Someone's POV
Madami ng nakakita sa mga pangyayare, dko na alam kung paano ko aasikasuhin yung problema na to!
Dko alam kung anong sasabhin ko sa mga tao dahil estudyante namin ang mga to!
"Tumawag ka ng ambulansya! Ngayon na!" Bigla kong sabi sa kasama ko yung apo ko..
"Opo la, masusunod po!" Sabi ng apo ko na hindi na magka ugaga sa gagawin
Mga ilang minuto rin dinala na yung mga estudyante sa hospital namin, mabuti ng konti lng ang nakakaalam ng mga nangyare...
◎◎◎
Leonora's POV
"Hindi ko sila dapat hinayaang umalis" naiiyak kong sabi sa mga kaklase ko sa room..
Ilang linggo na ang nakakalipas pero di pa sila nagigising, ilang araw na akong nagbabantay sakanila halos malugmok ako nung unang kita ko sakanila buong akala ko iiwan na ako ng mga kaibigan ko.. dko na alam kung pati ba naman kaibigan ko mawawala sakin...
"Leonora magpahinga ka muna, kami na muna ang magbabantay sakanila, pagtapos ng klase pupunta na kami roon para bantayan sila" sabi nung kaklase naming si kate na malapit saming magkakaibigan.
"Kaya ko sarili ko! Dko sila iiwan!!"
" tignan mo naman sarili mo leonora! Sa tingin mo ba matutuwa sila kapag nalaman nilang dika na kumakain??"
"Haysst sige na nga! Pero Basta ah ngaon lang ah! Ngaon lang talaga. Kase bukas na bukas gusto ko Ako na magbabantay sakanila.
"Haynakoo! Ang kulit mo talaga. Pero sige papayag kami." Kate na halatang nakukulitan na sakin
Next day
Nagising ako ng mga 4:20 kaya napag isip isipan ko ng bumangon at maagang maligo.
Habang nagpapatuyo ng buhok napagisip-isipan ko na bakit kailangan pa mangyare to? Bakit kailangan mangyare pato sa mga kaibigan ko? sana kasama nalang Ako sa mga nabangga!
Dahil nga ang aga ko nagising at naligo napagpasiyahan ko nalang na pumasok na sa school since may oras pako makapag lakad lakad at makapag Isip Isip para naman mamayang pagpasok ko sa room goodvibes lang ang lahat
Since napaaga nga punta ko sa school naiwan na bukas ang gate kaya pumasok nako at umakyat sa room
Nakita ko sila kris, sila lang ang tao sa room *naalala ko tuloy si wendy kase isa din siya sa mga maaaga pumasok maliban Kay kris.
"Kamusta na yung mga kaibigan mo leonora?"Tanong ni kris dahilan para mapatigil Ako sa paglalakad.
"Ayon *sabay yuko* di parin sila nagigising" sabi ko at umupo na sa dati naming inuupuang magkakabarkada.
Hanggang sa nagsidatingan na ang ibat iba naming kaklase.
Dumaan ang recess at lunch na lutang parin ako hanggang sa......
*Ringgggggggg* 3:30
"Uwian na pala diko namalayan"
bulong ko na parang gulat na gulat sa pangyayare.
"Hahahaha lutang ka kase bes"
Hahahahaha ilang shabu na take mo bes?"
"Gaga ba-" napahinto Ako sa pamilyar na Bose's nayon di ako nagkakamali si marienehl yon sigurado Ako si marienehl yon!
Di ako nagkakamali Bose's ni nehl yon" sabay linga linga
"Alam ko andi-" naputol ang paglilinga ko ng..
"oh Miss agustin okay ka lang ba? Nabalitaan ko yung nangyare sa mga kaibigan mo. Nako jusko sana magising na agad sila." Sabi ni ma'am ***** (dikoalam) ngumiti nalang ako at nagpalinga linga ulit.
"Sigurado kabang okay ka lang? Miss agu-"
" AYOS NGA LNG AKO MAAM!" -pasigaw Kong sabi dahilan para mapatingin ang mga ilang estudyante.
"Para kaseng may hinahanap ka. Pero sige maiwan na kita." Sabi ni ma'am na nangangamba.
Nasigawan mo si maam bes HAHAHAHA nakanaks gumaganon kana. *bulong*
"Lintek nayan oo!" *gulat* "marienehl! Magpakita kaaaa!" At nagsitinginan naman ang mga gr10 lalong lalo na ang kuya niya.
"Nakakahiya ka leonora nakaka-" napahinto ako ng may humila sakin at tinakpan ang bibig ko papunta ng cr ng boys.
Pmmmmppp* bi-ta-wa-n mok-"
"wag ka maingay shhhhh"
"Andrew?" Gulat kong bulong sakanya "B-bakit?" At dahil Kuya pala to ni marienehl medyo kumalma nako.
Ah.. Ehh.. *sabay himas sa batok*
"Ano?!"
"Ah.. Ehh. Narinig ko kase na sinigaw mo kanina yung marienehl nagpapakita ba siya sayo?" Tanong sakin ng Kuya ni marienehl na seryoso
"Hindi po Kuya. Diko po siya nakikita. Pero kanina kase narinig ko siya Alam kong siya yon! Boses niya yon!" Parang batang sumbong ko. "Hanapin natin siya Kuya!"sigaw ko sabay hila sakanya
Napatigil Ako sa paghatak sa Kuya ni marienehl ng may narinig kaming naguusap sa kabilang cr
"apo kailangan di nila malaman ang totoo." Sabi ng isang babae.. halata sakanyang boses na may edad na sya..
"sigurado na po ba kayo sa desisyon nayan Lola?" Sabi naman ng kausap nya na parang halos kaederan lng ni kuya andrew
"apo.. Eto ang nakatadhana apo ko sa ayaw ko man at sa gusto dadalhin ko sila sa mundong yon."
Mundo?? Anong mundo? Sa mars ba? Sa jupiter?
"la ano bang nakita mo sakanila at siguradong sigurado ka talaga na sila nga!" *naiirita na*
"basta apo! Ikaw na muna magbantay sa school nato at mawawala Ako ng ilang linggo"
"pero la- "*naputol*
"wala ng pero pero! Gawin mo nalang ang sinasabi k-"
Bogszxxxz*
"Shit! Pag tayo nahule Patay ka sakin"-bulong sakin ng Kuya ni marienehl.
"May ipis eh!"- bulong ko pabalik
"May tao ba jan?!"
Meooowww meoww*
"Ay jusko pusa lang pala."
"pero la di naba talaga magbabago Isip nyo la?"
"apo hindi na talaga."
At nung umalis na silang maglola dun na namin binuksan ang pinto ng boys.
"Ayjusko kayong bata!" -sigaw samin ni mang nik ang maintenance sa aming school.
"Kaloka ka naman mang nik nakaka shookt ka grabeeee!" Dagdag ko pa at hinatak ko ang kuya ni marienehl.
"Sa tingin mo ano kaya yung tinutukoy ni maam e.?!"
Lutang kong tanong.
Oo alam ko ng si maam e. At yung apo nya ang naririnig namin kanina..
"Feel ko may kinalaman to sa mga nakaraang aksidente" bulong niya
"ahuh! Sila marienehl at yung mga kaibigan mo!!" Sigaw niya na ikinabigla ko dahilan para malaglag Ako sa bench.
"Pano mo naman nasabi yun kuya andrew?" Tanong ko habang pinapagpagan ang palda ko.
"Basta! Malakas kutob ko" *sabay gulo sa buhok ko* "Ako ata ang pogeng pogeng kuya ni marienehl."
Naginarte naman akong naduduwal
"Seryoso? Hahahahaa kung ganon nga...." Pabitin kong sagot " kung ganon ngaaa.."
"ANO??!!!"
"Kung ganon nga...."
"FUTA! ANOO NGAAA!!"
"Kung ganon nga. Wonderpets😂este alamin natin
Payt payt"
Napatingin sakin si kuya andrew ng masama sabay iniwan ako dito magisa..