Chapter 17 “hindi ko sinasadya”
<Ryan’s POV>
“hoy Ryan, tara na dito.” Pag yaya ni Clarence
“sige susunod na ko---- Ahm Lai, una na kami ha? Ingat ka ha?”
“yes sir! ^_^ don’t worry. bye” *tsup* woah? Siya na ang nag-kiss sa akin? Ayiee. Kinilig ako dun infairness. <3
Umalis na kami at dumiretso na sa bahay ni Tommy. Gawa gawa lang ng thesis, haay, habang tumatagal, pahirap na ng pahirap ah. Pero kung hindi dahil sa thesis na ito hindi pa kami magiging close na magkakagrupo. Parang barkada na nga kami eh.
“hoy guys pahinga muna oh, kain muna tayo.” Iyon yun oh? Dami talagang pag-kain dito kina tommy. Ayun, sige lamon, kain, sunggab lang ng sunggab sa food, na-drain na utak eh. hahaha
“oo nga pala Ryan, ang sweet niyo na masyado ni Lai ano?” tanung ni tommy
“ah, oo naman.”
“pero di ba, unofficial pa kayo?” sabi ni Irene
“oo nga pare, tagal mo nang nanliligaw kay Lai ah, hindi ka padin ba niya sinasagot?” obserbasyon ni Tommy
“naku, baka ang sabihin niyo, sila na talaga, nililihim lang sa atin. ayiee” pangaasar ni Clarence
“ay! Oo nga noh? Ryan ah, umamin ka na.” kanchaw ni Irene kay Clarence
“hoy, magsitigil nga kayo. Ako talaga ang hot seat dito ha? Ahm, ang totoo niyan, hindi pa din niya ako sinasagot. Hanggang ngayon ay sinusuyo ko pa din siya.”
“sus, si Lalaine talaga, baka indenial pa din siya.” Opinion ni Clarence
“oo nga. Tama ka diyan Clarence.” Pagsangayon ni Irene
“pero pare, nararamdaman kong mahal ka na niya talaga, kahit hindi ka pa niya sinasagot, may nararamdaman na iyon sayo ayaw lang sabihin at aminin sa sarili. Di ba guys?” nagsi nod naman silang lahat. Adik talaga itong si Clarence palibhasa witness siya sa panliligaw ko kay Lalaine.
Pagkatapos ng kwentuhan ay balik na sa gawain ulit, tapos makalipas ng ilang oras ay umuwi na din kami.
“hey Ryan, hatid mo naman si Irene sa kanila oh.”
“sige ba, okay lang sa akin.”
Habang naglalakad kami ni Irene may sinabi siya sa akin pero ang talagang ikagulat ko ay ang sumunod na nangyari.....
********
..kinabukasan sa school, dismissal time..
“haha, oo nga nakakatawa talaga si Irene nun. Mukhang ewan lang knina sa recitation” sabi ni Tommy
“hoy! Grabe naman. Kayo kaya ang nandun, tignan natin, hmpf.” Pagdedepensa ni Irene
“hahaha. Nakakatawa ka talaga Irene, wagas talaga. Pulang pula ka nun.” Pang-aasar ko.
“Ryan?! Nakakainis ka! Eh kung gawin ko kaya ito at nang hindi ka mamula.” Medyo nagloading ang utak ko nun, hindi ko siya nagets, pero nagsink in nalang sa utak ko kung anung ibig niyang sabihin nung HINALIKAN NIYA AKO sa labi na pa-smack lang. Nagulat sina Clarence at Tommy sa ginawa ni Irene, hindi sila makapaniwala na gagawin ni Irene iyon, ninakawan NANAMAN niya ako ULIT ng halik. What the?!
_Flashback_
“hey Ryan, hatid mo naman si Irene sa kanila oh.”
“sige ba, okay lang sa akin.”
Habang naglalakad kami ni Irene may sinabi siya sa akin.
“ahm Ryan, may sasabihin sana ako saiyo eh.”
“sige anu ba iyon?”
“anu kasi, ahm----anu, haayy. *tsup* ”
Hinalikan niya ako, mga 10 segundo marahil na nagtagal na magkadikit ang labi namin, agad agad ko siyang tinulak.
“Irene?! Bakit mo ginawa iyon? Ha?!”
“Sorry Ryan. Sorry, wag kang magalit please.”
“Sinong hindi magagalit ha? Parang sinabi ko na ding pinagtaksilan ko si Lalaine!”
“pero hindi pa naman kayo eh.”
“kahit na! hindi ako ganung lalaki. porket ang tagal lang sagutin ng babae eh maghahanap na ng iba.”
“sorry Ryan, It just like, gusto kasi kita, sorry. Na-fall na lang ako nitong mga nakaraang linggo. Natutuwa kasi akong kasama ka. Sorry Ryan, kahit na alam kong may nililigawan ka eh ginawa ko padin ito. Sorry. Please, wag mo kong lalayuan. Please wag kang ma-iilang, promise hindi ko na gagawin ulit iyon. Sorry.”
“sige, palalagpasin ko ito. Don’t do it again okay?” then she nods.
_end of flashback_
“Ahm Ryan, sorr---”
“Irene! You promise me na hindi mo na gagawin iyon?”
“sorry Ryan”
“what? Hindi na gagawin? Ibig sabihin pang twice an iyan?”
“oo kagabi. Nung hinatid ko siya.”
*BLLAGG*
“hey! Anu iyon?” lahat kami nagulat nung narinig iyon.
“LALAINE?!” sigaw ni Clarence
“ouch. Oouch ang sakit.” Nabangga siya nung pinto na bumukas sa kabilang room.
“Lalaine, are you okay?” pagtatanung nina Tommy. Wait lang. anung ginagawa ni Lalaine dito? At--- oh no, hindi kaya…
“Hey! Lai, okay ka lang masakit ba?” umiiyak lang siya. “anung ginagawa mo kasi dito? Kanina ka pa ba?”
“oo kanina pa! nakita at narinig kong lahat! Bakit Ryan! Bakit?! anung kasalanan ko at kailangan kong malaman ito ha? Ibabalita ko lang sana na pinapupunta ka ni mama sa Sunday. Pero, ito ang naabutan ko. T_T ”
“Lai, let me explain.”
“no, you don’t have to explain. Maliwanag naman ang lahat eh. tama na nga ba ang hinala ko, tama lang pala na nagseselos ako sa babaeng iyan dahil may hindi magandang tingin ang babaeng iyan sayo. Pero alam mo lang ang ginawa ko? Inignore ko lang. Initindi ko lang na wala lang lahat yung napapasin ko. Pero ito! Ito Ryan. Hindi ko na ito kaya pang i-ignore, masakit na. Masakit.” After she said that ay umalis na siya at tumakbong umiiyak. Oh no, hindi ko inaasahang mangyayari ito. I really need to talk to her.