TIME MACHINE

By jheanrhose

8.8K 99 74

More

TIME MACHINE
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter five (Cont)

527 7 8
By jheanrhose

Araw na ng competition nina Tin at nakapwesto na sila sa backstage ng SDU (St. Dominic Univ.) kung san gaganapin ang tagisan nila ng talino at isa sa makakalaban nila ang representative ng SDU,,

"Slater kinakabahan ako.. Baka mablangko ako mamaya!!"

"Dont worry Tin, I'm here okay?" pagpapalakas ng loob ni Slater sa kanya at hinawakan siya sa kamay

"We can do this.." sabi nya with matching conviction na ikinangiti ni Slater

"Ang cute mo Tin... Galingan mo ah!! For our school"

"Ok, ikaw din galingan mo"

Maya-maya nga lang ay tinawag na ang mga magkakalaban.. Paramihan lang ng tamang maisasagot, 5-easy, 5-moderate at 1-hard questions ang category.. Nakakasagot naman sina Tin at Slater, halos lahat tama, pagdating sa last question ay 3 schools nalang silang maglalaban.. Sobrang ramdam na ng lahat ang intensity ng competition.. Maitama lang nila yung tanong na yun at sila na ang mananalo... nagbigay na ng tanong ang host (a/n: basta yun na yun, wala naman ako alam sa mga ganito e.. haha..)

‎"Waaaaah Slater, I'm so nervous.. Baka mali yung nasagot ko.." ani Tin dahil sya yung sumagot sa last question.. Kung nung kanina sa first 2 level ng competition ay thru oral ang pagsagot nila.. Sa last ay written nalang para daw may touch ng surprise para sa mananalo.. (a/n: gawa-gawa ko lang po yung rule na yan dahil wala akong alam sa mga ganyang keme)

"Hay Tintin, have faith lang,, For sure mauuwi natin ang title.." paniniguradong sabi ni Slater sa kanya..

"Okay guys, this is it.. Hawak ko na ang result kung sino ang winner for this year competition.. Kaninong school kaya ang mag-uuwi ng trophy.. Excited na ba kayo?" tanong nito sa audience at nagkanya-kanya na din ng sigawan ang mga supporters ng kanya-kanyang school.. "Eto na po, at ang nanalo sa patimpalak (lalim much) na ito ay from St Therese University.." (a/n: asahan niyo ng Syempre sila ang mananalo sa chararat na competition na ito.. hahaha.. sila bida e, alangan naman yung kalaban diba?)

Sa sobrang tuwa sa di inaasahang resulta ay napayakap sina Tin at Slater sa isa't isa (imagine-in yung bignight hug nila)

"I told you Tin, tayo mananalo.. Ang galing mo!!" bulong ni Slater sa kanya na nagpawala sa isip niya ng ginawa ni Slater

"Thanks Slater, kahit alam kong pinagbigyan mo lang ako na, ako ang sumagot ng last question.."

"Magaling ka Tin at alam kong mamaniin mo lang yung tanong na yun.." sagot ni Slater..

"Wait lang po ah, busy pa yung winners natin sa pagyayakapan e.. Kinikilig tuloy ako.." ani ng emcee na nakapagpabalik ng wisyo nila sa present saka sila lumapit sa harapan para kunin yung binibigay na award at nagpasalamat sa lahat

Natapos ang competition pero di doon natapos ang pagkakaibigan nina Tin at Slater.. Mas lalo pa silang naging close na dalawa, ini-invite din siya nitong kumain sa labas,, As in naging super close na silang dalawa, nakilala na din ito ni Kaye na bff niya, minsan pa nga sinasama din siya nito sa mga jamming nito kasama ng mga ka-banda nito na naging kaibigan na din niya,, Minsan na nga ay inaasar na silang dalawa ng nga ito e.. One time nag-aasaran sila ni Guji habang naglalakad papunta sa room nila ng magkasabay silang dumating sa school..

"Hi Guj, morning!!"

"Hi Tin.. wazzup?"

"okay lang,, Kaw?"

“Okey lang din.. Kamusta nap ala kayo ni Slater? Duma-da-moves na ba?”

“Huh? Nah, we’re friends lang’!!”

“Owssss.. Si Slater talaga hanggang ngayon pala di pa nagtatapat.. Torpedowww’!!” pabulong na sabi ni Guji

“Ano yon? May sinasabi ka?” tanong ni Tin dahil di masyadong naulinigan yung sinabi ni Guji

"ah wala,  Ay Tin, may I ask you something?"

"yup, Ano yun?"

"About your bestfriend"

"Kaye? Anong tungkol sa kanya?" takang tanong niya

"I like her.."

"Weh? talaga?" naalala niyang sinama niya pala one time si Kaye na manuod ng jamming session ng mga ito last week..

"Yup.. pwede mo ba kong ilakad sa kaibigan mong yun? Parang may pagka-masungit kasi e"

“Awh,, Di ko maipapangako Guji ah,, Tama ka may pagka-snob yung babaeng yun,, hehehe.. Pero seryoso ka ba talaga sa kanya?”

“Yes Tin, na-love at first sight yata ko sa kaibigan mong yun e’!!”

“Ang corny mo lang.. hehe”

“Ganyan talaga ang inlove, may tendency maging corny’!! hahaha” pakikisakay pa ni Guji

Nagtatawanan sila ni Guji ng Makita nila si Slater na nasa tapat ng classroom nila na matamang nakatingin sa kanilang dalawa na parang nakasimangot..

“Oo, I smell trouble’!!” sabi ni Guji habang nakatingin kay Slater

“Aga-aga nakasimangot ang loko ah,, Ano kayang problema nun’?!!”  sabi ni Tin habang papalapit kay Slater..

“Hey Brod.. Aga mo ah’!!” bati ni Guji dito pero deadma lang si Slater

“Hi Slater, goodmorning’!!! Ag among nakabusangot ah, ano problema?”

“Wala’!!” malamig na sagot nito saka tumalikod at nauna ng pumasok sa classroom

Nagtaka man ay di na lang muna niya pinansin ito,, Baka badtrip lang talaga ang mokong.. Pero hanggang sa mag lunchbreak at uwian ay no pansin pa din siya kay Slater kaya di na nya napigilang magtanong habang sinusundan ito palabas ng school “Slater galit ka ba sakin? Bakit kanina mo pa ko di kinakausap?”  Pero para lang siya nakikipag-usap sa hangin.. “Fine, kung ayaw mong makipag-usap sakin wala na ko magagawa.. Diyan ka na nga’!! Hmp”. Akmang lalagpasan na niya si Slater ng bigla naman siya nitong hawakan sa braso para di makalayo..  “O kung kelan lalayuan ka na saka ka naman naggagaganyan’!! Ano bang topak meron ka ngayon ha? Daig mo pa babaing may regal kung mag-inarte.. Nakakaasar ka lang alam mo bay un?” mahabang litanya niya kay Slater

“Sorry na Tin, nainis lang ako kanina sa nakita ko..”

“Ano ba yun?”

“Kayo ni Guji kanina na nagtatawan’!!”

“Jusko, anong nakakainin dun? E nagtatawan lang naman kami ni Guji..”

“E kasi nagseselos ako sa inyo’!!”

“Nagseselos ka? Don’t tell me type mo si Guji? Lakas lang maka-bromance ah!” pang-aasar ni Tin kay Slater

“Tin di ako nakikipagbiruan..”

“E bakit ka naman magseselos samin ni Guji? Nagtatawanan lang naman kami kanina..”

“E kasi gusto ko sakin ka lang masaya’!!!!”

“Hala, selfish lang ang peg? Possessive? Ano to jowa lang? “ pabirong sabi pa ni Tin pero deep inside kinakabahan na siya sa magiging takbo ng usapan..

“Tin gusto kita, mahal pa nga e’!! At di ko mapigilang di magselos pag may nakikipaglapit sayong ibang lalaki, tapos wala pa ko magawa kasi di naman kita girlfriend’!! Kung nung una takot akong iwasan mo sakaling magtapat ako sayo, mas takot akong mawala ka dahil lang di ako nagkalakas ng loob sabihin sayo yung totoong nararamdaman ko’!! Ayokong maging kaibigan ka lang Tin, noon pa mang hindi mo ko pinapansin gusto na kita, kaya nga nung magkaron na ng chance na mapalapit sayo, ginawa ko talaga ang lahat para lang makuha ang loob mo!” mahabang paliwanag ni Slater.. “TIN I LOVE YOU’!!”

(Si Tin nganga, speechless)

eto na nga ang kasunod'!!!

"Hala Slater, I dont know what to say'!!" sabi ni Tin na di pa rin nagsi-sink in yung mga sinabi ni Slater

"Wala ka naman dapat sabihin agad e, ang mahalaga nasabi ko na yung matagal ko ng gustong sabihin sayo,, At sana hayaan mo lang akong ipakita sayo kung gaano ako kaseryoso at mula sa araw na to, manliligaw mo na ko'! Okay?" tango lang ang naging respond ni Tin sa sinabi ni Slater.. "O sya, san mo gustong kumain.. Mukhang nagutom ka sa mga pinagtapat ko sayo e'!" sabi ni Slater saka siya hinawakan sa kamay at iginiya papunta sa kinapaparadahan ng kotse nito..

Habang kumakain ay laman pa din ng isip ni Tin yung mga sinabi ni Slater, masaya sya sa ipinagtapat nito.. Unti-unti na rin naman kasing napasok ni Slater ang puso niya e, masaya din siya tuwing nakakasama niya nito.. May libre pa syang harana tuwing naboboring siya. Kaya nakapagdesisyon na siya; “Slater, bakit nga ba di nating subukang dalhin sa next level kung ano man meron tayo ngayon? Malay natin mag-work diba? Besides, gusto rin naman kita e.. Kung kelan at bakit? Di ko alam,, Siguro start nung kinantahan mo ko nun sa music room,, Nagka-instant crush kasi ako sayo nun e.. hehe’!!”  

“Meaning?” medyo tense na tanong ni Slater

“Sinasagot na kita’!! Basta lang ba i-promise mo sakin na di mo ko lolokohin e” pagbibiro ni Tin para mawala na yung intensed moment nilang dalawa..

“Promise ko sayo Tin, never kitang lolokohin’! At kahit na sinagot mo na ko agad, liligawan pa din kita hanggang sa mahulog ka ng bongga sakin’!! I love you bebe Tintin’!!

“I love you too bebe Slater’!!

“Ay ayoko niyan, bebe Janjan nalang.. Tutal naman Janjan yung nickname ko nung bata pa ko.. Para magka-rhyme’!!”

“Hehehe.. loko ka talaga’ Sige na nga.. I Love you bebe Janjan’!!!”

(Hahaha,,, mga demanding'!!)

Continue Reading