Love Is In The Air

By rhyspotted

18.8K 997 199

Si Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa so... More

Author's Note
Synopsis
Chapter 1 - Graduation Day!
Chapter 2 - Inuman Session
Chapter 3 - Break Up!
Chapter 5 - He Visits.
Chapter 6 - Lenten Season
Chapter 7 - Reminsicin'
Chapter 8 - Summer Vacation
Chapter 9 - Summer Job
Chapter 10 - Nice Meeting Him
Chapter 11 - Enrollment
Chapter 12 - Back to Manila
Chapter 13 - Bad Nightmare
Chapter 14 - Scholarship
Chapter 15 - Good News Times 2!
Chapter 16 - Meet the Group
Chapter 17 - Nice Meeting Him. Again?
Chapter 18 - Cheer Up!
Chapter 19 - Live Love Cheer
Chapter 20 - Sacrifices
Chapter 21 - Catch and Fall
Chapter 22 - Unexplainable Feelings
Chapter 23 - Cheer Camp
Chapter 24 - Cheer Camp II
Chapter 25 - Cheer Ever
Epilogue

Chapter 4 - Clearance Day

680 43 2
By rhyspotted

Isang linggo na ang nakalipas mula 'nung graduation. Masyadong mabilis ang pangyayari. Sa loob ng isang araw ang daming naganap. Hindi ko alam kung nanaginip lang ako. Pero hindi.. Totoo lahat ng 'to.. Totoo ang mga nangyayari..

Meron ba kayong time machine?

Pwede bang ibalik nyo ko sa panahong masaya kaming dalawa? Pwede bang dun na lang ako tumira? Pwede bang kami na lang ulit?

"Ateeeeeeee!" Bigla akong napabalikwas sa kama. "Ate gising naaaaa!" Hindi ako sumagot. Minabuti kong umupo muna sandali sa kama.

"Ate gising ka na baaaaa? Andito na mga kaibigan mo!?"

"Gising naaaaa! Kanina paaaaaa! Sabihin mo waittttttt!"

Naku! Late na ko. Aalis nga pala kami. Clearance nga pala ngayon. Kailangan maaga kami para maabutan namin mga teachers namin.

Pumunta ako sa banyo. Naghilamos. Hindi na ko naligo. Hindi naman ako mabaho kasi di naman ako palalabas ng bahay. Isa pa, wala namang aamoy sakin dun. Pagkatapos nagsipilyo na din ako. Paglabas ko ng banyo, kumuha agad ako ng damit sa drawer. Plain na polo shirt lang yung sinuot ko para simple. Tapos itinerno ko sa maong na pantalon. Kinuha ko na din yung rubber shoes ko. Wala naman akong ibang sapatos na pagpipilian. Hindi pa naman yun sira kaya pwede pang pagtyagaan.

"Ateeeeeeeeee!" sigaw muli ni bunso.

"Heto naaaa pababa naaaaaa...!!!" Pagbaba ko nakita ko agad sina Sandy at Cassey.

Umiling-iling si bunso nang makita ko siya. Tsk tsk! Ang tagal mo ate. Kanina pa sila."

"Hayaan mo silang maghintay sakin.." sarkastiko kong sabi.

Narinig naman iyon ng dalawa. "Wow ha? Nakakahiya naman samin di ba Cass?!"

"Oo nga.. tara alis na tayo dito." Biglang pagyaya ni Cassey.

Tumaas naman ang kilay ko sa kanya. "Matapos mong kumaen ng pandesal aalis ka na? Ano 'yan? Bastusan?" pangongonsensiya k okay Cassey.

"Haha. Joke lang Jaja. Sabe ko ngaaa! Tara hintayin natin siya Sandy.." natawa naman ako nang hampasin niya pa sa braso si Sandy. Inihanda ko na rin ang gamit na dadalhin ko.

"Tara na ngaaa!" ako na mismo ang nagyaya nang makapag-ayos na ko.

"Ate hindi ka ba kakaen muna?" paalala ni bunso. Ang sweet naman talaga. Kahit kelan nga naman ang bait-bait. Mana sa ate. Hehe.

Umiling-iling ako kay bunso. "Hindi na muna bunso. Uuwi din naman ako kagad."

"Sige ate. Ingat!"

"Bye!" sabay hinalikan ko siya ng maraming beses. Nakakagigil 'tong kapatid ko.

"Ahhh—Tama na ate.. Bye ate!" nag-wave na sa akin si bunso nang tantanan ko na siya.

Umalis na kami ng bahay. Maliit lang ang dinala kong bag. Sakto na dun yung isang notebook, isang ballpen at iba pang kailangang ipasang requirements sa ibang mga teachers. Isang sakay lang naman ng jeep papunta samin kaya malapit lang.

"Ang tagal mo-- Baka late na tayo." Saad ni Cassey

"Di pa 'yan.. Tiwala lang.."

"Ba't ba ang tagal mo?" muli niyang tanong. Grabe! Sobrang late ko na ba talaga?

"Haha. Kakagising ko lang kasi 'nun!" kakamot-kamot kong sabi.

Marahang dinuro ni Cassey ang noo ko sabay hampas sa akin ng malakas. "Ayan tayo ehhh.. Bago bago din 'di ba Sandy?"

"Hindi ba move on move on din?" Sandali kaming nagkatinginang tatlo. Medyo nalungkot ako sa sinabi ni Sandy. Move on? Kailangan ko na ba talagang magmove on? Oo nga pala hindi ko pa iyon nagagawa.

Siniko ni Cassey si Sandy sa tagiliran at sumenyas na parang nagsasabing tigilan ni San yang pagsasabi ng kung ano-ano tungkol doon. "Baliw ka tehh! Wag kang ganyan kay Jaja..."

"Ayy sorry tehh, di ko naman sinasadya." Ani Sandy.

"Hindi okay lang. Siguro nga tama ka. Kailangan ko na magmove on." Well, tama naman talaga siya. I have to do that move-on thing kahit na mahirap para sa 'kin.

"Tama yan tehhh! Madami namang iba dyan Jaja! Hahanapan kita ng mas pogi at mas yummy pa kay Syke!" naghuhumarot na sabi ni Cassey.

Tumawa ako pero pilit lang.. "Malandi ka talaga Cassey!" agad kong hinampas ang braso niya. Para naman makaganti. Mapanakit masyado e.

"Okay lang lumandi 'no!? Basta single!" wika ni Cassey.

"Single ka ba?" pagtatakang tanong ko sa kanya. Paiba-iba kasi siya ng lalaki.

"Oo naman Yes!" proud na proud niya pang pagkakasabi. Pumose pa ito na animo'y isang model.

"Sowssss!"

Haha. Mga baliw talaga 'tong bespren ko. Buti na lang nadyan sila sa tabi ko. Mababaliw yata ako pag ako lang mag-isa. Lalo pa ngayong wala na kami ni Syke. Mas mahihirapan akong magsimula ulit. Pero sana nga kayanin ko. Kayanin ko mag-Move on.

"C-Cassey?" Bumaba na kami ng jeep at kasalukuyan na kaming naglalakad papasok ng gate ng school.

"Uhmmmm---?" bumaling naman siya ng tingin sa akin.

"Ano nga pala yung sasabihin mo 'nun sakin?"

"Ahh.. nung Graduation din na yun, nalaman ko kasing pinagkapustahan ka lang ni Syke at ng barkada niya. Lumabas kasi ako sandali nun para magpahangin. Nakita ko sila nasa labas, may binili yata. Ehh 'di ba na-lowbatt ka? Tapos tinatawagan kita, busy na 'yung number." Pagpapaliwanag niya.

So totoo nga talaga. Totoong pinagpustahan lang ako ni Syke. Totoong pinaglaruan nya lang ako at ng mga barkada nya. Hayup! Ang lupet mo Syke. Nakakairita siya.

"Ehh nalaman ko din 'nung madaling araw, nakipag-break na daw sayo si Syke. So 'yun! Hindi na kita tinawagan ulit. Mabuti nga at ginawa na niya 'yun kundi ako mismo ang magsasabi sa'yo." Dugtong pa ni Cassey.

"Ehhh Jaja.. N-nakipagbreak ba talaga sayo si Syke?" Tango lang ang sinagot ko sa tanong ni Sandy.

"Ayy bobo! Hindi ba obvious! Nakipagbreak na nga! Kaya nga malungkot si Jaja ehh.. Outdated ka msyado! Isang linggo na!" pang-aasar ni Cassey kay Sandy.

"Sorry naman nalasing ako 'nun gabing yun ehh..."

Kasalukuyan kaming nasa waiting shed. Naghihintay sa mga ibang kaklase namin. Kami pa nga ang nauna dun! Akala ko naman late na kami..

May nakita akong nagtitinda ng sorbetes. Nacurious ako kasi hindi pangkaraniwan yung pangalan ang nakalagay dun. Hindi ko alam pero bigla na lang akong tumayo para bumili kay Manong.

"Manongggggg! Manongggg Teka langggggg!"

Do you believe in love? Yan yung nakalagay..

Love? Naniniwala ba ko dun? Oo. Siguro. Minsan na kong naniwalang merong love. Pero noon yun. 'Yung mga panahong kami pa ni Syke. 'Yung mga panahong masaya pa kami. 'Yung mga araw na nagagawa nya pa kong lokohin at gaguhin. Pero ngayon? Ayoko nang maniwala sa love na yan! Para sakin, isa lang yang kalokohan...

"Manong pabili nga, chocolate flavor lang lahat."

Sinalinan naman ako ni manong sorbetas. Pag-abot ko ng pera ay agad na akong bumalik ng school. Nakita ko sila Sandy at Cassey kasama ng mga iba naming kaklase. Nangongolekta na ng projects.

"Uyy Jaja! San ka ba galing? Pasa mo na yung projects sa AP!" saad ni Sandy.

"'Yun pa lang ba pipirma sa clearance?" kinuha ko sa bag ang project ko sa A.P. at saka iniabot iyon kay Sandy.

Kinuha naman niya ito sa akin. "Hindi. Meron pa, yung Filipino, Math tska Science. Bale apat na."

"Wait lang.. ubusin ko lang 'tong ice cream ko bago ako magpapirma sa lahat."

"Bilisan mo na!" nagmamadaling tugon ni Cassey sabay irap sa akin. "Di man lang nanlibre!"

Kasalukuyan akong nakaupo sa waiting shed. Pag-angat ko ng ulo ko, na-shock ako. Nakita ko si Syke mula sa labas ng school. Mukang palapit siya samin. Iiwas ba ko? Anong gagawin ko? Shit! ako makagalaw.. Ayan na siya.. Tsss..

Syke's POV:

Matagal na din kaming di nagkikita ni Jaja. Siguro galit 'yun sakin. Siguro kinamumuhian na nya ko. Pero siguro iyon naman talaga ang dapat. Deserve ko 'yun! Hindi naman na ko umaasang magiging okay kami sa kabila nang nangyari.

Papasok na ko ng school nang makita ko yung mga kaklase namin. Teka.. nasan si Jaja? Di ko makita ahh.. Buti na lang wala..

"Syke! Nasa'n yung project mo?" sagot ni Sandy. Siya yata ang nangongolekta.

"Heto dala ko..." iniabot ko na iyon sa kanya.

Saktong pag-abot ko ng projects ko, nakita ko si Jaja tumakbo. Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami malapit sa Guidance Office.

"Jaja.. Jaja sandali--" pagpipigil ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya para hindi na siya makatakbo.

"Tigilan mo na ko! Ano na naman ba 'to?" inis niyang sabi.

"Gusto ko lang magsorry--"

"Sorry? Matapos mo kong gaguhin, paglaruan, pagkapustahan? Ang kapal ng mukha mo!" Napansin kong sasampalin niya ko pero pinigilan niya ang sarili at nag-walk out na lang siya.

"Sorry talaga.. napasubo lang ako sa mga kaklase natin..." nakayuko kong tugon.

Nilingon naman niya ako. "Limang buwan! Limang buwan na pangloloko 'yun Syke. Sa tingin mo ganoon kadali?" napansin kong dinuduro niya ko habang nagsasalita. Hindi kasi ako makatingin ng diretso, nanatili lang akong nakayuko.

Matapos niyang magsalita ay saka ako tumingin ng diretso sa kanya. "Alam kong hindi madali.. Pero umaasa ko... Umaasa ako na balang araw mapapatawad mo ko."

Tumalikod na ulit siya at dali-daling tumakbo. Akmang susundan ko siya nang humarap ulit siya sakin. "Wag mo na kong susundan! At 'wag mo na kong kausapin! Maiintindihan ko sana kung kailangan mo ng tulong ehh.. Pero hindi mo na sana ako sinaktan.."

Nang makatakbo siya ay wala na kong nagawa. Tanging pangalan na lang niya ang isinigaw ko para mapigilan siya pero walang nangyari.

Janella's POV:

"Limang buwan! Limang buwan na pangloloko yun Syke. Sa tingin mo ganun kadali?" halos duru-durin ko si Syke ngayon sa harapan ko. Nakayuko lang naman siya.

"Alam kong hindi madali.. Pero umaasa ko. Umaasa ako na balang araw mapapatawad mo ko."

Tumalikod na ko ulit upang tumakbo. Madami akong gustong sabihin sa kanya. Pero wala akong panahon para makipagtalo. Ayoko siyang makausap. Akmang susundan na niya ko kaya hinarap ko siya ulit.. Ang kulit kasi... Takte..

"Wag mo na kong susundan! At wag mo na kong kausapin! Maiintindihan ko sana kung kailangan mo ng tulong ehh.. Pero hindi mo na sana ako sinaktan.."

Mukhang hindi naman na niya ko sinundan. Tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa parang garden ng school. May liblib na lugar doon, doon muna ako nag-stay.

Kaya ba ako 'yung mas nag-eeffort? Kaya pala ganoon na lang siya magalit? Kaya pala hinahayaan n'ya lang ako. Ako pa yung sumusuyo sa kanya kapag may tampuhan kami. Kaya ba todo lambing siya sakin kapag may kailangan? Pag may projects, assignments, quizzes, tska lang sya bumabawi? Kaya pala pag may gagawin kaming projects, kailangan gawin din namin yung sa mga kaibigan nya. Kasi di niya ko mahal. Kasi di niya ko nagawang mahalin.

"Grabe tanga mo talaga Jaja! Bakit ngayon mo lang narealized yun? Bakit hindi pa noon?" saad ng isip ko.

Sobrang naabuso ako.. Sobrang nagpadala ako sa emosyon ko. Lahat ginawa ko. Lahat binigay ko. Heto ako ngayon.. ubos na ubos na... Wala nang natira..


Continue Reading

You'll Also Like

678K 40.7K 23
This guy is bad news, pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Zandra Asuncion, who dislikes Michael Jonas Pangilinan, starts to u...
172M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
2.9M 57.6K 32
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
698K 41.2K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...