Sa isang malaking University kung saan nag-aaral si Haley Ward, isang 3rd year college student na nag-rerent ng dorm kasama ang mga kaibigan nito na sina Sam at Kath. Sila ang mga matalik na magkakaibigan simula pa noong highschool. Magkakapareho sila ng course na kinuha ngunit magkakaiba sila ng hilig at kakayahan. Si Haley ay mahilig mag-model, fashionista sabi nga ng iba, may pagkamaarte pero palakaibigan at mabait. Si Sam naman ay mahilig sa sports, health conscious, matalino at madiskarte. At si Kath ang pinakamayaman sa kanilang magkakaibigan ngunit simple, magaling sa arts at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.
Lumipas ang ilang araw, papalapit na ang kaarawan ni Haley at plano ng kanyang mga kaibigan na gumawa ng isang surprise party para sa kanya. Sa loob ng kwarto nila habang wala si Haley, nag-uusap ang dalawa. “Kath, birthday na ni Haley next week. Anong plano?”, sabi ni Sam. “Hmm.. isurprise na lang naten siya at ako na bahala sa decorations”, sabi ni Kath. “Sige, ako na mag-iinvite sa iba niyang kaibigan para matulungan tayo mag ayos”, sagot naman ni Sam. Maraming kaibigan si Haley at isa na dun si Brandon, isang hearthrob guy na may killer smile, mahilig din sa sports at varsity player ng basketball. Niligawan nya si Haley noon pero na friendzone siya nito dahil mas priority ni Haley ang kanyang studies at career.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat at si Haley ay mahimbing pang natutulog sa kanilang kwarto. Nang magising ito, nakatanggap sya ng isang note na may nakasulat na magsuot ng magandang dress at pumunta sa venue ng kanyang party. Agad naman siyang nag-ayos at excited na umalis sa kanilang Dorm.
Kinagabihan habang naglalakad ito sa madilim na parte ng university papunta sa venue kung saan gaganapin ang kanyang party, nakasalubong niya ang mga nagmamadali sa paglalakad na sina Brandon at ang mga kaibigan nito papunta din sa party. “Hi Haley! Happy Birthday, see you sa party mo”, sabi ni Brandon habang patakbong umalis. “Thanks Bradon!” sigaw naman ni Haley habang naka ngiti. Maya maya ay nakarinig siya ng birthday song na nanggagaling sa isang music box, hinanap nya ito at pagtingin nya sa baba, kukunin sana niya ngunit biglang itong tumigil. Tumingin siya sa paligid at nagulat nang makita ang isang lalaki na naka maskara at may hawak na baril na para bang gusto siya nitong patayin. “Sino ka? Anong kailangan mo? Hindi ako natatakot sayo!”, matapang na sinabi ni Haley. Nakatayo lang ang lalaki at tinutok sa kanya ang baril na hawak nito. Agad naman tumakbo si Haley papalayo ngunit hinahabol siya nito. Tumigil siya sa isang lugar at biglang naglaho ang lalaki. Ilang saglit, paglingon ni Haley ay nasa harap niya na ang lalaking naka maskara at binaril siya nito.
Tumunog ang alarm clock, 8 am na nang magising si Haley sa masamang panaginip, nakita niya ang kanyang mga kaibigan na tulog pa. Ilang saglit ay gumising si Sam at nakangiting sinabi, “Happy Birthday Haley!”. Napatayo si Haley, niyakap niya si Sam at sinabing “Thank you Sam”. Lumabas si Haley upang bumili ng pagkain, nakita niya si Louie sa isang fast food chain. Si Louie ang kababata ni Haley. Mabait, gwapo at matalino, ideal guy ng lahat sa kanilang university. “Uy Haley kamusta? Birthday mo pala ngayon.. Happy Birthday!”, masayang sinabi ni Louie. “Thanks Louie. Malungkot nga eh.. di ko nanaman kasama ang family ko”, pahinang sagot ni Haley. “Okay lang yan. Kasama mo naman mga kaibigan mo, di ka nag-iisa”, sagot ni Louie. Biglang napangiti si Haley. “Tara lunch tayo? Treat ko”, dugtong na sagot ni Louie. Makalipas ang ilang oras habang pabalik si Haley sa kanilang dorm, napansin niyang may sumusunod sa kanya. Binilisan niya ang paglalakad at nagtago siya sa isang classroom na walang tao. Napasilip siya sa pinto at nakita muli ang lalaking naka maskara na dahan dahang naglalakad habang hinahanap siya. Nais niyang sumigaw pero baka mahanap siya nito. Nang makalagpas ang lalaki sa pinagtataguan niya, agad siyang lumabas ng classroom at tumakbo palayo. Nakita siya ng lalaki na may dalang kutsilyo, hinabol at sinaksak siya nito.
Tumunog ang alarm clock, nagising muli si Haley ng 8 am. Nakita niya si Sam sa may balcony na may kausap sa cellphone. Pagpasok ni Sam, nagulat siya kay Haley. “Oh Sam bakit parang nakakita ka ng multo?” sabi ni Haley. “Ah wala, nagulat lang ako at gising ka na pala”, sabi ni Sam. “Happy Birthday!” dugtong nito at niyakap si Haley ng mahigpit. “Thanks Sam”, nagtatakang sagot ni Haley at napansin niya na parang nangyari na ito sa kanya. Ilang saglit, excited na pumasok si Kath at niyakap si Haley ng mahigpit. “Happy Birthday Haley! Masaya ako at kasama ka ulit namen ngayong birthday mo”, sabi ni Kath. “Thank you Kath. Saan ka nga pala galing?”, tanong ni Haley. “Hmm.. ah kumain ako sa labas kasama si Kuya Steven. Nakauwi na pala siya galing US”, pasinungaling na sinabi ni Kath dahil ang totoo namili siya ng mga gamit para sa surprise party ni Haley. “Ah ganun ba.. buti naman at nakasama mo ulit siya pagkatapos ng ilang taon”, sagot ni Haley. Lumabas ulit siya upang magpahangin. Kinagabihan naulit muli ang pangyayari mula sa kanyang panaginip. Unti unti nang napapansin ni Haley na may mali sa mga nangyayari sa kanya. Kailangan niya hanapin ang taong gumagawa nito. Sinadya niya na ibahin ang kanyang mga ginagawa upang makaisip ng paraan paano malalaman kung sino ang lalaking naka maskara. Nasundan nya ito at nilabanan hanggang sa tumawag sya ng pulis ngunit nakatakas pa din ito.
Patuloy na umuulit ang mga panaginip ni Haley hanggang sa nahuli nya ulit ang lalaki at pinaamin kung ano ang dahilan ng pagpatay sa kanya pero hindi nito sinabi. Dumating ang mga pulis at binalak nito tumakas ngunit nabaril ang lalaki at namatay.
Kinaumagahan, nagising si Haley at laking gulat nito na nangyari nanaman ang nasa kanyang panaginip. Hindi na siya lumabas ng kanilang kwarto at una nya muling nakita ang kanyang kaibigan na si Sam. Nagtataka siya kung bakit nauulit pa rin ang mga nangyayari kung ang pagkakaalam nito ay wala na ang nais pumatay sa kanya. Binahagi ni Haley kay Sam ang mga nangyayari sa kanya. Mga ilang saglit, may surpresang inihanda si Sam na tila walang epekto sa kanya ang mga sinabi ni Haley. Nilabas niya ang isang cake at binati nito ng “Happy Birthday Haley!”. Nakangiti si Haley at sinubakan tikman ang cake ngunit may naamoy siyang kakaiba. Tumingin siya kay Sam at tinapon ang cake sa harap nito. “Umamin ka Sam may kinalaman ka ba sa mga nangyayari sa ken?”, pagalit na tanong ni Haley kay Sam. Ngumiti si Sam at umamin ito sa kanya, “Ngayon alam mo na ang totoo, siguro ako na ang dapat magtuloy”. Nag-away sila sa loob ng kwarto gamit ang sarili nilang mga lakas. Unti unting nasira ang mga gamit. Biglang kumatok si Kath at pasigaw niyang sinabi, “ Haley, Sam buksan niyo ang pinto! Anong nangyayari dyan sa loob?”. “Umalis ka na Kath, di ka pwedeng madamay dito”, sagot ni Haley. Tumabok si Kath paalis ng dorm habang umiiyak at tumawag ng pulis. Nais ni Sam na mawala si Haley dahil sa inggit at selos. Maraming kaibigan si Haley at sikat pa ito sa buong University gayun din ang lalaking matagal niya nang gusto na si Brandon na may gusto kay Haley. “Wala kang dapat ikainggit at selos sa ken dahil hindi ko gusto si Brandon!”, sigaw ni Haley. “At bakit ako maniniwala sayo? Tuwing lalapit sayo si Brandon halos ayaw mo nang humiwalay sa kanya!”, sagot ni Sam. “Please tigilan na naten to! Wag naman sana ito ang maging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan naten”, nagmamakaawang sinabi ni Haley. “Matitigil lang ito kung mawawala ka na Haley!”, sigaw ni Sam. Mabilis na lumapit si Sam kay Haley upang itulak ito sa balcony ngunit umilag si Haley at si Sam ang muntik nang mahulog.
Dumating ang mga pulis kasama ang lalaking naka maskara at doon natuklasan ni Haley na ang lalaking ito ay si Brandon, kasabwat ni Sam. Malaki din ang galit ni Brandon kay Haley dahil hindi siya nito magawang magustuhan at mahalin gaya ng pagmamahal nito sa kanya. Dinala ng mga pulis ang dalawa sa prisinto. Si Kath at Louie naman ay alalang alala sa nangyari. Agad nilang niyakap si Haley at tinanong, “Okay ka lang ba Haley?”. “Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang tinuring kong matalik na kaibigan, siya pa ang sisira sa aken”, paiyak na sagot ni Haley. “Tara, dadalhin ka namin sa ospital upang magamot ang mga sugat mo”, sabi ni Louie.
Bagong umaga, tumutunog ang alarm clock, gumising si Haley ng sakto 8 ng umaga. Malik-matang nakita si Sam at Brandon. Napasigaw siya ng malakas dahil sa pag aakalang naulit muli ang kanyang panaginip at kabadong lumabas ng pinto ng kanilang kwarto. Paglabas niya, sumigaw ang lahat ng “Happy Birthday Haley!”. Nakita niya si Louie na may hawak na cake at si Kath na naghagis ng confetti at iba pang mga kaibigan nito. Gulat na gulat si Haley at bigla itong napaiyak sa tuwa.