Chapter 26
Rio Grannel's POV
Maaga akong umalis sa mansyon ng mga Greeks para pumunta sa Holy Angel University. Nakasabit sa balikat ko ang pana habang naglalakad. Alas sais pa lang ng umaga at paniguradong nasa bahay pa nila si Rona.
Napahinto ako at napaisip. Sisilipin ko kaya sya sa kanila? pero para saan pa? ayaw nya naman na akong makita kaya siguro 'wag nalang.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit ang mga paa ko'y na pansin ko nalang na sa daan papunta sa bahay nila Rona naglalakad. May sarili na namang desisyon ang paa ko. Nang makarating sa labas ng bahay nila ay saktong pag bukas nya ng pinto. Dalidali akong nagtago sa likod ng puno. Deretso syang lumabas ng gate at naglakad. Pinalayo ko muna sya ng kaunti bago sinundan.
Himala, hindi nya kasama ang lalaking palagi nyang nakakasama.
Lakad lang sya ng lakad at parang pakialam sa paligid. Binilisan ko ang lakad ko at medyo malapit na ako sa kanya pero hindi nya pa rin ako maramdam.
Sobrang lapit na namin sa isa't isa pero ang layo pa rin naming dalawa. Parang gusto ko tuloy syang kalabatin kaso ayokong ipagtabuyan nya na naman ako. Nakarating na kami sa university pero hindi nya pa rin ako naramdaman.
Sa pagpasok nya sa gate ay doon na sumulpot ang lalaking kasama nya palagi. Napahinto ako at tinanaw nalang silang dalawa na nag-uusap, masayang masaya sya habang kausap ang lalaking 'yon. Samantalang ako na nasa likod nya lang at sinusundan sya hindi nya naramdaman. Ang manhid lang.
Hinarap ko nalang ang daan papunta sa bench na lagi kung tinatambayan noon. Isang buwan na rin na hindi ako nakakapunta at nakakapagtambay sa lugar na iyon.
Mabuti nalang ay walang taong nakaupo kaya umupo ako kaagad at inilapag ang libro at panang dala ko sa gilid ko. Dito ko nalang hihintayin ang paglabas ng tao para sa huling mission ko.
Gusto ko na din matapos ang mission ko dito para hindi ko na makita pa si Rona. Para tuluyan na akong malayo sa kanya, total iyon naman ang gusto nya. Ang lumayo ako at kalimutan sya.
Kahit ayaw ko na layuan sya ay kailangan kung gawin, lalo na ngayon masaya na sya sa taong palagi nyang nakakasama. Hindi naman kasi talaga dapat na nakikipag-usap ako sa mga tao, hindi ako kagaya nila . Ibang iba ako sa kanila.
"Rio?" Napalingon ako sa likod ko. Si Delve pala. "Ikaw nga!" sigaw nya at kaagad na dinamba ako ng yakap. Sobrang higpit ng yakap nya sa 'kin at bigla nalang syang humagulgol ng iyak. "Nakakainis ka Rio! Bakit ngayon ka lang nagpakita?"
"Hindi naman dapat ako magpapakita ulit e," sagot ko at inilayo sya sa 'kin ng kunti. Nagpahid sya ng luha sa mukha. "Bakit ka umiiyak?"
"Na miss kasi kita! Isang b'wan ka kayang hindi nagpakita at isang buwan akong walang nakakausap."
"Hindi mo pa din ba sya nakakausap?"
Lumungkot ang mukha. "Hindi na e. Siguro dahil may kasama na sya palagi. Hindi sila nagkakahiwalay ni Maxell, balibalita nga dito sila e."
"Ah." Sagot ko at itinuon sa malawak na fields ang paningin ko.
"Ikaw Rio, bakit ngayon ka lang?"
"Kasi wala na akong gagawin sa lugar na 'to."
"Anong ibig mung sabihin?"
"Tapos na ang mission ko dito. Aalis din ako mamaya pagkatapos kung gawin ang huling mission ko."
"Aalis ka din? Hindi ka na babalik?"
"Hindi na." Sagot ko at malakas na iyak na ni Delve ang sumunod. Tiningnan ko sya at niyakap. Umiyak sya ng umiyak habang niyayakap ako ng mahigpit. "Tahan na, papangit ka nyan."
"Iiwanan mo na ako." Napangiti ako at ginulo ang buhok nya. "Mawawalan na naman ako ng..."
Sabay kaming natigilan ni Delve sa liwanag lumabas sa libro na nakalapag sa tabi ko.
"Ano 'yan?" taka nyang tanong habang nagpupunas ng luha.
"Wala 'to. Sige alis na ako Delve, tatapusin ko lang ang mission ko."
"Magpapakita ka pa naman sa 'kin mamaya Rio diba?"
Umiling ako. "Ito na ang huli."
Muli ay dinamba na naman nya ako ng yakap. At habang nakayakap sya ay sinilip ko ang taong lumabas sa book of death.
Name: Rona Patricia Andrew
Age: 16
Born: April 07, 2002
Died: January 10, 2018
At lumabas ang picture nya sa libro.
POV
"Saan ka pupunta Zeth?" tanong ni Mattel. Kanina pa ako walang tigil sa pag-iyak simula no'ng malaman kung si Kuya ang huling mission ko. Hindi ko alam kung makakaya ko syang panain.
Alam ko na kasi ang mangyayari sa kanya once na matamaan sya ng pana ko. Magmamahal sya ng sobra sa babaeng makakahawak ng balikat nya kung sa'n tatama ang pana ko. At ayoko 'yon na mangyari kay kuya. Hindi sya pwedeng magmahal dahil isinumpa nya iyon bago sya maging pinakamataas ang rango sa amin.
"Hahanapin ko si kuya."
"Papanain mo na ba sya?"
"Hindi ko pa alam Mattel." Bumuntong hininga ako. "Ayoko pero kailangan kung gawin. May consequences akong haharapin kapag hindi ko ginawa."
"Kausapin mo kaya si Rio? sabihin mo sa kanya. Tara, samahan kita. Wala naman akong gagawin ngayon."
"Sigurado ka?"
Tumango sya. "Oo tara."
Nginitian ko sya at sabay naming kinuha ang mga pana namin at isinukbit sa balikat saka naglaho. Magkasunod na lumapag ang mga paa namin sa field ng holy angel university.
"Wow, ang laki ng school. Dito pala ang next mission ko?" nakanganga pa na sabi ni Mattel at inilibot ang paningin sa paligid. "Panigurado magugustuhan ko ang lugar na 'to. Mukhang mga elites ang mga estudyante dito."
"Ayan ka na naman e. Tara na, hanapin na natin si kuya." Sabi ko at hinila ang braso nya.
Lakad kami ng lakad at panay ang tingin sa paligid para makita si kuya kaso hindi ko sya makita. Napadpad na kami kung saan saan pero wala talaga sya.
"Nasaan ba sya?" inis kung tanong. Kung kailan hinahanap ko sya saka naman sya hindi magpapakita.
"Balik nalang tayo sa Greek place, baka nando'n sya."
"Sige." Sang-ayon ko. Maglalaho na sana kami kaso may biglang nagsalita.
"Oras ng klase bakit nandito kayo? bakit pagala-gala kayo?"
Nagkatinginan kami ni Mattel at sabay na nilingon ang nagsalita sa likod namin.
"Hindi pa kayo nakasuot ng uniform." Pagdugtong nya sa sinabi kanina.
Nagtatakang nagkatinginan ulit kami ni Mattel at hindi nakapagsalita. Kumunot ang noo kung binalik sa babae ang paningin ko.
"Pinagsasabi mo?" sabi ni Mattel sa babae.
"Pangalan nyo?" tanong nya na tila hindi narinig ang sinabi ni Mattel sa kanya. May hawak syang libro at binuklat iyon. "Pangalan." Ulit nya.
Siniko ako ni Mattel at nagtatakang nginuso ang babaeng nasa libro ang paningin. Nagkibit balikat ako dahil hindi ko din alam ang sagot sa tanong nya.
"Inuulit ko," iniangat nya na ang mukha sa amin at tinitigan ako ng deretso sa mata. "Pangalan." Walang ekspresyon ang mukha nya habang nakatingin sa 'kin, pero napansin ko ang biglang pagkulay green ng mata nya.
What was that?
"Zeth Grannel." Para robot kung sagot.
Yumuko sya at do'n lang ako napakurap. Ano 'yon? anong meron sa babaeng 'to? bakit naging green ang mata nya?
"Hindi kayo estudyante dito." Muli ay tiningnan nya kami. Kulay itim na ang mata nya. Totoo ba 'yong nakita ko kanina sa mata nya? "And you're not a human. Leave this place."
"Who are you?" tanong ko sa kanya. Ngumisi sya at tiniklop ang librong hawak.
"Grace Sandoval."
"You're not a human too." Sabi ni Mattel.
Inilipat nya kay Mattel ang paningin.
"Paano mo naman na sabi iyan?" nakangisi pa din sya pero walang ekspresyon ang mukha nya. Anong klaseng nilalang sya?
"Human can't see us. At ikaw nakikita mo kami. Ibig sabihin hindi ka tao. Sino ka?" pagpatuloy ni Mattel.
"Hindi mo na kailangan malaman." Saka sya tumalikod. "Go back to your world Greek Goddess."
At naglakad na sya palayo sa amin. Ano 'yon? nagkatinginan ulit kami ni Mattel.
"Sa tingin mo anong meron sa babaeng 'yon?" tanong ko kay Mattel.
"'Yon din ang tanong ko. Hindi sya tao kasi kilala nya tayo at nakikita nya tayo."
"Greek God din kaya sya?"
"She's not." Agad na sagot ni Mattel at naglakad. Sinabayan ko nalang sya. "Nakita ko kung paano naging green ang mata nya kanina. And in a snap, she hypnotized you kaya nasabi mo ang pangalan mo."
"Woah really? kaya ba gano'n ang pakiramdam ko kanina, para akong robot na sumagot sa kanya." Sabi ko.
"Maybe she's a peculiar."
"What?" napahinto ako at napahinto din sya. "May peculiar talaga?"
"Of course Zeth! May Greek Gods nga peculiar pa kaya?"
"Oo nga no? tara na nga, baka maakita pa natin si kuya."
Tumango si Mattel at nagtuloy kami sa paglalakad kaso may biglang bumangga kay Mattel kaya napaupo si Mattel. Nabunggo sya ng babaeng tumatakbo.
"What the hell!" inis na sabi ni Mattel.
Hindi ko sya pinansin kasi nilapitan ko ang babaeng nabunggo ni Mattel. Umiiyak sya.
"Are you okay?" tanong ko sa babae.
"Oo," tumayo ang babae at yumuko sa harap namin. "Pasensya na hindi kita napansin kaya nabunggo kita." Sabi nito kay Mattel.
"Next time be... wait, how come? you're not a human?" gulat na sabi ni Mattel sa babae.
Oo nga no! Bakit nabunggo nya si Mattel kung tao sya? hindi kaya hindi tao ang babaeng ito?
"Hindi ko alam ang pinagsasabi nyo. Alis na po ako."
"Wait," sabi ko sa kanya. Huminto sya at tiningnan ako. "You're not a human right?"
"Delve!"
Napatingin kami sa estudyanteng tumawag. Nawala na ang atensyon namin sa babaeng 'to. At Delve pala ang pangalan nya, kanina si Grace.
"Paano ka nandito Delve? nando'n ka sa classroom bago kami lumabas ah? nagwawalis ka do'n." Sabi ng babaeng estudyante. Hindi nya kami nakikita.
Nagkatinginan kami ni Mattel at sabay na naglaho sa paaralang 'yon. Bumagsak kami sa palasyo.
"Nakita mo 'yon? ibig sabihin hindi tao ang bumunggo sa 'kin." Sabi kaagad ni Mattel.
"Kung hindi sya tao, ano sya?"
Nagkibit balikat si Mattel at naglakad na papasok sa loob ng palasyo ng mga Greeks.
Ako naman dalidali syang sinundan. Kailangan ko pa palang makita si kuya at makausap. Kailangan nyang malaman ang nalaman namin ni Mattel.
*********
to be continued...