Since You've Been Gone

By TheLadder89

96.2K 5.8K 8K

⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime I will never forget you, my love. I hope you're happy wherever you are. ... More

Snippet
Introduction
SYBG 1
SYBG 2
SYBG 3
SYBG 4
SYBG 5
SYBG 6
SYBG 7
SYBG 8
SYBG 9
SYBG 11
SYBG 12
SYBG 13
SYBG 14
SYBG 15
SYBG 16
SYBG 17
SYBG 18
SYBG 19
SYBG 20
SYBG 21
SYBG 22
SYBG 23
SYBG 24
SYBG 25
SYBG 26
SYBG 27
SYBG 28
SYBG 29
SYBG 30
SYBG 31
SYBG 32
Happy April Fool's Day
SYBG 33
SYBG 34
SYBG 35
SYBG 36
SYBG 37
SYBG 38
SYBG 39
SYBG 40
SYBG 41
SYBG 42
SYBG 43
SYBG 44
SYBG 45
SYBG 46
SYBG 47
SYBG 48
SYBG 49
SYBG 50
SYBG 51
SYBG: Epilogue

SYBG 10

1.7K 124 217
By TheLadder89





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Memories"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"MOMMY! Is this our new home?" Malambing na tanong ni Ethan. Pagapang itong umakyat sa kama ng ina. Inaantok man ngunit may ngiti sa mga munting labi nito.

"Yes, baby. Dito na tayo titira. You need to go to sleep. We will be early tomorrow." Malambing niyang sabi sa anak. Hinaplos-haplos niya ang itim na itim nitong buhok.

"You will take me to school, Mommy?" Biglang sumigla nitong tanong. Ngumiti siya at tumango.

"Yes,I will take you to school tomorrow. You will meet new kids and you can make new friends." Sabi niya anak. Inilahad niya braso at iniangat ang kumot para makaayos ng higa si Ethan sa tabi niya.

"Wow. New school? Mommy, isn't that scary?" Tanong nito na parang matanda lang ito kung magsalita. Napatingin siya sa anak. Dumapa ito sa tiyan niya.

Habang naiiwan si Ethan sa pangangalaga ni Manag Seding, inasikaso nila ni Carmella ang pagbisita sa mga eskwelahan na inirekomenda sa kanila ng mga kakilala nila sa Japan. Dahil puro pribado ang mga paaralang ito, limitado ang bilang ng taong pwede niyang isama.

Ayos lang naman para sa mga magulang dahil nakatutok ang mga ito sa pagbabalik sa Paperkutz. Medyo malabo pa para kay Brielle at Carmella ang kanilang katungkulan sa pabrika ay ayos lang naman dahil kailangan niyang tutukan ang pagpapa-enroll kay Ethan.

"Yes, baby, new school and it is not scary. Maybe the first few days. but knowing you, you will make new friends easy." Bahagya siyang pumihit paharap dito. Nakita niya ang magandang ngiti nito.

"You think so, Mommy?" Masigla nitong tanong kahit halatang antok na antok na.

"I don't so... I know so." Magaang tinapik ng kanyang hintuturo ang ilong ng anak. Nanatiling lang na nakangiti si Ethan. "You are smart, not only that, you are handsome. AND..." Pinabitin ang sasabihin, tinitigan ang naghihintay na bata. "You are very friendly, too, just like your ..." Halos hindi niya mailabas sa bibig niya.

"Just like my who, Mom? Just like my Daddy?" Seryoso nitong dugtong at tanong. Napatitig na lang ng husto si Brielle sa matalinong anak.

Paano nga ba niya sasagutin ito? Samantalang napakadali lang naman ng tanong ng anak pero bakit hindi niya masagot? Malumanay siyang huminga ng malalim at maingat na bumuga.

"Yes, baby. Just like your Daddy." Sa wakas, lumabas din sa bibig niya ang sagot. Hinigpitan na lang niya ang akap sa anak. Nangilid ang kanyang mga luha ngunit pinigil niya. Matagal silang natahimik na pareho.

"YES!" Napalakas nitong sabi. Natawa siya sa excitement na nakikita sa anak. Ang sarap lang maging bata dahil walang ibang alalahanin ang mga ito, kung malungkot man ay sandali lang at lilipas din.

"You miss him, huh?" Biglang tanong ng anak. Tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha.

"Yes, baby. I really do." Matapat niyang sagot. Bakit pa nga ba siya magsisinungaling sa anak? "I miss him so much." Bagaman ayaw niyang mag-alala ang anak at hindi pa rin niya napigil ang hindi umiyak ng palihim.

Lingid sa kaalaman ni Brielle, alam ni Ethan na umiiyak na naman siya. Taliwas sa pag-aalala niya, may matamis na ngiting namutawi sa labi nito.

Ethan knows and understand that his mother loves his father so much and that is enough for him. He may be sad for not knowing his father, but as long as his mother could cry and smile later, he knows that they will be both alright.

Sabi ng Lolo Gramps niya, minsan kailangan ding umiyak ng mga mommies. Para maalis ang kalungkutan ngunit hindi naman ibig sabihin na hindi sila masaya. Ang pag-iyak daw kasi ay mabuti para sa puso basta ba wag lang araw-araw at parang ng nasisiraan ng bait.

"I miss him and Marie, too, Mommy. I miss them both." Hinalikan niya sa noo ang anak ng may luha sa pareho nilang mga mata.

Ganun lang sila hanggang sa nakatulog na si Ethan. Hinugot niya ang kamay sa ilalim ng leeg ng anak at tumayo. Pabuntong -hiningang kinuha ang litrato ni Siege na matagal ng nakaipit sa likod ng salamin ng kanyang vanity.

Pinagmasdan niya ito ng maigi habang manaka-nakang hinahaplos. Patuloy lang ang pagdaloy ng kanyang luha, hinayaan niya lang ito. Gusto niyang ilabas lahat ng sakit, ng lungkot, ng pagkasabik, at ng pangungulila sa kanyang mag-ama. Mukhang maging si Ethan ay pagod na pagod din kahit na walang ibang ginawa ito kundi ang mag-swimming sa pool ng mga magulang.

Kung nabubuhay ba si Siege, may kapatid na kaya ang mga anak nila? Ano kaya ang hitsura ni Marie? Parang pinupunit ang puso niya. Ang sakit naman ng kapalit ng panandaliang ligayang ibinigay sa kanya ng Diyos.

Hindi sa sinisisi niya ang Diyos sa nangyari sa kanila, pero hindi niya maiwasang magtanong, masaktan at manghinayang, umasa na sana masamang panaginip lamang ang lahat at malapit na siyang magising.

Tahimik na ang gabi at ito siya, gising na gising at nag-iisip pa rin. Ang daming nangyari nitong mga nakaraang araw. Ang daming nakapagpaalala sa kanya ng mga maliliit na detalye na may kinalaman sa kanilang kahapon, ang simula nila ni Siege at sa pangarap nilang ginupo ng isang pangit na bangungot.



Unang kita pa lang niya kay Siege sa coffee malapit sa kolehiyo nila ay na-in love na kaagad siya dito. Sino ba ang hindi? Gwapo, matangkad, mestizo, at nagtataglay ng labi nitong parang labi ng isang babae, mapula, mukhang malambot, at bandang huli ay napatunayan niya yun noong una siya nitong halikan.

Imagine ka, hindi pa man sila ay nahalikan na siya ni Siege at sa tapat pa mismo ng gate ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi sila nakita ng Papa niya. Mabuti na rin lang at tapos na siyang halikan ni Siege nang bumukas ang gate at iniluwa nito ang kanyang ama nung aktong kakatok.

"Pa, si Timothy Siegfried Scott po, kaibigan ko po. Tim, siya si Mr. David Villasis, my Papa." Pagpapakilala niya dito. Nakahinga siya ng maluwag dahil naipakilala niya ng maayos si Siege sa kanyang ama.

Pinipilit niyang tumingin sa mata ng ama. Ipinipilit niyang itago kung man ang maaaring makita at mabasa ng kanyang ama rito at tahimik na nanalangin na wala ring mabasa ang ama sa mga mata ni Siege. Sabi nga nila, "nagtatago ng katotohanan ang mga salita nungka ang mga mata".

"Good evening po, Sir." Inilahad ni Siege ang kanyang kamay. Matagal itong tinitigan ni David. Hindi naman nagbaba ng kamay si Siege. Tuwid itong nakatayo, nakangiti, at magaan na nakatingin sa kanyang ama. Wala siyang mabasa sa mga mata nito kundi kumpyansa. Nakahinga siya ng maluwag

"Good evening din sa iyo. Ginabi ka yata, Marielle." Seryosong tanong ng ama na hindi binabawi ang mga mata kay Siege ngunit inabot naman ang kamay ng binata.

Hindi naman sa pagsasabing istrikto ang mga magulang pero ngayon lang nakita ni Brielle niya na tumanggap ito ng ipinakilala niya. Lihim siyang nakahinga ng maluwag at na-relax.

"Nag-review pa po ako, Pa." Napayuko niyang sabi. Totoo naman kasi na nag-review pa siya at mabuti na lang at sinamahan siya ni Siege sa library nila kaya hindi na niya tinawagan ni Mang Asyong.

"Pasensiya na po, sir. Sinamaham ko na po siyang mag-review sa library kasi umalis na po yung kaibigan niya. I just wanted to make sure na makakauwi siya ng maayos. Pasensiya na po, sir. Di na po mauulit." Sabi nito sa papa niya na may kasama pang pagyukod na parang hapon. "Sige po, sir. I need to go home, baka hinahanap na rin po ako ng mga magulang ko." Nagulat si Brielle sa ka-sweet-an nito.

Parang namangha naman si Aaron sa sinabi nito at sa paraan ng pagkakasabi nito. Magalang, may pagkainosente itong kumausap sa kanyang ama, pero kani-kanina lang ay ang harot nito s kanya. Sino ba ang lalaking ito?

"Pumasok ka na muna. Dito ka na maghapunan at baka nagugutom na kayo. Tawagan mo ang parents mo para alam nila na safe ka rin. Hindi man lang kayo dumaan ng drive thru para kahit papaano ay nalamanan yang mga tyian n'yo." Patuloy nitong sabi na may halong panenermon. Sumilay ang inosenteng ngiti sa labi ni Siege.

"I'm sorry po, sir. It was my fault. Gumagabi na po kasi, baka mas lalo lang pong ma-late sa pag-uwi si Brianna kaya hindi na po kami nakadaan ng kahit burger man lang." Napatango si David dahil sa sinabi ni Siege. Lumapit ang papa niya sa kanya at inakbayan siya. Nagpatiuna na silang pumasok sa gate, sumunod naman si Siege. Maganda ang distansya nito sa kanilang mag-ama. Bumulong si David sa kanya.

"I like him." Maikli. Mahina... napakahina. Pero parang isang napakalakas na sigaw iyon sa pandinig niya.

Napatingin siya sa ama ng may pagtatanong sa kanyang mga mata. Nalilito siya. Alam niya at naiintindihan niya ang sinabi nito pero gusto niya lang makasiguro kasi baka mag-a-assume na naman siya katulad ng dati tapos maunsiyame lang uli ang lovelife niya.

"Po?" Mukha man siyang tanga ay okay lang. Basta makuha niya ang gustong sabihin ng ama sa sinabi nito. Sinisiguro niyang katulad din ito ng gusto ng sistema niya.

"I said, I like him. Magalang. Matapang. Honest. Kita ko yun sa mga mata niya. Saan mo ba yan nakilala at bakit ngayon mo lang ipinakilala sa akin?" Nakangising bulong ng ama sa kanya.

Alam ni Brielle na namumula ang kanyang magkabilang pisngi dahil nag-iinit ito at alam din niyang nakita yun ng Papa niya. Napatawa ang ama na ikinalingon niya kay Siege. Tahimik lang ito sa likuran nila. Simpleng ngumiti ito ng magsalubong ang mga mata nila.



"Mom. what's that you're holding?" Tanong ni Ethan. Nagulat si Brielle dahil gising pa pala ang anak. Akala niya ay tulog na rin ito.

"Yes, baby. It's daddy and me." Iniabot niya ang litrato sa anak. Kinuha ito ni Ethan at tahimik lang na tiningnan ang may kalumaan ng litrato ng kanyang mga magulang.

Naka-patterned long sleeves na folded hanggang siko at ripped blue denim jeans ang daddy niya. Naka-leather spadrilles din ito habang ang mommy naman niya ay naka-half sleeves turtleneck at acid washed denim jeans at canvas sneakers na puti. Ang pogi ng daddy niya. Tumulo ang luha ni Ethan. Tahimik niyang pinahid iyon na hindi naman napansin ng ina.

"Mommy, you and daddy are so beautiful together." Sumigok ito. Gabing-gabi na ay napaiyak pa rin sila ng anak. Pero naisip niyang mas mabuti na ang ganito para pareho nilang nailalabas ang lungkot at pangungulila na kani-kanilang nararamdaman.

"When was this taken?" Maya-maya'y tanong nito. Humingam una siya ng malalim bago sinagot ang bata.

"It was taken when I said yes to be your daddy's girlfriend. I was in college and daddy was already working at his parents' company, your Lolo and Lola." Sagot niya. Nakangiti siya kahit may naiiyak pa rin.

Ang biglang paggising ni Ethan sa kanya ay buong nakapagpamulat ng kanyang diwa. Hindi siya kaagad nakabangon dahil mabilis na tumukod ang maliit na siko nito at ipinatong ang baba sa palad. Malungkot na tumingin ang mga mata nito sa kanya.

Hindi man lang sinubok ni Ethan na itago ang mga luha nito kaya kita niya ang pagkakahilam ng magkabilang pisngi ng anak na sinabayan na rin niya.

Naisip niya, ilalabas nilang mag-ina ang lahat ng luha para sa gabing ito para paggising nila, maliligo sila at mag-uumpisa ng kanilang araw. At kung gusto nila uling umiyak na mag-ina gagawin uli ito. Hindi na niya itatago pa ang nararamdaman sa anak.

"Were we already in your tummy?" Inosenteng tanong ni Ethan. Nakangiti siya, nakatutok ang mga mata sa lumang larawan.

"No, not yet, baby. I was still at school. Daddy and I somewhat waited till I graduated before having you." Napahagikhik siya kahit na may luha pa ng maalala na naman ang gabing... ang maganda nilang kahapon. Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil ayaw niyang isipin ito ngayon. Not when her son is here with her.

"Tulog na baby. We are going to be early tomorrow." Paghihikayat niya sa anak.

"Thank you for sharing Daddy with me tonight, Mommy." Sabi ni Ethan sa kanya at hinalikan na siya nito sa pisngi. "Good night, Mom. I love you." Dugtong pa nito at humiga na patagilid sa tabi niya.

"Good night, baby. I love you, too." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ng anak na nakatanday sa kanya. At bumulong sa hangin.

"I love you, Siege. I love you, Marie."





MAGAANG nagising ang mag-ina kinabukasan kahit na napuyat ang mga ito sa kwentuhan at iyakan. Maaga ring nagising si Carmella at Amanda. Nakahanda na ang almusal. May naka-ready na ring kape sa coffee maker na nasa counter.

"Oh, good morning, hija." Bati ni Amanda sa kanilang mag-ina.

"Good morning Teh. Kape? Gusto mo?" Bati din ni Carmella sa kanya.

"Good morning. Ang aga n'yo ah." Bati niya sa dalawa.

Mabilisang inilibot ang paningin sa nadaanang sala at sa naabutang loob ng kusina. Nagtaka dahil wala pa ang Papa niya. "Ako na ang kukuha na kape ko, Ella. Kumain ka na at maghanda dahil aalis tayo ni Ethan papunta sa school niya ngayon. At may dadaanan din tayo pagkatapos." Sabi niya sa dalaga. T

umango lang ito at umupo na rin malapit sa pinagpatungan nito ng kanyang bakanteng coffee mug. Kinuha niya ito at lumapit sa counter at naglagay ng kape sa sariling mug.

"Nasaan si Ethan? Gising na ba ang apo ko?" Tanong ni Amanda sa kanya. Nginitian niya ang kanyang mama. Umupo muna siya bago sumagot.

"Alam n'yo naman po yang apo n'yo, Ma. Ayaw nang magpapaligo at magpabihis sa akin dahil big boy na daw siya." Natawa siya ng bahagya.

"Kung anu-ano kasi yang ipinapasok ng ama mo diyan sa ulo ng bata. Hindi hayaang lumaki at mag-mature ng kusa." Napapailing na sabi ng ina. Bago pa man siya makapag-comment sa sinabi ng ina ay may mga yabag na silang narinig.

"Syempre naman, Mama. Lalaki itong apo natin at hindi pwedeng lalamya-lamya, di ba, apo ko?" Tumangong nakangiti si Ethan. "Villasis-Scott ang apo mo at sa pagkakatanda ko ay isang matured at matapang ang tatay nito at ganun din ang Lolo Aaron nito." May halong yabang na sabi ng ama. Tinapunan ng madilim at nakamamatay na tingin ni Amanda ang asawa. Napahagikhik na lang sila ni Carmella.

"Tama!" Sagot ni Amanda na puno ng pagkasarkastiko. ".... at mayabang pa." Muntik nang maibuga ni Brielle ang iniinom na kape dahil sa sinabi ng ina.

"Okay ka lang, Ate Bri?" Tanong ni Carmella na hindi na rin maitago ang pagtawa. Tumango-tango siyang tumatawa.

"Ang aga n'yo akong pinagkakaisahan ha." Nakangiting sabi ng ama. Nangingislap ang mga mata nito. Alam niya na naghihintay lang ito ng timing para sa magiging come back nito at kailangan nilang maghanda.

"Eh, ang aga din kasing dumaan ng isang malakas na hangin na parang ipo-ipo, wala namang bagyo." Simpleng sagot ng ina habang nilalagyan ng pagkain ang plato ng ama. Magsasalita pa sana ang Papa niya nang biglang bumaba ng hagdan ang gwapo niyang anak na kamukha ng daddy nito. Hindi siya magsasawang ulit-ulitin na kamukha ito ng ama. Bagay na nagpapasaya ng kanyang malungkot na puso nitong mga nakaraang araw.

"Hi, Lolo Gramps! Hi Lola Grams. Hi, Ate Ella. Hello, Mommy!" Nagulat siya dahil may kung anong extra energy ang anak ngayong umaga. Hindi niya ito inaasahan, pero masaya siya. Kagabi lang ay pareho silang mukhang mga basang sisiw sa kaiiyak tapos ngayon, ito.... Anong meron?

"Good morning, apo./Good morning, Little guy./Good morning, handsome." Sabay-sabay na bati nila sa bata maliban sa kanya. Titig na titig siya dito. Lumapit ang anak sa kanya at hinalikan siya nito sa pisngi.

"Good morning, baby." Ngiting bati niya dito.

"Thank you for last night, Mommy." Nakangiting pasasalamat nito. Nandilat ang mga mata ni Brielle. Tinitigan ang anak. Si Ethan ba yun o si Siege. Bakit parang boses ni Siege yun?

"What did you say, baby?" Tanong niya dito. Tumingin ang anak sa kanya.

"What, mommy?" Balik tanong ng bata sa kanya. "I said good morning, mommy. Right Lolo Gramps?" Tumingin siya sa kanila. Nakatingin lang ang mga ito sa kanya. Oh, God. I am going insane!

NAASIKASO na ni Brielle a Carmela ang registration ni Ethan sa bago nitong eskelahan. Nahihiya pa nga ito noong una at mahigpit ang kapit sa kanyang kamay na nanlalamig at ayaw pa siyang paalisin, pero nung binati na ito ng mga bagong kaklase ay ngumiti na ito at lumuwag na ang kapit sa kamay niya.

Tiningala lang siya nito at ngumiti. Hinila nito ang kamay niya na parang pinalalapit siya dito kaya lumuhod siya para magpantay ang tingin nila ng anak.

"Thank you, Mommy. I love you." Hinalikan siya ni Ethan sa pisngi at kumaway na sa kanya. Lumapit ito sa lamesang itinuro ng bagong guro. Umupo na at nakipagkilala sa iba pang mga bata.

"Thank you, Ms. Crystal." Sabi niya sa nakangiting guro ni Ethan. Nilapitan siya nito.

"I think he'll be fine." Pahayag nitong nakatingin kay Ethan. "He looks familiar." Sabi ng teacher nito. Napatingin si Brielle sa kanya.

"Really? How come? This is his first time here in the Philippines. "Nagtataka man ay nakangiti pa rin siya.

"He looks like someone I know in college." Nakangiti itong nakatingin kay Ethan. Tinging nangingilala. "How is he related to the Scotts of ADS Group of Companies?" Dugtong na tanong nito.

"Between you and me, and I hope it won't come out, he is the grandson of ADS." Mahina at matapat niyang sagot. Biglang napalingon sa kanya si Ms. Crystal.

"Oh..." Sagot nito.












--------------------
End of SYBG 10: Memories

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes.

No part of this story/book may be reproduced, copied, recorded in any form, whether it is written or electronically, without the author's written permission. CTTO for media used.

💖~ Ms J ~💖
01.20.18

Since You've Been Gone
©All Rights Reserved
Nov 12, 2017

Continue Reading

You'll Also Like

173K 5.6K 22
Single mom by choice si Angelique Dela Serna Soriano. That was after so many failed relationships, idagdag pa ang pagkakaroon ng iresponsableng ama...
1.1M 34.5K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
211K 5.9K 32
COMPLETED FULL STORY Karen Santiago's ultimate goal in life is to marry Lucas Kendrick. Will her gorgeous face, wit, natural humour and charm earn h...