Sweethearts Trilogy: Collidin...

By ShakespearaAngela

1.1K 27 2

Uh-oh.. Dead end. Itinukod naman ng lalaki ang dalawang kamay niya para ikulong ako. His scent came into me... More

Sweethearts Trilogy: Colliding Hearts
Chapter 2: Effects
Chapter 3: Reminiscing old memories
Chapter 4: Punished By A Kiss?
Chapter 5: WAFAF!
Chapter 6: Crushmate
Chapter 7: I Acted Like A Jealous Girlfriend
Chapter 8: Embrace
Author's Note
Chapter 9: Date?!
Chapter 10: He Cares
Unknown
Chapter 11: River of tears
Chapter 12: Saranghe
Chapter 13: She's Back
Chapter 14: Something's wrong
Chapter 15: Cold Treatment
Chapter 16: Emotions In A Jiffy
Chapter 17 : Unexpected
Chapter 18: Don't Leave
Unknown
Chapter 19: Be My Girl (Part 1)
Chapter 20: Be My Girl (Part 2)
Chapter 21: Mysterious Guy
Unknown

Chapter 1: Butterfly

76 2 0
By ShakespearaAngela

After 7 years...

"Avril, bangon na, 'nak."

"Anksojamakahkzksjoz." Hay. Ano ba 'tong alarm clock ko, ang ingay.

"Avril, gumising ka na." Niyugyog ako ni alarm clock.

"Jksgaoaniahaokaiokkhjzmnhzjs." Uso na ba talaga ang talking alarm clock?

Seriously, kailan pa naging ganoon ka advance ang technology?

Oh well, kinuha ko ang kumot.

"Hoy, Avril! Hindi kumot ang palda ko!" Binawi si kumot ni alarm clock.

Hay. 'Di bale na nga. Hindi naman ako nilalamig, eh. "Fyegsjs."

"Sa kapapanood mo ng anime at koreanovelas wala na akong maintindihan sa pag-iinalien mo anak. Kaya Avril Swift Ivashkov, bumangon ka na!!!"

Huaaaa! Ang ingay talaga!

Napabangon ako dahil sa tindi ng sound energy na pumasok sa tenga ko. "Alarm clock naman, eh. Mamaya mo na ako gisingin. Five minutes more.."

Hihiga sana ako ulit nang...

Yanigin ako ng pinakamalakas na pagbatok sa buong buhay ko.

"Huuuuaaaaaa!!! Tita naman, eh! Ang lakas niyo pong mambatok. 'Kala ko tuloy, end of the world na."

"Sorry 'nak, ikaw naman kasi, eh. Ang hirap mong gisingin. Nabulahaw na ata ang kapitbahay natin sa kagigising ko sa'yo, tulog ka pa rin."

"Eh, hehehe. Sorry na po. Ang ganda po kasi ng panaginip ko, eh."

"Ayiieeeeh!" Pabirong siniko ako ni Tita Mars. " Yung kababata mo ba 'yan?"

Naku... Eto talaga si Tita. Hahaha. Naikuwento ko kasi sa kanya ang tungkol 'dun.

"Ah, opo."

Tumayo siya. "Hay, naku. Hala, mamaya mo na ipagpatuloy iyan dahil malalate ka na! Quarter to seven na!" Sabi ni Tita bago umalis sa kwarto ko.

Ang reaction ko naman..

Loading..

Stretching-stretching.

Loading..

Hikab dito, hikab diyan.

Loading..

Loading..

Loading..

Loadi---------- Anoooooooooo?!!

Q-U-A-R-T-E-R-T-O-S-E-V-E-N-N-A?!!!

Bumangon ako at nagmadaling pumunta sa banyo. Binilisan ko ang pagligo.

Whaa! Tita naman, eh. Bakit 'di mo sinabi agad?!

Yup. Tita Mars. That's her. Uh huh.

Alaala niyo si Tita Mildred no? Siyempre, hindi. Baka makatulog na ako habambuhay sa pagbatok sa'kin.

Well, sa nag-aakala naman na si Daddy..

Huwag niyo nang tanungin.

Kung si Daddy kasi ang nambatok..

Baka bukas pa matagpuan ng mga astronaut sa outer space ang kaluluwa ko.

Huhuhu.

After I graduated on Grade six, kinupkop ako ni Tita Mars, ang kapatid ni Mommy, na kasimbait ko at ni Mommy. Hehehe.

Anyway, as I was saying, kinupkop ako ni Tita Mars nang malaman niya ang pinaggagawa sa'kin nina Tita Mildred at Nicole. Si Daddy naman, pumayag agad-agad! 'Di man lang pinigilan si Tita.

Hay, mas mabuti na rin 'yun. Kaysa maghirap lang ako ng maghirap sa poder niya.

Nagpapasalamat ako kay Tita Mars kasi katulad siya ni Mommy kung mag-alaga. Ang bait-bait. Oops, pero 'di niya ako ginawang spoiled brat.

Saka si Tita rin ang nagpaaral sa akin hanggang nasa Fourth year na ako ngayon. She became my second mother. Hay, swerte ko rin kahit papaano.

Pagkatapos maligo ay nagbihis ako ng school uniform at bumaba na para mag-breakfast. Pagkatapos magbreakfast, nagpaalam na ako kay Tita at kay Mary Jay, ang one and only daughter ni Tita, at umalis na ako papuntang school.

Pareho naman kami ng pinapasukan ni Mary Jay, kaya lang 'di kami sabay kung pumasok.

Bakit?

Kasimbilis kasi ni Marj ang mga turtles.

Yep, turtles.

'Di ko nga alam kung paano nakakarating ang bruha ng hindi nalalate. Sa tingin niyo, may magic broomstick ba siya?

Hay, tama na nga ang imagination. Kailangan kong bilisan ang paglakad. Kahit walking distance lang ang school namin eh medyo malayo pa rin ako.

Sana 'di ako malate. First day pa naman.

Pagkapasok ko ng gate ay dumiretso agad ako sa hallway. Titignan ko kasi sa bulletin board kung saang section ako nabibilang.

"Hmm. St. John Bosco section.."

"Whaa! Pareho pala tayo, Ril!!!"

Kung may kakilala akong kasimbilis ng pagong, may kakilala rin akong may kalahi ng kabute.

"Ay, mushroom!" Nabigla ako dun, ah.

Marunong bang magteleport ang bruha?

O binigyan lang talaga ng mga kabute ang bruha ng kanilang mga superpowers kaya bigla nalang sumusulpot kahit saan?

"Katty Lynn Genares, taga saang planeta ka ba nanggaling at bigla ka na lang sumusulpot?!"

Mayroon bang mushroom planet sa outer space?

"Sira!"

Binatukan niya ako.

"Aray." Kailan ba magkakaroon ng break sa pambabatok sa'kin?

Hay. Mayakap nga ang bruha, namiss ko, eh.

"Whaaaa! I miss you, Kaytlynn!"

We used to call her Kaytlynn.

She hug me back. "Namiss rin kita, Ril!"

"Ui, sali rin ako!" Sigaw ni Anne Riva Kristoffines. We made a group hug.

We also prefer to call Anne Riva, Ara.

Oo na. Lahat ng pangalan, pinaiksi namin. Ako naman, minsan Ril o di kaya Avy lang. Hahaha

"Phew! Ang higpit ng yakap niyo, namiss niyo 'ko no?" Sabi ni Ara nang kumalas na  kami sa isa't-isa.

"Haha. Siyempre naman!" Sabi ko kay Ara.

"Hahaha. Pero biruin niyo, magkaklase pa tayong tatlo?!" Tumalon-talon pa si Kaytlynn.

"Sinabi mo pa! Ang swerte natin!" Nakisabay rin si Ara.

Hay, namiss ko talaga ang mga best friends ko. Lalo na ang kakulitan nila.

"At dahil diyan, let's party party!" Iwinagayway ni Kaytlynn ang mga kamay niya.

Pero ang namimiss ko sa lahat ay ang pagiging loka-loka nila.

Kaya 'wag na kayong magtaka kung saan ako nahawa.

"Ikaw pala ang sira Kayt, eh."

"Nagmana lang ako sa'yo, Ril."

Natawa kami pareho.

Hay, mga loka-loka talaga, kahit kailan, kahit saan, nagsasama.

Pagkatapos ng konting chikahan ay pumunta na kami sa room namin. Then nagring na din ang school bell hudyat ng flag ceremony. Kaya kaming lahat ay pumunta na sa flag pole upang pumila.

Welcome to my Alma Mater. Ang St. Francis Academy. Kung saan kaming magaganda at mga gwapong fafables ay matatagpuan.

Echos lang!

Simula noong maghigh school ako ay dito na ako pinag-aral ni Tita Mars. Kahit medyo mahal ang tuition fee dito ay worth it naman kasi marami kang matutunan at marami ring activities na ginagawa ang school every year.

Three years of my existence here, halos kabisado ko na ang iba't-ibang klase ng mga estudyante rito.

May mga magaganda, of course! Kasali na ako dun, ha? Hahaha.

May mga mahilig sa sports.. Katulad ni Kaytlynn na mahilig magvolley ball.

Mga gwapo? Aba! Siyempre mayroon! Kahit saan ka tumingin, mayroon talaga.

Mayroong mga simple at friendly.

Siyempre! Mawawala ba ang mga baklitang mahilig rumampa? Hindi! Two of them are Gilbert and John Mark.

Mayroong mga nerd na serious sa kanilang "study life".

Mga loner? Mayroon rin. Pero hindi sila snob.

Mayroon ding mga smart pero 'di nerd looking.

At higit sa lahat, mawawala ba naman ang eepal sa istoryang ito? Introducing.. The Epal girls!!! Angat nga sila pagdating sa kagandahan, bagsak naman sa ugali.

Guess who's the leader?

Nicole Jade Ivashkov. My stepsister.

With her minions, na palaging nakabuntot sa kanya, sina Shiza at Clara.

Well, 'wag na natin silang pag-uusapan. Abangan niyo na lang ang pang-eepal nila.

May man-hater rin dito.. Ang nag-iisang si Anne Riva. Yup. Ang loka-loka kong kaibigan. Malalaman niyo rin kung bakit. The hint is may kinalaman sa love life niya.

Ako? Saan ako nabibilang?

I prefer to the group of simple and friendly. Pero ang kaibahan lang, eh I was having my nerd look. Siyempre! Baka matulala pa sila sa kagandahan ko no!

Mahangin na kung mahangin!

Pero I prefer not to catch the attention kasi. Mas gusto kong daan-daanan lang ako ng iba, keysa naman magkaroon ako ng fake friends dahil lang sa itsura ko.

Gets niyo naman 'di ba?

Pagkatapos ng flag ceremony, bumalik na kaming lahat sa kanya-kanyang mga classrooms.

Nagsimula na ang first subject namin, ang Math. Tapos sumunod rin ang ikalawa, Science.  Mabuti na lang at hindi masyadong boring magdiscuss ang mga subject teachers namin.

Pagkatapos ng dalawang subjects namin, an hour of recess.

Yup! One hour agad-agad! Kaya ang mga gutom, tara na sa cafeteria!!!

Siyempre kaming tatlo nina Ara at Kaytlyn, dumeretso na doon. Gutom na rin kami, eh.

Pumila kaagad kami katulad ng iba. Malapit na sana ako sa counter, kaya lang.

Kapa. Kapa. Kapa.

Kapa sa bulsa...

Naku! Nakalimutan ko nga pala ang wallet ko!!! Nasa bag ko nga pala 'yun!

Namention ko rin ba sa inyo na makakalimutin ako?

Ibinigay ko muna kay Ara na tapos nang magbayad ang mga inorder ko.

"Anne, pwede bang ikaw muna ang magdala nito? Pwede bang pakibayaran na rin? Nakalimutan ko kasing dalhin ang wallet ko. Babalikan ko lang."

"Sure! Makakalimutin ka talaga, Ril."

"Thanks talaga, Ara!!"

"No prob."

Nagpaalam din ako kay Kaytlynn.

Whaa! Takboooooo!

After three minutes, narating ko rin ang room namin. Huu! Ang hirap palang magmarathon.

Kinuha ko ang wallet ko sa bag at lumabas ng room. Nang makita ko ang mga Epal girls sa dinaanan ko kanina ay dumaan na lang ako sa open field. Dito minsan ginaganap ang pagpapractice sa ibang sports. Katulad ng soccer.

"Hay, ayoko nang tumakbo! Nakakastreslalu!" Panggagaya ko sa baklang classmate na si John Mark.

Napansin kong may makulay na bagay na lumipad-lipad malapit lang sa'kin kaya parang bata na hinabol ko 'yun.

"Whaaa! Butterfly! Ang cute!"

'Wag na kayong magtanong kung bakit ganito ang reaction ko. Minsan lang kasi ako makakita nito, eh.

Malapit ko na sanang mahawakan kaya lang..

"Ay, kabayo!"

Napatid ako.

Mabuti nalang natukod ko ang mga kamay ko.

Pero pagmulat ko.. 'Di ako makagalaw. Tapos naiimagine ko pa ang sariling mga mata na naging korteng puso.

Kiyaaaaaaa! Ang gwapo kasi ng kaharap ko, eh!

May pagkaKoreano ang mga mata niya, matangos na ilong, at kissable lips!

Tapos nakaayos na tulad sa mga kpop ang buhok niya.

Kamukha niya ang bidang lalaki sa To The Beautiful You! Si Choi Minho!!!

Our faces are only a few inches apart. Kaya nga 'di ako makagalaw.

I was captivated by him.

Ngunit natigilan ako, parang hindi na humihinga ang gwapong nasa harapan ko.

'Di kaya..

'Di kaya..

"Whaaa! Bangkay!"

'Di ko feel maging si Detective Conan!!!

  Patrick's POV

Hay, life... Parang buhay..

Hey.. Este hi! I'm Patrick Ian Dimitriv nga pala. But you can call me Ian.

Andito ako ngayon sa open field. May jet lag pa kasi ako, eh. Kagagaling ko lang ng Japan kanina.

Si Papa kasi, eh. Gusto akong pag-aralin sa SFA. Siyempre, nabigla ako!

Nang tanungin ko kung bakit ay hindi ko talaga alam ang irereact sa sagot niya:

"Wala, trip ko lang."

Damn. May trip bang ganun?!

Hay, 'di bale na nga. Wala naman akong magawa. Saka nandito na ako, eh. Katatapos ko lang din mag-enroll. Pero dito muna ako. Bukas na lang ako papasok.

Tinatamad talaga ako, eh.

Hmm. Parang may tao sa paligid.

O, grabe talaga ako no? Ang talas kasi ng pakiramdam ko kahit nakapikit.

Ah, bahala sila. Wala akong pakialam kahit loko-loko pa ang itawag nila sa mga katulad kong natutulog sa open field.

Te-teka lang...

Hininga ba 'yun?

Hindi ako huminga ng ilang sandali upang malaman kung hiningahan ba talaga ang mukha ko.

Maya-maya..

"Whaaa! Bangkay!"

What the f---"Ahhhhh!"

May babaeng gustong humalik sa akin!

"Whaaaaa! Nabuhay ang bangkay! Zombie!"

"Lumayo ka sa'kin! 'Di kita kilala!"

"Aaaaah! Nagsasalitang gwapong zombie!"

Itinulak ko siya. Lumayo naman ang babae at tumayo.

Tumayo rin ako. "Sino ka ba, ha?! Will you stop shouting?"

"Whaa! Nagsasalita ng English na gwapong zombie!" Eh? Ano raw?

Nilapitan ko ang babae at hinawakan ang braso niya. "Ano ba ang pinagsasabi mo?" Luminga-linga ako sa paligid. "Saka nasaan 'yung sinasabi mong zombie?"

"Eeeeeh! Bitiwan mo'ko!" Hinila niya ang mga braso niya habang nagsisigaw:

"Aaah! Lumayo ka sa'kin! Sayang aking beauty! Ayoko pa maging zombie! 'Di pa ako ready! Kahit gwapo ka.. 'Yoko sa'yo!!!"

Wow! Ang haba..

Ano raw?

Loading..

Loading..

Loading..

Naguguluhang tinignan ko ang babaeng palayo. Anong pinagsasabi nun? May topak ba siya? Ako ba 'yung tinutukoy niya na "nagsasalita ng English na gwapong zombie"?

Loading..

Loading..

After a while, I concluded ako nga. Hahaha.

Nung hindi ako huminga, akala niya bangkay ako. Nung nagmulat at nagsalita ako, inakala naman niya "nagsasalita ng English na gwapong zombie" ako.

Hay. Ang tanga pala ng babaeng 'yun.

Mas mabuti pang umuwi na lang muna ako. Baka kasi tawagin na naman akong "nagsasalita ng English na gwapong zombie".

I ride on my car and drive home..

Pero habang nagdadrive ako, may isang bagay lang akong 'di naintindihan kanina.

Bakit nakaramdam ako ng pakamiss sa kanya sa paghawak ko ng braso niya kanina?

Continue Reading

You'll Also Like

36.1K 2K 51
Old title: Ms. Chubby "I'm just another promise you couldn't keep" --LECKZY ***** Love cannot be written on paper because paper can be erased. It i...
29.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
605K 6.9K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024
5.9M 286K 65
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...