Stuck in the Moment (Stuck Se...

By NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... More

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Chapter 31

261K 4.4K 2.1K
By NerdyIrel

Nakaka-flatter naman yung mga comments niyo sakin. Hehe :)

Thank you sa mga nagsabi na ang galing ko daw, feeling ko tuloy humahaba yung hair ko! Ingat lang, baka matapakan niyo! Haha. Etchos. Thanks din sa mga nakaappeciate nung ginawa kong trailer ng story ko. Honestly, di ko ine-expect na 92K ang magiging views nito. Haha. Sana umabot ng 100K para mas masaya! Supah-thanks! 

#PAI - Di kaya tumira si Gino sa bahay ni Mikay? Feeling ko lang. :D <3

--------------------


Chapter 31


Khalil's POV


Nakapagusap kami ni Sofia kaninang umaga.

Mukhang wala na nga siyang pagasa kay DJ. Grabe, kawawa naman siya. Mahal na mahal niya yung tao pero may mahal na iba si Daniel.


Atleast ako, may pag-asa pa. Unahan ko lang si DJ, magiging kami rin ni Kath.


Mukhang magkagalit pa si DJ at Kath. Ibig sabihin nun, mas lalong tumaas ang chance ko.

Kaso minsan iniisip ko, nilalayuan ako ni Kathryn. Nung nasa resort kami, wala kaming masyadong time together. Halos wala nga eh.


Or baka naman napaparanoid lang ako?

Mas kinakausap niya ako palagi compared kay Daniel.


Kailangan ko talaga kumilos.

Yung pagbabago ng look ko? Hindi naman tumalab. Siguro dapat magbago ako ng style. Ipaalam ko siguro sa kanya na nanliligaw ako.


Tama! Ayun na lang gagawin ko.

^_^



Kathryn's POV


Habang naglalakad kami ni Khalil, kahit isa samin, walang umiimik.

Abay magsalita siya! Ayokong mauna noh! Sumama-sama kasi siya tapos di niya pala ako kakausapin. Adik lang?


"Ahh Kath" YOWN! Nakaramdam yata.

"Bakit?"

"Magkaaway ba kayo ni Daniel?"


0_o

Bakit niya naman gusto pagusapan si DJ? Ano meron?


"Teka, bakit mo naman naitanong?"

"Kahapon pa kayo hindi naguusap tapos kaninang lunch, nag-irapan kayo"

"Huh? Ano...Alam mo naman kami ni DJ. Kahit kailan, di kami nagkasundo nun"

"Ahhh"


"Ah, kath. Guess what?"

"Ano?"

"Wala"


(-_-)

Guess what tapos walang sasabihin. HAY NAKU! GRRR!


Pagdating sa bahay, ine-expect ko na siya na umalis kaso di naman.


"May kailangan ka pa ba?" Tanong ko.

"Ahh. Wala. Uhm. Wala kasi akong magawa sa bahay eh"


Di ko gets yung sinasabi niya. 

Ano naman ngayon kung wala siyang magawa?


"Okay. Sige, pasok na ko. Kita na lang tayo bukas"

"Ah Kath, teka. Pwede ba ko mag-stay muna diyan? Sige na. Pampalipas lang ng oras"


O_O

Hala. Nasa bahay si Mama tapos si Kuya rin. AYOKO NGA!


"Sige na. PLEASE. Saglit lang ako, tatambay lang talaga" Tapos nag-smile pa siya.

"Ehhh kasi----"


Magsasalita sana ako kaso biglang bumukas yung pintuan ng gate.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Kuya neil.


"Oh kanina ka pa dito?"

"Hindi kuya. Kakadating ko lang. Ay oo nga pala, si Khalil kasama ko"


Tumingin si Kuya kay Khalil tapos nag-smile naman si bestfriend sa kanya.


"Papasok ka ba sa loob? Pumasok na kayong dalawa. Nandyan si Mama. May bibilhin lang ako sa tindahan" Sabi ni Kuya.


Tumungo na lang ako then tumingin ako kay khalil.

Sasabihin ko sana na wag na kaso ito naman kasi si kuya!!! Epal talaga.


"Tara kath" Wala na rin naman akong magagawa. 

Napaka-rude ko naman siguro kung papalayasin ko pa siya.


Di naman ako galit sa kanya. Sadyang ayoko lang mag-entertain ng bisita ngayon. 

Pano, badtrip kasi ako.


Pagpasok namin, pinaupo ko muna siya sa sala bago ako dumiretso sa kusina.


"Ma,may bisita po ako sa sala. Aakyat lang ako, magpapalit lang ng damit"

"Ah ganun ba. Ano ba gusto niyong merienda? Pansit?"

"Sige ma, ikaw na po bahala"


Tapos tumakbo na ko paakyat papuntang kwarto ko. Nagpalit lang ako ng pajama and tank top tapos bumaba na rin ako. Kawawa naman si Khalil kung walang kausap.


Pero pagdating ko dun, nakita ko si kuya na nanunuod ng basketball kasama si Khalil. Mukhang naguusap sila.


"Hoy, nililigawan mo na ba si Kath? Wag mong liligawan yan" 


Hala. Ligawan agad?


"Huh? Bakit naman po?" Sabi naman ni Khalil.

"Panget yan eh kaya kung liligawan mo siya, masasabi kong wala kang taste"


GRRR! Itong si Kuya, bwisit talaga kahit kailan.


"Hindi naman po panget si Kathryn"

Itong si Khalil, ang daming alam!


"So nanliligaw ka ba?"

Ay ang kulit ni Kuya neil!


"Di pa po"

"May balak kang manligaw?"

"Opo"


O_O

Hala. Ano daw? Grabe naman siya magbiro.


"Ahem" Kunwari kakababa ko lang ng hagdanan.


"Uy kath, kanina ka pa diyan?"
Tanong sakin ni Kuya.

"Ha? Hindi ah. Bakit?"

"Ah wala" Si Khalil na yung nagsalita.


Hahahaha laughtrip itong dalawa. Naglihim pa sakin eh wala rin naman kwenta yung nilihim.


"Tara, kain tayong pansit" Nagyaya na ko sa kanila tapos pumunta na kami sa dining room.


Umupo na ko, tumabi sakin si Khalil. Kaharap namin si Kuya at si Mama.

Habang kumakain, biglang nagsalita si mama.


"Ikaw ba yung kinukwento ni Neil na nanliligaw kay Kath?"

Hala. Oo nga pala, inasar ako ni Kuya nun.


"Po? Hindi po. Hindi po ako nanliligaw. Bakit po? May nanliligaw na po ba kay kath?"


(_ _)

Grabe naman sila. Bakit ba ako ang topic nila?


"Sabi ni Neil, dalawa daw yung manliligaw ni Kath" 

MAMA NAMAN!!!! Ang daldal naman eh!


"Ma, asar lang sakin yun ni Kuya. Si Khalil po yan, yung nakwento ko na naghahatid sakin" Ako na yung nagsalita since wala naman balak si Kuya magsalita.


"Ah. So hindi siya yung isa? Ano nga bang pangalan nun?"

ARGH! Kailangan alamin? Naku!


"DJ, ma" Si Kuya na yung nagsalita. Napansin kong tumingin sakin si Khalil.

"Di naman nanliligaw sakin yun. Inihahatid lang ako paminsan-minsan"

"DJ ang pangalan? Siya ba yung partner mo nung event?"

"Opo" Sagot ko.


Kumain na lang kami ulit pero hindi dun nagtapos ang pagtatanong ni mama.

Tanong siya ng tanong kay Khalil. Sagot naman ng sagot itong katabi ko.


After ng merienda, pumunta kami nila Khal at Kuya sa sala. Tapos nanuod kami ng movie sa HBO. Sigaw ako ng sigaw dun sa movie na Red Eye. Paano, suspense talaga yun. Naghahabulan sila nung guy na gusto pumatay sa kanya.


"TAKBO BILIS!! BALIW, WAG KA NA TUMIGIL!! LINGON LINGON KA PA, MAHAHABOL KA NA!"


Kuya: "HUY! Affected much?"

Khalil: "Haha kath, nakakatuwa ka pala manuod ng movie"


"SSHH WAG MAINGAY" Sigaw ko sa kanila.


Tumawa lang yung dalawa pero hindi ko na sila pinansin. 

Bakit ba? Nakakadala naman talaga yung palabas.


"AHHH! WAG KANG LALABAS DIYAN! NAGTATAGO LANG SIYA!! NAKU!!! MAKINIG KA NGA SAKIN!"


Tumawa ulit sila kuya pero tinignan ko sila ng masama kaya tumahimik sila.

Hahaha Like a boss. Masama akong magalit kapag natutuwa ako.


"HAHAHA BUTI NGA SAYO! NASAKSAK KA NA NG BOLLPEN KANINA, HEELS NAMAN IBINAON SAYO! HAHAHA" Tawa naman ako ng tawa kaya sila kuya tumawa rin.

Bakit ba kasi ako ang pinapanuod nila?


"Pwede ba, MYOB!" Sigaw ko.


"Huh?" Sabi nung dalawa, nakanganga pa sila.

HAHAHAHAHAHAHA!


"Mind your own business" Explain ko sa kanila.

"Tsss...Ang saya mo kaya panuorin...hehe" Ito talaga si Kuya! Lagi na lang ako!

^_^


"AAAAAAAAHHHHHHHHHHH AYAN NA SIYA! BILIS!!!" Sa kakasigaw ko, mukhang narinig ako nung actress. Tumakbo kasi siya ng mabilis.


Khalil: "Effective ah"

Kuya: "Makasigaw nga rin. MAS LALO NIYO PA NGA PAPANGITIN SI KATH PARA MAS MASAYA----Aray"


Paano siya hindi aaray eh binatukan ko siya? Hahaha. Adik kasi!


"Ang cute niyong dalawa magasaran. Para kayong mga bata" Sabi ni Khalil.

"Ano? AKO PARANG BATA? EH KUNG SAPAKIN KAYA KITA"


Tumayo pa si Kuya kaya nanlaki yung mga mata namin ni Khal.

Hala! OA?


"Ahh...kuya neil..joke lang" Nanginginig pa yung boses ni bestfriend. Nakakatakot kasi si Kuya, parang monster ang face!


"JOKE? AKO JINOJOKE-JOKE MO LANG? HA?"

"Eh ano...ahh"


Nakatingin lang ako kay kuya. 

Yung totoo? Galit ba talaga siya? Parang hindi kapani-paniwala.


"AHAHAHA JOKE LANG DIN!! HEHEHE TAKOT KA NOH?"


Natawa kaming tatlo kay kuya, bwisit na yan. Nanunuod ako eh, tapos ginulo niya ko.


Teka, nasan na ba ako.

Umupo na si mama sa gilid ko tapos nanuod na rin siya.

Ay shemay, tapos na yung movie.


"Dito ba kakain ng dinner si Khalil?" Tanong ni mama sakin.

Tumingin ako kay Khal.


"Ano? Kain ka dito?"

"Okay lang ba Kath?"

"Syempre naman"


Nag-smile siya sakin and I can see sa mga mata niya na natutuwa siya.

Tumingin ako sa clock, 7 na pala.

Nawili kasi kami manuod ng 2 hours na movie kaya di ko namalayan yung oras.


"Sige ma, tulungan po kita magluto" Tumayo kaming dalawa at iniwan


Pagpunta sa kitchen, napansin kong nakangiti sakin si Mama.

"Ikaw ah, first time mo magdala ng lalakeng bisita, may something ba?" Tanong ni Mama habang naghihiwa ako ng carrots.


(-_-) Hindi ko naman talaga siya ininvite. Sadyang na-stuck lang ako kanina.


"Ha? Ikaw ma ahh...baka nga ikaw ang may something sa iba. Lagi po kayong gabi umuwi, eh wala naman kayong trabaho"


Natawa si mama dun sa sinabi ko.


"Di mo naman sinagot tanong ko"

"Wala ma. Bestfriend ko lang po siya, parang si Julia"

"Eh yung DJ? Bestfriend mo rin?"

"Naku ma, hindi. Kaaway ko yun"

"Kaaway?" Halatang nagulat si mama dun sa sinabi ko. Wala kasi akong kaaway sa dati kong school.

"Medyo po. Lagi kasi akong inaasar nun"

"Ahhh"


"HEEEEEEEELLLLLLLLLOOOOOOOOO" Halos mapatalon ako nung biglang may sumigaw. Pagtingin namin ni mama, YUNG BARKADA nandito.


O_O

"A-anong ginagawa niyo dito? Bakit kayo nandito?"

Nag-smile lang sila tapos nagmano kay mama.


"Tita Min! Makikigulo lang po. UY MAY PAGKAIN!!!" Sabi ni Diego. Grabe, first time nilang magkita ni mama, feeling close kaagad? Hahaha.


Tumawa si mama tapos tumingin siya sakin.

"Ah, ma. Hindi ko rin po alam kung bakit sila nandito"

"Haha, tita. Manggugulo nga lang po kami. Naamoy po namin yung niluluto niyo" Sabi naman ni Julia.


"Di bale, masarap to. Sige, dun muna kayo sa sala"

"Ma, si Diego po pala. Tapos si Zharm, Albie, Jake at Bea po" Tinuro ko kay mama kung sino-sino sila para hindi malito si mama.


"Si DJ?" Tanong ko. Parang ang weird naman na hindi nila ininvite yung tao.


"AYYIEEE! Hinahanap-hanap si DJ!" Asar ni Diego.

"Baliw! Nasaan nga?"

"Malay namin" Tapos nagalisan na sila.


Nasaan kaya yun? I-text ko kaya? 

Hay naku! Wag na. Baka asarin lang ulit ako nun. Magkaaway pa kami nun eh!


"Anak, asikasuhin mo muna sila. Ako na bahala dito"

"Sigurado ka po ma?"

"Oo naman" 


Ang bait talaga ni mama. Biro mo, hindi man lang nagalit na ang dami kong bisita kahit wala naman occasion.


Pagpunta ko dun, si Kuya tumayo bigla.


"Akyat lang ako sa taas kath" For sure na-OP siya. HAHAHA.

"Sige"


Tumingin ako sa kanila in a way na nagsasabing anong-trip-niyo?


Zharm: "Nandito pala si Khalil, ano meron?"

"Ha? Wala. Tumambay lang siya dito"

Albie: "Ahh"

"Bakit kayo biglang sumugod dito sa bahay? Wala man lang kayong pasabi"

Bea: "Basta"


Tapos nag-smile silang lahat bukod kay Khalil. 

Seriously? Nagtataka na ko. First time nilang ginawa sakin ito!


Aakyat sana ako papunta sa kwarto ko para kunin yung ipit ng buhok ko nung may narinig ako.


Parang...

tunog ng gitara?


Pag-ibig ko sayo'y totoo

Ni walang halung biro


Teka. Kilala ko yung boses na yun ah...


Kaya sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito


O_O

Si...si D-dj?

Si DANIEL???


Bago pa ko makapagsalita, hinila ako bigla nila Julia palabas.


Walang ibang mamahalin

Kundi ikaw lamang giliw


Hala. Anong ginagawa ni DJ?


Kaya sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito


Sa aking buhay ay walang kapantay

Aking pagmamahal, asahan mong tunay


Nakatayo siya dun sa may pader tapos may gitara siya.

Tapos tumingin siya sakin then nag-smile siya.

O//////O


Pag-ibig ko sayo'y totoo

Ni walang halung biro

Kaya sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito


Bakit siya nakanta? Anong meron?


Kaya sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito


Di ako makapagsalita. Naguguluhan ako and at the same time, iba yung feeling ko. Hindi ko ma-explain!!!


Sa aking buhay ay walang kapantay

Aking pagmamahal, asahan mong tunay


Pagmamahal? Kanino? Teka nga! Ano ba ito!!???

Nakatitig pa siya sakin kaya feeling ko, lutang na naman ako. Aish! Naba-blanko utak ko!!


Kaya sana'y paniwalaan mo

Ang pag-ibig kong ito


"AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!"

"AAAAAAAYYYYYYYYIIIIIIEEEE"

"GRABE ANG SWEET!"


Nagulat ako nung nagsigawan yung barkada tapos nagpalakpakan.


Pero ako, hindi ko pa rin tinatanggal yung tingin ko kay Daniel.

>_<


Ano ba kasi yung ginawa niya? Trip na naman ba yun?


Diego: "Pare, old school ka!"

Albie: "Harana ba yun? HAHA"


Binatukan ni DJ yung dalawa tapos nag-smile siya sakin sabay wink.


"HEP HEP HEP! TEKA, DJ!" Nagulat ako nung lumabas bigla si Kuya neil.


"Kuya neil!" Sigaw ni DJ. Tuwang-tuwa?

"Teka nga, nililigawan mo ba si Kath?"

"Obvious ba?"


O_O

Ha? Nililigawan niya ko? TEKA! ANG GULO!

LAKAS NAMAN NG TRIP NIYA!


Nag-sigawan ang barkada tapos nagtawanan din sila.


"Yan gusto ko sa manliligaw ni kath, honest sa kuya" Tapos nag-high five pa yung dalawa.


"Ano? Nanliligaw ka kay kath?" Sabi ni Khalil.

"Haha, hindi. Joke lang"


Biglang tumahimik ang lahat nung sinabi yun ni DJ.

Sabi na nga ba eh! BRRR!


"Humihingi lang ng tawad" Explain ni Daniel.

Ha? Ganun ba talaga siya humingi ng tawad? TODO-EFFORT? Wow.


"Pare, bakit ganun lyrics nung kinanta mo?" Sabay tawa nung mga lalake.

"Kuya neil, wala akong ibang mapili eh" Tapos nagkamot pa ng ulo si Daniel.


Nagtaka ako nung tumingin silang lahat sakin.


*gulp*


Buti na lang biglang bumukas yung pinto.


SI MAMA! O_O


"Ma! Dito ma! Si DJ! Yung kinekwento ko" Sigaw ni Kuya. Nagmano si Daniel kay mama.

"Hello po mama min" Biro ni DJ kaya lahat kami natawa.

"Nice to meet you DJ" sabi naman ni Mama.


Tapos tumingin ulit sila sakin.


"Ah ma, usap muna po kami" Sabi ko.


Buti na lang na-gets kaagad ni mama yung gusto kong sabihin. Pumasok na siya sa bahay tapos yung iba, naiwan pa rin.


YUNG TOTOO? HINDI KAYO MAKAINTINDI? 

ANG GUSTO KONG SABIHIN, LEAVE US ALONE MUNA!!! T_T 


Maguusap lang kami.


Nagtinginan yung barkada tapos si Julia yung nagyaya sa kanila. Nag-smile na lang ako sa kanya. 

Thank you Julia! The best ka talaga!


Pero nakita ko naman na nakasilip din sila sa bintana. Si Khalil, hinila nila Albie papasok, mukhang ayaw din pumasok eh.


"Kuya!" Sigaw ko kasi parang wala siyang balak umalis. Natawa nga si Daniel tapos tinulak niya si kuya papalapit sakin para mapilitan siyang pumasok sa bahay.


"Bakit ba? Kayong dalawa ah! Anong paguusapan niyo at hindi ako pwede makinig?"

"Aish! Kuya naman! Hay naku! Tara DJ, dun tayo sa park" Naglakad na ko tapos narinig ko si kuya na sumigaw.


"HUY! Gabi na!"

"Diyan lang naman yun kuya! Mabilis lang!" Sigaw ko sa kanya.


Narinig ko si Daniel na tumawa tapos tumakbo din papunta sa gilid ko.


Di ko siya tinitignan habang naglalakad kami kasi alam kong nakatitig siya sakin. 

Parang ang awkward namin kung magtitigan kami diba?


Tsaka ang dami kong iniisip.

Bakit ba kasi niya ginawa yun?


Pagdating sa park, umupo ako dun sa swing. Gumaya rin naman siya sakin.


"Daniel, bakit mo ginawa yun?" Tanong ko kaagad sa kanya.

Tumingin siya sakin tapos nag-smile siya.


"Kasi nga, humihingi ako ng tawad kath. Sorry ako ng sorry, di mo naman ako pinapatawad"

"Pero bakit kailangan mo pang mang-harana? Baka akalain ng barkada pati na sila mama na nanliligaw ka"


Nag-bite lips siya bago tumingin sakin.


"Bakit bawal ba?"

*speechless*


Grabe talaga siya. Lagi na lang ako nata-tounge tide. Di ko alam sasabihin ko.

Bawal nga ba manligaw? AISH! Ewan.


"Kathryn, ano ba iniisip mo? Kanina, kinantahan kita...hindi ka man lang ngumiti. Yung totoo? Di ka masaya sa ginawa ko?" Kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niyang malaman yung sagot ko.


"Hindi naman sa hindi masaya. Nagulat lang ako"

"Di mo ine-expect na ganito ako ka-pogi?" Nakapang formal kasi siya! May necktie pa!

"Baliw"

"Seriously kath, nagwo-worry na kasi ako sa friendship natin everytime nagaaway tayo. Especially kapag di mo na ko pinapansin"


Tinignan ko siya pero nakatingin siya sa floor. Di ko tuloy malaman kung seryoso siya pero sa tono ng boses niya, feeling ko serious nga siya sa sinasabi niya.


Bakit naman siya magwo-worry? Di na ba siya nasanay sa mga away namin?


"Di mo rin naman ako pinansin kaninang umaga. Diba nagalit ka pa nga dahil nabangga kita?" Nakatingin pa rin siya sa sahig nung nagsasalita ako.


"Yun? Nagselos kasi ako" Bulong niya.


"Tama ba pagkakarinig ko? Nagselos ka?" Di kasi ako sure kung yun talaga sinabi niya. Ang hina kaya nung boses niya!


Tumingin siya sakin na nanlalaki mata niya. Na parang nagulat siya sa sinabi niya.

"Bingi ka talaga noh? Wala akong sinasabing nagselos ako. Bakit naman ako magseselos? May dapat bang ika-selos?"


Pero parang sure talaga ako sa narinig ko. Hay nako...hayaan ko na nga yun.


Napansin kong hawak-hawak niya pa rin yung gitara niya.


"Kath, sana ikaw na lang itong gitara ko noh?" Sabi niya sabay smile sakin.

Kumunot noo ko dun sa sinabi niya.


"Huh? Bakit naman?"

"Para habang kumakanta ako, yakap-yakap kita"

O/////O


"Adik" natawa na lang ako dun sa sinabi niya. Kung magbiro talaga siya eh, nakakagulat.


"I had fun teasing you all the time. Yung asarin ka maya't maya. Wala na yatang araw na hindi kita ininis" 


"True. Expert ka sa pangaasar sakin"

"But I think mas masaya mahalin ka" Tapos titig na titig talaga siya sakin.

"Ano?"

"Hindi loko lang" Tumawa kaming dalawa dun.

"Ahhh"


Grabe. Ang bait niya ngayon. Nagi-guilty na ko sa ginawa ko.

T_T


"DJ, may ipagtatapat ako sayo"

"Ano yun? Na mahal mo nako? I love you too"


Natawa talaga ako dun sa sinabi niya.


"Baliw hindi"

"Hindi mo ko mahal? Ouch" Tapos hinawakan niya pa yung puso niya.

"Ano ka ba!"


Natatawa talaga ako sa kanya.

Hindi ko siya makausap ng seryoso!


"Tao ako! Tao...ikaw? Diba tao ka rin? Yung taong nakalaan para sakin"

"Daniel naman eh! Kanina ka pa nabanat! Ayaw mo ba marinig yung sasabihin ko"

"Ang gusto ko lang marinig, yung words na...I love you DJ. Yun lang"


(-_-)


"Daniel John Ford Padilla, I love...."


Titig na titig pa siya sakin.


"Myself" ^_^


Hahaha. Ano ako? Uto-uto? Hindi noh! Baliw ba siya!


"Tss" Tawa ako ng tawa pero nakahalata ako na hindi siya tumatawa.

"Huy! Tampo agad?"


Di na siya sumagot or tumingin sakin.

0_o


"HOY, Itigil mo nga yan. OA mo"


*silence*


"Away agad, eh kakabati lang natin?"

"So ayaw mong magaway tayo?" Tanong niya.

"Syempre. Ayokong may kaaway"


Napansin kong parang nagisip siya tapos binaba niya yung guitar niya sa sahig then tumayo na siya.


"Hug muna" Naka-open pa yung arms niya. 

Natawa ako kay DJ. Mukhang wala na ngang pagasang magusap kami ng seryoso.


Napatigil rin naman ako kaagad sa kakatawa nung narealize kong hindi siya natawa and naka-open arms pa rin siya.


"Bilis na kath. Kapag ako nangalay at hindi mo pa ko hina-hug, magkaaway na tayo" Biro niya.

"Loko"


Hinintay kong tumawa siya pero wala eh. Parang serious siya sa sinasabi niya.

>_<


Ano ako malandi? Bakit ko naman yayakapin si DJ? Hay naku! Bahala siya diyan.

Ngumiti na lang ako sa kanya and after a few minutes, binaba niya rin yung arms niya.


YES! I WON!!! Hahaha! Sumuko rin siya! Hahaha.


Nagulat ako nung bigla siyang naglakad palayo.

O_O


Yung totoo? Galit siya? Bakit? Dahil hindi ko siya niyakap?


Dali-dali akong tumayo at hinabol siya, ang bilis niya kasi maglakad.


"HUY! UMAYOS KA NGA!" Sigaw ko kasi ang layo na niya sakin. Tumakbo na ko para mahabol ko siya.


"Huy ano ba? Galit ka kaagad?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. May hindi man lang siya tumingin or tumigil sa paglalakad.


"Brat ka talaga noh? Di lang napagbigyan yung hiling mo, nagtampo ka na kaagad"


Akala ko kakausapin na niya ko pero hindi pa rin. Mukhang galit nga talaga siya!

T_T


"Di pa nga ako nagtatapat sayo tapos ganyan ka na. Mas lalo tuloy akong natakot na sabihin sayo yun"


Bigla siyang huminto sa paglalakad then tumingin siya sakin.

Di ko ma-explain yung mukha niya.


"Bakit? Kayo na ni khalil?" Nagulat talaga ako dahil ang lumanay niya magsalita. Parang hindi siya galit...


"Hindi!"

"Gusto mo siya?"

"Hindi yun ang sasabihin ko DJ"

"Eh ano yun?"

"Wag kang magagalit Daniel, PLEASE!"

"Depende"


Grabe. Hindi ako makapagsalita. 

Natatakot ako sabihin sa kanya. Baka maupakan niya kasi ako!!! Huhuhuhu!


"Ano yun?" Demanding talaga siya!

"Sorry"

"Bakit?"


I took a deep breath muna bago ako tumingin sa kanya.

Kaya mo yan Kath!!!


"Because I lied to you. Nagsinungaling ako. Di naman talaga ako galit sayo nung nahalikan mo ko. Oo nainis ako pero pinatawad na kita kaagad. Pinagtitripan lang talaga kita, parang ganti lang sa lahat ng pangaasar mo. Kaya nga nagulat ako nung hinarana mo ko kanina. Sorry talaga" Tumingin ako sa floor.


Alam mo yung feeling na kinakabahan ka plus natatakot ka? Yan yung pakiramdam ko right now.

Gosh. Nakatitig lang siya sakin as if hindi pa nagsi-sink in sa utak niya yung mga sinabi ko.


"Alam mo kath, Ayoko sa lahat yung pinagmumukha akong tanga" Rinig na rinig ko sa boses niya yung feeling na galit siya. Iniwas niya yung tingin niya sakin...tapos napansin ko yung kamay niya, para siyang manununtok.


"DJ, hindi naman sa ganun---"

"Eh ano yung ginawa mo? Diba ganun na rin yun?" Sigaw niya sakin.

"D-daniel hindi!"


Halata mong parang pinipigilan niya lang yung sarili niya.

Geez! I feel so bad. Feeling ko, ang sama sama ko sa ginawa ko sa kanya.


Nag-effort siyang hingin yung patawad ko tapos malalaman niyang pinagtripan ko lang pala siya.


"Sorry na!" Hinawakan ko na yung kamay niya kasi ayokong masuntok niya yung puno sa gilid niya. Or worse, baka ako pa masuntok niya. 

Okay na yung hawak ko yun, at least mako-control ko yung gagawin niya diba?


Hinintay ko talagang magsalita siya pero wala eh. Feeling ko, asar na asar siya sakin. Na inis na inis siya sakin. Na galit na galit siya sakin.


Tapos hinila niya yung kamay niya.

Napatingin tuloy ako dun...Tama nga yung feeling ko.

Di ko alam kung bakit pero tumulo na lang yung luha ko.


"Sorry na! Sorry na!" Sigaw ko kasi parang hindi niya ko naririnig.


Tumingin na ko sa floor kasi nga naiyak ako. Syempre, ayokong makita niya yun. Nakakahiya.

"Kath..."


Nagulat ako nung hinila niya ko at niyakap.


"Di ko naman sinasadya yun eh. Di ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin sayo na matagal na kitang pinatawad. Magdamag mo kasi akong inasar tapos bigla ka na lang sumulpot sa bahay na nagso-sorry. Ngayon lang talaga ako nagka-alone time with you kaya ngayon ko lang nasabi. Di ko naman talaga balak pagmukhain kang tanga kaya sorry na! Para sakin naman, hindi ka nagmukhang tanga DJ"


Aish! Naiinis ako sa mata ko! Bakit ba ko naiyak?

Di naman big deal kung may misunderstanding kami diba?


Niyakap niya ko ng mahigpit kaya mas lalo akong naiyak.


NAAWA NA NAMAN SIYA SAKIN!

GANUN?


KAHIT GALIT SIYA, NAPIPILITIN SIYANG PATAWARIN AKO KASI NAAWA SIYA.


"Wag mo na nga akong kaawaan DJ. Okay lang na wag mo na ko patawarin..."


Pinunasan ko yung traydor kong mga luha.

Bakit ba? Kahit minsan natutuwa akong kasama si Daniel, kung away din kami ng away, mas magandang itigil na namin yung friendship namin. Diba? Parang lokohan na kasi...


"Kath, Patas na tayo"


Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun.

"Huh?"


Lumayo-layo ako sa kanya para makita ko yung mukha niya.

"Di naman ako galit sayo. Joke lang" Tapos ngumiti siya.


Feeling ko processing pa rin utak ko kasi hindi ko ma-gets yung sinasabi niya.

Ang tagal bago magsink in sa utak ko yung ibig sabihin nung sinabi niya.


"BWISIT KA!"


@_@

Pinagtripan niya rin pala ako! Ganun? Acting lang lahat ng ginawa niya!

KUNWARI GALIT SIYA TAPOS HINDI PALA!


Pinunasan ko yung luha ko tapos tumingin ako ng masama sa kanya.


"Bigla ka kasing umiyak Kath. Sorry na. Malay ko bang magkakaganyan ka"


Lalapit sana siya kaso humakbang naman ako patalikod.

"Subukan mo lang lumapit sakin, masasapak talaga kita"


Nakakainis siya! Kahit kailan, di pa ko umiyak sa harap ng isang lalake! 

Tapos nangyari yun dahil sa lintek na trip niya? Grrr!


Kung may wishing star lang na dumating, hihilingin kong malaglag si Daniel sa bangin para wala na kong problema.


"Uy kath. Ito naman oh! Gumanti lang ako! Ikaw naman galit ngayon? Ano toh? Walang katapusan? Lagi na lang tayo magkaaway" Lumapit siya sakin tapos nagpuppy eyes.

"Sorry na babe" Sabi ulit ni Dj.


"Ewan ko sayo, kausapin mo sarili mo! Bwisit ka! Sana wag ka na mag-exist! NAKAKAINIS KA! NAKAKAIRITA KA! NAKAKABWISIT KA! Kasumpa-sumpa ka! Kung pwede lang kita kulamin, ginawa ko na! I HATE YOU SO MUCH! Sana talaga, mabaksakan ka ng poste or makagat ka ng aso or masagasaan ka or di kaya----"


Napatigil ako sa pagsasalita nung bigla akong hinila ni DJ at...

*chup*


O_O

Nagulat ako nung hinalikan ako ni Daniel.


Dug. Dug. Dug. Dug.

Ito na naman yung puso ko!


Teka nga!!! Hindi ito tama!


Itutulak ko sana si DJ kaso nagulat ako nung ni-wrap ni DJ yung arms niya around my waist.


I stayed frozen. Shocked pa rin ako. 

May hindi nga ako pumikit eh. 


Ano bang nangyayari? Hinahalikan ba talaga ako ni DJ or panaginip lang ito?


Nung naghiwalay yung mga lips namin, ni-rest niya yung forehead niya sakin.


"Kiss me back" Utos niya.


O_O

Nagulat ako sa sinabi ni Daniel tapos bago ako makapagsalita, hinalikan niya ulit ako.


Tapos yung halik niya pa, ibang-iba from our first kiss.


Kung noon, dampi lang ng mga labi...

This time, it was very different. Slow and passionate yung kiss ni Daniel.


Naramdaman kong yung isang kamay ni DJ, nasa may pisngi ko na.


Kiss him back? Paano? Hindi ako marunong!!!

Di ko talaga alam kung bakit pero napapikit din ako...


Parang na-carried away?

Di kaya nasaniban na ko?


Ginaya ko lang yung ginagawa ni DJ...


Kaya pala naiinlove yung mga babae sa kanya kasi...

iba yung feeling habang hinahalikan ka ng isang Daniel Padilla.


Tapos para akong biglang nagising at may narealize.


Teka, bakit ko siya hinahalikan? Bakit parang gusto ko yung nangyayari?


MALI 'TO!!! Maling-mali!


Tinulak ko bigla si Daniel and halatang nagulat siya sa ginawa ko.


"DJ..." Di ko matuloy-tuloy yung sasabihin ko kasi blanko pa rin yung utak ko.


"Kath, I think I----"


Bigla siyang tumigil sa pagsasalita nung biglang may ibang nagsalita.


"Daniel, Kath" Napatingin kami ni DJ sa may gilid. Si Khalil nakatayo dun.


O_O

Nakita niya kaya? Nakita niya kaya yung ginawa ni DJ? Yung...yun?


Daniel's POV


Sa lahat ng badluck, ito na yung pinakaworst. Sasabihin ko na kay kath! SASABIHIN KO NA! MALALAMAN NA SANA NIYA NA MAHAL KO SIYA KUNG HINDI LANG MAY EPAL.


Bakit ba kasi nauso ang epal sa mundo? 

Kung ako may powers, pinatay ko na lahat ng epal.


"Uhmm, pinapatawag na kayo ni Kuya neil. Kain na daw ng dinner" Sabi ni Khal.

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Kath.


Napatingin tuloy ako sa kanya.

Bakit ba parang natatakot siyang malaman ni Khalil? 

Wala naman silang something ah. 

Pero sabagay, naiintindihan ko siya. Nakakahiya nga naman malaman ng iba yung nangyare.


"Ha? Hindi. Nakita ko lang kayong naguusap ngayon kaya sumingit na ko kaagad. Ano? Tara na?"

"Mauna ka na Khalil, sunod na lang kami" Napatingin sakin si Kath tapos kumunot yung noo niya.


Si Khalil naman, tinitigan ko. 

Ano? Di ka makaintindi? LAYAS!


Mukhang na-gets niya naman yung facial expression ko kasi umalis na siya.


Pagtingin ko kay kath, nanlamig ako. Poker face eh! Wala man lang emotion yung mukha niya, basta nakatingin lang siya sakin.


"Teka lang kath, kunin ko lang yung gitara ko" Tumakbo ako dun sa gilid ng swing tapos kinuha ko na yung guitar ko. Bumalik rin ako kaagad kay Kathryn.


Di man lang siya nagsalita, iniwas niya pa tingin niya sakin.


"Tara" Nag-start na kaming maglakad.


Shit.

Galit kaya si Kath?


Para kasi siyang palengkera kanina eh, Ang ingay! Galit na galit!

Syempre ako, ayoko ng maingay kaya hinila ko siya.


Kasalanan ko bang napaka-seductive ng lips niya? Ayun tuloy, nahalikan ko siya.


Honestly? I don't have any plans na halikan siya. Ang plano ko lang talaga is mang-harana. I know it's weird and old fashioned but effective naman yata.


Ibang iba yung feeling na mahalikan si Kathryn. Of all the girls I kissed, iba sa kanya. Siguro nga dahil in love ako sa kanya.


Naalala ko tuloy yung sinabi ko, 'kiss me back'.

Shit. Bakit ko ba nasabi yun? Ang panget lang pakinggan. Para akong walang respeto sa babae. Nagulat din naman ako sa sarili ko eh. Pero mas lalo akong nagulat nung hinalikan niya rin ako.


Bakit kaya niya ginawa yun?


Habang naglalakad, tumitingin-tingin ako kay Kath. Parang ang lalim din ng iniisip niya.


"Ahh kath, tungkol dun sa kanina" Di pa ko tapos magsalita pero tumigil na siya sa paglalakad.

"Forget it DJ. Wag mo nang problemahin yun, tapos na yun eh"


Napatitig ako sa kanya. Problemahin? Nagaalala lang naman ako.

Syempre, baka iwasan na niya ako.


"Sana hanggang satin lang ito. Sana hindi malaman ng barkada...ng kahit sino. Kaya mo ba yun?"


Kumunot yung noo ko dun. Bakit parang hindi man lang siya galit?

"I promise"

"Tara, kain na tayo" Nagyaya na siya tapos tumalikod na sakin.


"Di ka man lang ba galit sakin?" Sigaw ko sa kanya.

Humarap siya sakin tapos nag-smile siya.


"Bakit? Kailangan ba magalit? Ayoko na nga magalit diba? Ayoko na ng may kaaway"


Lumapit ako sa kanya and I stared at her eyes.


"Anong iniisip mo?"

"Na manyak ka kaya mo nagawa yun" Tapos tumawa siya ng tumawa.

"Ano? Anong sabi mo?"

"MANYAK KA!! HAHAHAHAHA" Tumakbo na siya palayo, tawa pa rin siya ng tawa.

Loko yun ah!


"HOY BUMALIK KA DITO! PAPATAYIN PA KITA SA KILITI!!!" Tumakbo na rin ako para mahabol ko siya.


Haha. Grabe, iba talaga si Kath.

Ibang klaseng babae.


Hindi ko ine-expect na ganun ang magiging reaction niya.

Akala ko papatayin niya na ko, pero hindi. Para bang napagod na siya na magaway kami.


Aba, kung alam ko lang, dapat matagal ko na ginawa yun.


Erase erase! Ano ba itong utak ko? Bwisit!

Hahahaha.


Kaya mahal na mahal ko siya eh.

Nagiisa kasi siya.


-----------------------------


Naku! Kapag may nagcomment pa diyan ng bitin, papatayin ko rin kayo sa kiliti! Joke! Hahaha. Kisses!

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 42.4K 37
PUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao...
10.8K 236 6
This is a side story of RED DRAGONS of FBBF. (Vic William Tejero) Ito ay same story lang din sa original story na sinulat ko noon. It was published y...
6.9M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...
12.7K 587 14
"True love is real. If you are able to find it, you are lucky. If that person finally arrived, never waste time searching for reasons. Just fall in l...