Secretly InLove

By leiyharose

52.8K 928 188

Dukha, yan ang tawag sa mga katulad nila Francine...mga alila sa sariling lupain, ang mga katulad nila ay ina... More

- 1 -
- 2 -
- 3 -
- 4 -
- 5 -
- 6 -
- 7 -
- 8 -
- 10 -
- 11 -
- 12 -
- 13 -
- 14 -
- 15 -
- 16 -
- 17 -
- 18 -
- 19 -
- 20 -
- 21 -
- 22 -
- 23 -
- 24 -
- 25 -
- 26 -
- 27 -
- 28 -
- 29 -
- 30 -
- 31 -
- 32 -
- 33 -
- 34 -
- 35 -
- 36 -
- 37 -
- 38 -
- 39 -
- 40 -
- 41 -
- 42 -
- 43 -
- 44 -
- 45 -
- 46 -
- 47 -
- 48 -
- 49 -
- 50 -
- 51 -
- 52 -
- 53 -
- 54 -
- 55 -
- 56 -
- 57 -
- 58 -
- 59 -
- 60 -
- 61 -
- 62 -
- 63 -
- 64 -
- 65 -
- 66 -
- 67 -
- 68 -
- 69 -
- 70 -
- 71 -
- 72 -
- 73 -

- 9 -

737 7 0
By leiyharose

Kwarto

Manghang-mangha ako sa kwarto...totoo? Ganito kaganda ang hihigaan ko?

"Be-Be-tty?" tawag ko dito. Sumulyap sya sa akin.

"Sigurado ka bang kwarto ko ito?" Kumunot ang noo nya sa akin. Pero tumango din bilang sagot sa tanong ko.

"Opo maam.... nakahanda na din po ang tubig na pangligo po ninyo kung sakaling gusto nyo pong maligo muna. Bababa na po muna ako para po maghanda ng gatas." Paalam nito sa akin at agad na lumabas ng silid.

Ang lawak ng kwarto... halos kasing laki na ito ng bahay namin sa San Vicente. Nilibot ko ito para tignan ang mga gamit na andito, ang laki ng tv na andoon, may personal computer, speaker, isang malaking kahon na gawa sa kahoy na puno ng libro. Ang kwarto ay kulay puti din at itim din na marmol ang sahig. Napansin ko ang kama na malaki, masyado itong malaki.... para sa akin? Pero kung kasama ko dito ang Don at dito din matutulog sa kwarto na ito baka maliitan ako sa kwarto na ito. Napakagat ako sa labi ko dahil naisip ko. Maaaring sa mga susunod na oras na ito ay dumating na iyon at angkinin ako.

Ako... buong ako, hanggang sa wala ng matira sa akin... nangilid ang mga luha ko ng maisip ko iyon.

Tahimik akong nag iisip ng biglang may kumatok.

"Ms.Francine... nandito na po ang gatas nyo..." Sabi ni Betty.

"Pasok..." mahinang sagot ko at pumasok nga ito at nilapag sa side table ang gatas.

"May iuutos pa po ba kayo maam?"

Umiling ako, "Ok na ako, salamat Betty..." Ngumiti ako at ngumiti din sya. Lumabas agad ito ng kwarto.

Huminga ako ng malalim bago ako tumayo para pumunta sa banyo, sumilip ako doon, puro tiles ang banyo, kulay puti at itim din ang kulay doon. Ang ganda at ang linis ng mansion na ito, halatang alaga. Paglabas ko ng banyo ay napansin ko ang isang malaking pintuan na nasa side nito, sinubukan kong buksan namangha nanaman ako sa mga nakita ko.

Maraming mga damit, puro damit pang babae sa tantya ko. Ibig sabihin kaya pala ayaw ng Don na magdala ako ng mga damit ay marami palang damit dito na pang babae. Kumulo ang dugo ko ng maisip kong ilang babae na kaya ang dinala nito dito, ilang babae na ang nagsuot ng mga damit na ito.

Umiling ako sa isipin kong iyon. Bumalik ako sa kama para kumuha ng damit ko pangtulog. Dalawang pares ng pajama, dalawang pares ng pangbahay at dalawang pares ng pang alis ang dala ko at ang iba naman ay mga pangloob ko na.

Ayaw kong galawin ang mga damit na andoon, ayokong isipin ng Don na nag eenjoy ako sa mga bagay na pwede nyang ibigay sa akin. Sa marangyang buhay na pwede nyang ibigay sa akin, marangyang buhay na mala-impyerno.

Sapat na sa akin ang simpleng buhay basta kasama ko ang pamilya ko, ang simpleng pangarap na yon ay mahirap abutin sa ngayon, dahil sa nangyari kay ama.

Nangangain ata nga tanga ang banyo nila. Di ko alam kung paano gamitin ang mga gripo doon, kainis nakita kong may shower pero di ko alam kung paano, sinubukan kong pihitin ng pihitin iyon, naiinis na ako dahil sa inip na nadarama ko kasama pa ang takot sa puso ko. Balak ko na sanang magtabo pero wala kong makitang tabo doon.

Nakailang ikot pa ako pero wala talaga, nakahinga ako ng sa pagsisikap ko ay nabuksan ko din. Ang malakas na ragasa ng malamig na tubig galing sa shower.

Habang binabasa ng tubig ang hubad kong katawan ay unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang mga bagay... ang mga nangyari kung bakit ako nandito.

Naalala ko ang mga ngiti sa akin nila ama at ina. Ang masaya naming pamilya na kahit mahirap lang ay masaya padin kami, kahit kapos ay ok lang basta magkakasama kami.

Hanggang sa dumating ang araw ng atakihin si ama, doon na bumagsak ang mga luha kong kahapon ko pa pinipigilan.

Ang katotohanan na maaring paglabas ko sa banyo na ito ay mawala na ang Francine na iningatan ng aking mga magulang sa loob ng mahabang panahon.

Ang Francine na prinotektahan nila para maiwas sa mga lalaking umaalligid sa akin. Pero ito ako ngayon, ako na mismo ang magsusuko ng sarili ko taong kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na pag aalayan ko ng sarili ko.

Mahal ko ang sarili ko, pero mas mahal ko ang mga magulang ko... sila ang bumuo sa akin at handa akong magpakabasag ng sarili para sa kanila.

Iniiyak ko sa loob ng banyo ang lahat ng hinanakit ko, kapag makita ko ang Don Henry na iyon at magtangka syang galawin ako ay pipilitin kong manlaban. Kahit na sabihin pa nyang pag aari na nya ako.

Dahan-dahan akong humakbang palabas ng banyo, pinakiramdaman ko baka andito na ang Don sa kwarto. Kumpleto ang suot ko kahit na nakapajama ako ay may suot padin akong mga panloob, kung sakaling gapangin nya ako atleast may iba pa akong saplot.

Nakiramdam ako sa kabuuan ng kwarto, walang tao. Lumapit ako sa pituan at sinubukan kong icheck kung nakalock padin ba ito, nilock ko kasi yon bago ako maligo. Nakahinga ako ng maluwag ng masigurado kong nakalock ito.

Walang tao, pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin, baliw na ba ako? Wala akong nararamdamang may kasama ako pero pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin...

Matapos kong idouble lock ang pinto ay lumapit ako sa study table na andon para inumin ang gatas na dinala kanina sakin ni Betty. Inilang inom ko iyon bago ako humiga.

Pinatay ko ang ilaw at binuksan ang lampshade sa tabi ng higaan. Nagdasal muna ako bago pumikit ng tuluyan...

Ilang oras na akong nakahiga, alam kong pagod ako pero bakit di padin ako nakakatulog? Natatakot ako. Natatakot na talaga ako. Di ko alam ang maari kong magawa pag nakaharap ko na talaga ang Don, pero laking pasalamat ko at hindi sya ang sumundo sa akin sa San Vicente at wala din sya dito sa mansion nya ng dumating ako. Atleast nabigyan pa ako ng medyo sapat na panahon para magmunimuni at kaawaan ang sarili ko sa mga bagay na maaring maganap sa mga susunod na mga araw.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 181K 56
AUDITION GONE WRONG! Macey Ela Sandoval aspires to be a singer. Instead, she ends up in The Search for 7 Wives- a harem reality game, designed by the...