PAIN IN MY HEART (Completed)

By Ayangzkeie

46.9K 1.1K 307

Natali si Vincent sa isang kasal na ni minsan ay hindi niya ginusto lalo na sa babaeng kahit kelan ay hindi n... More

Disclaimer
PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
EPILOGUE 1 of 2
EPILOGUE 2 of 2 (FINALE)

7

1.5K 43 6
By Ayangzkeie

Chapter 7

"Hello Manay Salve!" masayang bati ko sa Mayordoma at katiwala ni Mommy sa kusina na si Manay Salve. Halos 30 years ng naninilbihan sa amin ang matanda at hanggang ngayon ay tapat pa din siya sa pamilya Cristobal.

Lumaki akong close ang mga kawaksi sa bahay dahil pinalaki ako nila mommy na dapat silang pahalagahan. Oo nga at isa akong spoiled na nakukuha ang lahat ng bagay pero hindi naman ako lumaking matapobre.

"Elie iha? Bakit napatawag ka? May problema ba ha?" bakas sa garalgal na boses nito ang pag-aalala. Para pa siyang hinihingal na ewan.

"Pssshh.. Wag po kayong maingay Manay, baka po marinig kayo ni Mommy na kausap ako siguradong mangungulit 'yun." halos pabulong kong sabi. Napabuntong-hininga naman ang matanda.

"Ay nakooow wag kang mag-alala dahil andito naman ako sa banyo nagbabawas ng sama ng loob hindi ako maririnig 'nun!" napangiwi ako sa sagot ni Manay Salve. Kailangan sabihin talagang nagbabawas siya?

Hindi na talaga siya nagbago.

"Yung Mommy mo panay ang kulit sa Daddy mo na tawagan ka. Alam mo ba ang ginawa naman ng Daddy mo?" pabitin niyang tanong. Narinig ko ang pag flush ng inidoro at ang paghigop ng laman niyon pailalim.

"Ano pong ginawa ni Daddy Manay?" tanong ko na pilit winawaksi ang imaheng namumuo sa isip ko na ginagawa ni manay.

"Ay ayun kinuha ang selpon ng Mommy mo at hindi din pinayagan gumamit ng tilipono." masakit sa tenga ang diction ni Manay Salve pero sanay na ako.

"Ah.. Mabuti po ang ganun kasi baka istorbohin ako ni Mommy sa honeymoon ko" pilit ang tawang sagot ko. Kaya pala hindi man lang ako nagawang tawagan kahit isang beses ni Mommy. Kung alam lang nila ang totoo siguradong magwawala sila lalo na si Daddy.

"Tama ka diyan iha, pati mga kapatid mo ay binalaan din ng Daddy mo na wag ka munang guguluhin ngayon hangga't hindi tapos ang honeymun mo." balita pa ng matanda. Napabuntong-hinga ako saka sumandal sa pinto ng ref. Kahit tigasin ang daddy ko napaka sweet pa din niya kaya naman mahal na mahal ko talaga siya.

"Ay teka ngang bata ka at maghuhugas lang ako wag mo munang ibababa ha, sandali.." sabi niya. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng gripo at tunog ng tabo.

Si manay Salve talaga!

Ilang sandali pa ay narinig kong muli ang boses niya sa kabilang linya.

"Bakit ka nga ba napatawag na bata ka?" tanong nito.

"Kasi Manay magpapaturo po sana ako kung paano magluto ng Sinigang na baboy? 'Yun kasi ang gustong kainin ng asawa ko." nahihiyang tanong ko. Hindi naman kasi talaga ako marunong magluto.

"Kasi naman, noong marami kang oras dito sa mansion tinuturuan kita ayaw mong sumunod. Hayan tuloy pumasok ka sa pag-aasawa na wala kang kaalam-alam sa kusina. Elie, iha kapag pumasok ka sa pag-aasawa dapat lahat alam mo ng gawin. Hindi pwedeng buhay prinsesa ka pa din. Iba na ang buhay mo ngayon. Oo nga at mayaman pa din ang napangasawa mo pero hindi ibig sabihin 'nun na iaasa mo lahat sa katulong. Iba pa din ang sayang nararamdaman ng mga asawang lalaki kapag ang asawa nilang babae ang nagluluto ng pagkain nila. Tingnan mo ang Mommy mo sa Daddy mo, hindi ba at saksi ka kung paano siyang alagaan ng Mommy mo?" mahabang lintiya ni Manay Salve. Sinigang na baboy lang naman ang tinanong ko napakadami na niyang sinabi. Pero tama naman siya mas maigi nga na maging hands on ako sa pag-aalaga sa asawa ko. Para mapasaya ko siya at para hindi niya pagsisihang pinakasalan niya ako. Dapat ngang maging inspirasyon ko si Mommy.

"Manay, paano lutuin 'yung sinigang na baboy?" natatawang ulit ko sa tanong ko kanina lumayo na kasi kami sa talagang pakay ko kung bakit ako tumawag.

"Nakowng bata ka, magmadali ka at ilista mo ang mga sasabihin ko."

Inisa-isa ni Manay ang mga sangkap at kung paano ito lulutuin habang ako naman ay nililista ang mga sinasabi niya.

"Elie,iha..kapag nagluluto o gumagawa ka ng mga bagay-bagay para sa asawa mo dapat lagi mong isipin na mapapasaya mo siya. Dapat isipin mong ginagawa mo ito dahil Mahal mo siya ha? Samahan mo palagi ng puso anak.." malambing niyang paalala. Tumagos sa puso ko ang mga sinabi niya. Nasanay na din akong tinatawag niyang anak. Isa pa ay wala naman talaga siyang naging asawa at anak dahil buong buhay niya ay ibinigay na niya sa paninilbihan sa pamilya namin. Kami na daw ang pamilya niya at wala na siyang mahihiling pa sa amin.

"Opo Manay, tatandaan ko pong lahat ng bilin niyo." naiiyak kong sagot. Namimiss ko na din siya. Napakabuti niya sa amin at ni minsan hindi niya kami sinukuan kahit makukulit kami nina kuya.

"Oh siya sige na at nangangawit na ako dito sa inidoro."






Ginawa ko ang lahat ng inutos ni Manay Salve na paraan at sangkap sa pagluluto ng sinigang na baboy. Hindi naman ako nahirapan dahil kompleto ang ref ng mga kailangan ko. Paborito ni Vincent ang sinigang kaya naman hindi nito nakalimutang bilhin ang mga sangkap niyon.

First time ko itong gagawin at masaya ako dahil ang taong mahal ko ang unang makakatikim ng luto ko.

Habang hinihiwa ko ang labanos ay dumulas sa kamay ko ang kutsilyo kaya naman agad akong nasugatan.

Mabilis ko itong itinapat sa gripo para madala ng tubig ang tumutulong dugo. Hindi ko maramdaman ang hapdi sa kamay ko dahil ang mabilis na tibok na puso ko ang tangi kong naririnig. Nasugatan ang mala kandila kong kamay. Tiyak na papagalitan ako ni Mommy kapag nakita niyang may sugat ako.

Ayokong umakyat sa kwarto para kumuha ng bulak at alcohol dahil ayokong makita ni Vin ang nangyari dahil sa katangahan ko kaya naman ipinampunas ko na lamang iyong parang maliit na tuwalya na nakasabit sa pintuan ng ref. Kahit paano'y tumigil na din ito sa pagdurugo dahil hindi naman ganoon ka lalim ang sugat. Matapos niyon ay itinapon ko na lamang sa basurahan ang ipinampunas ko.

Nagpatuloy ako sa pagluluto kahit hindi ko gaanong maigalaw ang daliri ko dahil sa hapdi ay natapos ko parin naman ito.

Kakatapos ko lang mag sandok ng pagkain ng marinig ko ang mga yabag ni Vincent palapit sa kinaroroonan ko. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko dahil sa prisensya niya. Muntik ko pang matapon ang sabaw sa mangkok na hawak ko ng magtama ang paningin namin.

Napalunok ako sa itsura niya.

Naka topless siya at tanging boxer lang ang suot kaya naman litaw na litaw ang magandang hulma ng katawan niya maging ang harapan niya ay nakabukol din. Magulo ang buhok niya at namumungay ang mga mata na halatang kakagising lang pero hindi 'yun nakabawas sa kagwapuhan niya bagkus ay nakadagdag pa. Parang gusto ko tuloy ilandas ang mga palad ko sa matigas at makinis niyang dibdib.

Ganun pa man ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mainggit dahil nakapag-pahinga na siya samantalang ako ay hanggang ngayon hindi pa din nakakapag-shower. Nanlalagkit na din kasi ang balat ko.

"Gigisingin pa lang sana kita kasi tapos ko ng lutuin 'yung request mo." pinasigla ko ang boses ko para hindi niya mahalatang pagod na ako.

Hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kaniya tiningnan lang niya ako sandali saka ibinaling ang paningin sa pagkaing nakahain.

Matapos mapagmasadan ang umuusok na sabaw ay naupo na siya sa gitnang upuan saka nag-umpisa ng mag sandok ng kanin para bang hindi niya ako kasama. Kahit hindi niya ako niyaya ay naupo na rin ako sa katabi niyang upuan.

Gutom na din kaya ako kanina pa.

Para akong batang nakatanga sa harap niya habang hinihintay ko ang magiging reaksyon niya sa niluto ko.

Kumuha siya ng sabaw at dahan-dahan iyong inilapit sa bibig niya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya matapos niyang matikman ang sabaw ng sinigang ko. Kinabahan ako, madilim ang mga mata niyang tumitig sa akin at mababasa mo mula doon na hindi niya nagustuhan ang lasa ng niluto ko.

"Ano 'tong niluto mo?" malalim ang boses niyang tanong tila nagpipigil na sigawan ako.

"Ah..sinigang na baboy sabi mo 'yan ang lutuin ko.." kinakabahang sagot ko. Napapitlag ako ng ihampas niya ang kaniyang palad sa lamesa dahilan para malaglag ang mga kutsara at matapon ang sabaw sa sahig.

"Sabi ko sinigang hindi nilaga! Nasaan yung asim diyan?" sigaw niya sa akin. Napatayo na din ako ng tumayo siya. Nanginginig ang mga tuhod ko, ganito pala siya magalit nakakatakot.

"I'm sorry Vin.. Lulutuin ko na lang ulit, nakalimutan ko sigurong ilagay 'yung pampaasim.." natataranta kong sabi. Napakadami naman ng makakalimutan ko bakit 'yung tamarind pa! Minsan ang tanga ko talaga.

"Nagluluto ka nang hindi mo tinitikman ang niluluto mo?  Saan ka bang planeta galing simpleng sinigang hindi mo magawa. You're impossible."  singhal pa niya. Nasasaktan na talaga ako sa ipinapakita niya sakin. Parang dinudurog ng paulit-ulit ang puso ko. Alam ko namang kasalanan ko pero kailangan ba talagang sigawan ako?

"I'm sorry, maupo ka na ulit saglit lang 'to.." kinuha ko ang mangkok na puno ng sabaw pero dahil nangingig ang kamay ko ay natapunan ng mainit na sabaw ang daliri kong nasugatan kanina.

Sobrang hapdi pero mas lamang ang hapding nararamdaman ng puso ko. Hindi ko ipinahalata kay Vincent na may iniinda akong sakit kaya ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.

"Hindi ko na kakainin 'yan. Kainin mo lahat kung gusto mo."walang emosyon niyang sabi saka ako tinalikuran.

"Teka anong kakainin mo? Hindi ka pa kumakain simula kanina eh.." hindi ko maiwasang hindi mag-alala alam ko kasing gutom na gutom na siya tapos palpak pa ang luto ko, feeling ko tuloy I ruined his favorite dish. Pero pinagpaguran ko naman itong lahat, sabi ni Manay Salve samahan ko ng pagmamahal sobra-sobra pa nga ang binigay ko eh.

"I'll eat outside. Gusto kong kumain ng matinong pagkain." sagot niya na hindi ako nililingon. Tila daang-daang karayom ang tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ganito ba talaga siya ka heartless? Wala ba talaga siyang pakialam sa pinagpaguran ko?

Naiiyak akong napatungo na lang saka hinayaan siyang mawala sa paningin ko.

Kanina pa nakaalis si Vincent pero hanggang ngayon ay nakatanga pa din ako sa lamesa at sa pagkaing iniwanan niya. Hindi ko na napigil ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayokong sabihin niya na mahina ako. Ayokong makita niya na sumusuko na ako, ako naman talaga ang may gusto ng lahat ng 'to kaya dapat lang na hindi ako sumuko. Kung ginagawa niya 'to para lang tigilan ko na siya hinding-hindi ko gagawin 'yun!







Kanina ko pa inaabangan ang pagbabalik ni Vincent pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Mag aalauna na ng madaling araw pero hindi pa din siya umuuwi. Sabi niya kakain lang siya sa labas pero hanggang ngayon ay wala pa siya,  nag-aalala na ako kung nasaan na siya. Hindi niya dala ang cellphone niya kaya wala akong way para tanungin kung nasaan na siya.

Hindi ko naman pwedeng tawagan sina Veronica or tita Dolores dahil baka mag-alala din sila. Ayoko ng makadagdag pa sa alalahanin nila isa pa ay hindi ko din alam kung alam na ba nilang narito na kami sa Manila. Mukha kasing hindi pa nila alam dahil kung alam na siguradong mangungulit na sa akin si Veronica at hindi na ako tatantanan sa kakatanong ng isang 'yun. Hindi din matutuwa sa Vincent kapag nalaman niyang kinontak ko ang pamilya niya.

Where are you Vincent? Are you with Monette? Kasama mo ba siya? Pinuntahan mo nanaman ba siya?

Nasaktan ako sa sarili kong naisip. Hindi imposibleng mangyari ang iniisip ko. They've been together for almost 6 years at kung hindi siguro ako umiksena sa buhay nila malamang na sila ang magkasama sa bahay na ito.

Napabalikwas ako ng bangon sa kinahihigaan kong sofa ng marinig ko ang paghinto ng kotse sa tapat ng bahay. Hindi ako maaring magkamali kay Vincent ang kontseng iyon.

Inayos ko muna ang sarili ko saka ako excited na tumungo sa pinto upang pagbuksan ang asawa ko. Oras lang na nawala siya sa paningin ko ay miss na miss ko na kaagad siya.

"Saan ka--" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil tila nalunok ko ang sarili kong dila. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko nagawang makakilos man lang.

Namamasa ang mga mata kong napatitig kay Vincent at sa babaeng kasama niya. Puno ng pagtataka at pait ang nararamdaman ko.

"S-sino siya?" nauutal na tanong ko. Hindi ko nga alam kung sapat na ba ang lakas ng boses ko para marinig nila.

Imbes na sumagot ay ngumisi lang sa akin si Vincent saka niya marahang ikinawit ang mga braso sa bewang ng babaeng ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Para namang kinurot ang puso ko ng pinong-pino dahil sa nakitang ginawa niya sa mismong harap ko pa!

















I just wanna say thank you again sa lahat ng naghihintay ng updates ko kahit super slow ako este ng update ko HAHA! Salamat din po sa nag aadd ng story na to sa mga library nila! Super naappreciate ko po lalo na yung mga nagvovotes and nagcocomment :D
Tenkyu! Tenkyu!

Labyu guys! Muah!

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 99.8K 61
"You can stop me but you can't stop my heart." *** The struggle of being a parent is real for Chase Buenaventura who only devoted his life to his ca...
26.7M 623K 47
Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl could dream of. He's the man every lady...
2M 96.3K 43
SIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined rol...