng dahil lang sa akin.

Pumasok ako sa loob ng bathroom and I had a very long shower... Dito na ako dinalaw ng kung anu-ano mula sa nakaraan.

Ngayon ang unang taon na hindi ko na binibisita pa ang kinilala kong nanay. I cannot take seeing her anymore. Naaalala ko lang lahat ng masasakit na ginawa niya sa buhay ko and my friends told me that it is not healthy anymore. Nagpa-check up na rin ako sa doctor at sumangayon ito sa mga kaibigan ko. Sinabi nito na na-trauma ako sa mga nangyari and I need to take a break from all of it.

Ang paglayo sa maaaring makapagpaalala ng mapait kong nakaraan ang makakabuti sa akin.

Natatakot ang mga kaibigan ko na baka ulitin ko ang pagtatangka sa buhay ko. I've done that several times pero palaging hindi nagtatagumpay. It was weird though... as if I have a secret knight protecting me...

I wanted to end my life but Drix and Emily showed me love and care. They wanted me to live. Pinakita nila sa akin na hindi ako dapat malungkot o matakot mabuhay. Pinaalala nila sa aking pilit ang mga mahal kong nagbuwis ng kanilang buhay para sa akin. Na dapat ay pahalagahan ko sila sa pamamagitan ng pagiging matatag at masaya ngayon.

Noon ay hindi ko ito maintindihan. Hindi ko makuha yung point na dapat maging masaya ako. Kasi I can't feel genuine happiness... Pero nang mapagisipan ko lahat ng mabuti ay tama nga sila. I need to live. I have to.

Mabuti na lamang at Sabado ngayon. Kapag sabado at linggo ay hindi na ako pumapasok sa opisina. Ito na ang kinuha kong break lalo na at pag may mga espesyal namang okasyon ay naroon ako hindi gaya ng ibang empleyado. Anyway, hindi naman ako sanay magcelebrate mag-isa lagi kahit may mga panahon lang na sinasamahan ako ng mga kaibigan ko. Syempre gusto ko naman na ibigay sa kanila ang oras na 'yon.

Balak kong mamasyal ngayon. I want to have a date with myself and enjoy my life right now. Ininom ko na lahat ng pait at lungkot kagabi para sa araw na ito ay ibang Ever Rose See na ang haharap sa salamin.

Nagsuot ako ng maong na shorts at kulay itim na v-neck shirt. Rubber shoes lang ang pinares ko rito para kumportable. Ipinuyod ko ng isa ang maikli kong buhok, may mga nalaglag dahil nga sa hindi ito kahabaan.

I want it short. That way, I can be myself.

I have the house and the condo right now. Itong condo na mas malapit sa opisina namin. Hindi ko nga alam kung bakit dito ako umuwi kagabi eh. Pero mabuti at dito, hindi sa ibang lugar.

Pagkalabas ko ng condo ay hinanap ko ang motor ko. Oo at ito ang sinasakyan ko paminsan-minsan dahil sa ito ang nakakapagpagaan ng loob ko. I feel so free... Unlike sa kotse na sobrang kulob.

Sinuot ko ang helmet at mabilis na pinaandar ang aking pulang motor. Gagawin ko ngayon lahat ng mga hindi ko nagagawa noon. I have nothing to worry about anyway! Ramdam ko ang malamig na hangin na tumatama sa aking balat, niyayakap ako ng bawat pagdampi nito.

Natawa ako nang biglang narinig ang tunog ng aking tyan. Mukhang gutom na yata ako ah.

Dahil sa hindi pa pala ako naguumagahan ay naghanap ako ng lugawan na pwedeng kainan. Wala nang mga bantay na magbabawal sa akin na kumain ng gusto ko!

Huminto ako at naghanap ng lamesa na malapit lang sa motor ko. Hindi kasi indoor ang lugawan na ito. May lumapit na matandang babae sa akin at sinabi kong isang goto, itlog, at tokwa ang order ko. Hindi naman siya natagalan sa pagdala ng order ko sa akin.

May mga tumitingin man sa akin ay hindi ko sila pinansin.

Abot tainga ang ngiti ko habang kumakain. Masarap naman ito at hindi naman mukhang marumi gaya ng sinasabi sa akin. Ang bilis kong nakain lahat pero parang gusto ko pa ng itlog...

Kaya lang nang tingnan ko... wala na yata silang ganuon...

Naghahanap na ako ng pera sa wallet ko para magbayad na sana pero lumapit sa akin ang babae dala ang isang platito na may itlog.

"Libre ito miss. Sarap na sarap ka kasi sa pagkain," sabi nito na agad nagpangiti sa akin. Kinain ko ito at nagbayad. Nagdagdag na rin ako dahil sa mabait ito sa akin. Grabe, kung ganito naman pala kaganda serbisyo rito ay aaraw-arawin ko ang pagpunta. May palibre pa ah!

Dumighay ako nang makatayo na at natawa sa sarili ko. Now I can even do that in public huh? Pakiramdam ko'y sobrang laya ko sa mga oras na ito.

Sumakay akong muli sa motot at ngayon ay dumiretso naman sa amusement park! Hindi ko na maalala ang huling pagpunta ko rito. Paano ba naman ay masyado raw delikado. Pero ngayon ay hindi ko na yun iintindihin pa.

I've seen people in groups - may pamilya, magbabarkada at lovers. Sandali akong nakaramdam ng kirot sa loob ko kaya malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.

"I can do a lot of things dahil mag-isa lang ako!" sabi ko sabay takbo papunta sa pinakamalapit na ride. Hindi mahirap makasakay dahil mag-isa lang ako. Madali akong maisingit kaya nakailang ulit ako sa mga favorite rides ko.

Nagpakabasa ako, nagpakalula, tinakot ko ang sarili ko sa mga pinasok kong horror places... Ewan ko ba pero para na ata akong buang. I am actually having fun on my own I guess! I am really having a great time!

Dahil sa medyo nasobrahan ata ako ng sakay ay napagdesisyunan kong tumigil muna sa pagsakay-sakay. Naglalakad ako para sana bumili ng snack nang may lalaking nagtatrabaho rito na nag-abot sa akin ng malaking bear. "Ay hindi po-"

"Ah miss namimigay talaga kami ng stuff toys. Ikaw ang maswerte naming napili!" sabi nito at ang weird pero tinanggap ko ito at natuwa na lamang. Kulay pink ito na bear, ang laki nito pero tama lang para dalhin ko nang payakap. Sobrang fluffy nito kaya hinigpitan ko pa ang hawak.

Nang makakain na ay nagpahinga ako at nanuod sa mga nagkakantahan sa stage malapit. Nanatili ako ng mga ilang minuto bago nagdesisyong sumakay muli ng ride.

Huli kong pinuntahan ang ferris wheel at mabuti na lamang may stuff toy akong makakasama sa loob. Ang dami kasing couples!

Pagkaupo ko ay inintay ko na marating ko ang tuktok para makita ko ang buong paligid. I'm in awe on how a place can be a nightmare and a beautiful dream in one lifetime.

Tumingin ako sa stuff toy na katabi ko, "Ang ganda no?" tanong ko na parang sira. Pinisil ko rin ang ilong nito.

Pumikit ako. Huminga ng malalim at inamoy ang malamig na simoy ng hangin. Kinalma ko ang aking sarili...

Magiging masaya ka Ever Rose See. You can start again.

Pagdilat ko ay para akong tinamaan ng kidlat sa nakita ko. Bakit ngayon?

T-Tyrell?

Nakasakay siya sa ferris wheel! Nasa kabila lang siya katapat ng akin! Pero pababa na siya... habang ako ay hindi pa.

Gusto kong tawagin ang pangalan niya pero parang nanunuyo ang lalamunan ko. Hirap akong magbigkas ng kahit isang salita man lang.

"Ma'am 'wag ka pong tumayo," sabi nung nagko-control dito pero paano ko maaabutan si Tyrell? I want to get off!

"T-Tyrell!" tawag ko pero nakalayo na siya sa akin...

Namalikmata lang ba ako o si Tyrell nga ang nakita ko?

Buhay si Tyrell?!


Continue Reading

You'll Also Like

469 51 10
Andiyan ako sa tuwing kailangan nila ako pero noong kailangan ko sila, nasaan sila?
202K 3.7K 31
Contract wife of the Superstar. Simpleng babae na nadawit sa problema ng isang superstar. Problemang siya lang ang pwedeng makalutas. And to make the...
7.8K 1.3K 48
Dazen Grace Vela a famous student of Vela Royale University that currently Grade 12 Studying the ABM strand. She live her life to the fullest and eve...
31.8K 950 86
Part 2 of My Secretary is A Secret Boss ................ Sabi nila kapag may umaalis, may mga taong dumarating, kung may mga nawawala, may muling mag...