Sa lahat nang nagbabasa nito maraming salamat sa pagtitiis, lab u guys <3
Dedicated to @Nicatots_28 Hi po, maraming salamat po sa pagbabasa ng storya ko na to. Thank you! Thank you! ^^
Enjoy reading!
Patrick POV
"Mommy!"
"Ouh hijo nandyan ka na pala. Hows your day?" Tanong ni mommy sa akin pagkatapos akong yumakap sa kanya
"It was good. Alam niyo ba mommy nanalo kami kanina sa dodge ball. Hahaha and guess what, ako pa yung nagpanalo sa amin. Isnt your son amazing?" Sabi ko
"Hahaha galing naman ng baby ko. Akalain mo yun hindi ikaw ang nauna na out."
"Mommy, minsan lang kaya ako naaOut." Reklamo ko
"Minsan? Heheh if you say so baby." Sabi ni mommy
-____- anong ibig sabihin nun my?
"Hmm niya pala mie, nasaan si daddy? Nasa office pa rin ba siya?" Tanong ko
"Yup. But later we are going out to watch a movie. Heheh" sabi ni mommy
"You mean, magdadate kayo?"
"Yup. Heheh yung daddy mo kasi eh."
"naks! Feeling bagets lang ah. Ouh siya, mag enjoy na lang kayo. Iwan niyo na lang ako dito." Sabi ko habang nagpapanggap na nagtatampo
"Eheh hindi ka naman nag iisa. Nandyan kaya si indzae." Sabi ni mommy
"Mie naman. Alam mo naman minsan may ibang mundo yan pinupuntahan si indzae. Hindi ko masakyan yung trip niya."
"Hahaha intindihin mo na lang baby. Atsaka wag kang mag alala sa susunod mag fafamily bonding tayo."
"Talaga mie.!!" Ani ko
Tumango si mommy bilang pagsagot. At bago pa man ako makapagsalita ulit, narinig ko na bumisina si daddy sa labas.
"Ouh nandyan na daddy mo. Alis na ako ha. Ingat kayo dito." Sabi ni mommy saka nagmamadaling umalis.
Napangiti na lang ako sa kanila dahil parang mga dalaga at binata pa. Heheh
I love you, you love me. We are one big happy family-
"Hello" sagot ko sa tawag
Wag niyo na lang pansinin ang ringtone ko dahil trip kong eset ng ganun. E sa wala na akong makitang maganda, eh mabuti na lang etong themesong ni barney, para at least man lang epa alala niya na may nagmamahal sa akin.
Hahahha boom whogoat!
"Patrick, nasaan ka ngayon?" Sabi ng nasa kabilang linya
"Ano bang klase tanong yan Nyle, magkasama lang tayo kanina nung hinatid mo ako sa bahay, tapos tatanungin mo ako kung nasaan ako ngayon?" Sabi ko habang paakyat sa kwarto.
"Chinecheck ko lang . Baka kasi may nangyari na at umalis ka sa bahay mo." Sabi ni nyle
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko
Nakarating na ako sa kwarto ko at inilock ko na yung pinto.
"Listen to me very carefully pat."
"B-bakit? A-ano bang nangyayari sayo Nyle ha? Bakit parang kabado ka? Naka drugs ka ba? " ani ko sa kanya habang hinubad ang sapatos ko
"Hindi to oras para makipag biruan ka sa akin patrick.!" Sabi niya
"Eh sino bang nagbibiro? Tinatanong lang naman kita. Ano bang nangyayari sayo?" Sabi ko tsaka humiga sa kama.
Ah ! Sarap talaga ng pakiramdam kapag dumapat na ang likuran ko sa aking kama.
"Eh kasi nagaalala ako sayo. Patrick, na chat mo na ba si sir Sev? "
Sir sev? Bakit? Anong ka-ay oo nga pala. Yung kwintas.
Kinuha ko yung kwintas sa bulsa ko at tiningnan iyon.
"Hindi pa. Mamaya pa siguro. Bakit mo naman natanong?"
"Kasi kinakailangan mo maebalik ang kwintas na yan sa kanya. As in ngayon na."
"Bakit ngayon? Eh ang gabi na. Bukas na lang. Ebabalik ko naman talaga tu eh." Sabi ko
"Pat, ngayon na. Kasi baka mawala yan . Dahil may-xxxxxfgahshdhsbsh"
"Huh? Anong sabi mo nyle?" Tanong ko ng bigla hindi naging malinaw ang pagsalita ni Nyle
"Hello patrick? Naririnig mo ba-gshahavdj."
"Tss.. Ano ba yan Nyle, wala atang signal dyan eh. Ang mabuti bukas na lang ulit tayo magusap. Ok? Baba ko na tu." Sabi ko tsaka inend na ang call.
Sinuri ko ulit ang kwintas at bigla ako napatanong kung bakit gustong gusto ng ebalik ni nyle yung kwintas?
Anong trip ni nyle?
Tumayo ako sa kama tsaka magccr sana ng mapansin ko..
Bukas ang pinto ko.
P-paano bukas yung pinto? Eh nilock ko naman yun diba?
Ouh baka akala ko lang nilock ko pero hindi?
Nilapitan ko ang pinto tsaka isinara ulit. At nang kumuha ako ng damit, nagulat na lang ako ng mapansin .. Ang pinto bukas na naman.
Pucha! Sino ba yung nagbubukas ng pinto ko!
Isinara ko ulit. At hindi ako umalis hanggat nasisiguro ko na close talaga siya!
At habang binabantayan ko siya, hindi na siya bumukas.
Kaya naman umalis na ako.
Pero ...hindi pa nga ako nakakapasok sa cr ko, nakita ko na naman bukas yung pinto.
Bwesit! Nakakainis na ha. Humanda talaga sa akin ang nagbubukas ng pinto ko.
Kaya naman isinirado ko ulit iyon at agad ako nagtago sa kilid ng kabinet ko upang makita kung sino ang nagbubukas ng pinto ko.
Nagbantay talaga ako. Hanggang nakita ko na bumukas iyon. Kaya agad ako lumabas sa pinagtataguan ko upang hulihin ang bwesit.
"Aha! Ikaw pala-wala?" Walang tao sa kabilang parte ng pinto.
Lumabas ako para siguraduhin kung may tao ba or wala.
Pero wala talagang tao maski hallway namin. Atsaka teka bakit nakapatay lahat ng ilaw dito?
Nag earth hour na naman ba si indzae?
Lumabas ako upang malaman kung bakit nakapatay ang lahat ng ilaw sa hallway.
At laking gulat ko na pati pala sa ibaba nakapatay rin.
O___O brownout ba? Sinubukan ko buksan ang ilaw pero ayaw eh.
"Indzaae! Indzae!" Tawag ko kay indzae upang tanungin kung bakit nakapatay yung ilaw.
Hinanap ko siya sa kusina, sa kwarto niya pero wala siya dun. Asan na yun?
"Indzae! Indzae.! In-nandyan ka lang pala. " sabi ko ng makita siya sa itaas ng hagdan. "Kanina pa kita hinahanap. Asan ka ba galing? At bakit nakapatay yung ilaw? Brownout ba?" Sabi ko
Hindi sumagot si indzae. Ngunit nakatayo lang siya na parang statwa.
Ano bang nangyayari sa babaeng to Sinusumpong na naman ba eto ng kabaliwan?
"Indzae, oi. Sagutin mo naman ako. Indzae-"
"Bigay mo sa akin ang kwintas!"
Huh? Kwintas? P-paano nalaman ni indzae tungkol sa kwintas?
"Anong bang pinagsasabi mo indzae? Tsaka pwede ba sagutin mo muna yung tanong ko. Bakit nakapatay ang-"
"BIGAY MO NA SA AKIN ANG KWINTAAAS ARGHHHH!!!"
Agad ako napaatras ng sumigaw si indzae..
P-pero teka, ngayon ko lang napansin.. Bakit nakalutang yung paa ni indzae sa sahig? Tsaka hindi naman kahabaan yung buhok ni indzae, pero ang babae sa harapan ko ang haba ng buhok niya.. At straight pa, habang kay indzae may kulot. Dahil araw araw niya kinukulot yun!
Tae na! Tanga ko upang hindi napansin yun!!
Biglang lumapit sa akin ang babae tsaka sinakal ako.
"BIGAY MO SA AKIN ANG KWINTAS! Bigay mo sa akin! Kung hindi mamatay ka!!"
Futaa!! Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko din alam kung anong mararamdaman?! Matatakot ba ako dahil sa hitsura niyang puting puti tapos ang itim itim ng ilalim ng mata niya. Halatang hindi tao to?!
O Maiinis ako sa kanya dahil ang baho ng hininga niya! Pucha!
Sinubukan ko tanggalin ang kanyang kamay pero ang lakas niya. Kaya naman nararamdaman ko na unting unti nawawalan na ako ng malay.
At nang malapit ko na epikit yung mata ko bigla ko na lang narinig ang boses ni indzae.
"Ser patrick? Ser patrick!"
Havsvsv indzae-shsu tulong!
Sambit ng isipan ko.
"Ser patrick! Ser patrick, gising na po. Huy!"
GASP!!
O____O
"Hay salamat. Ni mata na jhud.( haay salamat, gumising na rin.)" sabi ni indzae
"Indzae anong nangyari? Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya
"Holo juicecolored! Nagka amnesia lagi ka sir. Kuyawa! (Nagkaamnesia ka sir? Grabe !) hindi mo ba naalala ser patrick? Na after kayo nagtawagan ni sir Nyle bigla ka na lang nag esleeping beauty sa hallway. " sabi ni indzae
"Huh? Natulog ako sa hallway?" Tanong ko
"Ambot nmo sir. Basta nakita na lang kita nagesleeping beauty habang parang inuubo. Anong nangyari sayo sir? Napaniginipan niyo ba na tiniTB kayo kaya parang ubo kayo ng ubo?" Tanong ni indzae.
"Wala. Wag mo na lang pansinin. Sige kwarto muna ako." Sabi ko tsaka umalis.
Agad ako pumasok sa kwarto ko. At isinara yun.
Tsss.. Ano bang nangyari kanina? Panaginip lang ba talaga yun lahat? Hindi ba yun nangyari? Ughh,naguguluhan ako ha. Makaligo na nga lang.
Kinuha ko na lang yung twalya ko tsaka pupunta na sana sa cr, pero biglang nahagip ng mata ko ang salamin sa dingding.
At laking gulat ko ng makita ang sarili ko. Hindi sa nagulat ako ng makita nag repleksyon ko, ngunit dahil sa nakita ko ang leeg ko sa salamin na pulang pula, at bakas dun ang hugis kamay na parang sumasakal.
Pucha! Totoo yun nangyari kanina ?!
Haylee POv
"Gabby!"
"Hey Hay! Nandyan na ba si kye?" Tanong ni gabby sa akin
"Oo, nasa itaas na siya. Halika na." Sabi ko tsaka sinamahan siya sa loob.
"Ano sa tingin ang kailangan ni kye sa atin?" Tanong bigla ni gabby habang papunta kami sa kwarto.
"Hindi ko alam eh. Sabi niya importante daw at kailangan niya tulong natin." Sabi ko
Hindi sumagot si gabby. Kaya naman hindi na rin ako nagsalita. At nang makapasok kami sa kwarto ko.
Nakita namin si kye na may tinitingnan.
"Kyennah, anong nangyayari? Bakit bigla ka nag annunsiyo ng meeting." Sabi ni gab tsaka umupo.
"Kailangan ko ang tulong niyo." Sabi ni kye sa amin.
"Anong tulong ba ang gusto mo kye? Cge tutulong kami sa abot ng aming makakaya." Sabi ko
"Thanks guys. Wala kasi ako mapagsabihan nito eh. Dahil kung meron sasabihin nila sa akin na baliw ako." Ani ni kye sa amin
"Ano ba yun? Atsaka bakit takot na takot ka? Anong nangyayari sayo kye? May nagawa ka ba?" Tanong ni gabby.
Matagal bago sumagot si kye. Pero kahit ganun hinintay namin siya maging ok hangat kaya na niya magsalita.
"Alam niyo yung linya na curiosity kills the cat?" Sabi ni kye.
"Oo, bakit? Ano bang nangyari sayo kye?" Tanong ni gab
"K-kasi hay, gabby.. Hindi ko alam kung paano epaliwanag pero .. Aish t-tingnan niyo na lang ang picture na eto"sabi ni kye tsaka may ipinakita sa amin isang picture
"Oh is that sir sev and ..miss clau?" I said ng makita ko sila sir sev and miss clau
"Oo,sila yan." Sabi naman ni kye
"Ano bang nangyayari dito? Bakit nandyan sila? Atsaka kye, bakit mo pinakita to?" Tanong ni gabby
Hindi sumagot si kye kaya naman tumingin ako sa kanya at nakita ko din na nakatingin si gabby sa kanya.
"Eh kasi.."
Kye POV
P-paano ko ba tu sasabihin sa kanila?
Maniniwala kaya sila?
"Eh kasi.. Hindi ko din alam. Kung bakit nandyan sila sir sev at miss clau." Sabi ko
"Sooo anong problema natin?" Ani ni gab
"Ang problema gab, is that nakikita niyo yung pinalilibutan nila?" Tanong ko
"Ahm parang stand ng jewelry?" Sabi ni haylee
"Exactly! Yan bagay na yan ang ginagamit para ilagay ang isang alahas. And may nakikita ba kayong alahas?" Sabi ko
Umiling silang dalawa ng sabay.
"Dba wala. Pero noong nakita ko ang litrato na yan may kwintas na nakalagay dyan. Dahil kasabay ng pagkakita ko sa picture may kwintas din ako nakita." Sambit ko
"Eh nasaan na yung kwintas kye?" Tanong ni haylee
Bigla naman bumalik yung alaala ko sa pangyayari ng nakita ko ang kwintas.
Kinakilabutan ako.
"Nahulog sa mesa. At hindi ko na nakita." Sabi ko
"Huh? Nawala?" Sabi ni gab
"Oo gab, nawala siya bigla. Nahulog siya sa kamay ko at ng dadamputin ko na sana may humila sa ilalim ng mesa. At nawala yung kwintas." Ani ko
"What? Seryoso ka kye?" Tanong ni haylee
"Oo haylee. Totoo yung sinabi ko. At akala ko yun na ang huli kong nakikilabot na experience pero hindi. Dahil kagabi may nangyari guys."
"Ano naman yun kye?" Sabi ni haylee
"Tingnan niyo yung litrato ulit. Bukod sa grupo nila sir sev may nakikita ba kayong ibang tao?" Tanong ko
"Oo, etong babae. Bakit kye?" Sabi ni gab
Nang sinabi ni gabby yun bigla akong kinabahan. Dahil sa nangyari kagabi ..
Flashback..
Pagkatapos kung magtoothbrush, bigla kong naalala ang picture na nakita ko sa club room.
Kinuha ko iyon sa bag tsaka tinitigan.
"Hmm totoo kaya yung nangyari sa akin kanina? Hmm t-teka nandito ba tu kanina?" Sabi ko ng makita ang babae sa picture
W-wala naman tu kanina ah. S-sila Sir sev lang yun. B-bakit may babae sa li-
"AHHHHH!" Sigaw ko ng biglang NGUMITI YUNG BABAE SA PICTURE AKIN!!
Fudge! Fudge! Fudge!!
Reality..
"What?!! She smiled at you?!! " sigaw ni haylee
"Shhh wag kang maingay haylee, baka marinig ka ng kakambal mo. Ayoko may nakakaalam dahil baka hindi sila maniniwala sa akin." Sabi ko
"Eh kye baka matulungan tayo ni nyle dito. Alam mo naman na may computer software si nyle na kung saan kaya niya mag search ng-"
"You think maniniwala sa akin si nyle? Alam mo naman yun dba? Hindi naniniwala sa mga paranormal things. Baka mamaya sabihan niya pa akong baliw. Hindi pa naman kami ganun ka vibes." Sabi ko
"Hmm ouh siya hindi natin sasabihin. Pero anong plano mo?" Tanong ni gabby
Nakatingin na sila sa alin, naghihintay sa akin sagot.
"Samahan niyo ako sa bahay ni Sir Sev." Ani ko
"Uh saan ba yung bahay ni sir sev?"
"Uh yun na nga ang problema. Hindi ko kasi friends si sir sev sa fb kaya baka pwede niyo siya echat." Sabi ko
"Hmm ganun ba. Sige ako na lang magchachat. " sambit ni haylee tsaka inon ang phone niya.
"Ok, so while hinihintay natin ang reply ni sir sev pahiram muna ng picture na yan at titingnan ko kung may kakaiba ba talaga dito." Sabi ni gabby tsaka tumayo.
"Ouh teka saan ka pupunta?" Tanong ko
"Magccr lang. Try ko if may kababalaghan ba mangyayari din sa akin." Sabi ni gab
"Gab, baka mapahamak ka." Sabi ni haylee
"Guys dont worry ang aga pa para sa katatakutan."
"Yan din yung sinabi ko noon gab. Pero walang oras na pinipili iyon." Sabi ko
"Chill lang kayo ok. Babalik din agad ako. Ouh dyan muna kayo. At hintayin ang sagod ni Sir Sev." Sabi ni gab at umalis dala yung larawan.
Naku sana naman walang mangyari na masama kay gabby.
Gabby POV
Hmm talagang ningitian si kye ng babaeng tu?
Eh paano? Totoo kaya yung sinabi ni kye? Baka naman namamalikmata lang siya?
Pero hindi eh, takot na takot si kye habang nagkukuwento . At hindi ganun kadali takutin ang isang Kyennah Dizon.
Kaya ano ang misteryo ng larawan na tu? At bakit nandito sina Sir Sev?
Papunta na ako sa Cr nila haylee hawak hawak ang larawan ng biglang may humablot nito sa kamay ko..
What the-
Agad ko nilingon ang kung sino man nasa likuran ko. At hindi ko aakalain sa nakita ko..
GASP!
---
(M/N: Hmm no comment lol. Share your reaction guys)
Xoxo
MNchan