Mag iisang buwan na ang nakalipas simula ng dumating si Magda. Namamalengke si Luna sa bayan ng makita nyang nakadikit na sa bawat dingding ng sidewalk ang litrato ni Magdalena. Pinaghahanap na ito ng pulisya at may patong ang ulo nito na P100,000.oo dahil daw sa salang pagnanakaw at pagpatay. Hindi alam ni Luna ang dapat nyang isipin, nagmadali na syang umuwi.
Naglalambing si Magda habang humihigop ng kape si Luna. Hinahalik-halikan nito sa leeg at braso ni Luna ngunit hindi parin ito kumikibo hanggang sa mapansin na ni Magda ang hindi pagpansin sakanya.
"May problema ba tayo?" nakapamewang na tanong ni Magda.
"Magda, nagkalat ang mukha mo sa bayan. Wanted ka sa salang pagnanakaw at pagpatay."
Biglang namutla si Magda, nanlambot at napaupo nalang.
"Sinasabi ko na nga ba, hindi ako titigilan ni Jay-R, mga walang hiya sila! Mga sinungaling!" pagtangis ni Magda.
Mahigpit syang niyakap ni Luna.
"Wag kang mag alala hindi ka nila mahahanap dito, tahan na."
Hating gabi na ng makita ni Magda si Luna na may kinuhang pera sa isang baul at sinusian ito pagkatapos.
"Bakit gising ka pa?" paglapit nya kay Luna sabay himas ang balikat nito.
"Kumuha kasi ako dun sa ipon ko."
"Oh, ipon mo pala yun. Bakit mo binawasan?" pagtataka ni Magda.
"Gusto kasi kita ibili ng maayos na damit sa bayan bukas para hindi na yung mga damit ko ang sinusuot mo. Ang laki-laki sa'yo eh."
"Ha?! Wag na, kumportable naman ako sa mga damit mo. Ikaw talaga. Tara na nga, matulog na tayo." At pumasok na ang dalawa sa kwarto.
***
Isang hapon habang nagpipinta si Luna ay lumapit sakanya si Magda suot ang pulang bestida na binili nya dito.
"Bagay na bagay sa'yo." Wika ni Luna.
Ngumiti lang si Magda, kinuha ang hawak nyang brush at kumandong sakanya. Hinalikan sya nito at iginapos ang kanyang kamay sa likod ng silya tsaka hinimas ang hita nya pababa ng kanya paa at iginapos din ito sa paa ng silya.
"Magda.. ano 'to? Haha.." natatawang pagtatanong ni Luna.
Kinuha ni Magda ang iba't ibang klase ng lapis ni Luna at pinapili ito.
"HB? B? 3B? 6B? Or 8B? " tanong ni Magda.
"6B" sagot ni Luna.
*Note: Ito yung mga lapis na kadalasan kulay asul ang pabalat. (Steadler, Colleen) Pagtaas ng numero ay pagtindi ng dilim at kapal ng panulat nito. Ginagamit itong pang drawing.
Tinasahan nya ito ng napakatulis at kumandong muli sya kay Luna. Isinubo ni Magda ang puwitan ng lapis at dinila-dilaan ito, pagtanggal sa bibig ay biglang saksak ng talim ng lapis sa leeg ni Luna.
"Aaarck! Anong ginawa mo! Magda masakit!" pagdaing ni Luna sa dumudugo nyang leeg dahil sa natamong saksak.
"Relax..." wika ni Magda.
"Magda... hindi ako mahilig sa foreplay."
"Foreplay? Sino naman may sabi sayong foreplay 'to ah-ha-ha!?" at sinaksak muli nya si Luna ng lapis sa hita.
"AAAaarck! T-Tama na, Magda. Bakit mo ginagawa 'to"
"Simple lang, Dahil hinayaan mo akong gawin sa'yo 'to. Dahil nagkalat ang mga tangang katulad nyo sa mundo. Akala ko pa naman lalake lang mga tanga na parang asong napapasunod ko sa mga palad ko, yun pala pati rin babae. Lakas ng alindog ko 'noh?"
"Magda, Magdalena ko... Hindi ikaw yan! Ano bang nangyayare sa'yo ha."
"Oh' baka isipin mo may toyo ako sa utak o kaya rape victim ako. Ang totoo nyan, mas matalino lang ako sa'yo. Masyado ka kasing emo at praning dyan sa ex mo. Sayang, ang galing mo pa naman. Siguro sya ang iniisip mo sa tuwing may ginagawa tayo. Alam ko na naman eh na kahit kelan hindi ko makukuha ang puso na pagmamay-ari na ng iba. Much better na sumunod ka nalang sakanya!"
Itinarak ni Magda ang lapis sa dibdib ni Luna.
"AArck! Nagkakamali ka Magda. Mahal kita!" namimilipit sa sakit na wika ni Luna.
"Wow! I'm sorry pero hindi ko kailangan ng pagmamahal mo, kuntento na kasi ako sa pagmamahal sa sarili ko ha! ha! ha!"
Kinapkapan na ni Magda ang bulsa ni Luna, ng makuha nya ang mga susi nito ay agad nyang binuksan ang drawer kung saan nakatago ang baul na naglalaman ng ipon ni Luna.
"B i n g o !" Wika ni Magda ng mabuksan nya ang baul.
"Akalain mo nga naman, sinong mag aakala na ang isang basurang pintor na tulad mo ay may ganitong halaga sa bulok na bahay nya."
Inisa-isa ni Magda ang bawat drawer at cabinet sa bahay hanggang sa aksidente nyang natapakan si Mimi at kinalmot sya nito.
"Walang hiyang pusa 'toh! Alam mo dati pa talaga akong naiimbyerna sa'yo eh. Teka lang ha." Pagbalik ni Magda ay may dala na syang pala galing sa likod bahay.
"Kitty... halika dito dali!" pagtawag nya kay Mimi habang naka-ready na ang kanyang pala.
"Magda! Wag! Mimi! Tumakbo ka naaa!!!" sigaw ni Luna.
At walang awang hinambalos ni Magda ng pala si Mimi at iniwan ang pusang naghihingalo, lunod sa sarili nyang dugo.
"MIMIII!!!!" naiyak nalang si Luna sa sinapit ng kanyang alagang pusa sa kamay ni Magda.
"Poor Kitty. Ngayon, ano pa ba ang pwede kong makuha sa'yo?" patingin tingin sa paligid si Magda at nilapitan ang isang painting nya na nakasabit sa dingding, kinuha at pakunwaring nabitawan.
"Ooops... sorry. Haha!" pang aasar nito.
"Pakiusap Magda, kunin mo na lahat ng gusto mo, wag lang ang mga paintings ko." Pagmamaka-awa ni Luna.
Tiningnan ni Magda ang painting na hinulog nya sa sahig, ngumiti at saka tinapak-tapakan ito hanggang sa masira.
"WAAAAAAG!" pagsusumamo ni Luna.
"Oh. My. Gosh... Hindi ka lang pala tanga, praning ka rin pala. Painting lang ganyan ka maka-react. Siguro hindi namatay si Stella 'noh? Siguro iniwanan ka din nya katulad ng ginawa sayo ng Nanay mo." Pang iinis ni Magda.
"Tama naaaa! Tama naaa!" pagtangis ni Luna.
"Iniwanan ka nila dahil wala kang kwentang tao tulad ng tatay mo!"
"TUMAHIMIK KA NAAAA!"
"Oh My... how dare you tell me to shut up. Akina nga yang dila mo, Ikaw ang papatahimikin ko!"
Pilit binubuka ni Magda ang bibig ni Luna ng may biglang...
Tok! *Tok! *Tok ...may kumatok sa pintuan.
"Tahimik! Dito ka lang." binusalan ni Magda si Luna ng panyo para hindi mag ingay at nagtago sa parating na tao.
"Luna! pabukas naman dali na. Mukhang focus na focus ka ngayon ah. Dinedeadma mo lang ako. Teka, bakit pa nga ba ako kumakatok eh may pintuan naman sa likod. Luna! Wag ka na pala mag abala, dadaan nalang ako sa may likuran ha." Pagtawag ng tibong si Fey.
Pagpasok ni Fey ay agad syang napukpok ng pala sa ulo ni Magda.
"Walang hiyang yun, may dadating pala syang kaibigan ngayon, hindi manlang nagsabi!" wika ni Magda sa sarili nya at dali dali na syang bumalik ng studio ngunit pagbalik nya ay wala na duon ang nakagapos na si Luna. Muli nyang dinampot ang pala at hinanap si Luna.
"Luna, sweetheart? Come out, come out, wherever you are..."
Nagulat si Magda ng pagsalakay ni Luna sa kanyang likuran at nasaksak sya sa braso ng patalim na hawak nito.
"Ahhh! Walangyah ka!" sabay hambalos ng pala sa binti ni Luna.
Pilit na gumapang si Luna patungo sa pinupwestuhan ng piano.
"Wag kang mag alala, makakasama mo na din si Stella mo." Sabay hampas ng pala sa ulo ni Luna.